Chapter Eight
“W E’RE pleased to meet you, Diana,” nakangiting sinabi ni Jasmin matapos siyang ipakilala sa mag-asawa.
“Kanina ka pa ikinukuwento nitong pinsan ko. Mahigpit ang bilin na ibigay sa iyo ang pi nakamagandang serbisyong maiaalok ng hotel,” natatawang sabad ni Nathaniel. Tinapuna n ng tingin si Bernard na nagtuloy sa bar at nagsalin ng alak.
Sa pagsulpot ng isang babae sa buhay ng pinsan ay bahagyang nakadama ng galak ang mag-asawa. Kahit paano ay umaasam na sana’y simula na ito ng pagbabago ni Bernard, bagaman kahit paano ay naroon pa rin ang paninibugho para sa alaala ni Jewel. Pero buhay si Bernard and must go on living.
“At ako naman si Andre,” nakangiting singit ng binata mula sa likuran ni Nathaniel. “Magkaibigan kami ni Bernard...”
“I’m really glad to have met you all,” ani Diana na tinanggap ang nakalahad na palad ni Andre.
“Maiwan muna namin kayong mga babae.” s i Nathaniel na inalis ang braso sa pagkakaakbay sa asawa at tinapik sa balikat si Andre. “Mukhang may pag-uusapan kami ni Bernard.”
“Akong bahala kay Diana, Nat. Halika sa dining, Diana, at tulungan mo akong ihanda ang tanghalian natin.”
“Hindi ba late na?”
“We usually have lunch after one o’clock. Alam mo na, busy lagi sa farm at hotel si Nathaniel,” nilingon ang asawa na sumunod kay Bernard sa terasa. Sa likod ay si Andre.
“I am really very frank, Jasmin. And I can’t help to admire these men. Talaga bang guwapong lahat ang mga Fortalejo?”
Natawa si Jasmin sa pagiging candid ng dalaga. “Wait till you meet Zandro. Kapatid siya ni Bernard sa ama. Two years older. At ang isa pang pinsan nila, si Ismael. And well, there’s Marco, ang tiyo ni Bernard, na sa aking palagay ay nagpauso ng salitang macho. But, darling, pinakaguwapo sa lahat ang asawa ko...”
Si Diana naman ang natawa. “Of course...” nakangiti niyang sinabi. Muli niyang tinapunan ng sulyap ang dalawang lalaki. Si Nathaniel ay parang si Marlboro Man ang tingin niya and although really attractive ay mas type niya si Bernard.
SA labas ay sumandal sa poste ng veranda si Nathaniel. “She’s gorgeous...”
“Wow, pare. Where did you meet that woman? Bakit ba lagi ka na lang nakakaisa sa akin?” biro ni Andre na nilingon si Diana.
“Hindi si Diana ang dahilan kaya gusto ko kayong makausap nang sarilinan,” seryosong sagot ng binata. Dinala sa bibig ang kopita ng alak at banayad na uminom.
Nagsalubong ang mga kilay ni Nathaniel. “Ano’ng mahalagang bagay ang gusto mong sabihin?”
“Makinig kayo...”
Makalipas ang mahabang sandali ay sumagot si Andre. “Hindi tayo nakakasiguro, Bernard. Madaling tanggihan iyon. Isa pa, kahit ikaw ay hindi gaanong nakatitiyak sa sinasabi mo...”
“Perhaps. Pero bakit kailangang madama ko iyon, Andre, Nat? Actually, I really made sure na hindi ako nagkakamali. I even went back...”
“Ano ngayon ang plano mo?” Si Nathaniel.
“I have to do something, Nat. I will talk to the girl...”
“Well, why not. Ngayon lang dumating dito ang babaeng iyon,” sang-ayon ni Nathaniel. “Use your charm, dear cousin...”
Isang makahulugang ngiti ang pinakawalan ng binata bago muling dinala sa bibig ang kopita.
“At sa sandaling mapatunayan mo, friend. Give him to me. Hindi ikaw...” paalala ni Andre.
Nagkatinginan si Bernard at Nathaniel. Parehong makahulugang ngumiti. Mga ngiting hindi naman umabot sa mga mata.
“C’mon, you guys. Hindi ninyo dapat ilagay ang batas sa inyong mga kamay,” babala ni Andre.
“Kami ang batas dito, Andre, should you have forgotten.” Si Bernard.
