noveltoon logo noveltoon
Villa Kristine (Kristine Series 5)

Chapter 11

Ch. 12 / 12 Feb 05, 2022
Prev Next

Chapter Eleven

“D IANA!”

Gumising ka, Diana... bumangon ka. You’ll die of blood loss kung hindi mo sisikaping magising...

Umungol si Diana. Hilong-hilo siya at nakadarama siya ng panghihina. Hindi niya gustong bumangon pero mapilit ang tinig na iyon. Masarap mahiga sa bench. At hinahanap pa siya ni King.

“Diana! Nasaan ka, Diana? Si Bernard ito!”

Mabilis ang pagmulat niya ng mga mata. Tinatawag ba siya ni Bernard? Si Bernard ba ang sumisigaw na iyon?

“Diana!”

Yes. Si Bernard nga. Nanghihinang tumayo ang dalaga mula sa pagkakaupo. Hilong-hilo siya pero sinikap niyang humakbang at nangapa sa pader.

Nasaan ba kasi ang matandang iyon at basta na lang siya iniwan? Gustong bumigay ng mga tuhod niya pero sa kabilang bahagi ng isip niya’y alam niyang nanganganib siyang hindi na makita sa basement na iyon.

Nasagi ng paa niya ang batong hagdan. Halos pagapang niyang pinanhik iyon. Sa dulo ay nakasara ang pader. Itinulak niya ito pero ayaw bumukas kahit ubusin niya ang lakas.

I’ll die here. I know, I’ll die here...

Don’t be stupid. Hindi mo pahihintulutang mamatay nang dahil lang sa sugat, aniya sa sarili. Itinulak mo iyan kanina sa labas. So you must pull it from the inside.

Oh, yes! Kinapa niya ang pader. Mayamaya’y nahagip ng kamay niya ang isang hawakang bakal at ubod-lakas na hinila. Umingit iyon at unti-unting bumukas. Isang mahabang paghinga ang pinakawalan niya nang mabanaag ang labas at haplusin ng hangin ang mukha niya.

Inilabas niya ang sarili at muling sumara ang pader. Sinikap niyang humakbang mula roon.

“Diana!”

“Bernard!” ganting sigaw niya bagaman sa pakiramdam niya’y walang tinig na lumabas sa bibig. Tuyong-tuyo ang lalamunan niya. Nauuhaw siya. Nahihilo at humahapdi ang ulo.

“Bernard....!” Alam niyang hindi malakas ang tinig niya pero tahimik ang gabi at maririnig iyon ng binata saan mang bahagi ng villa ito naroroon. “Bernard...!”

Bumigay na ang mga tuhod niya at nauupos na siya sa lupa nang mabanaag niya ang tatlong lalaki.

“Diana...!” Inagapan ni Bernard ang pagbagsak niya sa lupa. “Oh, Diana.” n iyakap nito nang mahigpit ang dalaga and kissed her hard and rough. Napayakap ang dalaga sa leeg nito.

“Hrmpp...” s i Nathaniel.

Huminto sa paghalik si Bernard. Hindi dahil tumikhim si Nathaniel kundi walang init ang mga labing hinahagkan nito. At humulagpos mula sa leeg niya ang mga braso ng dalaga.

“Diana!” Mabilis nitong binuhat ang dalaga. Nilingon si Nathaniel. “Tawagan mo ang piloto, Nathaniel. Kailangang madala siya sa hospital sa bayan....”

“Yes, boss,” amused na sagot ni Nathaniel. “And don’t panic, she will be all right...”

SA ISANG pribadong silid sa ospital sa bayan na nagising si Diana kinabukasan. May benda sa paligid ng noo. Nasa tabi niya si Bernard.

Isang ngiti ang ibinigay niya rito. “Hello, lover boy.”

“Damn you, don’t pass out on me like that again!” salubong ni Bernard sa ngiti niya. Bagaman tiniyak ng doktor na mild contusions lang ang tinanggap ni Diana ay hindi pa rin ito mapalagay. He stayed with her the whole night, watching and holding her hand.

At hindi nito maintindihan ang sarili because he couldn’t control his temper pagdating sa babaeng ito.

“Were you really so worried?” Nakadama ng bahagyang galak si Diana sa nakikitang pag-aalala ni Bernard na tinatakpan ng galit.

