“OKAY, class, be ready for your finals next week. Dismiss,” sabi ng professor ni Czarina sa subject niyang Psychiatry.
Finals na pala next week. Mukhang makikibaka na naman siya sa mga eye bags dahil sa puyatan.
Naghikab siya bago tumayo at naglakad palabas ng classroom. Nang makasakay sa kotse niya ay nagmaneho siya papunta sa paboritong puntahang café mula nang lumipat siya sa Bachelor’s Village. Malapit lang kasi sa village ang establisimyento at masasarap talaga ang pagkain doon. Nasa parking lot pa lang siya ng Sweet Monday Café at papalabas sa kanyang sasakyan nang makita ang dalawang taong ayaw na niyang makita.
Si Roy at ang girlfriend nitong si Lyka, papasok sa café.
Kumunot ang noo ni Czarina at puno ng iritasyong bumuga ng marahas na hininga. Bakit ba palaging nagkukrus ang landas nilang tatlo? Siya na nga itong umiiwas pero talagang palabiro ang tadhana dahil palagi silang nagkikita-kita. Sa dami ng café sa lugar, bakit sa Sweet Monday Café pa pumunta ang dalawa? Malapit lang ba ang bahay ng babaeng iyon sa Bachelor’s Village? Kasi noong nag-grocery siya, nandoon din ito. Did she live in this area?
Umirap siya saka taas-noong naglakad papasok sa café. This was her new favorite café. Hindi siya makakapayag na hindi dito kumain dahil lang sa dalawang iyon. Nang makapasok sa loob, agad siyang lumapit sa counter at um-order ng latte. Inilabas niya sa bag ang banana chips na baon niyang hindi na nakain.
Nang makuha ang order ay inilabas ni Czarina ang notepad na nasa bag at tiningnan ang schedule niya bukas. Mukhang marami siyang pasyente. Siya na talaga ang palaging busy. Kailangan na niyang bigyan ng korona ang sarili sa pagiging abala palagi.
Her thoughts about work instantly flew away when she heard that annoying voice.
“Sinusundan mo ba kami ng boyfriend ko?” Si Lyka iyon.
Mariing ipinikit ni Czarina ang mga mata saka bumuntong-hininga bago tiningala ang babaeng nasa harap niya.
“Nananahimik ako rito sa mesa ko. Puwede ba, huwag mo akong istorbuhin. At bakit ko naman kayo susundan, ha? I have better things to do than follow you two around. Hindi naman kayo mga interesanteng tao para pag-ukulan ko ng oras—”
“Because you’re bitter,” putol ni Lyka sa pagsasalita niya. “Bitter ka dahil hindi mo matanggap na pinagpalit ka ni Roy.”
Tumaas ang kilay ni Czarina at napapantastikuhang tumitig kay Lyka. “Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Do I look bitter?”
Tumalim ang mga mata ng babae. “Akala mo siguro hindi ko mahahalata, `no? I know you want my Roy back. Hindi kita hahayaan. Hindi mo maaagaw si Roy sa `kin, he’s mine—”
“Lyka, tama na,” saway ni Roy na bigla na lang sumulpot sa tabi ni Lyka. “Pinagtitinginan na kayo—”
“Eh, ano naman ngayon?” Dinuro siya ni Lyka. “Itong babaeng `to kasi. Alam kong sinusundan niya tayo. Maybe because she’s planning to steal you from me.”
Magkasalubong ang mga kilay na tumingin sa kanya si Roy. “Cza, puwede ba, huwag mo kaming sundan. Alam ko namang hindi maganda ang paghihiwalay natin pero hindi na ako babalik sa `yo. Tigilan mo na `to. Hindi rin ako naniniwalang coincidence lang ang pagkikita natin sa club. `Yong pagkikita n’yo ng girlfriend ko sa grocery at ang pagkikita nating tatlo ngayon. What do you want to prove, Cza? Tapos na tayo.”
Hindi makapaniwalang umawang ang mga labi ni Czarina sa mga sinabi ni Roy habang hindi makapaniwalang nakatitig dito. “A-ano ba ang pinagsasasabi mong hinayupak ka? Ayoko rin naman sa `yo. Ilusyunado ka—”
“Come on, Cza. Don’t deny it,” may diin nitong sabi at lalo silang pinagtitinginang tatlo. “I know you still want me back—”
“Hey, banana.” A deep baritone voice interrupted Roy. “Kanina ka pa ba?” It was Ymar and he was walking towards her with a darn sexy smile on his lips. “Sorry, nasa bahay kasi ang mga kaibigan ko kaya hindi ako kaagad nakapunta rito.” Dumukwang ito nang makalapit sa kanya at walang sabi-sabing inangkin ang mga labi niya pero kaagad din iyong pinakawalan saka siya kinindatan. “Miss me?”
