BASA pa ang buhok na bumaba sa kusina si Czarina para mag-agahan. Katatapos lang niyang maligo at hindi niya naayos ang pagpapatuyo sa buhok dahil nagmamadali siya. Nasa emergency room na ang isa niyang pasyente at nagle-labor na.
Pagkapasok niya sa komedor ay nandoon na ang ina ni Ymar, si Tatiana na agad sumira sa umaga niya at si Ymar na naghahain ng pagkain sa mesa.
“Oh, Czarina,” pansin sa kanya ng ina ni Ymar na sumisimsim ng kape. “You’re in a hurry? Your hair is a mess.”
“My patient is in labor.” Nakangiwing sinuklay niya ang buhok gamit ang mga daliri saka umupo sa hapag-kainan. “Baka manganak na `yon.”
“Mag-agahan ka muna,” sabi ni Ymar na agad siyang nilagyan ng pagkain sa pinggan, sinalinan ng tubig sa baso at nilagyan ng cream ang kape niya. “There. Eat up. Ayokong nagugutom ka.”
Nginitian niya ang asawa. “Thanks…” Pagkasabi niyon ay nagmamadali siyang kumain.
She was in the middle of finishing her breakfast when a towel wrapped around her hair.
“What the—” Nilingon niya ang nasa likuran at natigilan nang makita si Ymar na hawak ang tuwalya.
“Keep eating…” utos nito habang tinutuyo ang kanyang buhok. “I’ll just dry your hair. Magkakasakit ka sa ginagawa mo,” pangaral nito sa kanya.
Dahil nga nagmamadali, wala nang oras si Czarina para bigyang-pansin ang ginagawa ni Ymar. Naka-focus siya sa pagkain at ang mabilis na pagre-reply sa mensahe ng asawa ng manganganak.
Nang matapos mag-agahan ay tamang-tama namang natapos na si Ymar na tuyuin ang kanyang buhok.
Tumayo siya at humarap sa asawa. “I have to go. I’m so sorr—”
He silenced her with a kiss. “Go. I’ll call you later so I won’t miss you that much.”
Nangingiting hinalikan ni Czarina sa pisngi ang asawa saka nagmamadaling lumabas ng bahay at sumakay sa kanyang kotse. Mabilis niya iyong pinaharurot papunta sa ospital. Halos paliparin niya ang sasakyan hanggang sa makarating sa destinasyon at tinakbo ang daan papunta sa emergency room.
So early in the morning but she was already busy. Sperm!
Bahagyang umikot ang paningin ni Czarina nang makalabas siya ng emergency room. Napasandal pa siya sa hamba ng pintuan hanggang sa bumuti ang kanyang pakiramdam.
Hinilot niya ang sentido saka pinilit ang sarili na tapusin ang pagtsa-chart bago kinuha ang cell phone sa bulsa ng doctor’s robe na suot saka binuksan iyon.
Sunod-sunod na text galing kay Ymar ang kanyang natanggap.
Safe ka bang nakarating sa ospital?
Pagkatapos mong asikasuhin ang pasyente mo, magpahinga ka muna sa clinic mo.
I miss you, banana.
Napangiti si Czarina sa huli nitong text at pagkatapos ay mabilis siyang nag-type ng reply.
Busy? Can I call you? Iyon ang sinagot niya sa text ng asawa.
Lumapad ang ngiti sa kanyang mga labi nang tumunog ang cell phone. Mabilis niyang sinagot ang tawag.
“Ymar—”
“You okay?” pagtapos nito sa kanyang sasabihin. Mahihimigan ang pag-aalala sa boses ng asawa. “Namumutla ka kanina. Nag-aalala ako sa `yo. Ayos ka lang ba, ha, Czarina?”
“Hmm-mm.” Ang nahihimigan niyang pag-aalala sa boses ni Ymar ay nagpapangiti sa kanya. “Ayos lang ako. Ikaw, nasa opisina ka na ba?”
“Yes, but I can’t focus on my work.”
Kumunot ang noo niya. “Bakit naman?”
“I’m thinking of you.”
Her heart skipped a beat. “O-okay lang ako.” Hindi mawala ang ngiti sa kanyang mga labi. “Anyways, baka busy ka riyan sa office,” sabi niya habang naglalakad palabas ng ospital. “Baka nakakaistorbo ako sa `yo.”
