noveltoon logo noveltoon
Villa Kristine (Kristine Series 5)

Chapter 5

Ch. 6 / 12 Feb 05, 2022

Chapter Five

“A NO ANG nangyari?” Si Charlie na hinihiyawan ang mga tauhan. “Akala ko ba ay nakita ninyo siya kanina?”

“Eh, boss, nakita namin siyang sumakay ng taxi tulad ng nairadyo sa inyo. Sinundan namin iyong taxi pero may hinintuang dalawang lalaki. Ano ba naman ang malay namin na ang taxing iyon ay holdaper. Ang sunod naming namalayan ay patakbo siyang nakalabas ng taxi,” patuloy nito na ibinigay ang buong detalye kay Charlie ang mga pangyayari.

Nagsalubong ang mga kilay ni Charlie. “Sinong lalaki?”

“Hindi namin kilala, boss. Pero sa hitsura ay mukhang hindi ordinaryo. Mukhang may sinasabi. Pero talagang susugurin na rin namin nang biglang dumating ang mga police mobile...”

“Anak ng...!” Ipinukpok nito ang kamao sa ibabaw ng mesa. “You’re a bunch of idiots! Saan natin hahanapin ngayon ang babaeng iyon? Tiyak na matatagalan na naman unless she will run out of money,” galit nitong sinabi. Kailangang makita nito si Diana bago bumalik sa bansa si Ramon dela Paz. Kailangang maalis niya sa landas ang babaeng iyon. At hindi niya maaaring panghawakan ang isang tauhan niyang nasa police force dahil pera ang kailangan doon. At sa totoo lang, he is the one who’s running out of money!

At kailangan niya si Diana!

Hindi nito binalak patayin si Don Luis. Pagnanakawan lang ang kaha. Pero matigas ang matanda at akmang kukunin ang baril sa drawer kaya inunahan ng mga tauhan niya.

And damned his dear niece for getting there on time and saw the murder! Isang kaibigang reporter ang naglabas sa peryodiko na pinaghihinalaan nito si Diana bilang siyang pumatay pero agad ding namatay ang balita dahil wala naman siyang sapat na pera para sustinehan ang balita. Bukod sa hindi naniniwala ang mga alagad ng batas na si Diana ang pumatay sa matanda dahil na rin sa mga katulong. Sinabi ng mga itong dalawang nakamaskarang lalaki ang pumasok at nagtali sa kanila sa isang silid. At hindi papatayin ni Diana si Don Luis dahil mahal ni Diana ang matanda.

And how stupid of him na hindi binalaan ang mga katulong! Well, he wasn’t a murderer. Drug dealer, yes. Pero hindi mamamatay-tao. At des perado na ito dahil malaking pera na ang nawawaldas nito mula sa sindikato. Mawawalan siya ng leeg kung hindi nito maibabalik ang halagang lihim nitong naipatalo sa casino.

At tanging si Diana lamang ang pases nito sa nakabadyang kapahamakan. At pagkatapos ay saka nito ipapapatay ang dalaga. Hindi siya. Hindi siya mamamatay-tao. At ngumisi.

NAGISING si Diana nang buhatin siya ni Bernard pababa ng chopper. Napakapit siya nang wala sa loob sa leeg ng binata. Umiikot pa ang elise at maingay ang makina ng helicopter. She could smell his clean male scent na nagpatayong bigla sa mga balahibo niya. O siguro dahil malamig ang hanging humaplos sa katawan niya.

Nasaan sila? Wala siyang makita kundi puro kadiliman sa paligid maliban sa ilaw na nanggagaling sa helicopter at sa paligid ng landing pad sa mismong baldosa. Nilinga niya ang paligid. May ilaw sa ibaba. Sa ibaba! Nasa itaas sila ng... ng... isang building!

“P-put...me down...” bulong niya sa namamaos na tinig.

“Sure.” i binaba siya ng binata sa malayo sa helicopter na nagsisimula na uling umangat sa helipad. Kumaway ang piloto sa amo at gumanti ng kaway si Bernard.

Muling nilinga ng dalaga ang paligid. May isa pang helicopter siyang natanaw sa may di-kalayuan. Wala sila sa pusod ng gubat tulad ng ipinahihiwatig ng lalaki sa kanya kanina. Nasa ibabaw sila ng building. Nasaan sila?

“Welcome to Paso de Blas.” n ag-flash sa dilim ang mapuputing ngipin ng binata na alam niyang nakangiti sa kanya. “This is the rooftop of Kristine Hotel and Resort...”

