noveltoon logo noveltoon
Villa Kristine (Kristine Series 5)

Chapter 4

Ch. 5 / 12 Feb 05, 2022

Chapter Four

“D AMN you, hindi ako bayarang babae!” nagpupuyos na sigaw ni Diana.

“Saan ka nakatira?”

“Sa mote...” h uli na para bawiin ang sinabi. At sinabi pa niyang hindi siya masamang babae. Muli ang nang-uuyam na ngiti ni Bernard.

“Sa motel, ha? Sino ang dalawang iyon? Customer mo na walang mga pera kaya tinakbuhan mo?”

“You beast!”

“At kaya takot kang makita ng mga pulis dahil kilala kang tiyak bilang pros...”

“Oh, stop it!” hiyaw niya. “Ibaba mo na ako kahit saan diyan kung hindi ka naniniwalang hindi ako masamang babae...”

“Ang sabi ko’y sa akin ka sa gabing ito...”

Not in this life! bulong ni Diana na nagtatagis ang mga bagang at nag-aapoy ang mga mata sa galit. Sino ang lalaking ito? Natitiyak niyang hindi ito tauhan ni Charlie. The man smells money. His car. His wallet. Ang suot nito at pati kumilos.

“At hindi mo ako kailangang takbuhan dahil may pera ako, hindi tulad ng dalawang iyon...”

Napasinghap ang dalaga. “Ang sabi ko’y hindi...”

“...ka bayarang babae. Okay naniniwala ako pero kailangan mo ng pera?” banayad na sinabi ni Bernard. Ang maitim na mga mata’y humahagod sa kanya. “Bibigyan kita. Higit kaysa sa inaasahan mo,” patuloy ng binata.

Ito man sa sarili’y nagtataka sa inaasal. What made him pick this woman? Nakita nito ang babaeng ito kaninang pumasok sa restaurant na kinainan nila ni Sandra. At hindi lang ito ang nakapuna sa babae. Ang ilang mga kalalakihan doon ay natuon din dito ang mga mata pagpasok pa lang.

Lovely and graceful kahit tila mailap ang mga matang umiikot sa buong restaurant na parang may kinatatakutan. Maputi. Pino ang kutis. Nakasabog ang alon-along buhok sa magandang mukha na ang dulo ay naroon pa rin ang tali na hindi tuluyang humulagpos. Nakahapit na faded denims at midriff na kulay dilaw. Gadangkal lang yata ang baywang.

Natitiyak nitong isang high-class prostitute ang babae at hindi dapat pagkaabalahan gaano man kaganda. Subalit sa nakalipas na anim na buwan, his life had been hell. And he wanted to get back to life.

“Hindi ko kailangan ang pera mo!” hiyaw niya uli rito.

“Ang laking kalokohan naman iyan. Hindi nga ba at dahil sa pera ko kaya ka nakatakas sa mga gusto mong takasan. Pero hindi libre ang perang iyon. I need it back,” ani Bernard na nilingon si Diana.

“Ano ang ibig mong sabihin?” kinakabahang tanong ni Diana.

Naroon ang kuryosidad sa mga ngiti ni Bernard na ibinigay sa kanya. “Halos sampung libo ang inihagis ko sa mga lalaking iyon and that’s a lot of money...”

Napapikit si Diana at napasandal sa sandalan ng kotse. “S-saan mo ako dadalhin?”

“Sa pad ko…”

“Saan iyon?”

“Malapit lang dito. Valle Verde.”

Tatakas siya. Hindi ba at mahusay naman siya roon? Kapag nakasilip siya ng pagkakataon ay tatakbuhan niya ang lalaking ito. Gaano man kaguwapo ang estrangherong ito’y natitiyak niyang hindi niya gustong makapiling ito buong magdamag sa halagang sampung libong piso o kahit na magkano pa.

“Saan ka na-pick up ng mga lalaking iyon? Bakit gusto mo silang takasan?” tanong ni Bernard makalipas ang ilang sandali.

“Hindi nila ako na-pick up,” angil niya. “Nakasakay ako sa taxi na iyon nang hintuan ng driver ang dalawang lalaki. Gusto nilang ibigay ko ang alahas at pera ko sa kanila...”

“Bakit hindi mo ibinigay? Mahalaga ba ang mga iyan kaysa buhay mo?”

“Wala kang pakialam!”