“Natural! Pananagutan kita. Hindi kita dinala rito para lang mapahamak,” sagot nito na matiim na nakatitig sa kanya. “And you didn’t keep your part of the bargain. Mukhang wala sa bokabularyo mo ang salitang obedience...”

Nakadama ng disappointment si Diana sa sagot ng binata. Kung sabagay ay ano ba ang inaasahan niya? Isang mahinang katok ang narinig nila at pumasok ang mag-asawang Nathaniel at Jasmin.

“Hi, how are you.” s i Jasmin na humalik sa pisngi ng dalaga. Inilapag ang basket ng prutas sa tabing mesa.

“Thank you. Hello, Nat...”

Ngumiti si Nathaniel. “Gusto naming ihingi ng paumanhin ang mga nangyari, Diana. We promised heaven in Kristine Resort pero mukhang hindi iyon ang inabot mo...”

“Because she’s stubborn...” angil ni Bernard.

Nasaktan si Diana roon pero hindi nagpahalata. Nagkibit ng mga balikat. “Oh, well... iyon din ang sinabi ng matanda sa akin kagabi. I guess he’s right...”

“Matanda?” sabay na sinabi ng dalawang lalaki.

“Yes. Siya nga ang nagtago sa akin mula kay King. Nasabit ang paa ko sa pagtakbo at tumama ang ulo ko sa isang matigas na bagay. Dinala niya ako sa basement ng villa...”

“Basement ng villa?” sabay uling sinabi ng dalawang lalaki na parang mga loro. Si Jasmin ay napasinghap.

Nakahalata si Diana. Naningkit ang mga mata. “Hey, guys, if you’re making fun of me, I’m warning you...”

“No... no, Diana...” seryosong tanggi ni Nathaniel na tumitig kay Bernard. The woman is incredible at bahagya itong naaliw.

“Anong matanda at anong basement ang sinasabi mo, Diana. Walang matandang nakatira sa villa. Dalawang katulong lang ang tao roon at ang isa ay narito sa ospital, fighting for her life.” n agtagis ang mga bagang ni Bernard sa puntong iyon. “Wala ring basement ang villa. You only imagined those things dala ng pagkahilo sanhi ng contusions mo...” lohikong sinabi ni Bernard.

Tumiim ang mukha ni Diana sa narinig. Sa tingin ng mga ito’y wala siya sa sariling pag-iisip sa sinasabi.

“Well, I’m telling you, guys, na sa basement ako dinala ng matandang lalaki,” mariing wika niya to emphasize that she’s telling the truth. “He’s between sixty and sixty-five. May bigoteng puro puti na ang kulay...”

“Oh...!” Si Jasmin na napahawak sa braso ni Nathaniel.

“Akala ko pa nga katulong siya sa villa,” walang anumang patuloy niya. “Except that he made me feel safe and he spoke e nglish and Spanish.”

“Did... did... you ask his name...?” Si Jasmin ang nangahas na magtanong dahil pare-parehong tila naestatwa ang dalawang lalaki.

“Yes. I did. Pero hindi niya sinabi ang pangalan niya maliban sa sinabi niya sa aking lawin ang tawag sa kanya...” kaswal niyang sinabi na bahagyang nagsalubong ang mga kilay sa anyo ng dalawang lalaki.

“Oh, Nat...” s i Jasmin na namuo ang mga luha sa mata. Si Nathaniel ay tumitig kay Bernard.

Silent understanding passed between the two men.

Tumayo mula sa pagkakaupo sa hospital bed si Bernard. Pinuno ng hangin ang dibdib at tumingala sa kisame ng hospital. Inihagod ang isang kamay sa batok na tila nahahapo.

“Damn him!” he said wearily and angrily. “Hindi ako naniniwala roon. Hindi ako naniniwalang naroon siya dahil imposible iyon! Nakatakas si Diana kay King dahil nakatakas siya. Hindi imposible iyon. I have seen this woman fought with those two men. She fought with me.”

“Hindi rin ako naniniwala roon, Bernard. But how can you explain the voice…?” banayad na sinabi ni Nathaniel. Hinapit sa dibdib ang asawa na tahimik na umiiyak.

“Pareho tayong nag-aalala. We happened to have thought of the villa at the same time dahil sa nangyari kay Jewel,” pagalit pa ring sagot ng binata. “Kung totoo iyon, he could have warned Jewel!” He inhaled harshly.

