Chapter One
S A PRIBADONG silid ni Bernard sa Kristine Cement ay naroon ito at nakatayo sa may tapat ng bintana. Nakatanaw sa kawalan. Ni hindi nito namalayan ang pagpasok ng mag-asawang Marco at Emerald.
“Gusto ka naming makausap...” s i Marco.
“Tungkol saan?” sagot niya na hindi lumilingon. Walang buhay ang tinig.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Marco na sinulyapan ang asawa. Si Emerald ay naupo sa sofa.
“Totoong nanatili ka sa kompanya, Bernard. Pero para kang buhay na patay...” s i Marco uli.
Nagtagis ang mga bagang na humarap ang binata. “At ano ang gusto mong gawin ko, Marco? Magsaya?” buong kapaitang sinabi nito.
Si Emerald ang sumagot. May namumuong luha sa mga mata. “Naiintindihan ka namin, Bernard. We’re hurting, too. Terribly. Gusto kong ipaalala sa iyong kapatid ko si Jewel. We grew up together. Magkasama kami sa lahat ng sandali. In laughter and in tears. But we have to let go, Bernard. Wala na siya at hindi na babalik kailanman...” t uluyan nang bumagsak ang mga luhang pinipigil ni Emerald.
Hindi sumagot ang binata. Muling itinuon ang mga mata sa labas ng bintana. Sa malaking compound ng Kristine Cement na kinakikitaan ng mga delivery trucks. Ng mga wooden pallets at mga forklifts.
Nasasaktan siya. Hindi pa siya maka-recover sa pagkamatay ni Jewel. Anim na buwan pa lang ang lumipas mula noong datnan niya itong nakahandusay sa baldosa. Duguan ang ulong bumagsak sa malalaking adobe.
She was still alive when he found her. Iniabot nito sa kanya ang nasa kamay. Whispered ‘I love you,’ and breathed her last, sa mga bisig niya. Kasabay ng pagtulo ng mga luha ay muling pumunit sa karimlan ang malakas niyang sigaw.
He was shocked. Hindi niya alam kung ano ang nangyari. Kung bakit naroon si Jewel gayong ang alam niya’y nasa Maynila ito. And he would have wanted to die with her sa mga sandaling iyon.
Hanggang ngayon ay patuloy ang imbestigasyon. Wala kahit na kaunting lead sa mga pangyayari. Ang mga katulong ay inabutang pare-parehong tulog sa kanilang quarters noong gabing iyon. Walang masabi.
Jewel wasn’t raped. Walang nawala sa silid ni Leon Fortalejo. Walang maaaring pag-isipan kung sino ang nagnanais na pumatay rito dahil wala itong kagalit.
Naging suspect si Mitchell dahil ito ang huling kasama ni Jewel. Maliban pa sa alam ng lahat na hanggang sa mga sandaling iyon ay may pag-ibig si Mitch sa dalaga. Subalit pinatunayan ng records ng mga security guard kung anong oras umalis at nakabalik ang binata. Travel time was computed. Bumalik sa Kristine Cement si Mitchell very much ahead of time. Imposibleng may kinalaman ito sa pagkamatay ni Jewel.
And things had never been the same again sa buhay ng mga taong nagmamahal kay Jewel. Higit si Bernard.
“At hindi ko siya dapat pinayagang umuwi...” patuloy ni Emerald na tuluyang nabasag ang tinig. “I should have been firmed nang sabihin kong tawagan ka na lang o si Nathaniel...” n ilapitan ni Marco ang asawa at dinala sa dibdib. Noong mga panahong iyon ay hindi nito malaman kung paano ipapaalam kay Emerald ang nangyari. Bagong panganak lang ito.
And as expected, nabinat si Emerald. Pagkatapos ng libing ay muling ibinalik sa ospital dahil nag-breakdown. Ang nanatiling matatag sa mga panahong iyon ay si Marco dahil kinakailangan. Si Anna na umuwi mula Amerika ay kailangan pang bigyan ng pangkalmante. She was hysterical. Nathaniel and Bernard was totally devastated.