Her heart was palpitating. “Ahm…” Nablangko ang isip ni Czarina sa halik at sa tinanong nito. “Ah… Hmm… I— Yeah… I m-miss you.”
Amusement filled Ymar’s eyes. “Really?” Nakapatong ang kamay nito sa gilid ng mesa at nakadukwang pa rin sa kanya, malapit pa rin ang mukha nila sa isa’t isa. “I miss you, too.”
Parang tumigil sa pagtibok ang puso ni Czarina at nakalimutan ang huminga. Alam niyang nagpapanggap lang si Ymar pero bakit ganoon ang epekto ng lalaki sa kanya?
And to her shock, his lips pressed against hers again. This time, he was moving his lips, kissing her softly. At hindi niya mapigilan ang mapapikit at tugunin ang banayad nitong paghalik sa kanya.
Nang maghiwalay ang mga labi nila, parang nagniningning ang mga mata ni Ymar sa saya. Parang sasabog ang puso niya sa sobrang emosyong nararamdaman pero pilit niyang pinapaalala sa sarili na nagpapanggap lang si Ymar.
Tumuwid ng tayo ang lalaki saka humarap kay Roy at Lyka na nakamaang sa kanila.
“Do you have some business with my girlfriend?” tanong ni Ymar sa walang emosyong boses. Wala na ang matamis nitong ngiti na nagniningning sa masayang mga mata. “Kung wala naman, makakaalis na kayo. Nakakaistorbo kayo, eh.” Umupo si Ymar sa bakanteng upuan sa tabi niya saka nakangiting bumaling sa kanya. “Have you eaten? Nasaan ka ba buong araw? I was looking for you. You didn’t even tell me where you were going. Is that how you treat your boyfriend?”
Sasagot sana si Czarina nang makita niya mula sa gilid ng mga mata ang padaskol na paghawak ni Roy sa kamay ni Lyka at hinila ang babae pabalik sa mesa ng mga ito, parehong hindi maipinta ang mukha. Dahil siguro napahiya.
Ang kakapal ng mukha na sabihing sinusundan niya ang mga ito!
Iritadong napailing si Czarina saka biglang natigilan nang maramdamang may lumapat na malambot na labi sa kanyang mga labi.
Napakurap-kurap siya nang pakawalan ni Ymar ang mga labi niya.
“A-ano’ng—”
“You’re with me, Czarina,” mahina at pabulong nitong sabi. “At sa mata ng lahat ng nakarinig sa `kin, boyfriend mo ako. So your eyes should only be mine. Sa `kin ka lang dapat tumingin at ako lang dapat ang tititigan mo. Because at this moment, you’re mine. And every time I see you looking at them, I will kiss you. And I’m not bluffing.”
Napatitig siya kay Ymar na matiim na nakatingin sa kanya. “B-bakit mo ba ako tinutulungan?”
“I don’t know.” Nagkibit-balikat ito saka hinaplos ang kanyang pisngi saka inilapat na naman ang labi sa mga labi niya saka bumulong. “Totoo ang sinabi ko. Kanina pa kita hinahanap.”
Binigyang distansiya ni Czarina ang mga mukha nila saka nagtatanong na tumitig sa lalaki. “Bakit?”
“I don’t know… I just want to see you, I guess.”
Parang lalabas ang puso niya sa dibdib at halos naririnig niya ang malakas na pagtibok niyon. Could Ymar hear it, too?
“Ahm…” Tumikhim siya. “Ah…y-you want to order something?” pag-iiba niya ng usapan.
“Yeah, sure.” Tumayo si Ymar saka nakangiting naglakad papunta sa counter.
At habang nakatitig siya sa likod ng lalaki, pilit na pinapaalala ni Czarina sa sarili na nagpapanggap lang ito. Nagpapanggap lang sila. And that kiss… that kiss meant nothing. It was just a kiss. To make everyone believe.
Just a casual kiss. Nothing more and nothing less.