“Nope,” he replied. “I’m not busy, wifey.”
He said he was not busy but from the background, she could hear a woman getting his attention.
“Sir, kailangan n’yo na raw bumalik sa conference room. Bigla na lang kasi kayong umalis. Hindi raw nila itutuloy ang meeting hangga’t wala kayo.”
Narinig niya ang pagsagot ni Ymar sa babae.
“Tell them that I’m talking to my wife who looks pale this morning and I’m worried.”
“But, Sir—”
“I’m talking to my wife,” may diin nitong sabi.
“Y-yes, Sir.”
Kinagat ni Czarina ang ibabang labi dahil sa kilig na nararamdaman. He was busy but he was talking to her on the phone. He even left the conference room for her. Sino ang hindi tatalon ang puso sa ginawa nito?
“Sorry about that, banana,” sabi ni Ymar mayamaya. “I was just talking to my secretary.”
“It seems to me that you’re busy,” nangingiting sabi niya. “Bumalik ka na sa conference room. Baka kailangan ka na nila doon.”
“Hindi ako kailangan ng asawa ko?” tanong bigla ni Ymar na nagpatigil sa kanya sa paglalakad.
Sinapo niya ang dibdib dahil bumilis sa pagtibok ang kanyang puso.
Goodness! This man was going to give her a heart attack.
“Czarina?”
Tumikhim siya saka huminga ng malalim. “Kailangan… pero mas importante naman `yang meeting mo—”
“Not to me,” putol ni Ymar sa sasabihin niya. “Mas importante ka sa `kin.”
Mini heart attack! Shit! “Sige na, bumalik ka na sa conference room. Let’s talk later.”
“Okay, okay. Talk to you later, wifey.”
Tumango si Czarina na para bang nasa harap niya si Ymar. “Okay.”
Akmang aalisin na niya ang cell phone sa tainga ng magsalita ulit si Ymar.
“Czarina?”
“Hmm?”
“Take care.”
She bit her lower lip as she smiles. “I will.”
Nangingiti pa ring pinutol na niya ang tawag saka nagmamadaling sumakay sa kotse niya at nagmaneho papunta sa kanyang clinic habang hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi.
“MARAMI pa ba?” tanong ni Czarina kay Shane nang pumasok ito sa pribado niyang opisina. “Inaantok ako.” Naghikab siya.
“Wala na po, Doc,” sagot nito na nakangiti. “Mamaya naman ang iba after lunch.”
Hinilot ni Czarina ang batok saka balikat. “Thank God.” Naghikab ulit siya. “Idlip lang ako sandali. Gisingin mo ako kapag may pasyente na.”
Nagtatanong ang mga matang tumingin sa kanya si Shane. “Hindi ho kayo magla-lunch, Doc?”
Umiling siya. “Tinatamad akong lumabas.”
“Gano’n po ba? Sige po.”
Nang makalabas si Shane ay pinuntahan ni Czarina ang sofa bed sa gilid ng opisina saka naghihikab na nahiga roon. Nang lumipas ang ilang minuto na hindi naman siya nakatulog, kinuha niya ang cell phone sa mesa at bumalik ulit sa sofa bed pagkatapos ay tinawagan si Ymar.
After two rings, he picked up.
“Ymar?” mahina at malambing niyang tawag sa pangalan ng asawa.
Ilang segundo itong natahimik. “Y-yes, banana?”
Umayos ng higa sa sofa bed. “Busy ka?”
“Nope. Just reading some reports,” he replied. “Ikaw, ano’ng ginagawa mo?”
“Nakahiga sa sofa bed habang iniisip kung gaano kasarap ang banana smoothie ngayon.” She was actually salivating. “Pero tinatamad akong lumabas para bumili `tapos inaantok ako kaya hindi na lang. Matutulog na lang ako.”
Mahinang tumawa si Ymar. “Matulog ka na lang. You’re too busy. You need rest.”
She yawned. “Okay. I’m hanging up now.”
“Sige. Rest well.”
Tumango siya na para bang nasa kanyang harap ang kausap saka pinutol ang tawag. Naramdaman na niya na unti-unting pumipikit ang kanyang mga mata.
YMAR was frowning deeply as he looked at the sales report presented to him in his office.
