NATATAWANG bumaba ng kotse si Czarina nang pagbuksan siya ni Ymar. Maaga siyang sinundo ng asawa sa clinic dahil wala naman siyang pasyente.
“Nakakatawa kaya `yon. Kung ikaw ang ka-date niya, maiinis ka na lang pero ngayong naalala ko, nakakatawa pala ang kahanginan niya—” Natigilan siya sa pagkukuwento. “Bakit parang galit ka?”
“You’re laughing because of another guy.” His lips thinned. “I don’t like it.”
Napalabi siya. “Oh! But it’s funny though…”
Inilapit ni Ymar ang katawan sa kanya dahilan para awtomatiko siyang mapaatras at napasandal sa kotse nito.
“Ymar—”
“You’re married to me, Czarina. That means you’re mine and I’m territorial. Ang sa akin ay akin. I don’t share even if it’s just a smile or laughter. I’m that possessive.”
Napalunok siya sa intensidad ng titig nito sa kanya. “H-hindi na…” Bumaba ang tingin niya sa mga labi nitong parang napakasarap halikan. “K-kung gano’n, akin ka rin?”
Tumaas ang sulok ng mga labi nito. “Sa `yo naman talaga ako. I’m married to you, remember?”
Nakagat ni Czarina ang ibabang labi. “So it’s okay if I don’t want to share you as well?”
A sexy smile appeared on Ymar’s lips, robbing her ability to look away from his handsome face. “Ipagdamot mo ako. I don’t mind. It will be my pleasure.”
Her heart actually skipped a beat. “O-okay.”
He smiled at her one more time before softly pulling her towards his house. Napangiti na lang siya pero agad din iyong nawala nang ang nagbukas ng pinto ay si Tatiana.
Agad na nasira ang gabi ni Czarina. Gusto niyang sabunutan ang babae nang tumingin at ngumiti ito kay Ymar na parang nang-aakit.
“Welcome home, Ymar,” nakangiting sabi ni Tatiana na kay Ymar lang nakatingin.
Dumukwang ang babae at akmang hahalikan sa pisngi si Ymar nang biglang umatras ang asawa niya na parang umiiwas. Lihim siyang napangiti.
Good boy . Magaling. Palakpakan.
Tumikhim si Czarina dahilan para mapatingin sa kanya si Tatiana.
“Puwede bang umalis ka na sa daraanan namin?” Pinipigil niyang hindi magtaray. “I’m tired and I want to rest.”
Humakbang naman ito palayo sa pinto para makapasok sila ni Ymar. Agad silang dumeretso sa kuwarto ni Ymar. Nahiga siya sa kama. Nagpapalit ng damit ang kanyang asawa nang tumunog ang message alert tone ng cell phone nito.
“Banana, pakibasa ng text, please?” sabi ni Ymar.
Inabot ni Czarina ang cell phone ng asawa na nasa nightstand at binuksan iyon. And of course, may password.
“May password.”
Ini-expect ni Czarina na lalapit sa kanya si Ymar at ito mismo ang magta-type ng password sa cell phone nito pero nagulat siya sa sinabi nito.
“Type your name.”
Nanlaki ang kanyang mga mata at inulit ang sinabi nito. “My name?”
“Yeah.”
She felt giddy. Sino ba ang hindi kikiligin? His password was her name, damn it.
Isa naman pala `tong sweet na sperm.
Mabilis na itinayp ni Czarina ang kanyang pangalan sa password at mas lumapad ang ngiti niya nang makitang bumukas nga ang cell phone ni Ymar. Agad siyang nagpunta sa messages at binasa ang pinakaunang mensahe. It came from his secretary.
“Mr. Stroam, are you available for a board meeting at two o’clock and a dinner meeting at seven-thirty o’clock?” basa niya sa text ng sekretarya nito saka tumingin kay Ymar. “Pupunta ka?”
Dumapa si Ymar sa kama at hinalikan siya sa mga labi. “Yes. I have to go. Dito ka na lang muna sa bahay. Magpahinga ka. Magpakita ka kay Mommy. Hinahanap ka na no’n. Baka ano pa sabihin ni Mommy at mabuko pa tayo na nagpapanggap lang.”
Parang may mabigat na bagay na dumagan sa dibdib ni Czarina. Hayan na naman ang nagpapanggap na iyan. Nakakasakit na ito ng damdamin. Nakakainis naman kasi itong si puso. Sinabi nang huwag masyadong mahulog ang loob kay Ymar pero hayun, hindi nakinig, kaya tuloy nasasaktan siya ngayon.
“Sige,” walang buhay niyang sabi at ibinigay sa asawa ang phone. “Magpapahinga na ako. Ingat.”