Nathaniel blamed himself kung bakit sa araw pang iyon napiling maglipat sa bagong bahay. Si Mitchell ay sinisi rin ang sarili kung bakit hindi pinagbigyan ang anyaya ng dalagang sumama sa bagong bahay ni Nathaniel at Jasmin.
“Hush, darling...” bulong ni Marco sa asawa. “You will make yourself sick again...”
Maliban sa mga hikbi ni Emerald ay isang mahabang katahimikan ang pumagitan. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Bernard at naupo sa swivel chair na dating kay Don Leon Fortalejo. Ang tanging dahilan kung bakit nakatayo pa rin ito ay dahil sa pagiging isang Fortalejo. Dahil sa mga obligasyong nasa balikat nito bilang isang pinuno ng kompanya na nag-e-empleyo ng di-mabilang na mga tao. Hindi lang ang kompanya ang minana niya mula kay Leon kundi pati ang obligasyon nito sa mga taong nakapaligid.
Si Leon Fortalejo at ang kompanya ay iisa. Ngayon ay kanya iyon. Bernard de Silva Fortalejo. President and Chairman of the Board. Kristine Cement Group of Companies.
Hindi niya matatalikuran ang responsibilidad gustuhin man niya. Hindi dahil hindi niya gustong biguin si Leon. Kundi nararamdaman niya sa dibdib niyang gusto niyang gawin iyon. Isa siyang Fortalejo. Nang ipamana sa kanya ni Leon ang buong kompanya, siya at ito ay naging iisa.
Pinagtagumpayan lahat ni Leon Fortalejo ang mga suliranin gaano man kabigat at kalaki. Sa kompanya man, sa personal mang buhay at maging sa mga babaeng napaugnay dito.
De Silva at Fortalejo. Parehong tower of strength. At parehong nanalaytay sa dugo niya iyon.
Isa pa uling buntong-hininga ang pinakawalan ni Bernard bago hinarap si Marco. “Ano iyong sinasabi mong kailangan mo sa akin...”
“Kailangang harapin ang mga problemang dumarating, Bernard. Alam kong alam mo iyan,” sagot ni Marco na pinakawalan ang asawa. “At isa na rito ay ang mama ni Zandro...”
Tumiim ang mukha ng binata. “What about them?”
“The usual claim. Hinihingi nito ang bahagi ni Zandro sa kayamanan ni Leon Fortalejo...”
“Ano ang sinasabi ni Zandro tungkol doon?”
“Zandro was silent. Hindi ko alam kung ano ang saloobin. I find him dangerous. Ang maingay at vocal sa pagsasabi ng gusto ay si Clarita at ang bunsong anak nitong si King.”
“You are the lawyer. Ano sa palagay mo?” bagot na sagot ni Bernard. Sinulyapan si Emerald na nagpapahid ng mga mata. Muli ay inangkin ang isip at damdamin niya sa sanhi ng mga luhang iyon. Napapikit siya at sinikap na i-concentrate ang isip sa sinasabi ni Marco.
“Zandro is older and definitely ay sa kanya mauuwi ang Villa Kristine kung mapapatunayan iyon ng batas. Pero hindi ang Kristine Corporation dahil legal itong ipinamana sa iyo ni Leon.”
“What is our chances?”
“Alam mong walang pera ang Villa Kristine dahil nasa kompanya ang pera. Hindi rin naman maipagbibili ang anumang bagay sa loob ng villa dahil entail inheritance nga ito. Iyon ay kung mauuwi kay Zandro ang villa...”
“Ano ang silbi ng villa sa kanila kung walang pera?”
“Precisely,” sang-ayon ni Marco. “But are you willing to entrust the villa to these people?”
“No,” mariin at matigas na sagot ni Bernard. “Ibibigay ko sa kanila ang halagang katumbas ng villa kung... mapapatunayang may karapatan si Zandro dito...”
“Paano kung hindi pumayag ang mag-anak na Clarita at King. At maging si Zandro?”
Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Bernard. Mga ngiting puno ng pagkasuklam. “Akin at kay Nathaniel ang lupang nakapaligid sa Villa Kristine, Marco. Halos ang buong Paso de Blas...”
“Hindi mo ibig sabihin sa aking...?” Napahugot ng paghinga si Marco. Si Emerald ay napatitig kay Bernard. Napapikit ito. Bernard looked and sounded like Leon Fortalejo.
“There will be no right of way!” pagalit na sagot ng binata. “Sa ere sila dumaan kung gusto nila,” malupit nitong sinabi.
“Well, well, well.” n apasandal sa likod ng upuan si Marco kasabay ang pagngisi. “At ang buong akala ko’y matagal nang namayapa si Leon Fortalejo...”
“You’re a lawyer, Marco. You should know about this entail inheritance. Isa itong foreign law. Sa palagay mo ba’y angkop ito sa batas natin?”
“lyan ang isa sa mga gusto kong ipakipag-usap sa iyo. Kinonsulta ko na rin si Attorney Serafin tungkol dito,” ani Marco na itinaas ang isang binti sa kabilang silya. “This entail inheritance law ay ipinatupad ng ama ni Leon noong kapanahunan nito. At tiniyak sa akin ng kasama ko na mawawalan na ito ng bisa. Ang mananatili ay ang legal na testamento ni Leon sa pagpapamana sa kanyang mga ari-arian nang ito ay mamatay. At kahit ikaw, Bernard, maaari mong maipamana ang mga minana mo sa mga taong gusto mong pamanahan. Oh, well, we still have to make some thorough studies on this matter...”
“Ano kung ganoon ang maaaring habulin ng mag-anak ni Zandro?” m uli ang pagsingkit ng mga mata ni Bernard pagkabanggit sa pangalan ng lalaki.
“Anak siya ni Leon. At kung mapapatunayang isa siyang legal na Fortalejo ay may karapatan siya sa mga minana ninyo ni Margarita. Oh, well, hindi naman ibig sabihin ay mahahati sa tatlo ang mana. Kung ano lang iyong nararapat sa kanya na isinasaad ng batas natin.”
“Ang sabi mo’y hindi naman interesado si Zandro...”
“We’ve met him, `di ba? Hindi niya sinabing interesado siya sa mana. In fact, matagal na niyang tinanggihan iyon. Pero si Clarita at ang kapatid ni Zandro sa ina na si King ay gayon na lamang ang paghahangad na bahaginan si Zandro. At ano ang malay natin kung mula kay Zandro ang utos na maging masigasig ang mag-ina...”
Isang drawer ang binuksan ni Bernard at may inilabas mula roon. Nakalagay iyon sa isang maliit na plastic na malinaw.
“Gusto kong tingnan mo ito, Marco. Ikaw rin, Emerald,” anang binata na inilapag sa ibabaw ng mesa ang plastic.
“Ano iyan?” Si Emerald na lumapit sa mesa.
Ibinuhos ni Bernard ang laman ng plastic sa mesa.
“Kuwintas!” magkapanabay na banggit ng mag-asawa.
“Kaninong kuwintas ito, Bernard?” tanong ni Emerald na dinampot ang alahas at itinaas. Sa palawit ay may nakalagay na ‘Z’ na napapaligiran ng maliliit na chispas.
Nagkalambong ang mga mata ni Bernard. “Ibinigay sa akin ni Jewel bago siya namatay...” he said in a broken voice.
Napahugot ng paghinga ang mag-asawa. Nagkatinginan.
“Bernard, hindi mo ibig ipahiwatig na...” bulalas ni Emerald.
“He has all the motives, Emerald,” sagot ng binata na nagtagis ang mga bagang. “At kung mapatunayan kong siya ang pumatay kay Jewel, pagsisisihan niyang umapak siya ng Paso de Blas. I’ll wipe him off from the surface of the earth!” May banta sa tinig nito.
“Bakit hindi mo ipinakita ito sa mga imbestigador, Bernard?” ani Marco na nagsalubong ang mga kilay. “You were holding an evidence...”