“`Yan na ba ang hapunan mo?” tanong sa kanya ni Ymar nang makabalik sa mesa nila. May dala itong dalawang slice ng banana cake at banana smoothie.
Bigla siyang natakam sa in-order nitong pagkain.
“That’s your dinner?” ulit ni Ymar nang hindi siya sumagot habang nakatingin ito sa pagkain niya sa ibabaw ng mesa. A latte and one pack of banana chips.
“Oo. Bakit?” nagtatakang tanong niya sa lalaki.
Bumuga ng hangin si Ymar at umupo sa kanyang tabi. Inilagay nito sa ibabaw ng mesa ang in-order na pagkain. And then Ymar took a forkful of banana cake and put the fork over her mouth.
“As a doctor, dapat alam mo ang masustansiyang pagkain na kailangan ng katawan mo,” sabi nito habang sinusubuan siya at wala sa sariling nagpapasubo naman dito. “At saka, nasaan na pala ang kumot ko na kinidnap mo? Hindi mo pa binabalik sa `kin. Saka `yong t -shirt ko, pakilabahan tapos ibalik mo.”
Nakatanga si Czarina kay Ymar at nag-iisip kung nagpapanggap pa rin ba ang lalaki o hindi na. Naguguluhan siya.
“Oh?” Ymar frowned at her. “Nakikinig ka ba sa `kin, Miss Banana?”
Napakurap-kurap siya. “M-Miss Banana?”
Tumaas ang dalawang kilay ni Ymar. “Hindi ba? Mahilig ka naman sa saging kaya ikaw na si Miss Banana. Kung ayaw mo sa Miss Banana, sige, B1 na lang.”
Sinimangutan niya ang lalaki. “Puwede ba, Ymar. Tigilan mo ako baka masapak kita nang wala sa oras. Stress ako ngayong araw kaya puwede bang huwag mo akong inisin?”
And in a slow motion, Ymar’s lips formed into a sexy smile.
Napakapit siya sa gilid ng mesa. Shit! Lumilindol ba o nilindol ang puso niya sa ngiting iyon?
At tulad ng malakas na lindol, nagkaroon ng aftershock. Ymar’s sexy smile turned into sexy chuckle. Pakiramdam niya ay kinapos siya ng hininga sa simpleng ngiti lang nito.
Tiningnan niya nang masama si Ymar. “Bakit ka ba ngumingiti riyan?” mataray niyang tanong. “Wala naman na `yong dalawang makakapal ang mukha. Hindi mo na kailangang magpanggap—”
Natigilan si Czarina sa pagsasalita nang dumapo ang kamay nito sa gilid ng labi niya at parang may pinunasan. “There. Sinusubuan ka na nga, makalat ka pa ring kumain,” komento nito.
Napakurap-kurap siya kay Ymar, naguguluhan na talaga siya. “Are you pretending or not?” hindi niya mapigilang tanong.
Bigla na lang inilapit ni Ymar ang mukha sa mukha niya saka walang sabi-sabing inangkin ang kanyang mga labi. Isa iyong banayad na halik na wala sa sariling tinugon niya habang ang mga kamay nito ay nakapatong sa kanyang mga hita. At nang maghiwalay ang mga labi nila, bumulong si Ymar habang titig na titig sa kanya.
“What if I said I’m not pretending? Ano’ng gagawin mo?”
“Pinaglololoko mo ba ako?” Sa halip na sagutin ito ay nagtanong siya saka binigyang distansiya ang mukha nila. “Pinaglalaruan mo ba ako, Mr. Stroam?”
Umiling ito saka ngumiti. “I just took my CS vitamin, that’s why I’m like this.”
Napakurap-kurap si Czarina sa kaharap. “Anong vitamin CS?”
“Vitamin in Tagalog, bitamina.” Puno ng sarkasmo ang boses nito. “Naiintindihan mo na?”
Inirapan niya si Ymar. “Pinagloloko mo naman ako, eh. I’m a doctor at wala pa akong naririnig na ganyang vitamin.”
“And I’m the best chemist in Asia and I make medicines. Makikipagtalo ka pa?”
Inirapan na naman niya si Ymar. “Manahimik ka na lang at subuan mo ako,” she demanded.
Naiiling na sinunod nito ang kanyang sinabi. Sasamantalahin na niyang may bitamina pa ito sa katawan. Baka mamaya snob na naman ito. Bitamina sa katawan? Why did it have a green connotation in her head? Parang iba ang naiisip niya sa ibig sabihin ng bitamina sa katawan? Napailing-iling siya sa naiisip. Umandar na naman ang pagiging kulay berde ng utak niya.