“Hell! Bakit pinapunta mo pa ako rito? Nawawalan ako ng silbi,” pagalit nitong sinabi.
Nagbuntong-hininga si Nathaniel. “Huwag kang mag-alala, Andre, we firmly believe that no one is above the law.”
“Tiyakin ninyong ganoon nga. Kilala mo ako, Bernard. Walang kai-kaibigan sa akin pagdating sa batas...”
Natawa ang binata. “I know, my friend. Pero narito ka sa Paso de Blas at wala sa Maynila. Now, let’s join the ladies...” anyaya nito.
Naiwang nagkamot ng ulo si Andre.
PABALIK na sa hotel si Bernard at Diana nang magsalita ang dalaga. “Hindi mo ba ipakikita sa akin ang Villa Kristine?”
“No,” matalim nitong sagot. Pagkatapos ay bumawi. “I mean, walang tao roon maliban sa mga katulong. Ang t iya Margarita at t iyo Josef ay kina Nathaniel umuuwi bagaman nasa Maynila ngayon ang mag-asawa at namimili.”
Huminga nang malalim ang dalaga. Hindi niya alam kung bakit sinabi sa kanya ni Jasmin ang tungkol kay Jewel. Jasmin probably thought na may malalim na interes sa kanya si Bernard. And she listened with curious interest.
And Jasmin told her about Jewel in a way that she paled in comparison. Sinikap niyang maging kalmante bagaman hindi niya maunawaan ang sarili kung bakit biglang makadama ng insekyuridad. Natitiyak niyang hindi nais ni Jasmin na ibaba siya in favor of a dead woman. She was just telling her an honest opinion about a friend. A relative by marriage.
At gusto niyang tanungin si Bernard tungkol dito pero pinipigil niya ang sarili. Ano ang karapatan niya? A one night affair did not give her the right. At hindi seryoso sa kanya si Bernard. Malalim ang pagkakaugat ng pagtinging iniuukol nito kay Jewel. Hindi maaaring pantayan ninuman sa ngayon. Perhaps sa malayong panahon. At natitiyak niyang hindi siya iyon.
Makalipas ang mahabang sandali ay nasa parking area na sila ng hotel. Inabot ni Bernard ang door lock sa tabi ni Diana.
“Hindi ka ba papasok sa loob?”
Umiling si Bernard. “May aayusin pa ako. At hindi ako nakatitiyak kung mananatili ako dito ngayon. I might go back to Manila tonight...”
Kung bakit kailangang makadama siya ng disappointment ay hindi matiyak ni Diana pero hindi siya nagpahalata. Bumaba ng sasakyan at inihatid ng tanaw si Bernard hanggang sa mawala sa paningin niya ang sasakyan.
Nang hindi man lang tumawag sa kanya ang binata sa buong maghapon ay natiyak niyang baka bumalik na ito sa Maynila. Kung sabagay, ano ba ang dahilan at magtatagal dito si Bernard? Sabi nga ni Jasmin ay sa Maynila na ito naglalagi mula nang mamatay si Jewel. At nagawa na nito ang gustong gawin sa kanya, ang mailabas ng Maynila.
Kinagabihan ay binalak niyang magpa-room service na lang ng hapunan pero naiinip siya kaya minabuting bumaba sa restaurant.
Kasalukuyan siyang kumakain nang maupo sa mesa niya si King.
“Oh, hello,” nakangiti niyang bati rito. “Halika, kumain ka.”
“Salamat pero tapos na ako. Ikaw lang ba?” Luminga ang binata. “Wala ba ang boss?”
“Kung si Bernard ang tinutukoy mo ay wala siya, King. Baka bumalik na ng Maynila.”
“Ganoon ba? Kung ganoon ay iniaalok ko ang sarili bilang escort mo sa susunod na mga araw.” i nilahad nito ang dalawang kamay. “Well, hindi ako tagarito pero ilang buwan na rin kaming nagbabakasyon dito kaya kabisado ko na ang pook na ito...”
“Fire with me. Anyway, gusto ko rin naman talagang mamasyal sa buong resort...”
“Nakarating ka na ba ng Villa Kristine?”
Umiling siya. “Kagabi lang kami dumating. Maliban kina Nathaniel ay wala na akong napuntahang iba pa...”