“Kristine Hotel and....!” bulalas niya. “Oh my! I’ve been...” here once with my grandfather. Iyon ang sasabihin niya but she stopped on time.

“Now, you’re talking. You’ve been what?”

How stupid of her not to remember na sa Paso de Blas naroon ang five-star Kristine Hotel and Resort.

“I... I have... seen its ad on TV...” dugtong niya. At nagpapasalamat sa kadiliman dahil hindi nakikita ng lalaki ang mukha niya.

“Nagsisinungaling ka. Now, you start talking. Ano ang gusto mong sabihin kanina?” giit ng binata na hinawakan siya sa braso nang mahigpit. Marahas niyang binawi ang kamay subalit hindi binibitiwan ni Bernard iyon.

“One of your customers brought you here? Why, you really are a big time whore, mi amor ,” panunuya nito.

“Go to hell!” hiyaw niya rito na kung wariin niya’y nag-echo sa kadiliman.

Marahang natawa si Bernard. A husky and seductive laugh. “Believe me, my love, I’ve been there. At gusto kong lumabas sandali at ikaw ang pases ko roon. Tonight.”

She shivered. May lamig na gumapang hanggang sa kailaliman ng mga buto niya. Hindi nagbibiro ang lalaki.

“Y-you... said... I’m a whore. H-hindi ka ba natatakot na baka may... may sakit ako?”

“ Aids ?” baling ng binata rito. Nawala sa isip nito ang posibilidad na iyon. But his instinct refused to believe the possibility. Pero dapat bang paniwalaan ang instinct sa bagay na iyon. Humigpit ang hawak nito sa braso ni Diana na napangiwi sa sakit pero hindi dumaing. “Now, you tell me. May sakit ka ba? And don’t you dare lie dahil malalaman ko rin sa sarili kong paraan at `pag nalaman kong niloko mo ako just because you did not want to keep your side of the bargain mas nanaisin mo pang magkasakit na nga lang...” n aroon ang threat sa tinig nito at nakadama ng takot ang dalaga.

This man is ruthless and dangerous. Pero tinulungan siya nitong makatakas at makalabas ng Maynila.

“Sinabi ko na sa iyong hindi ako masamang babae...” she whispered. Pang-ilang beses na ba niyang sinabi iyon?

Ngumisi si Bernard at kahit madilim ay nararamdaman ni Diana ang mga titig nito sa buong pagkatao niya.

“Naniniwala akong wala kang sakit. Sa uri ng trabaho mo ay kalinisan at ganda ang puhunan. At natitiyak kong maingat ka roon.”

Pinanginigan siya ng laman. Kinakabahan sa kahihinatnan ng gabing ito. Or is it dawn?

Dawn? Hindi ba nagdadala ng panibagong pag-asa ang pagliliwanag? Iyon ang sabi nila, pero bakit hindi yata ganoon ang mangyayari sa kanya ngayon? Nilingon niya ang kadiliman. Nababanaag niya ang dagat. Ang malamlam na liwanag ng buwan ay humahaplos sa tubig igniting a soft glow.

Muli niyang ibinalik ang tingin sa katabi. His hand still on her arm pero sa pagkakataong iyon ay banayad.

“D-do you own this place?”

“No. Pag-aari ng pinsan ko ang hotel-resort na ito. But I have a paid private suite here...”

“You said Paso de Blas is your home...”

“True. I have a villa almost four kilometers from here. But we will spent the night in my suite. At bukas... o mamaya na natin pag-usapan ang tungkol sa pananatili mo rito.”

She inhaled sharply.

“Frightened?” amused na tanong ni Bernard habang inaakay siya pababa sa hagdanan. “Saan ka natatakot? Sa akin? Tinitiyak ko sa iyo, querida , you will never forget the moments you spend with me...”

I bet on that! bulong niya.

Tuloy-tuloy siyang inakay ni Bernard pababa. Isang private door ang pinasok nila na ginamitan ng binata ng sariling susi. Isang carpeted hallway ang bumungad sa dalaga at habang lumalakad siya kasabay ng lalaking ito ay lalong tila sasabog ang dibdib niya sa matinding kaba.

Isang pinto ang sinusian ni Bernard. Bumukas iyon at binuksan ng binata ang ilaw. Tumambad sa kanya ang isang malaki at maaliwalas na sitting room. Isinara ng binata ang pinto at inakay siya papasok hanggang sa mismong silid. Napahugot siya ng paghinga. Para siyang nasa loob ng suite ng Manila Penn. Kasabay din niyon ang takot sa dibdib niya na bigla siyang natilihan sa pagkakatayo.

