Chapter Ten
M ALAYO pa sila’y natatanaw na ni Diana ang villa na natatanglawan ng liwanag ng buwan.
“Iyan ba ang Villa Kristine?” anas niya. “Wow, it’s so grand!” marahang bulalas niya. Ang moonglow na tumatama sa kabuuan ng villa ay nagpapaalala sa kanya ng mga lumang kastilyo sa ibang bansa.
Isang ismid ang pinakawalan ni King at sa nanginginig na kamay ay kinuha mula sa bulsa ang isang sigarilyo. Saglit na binitiwan ang manibela ng pickup at sinindihan iyon. Gumewang ang sasakyan, mabilis na inabot ni Diana ang manibela upang i-steady.
“King, ano ba! Gusto mo bang mabangga tayo?” May banayad na pagsaway ang tinig niya. Napahugot ng paghinga nang makitang hindi ordinaryong sigarilyo ang sinindihan nito. Marijuana nga ba o shabu na ang ginagamit nito?
Hindi kumibo si King at binawi ang manibela. Ilang sandali pa’y nasa harap na sila ng villa. Mabilis na bumaba ng pickup si Diana at buong paghangang hinagod ng tingin ang kabuuan ng villa.
“Original Spanish architecture! Beautiful!” she whispered na tiningala ang mga nakapaikot na veranda. Ang mga bintana na may mga media-agua pa.
Si King ay dumeretso sa malaking pintong pangdalawahan at itinulak iyon. As usual, bukas, tulad din noong araw. Hindi gaanong matatakutin ang mga tao rito. Lumangitngit ang pinto nang pumasok siya, sumunod si Diana.
“Nasaan ang mga tao rito, King? Ang mama mo?” tanong ng dalaga habang iniikot ang paningin sa buong kabahayan. Napahugot ng hininga sa antigo at malaking aranya at sa grand staircase. Napatingala sa life-size portrait ni Donya Kristine Esmeralda at napahugot ng hininga ang dalaga.
“Nasa itaas marahil,” tila lasing nitong sagot at lumakad patungo sa isang sulok. Ni hindi napupuna ni Diana iyon na abala sa kagandahan ng loob ng villa. Hindi rin niya mapapansin ang panginginig ng mga kamay nito nang simpleng iangat nang bahagya ang telepono mula sa receiver. “Diyan ka at titingnan ko ang mga katulong...” t uloy-tuloy ito sa kusina.
Isang katulong ang lumabas dahil narinig ang sasakyan. Namukhaan nito si King dahil minsan na itong naparito kasama si Zandro at Clarita noong mamatay si Jewel. Tinanong pa nga niya ito kung ano ang hinahanap dahil palinga-linga ito sa may adobe sa ibaba ng veranda na kinahulugan ni Jewel.
“Kayo pala,” bungad ng katulong. “May kailangan ho...” b ago natapos nito ang sasabihin ay natutop ni King ang bibig ng isang panyo. Unti-unting bumigat ang katawan ng katulong at humuhulagpos na sa pagkakahawak nito. Siya namang paglabas ng isa pang katulong na nabitiwan ang pinggan pagkakita sa nalugmok na kasama.
“A-ano ho ang ginawa ninyo sa kanya? B-bakit kayo naririto?” Unti-unting umaatras ang katulong pabalik sa kusina pagkakita sa nanlilisik na mga mata ni King.
Nagmura ang lalaki na sinundan ang katulong. Hindi magiging madali ang pagpapatahimik sa mga ito ngayon at nakilala na siya. Noon ay spray ang ginamit niya.
Natuon ang pansin ng binata sa kutsilyong nasa mesa. Sumunod doon ang mga mata ng katulong na nasindak at napasandal sa counter ng lababo. Bago pa ito nakakilos ay nadakma ni King ang kutsilyo at mabilis na nilapitan ang katulong na nagawa pang makasigaw bago bumagsak.
Narinig ni Diana iyon. Nagsasalubong ang mga kilay na mabilis na lumakad patungo sa pinanggalingan ng tinig.
Run, Diana... r un...
Sandaling napahinto sa paghakbang ang dalaga. May nauulinigan siyang nagsasalita. Si Clarita marahil at may kausap sa itaas. Tiningala niya ang malaking hagdan. Madilim at tahimik ang kabahayan. Nagpatuloy siya sa pagpasok sa kusina.
Muntik pa niyang maapakan ang kamay ng katulong na nasa daan dahil hindi niya agad ito napuna. Ano ang nangyari? Ito ba ang sumigaw kanina? Tumuloy pa siya sa kusina. Nanlaki ang mga mata niya sa nabungaran.
