noveltoon logo noveltoon
Villa Kristine (Kristine Series 5)

Chapter 9

Ch. 10 / 12 Feb 05, 2022

Chapter Nine

A LAS kuwatro na ng hapon nang inihatid ni King si Diana sa silid nito. Isang oras makaalis si Bernard.

“You’ve got a nice suite here,” wika ng binata na sumilip.

“Kay Bernard ang suite na ito, King. Ipinagamit sa akin. Halika, pumasok ka,” anyaya ng dalaga. Panatag ang loob dahil mga kamag-anak ito ni Bernard sa pagkakaalam niya.

Naupo sa lounge si King sa may sitting room.

“Make yourself comfortable. Magbibihis lang ako.” t umuloy na ang dalaga sa adjoining room at isinara ang pinto pagkatapos. Hindi niya napuna ang biglang pagdilim ng paningin ni King na sumunod ang tingin sa kanya.

Makalipas ang ilang minuto ay muling lumabas ang dalaga. Nagsalubong ang mga kilay nito sa nalanghap sa loob ng sitting room.

“A-ano iyang sinisigarilyo mo?”

“C’mon, Diana. This is just a little fun...”

Tumango ang dalaga. Naiintindihan niya iyon. Ilang kaibigan ba niya ang gumagamit ng bawal na gamot? Kahit si Kenneth ay alam niyang gumagamit niyon. Isa iyon sa hindi niya gusto sa kasintahang inireto sa kanya ni Charlie.

“Pero, King, ayokong dito mo gawin iyan. Baka malaman ni Bernard. Nakakahiya naman sa kanya. Ipinagamit lang niya sa akin ang suite niyang ito.”

Tumiim ang mukha ng lalaki. “Huwag mong intindihin si Bernard, Diana. Sandali na lang ang pagmamay-ari niya sa Villa Kristine...”

“Ano ang ibig mong sabihin?”

“Si Zandro ang may karapatan sa villa at hindi si Bernard dahil mas panganay ito kaysa kay Bernard.”

n agsalubong lalo ang mga kilay ng dalaga. Wala siyang naiintindihan sa mga sinasabi ng lalaki.

Nagbuga ng usok si King. “Well, hindi mo nga pala alam iyon. Anyway, gusto mo bang ipasyal kita sa Villa Kristine?”

Hindi agad nakasagot ang dalaga. Ang alam niya’y tinanggihan na siya ni Bernard na magtungo sila roon.

“Baka magalit si Bernard, King...”

“Ano ka ba at takot ka doon sa tao,” banayad nitong angil. “Isa pa, sa legal na paraan ay si Zandro ang may-ari ng villa kaya may karapatan ako o ang Mama na magtungo roon anumang oras. Maganda roon, Diana. Para kang nasa panahon ng mga k astila. Marangya sa antigong paraan...”

Napukaw ang kuryosidad ni Diana. She really have wanted to see the villa kahapon pa habang nagkukuwento si Jasmin.

“At isa pa’y natitiyak kong wala rito sa Paso de Blas si Bernard. Hindi iyon tatagal dito dahil hanggang ngayon ay iniinda pa nito ang pagkamatay ng syota.” u mismid ito. “Dangan kasi naman iyong syota niyang iyon...”

“Ano’ng ibig mong sabihing dangan kasi?’ nagtatakang tanong ni Diana.

Nagkibit ng mga balikat si King. “Nagpakamatay, di ba? May problema sigurong malaki kay Bernard...”

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Diana. Medyo high na si King at hindi na niya naiintindihan ang sinasabi.

“Paano tayo pupunta roon gayong wala ka sa kondisyon?”

Natawa si King. “Balewala itong nakikita mong ito. Magpapahinga lang ako at mamayang gabi ay pumunta tayo roon...”

“Bakit mamayang gabi?”

“Gustong sumama ng Mama pero gusto nitong sa gabi na lumakad,” katwiran ni King. “Maaga pa naman ang alas-siyete, hindi ba?”

“Kung sabagay. Sige. Pagkahapunan. Magkita na lang tayo sa lobby...”

Lumabas ng silid ang lalaki. Si Diana ay muling nagbalik sa loob ng silid. Sa mga mumunting kuwento ni King ay nakakabuo siya sa kung ano ang mga nangyayari sa Paso de Blas. At habang lumalaon ay lumalalim ang kuryosidad niya. Hindi sinabi ni Jasmin kung paano namatay si Jewel. Si King ay nadulas sabihin sa kanyang nagpakamatay ito. Ano na ba ang totoo? At kung totoong nagpakamatay ito, ano ang dahilan? Ang akala ba niya’y isang perfect relationship mayroon ito at si Bernard. Well, anyway, she’s looking forward to visiting the villa.

