noveltoon logo noveltoon
Ymar Stroam (Possessive Series 7)

Chapter 20

Ch. 20 / 24 Apr 09, 2022

HER MOTHER was right. She was not good in dealing with heartaches. Alam din iyon ni Czarina. The last time her heart got broken, she bought the whole building where her clinic was located and she moved and brought a house in Bachelor’s Village. Ganoon siya mag-cope. Binabaling niya sa iba ang kanyang atensiyon para hindi lalong masaktan.

And now, her attention was focused on something else.

Tiningnan niya ang mga papeles na nasa dashboard ng sasakyan. Kalalabas lang niya galling ng DFA. Inasikaso niya ang visa papuntang US. At dahil doon nagtatrabaho ang kaibigan ng daddy niya ay agad na naayos ang kanyang mga papeles.

She decided to accept her parents’ offer to migrate to the US and be with them. Makakatulong iyon para makalimutan niya si Ymar. Dahil hanggang magkapitbahay silang dalawa, lalo lang siyang mahihirapang makalimutan ito.

At siyempre, bago siya umalis ng bansa ay kailangan niyang asikasuhin ang annulment nila.

Lumabas siya ng kotse saka pumasok sa Yilmaz Law Firm. Isa ang YLF sa mga kilalang law firm sa bansa kaya ang firm ang kanyang kinuha bilang representative niya. Hindi naman sa kanya problema ang pera.

Nang makarating sa opisina ni Atty. Evren Yilmaz, agad siyang pinapasok ng sekretaryo nito.

“Good morning, Mrs. Stroam,” agad na bati sa kanya ni Atty. Yilmaz at nakipagkamay. “Have a seat.”

Tumango si Czarina saka umupo sa visitor’s chair at humarap sa abogado. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy. Your secretary told me that you already read my second case. Gusto kong malaman kung gaano katagal ang annulment process at kung ano’ng kailangan kong gawin para maaprubahan `yon.”

Ilang segundo siyang tinitigan ni Atty. Yilmaz saka tumango-tango pagkatapos niyang magsalita. “Annulment is a long process.” Mayamaya ay inisa-isa nito ang grounds for annulment. “We can use fraud or force to get married but it’s still subject to court investigation. Now let me ask you, Mrs. Stroam, would your husband agree to annul your marriage?”

Mabilis siyang tumango. “Yes. He will.”

“Are you sure?” Parang hindi ito naniniwala sa kanyang sagot.

“Yes.”

“Okay.” Atty. Yilmaz handed her an envelope. “Nasa loob niyan ang papeles na kailangan niyang pirmahan. Kung pipirma siya, wala tayong problema. Pero kung hindi, sa susunod, kasama mo na akong kakausap sa kanya at aabot tayo sa korte.”

Tumango siya saka tinanggap ang envelope. “Thank you. I’ll return this tomorrow. With his signature.”

Ngumiti ng misteryoso si Atty. Yilmaz na ikinakunot ng kanyang noo. “Good luck, Mrs. Stroam. Sana nga pumayag ang asawa mo. I heard that he’s a very stubborn man.”

“Kilala mo ang asawa ko?”

Atty. Yilmaz nodded. “Medyo malayo ang bahay ko sa bahay n’yo pero nasa iisang village lang tayo nakatira.”

“Oh.” Tumayo siya at nagpaalam na. “Sige, aalis na ako.”

Nang makalabas siya ng opisina ni Atty. Yilmaz ay dumeretso si Czarina sa elevator at nagpahatid sa ibaba. Nang makalabas ng building ay agad siyang sumakay sa kotse at tinawagan si Ymar.

“Nasaan ka?” agad niyang tanong nang sagutin nito ang tawag. “I need to speak with you.”

“In a board meeting—”

“I’ll be in your office in thirty minutes.” Pagkasabi niyon ay pinutol niya ang tawag at binuhay ang makina ng sasakyan.