“Bakit hindi mo gustong makita ka ng mga pulis kung totoong holdaper ang mga iyon gayong maaari kang magreklamo? Nakuha ng mga gasoline boy ang plate number ng taxi kaya hindi mahirap na masundan sila...” patuloy ng binata.

Marahas siyang umiling. “Ayokong sagutin ang mga tanong mo! Wala akong sasabihin sa iyo maliban sa hindi...”

“...ka prostitute. Sinabi mo na kanina pa iyan.”

“At hindi ka naniniwala.”

“Wala namang diperensiya sa akin kung prostitute ka man o hindi. Naabala mo na ako. Gusto lang kitang tulungan at kaya kitang tulungan...”

Nilingon niya ang lalaki. Isang tanong ang nabuo sa isip. “Gusto mo akong tulungan?”

“Kung kinakailangan mo ang tulong ko. Nararamdaman kong may tinatakasan ka. From whom or from what, I’m not even sure if I give a damn. Basta gusto kitang tulungan.”

“Ano ang pinakamalayong mapagdadalhan mo sa akin sa gabing ito?” halos pigil ang hiningang tanong niya. Her eyes wide in apprehension.

Tumaas ang mga kilay ni Bernard. Definitely, he was amused. Ang mukha ng estrangherang babae ay nagbabadya ng maraming emosyon. Anger, confusion, weariness, at takot na itinatago sa pamamagitan ng lakas ng loob. And here’s one hell of a strong woman. And lord, she fights like a hellcat. Nararamdaman pa nito ang bahagyang pamamanhid ng panga.

And he was intrigued by her.

“I’ll take you to heaven, mi amor ..., if that is what you mean...”

Pinamulahan ng mukha si Diana. “That is not what I mean! At seryoso ako sa tanong ko.”

“Seryoso din ako sa sagot ko.”

“Please...”

“Where do you want me to take you?”

“Kahit saang lugar malayo sa Metro Manila...”

“Somewhere in Palawan, perhaps?”

Nabuhayan ng loob ang dalaga. Tatawid ng dagat iyon. Pero madadala ba siya ng lalaking ito roon? Ngayong gabi?

“Nang walang maraming tanong?”

Nagkibit ng mga balikat ang binata. “No problemo. I already have lost a lot of money tonight. Ano ang maaari mong ibayad sa akin kung mailalabas kita ng Metro Manila ngayong gabi?”

“I have nothing. I have very little money and my jewelries are...”

“ Mi amor , hindi ako interesado sa mga alahas at pera mo. It wouldn’t even matter kung nakahubad ka...” s andaling nahinto sa pagsasalita si Bernard at muling tinitigan ang babae. Bakit gusto niyang tumakas mula sa Maynila? Sino ang pinagtataguan ng babaeng ito? Ang mga pulis ba?

“Ang sarili mo’y sapat nang kabayaran,” matabang nitong idinagdag. There. Hayaan nitong pag-isipan ng babae kung ano ang ibig sabihin niyon.

Nawalan ng kulay ang mukha ni Diana sa narinig. “S-sinabi mo na sa akin kaninang sa iyo ako ngayong gabing ito...” nalilitong bulong niya.

“Para iyon sa halagang nawala sa akin. At malaking halaga iyon para lamang sa isang...”

“Damn you, hindi ako prostitute!” sigaw niya.

“Alright, GRO. Whatever you call it. At nakatira sa motel. Now, ngayong gabi ay babayaran mo ang halagang ibinigay ko sa dalawang lalaki at ang ginawa kong pag-iwas sa iyo sa mga pulis. Ano ang ibabayad mo sa akin sa paglalabas ko sa iyo ng Metro Manila?”

Napahugot ng paghinga si Diana. Ano ang maaari niyang ibayad? Oh, she will give anything, makaalis lang ng Metro Manila at makaiwas kay Charlie at sa mga inutusan nito.

Anything? tanong niya sa sarili. Anything, sagot din niya. Anyway, sa sandaling matagpuan siya ni Charlie, she’s as good as dead.

Nang hindi siya sumagot ay nagsalita si Bernard. “Saka ko na iisipin kung ano ang maaari mong ibayad sa akin `pag dinala kita ng Paso de Blas, pero gusto kong tiyakin kung nakahanda kang magbayad...”

“Yes.” At bahala na.

“I’ll take your word for that.” Nagmaniobra si Bernard sa isang intersection upang ibalik sa Kristine Cement ang sasakyan. Bago mag-alas-dose ng hatinggabi ay nasa Kristine Hotel na sila.