Nahiga ang dalaga sa kama at sinikap umidlip dahil pagod naman siya sa pamamasyal at pagsu-swimming nila ni King. Subalit nasa balintataw niya ang anyo ni Bernard. Ang nangyari sa kanila kahapon. May kung anong init na gumuhit sa katawan ng dalaga sa isiping iyon. At hindi siya makapaniwalang ganoon ang dulot ni Bernard sa kanya gayong imahinasyon lang niya ang gumagana.

Kailan ito babalik sa Paso de Blas? Hanggang kailan ang accommodation niya sa hotel?

Sa mga kaisipang iyon ay umidlip ang dalaga. Nagising siya sa tunog ng interphone. Dinampot niya ito. “Hello...”

“Hey, alas-siyete y media na...” s i King. “Ano ang nangyari at kanina pa ako naghihintay sa iyo dito sa lobby?” May iritasyon sa tinig nito.

“Oh!” Nakatulog siya. Sinulyapan ang relo sa nightlamp. Gusto niyang sabihin ditong huwag na lang tumuloy dahil mas nanaisin pa niyang ipagpatuloy na lang ang tulog. Pero nakapagbitiw na siya ng salita. Isa pa’y nakakahiya sa mama nito.

“I’ll be down in five minutes, King,” aniya at ibinaba ang interphone. Madaliang nag-ayos. Hindi na pinalitan ang maong at blouse. Nabili niya iyon kanina sa shopping store ng hotel.

Kasalukuyan niyang inila-lock ang pinto nang masalubong sa hallway si Rolly, ang hotel supervisor. Nakilala niya ito kahapon ng hapon. At isang waiter na may dalang tray ng pagkain.

“Nagpapanhik na ako ng hapunan mo dahil hindi ka bumaba,” wika ng binata. Ibinilin sa kanya ni Bernard kahapon ang tungkol dito.

“Naku, Rolly, nakakahiya naman sa iyo pero wala akong oras para kumain ngayon. Sasamahan ako ni King sa villa...” wala sa loob niyang sinabi.

“Ganoon ba? O, sige ibalik mo na lang iyan,” utos nito sa waiter. “Itawag mo na lang ang gusto mong ipahatid mamaya pagdating mo.”

“Thank you, Rolly...” m abilis siyang bumaba patungo sa lobby. Naroon na si King na inip na inip ang anyo.

“Let’s go,” wika nito na hinawakan siya sa braso.

“Ano ang sasakyan natin?”

“Ang isa sa mga service pickup ng hotel. Nagagamit naman naming mag-anak ito.” t uloy-tuloy sila sa parking area.

Nakasakay na si Diana nang maalalang hindi nila kasama si Clarita. “Nasaan ang mama mo? Akala ko ba’y kasama natin?”

“Nauna na. Nainip sa iyo,” ang sagot nito.

Nakadama ng guilt si Diana. “I’m sorry, King. Naidlip kasi ako.”

Ngumiti ang lalaki. “Okay lang.”

Nalanghap ng dalaga ang amoy ng marijuana sa hininga nito at bahagya siyang napapikit. Tama bang sumama siya sa lalaking ito nang nag-iisa at gabi pa? Pero may mga katulong naman sa villa sa pagkakaalam niya. Isa pa’y nauna na roon si Clarita. Pangalawa, hindi naman siguro ito gagawa ng hindi mabuti dahil kamag-anak ito ni Bernard.

Sa mga katwirang iyon ay isinandal niya ang sarili sa upuan.

SAMANTALA sa bahay ng mga Cervantes.

“Hindi mo pa ba nako-contact?” Si Andre kay Bernard na nasa tainga ang CP.

Umiling ang binata. “Off pa rin ang linya niya. Damn him! Bakit pa nagtetelepono kung naka-off naman ang linya!” pagalit nitong sinabi. Kanina pang alas-tres ng hapon nila tinatawagan si Zandro pero hindi nila ma-contact. Nagbilin na rin siya sa reception desk na kung tumawag sa hotel ay sabihing tawagan siya.

“Relax, Bernard. Ngayon ka pa ba magkakaganyang may lead na tayo sa kaso...”paalala ni Nathaniel.

“Kung si King ang pumatay kay Jewel ay mapanganib siya, naintindihan ninyo?” naniningkit ang mga matang wika nito sa dalawa. Kung siya ang nasunod ay kanina pa niya ipinadampot sa mga tao niya ang lalaki. “At ayokong may mabangis na hayup na gumagala sa Paso de Blas! Kung paanong hindi natin gusto, Nat, na may mabangis na toro na nakakawala. At alam mo ang ginagawa natin sa mga torong mamatay-tao!”