Umayos siya ng higa sa kama at nagkumot hanggang sa leeg saka ipinikit ang mga mata. Ayaw niyang makita ni Ymar ang inis sa kanyang mukha. Ayaw niyang mag-away na naman sila.
Habang nakapikit ang mga mata ay naramdaman ni Czarina na may humalik sa pisngi niya. Her heart fluttered inside her chest.
“Rest well, wifey,” sabi ni Ymar saka niya narinig ang papalayong yabag ng mga paa nito.
BUMUNTONG-HININGA si Ymar habang nakikipag-usap sa investors ng kompanya niya. Nakikinig lang siya sa pinag-uusapan ng mga ito habang ang isip ay naroon sa kuwarto ng bahay niya. Damn. He should be in bed right now, cuddling with his wife, pero heto at nasa meeting siya.
“Mr. Stroam, what can you say about our expansion in Dubai?”
Napakurap-kurap siya nang marinig ang kanyang pangalan. “Pardon?”
Napapantastikuhang tumingin sa kanya ang mga naroon sa meeting. Kanina pa kasi siya walang imik at nakikinig lang, pagkatapos hindi niya masagot ang tanong ng mga ito. Wala kasi siyang interest na makipag-usap sa mga investors kaya naman palaging bumabalik ang kanyang isip sa babaeng nasa kuwarto niya ngayon.
“Ahm, what can you say about our expansion in Dubai?” ulit na tanong ng investor na malapit sa kanyang upuan.
Ymar took a deep breath and spoke with no emotion whatsoever. “It’s good. The sales are high and our pharmaceutical is on top in the Middle East.”
Tapos na siyang magsalita pero nakatingin pa rin sa kanya ang mga investors na para bang may sasabihin pa siya.
Ymar sighed. “That’s all.”
Bumuga siya ng hangin nang bawiin na ng mga investor ang tingin sa kanya.
Lihim siyang napailing-iling. This always happened. Maikli lang siya kung magsalita. It was not necessary to talk long if it was senseless. And he didn’t feel like talking. Nakakapagod magsalita nang magsalita. And why did they have to ask him? Nakikita naman ng mga ito na mataas ang sales. Malamang iyon din ang isasagot niya.
Maayos na natapos ang meeting. Gusto nang umuwi ni Ymar para makasama si Czarina pero may meeting pa siya para sa negosyo na itatayo nila nina Lath, Lash at Valerian. May dinner meeting pa siya mamayang gabi.
Malalim siyang napabuntong-hininga bago sumakay sa kotse at nagpunta sa Délicieux Cuisine kung saan sila magmi-meeting kasama ang mga kaibigan.
Nang makarating sa restaurant, naroon na ang tatlong kaibigan at siya na lang ang hinihintay.
“You’re late,” puna sa kanya ni Lath.
Ngiting-aso lang ang naging sagot ni Ymar sa kaibigan saka umupo sa bakanteng silya sa tabi ni Valerian.
“Let’s start,” sabi ni Lash at may ibinigay sa kanilang tig-iisang folder na naglalaman ng business plan na papasukin nila. “Read it and if you have comments and suggestions, speak.”
Binuklat ni Ymar ang folder at binasa ang business plan. Napatango-tango siya habang nagbabasa. It was well planned out.
“It will be like this, guys,” sabi ni Lash. “We all know that tourists come and go in our country. What we have to do is we offer them the best of the Philippines. That’s where the Black Pearl Luxury Hotel and Resort comes in. It will not just be a normal hotel and resort; we have to offer them more than what the other hotels and resorts can offer. And those are here.” Itinuro nito ang business plan na hawak nila. “Read it, analyze it and then we’ll talk again.”
Inilapag ni Ymar ang business plan at tumingin sa kambal na Coleman. “I’m in.”
Lath smiled. “Great! Comment or suggestion?”
Ymar shook his head.
Bumuga ng marahas na hangin si Lath. “Ymar, magsalita ka naman. Hindi na umiiling-iling ka lang.”
Ymar sighed. “I don’t feel like talking.”
Napapantastikuhang tumingin sa kanya si Lash. “What? Are you normal? Hindi mo feel magsalita? Stroam, tao ka ba?”
Valerian, who was quietly sitting beside him, chuckled. “Hayaan n’yo na si Stroam. Mahal ang salita niyan. Sabi nga sa akin ni Calyx, si Ymar daw ang taong may halaga ang lalabas na salita sa bibig.”
Ymar rolled his eyes. “I just don’t feel like talking. At saka wala naman akong sasabihing mahalaga, so why talk?”
Kinunutan siya ng noo ni Lath. “Man, you will spend millions on a business and you don’t want to say anything? Anything at all?”