“King!” bulalas niya, horrified. Hawak pa rin nito ang duguang kusilyo at nasa paanan nito ang isa pang katulong. “Ano ang... ginawa mo?” Kitang-kita niya ang panlilisik ng mga mata nito. Napaatras siya. High sa bawal na gamot ang lalaki! She should have known.
“Huwag kang mag-alala, Diana, hindi naman kita papatayin, eh,” nakangising wika nito. Ibinagsak sa sahig ang kutsilyo. “Gusto kita, eh. Type kita.”
“Na—nasaan ba ang mama mo...?” Ngayon niya natiyak na wala sa villa si Clarita. Why, she’s really very trusting and stupid.
“Nagagalit ako kay Bernard... matigas siya. Ayaw niyang ipagkaloob kay Zandro ang villa na ito. Dapat ay amin ito... namin ng Mama... natitiyak kong ibibigay sa amin ni Zandro ang villa na ito. Alam mo ba na isang lumang relo lang sa bahay na ito ay kayamanan na ang halaga...?”
“A-ano ba ang pinagsasabi mo?” u nti-unti siyang umaatras habang nagsasalita. Let him keep talking habang nag-iisip siya kung paano makatakbo. Sanay siya sa takbuhan, `di ba?
“Naiinggit ako sa mga biyayang nasa kamay ni Bernard, Diana. At mayabang pa ang lalaking iyon. Kung tumingin sa amin ay tila kami basura ng Mama. Hindi ko nga lang maintindihan kung bakit pinapayagan siya ni Zandro na gawin sa amin iyon. Kung sabagay ay hangal naman ang kapatid kong iyon... takot pa yata sa syota mo...”
“H-hindi ko... boyfriend si Bernard...”
“You will be. Ganoon naman kayong mga babae `pag nakakita ng macho at masalapi. Pero naisahan ko nang minsan si Bernard. Maiisahan ko siya uli dahil mapapasaakin ka ngayon...” n gumisi itong muli na tila demonyo. Tuluyan nang nilamon ng bawal na gamot ang katinuan ng isip kung paanong tulad din noong una. Humakbang palapit kay Diana na umatras at akmang tatakbo nang masabit siya sa pagkakataong iyon sa braso ng isa pang katulong na nasa sahig.
Napasigaw na bumagsak ang dalaga. Niyuko siya ni King at hinawakan sa magkabilang balikat. Umiikot ang paningin nito sa pagkakatingin kay Diana.
“Huwag kang matakot sa akin, Diana. Hindi naman kita sasaktan... paliligayahin pa nga, eh…” n iyakap nito ang dalaga.
“Bitiwan mo ako!” Nagpumiglas si Diana. Marahas siyang itinaas ni King.
“Doon tayo sa sala, Diana, halika...” k inaladkad siya nito pabalik sa sala. Nahagip ng mga mata ng dalaga ang flower vase sa isang estante sa tabi ng pinto. Dinakma iyon.
I hope it’s not antique, bulong niya sa kabila ng panganib. Subalit nahulog ang katabing ashtray paghila niya sa vase at napalingon si King. Sabay niyang inihampas dito ang vase na bagaman sa braso lang tumama dahil isinangga ay nabitiwan nito si Diana.
Subalit hindi pa nakalayo ang dalaga ay nahagip na siyang muli ni King. Nagpapalag siya. She had escaped so many attempts, hindi siya papayag na ang isang ito lang ang tatalo sa kanya.
Damned her kung pahihintulutan niyang ma- rape at mapatay ng lalaking ito! She fought like hell. Isang malakas na bigwas ang pinakawalan niya na tumama sa mukha ng lalaki at sinabayan iyon ng pagtuhod dito. Nabitiwan siya ni King na sandaling namilipit.
Patakbo niyang tinungo ang malaking pinto.
“Hindi ka makakatakas, Diana!” Mabilis itong tumayo at humabol.
Alam ni Diana na aabutan siya. Isang malaking display jar ang nasa may tabi ng pinto at hinatak iyon sa kabila ng bigat at itinulak ng paa patungo kay King. Bahagya lang naiwasan ni King iyon subalit tumama sa tuhod niya ang bibig ng jar at nawalan ito ng panimbang. Sinamantala ni Diana iyon at patakbong lumabas sa kadiliman.
Ang pick up! No. Na kay King ang susi. Nakita niya itong lumalabas sa pinto. Mabilis siyang tumakbo paikot sa villa. Kung saan bahala na. Naririnig niyang tinatawag siya ni King. Lalo niyang binilisan ang pagtakbo. Hindi niya napuna ang ugat ng isang malaking puno at nasabit ang paa niya. Bumagsak siya sa lupa at tumama ang kanang bahagi ng ulo niya sa isang matalim na bato.