“So you are saying na bumaba ang sales natin sa Taiwan pero wala ka man lang ginawa?” His eyes were cold as he looked at the director of YS Pharmaceutical, Taiwan branch, na si Mr. Tingkingko. “What the hell have you been doing there?”
Nagbaba ng tingin ang director ng Taiwan branch. “I’m sorry, Mr. Stroam. Hindi ko ni-report `yan last month kasi akala ko mababawi pa namin ang sales ngayong buwan pero hindi na talaga. Gumawa naman kami ng paraan para—”
“Anong paraan ang ginawa n’yo?”
“We gave flyers—”
‘Do you think a fucking flyer can increase the sales?” Walang emosyon siyang natawa at napailing-iling. “Look, Mr. Tingkingko—” His phone rang.
He sighed and looked at the caller.
Wifey Calling…
Mabilis niyang sinagot ang tawag nang makitang si Czarina ang tumatawag. Biglang nawala ang iritasyong nararamdaman niya nang marinig ang boses nito.
“Ymar?” mahina at malambing ang boses nito at para siyang kinapos ng hininga nang marinig iyon.
Fuck! How can this woman affect him like this? “Y-yes, banana?” He actually stammered! Fuck!
“Busy ka?” malambing pa rin ang boses nito.
“Nope.” Pilit niyang pinapakalma ang puso na parang nakikipagkarera sa bilis ng tibok niyon. “Just reading some reports.” He took a deep breath. “Ikaw, ano’ng ginagawa mo?” Tinakpan niya ang mouth piece ng cell phone saka hinarap si Mr. Tingkingko. “Umalis ka na bago pa kita sesantihin. Bumalik ka bukas kapag hindi na mainit ang ulo ko.”
Mabilis na tumango ang lalaki at umalis sa kanyang opisina. Ibinalik niya ang buong atensiyon kay Czarina na nasa kabilang linya.
“Nakahiga sa sofa bed habang iniisip kung gaano kasarap ang banana smoothie ngayon. Pero tinatamad akong lumabas para bumili `tapos inaantok ako kaya hindi na lang. Matutulog na lang ako.”
Mahina siyang natawa. “Matulog ka na lang. You’re too busy. You need rest.”
She yawned. “Okay. I’m hanging up now.”
Gusto pa niyang kausapin si Czarina pero kailangan nito ng pahinga. “Sige. Rest well.”
Nang mawala ang asawa sa kabilang linya, ay tinawagan ni Ymar si Lath.
“Hey, man, `di ba, may smoothie café riyan malapit sa bahay mo?” tanong niya nang sagutin ni Lath ang kanyang tawag.
“Yeah…” Lath answered, confusion was visible on his voice. “Bakit?”
“Can you buy me a banana smoothie and deliver it to Mother’s Care Clinic.” Ibinigay niya ang address ng clinic ni Czarina. “Pagkatapos ibigay mo kay Czarina Salem. Hindi kasi ako makalabas ng opisina, ang dami kong tatapusin, eh.”
“Ahm, sure?” May pag-aalangan sa boses nito.
He blews out a loud breath. “Just do it.” Bumuga siya ng marahas na hangin. “Please?”
Nawalan ng imik ang nasa kabilang linya. “You said please.” Lath sounded stunned.
Mariin siyang napapikit. “Yeah. So will you do it?”
“Okay. Sure. I’ll do it,” sagot ni Lath.
“Thanks.”
“Sure.”
“Oh, and Lath?”
“Yeah?”
“Touch her in any way and I’ll kill you.”
Nawalan ng imik si Lath mayamaya ay napapalatak ito. “And you said you’re not a part of Tyron’s club.”
“None of your business, bud,” mabilis niyang sagot saka naiiling na pinutol ang tawag.
NAGISING si Czarina dahil sa sunod-sunod na katok sa pinto ng kanyang opisina. Hindi niya alam kung ilang minuto o oras siyang nakatulog pero kahit paano ay nabawasan ang antok na nararamdaman niya.
Ini-stretch niya ang mga braso saka bumangon at pinuntahan ang pinto.
“Yes?” tanong niya kay Shane nang mapagbuksan ito ng pinto.
“May delivery po kayo rito,” imporma ng kanyang sekretarya.
Tinatamad na lumabas siya ng opisina.