Nagkibit-balikat siya. “I’m bored and I don’t feel like talking.”
Napailing-iling si Lath. “You’re so weird, Stroam.”
Tumango naman ang kakambal ni Lath bilang pagsang-ayon.
Tumahimik lang siya. Only one person can make him talk for hours, nonstop, and she was not here.
“I’m in, too.” Inilapag ni Valerian ang business plan at tumayo. “And I have to go. May pupuntahan pa akong convention.”
Kumunot ang noo ni Lath. “Anong klaseng convention? Sama ako.”
Pinukol ito ng masamang tingin ni Valerian. “Convention for Animal Lovers. Animal lover ka ba?”
Tumawa si Lash at nanunuksong tumingin kay Valerian. “Should i tell Tyron to welcome you in their club?”
Valerian showed Lash his middle finger. “Shut your mouth or I blow your plane up,” sagot nito at nagmamadaling umalis ng restaurant.
The Coleman twins then looked at him. Ymar knew that they were about to grill him. Kilala na niya ang mga kaibigan at mga tsismoso ang mga ito.
Si Lath ang umusisa sa kanya. “Ikaw, Stroam? Kasali ka na ba sa club ni Tyron?”
Umiling si Ymar.
“Ows? I heard from Mr. Mandurugas, Shun Kim, that you are attracted to a certain woman.”
Nagkibit-balikat lang siya.
Napailing-iling ang kambal.
“It was nice talking to you, Stroam,” puno ng sarkasmo ang boses na sabi ni Lath.
Nagkibit-balikat siya saka tumayo. “I’m leaving,” sabi niya at malalaki ang hakbang na lumabas ng restaurant at sumakay sa kanyang Lexus.
Kailangang bumalik ulit ni Ymar sa opisina pero gusto niyang umuwi at makita kahit sandali ang asawa. Kahit silip lang, ayos na sa kanya. He just needed to see her and talk to her. And maybe hug and kiss her, too.
TAHIMIK na nagmemeryenda si Czarina ng saging nang umupo sa kaharap niyang silya si Tatiana. Nasa salas ang ina ni Ymar at nagbabasa ng magazine kaya naman hindi nakapagtataka na lumabas ang sungay ng babae.
“Ymar is mine,” pagkausap nito sa kanya pero hindi siya umimik. “He will never be yours, Czarina.”
Nagtaas siya ng tingin kay Tatiana at bored na nagsalita. “I’m really not in the mood right now.”
Tatiana shrugged. “Just a fair warning. Masasaktan ka lang. Nakita mo naman, `di ba? Hinahayaan niya lang akong yakapin siya at tumira rito sa bahay niya. If he’s really serious about you, paaalisin niya ako kasi halata namang ayaw ng asawa niya. It only shows na hindi ka talaga mahal ni Ymar at pinakasalan ka lang niya kasi may kailangan siya sa `yo. And I’m sure it has something to do with his mom’s company.”
So this woman knew about the company. Parang may tumusok na karayom sa puso ni Czarina pero nanatiling bored ang emosyon ng mukha niya. Ayaw niyang makita ni Tatiana na nasasaktan siya sa sinabi nito. She will not give Tatiana that satisfaction.
“You know what?” Ngumiti siya kahit ang totoo ay nasasaktan siya. “Sa lahat ng mga sinabi mo, siguro tama ka o puwede ring hindi. Because the fact still remains that I, Czarina Salem is — ipinakita niya sa babae ang singsing sa daliri na bigay ni Ymar. “Married to Ymar. At kahit ano pang sabihin mo ako pa rin si Mrs. Czarina Stroam.”
Nagtagis ang mga bagang nito. “You’re nothing to Ymar. He will be mine soon.”
Bumuntong-hininga siya. “Hindi pumapatol si Ymar sa mga malalanding katulad mo. Mas gusto niya ang isang inosenteng katulad ko,” sabi niya saka ngumiti nang matamis.
Take that, biatch!
Umangat ang kamay ni Tatiana siguro para sampalin siya sa pagtawag niya ritong malandi pero mabilis niyang kinuha ang bread knife na nasa tabi ng kanyang pinggan at itinaas iyon kapantay ng mukha ng babae.
“Sige, sampalin mo ako. At itatarak ko `to sa lalamunan mo,” she threatened Tatiana. “Noon pa ako nagtitimpi sa `yo, hindi kita aatrasan.”
Bumaba ang kamay nito na sasampal sana sa kanya at padabog na tumayo at nagmamartsang umalis sa hapag-kainan.
Malakas na bumuntong-hininga si Czarina at nanginginig ang kamay sa inis na inilapag ang bread knife sa mesa.