“Say, ah…” sabi ni Ymar na gumising sa naglalakbay niyang diwa.
Agad niyang ibinuka ang bibig saka tinanggap ang pagkain na sinubo nito sa kanya. Nahihiwagaan talaga siya sa inaakto ng lalaki. Was he pretending or not? Mukhang wala naman nang pakialam sa kanila ang ex-boyfriend niya at ang girlfriend nito, so why put on a show? Gusto niyang sabihin kay Ymar na tumigil na sa pagpapanggap na sweet sila pero hindi naman magawa.
Sumasaya ang puso ni Czarina sa ginagawa ni Ymar. Maybe because she was attracted to him, that was why.
Napatitig siya sa lalaki na walang imik na sinusubuan siya. Nang magtama ang mga mata nila, kinindatan siya dahilan para magwala ang puso niya.
“Hindi ito ang tamang pagkain para sa hapunan,” sabi ni Ymar. “Doon ka sa bahay ko maghapunan. Ipagluluto kita.”
Nanatili siyang tahimik na nakatitig sa lalaki, mayamaya ay hindi niya mapigilang magtanong. “Nagpapanggap ka ba? Hindi mo naman kailangang gawin `yon—”
“I’m not pretending—”
“Then what are you doing?”
He shrugged. “I don’t know.”
Pareho silang natahimik pagkasabi niyon ni Ymar. Hanggang sa maubos niya ang banana cake, banana chips, latte at banana smoothie, pareho pa rin silang walang imik.
And as they walked side by side towards their house, silence consumed them. Until Ymar broke it.
“We’re here,” anunsiyo nito.
Napatigil si Czarina sa paglalakad saka humarap sa bahay niya na hindi man lang namalayang nakarating na pala sila.
“Pasok ka na.”
Walang imik siyang tumango saka pumasok sa gate at naglakad papunta sa pinto ng kanyang bahay. Sinusubukan niyang hindi isipin si Ymar habang naglalakad pero hindi niya magawa.
She was lost in her own world, and her mind was in a turmoil when a hand gripped her arm. Nahigit ni Czarina ang hininga nang bigla na lang siyang pinihit ng kung sino man ang humawak sa kanyang braso at isinandal siya sa pinto ng bahay niya.
Bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang makitang si Ymar iyon.
“You—B-bakit… a-ano’ng ginagawa m-mo—”
He crashed his lips against hers, sliding his tongue inside and sucking hers. Walang Roy o Lyka na makakakita sa kanila, kaya bakit siya hinahalikan ni Ymar? Pero habang gumagalaw ang mga labi ng lalaki, nawala ang maraming katanungan sa isip niya at nag-umpisa na siyang galugarin ang mga labi nitong ekspertong gumagalaw.
Nakapikit ang mga mata ni Czarina habang lumalaban ng halik kay Ymar. Iniyakap niya ang mga braso sa leeg nito saka sabay silang pinalalim ang halikang pinagsasaluhan.
Kapos ang hininga pero lalong nag-apoy ang halikan nila ni Ymar, lalong naging mapusok lalo na nang maramdaman niya ang kamay nitong naglalakbay sa kanyang katawan.
Isang mahinang halinghing ang kumawala sa mga labi niya nang iwanan ni Ymar ang kanyang mga labi para pagapangin ang labi nito pababa sa kanyang leeg.
Nag-apoy ang katawan ni Czarina sa ginawa ni Ymar. Pinaghalong kiliti at init ng katawan ang namayani sa kanyang kaibuturan.
She felt breathless and her mind was blank.
Then Ymar whispered over her ear. “Bayad mo `to para doon sa ginawa ko sa `yo sa grocery.” Pagkasabi niyon ay ginawaran siya ni Ymar ng halik sa mga labi na tumagal ng ilang segundo saka nakangiting umatras at kinindatan siya bago naglakad palayo sa kanya.
Nanginginig ang kamay na binuksan ni Czarina ang pinto ng bahay saka maliliit ang hakbang na naglakad papasok. Nang maisara ang pinto, napasandal siya roon saka napahawak sa kanyang mga labi.
That was one hell of a kiss.
Napadausdos siya paupo sa sahig saka mariing ipinikit ang mga mata.
Bayad mo `to para doon sa ginawa ko sa `yo sa grocery.