Sari-sari ang laman ng isip ni Bernard habang tumatakbo ang sasakyan pabalik sa Kristine Cement. Damn this woman! Damn her dahil habang tinititigan niya ito kanina, may init na dumaloy sa katawan niya pababa. He felt alive, as he hadn’t now in more than six months. And damn her dahil hindi naman nito matiyak if he wanted to feel this alive again. And the more he damned her, the more he wanted her.

Yes! He wanted her tonight. Whore or not, he still wanted her.

Makalipas ang halos media-hora ay nasa gate na ng kompanya ang dalawa. Binuksan ng security guard ang gate nang makita ang kotse ng binata. Lilinga-linga si Diana.

Automatic na ibinaba ni Bernard ang windshield. Nagmagandang gabi ang mga guwardiya.

“Sino ang nakatokang piloto ngayon?”

“Si de Jesus po, s ir.”

“Tawagan mo at ipahanda ang chopper.”

“Yes, sir.”

Napanganga si Diana. Hindi birong tao ang sinamahan niya. At chopper! Sasakay sila ng helicopter ngayong gabi!

Ipinarada ni Bernard ang sasakyan sa pribadong parking space nito. Pagkatapos ay binuksan ang pinto sa bahagi ni Diana. Mabilis na lumabas ang dalaga. Ibinalik ang mga mata sa gate na dinaanan nila. Malayo na iyon mula sa kinaroroonan nila ngayon. Kung nanaisin niyang takasan ang lalaking ito’y mahihirapan na siya.

“Don’t ever think of running. Hindi ka palalabasin ng guwardiya,” banta ng binata na tila nabasa ang iniisip niya.

Nalilito at kinakabahan si Diana. Gusto niyang tumakas sa lalaking ito. Pero kasabay niyon ay gusto rin niyang makalayo sa Metro Manila kung saan alam niyang hindi magtatagal at makikita siya ni Charlie. At napapagod na siya.

Parang robot siyang sunod-sunuran dito patungo sa likuran ng isang building kung saan naroon ang helipad. Isang helicopter at isang maliit na private plane ang naroon. Mayamaya ay nakita niyang may lumabas na isang tao mula sa kabilang bahagi at dumeretso sa helicopter.

“S-sasakay tayo riyan?”

“Natatakot ka?”

Kung hindi siya natakot sumakay sa eroplano dapat ay wala siya sa ganitong sitwasyon. Ipinasasama siya ni Don Luis kay Doktor dela Paz patungong Amerika subalit nagpakatanggi-tanggi siya.

“B-babagsak iyan...”

Natawa si Bernard. Sa liwanag ng ilaw sa mga poste at mula sa building ay nakita nito ang pamumutla niya.

“Tinitiyak ko sa iyong hindi. Halika na...” h inawakan nito ang nanginginig at nanlalamig niyang kamay. “Madre de dios, you’re cold!”

“H-hindi pa ako nakakasakay diyan sa... sa...” h indi niya maituloy-tuloy ang sasabihin. “Look, what about a boat... I know we can reach ‘somewhere in Palawan’ by boat. So why not...”

“I do not own a boat kaya ito ang sasakyan natin patungo sa Paso de Blas. But come to think of it, I might buy a boat now that you gave me the idea. Pansamantala, huwag kang mag-alala, my chopper is safe.”

Sinikap niyang patatagin ang tinig. “And how do I get into your sardine tin?”

Muling hinaplos ng mga mata ni Bernard ang mukha niya at ngumiti ito. Umiwas siya ng tingin. “Madali lang. Halika...” h inawakan siya nito sa braso at patakbong niyuko ang helicopter. Sa pagkabigla niya’y hinawakan siya nito sa baywang at itinaas papasok sa loob. Sumunod ang binata sa pagsakay.

Napasinghap ang dalaga nang unti-unting tumaas ang helicopter. At hindi madali para sa kanya ang pagsakay na iyon sa chopper. Halos manigas ang katawan niya sa pagkakaupo. Hindi niya maintindihan kung bakit ang tone-toneladang bakal tulad ng eroplano at ang maliit na helicopter na ito ay nakalilipad sa ere.

And this damned man, this stereotyped macho is smiling at her na walang pakialam at hindi man lang natatakot na anumang sandali ay ibagsak sila.

“Relax. Hindi ito babagsak,” assurance ni Bernard in a soft voice.