Dapat ba niyang pagsisihang sumama siya sa lalaking ito? Ipinikit ni Diana ang mga mata. Bigla ay lumarawan sa isip ang magulong Maynila. Ang pagtakas at pagtatago niya sa loob ng anim na buwan. Ang nakakahapong pagtakbo. Ang mga puyat at takot sa mga nagdaang gabi. Hindi lang si Charlie ang tinatakasan niya. Pati ang mga alagad ng batas noong una at pati ang mga masasamang taong naglipana sa magulong lungsod.

At ang nakaambang mangyayari sa kanya ngayon ay higit bang bangungot sa dinanas niya sa nakalipas na mga buwan? Lihim siyang umiling. Somehow, you have to pay a price. And she’s tired of running. Perhaps sa lugar na ito ay matatahimik siya kahit sandali.

Bahagya pa siyang napapitlag sa pagsara ni Bernard ng pinto sa main suite. Amused siyang hinagod ng tingin ni Bernard.

“My sweet, you looked like a scared rat. Relax, walang mananakit sa iyo rito, I promise you that. Walang mga pulis kang pagtataguan dito. Sa Paso de Blas, kami ang batas.”

Oh, yes. Pero may palagay akong higit akong nanganganib sa iyo kaysa tinakasan ko. Pero ano ang magagawa ko, nandito na ako at inilayo mo ako sa Maynila.

Lumakad si Bernard patungo sa banyo. Narinig niya ang lagaslas ng tubig sa loob. Napapikit siya. And she’s shivering. Wala sa loob na napasandal siya sa poste ng kama.

Muling lumabas ng banyo ang binata at dinampot ang hotel phone. May idinayal.

“Two glasses and a bottle of wine...” pagkatapos ay ibinaba ang hotel-phone. At lumakad patungo sa kanya. “Pagkatapos ng nangyari sa nakalipas na mga oras, it feels good to have a nice hot bath...” h is voice husky and seductive.

Napahugot siya ng paghinga nang itaas ng lalaki ang t -shirt niya pahubad sa ulo niya. Gusto niyang maghisterya but she has to keep her side of the bargain. Tuluyang humulagpos ang tali niya sa dulo ng buhok at sumabog sa mga balikat niya ang buhok. His black eyes meeting hers at nakita niya roon ang matinding pagnanasa. And lord, she’s really shaking now. Ibinagsak ng binata ang t -shirt niya sa carpet. Pagkatapos ay bumaba ang mga kamay nito sa snap ng denims niya at pagkatapos ang zipper. Napapikit si Diana. This man is very adept in undressing a woman.

“Itaas mo ang mga binti mo nang mahubad ko ang maong mo.” p arang siya robot na sumunod. Isinama ni Bernard ang denims niya sa t -shirt na nasa carpet. Pagkatapos ay mabilis nitong natastas ang sintas ng rubber shoes niya.

“Hmn... original Reebok. You are really a very expensive GRO.”

“Damn you! I told you...”

“Shut up and raise your leg.”

n apapikit ang dalaga roon pero sumunod. Pagkatapos ay tumayo si Bernard. And again those black eyes skimmed her face.

Dumako ang mga kamay nito sa strap ng bra niyang nasa harapan at walang kahirap-hirap nitong natanggal iyon. Muli ang paghugot niya ng matalim na paghinga.

Isang sensuwal na ngiti ang inihagod ni Bernard sa katawan niya. He had been right about her body. Exquisite.

Napadako ang tingin ng binata sa kabilang silid nang marinig na may nagbukas ng pinto.

“That must be the wine.” i niwan siya nito at lumabas pat ungo sa sitting room. At muli ring nagbalik na may dalang tray ng dalawang baso at isang bote ng red wine. Muli nitong isinara ang pinto at inilapag sa mesa ang dala.

Inalis ang cork sa bote at nagsalin sa kopita. Iniabot sa kanya ang isa.

“Kailangan mo ito. Pangkalmante. I can see that you are not really very expert in entertaining customers...” sarkastikong sinabi nito.

Mabilis niyang inabot ng kanang kamay ang kopita habang ang kaliwang kamay niya’y itinakip sa dibdib. Alam niyang sinusuyod siya ng tingin ng lalaki. Dere-deretso niyang nilagok ang laman ng kopita at pagkatapos maubos ay humakbang patungo sa mesa at nagsalin uli. Nasa bibig na niya ito nang kuhanin ng bin ata.

“Hindi ko sinabi sa iyong maglasing ka. Ang sabi ko’y para lang maalis ang tensiyon mo...!”

“May kaibahan ba iyon?”