“Ohh...!” Aabutan siya ni King. Kahit ba madilim ay makikita pa rin siya nito. Masakit ang ulo niya at nahihilo siya sa pagkakatamang iyon.
Vamos, hija... humawak ka sa kamay ko...
Mabilis na nagmulat ng mga mata si Diana sa malamig na tinig na iyon. Sa bahagyang liwanag ng buwan na sumisiksik sa mga dahon ng mga puno ay isang matandang lalaki ang nabungaran niyang nakayuko sa kanya. Pilit niyang inaaninag ang anyo nito.
“S-sino kayo?” Nagulumihanan ma’y inabot niya ang kamay ng matandang lalaki. Isa ang tiyak, tagarito marahil sa villa ang matandang lalaking ito at tutulungan siya. Nagpahila si Diana rito patayo. Napapikit siya sa sakit ng ulo. Kinapa niya ang bahaging tinamaan. Basa at umaagos ang dugo mula sa ulo niya. Oh!
Matandang lawin ang tawag sa akin...
Inakay siya sa kung saan patungo ay ewan niya. Nagpaakay siya dahil nahihilo pa siyang talaga. Isang pader na bahagi ng villa ang hinintuan ng matandang lalaki. Nilingon siya nito.
Itulak mo ang pader na iyan...
Nagtaka man ay sumunod ang dalaga sa itinuturo ng matanda. Somehow, alam niyang ang mga old villas ay may mga secret doors. Itinulak niya ang pader at umingit ito. Apat na talampakang pintuang bato!
Inilahad ng matanda ang kamay bilang pagsenyas na pumasok siya. Wala siyang maaninag kundi kadiliman. Pero hindi siya natatakot. Sa di-kalayuan ay naririnig niya ang tinig ni King na parang baliw na tinatawag siya. Pakapang pumasok siya sa pintuang bato at kumabisala ang paa niya at tuloy-tuloy siyang nahulog padausdos.
Napasigaw ang dalaga. Anim na baitang na bato ang kinahulugan niya at paupo siyang bumagsak sa baldosa.
“Damn!” Pagtingala niya’y naaninag niya sa dilim ang matandang lalaki. Gusto niyang magtaka kung paanong nauna pa ito sa kanya pero hindi nagtagal sa isip niya iyon.
“You didn’t warn me na hagdan iyon,” bahagya niyang angil dito.
Guni-guni o anuman, narinig niyang marahan siyang pinagtawanan ng matandang lalaki.
“Don’t make fun of me!” maagap niyang angil dito. Pero sandaling natilihan. That laugh was so familiar!
She could see his shadow moving forward, still chuckling. Mabilis siyang sumunod kahit na hindi nakikita ang nilalakaran. Isang makitid na pasilyo iyon at amoy-alimuom at agiw.
Naririnig pa rin niya si King na sumisigaw subalit mahina na sa pandinig niya. He must be far from here at sa tantiya niya’y isang basement ang pinasok nila.
Sa dulo ng pasilyo ay may bahagyang liwanag siyang nakikita mula sa isang maliit na bintanilya. Liwanag ng buwan ang nanggagaling doon pero natatakpan ng makakapal na damo. Kung damo nga ang mga iyon.
Isang bagay ang natabig ng likod ng mga tuhod niya. Kinapa niya iyon. Bench! Nahihilo pa rin siya at masakit ang ulong may sugat na tuloy-tuloy ang mahinang daloy ng dugo. Naupo siya roon. Muli siyang napatayo nang maaninag niyang lumakad pabalik sa pinanggalingan nila ang matandang lalaki.
“Hey, huwag mo akong iwan rito...!”
Tienes enemigos. You have enemies. Pansamantala, you will be safe. Eres una mujer fuerte y dura and stubborn. I like strong women... but not stubborn. Adios, hija...
“No, wait...!”
Anuman ang mangyari, huwag mong iwan ang anak ng lawin...
Hindi na niya nakita sa dilim ang matandang lalaki. Tinutop niya ang ulong kumikirot. Nahihilo siya. Muli siyang bumalik sa bench at nahiga roon.
Huwag mong iwan ang anak ng lawin... fight for him, Diana...
Napatayo bigla ang dalaga. Bumalik ba ang matanda? Inikot niya ang paningin sa kadiliman sa paligid. No. Iniwan na siya nito. Ano ang ibig sabihin nitong huwag niyang iwan ang anak ng lawin? May diperensiya ba ang matandang iyon?
Umiling siya. Iniligtas ng matandang iyon ang buhay niya. Hinihila siya ng matinding antok. Nahihilo siya. Hindi siya dapat makatulog. Medi cally, alam niyang hindi dapat na matulog kapag nahihilo, lalo at may sugat sa ulo. And she suffered from contusion. Pero bumibigat ang talukap ng mga mata niya.