Nang makarating sa YS Pharmaceuticals ay agad niyang pinuntahan ang opisina ni Ymar at hinarap ang secretary nito. “I don’t have an appointment but I’m Czarina Salem.”

Ngumiti ang babae at iminuwestra ang kamay sa pinto. “Mr. Stroam is waiting for you.”

Tumango siya saka pumasok sa pintong itinuro nito. Agad na nagtama ang mga mata nila ni Ymar at bumilis na naman ang tibok ng kanyang puso.

Sperm! Kailan ba titigil ang puso niya sa pagtibok para sa lalaki?

“Czarina—”

“Sign this.” Inilapag niya ang mga papeles para sa annulment nila. “It’s our annulment.” Imporma niya kay Ymar na nakatingin lang sa kanya. “Pirmahan mo na. Sabi ng attorney ko, makakatulong na maaprubahan agad ang annulment natin.”

Ymar didn’t move. He just sat there, staring intently at her.

“Mr. Stroam, please sign—”

“I don’t want to.”

Kumunot ang noo ni Czarina at lalong naguluhan sa sinabi nito. “Hindi ba ito ang gusto mo? Para magkasama na kayo na Tatiana?”

“I never said that.”

Tumalim ang kanyang mga mata. “Hindi mo nga sinasabi pero nakikita ko naman.” Malakas siyang bumuntong-hininga. “Look, just sign it and let’s get this over with. Wala akong oras para pilitin ka. I can still file an annulment without your approval.”

“I don’t want an annulment,” pagmamatigas ni Ymar saka tumayo at naglakad palapit sa kanya. “What I want is to talk to you.”

Umiling siya. “Ayoko nang makipag-usap sa `yo. I won’t get swayed by your sweet words anymore. Never—”

He stopped an inch away from her and her breathing stopped as her heartbeat raced like crazy.

“Let’s talk, Czarina.”

Pinatalim niya ang mga mata. “Ano pa ba ang pag-uusapan natin? Wala naman na, `di ba—”

“The baby—”

“—is mine,” pagtatapos niya sa sasabihin nito.

“The baby is mine as well, Czarina,” may diin nitong sabi. “Bakit ba ayaw mo akong kausapin?”

“Bakit? Kinausap mo ba ako noong ako ang gustong makipag-usap sa `yo?”

“I was jealous,” mahina nitong sabi na ikinatigil niya. “I was so fucking jealous.”

Kumuyom ang kanyang kamay. “At sapat na ba `yon para iwan mo ako at isama si Tatiana sa Taiwan?”

Tinitigan siya ni Ymar. “Hindi mo talaga ako paniniwalaan o pakikinggan kahit ano’ng sabihin ko…”

Mapait siyang ngumiti. “Hindi mo rin naman ako pinakinggan nang gusto kong magpaliwanag kaya patas lang tayo.” Tiningnan ni Czarina ang annulment paper na nasa ibabaw pa rin ng mesa nito. “Just sign it, Ymar. I’ll be leaving for the US soon.”

Kumislap ang gulat sa mga mata ni Ymar. “Aalis ka? P-paano ang clinic mo?”

“I’m selling the whole building.”

Natahimik ito mayamaya at bumulong. “Iiwan mo ako?”

Nag-iwas siya ng tingin. “Oo.”

“Bakit?” Pilit na hinuhuli ni Ymar ang kanyang mga mata. “Sabi mo hindi mo ako iiwan…”

Nanunumbat na tumitig siya sa mga mata ng asawa. “Ikaw ang unang nang-iwan.”

“I was jealous… and I regretted it.”

Umiling si Czarina. Grabe ang bilis ng tibok ng puso niya. “I won’t get swayed by that anymore,” sabi niya saka mapait na ngumiti. “Doon ka na lang kay Tatiana. Mukha namang mas gusto mo siya kaysa sa `kin.” Pagkasabi niyon ay naglakad siya paalis ng opisina ni Ymar. Pero bago pa siya makalabas ay narinig niyang nagsalita ulit ang asawa.