Isang matalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Nathaniel. Dinampot nito ang CP na binitiwan ni Bernard sa mesa. They’ve been calling Zandro every now and then.

“It’s ringing!” Tumingala si Nat sa pinsan.

“ Muchas gracias !” Mabilis na inagaw ni Bernard ang telepono sa kamay ni Nathaniel. Dalawa pa uling ring nang may sumagot. “Hello... Zandro! You, son of a bitch, where have you been all this time?”

Nagsalubong ang mga kilay ng nasa kabilang linya. Gustong magpanting ang tainga. Pero nanatiling mahinahon nang sumagot.

“I was out of town, Bernard. Kararating ko lang twenty minutes ago...”

“Bakit kailangang naka-off ang linya mo?” galit pa ring tanong nito.

“Walang CP line sa pinupuntahan ko. Useless na nakabukas ang linya. I’m here now, ano’ng gusto mo?”

“Maliban sa iyo, sino ang nakakaalam na tumawag si Jewel noong gabing iyon?” Tila patalim ang tinig nito na humihiwa.

“Of course ang desk personnel... no... no. Hindi nga pala nila nalaman iyon...”

“Alalahanin mo, Zandro. Alalahanin mo!”

“Huwag kang sumigaw. Nag-iisip ako...”

Papanhik na ito sa hagdan pabalik sa silid nang masalubong ang kapatid.

“Sino ang kausap mo sa telepono? Imbitado ba tayo sa gatherings ng mga kamag-anak mo,” tudyo ni King.

Isang matalim na tingin ang ibinigay ni Zandro kay King. Nalalanghap nito ang mari juana sa hininga. “Bernard’s girlfriend.”

Sandaling hindi kumibo si King. May matinding crush siya sa dalaga. “At dito ba magla-landing ang chopper?’’

Nasa itaas na ng hagdan si Zandro nang kaswal na sumag ot. “Sa Villa...” at tuloy-tuloy nang pumanhik.

“Nasabi ko yata kay King,” sagot nito. Narinig niya ang malakas na paghugot ng hininga sa kabilang linya. “What is this all about, Bernard?” Ni hindi nito natapos ang tanong. Wala na sa linya ang binata.

“Tama ang hinala ko! Alam ni King na darating si Jewel noong gabing iyon!”

“Madre de dios!” bulalas ni Nathaniel. Pagkatapos ay tumayo. “Hindi ko kailangan ang sumunod na araw, Andre. Sa gabing ito mismo ay mananagot ang lalaking iyon!”

Nagkibit ng mga balikat si Andre at inilahad ang mga kamay. Sumunod kay Nathaniel pabalik sa kabahayan. Nagulat pa si Jasmin nang sabay-sabay na lumabas ng bahay ang tatlo.

“Nakahain na,” tawag niya sa tatlong lalaki.

“Later, darling. May aasikasuhin lang kaming mahalagang bagay,” tingala ni Nathaniel sa asawa.

Nagsalubong ang mga kilay ni Jasmin sa anyo nito. Gayundin si Bernard na nasa pickup na at binubuksan iyon.

“I’ll drive, Nat,” wika nito sa pinsan na pumasok sa passenger seat. Si Andre ay sa likod.

Ini-start ni Bernard ang ignition at hindi nagtagal ay nasa daan na sila. Si Andre ay nagsisikap na pagtagni-tagniin ang mga pangyayari tulad ng isang imbestigador. Ang dalawang lalaki sa unahan ay hindi kumikibo at parehong naka-tiim ang mga bagang.

“Isipin mong nang dahil lang sa pabango, Bernard, ay mukhang malulutas ang kaso ng pagkamatay ni Jewel...” s i Andre pa rin.

Naningkit lalo ang mga mata ng binata roon. Galit, pait at matinding sakit ang humihiwa sa dibdib. Nang oras na iyon na ikulong niya sa mga bisig niya ang kasintahan ay nalanghap niya ang kakaibang pabangong iyon. Pero hindi roon nakatuon ang mga pangyayari kaya hindi man lang pumasok sa isip niya iyon kahit minsan sa panahon ng imbestigasyon. Kung paanong bumagsak din sa mga kamay niya ang kuwintas nang hindi niya namamalayan.