She frowned when she saw a very handsome man sitting in the waiting area of her clinic. Nakasuot ng sunglasses ang guwapong lalaki. Kahit natatakpan ang mga mata ay halatang nag-uumapaw ang kaguwapuhan at kakisigan nitong taglay.
But Ymar is more handsome, sabi ng munting boses sa kanyang isip.
Humarap siya kay Shane. “Anong delivery?”
Itinuro ng kanyang sekretarya ang guwapong lalaki na nasa waiting area. “Siya ho, Doktora. Hinanap ka niya, eh. May ide-deliver daw siya.”
Magkasalubong ang mga kilay ni Czarina nang lumapit sa guwapong lalaki. “Do I know you, mister?”
Bumaling sa kanya ang lalaki at agad na ngumiti. He took off his sunglasses first—showing his gorgeous eyes—before he offered his hand at her.
“Hey, I’m Lath Coleman,” pagpapakilala nito habang may matamis na ngiti sa mga labi. “I’m Ymar’s friend.”
“I’m Czarina Salem.” Akmang tatanggapin niya ang nakalahad nitong kamay nang bigla iyong ibinaba ng lalaki.
“Shit! I forgot.” He cussed again. “Hindi pala ako puwedeng makipagkamay sa `yo. Ymar said to not touch you in anyway or else he’ll kill me and I don’t want to die yet. So, here.” He handed her a cold plastic bag. Maingat ito na hindi magkadikit ang kamay nilang dalawa. “From Ymar. With love.” He smiled. “Bye.”
Mabilis na umalis ang lalaki at naiwan siyang naguguluhan sa inakto at sinabi nito.
Bumaba ang tingin ni Czarina sa plastic bag na ibinigay sa kanya ni Lath. Binuksan niya iyon at naramdaman ang panunubig ng kanyang bagang nang makita kung ano ang laman niyon.
A banana smoothie and banana cake… from Ymar. Kinagat niya ang ibabang labi para itago ang kinikilig na ngiti na gustong gumuhit sa kanyang mga labi.
Nagmamadali siyang bumalik sa opisina niya at inilagay ang plastic bag sa mesa saka mabilis na kinuha ang cell phone sa gilid ng sofa bed at tinawagan si Ymar.
After three rings, he picked up.
“Got the smoothie,” agad niyang sabi nang sagutin ng asawa ang kanyang tawag. “Thank you.”
“Masarap ba?”
She was grinning from ear to ear. “Hindi ko pa natitikman, eh. Pero siguradong masarap `yon.”
“Sige kumain ka na,” utos ni Ymar. “By the way, did the deliveryman touch you in any way?” Biglang tumalim ang boses nito. “Tell me if he did.”
Kunot ang noong umiling siya kahit hindi nito nakikita. “Nope. He didn’t.”
“Good.” He sounded happy. “Kumain ka na. Tawag ako mamaya.”
“Okay. Thank you ulit.”
“Anything for my baby.”
Her breathing hitched. Did he just call me baby? “Ahm…” Tumikhim siya. “B-bye.”
“Bye, baby. Eat well.”
Nang mawala ang asawa sa kabilang linya ay napatitig si Czarina sa kawalan habang mabilis pa rin ang tibok ng kanyang puso.
Kapag nagpatuloy si Ymar sa pagiging sweet nito… siguradong bago sumapit ang tatlong buwan, hulog na hulog na siya sa lalaki. Pero sa halip na matakot, napangiti pa siya. Maybe this time, it was going to be different than her last relationship. Asawa naman niya si Ymar. At may tatlong buwan siya para paibigin ito.
NATIGILAN si Czarina nang makita si Ymar pagkalabas niya ng clinic. Nakasandal ito sa nakaparadang Lexus. Nakapamulsa ito habang titig na titig sa mukha niya. Unti-unting gumuhit ang ngiti sa mga labi nito nang makita siya.
Nagkabuhol-buhol ang tibok ng puso niya sa simpleng ngiti lang ng asawa.
What’s with this man and his smile?
Inihanda ni Czarina ang sarili nang maglakad si Ymar palapit sa kanya. Nang tumigil ito sa kanyang harap ay hindi niya maalis ang titig sa guwapo nitong mukha.
“Hey…”
She smiled. “Hi.”
Umangat ang kamay ni Ymar saka hinaplos ang magulo niyang buhok. “You look tired.”