Tumango-tango ang binata. “Ano ang relasyon mo kay Bernard?” deretsong tanong nito na nang mapatanga si Diana ay agad bumawi. “I mean, baka mamaya ay nakakaapak na ako ng paa ng may paa.”
Ngumiti si Diana. “Magkaibigan lang kami ni Bernard, King. Inialok niya sa akin ang Paso de Blas upang magbakasyon.”
Ngumisi ang lalaki. “Kung ganoon ay kasama mo akong mamasyal bukas. Hihintayin kita sa lobby ng alas-otso ng umaga...”
“Pero baka magalit sa akin si Zeny...” paalala ni Diana.
“Matagal na kaming wala ni Zeny, Diana. Sports lang kami sa isa’t isa. O, ano, okay ba ang alas- otso sa iyo?” Tumango siya. Pagkatapos niyon ay nagpaalam na si King.
KINABUKASAN nga ay magkasamang namasyal ang dalawa sa paligid ng resort. Sa umaga ay nag-horseback riding ang mga ito. Pagkatapos ay nag-swimming. Kasalukuyan silang nasa dagat nang dumating si Bernard. Sinabi sa kanya ng front desk personnel kung sino ang kasama ni Diana na lumabas.
Tumiim ang mukha ng binata pero kailangan niya ang pagkakataong iyon. Pumasok sa opisina ni Nathaniel at nag-usap sandali ang magpinsan. Mayamaya ay parehong lumabas.
“Ikaw na muna ang bahala dito, Bernard. Kailangan ako sa bakahan ngayon dahil darating ang mamimili,” ani Nathaniel.
“Sige na...” sagot ng binata. Buo na ang plano niyang tawagan sa silid nito si Zeny nang matanaw niyang bumababa ito ng hagdan.
Nang matanaw siya nito ay nakangiting nagmamadaling lumapit sa kanya.
“Hi.”
“Hello...”
“Kasama ni King ang guest mo. Okay lang ba sa iyo?”
“Walang problema. Mabuti nga iyon at may magtu-tour kay Diana dito.” k inawayan nito ang isang waiter. Humingi ng draft beer. “Ikaw, ano ang gusto mo?”
“Fresh orange juice.”
“Fresh orange juice, Mike. At ihatid mo sa office. May ipinagagawa si Nathaniel sa akin sa opisina. Halika, doon tayo mag-usap,” nakangiting anyaya nito. Kumapit sa braso ng binata si Zeny at sumama.
“Please sit down...”
Inikot ang mga mata sa buong opisina. “Why, this office is ultra-modern!”
“Thanks to Jasmin,” matabang na sagot ni Bernard. Pagkatapos ay binuklat-buklat ang mga dokumento sa mesa. Si Zeny ay hindi naupo sa silyang nasa harap ng desk bagkus ay sa may tagiliran ng mesa mismo.
“Bakit hindi mo ako anyayahang mag-disco tayo mamayang gabi, Bernard?” She was telling him provocatively. Inikot-ikot ng daliri ang naroong ashtray na walang laman.
“Oo, ba. I’ll be at your doorstep tonight at nine-thirty.” He gave her his most sensual smile na naririnig pa nito ang banayad na pagsinghap ng babae.
“Aasahan ko iyan,” excited nitong sinabi nang may mapuna sa ibabaw ng mesa. Napalis ang ngiti at nagsalubong ang mga kilay.
“Something’s wrong?” kaswal na tanong ng binata.
“Bakit... narito ang kuwintas ko?” Inabot nito ang kuwintas na nakalagay sa may pencil holder kasama ng ilang paper clips.
“Oh. Is that yours?”
Tumango ang dalaga. “Sa akin ito, Bernard,” paniniyak nito. “Pinilit ni King na isuot noong nasa Maynila pa kami. Hindi ko nakuha agad dahil nagyaya ang mother niya na magpunta sila rito. Pero noong magbalik sila ng Maynila ay hindi na suot ni King ang kuwintas. Nang tanungin ko siya’y naiwala daw niya...” paliwanag nito.
Hindi na nito idinagdag na nag-away sila ng binata dahil sa kuwintas. Regalo ng mother niya ang kuwintas na iyon noong ikalabing walong kaarawan niya at labis na pinahahalagahan dahil iyon na lamang ang alaala mula sa namayapang ina. And it was a good thing na nakatitig ito sa kuwintas habang nagsasalita dahil hindi nito nakita ang biglang pagtigas ng mukha ni Bernard. Ang poot sa mga mata.