Ipinilig ni Czarina ang ulo. Walang dahilan para maramdaman niya ang ganoon. Bayad lang naman ang halik na iyon sa ginawa ni Ymar sa grocery store.
But why did her heart beat like crazy?
Marahas niyang ipinilig ang ulo saka napaigtad nang marinig na tumunog ang kanyang cell phone.
It was her mother.
Agad niyang sinagot ang tawag habang nakaupo pa rin siya sa sahig.
“Baby, kumusta ka na riyan? Ang matris mo, buo pa ba?” tanong agad ng kanyang ina nang sagutin niya ang tawag.
Napailing si Czarina, hindi mapigilan ang hindi mapangiti dahil sa tanong nito. “Mommy, buo pa po ang matris ko at nakaselyo pa ang bataan. Isa pa rin akong dalagang Pilipi—”
“At the age of twenty-nine?!” Her mother gasped. “Baby naman, eh. You’re at the right age to make babies! Please naman, anak, pagbigyan mo na kami. Kung ayaw mong sumama rito sa amin ng daddy mo sa Canada, ayos lang. But please, bigyan mo naman kami ng apo!”
“Mommy naman, eh! Wala pang willing na sperm donor.”
“Asus! Maghanap ka!”
Biglang pumasok sa isip niya si Ymar. Willing kaya itong maging sperm donor? Napailing-iling siya saka sinabunutan ang sarili. Ano ba itong pinag-iisip ko?
Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sahig saka naglakad palapit sa mahabang sofa saka nahiga habang kausap pa rin ang ina sa cell phone.
“Mommy, kumusta na kayo ni Daddy diyan?” tanong niya.
“Ayos lang naman kami, baby. Ikaw ang inaalala ko. Mag-isa ka lang diyan sa Pilipinas,” sagot ng kanyang ina na may pag-aalala sa boses. “Okay ka naman ba riyan?”
“Okay na okay po.” She missed her parents though.
Napabuntong-hininga ang kanyang ina. “Anak, kailangan mo nang mag-asawa para may makasama ka riyan sa Pilipinas. Malapit nang lumampas sa kalendaryo ang edad mo, eh.”
“Mommy, ano naman ang kinalaman ng kalendaryo sa pag-aasawa ko?”
“Baka nakakalimutan mo, may usapan tayo,” sabi nito sa nananakot na boses. “Kapag hindi ka pa nagkaanak sa edad na treinta, pupunta ka na rito sa Canada at dito ka na maninirahan kasama namin. Kaya kita hinayaang diyan na mag-isa sa Pilipinas dahil sa usapang `yan. Pero dalawang taon na ang nakakaraan, wala pa rin akong apo at manugang. Bilis-bilisan mo.”
Czarina grimaced in annoyance. Oo nga pala. That freaking deal again.
“Update kita, Mommy, kapag may laman na ang matris ko,” sabi niya.
“Ewan ko sa `yong bata ka. Sige, paalam na,” sabi ng ina na parang napipilitan lang. “Tatawag ako para magtanong ulit. You know how much I value our deal, Czarina. Nangako kang kapag wala ka pang anak at asawa sa edad na treinta ay sasamahan mo kami rito sa Canada. And you know how much I value promises.”
“I know, Mommy. `Love you.”
“`Love you, too, baby.”
Napatitig si Czarina sa kisame nang maputol ang tawag. Miss na niya ang kanyang mga magulang pero ayaw naman niyang pumunta sa Canada para doon na magtrabaho. Okay na siya rito sa Pilipinas. Maayos na ang kanyang lagay. Bakit naman kasi naisipan pa niyang makipag-deal noon sa mga magulang para hayaan siya ng mga ito.
And Czarina knew that she couldn’t break her promise. Alam niya kung gaano pinapahalagahan ng kanyang mga magulang ang salitang pangako. At alam niyang masasaktan ang mga ito kapag hindi niya tinupad ang pangako.
Napaigtad siya at naputol ang pagmumuni-muni nang may kumatok sa pinto ng kanyang bahay.
Tinatamad na bumangon si Czarina at binuksan ang pinto. Natigilan siya nang makita si Ymar na may dalang isang malapad na pinggan na puno ng saging.
Hindi siya makatingin nang deretso kay Ymar dahil sa halik na pinagsaluhan nila. “A-ano’ng ginagawa mo rito?”
“I’m trying to be a nice neighbor,” sabi nito sa walang emosyong boses.