Sa sinabi nito, napadaing siya. “You have no idea. Ang dami kong pasyente ngayong araw. Parang wala na akong energy.”
Bumaba ang kamay nitong humahaplos sa kanyang buhok sa pisngi niya. “What can your husband do to make you feel better?” Nang hindi siya sumagot, mas inilapit nito ang katawan sa kanya saka masuyong ipinalibot ang braso sa baywang niya at hinapit siya palapit. “Would my kiss be enough to reenergize you?”
Napakurap-kurap siya sa asawa. “Your kiss?”
“Yeah…” Inilapit ni Ymar ang mukha sa kanyang mukha. “I promise to kiss you tenderly.”
Napalunok siya. “I would like that…”
Ymar smiled before claiming her lips with his. And as promised, he kissed her softly and tenderly. Banayad ang bawat galaw ng mga labi ng asawa habang humihigpit ang yakap sa kanyang katawan. At nang ipasok nito ang dila sa loob ng kanyang bibig, napahalinghing si Czarina saka napayakap sa leeg nito.
And when his hands started feeling her breast, she started panting.
Ilang minuto pa silang naghalikan bago naghiwalay ang mga labi nila. Gumagalaw ang panga ni Ymar at nakakuyom ang kamay nito. It was like he was holding back and stopping himself from touching her.
He took a very deep breath. “You okay now?”
Humaba ang nguso niya. “I’m still tired.”
Ymar kissed her temple, down to her ear, then he whispered. “Let’s go home and get naked before I forget we’re in public.”
Kinurot niya sa tagiliran ang asawa.
Natatawang hinuli ni Ymar ang kamay niya saka pinagsalikop iyon sa kamay nito. “Uwi na tayo, please? I don’t think I can’t hold it anymore.”
Naiiling na akmang maglalakad na siya papunta sa kanyang kotse nang hilahin ni Ymar ang kamay na hawak niya saka iniyakap ang isang braso nito sa kanyang baywang na para bang ayaw siyang pakawalan. “Where are you going?”
Naguguluhang itinuro ni Czarina ang kotse. “Convoy tayo.”
“I don’t want to,” sabi ni Ymar saka siya hinila papunta sa sasakyan nito at pinasakay sa passenger’s seat.
“But my car—” Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil isinara na ni Ymar ang pinto ng passenger’s seat.
Nakasunod ang mga mata niya sa asawa na umikot papunta sa driver’s seat. Nang makasakay ito ay agad siyang nagtanong.
“Paano ang sasakyan ko?”
Humarap si Ymar sa kanya saka isinuot ang kanyang seat belt. “Ipapakuha ko na lang mamaya.” He placed a quick kiss on her lips. “Ayaw mo na akong makasama?” Mahihimigan ang pagtatampo sa boses nito.
Napatitig siya sa asawa. “Gusto.”
“Good. I want to be with my baby, too.” Hinalikan na naman siya ni Ymar sa mga labi saka binuhay ang makina ng sasakyan at pinaandar iyon.
Habang nagmamaneho si Ymar ay pasulyap-sulyap si Czarina sa asawa. Silang dalawa lang sa kotse, wala itong rason para maging sweet sa kanya.
Did this mean that he was really not pretending? That his sweetness was genuine?
Aasa ba siya?
Yes, her heart answered.
Napabuntong-hininga si Czarina. Hindi na talaga siya makakaahon. She already had fallen.
“You okay, banana?”
Awtomatiko siyang tumango. “Yes.”
“You sighed,” pansin ni Ymar. “May problema ka ba?”
Umiling siya. “Wala.” She forced a smile. “I was just thinking.”
“Ano naman ang iniisip mo?” usisa nito.
Hindi nag-iisip na sumagot si Czarina. “You know… our marriage.” Natigilan siya nang ma-realize ang kanyang sinabi. “I mean, sa loob ng tatlong buwan ay mata-transfer na sa `yo ang kompanya ng mommy mo.” Walang buhay siyang tumawa. “Then we’ll annul our marriage.”
Humigpit ang pagkakahawak ni Ymar sa manibela. “You really want to annul our marriage?”
Napakurap-kurap siya. “Why are you asking me that? Isn’t that what we agreed on?”
Sumulyap si Ymar sa kanya. “Hindi ba puwedeng kalimutan muna natin ang annulment at mag-focus tayo sa kung anong mayroon tayo ngayon?”