“Paano natin malalamang hindi nga.” s i Nathaniel uli. “He loved her... alam nating lahat iyon.”

“Hell, Nat...!”

“It is really funny and strange, Bernard. At gusto kong gawing biro that even in his grave, the old man is intolerable!” amused na wika ni Nathaniel.

Naguguluhang pinaglipat-lipat ni Diana ang tingin sa tatlong nilikhang nakatayo sa harap niya. Hindi niya naiintindihan ang pinag-uusapan ng dalawang lalaki. At kung bakit humihikbi nang tahimik si Jasmin.

“Guys, I’m still here, baka nakakalimutan ninyo,” biro niya. Sabay-sabay na lumingon sa kanya ang tatlo and she smiled. “Sino ang anak ng lawin, by the way?” dagdag niya.

“Oh, isang figurative term na tumutukoy kay Bernard,” agap ni Jasmin. “Why?”

Anuman ang mangyari, huwag mong iwan ang anak ng lawin.

Naalala ni Diana iyon. At si Bernard ang anak ng lawin? Ano ang ibig sabihin ng matandang huwag niyang iwan ito anuman ang mangyari?

Pinamulahan siya ng mukha sa maaaring implication niyon. Damn, the old man, nanukso pa. At isiping pinagtawanan siyang talaga nito.

“Saan mo narinig ang term na iyon, Diana?” patuloy ni Jasmin.

Nagkibit siya ng mga balikat. Hindi niya masasabi sa mga ito ang sinabi ng matanda kung kay Bernard nga tumutukoy ang katawagang iyon.

“Isa sa mga bagay na sinabi sa akin ng matanda...” walang anuman niyang sagot. Iniba niya ang usapan. Nakadarama siya ng tensiyon sa loob ng silid. “What happened to King?”

“Dead.” Si Bernard.

Nanlaki ang mga mata niya. “P-papaano...?”

Ipinaliwanag sa kanya ng dalawang lalaki. Kinuha ng mga pulis ng Paso de Blas ang katawan nito mula sa balon kaninang umaga. Naitawag na nila kay Zandro iyon at sa mga sandaling ito marahil ay patungo na sa Paso de Blas ang binata.

At si Clarita ay naghisterya sa pagkamatay ng paboritong anak. Isinusumpa nang husto si Bernard at Nathaniel at sinabing sadyang pinatay nila si King. Na magdedemanda ito.

Makalipas ang ilang sandali ay nagpaalam na ang mag-asawa. Naiwan si Bernard.

“Naguguluhan ako, Bernard,” simula niya. “May karapatan ba akong malaman kung ano ang talagang nangyari?”

“Wala kang karapatang magtanong considering na wala ka ring sinasabi tungkol sa sarili mo...” marahas nitong sagot.

“Muntik na akong mamatay. In a place you called home. And you didn’t even warn me na mag-ingat kay King. I was so trusting dahil ang paniniwala ko’y kamag-anak mo sila...”

“Si Zandro lang ang kapatid ko sa ama,” wika nito at sa kabilang bahagi ng isip ay alam nitong may dapat na ihingi na paumanhin sa binata.

“At hindi mo sinabi sa akin.” m ay akusasyon sa tinig niya. Somehow ay nakadama ng guilt si Bernard. Nang umagang iyon ay naghinala na ito pero hinayaan nitong magkasama pa rin si Diana at King. Katunayan ay ginamit nito si Diana.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Bernard. “Si King ang instrumento ng pagkamatay ni Jewel...” simula nito. “She’s my fiancée...”

“I know...” she said softly. Nakita niya ang hapdi sa mga mata ng binata. May pait siyang nadama sa kaibuturan ng puso at nagseselos siya sa babaeng wala na.

Nagseselos! Oh dear lord! Is she falling in love with this man na apat na araw pa lang halos niyang nakikilala? She closed her eyes tightly.

Nagpatuloy sa pahapyaw na pagkukuwento si Bernard kung paano ang nangyari mula sa pag-alis ni Jewel ng Maynila. At si Diana ang nasasaktan sa hapdi at pait na nakikita niya sa mga mata ni Bernard.

“...and we could have been married by this time of the year, Diana, kung hindi nangyari ang trahedyang iyon,” pagtatapos ni Bernard.