She grimaced. “Too late.”
Inisang-hakbang ni Ymar ang pagitan nila. Tanging ang hawak nitong malapad na pinggan ang naghihiwalay sa katawan nila. Kaagad na bumilis ang tibok ng puso ni Czarina.
“Just accept my banana.”
Wala sa sariling bumaba ang tingin niya sa pagkalalaki nito.
“Not that banana, Czarina.” May bahid ng ngiti ang boses nito. “Itong saging na hawak ko ang tinutukoy ko.”
Kagat ang labing nag-init ang mga pisngi niya. “S-sorry… I, ahm, I wasn’t thinking right.”
“It’s okay.”
Pinilit ni Czarina na tumingin kay Ymar kahit nagwawala ang puso niya, para iyong lalabas sa kanyang dibdib. Kinuha niya ang pinggan na may lamang saging at pilit itong nginitian. “Papasok ka?”
“Papapasukin mo ako?” balik tanong nito.
Tumaas ang isang kilay niya. “Kung papapasukin kita, papasok ka?”
Ilang segundo siyang tinitigan ni Ymar bago tumango. “Oo, may utang ka pa sa `kin, `di ba?”
Natigilan si Czarina saka napatitig sa lalaki. “Utang na naman? `Di ba, kababayad ko lang—” Tumigil siya sa pagsasalita saka nag-iwas ng tingin. “I, ahm, ah… I, ahm, I thought I already paid for it.”
“`Yong sa grocery palang ang binayaran mo.”
“Oh.” She was lost as she opened the door wider. “Pasok kung ganoon.”
Hindi malaman ni Czarina kung natutuwa ba si Ymar o hindi dahil wala namang emosyon ang mukha nito habang papasok sa kanyang bahay.
Iginiya niya ang lalaki papunta sa kusina ng bahay at pinaupo ito sa mataas na stool na katabi ng island counter.
“Ano’ng gusto mo? Juice, tea or coffee?”
“Wala sa ino-offer mo ang gusto ko,” sagot ni Ymar habang nakatingin sa kanyang mga labi.
Naguguluhan na napatitig si Czarina sa lalaki. “Ha? Ano ba ang gusto mo? Beer? Soda? Ano? Name it.”
“I don’t want anything.”
Nagkibit-balikat siya. “Okay.” Umupo siya sa katabi nitong stool saka humarap sa lalaki, pilit niyang nilalabanan ang hiyang nararamdaman. “Bakit ka pa pumasok sa bahay ko kung wala ka naman palang gustong inumin?”
“Maniningil kasi ako ng utang mo.”
Natigilan si Czarina at dumaloy sa alaala ang halik na pinagsaluhan nila sa labas ng pinto ng bahay niya. Pambayad daw iyon sa utang niya. What now? Anong kabayaran na naman ang gusto nito?
“Paano ko ba mababayaran `yang utang na `yan nang matahimik na ako sa paniningil mo?” If he kissed her again, she will really lose it.
Umayos ng upo si Ymar saka matiim na tumitig sa kanya. “Ilapit mo ang mukha mo sa `kin.”
At dahil masunurin si Czarina, mabilis naman niyang sinunod ang sinabi ni Ymar. Gusto na niyang matapos ang lahat ng ito bago pa mabaliw nang tuluyan ang puso niya kay Ymar.
She brought her face closer to his. Nang isang dangkal na lang ang layo nilang dalawa, natigilan siya nang bigla na lang sinakop ng mga labi nito ang kanyang mga labi, tulad ng ginawa ng lalaki kanina.
Napasinghap siya sa pagkagulat pero hindi siya hinayaan ni Ymar na putulin ang halik. Sinapo nito ang kanyang mga pisngi at lalong pinalalim pa ang halik na pinagsasaluhan nila.
Czarina could taste the minty breath of Ymar. His lips were soft and warm and tasty and, damn it, she wanted more. So she kissed him back instinctively. Buong puso niyang tinugon ang halik nito na naging dahilan ng pag-iinit ng kanyang katawan.
But the kiss was cut short when Ymar pulled away.
Hinihingal itong bumulong sa bahagya niyang nakaawang na mga labi. “I don’t want to stop…” His eyes held hers. “Can I kiss you again?”
Her body excitedly shouted yes. At para ding may sariling isip ang ulo niya na tumango.
Ymar smiled at her before claiming her lips and kissed her softly.