“Ano ba ang mayroon tayo ngayon?” hindi mapigilang tanong ni Czarina.
“Us.” His lips tightened. “Our marriage.”
She blinked. “What about our marriage?”
Itinabi ni Ymar ang sasakyan at ipinarada sa gilid ng kalsada saka ibinaling ang buong atensiyon sa kanya. “Can we just… you know, act as a real married couple?”
Kumunot ang noo niya. “Nakakahalata na ba ang mommy mo?”
Ilang segundo siyang tinitigan ni Ymar bago sumagot. “Kinda…”
“Oh… Sure, I can do that.”
His face lit up. “Really?”
Tumango siya. “Oo naman. Hindi naman siguro mahirap `yon. I mean, we’re already having sex. There’s no harder than that, right?”
Nawala ang emosyon sa mukha ni Ymar habang nakatingin sa kanya. “I’m sorry. I didn’t know that having sex with me was hard—”
“That’s not what I meant,” agad na putol ni Czarina sa kung ano man ang tumatakbo sa kanyang isip. “I don’t mean it that way, Ymar.”
“Then what? Kasasabi mo lang na wala nang mas hihirap pa sa namagitan sa `tin. If having sex with me is that hard—”
“Ymar, stop—”
“you could have just told me—”
“Ymar!”
“and here I thought you like doing it with me—”
Naiinis na dumukwang siya palapit sa asawa saka inilapat ang mga labi sa mga labi nito.
She felt him still and pull away, his eyes asking questions.
“I like having sex with you,” nahihiyang pag-amin ni Czarina habang kagat ang ibabang labi. “I like it so much that I want to do it again and again.” She pressed her thighs together because she could feel her womanhood slightly throbbing. “I like your banana more than my favorite fruit.” Parang umuusok ang pisngi niya sa sobrang init niyon. “And I like it when you pleasure me so don’t you even dare say that I don’t like doing the nasty with you because I do and—”
Ymar’s lips pressed against hers.
Napakurap-kurap ang namimilog niyang mga mata saka siya napapikit at buong pusong tinugon ang masuyong halik ng asawa.
Mahinang napadaing si Czarina nang gumapang ang kamay ni Ymar mula sa baywang niya pababa sa kanyang mga hita. Mayamaya ay bahagya siyang napasinghap nang ipasok nito sa loob ng kanyang pantalon ang kamay nito.
“Ymar…”
His lips moved to her earlobe and played with him.
Czarina sucked her breath when Ymar slipped one of his fingers inside her panties and rubbed her clit.
“Oh, God…” kinakapos ang hininga niyang daing. “Ymar…”
Ymar circled his finger around her clit. When she gasped in pleasure, he whispered. “You like that, baby?”
Humahalinghing na tumango siya. “A lot…”
Ang akala ni Czarina ay ipapasok ni Ymar ang daliri nito sa kanyang pagkababae. Kaya ganoon na lang ang disappointment niya nang ilabas nito ang kamay sa kanyang pantalon.
“Ymar—”
“Let’s go home before I ravish you here in my car,” he said, slightly panting.
Gustong sumigaw ni Czarina na ayos lang kung paliligayahin siya ni Ymar sa loob ng sasakyan. She didn’t mind. As long as it was him, that was fine. But she stayed silent and calmed herself. Hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng frustration dahil nabitin siya.
Why are my hormones raging?
Czarina blew out a loud breath. “Don’t do that again unless you’re planning to finish what you started.”
Sa sinabi niya ay humarap ulit sa kanya si Ymar saka mapusok na inangkin ang kanyang mga labi at agad na ipinasok ang kamay sa kanyang pantalon at panty.
“Ymar—”
“Kanina pa ako nagtitimpi, Czarina,” sabi nito bago inangkin ang kanyang mga labi na mas mapusok pa sa nauna nitong halik.
At wala nang lumabas sa mga labi ni Czarina maliban sa mga halinghing at puno ng pagnanasang ungol habang pinapaligaya siya ng mga daliri ng asawa. And of course, she returned the favor by sucking his erect length, inside the car.
Wala silang pakialam kung ano ang nangyayari sa labas. Tinted naman ang salamin ng sasakyan. Walang makakakita sa mainit at mapusok nilang pagtatalik sa loob ng sasakyan.