“Hindi ko naalala iyan, Marco. In fact, nabitiwan ko iyan noong mga panahong iyon nang buhatin ko si Jewel upang ipasok sa loob ng bahay. Hinanap ko iyan nitong nakaraang buwang binabalik-balikan ko sa isip ang mga pangyayari. Ginamitan ko pa ng magnetong instrumento upang madaling makita,” paliwanag ng binata.
“Bakit nasa sa iyo ito? Hindi ba dapat na ibigay mo sa mga imbestigador?” patuloy ni Marco na sa pagkakataong iyon ay tumigas ang mukha. Number one suspect ngayon si Zandro.
“May kinausap na akong private investigator, Marco. He was a friend from Ateneo. Nakita na niya iyan at mag-iimbestiga siya sa paraang walang makakaalam. Kung sino man ang kriminal, natitiyak kong magiging panatag ito kung malamang kinalimutan na natin ang kaso. Darating ang kaibigan kong ito sa Paso de Blas bilang bisita ko isa sa mga araw na ito...” paliwanag ng binata.
“D-do you think that this piece of jewelry belongs to Zandro, Marco, Bernard?” Si Emerald na muli na namang namuo ang mga luha sa mata. “I-itinulak ba niya si Jewel sa veranda?”
Parehong buntong-hininga ang isinagot ng dalawang lalaki. “Hindi natin alam ang totoong nangyari, Emerald.” s i Bernard ang nagsalita. “Pero nabuo sa isip kong nanlaban si Jewel dahil nakuha niya ang kuwintas na ito sa kung sino man ang naroon sa villa nang gabing iyon. Alin na lang sa dalawa, pinatay siya or she chose to jump to her death kaysa sa maaaring gawin ng kriminal.” k itang-kita ni Emerald ang paggalawan ng mga muscles sa mukha ni Bernard. Ang apoy sa mga mata nitong sinisikap ng binatang kontrolin. At kinabahan si Emerald. Never had she seen him na nagagalit nang ganito.
“Kung anuman ang magiging resulta ng imbestigasyon, Bernard, sana ay huwag mong ilagay sa mga kamay mo ang batas,” paalala ni Marco.
Isang malakas na tawa ang pinakawalan ng binata. Mapanganib na tawa na hindi naman nagpagalak sa dibdib nito.
“Paso de Blas is mine, Marco. Namin ni Nathaniel,” maigting nitong sinabi. Halos marinig na ng mag-asawa ang pagtatagis ng mga bagang nito. “Batas namin ang iiral sa bayang iyon. Kung sino man ang may dapat managot sa pagkamatay ni Jewel ay magbabayad nang mahal!”
“Oh, Bernard...” n apahikbi si Emerald sa intensidad ng sinasabi nito, sa galit nito.
Si Marco ay napatiim-bagang. Hindi nito maaawat sina Bernard at Nathaniel sa pagpaparusa sa kung sino man ang kriminal. Ilang patayan na ba ang naganap sa Paso de Blas sa nakalipas na mga taon na hindi na umabot pa sa batas ng bayang iyon? Si Leon Fortalejo ang batas sa buong Paso de Blas, ang makapangyarihang lawin.
At narito ngayon ang anak ng lawin. Higit na mapanganib. Higit na marahas dahil nasugatan. Huwag nang idagdag pa si Nathaniel. Pinaghatian ng dalawang ito ang kapangyarihan sa bayang iyon. Ang kaibahan ay hindi magkaaway ang mga ito. At nanganganib ang sinumang nagnanais na kalabanin ang dalawa.
At sa kauna-unahang pagkakataon ay kinabahan si Marco sa pagkakatitig sa pamangkin. Sa buong panahong pagkakilala niya kay Bernard ay tahimik ito. Bernard grew up under his care. At kahit noong araw pa ay nag-iisip na ito kung anong uri ng pagkatao ang nasa likod ng katahimikang iyon.
Ngayon ay alam na nito. Bernard is twice as much as dangerous as Leon Fortalejo was.