Sinikap ng binatang kontrolin ang galit. Ngumiti. “Ang pagkakaalam ko’y nakuha ng mga boy ng hotel iyan at ibinigay kay Nathaniel while waiting for someone to claim it. Iniisip pa nga ni Nathaniel na kay Zandro iyan dahil sa letrang Z na palawit.”
“Sa akin ito. You can ask King about it.”
Mabilis na umiling ang binata. “Hindi na kailangan. Naniniwala ako sa iyo.”
“Thank you, Bernard. Maaari ko na bang makuha ito?”
“Sure.” t umayo ang binata at kinuha mula sa mga kamay ni Zeny ang kuwintas. “Here, let me...” i kinabit na mismo nito sa leeg ng dalaga ang kuwintas at sadyang inihaplos ang daliri sa mga balikat nito.
“Bernard, you’re naughty...” s he pouted her lips.
He gave a seductive laugh. “Sorry, but I couldn’t help it. You’ve got lovely shoulders, Zen...”
“Bolero...” u mirap ang dalaga na hindi itinago ang kasiyahan.
Ipinitik ni Bernard ang mga daliri. “May suhestiyon ako kung papayag ka?”
“Tell me...”
“How about ballroom dancing?”
“Of course...”
“Pero hindi rito kundi sa Maynila, Zeny. And then we’ll paint the town red...”
Lumabi ang dalaga. “I’d rather prefer we disco tonight kaysa sa Maynila. Matagal pa iyon...”
“Nakalimutan mo na bang nasa itaas ng building ang chopper ng hotel? It will be at your disposal today...”
“Really, Bernard?” excited niyang sagot. Nakadama ng grandeur sa atensiyon na ibinibigay ng binata. Bernard is rich and handsome. Ang mapansin ka nito’y isa nang malaking karangalan. Pero ang pagkaabalahan ka’y sobra-sobra.
Tumayo ang binata at tinungo ang kinalalagyan ng radio. Kinausap ang piloto. Mayamaya’y bumalik sa dalaga.
“The pilot is my friend, Zeny. You will like him, si Mitchell...”
“I like you, Bernard...”
“The feeling is mutual, honey.” i tinaas nito ang baba ng dalaga at dinampian ng halik sa mga labi. “Ihahatid kita sa itaas.”
“But what about my things?” tanong nito na nanghihinayang dahil dampi lang ang halik.
“Dadaan tayo sa silid mo and do some fast packing, darling.” inakay na nito ang dalaga palabas ng silid at umaasang hindi makakasalubong si Clarita o bumalik agad sa hotel sina King at Diana.
“Bernard, why such haste?” nagtatakang tanong ni Zeny.
“I always do it like this, Zeny. Kaya mabuting masanay ka na.” m uli ay nginitian ang dalaga at tinitigan sa paraang hindi na nito gustong magtanong pa.
“Oh, well, this is exciting...”
Dumaan sila sa silid nito at nagsimulang mag-empake si Zeny. Si Bernard ay nakatanaw sa dagat at inaaninag ng mga mata kung alin sa mga tao roon si Diana habang paminsan-minsang sinusulyapan si Zeny.
“I’m done, Bernard.”
“Good. Vamos .” d inampot nito ang maliit na bagahe at binuksan ang pinto para sa dalaga. Pagkatapos ay pumanhik sa rooftop kung saan naroon ang naghihintay na chopper.
Nakaupo na ang dalaga nang may dinukot sa bulsa ng polo nito si Bernard at iniabot kay Zeny.
“Buy anything you want...”
Nanlaki ang mga mata ng dalaga sa halagang nakalagay sa mukha ng tseke. “Is it necessary, Bernard?” kunwang tanong nito bagaman kitang-kita sa mukha ang matinding kasiyahan. This is her lucky day!
“Very necessary,” matabang na sagot ng binata na hindi naman nahimigan dahil sa ingay ng chopper. Sumenyas kay Mitchell at mabilis na tumakbo palayo sa helicopter.
Nakahinga nang maluwag si Bernard nang tumaas ang helicopter. Mabilis siyang bumaba pabalik sa opisina. Kailangang planuhin niyang maigi kung ano ang susunod na gagawin. Pansamantala ay pupuntahan niya si Andre sa bahay ni Nathaniel kung saan naroon din ang pinsan.