“Oh, yes! I never make love to a drunk woman.” Pagkasabi niyo’y itinaas ni Bernard ang kamay patungo sa baba niya at itinaas iyon. He stared at her for a moment pagkatapos ay bumaba ang mga labi nito sa kanya.

She inhaled softly as his tongue pressed and filled her. Ang isang kamay nito’y nakayakap sa kanya. Mahigpit, that she felt the hardness of his chest and thighs at ang kagila-gilalas na male arousal.

Gusto niyang itulak ang lalaki, gusto niyang patigasin ang katawan kung hindi lang sa matinding seduction ng halik na iyon. His lips like fire, his tongue invading and stroking na halos mawalan ng lakas ang mga tuhod niya. She had been touched and kissed before but never like this. He played with her mouth, coaxing and seducing.

Kung hindi niya alam kung ano ang kahulugan ng salitang weak noon, ngayon ay alam na niya. Mahigpit siyang napahawak sa mga balikat nito nang sa palagay niya’y umiikot ang mundo niya.

Unti-unti ang ginawang pagpapakawala ni Bernard sa mga labi niya, still holding her. Sa pakiramdam ni Diana ay alam ng lalaki na matutumba siya kung agad siyang bibitiwan nito.

Ang maitim na mga mata ay humagod muli sa kanya. “Is it bad?” bulong nito.

Lumunok siya kasabay ng pag-iling. Pagkatapos ay agad ding pinamulahan ng mukha sa ginawa. Natawa si Bernard at banayad na inihaplos sa pisngi niya ang kamao nito.

“Hindi naman mahirap, `di ba? At kung mahirap man, talagang ganoon dahil ginagawa mo lang ang obligasyon mo sa akin.”

“Huwag mo akong pagtawanan!” sigaw niya rito sa panlilisik ng mga mata. Subalit hindi natigatig si Bernard doon. Nanatili itong nakatitig sa kanya na tila hinahanap sa mukha niya ang mga kasagutan sa mga tanong nito.

“Or maybe this is just your style at alam mo ang ginagawa mo. And the night may hold no surprises at all...” a ng maitim nitong mga mata’y nakatitig at naghahamon na pasubalian niya ang sinabi nito.

“Ilang beses ko bang isisigaw sa iyong hindi ako bayarang babae?!”

“Your temper, amore. Hindi kita inaakusahan sa sandaling ito!” marahas nitong sagot. Pagkatapos ay walang sabi-sabing binuhat siya papasok sa banyo. “Bathing time, querida.” d id this stranger mean ‘darling’ sa tuwing sasabihin nitong ‘querida?’ Well, iyon ang kahulugan ng Spanish endearment na iyon. Lamang ay pinasama ng ibang mga tao bilang pagtukoy sa isang kept woman.

Isang malaking bathtub na puno ng tubig ang natambad sa kanya. Maingat siyang inilubog ng binata roon. Pagkatapos ay dinampot ang bubble salt at inilagay sa tubig. Ilang sandali pa’y napuno na ng bula ang tub.

She gasped nang maramdaman ang mga kamay nito sa ibabang bahagi ng katawan niya. Hinuhubad nito ang panties niya!

“Off with it, amore. I could have taken it off bago kita ipinasok dito pero nakikita kong maiilang ka...”

“Thanks a lot! I really admire your talent in undressing a woman!”

Isang husky laugh ang isinagot ng binata roon. Pagkatapos ay itinaas nito ang buhok niya upang huwag mabasa ng tubig. Inabot ang plastic cap at ibinalot dito.

“I like your hair...”

Oh, dear! Kanina pa sila magkasama... nahubaran na siya at pinagpistahan ng mga mata ang katawan niya... nayakap at nahagkan, pagkatapos sasabihin lang na buhok niya ang gusto. Gusto niyang madismaya.

“...and I like the head it was attached to... at ang mga balikat mo kung saan tila agos ng tubig na dumadaloy ang buhok mo roon... at ganoon din ang katawang kasama ng mga balikat. In other words, I like everything about you.” a t tumayo ito pagkatapos ay tuksong nginitian siya. Gave her a teasing salute at lumabas ng banyo.

Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ni Diana. Sinundan ng tingin ang pintong dinaanan ng estrangherong lalaki. The powerful, dangerous, and handsome stranger. This stranger who would be her lover tonight.

She was shivering a little. Bagaman sa pagkakataong iyon ay hindi lang takot ang nasa damdamin kundi ang anticipation sa mangyayari.

And then she touched her lips na hinagkan nito. She was afraid to be in his arms again... and yet she long to be there once more...