Sumandal siya sa likod ng upuan at huminga nang malalim. That woman was really getting into her nerves, but she should chill. Alam ni Czarina sa sarili na nasa kamay na ni Ymar kung hahayaan ng asawa na makuha ito ni Tatiana. Desisyon rin ni Ymar kung paaalisin nito ang babae sa bahay.
Mapait siyang ngumiti. Dahil sa nararamdaman para kay Ymar, kahit ang kasiyahan niya, kay Ymar din nakasalalay.
If Ymar turned out to be just like her ex-boyfriend, Roy, she will be in so much trouble. Bumuga siya ng marahas na hininga at ipinagpatuloy ang pagmemeryenda.
Pagkatapos kumain ay iniligpit ni Czarina ang pinagkainan saka bumalik sa kuwarto ni Ymar. Medyo masama ang pakiramdam niya kaya naman nahiga ulit siya sa kama at walang kibong tumitig sa kisame.
Pagkalipas ng ilang minuto, naramdaman niya ang pamimigat ng talukap ng kanyang mga mata at dahan-dahan na iyong pumipikit. Pero nawala ang antok na nararamdaman nang bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok doon si Ymar.
Kumunot ang noo niya. “Ano’ng ginagawa mo rito?” nagtataka niyang tanong. “Akala ko, busy ka ngayon sa opisina.”
“I wanna see you.” He loosened his necktie before lying beside her on the bed. “Kaya umuwi muna ako.”
Napatanga si Czarina kay Ymar habang ang nararamdaman ang mabilis na tibok ng puso niya. “M-miss mo ako?”
“Is that the term couples use when the husband wants to see his wife so bad?”
Tumango siya. “Yeah…”
Pasimpleng napahawak si Czarina sa bedsheet nang gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Ymar.
“Then I miss you,” he said while looking deep into her eyes.
Why was it that every time he smiled, she became breathless and her heart was palpitating?
Tumikhim si Czarina para gisingin ang sarili. “Ahm…” Kinagat niya ang ibabang labi. “Bakit mo naman ako na-miss? Magkasama pa lang tayo kagabi at kanina.”
Kumunot ang noo ni Ymar. “Do I need a reason? Can’t it be just a simple I miss you?”
There was no simple in Ymar’s I miss you. Ito nga at parang sasabog na ang kanyang puso sa halo-halong emosyong nararamdaman.
Inilapit ni Ymar ang mukha sa kanyang mukha saka ginawaran ng halik ang mga labi niya. Masuyo iyon at banayad lang ang paggalaw. At dahil napakadali niyang madarang, natagpuan na lang niya ang sarili na tumutugon sa halik nito.
Mahinang napadaing si Czarina nang masahihin nito ang dibdib niya habang ang isang kamay ay humahaplos sa kanyang katawan at dumadama.
“Ymar…” ungol niya sa pangalan ng asawa nang bumaba ang halik nito sa kanyang leeg at tumaas na naman papunta sa kanyang tainga.
Mayamaya ay tumigil ang asawa sa ginagawa at masuyo siyang tinitigan.
“Ano?” tanong ni Czarina kay Ymar na hindi pa rin inaalis ang titig sa kanya. “Bakit ganyan ka makatitig sa `kin?”
He smiled and her heart was beating fast again.
“Ymar…” Pinandilatan niya ito. “Don’t stare at me like that. Nakakailang ang titig mo.”
Lalo lang tumiim ang titig ng asawa sa kanya. “You’re really pretty, Czarina.”
Her breathing hitched. “Huwag mo akong bolahin. Matagal ko nang alam na maganda ako.” Inirapan niya ang asawa para itago ang tunay niyang nararamdaman. “Umuwi ka talaga para lang sabihin sa `kin `yan.”
“I missed you, remember?”
Humugot siya ng malalim na hininga saka pinakalma ang puso niya. “Sabi mo nga…”
“And you didn’t miss me?”
“I do.”
“Really?” May kumislap na emosyon sa mga mata nito. “Prove it. Kiss me.”
Napangiti si Czarina saka ginawaran ng halik sa mga labi si Ymar. “Okay na?”
“Puwede na hanggang mamayang gabi,” sabi nito saka umalis sa pagkakakubabaw sa kanya at inayos ang necktie. “I have to go. See you later, wifey.”
“See yah,” she replied.
Nang makaalis ang asawa ay gumuhit ang isang kinikilig na ngiti sa kanyang mga labi. Paano niya pipigilan ang sarili na huwag mahalin si Ymar kung ganito ito sa kanya?
He was making her fall for him even more.
I’m really in danger of falling deeply in love with him.
Kaya pa ba niyang pigilan ang puso niya? Parang hindi na.