“That’s not true,” sabi nito. “Ikaw ang gusto ko,” pabulong nitong sabi pero rinig na rinig niya iyon. “I would never kiss Tatiana like how I kiss you, like my lifeline depends on it. I would never make love to Tatiana like she’s the most important woman in my life. I would never say please to my friend just so he would buy Tatiana’s favorite food because she’s craving for it. I would never ask Tatiana on a date. I would never ask Tatiana to marry me. I would never ask Tatiana to not leave me. I would never ask Tatiana to pretend to be my fiancée. I would never get jealous if I see Tatiana kissing someone. And I would never… never, ever, love Tatiana like how much I love you. Tatiana would never own my heart because you already own it.”

Napaawang ang mga labi ni Czarina sa huling sinabi ni Ymar.

The three magic words. The words that she had been waiting to hear from Ymar. Dapat maging masaya siya, dahil may katugon ang nararamdaman niya, pero bakit lalo lang na nadagdagan ang sakit sa kanyang puso.

Huminga siya nang malalim saka nilingon ang asawa. “You let Tatiana stay in your house for weeks now. You took her to Taiwan and you cancelled on me because of her. So I’m sorry if I’m doubting your love for me. Kasi kung mahal mo ako, hindi mo ako sasaktan. Hindi ka magsisinungaling sa `kin.”

Naglakad palapit sa kanya si Ymar saka masuyong yumakap sa baywang niya at isinubsob ang mukha sa kanyang balikat.

“Please don’t leave me.” Nagmamakaawa ang boses nito. “I’m so sorry kung umalis ako ng Taiwan. I’m so sorry kung tiniiis ko ang sarili na kausapin ka kahit miss na miss na kita. I’m so sorry… I’m so sorry… I’m really sorry. Gagawin ko ang lahat, huwag mo lang akong iwan. Please, Czarina… huwag mo akong iwan… huwag kang umalis…”

Binaklas niya ang mga braso ni Ymar na nakayakap sa kanya saka malalaki ang hakbang na lumabas siya ng opisina ng asawa. Napahawak siya sa puso nang makasakay siya ng elevator.

You can do this, Czarina. Don’t get swayed by his sweet words! Hindi `yon ang kailangan mo! Hindi!

Huminga siya nang malalim at wala sa sariling napahawak sa balikat kung saan isinubsob ni Ymar ang mukha nito.

It was soaked.

Kunot ang noong bumaba ang tingin niya sa balikat saka sinuri iyon.

Basa talaga. Did Ymar cry?

Parang may kumurot sa kanyang puso.

No! Marahas siyang umiling. Don’t get swayed, Czarina. Tama na ang pagtatanga-tangahan.

Pero kahit iyon ang pilit na sinasabi niya sa sarili, hindi mawala sa isip niya na umiyak si Ymar para manatili siya.

Maybe, he was telling the truth, maybe he did love her.

ILANG minutong nakatitig lang si Czarina sa bahay ni Ymar habang nag-iisip kung papasok ba siya o hindi. Kailangan niyang kunin ang mga damit niya at travelling bag sa closet nito. Ilang beses siyang huminga nang malalim bago nagawang maihakbang ang mga paa palapit sa pinto.

Hindi naman niya makita ang kotse ni Ymar kaya siguradong wala doon ang asawa.

Nagsalubong ang mga kilay ni Czarina nang pihitin niya pabukas ang pinto at hindi iyon naka-lock. “May tao ba sa loob?” tanong niya sa sarili.

Nagdadalawang-isip man ay pumasok pa rin siya pero natigilan din sa paghakbang nang makita si Ymar na nakahiga sa mahabang sofa, nakapatong ang isang braso sa noo at parang malalim ang iniisip habang nakatitig sa kisame.

Tumikhim siya para kunin ang atensiyon nito.

Agad itong napabalikwas nang makita siya. “Czarina…”

Itinuro niya ang second floor. “Kukunin ko lang ang trolley ko at ibang damit.”