Walang salitang namutawi sa bibig niya. Nararamdaman niya ang pag-ibig at pagmamahal na namagitan kina Bernard at Jewel. At kinainggitan niya ang babaeng iyon. At pares noong unang ikuwento ni Jasmin nang pahapyaw ang tungkol dito ay alam niyang hinding-hindi matutumbasan ninuman ang puwang nito sa puso ni Bernard.

Muling naupo sa gilid ng kama si Bernard makalipas ang ilang sandali. Ginagap ang kamay niya at dinala sa bibig.

“Gusto ko lang ulitin ang sinabi ni Nathaniel kanina. I am really very sorry for what happened, Diana. Hindi ko siguro mapapatawad ang sarili ko kung may nangyari sa iyo...”

Pilit siyang ngumiti. “I’m okay, Bernard. Thanks to that old man.”

Hindi pinansin ni Bernard ang huling sinabi niya. “Gugustuhin mo pa bang manatili dito sa Paso de Blas pagkatapos ng nangyari sa iyo?”

Lakas-loob niyang itinanong ang nasa dibdib. “Gusto mo ba akong umalis?”

Humigpit ang hawak ni Bernard sa mga palad niya. “Sa sandaling ito ay hindi ko alam ang laman ng dibdib ko, Diana. You must understand that. I cannot promise you anything. I cannot do it right now...”

“Nauunawaan ko...” she whispered painfully.

Tumango si Bernard. “Pero iisa ang tiyak, ayokong umalis ka. Gusto kong manatili ka sa Paso de Blas. Sa Kristine Hotel. I don’t want you to leave... I don’t want you to leave me. Kung kaya mo, please bear with me, Diana...” n akikiusap ang tinig ng binata.

Hindi sumagot si Diana. Kaya ba niya? Kaya ba niyang maging anino ng ibang babae? Ano ang mangyayari sa kanila sa nalalapit na panahon? Hindi ba at mayroon siyang ibang suliraning hanggang ngayon ay tinatakasan pa rin?

Nakitang lahat ni Bernard ang sari-saring emosyon sa mukha niya. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ng binata at tumayo. Dinama ng likod ng palad ang pisngi ng dalaga.

“Magpahinga ka. Bukas ay lalabas ka na dito ayon sa doktor. And I’ll give you a tour to the villa at sa buong Hacienda Kristine. Ipapakilala rin kita kay Tiya Julia, ang babaeng nag-aruga sa akin. Dadalhin din kita sa de Silva farm. Doon ako lumaki at nagkaisip...” i sa pa uling malalim na paghinga ang pinakawalan ng binata. His chest tightened, “...at ipakikilala ko sa iyo ang matandang lawin,” muling dinala sa bibig ang palad niya at hinagkan. Pagkatapos ay binitiwan at humakbang patungo sa pinto ng silid.

“Bernard...” she called softly.

Lumingon ang binata.

“I’m not leaving you... ever... kahit ano ang mangyari...”

Kumislap ang mga mata ng binata. Ngumiti. “I know. Humigit-kumulang ay may ideya ako kung ano ang sinabi sa iyo ng matandang lawin,” wika nito. Pinasubalian ng sinabi ang argumento nilang dalawa ni Nathaniel! “Voy a volver lluego, mi amor.”

Tinitigan ng dalaga ang mahinang paglapat ng pinto. She sighed. Hindi niya kailanman pagsisisihan ang desisyong iyon. Kung anumang panganib mayroon ang idudulot ni Charlie ay nakahanda siyang harapin.

She has to fight everything, everybody, if only for Bernard, ang anak ng lawin.

Muchas gracias, Diana...

Narinig ba niya iyon o dinala ng hangin sa tainga niya? Pero ngumiti siya sa kabila ng lahat:

“De nada, old man... de nada...”

WAKAS

Kaya ba ni Charlie na abutin siya sa Paso de Blas? Ano ang gagawin ni Bernard sa kapahamakang muling nakaamba kay Diana? Mapapalitan ba ni Diana sa puso ni Bernard si Jewel?

Abangan po ninyo ang Part II ng special editon na ito sa kasaysayan ng buhay at pag-ibig nina Bernard at Diana bilang pagsasara sa Volume I ng Kristine Series. Pinamagatang: Amore (Beloved Stranger)

Abangan din ang Volume II sa paglalahad ng panibagong kasaysayang punong-puno ng pag-ibig at pakikipagsapalaran.

MARTHA CECILIA