SA labas ay umingit ang preno sa kadiliman sa paghinto ng pickup na sinasakyan ng tatlong lalaki. Sabay-sabay na tinakbo ng tatlo ang villa nang marinig nila ang sigaw ni King.
“Diana, hindi ka makakalayo....!”
Nagkatinginan nang sabay-sabay ang tatlo. Isang patalim ang tila nabunot sa dibdib ni Bernard. Hinahanap nito si Diana so she must be safe somewhere.
“Pumasok kayo sa loob and check the maids. Hahanapin ko si Diana. Hindi niya kabisado ang paligid ng villa. She might be safe from King pero baka hindi sa panganib na hindi nakikita sa dilim...” m uling bumangon ang panic sa dibdib ni Bernard sa sinabi.
“I’ll go with you...” s i Nathaniel.
“Huwag, Nathaniel, nakikiusap ako. This is my fight...” at sinundan nito ang kinaringgan ng tinig. Nasa kanang bahagi iyon ng villa.
Si King ay patuloy sa paghahanap sa dalaga. Sinisipa nito ang bawat humarang sa daanan. Nagmumura. Hindi rin nito kabisado ang paligid na ang tanging tanglaw ay liwanag ng buwan.
“Hayup ka, King!” Si Bernard na lumitaw sa harap niya at inundayan siya ng suntok bago pa makakilos ang lalaki. Sumadsad ito sa lupa pero mabilis ding bumangon.
“Ah, the high and mighty, Bernard Fortalejo,” pang-uuyam ng lalaki na sinapo ang duguang bibig. “Mabuti at narito ka dahil papatayin kita ngayon...!”
Hindi nagsalita si Bernard na muling sinugod ang kaharap at nagpambuno sila sa dilim. Mabalasik si King dahil sa epekto ng bawal na gamot. Subalit malakas si Bernard at nag-aapoy sa galit. Hindi si King ang tatalunin siya.
Bago ang Kristine Corporation, ilang baka ba ang itinumba niya sa buong buhay niya? Hindi nga ba at tinuruan siya ni Anton kung paano itumba ang isang baka mula pagkabata? That son of a bitch! Kahit paano ay pinakikinabangan niya ngayon ang mga itinuro ng matandang iyon.
Lahat ng pagkasuklam at galit ay taglay ni Bernard sa mga sandaling iyon. Durog na ang mukha ni King ay ayaw pang tigilan.
“Bernard, tama na!” Si Nathaniel na hinawakan siya sa magkabilang balikat at pilit inaalis sa pagkakakubabaw kay King.
“Tama na, sinabi!”
Dalawa sila ni Andre na humila sa binata. Humihingal pa ito sa galit. Bagaman nanghihina at halos wala nang lakas ay sinamantala iyon ni King upang paatras na tumayo at tumakbo mula roon.
Hinawi ni Bernard ang mga brasong nakahawak sa kanya. Hindi dapat makalayo ang hayup na iyon! Patakbong sinundan nito ang tinungo ng lalaki kasunod si Nathaniel at Andre.
“Hindi siya makakalayo, Bernard,” sigaw ni Nathaniel. “At lalong hindi siya makalalabas ng Paso de Blas...!”
Patuloy sa paghabol si Bernard. Aabutan niya si King dahil kabisado niya ang villa. Hindi ito makatatakbo nang matulin. At tama siya dahil naaaninag na niya ito.
Napahinto siya sa pagtakbo sa nakikitang tinutungo ni King. Ganoon din si Nathaniel. Gustuhin man nila ni Bernard na habulin at ilayo mula roon ang lalaki ay huli na.
Isang malakas na sigaw ang pumunit sa karimlang iyon. Bahagya lang nagpulasan ang mga panggabing ibon. Isang mabining hangin ang umihip at tuluyang humawi ang ulap at lumitaw ang kabuuan ng buwan.
“Ano iyon?” Si Andre.
“Isang halos pantay-lupa at malaking lumang balon, Andre. Hindi na ginagamit. Kabisado ng lahat ang balon na iyon maliban sa isang estranghero sa villa na ito.” s i Nathaniel ang sumagot.
“Hindi gusto ni Senior Leon na takpan iyon. Lahat ng mga bagay na ginawa sa paligid ng villa noong unang panahon ay gusto niyang manatili.”
“Si—Diana?” Si Andre uli.
Umiling si Bernard. “Nararamdaman kong hindi dumako sa lugar na ito si Diana.” l uminga sa dilim ang binata at sumigaw. “Diana!”