At kahapong kausap niya ang mga ito sa reception ay hindi sinasadyang malanghap niya kay King iyon. In fact, he didn’t really realize it subalit tila nanatili sa ilong niya ang bango, kung ano man iyon, at may alaalang bumangon. Iyon ang dahilan kaya bumalik siya sa loob upang makatiyak. Nang sabihin niya kay Nathaniel at Andre ay hindi gaanong binigyan ng timbang ng dalawa. It was over six months, ayon sa mga ito, para maalala ang amoy. But his instincts told him otherwise. Matapang ang cologne na nadikit sa katawan ni Jewel. At ngayon niya natiyak na pinagtangkaan nito ang kasintahan.

Halos bumaon sa lupa ang gulong ng pickup sa puntong iyon na inililiko niya sa sangang-daan patungo sa hotel. Tumaas-bumaba ang dibdib niya sa galit.

Sa Villa, hijo... sa villa...

“Did you say something?” sabay na nasabi ni Bernard at Nathaniel sa isa’t isa. Pareho ring nagkatinginan.

“Damnit, Nathaniel Call the hotel and ask for Diana!”

“What’s wrong with you two.” s i Andre na naguguluhan. Si Nathaniel ay mabilis na idinayal ang telepono. Si Bernard ay nagmenor.

“Lumabas? Yes... kausapin ko si Rolly....” s inulyapan nito si Bernard na halos hindi humihinga at tuluyan nang inihinto sa gitna ng daan ang pickup. “Rolly, alam mo ba kung saan nagpunta si Diana?” Pinakinggan nito ang sinasabi ng nasa linya at sa anyo ng mukha nito ay muling pinaandar ni Bernard ang pickup.

Umiingit ang gulong nang magmaniobra pabalik. Bumaon ang mga unahang gulong sa halos basa pang lupa subalit itinodo ang kambiyo at apak sa selinyador at muling umahon.

And drove like hell!

“Ano ba ang nangyayari?” hiyaw ni Andre mula sa likod. Tila papatay ng tao ang mukha ng dalawang lalaking nasa harap.

Si Nathaniel ay hindi binibitiwan ang telepono at idinayal ang numero sa villa. May dalawang katulong doon. Paulit-ulit. Halos lumubog ang mga buton ng CP sa mariing pagda-dial. Walang ring.

Don’t let it be, please! ang laman ng isip ni Bernard. He never thought that he would be this terrified.

Mula pa kahapon ay sinikap na niyang kontrolin ang sarili. He didn’t want to see her... to be near her. Kung gagawin niya iyon ay hindi niya maipapangakong hindi niya ikukulong sa mga bisig ang dalaga. He wanted to make love to her in every possible moment.

And how he really would want to hate her. Dahil sa kabila ng abala na ang isip at emosyon niya sa kasong inaakalang malapit nang malutas ay sadyang gumagawa ng daan si Diana na pasukin ang isip niya.

At nahahati ang damdamin niya sa maraming emosyon. He wanted to kill King with his bare hands dahil sa ginawa nito kay Jewel. And he’s hurting, really hurting dahil bakit kailangang mamatay ang babaeng iniibig niya sa kamay ng buhong na ito? And Jewel chose her own death kaysa mapasakamay ni King. Or she didn’t think she would die nang tumalon sa veranda.

At ang kabilang bahagi ng isip niya’y okupado ni Diana. Halos sasabog ang dibdib niya sa matinding pag-aalala rito.

And he will give anything wala lang sanang mangyari kay Diana. Kahit ang villa ay ipagkakaloob niya kay Zandro kung kinakailangan. Walang kinalaman si Diana sa mga nangyayari. Tumakas ito mula sa kung anumang tinatakasan sa Maynila hindi upang mapagsamantalahan o mamatay lang sa kamay ng isang buhong dito sa Paso de Blas. Sa mismong bayang pag-aari ng mga Fortalejo.

“Slow down, Bernard!” hiyaw uli ni Andre. “Ano ba ang nangyayari sa iyo? Akala ko ba ay sa hotel tayo pupunta?”

Nagtagis ang mga ngipin ng binata. Tatlong kilometro pang mahigit hanggang sa villa and who knows kung gaano na katagal dumating doon ang dalawa. Isa itong replay ng nangyari mahigit nang anim na buwan ang nakararaan. Hindi siya mapalagay, may tila bumubulong sa kanyang bumalik sa villa. Lamang ay hindi niya gaanong pinag-ukulan ng pansin. And when he did, it was too late.

And he wished to hell that he won’t be late this time! Fate can’t be this cruel.

Bahagyang nilingon si Andre. “Isinusumpa ko, Andre, na papatayin ko mismo sa harap mo si King sa sandaling may mangyaring masama kay Diana!”

Napahugot ng matalim na paghinga si Andre at unti-unting napasandal.