“I-I’m fine, really.” l umunok siya. Gusto niyang pumikit upang huwag makita kung nasaan na sila. Ni hindi niya gustong lumingon sa kaliwa niya. “Gaano tayo katagal dito sa itaas bago makarating sa... saan nga iyon?”

“Somewhere in Palawan at darating tayo roon makalipas ang isang oras mahigit.”

“Is it civilized?”

Natawa si Bernard. “Depende sa opinyon ng isa. Sometimes the beasts in Paso de Blas is more civilized than most men in the city. Manila is a civi lized place pero gusto mong tumakas mula rito. What does it matter kung wilderness ang pagdadalhan ko sa iyo?”

“What is the name of the place?”

“Paso de Blas. It is my home.” Home. Hindi nakaligtas sa pandinig ni Diana ang pagbigkas nito sa salitang iyon. Tila may init na nagmumula roon.

“Is it an island? Bakit sinabi mong somewhere in Palawan?”

“It is almost separated from the mainland by an expanse of water. Isang hindi gaanong kahabaang tulay ang nag-uugnay dito. And my family owns it.” h indi nito kailangang sabihing 70 porsiyento ay pag-aari ng mga Fortalejo at ang 25 porsiyento ay ng mga de Silva at ang natitirang 5 porsiento ay ipinagkaloob ni Leon Fortalejo sa pamahalaan.

“Subukan mong tumingin sa ibaba ng chopper, that is Manila Bay by night...” banayad na hikayat ng binata.

She shaked her head wildly. “No. Okay na akong nakaupo rito...” s umandal siya at pumikit. Pansamantala ay alam niyang ligtas siya mula sa mga galamay ni Charlie.

“Wala ka ba talagang ibang mapupuntahan?” tanong nito makaraan ang ilang sandali.

Umiling si Diana.

“Ano ang kasalanan mo sa batas? Nagnakaw ka ba? Nakapatay ka ba ng tao o hindi mo lang gustong makita ka nila dahil kilala ka na nila?”

“Ang sabi ko sa iyo’y hindi ako sasagot ng mga tanong.”

“Gusto kong malaman kung alin sa mga sinabi ko ang kasalanan mo sa batas. At least kahit papaano ay alam ko kung ano ang tinutulungan ko...”

“Wala akong kasalanan sa batas!” hiyaw niya. Her eyes wild. “Tinitiyak ko sa iyo. At lalong hindi ako...” masamang babae. Napabuntong-hininga siya. Ipagsigawan man niya iyon nang isandaang beses ay hindi naniniwala ang lalaking ito.

“Ano ang gagawin ko sa iyo gayong hindi mo gustong magbigay ng kahit na anong impormasyon tungkol sa sarili mo?”

“Ang sabi mo’y tutulungan mo ako nang walang maraming tanong. Ang sabi ko’y nakahanda akong bayaran ka kung anuman ang hihingin mong bayad sa akin. Tapos ang usapan,” determinadong sagot ni Diana.

“Hell!”

Hell, yes. Her life for the last six months had been like hell. At ngayon ay patungo siya sa walang katiyakang destinasyon kasama ang estrangherong lalaking ito. At sa pangalan ng lugar na sinabi nito na sa tantiya niya’y wala naman yata sa mapa ng Pilipinas ay natitiyak niyang nasa pusod iyon ng gubat. Perhaps may resthouse doon ang lalaki.

Pero pansamantala ay makakahinga siya nang maluwag na makalabas ng Maynila nang walang nakakakita. Ang iisipin ni Charlie ay nasa Manila pa rin siya. Hanggang sa dumating ang panahong magsawa na ito sa paghahanap sa kanya.

Hindi namalayan ni Diana na nakatulog siya. Sa loob ng nagdaang mga buwan ay wala siyang deretsong tulog. Walang kaluskos na hindi siya nagigising. Pinaghihinalaan niya ang lahat ng mga taong nakatingin sa kanya na mga tauhan ni Charlie.

Ni hindi na niya namalayang nakahilig siya sa mga balikat ng estrangherong lalaking sinamahan niya.

Si Bernard ay pinag-aaralang mabuti ang katabi. The woman beside him is one hell of a pretty woman. Very young. At habang lumalaon ay lumalalim ang kuryosidad nito sa babae. At sa kauna-unahang pagkakataon sa nakalipas na mga buwan, this woman set his blood afire.