Ilang segundo siyang tinitigan ni Ymar bago umalis ng hagdanan. “It’s in my room.”

“I know.” Umakyat siya sa hagdanan papunta sa second floor.

Habang tinatahak ang daan papunta sa kuwarto ni Ymar ay napansin niyang nakasara ang kuwarto ni Tatiana at parang walang tao sa loob ng bahay.

Kunot ang noong pumasok siya sa kuwarto ni Ymar saka pumunta sa closet nito. Matapos ilagay ang lahat ng gamit sa trolley ay lalabas na sana siya nang makita niyang nakasandal si Ymar sa hamba ng pinto ng kuwarto nito.

Their eyes met.

Tumikhim siya. “Nasaan ang mommy mo? Magpapaalam lang ako sa kanya.”

“Bumalik sa New York. May emergency daw,” sagot nito.

So Ymar and Tatiana had the house to themselves. Jealousy crept in. “Si Tatiana?”

“Umalis na. Noong isang araw pa.”

“Bakit?”

“Pinalayas ko.”

Napaawang ang mga labi ni Czarina sa sinabi nito. “A-ano?” Masama ba siyang tao dahil nakaramdam siya ng kasiyahan sa sinabi ng asawa. “B-bakit?”

“She did something unforgivable,” sagot ni Ymar na nagpa-curious sa kanya.

“Ano ba’ng ginawa niya?”

“Hindi ka naman maniniwala kung sasabihin ko,” sabi nito saka bumaba ang tingin sa trolley niya. “Iiwan mo na talaga ako?” walang buhay na tanong ni Ymar.

Tumango siya. “Okay na ang visa ko, may plane ticket na rin ako.”

Gumalaw ang mga panga nito. “Kailan ka aalis?”

“Next week,” sagot ni Czarina saka akmang lalampasan ito nang humarang si Ymar sa kanyang daraanan. “Ymar, please, let me pass,” pakiusap niya.

Hindi umimik si Ymar. Umangat ang kamay nito para haplusin ang sinapupunan niya habang masuyo ang emosyon sa mukha nito.

“Baby, wait for daddy…” Then he looked up at her. “Kailangan pang mag-isip ni Daddy ng paraan para hindi ako iwan ng mommy mo. But don’t worry, hindi ko siya hahayaang iwan ako.”

“Ymar—”

“May isang linggo pa ako bago ka umalis, Czarina.”

Umiling siya. “Nothing will change.”

“I can be very persuasive.”

“Ymar, just let me leave,” nakikiusap niyang sabi.

“I can’t,” pabulong nitong sagot saka masuyong sinapo ang kanyang mukha. “Pinagsisihan ko ang pag-alis ko papuntang Taiwan na hindi tayo nagkakaayos.” Hinaplos nito ang pisngi niya. “I realized how irrational I was because of my jealousy. I was scared that you might leave me for your ex.” His eyes were full of guilt. “At nang makabalik ako, gulong-gulo pa rin ako. Ilang araw kitang hindi kinausap kasi may gusto akong linawin sa sarili ko.”

“And those days were like torture to me…” she whispered, her eyes watering.

“I’m sorry…” Tinuyo ni Ymar ang gilid ng kanyang mga mata. “I’m so sorry. I’ll make it up to you. Hindi na ako maguguluhan dahil sigurado na ako sa sarili ko na mahal kita. And I will prove it to you.”

“I’m leaving next week, Ymar,” ulit ni Czarina.

“Then I have one week to prove to you that I love you.”

“Bahala ka…” sagot niya saka tuluyan nang nilampasan ang asawa at umalis sa bahay nito.

Nang makabalik si Czarina sa sariling bahay ay nasapo niya ang dibdib. Naramdaman niya ang mabilis na pagtibok ng puso.

Her heart was still beating for Ymar. Bakit ba hindi napapagod ang puso niyang mahalin ang lalaki? Kahit nasasaktan ay mahal pa rin niya ang asawa.

Paano ba iyon mawawala?