noveltoon logo noveltoon
Villa Kristine (Kristine Series 5)

Chapter 7

Ch. 8 / 12 Feb 05, 2022

Chapter Seven

H APON na nang magising si Diana. At bagaman iyon ang pinakamahabang tulog na naranasan niya sa nakalipas na anim na buwang mahigit ay hindi maginhawa ang pakiramdam niya.

Sa halip ay pagod ang nadarama niya. And sore... and stiff. Inikot niya ang mga mata sa silid at sinikap alalahanin kung nasaan siya. Bigla ang pagbangon ng panic sa dibdib sa naalala. She was with a strange man in a strange place and... nagtayuan ang mga mumunting balahibo niya sa katawan sa huling naalala.

Bakit naman naging ganoon kabilis ang mga pangyayari? Paano na ngayon? She thought desperately at mabilis na bumangon. Agad ding dinampot ang kumot at ipinulupot sa katawan nang matantong hubad siya. Humakbang patungo sa bintana at binuksan ang makapal na kurtina. Mula sa bintanang salamin ay natanaw niya ang asul na dagat at puting buhangin. May mga tao pa rin sa beach sa kabila ng pasado ala-una na at kainitan ng araw. Some were aqua cycling, some were swimming and playing. Mostly ay mga foreigners ang nakikita niya.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ng dalaga. Things were different in the light of day. Kagabi ay nagpadalos-dalos siya. Paano na ngayon?

Napalingon siya sa biglang pagbukas ng pinto. Si Bernard. In mint green sports shirt at faded denims. Hindi niya mapigilan ang paglukso ng puso pagkakita rito. He was handsome, pero ngayong umaga, sa liwanag ng araw, he was incredibly attractive.

“Hindi ka kumatok,” akusa niya. Nakasabog pa sa mukha at balikat niya ang buhok. At hindi pa niya nakikita ang sarili sa salamin.

“Para ano? This is my suite and everything in it is mine,” sagot ng binata na hinagod siya ng tingin. Pagkatapos ay ngumiti. “Bagay sa iyo ang pagkakatapis mo ng kumot na puti. Hindi ba at ganyan ang hitsura ng namesake mo sa Roman mythology?”

“Hindi mo ako pag-aari,” mariing sagot niya na binalewala ang huling sinabi ni Bernard.

“Oh, yeah? Hindi ko pa sinasabi sa iyo kung ano ang magiging kabayaran mo sa pagdadala ko dito sa iyo sa Paso de Blas.”

“Bakit hindi mo sabihin ngayon nang matapos na!”

“Wala akong maisip, Diana...”

Apoy ang lumalabas sa mga mata ni Diana nang tumitig sa binata. “At ano ang gagawin ko habang wala ka pang naiisip, Bernard? Shall I be at your calling every night?”

“Paano kung ganoon nga dahil iyon ang hihingin kong kabayaran?”

Nanlaki ang mga mata niya. “Y-you can’t mean that...!”

I do. I really do, bulong ng isip ng binata. Nagtagis ang mga bagang sa pagkakatitig sa kanya. The damned woman is beautiful even when angry. At kahit bagong gising. Nakasabog ang soft brown na buhok sa mukha cascading down to her perfect shoulders. Nakatapis lang ng puting kumot sa katawan and yet she’s the epitome of perfection.

And in one fleeting moment he hated her. Hated her for her beauty. Hated her for making him want her still sa kabila ng pinagsawa na nito ang sarili sa buong magdamag sa piling niya. Hated her for making him forget the face of a woman he loved for many years.

And worst, wala itong alam tungkol sa babaeng ito. Kaninang umaga’y pinangahasan nitong pakialaman ang clutch bag ni Diana. Ang bag mismo ay designer’s label. May pera doon at malaki-laki rin. Isang pares ng hikaw at deepsea pearl choker. Both jewelries are very expensive. Maliban sa wallet na wala namang identification kundi mga ATM cards ay wala na itong nakuha pang anumang impormasyon.

Although, hindi magiging mahirap para ditong alamin kung sino ang babaeng ito sa pamamagitan ng mga accounts nito sa bangko. Magagawa nitong pakilusin ang pera malaman lang kung sino ang babaeng ito. Dalawa sa ATM ni Diana ay ang bangko ng Kristine Cement. Hindi gugustuhin ng mga bangkong ito na i-pull out nito ang accounts ng kompanya. Ang Kristine Corporation ang isa sa mga major depositors nila.

Pero hindi nito gagawin ang bagay na iyon sa ngayon.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Bernard. “Magbihis ka. Iniimbitahan tayo ng may-ari ng hotel na ito sa bahay nila para doon mananghalian. Nariyan sa cabinet ang suot mo kagabi. Ipinadala ko na sa laundry kaninang umaga iyan.”

“Hindi mo ako sinasagot,” giit ni Diana. “Don’t confine me in this room, Bernard. I want my freedom.”

“Malaya kang kumilos sa buong Paso de Blas, Diana. At ang silid na ito ang magiging tirahan mo mula ngayon. You can eat at the restaurant below. You can shop sa shopping store sa ibaba para sa mga damit mo.”

“I cannot afford this suite...”

“Naka-charge lahat ang mga iyon sa account ko.”

“At malaya ang tawag mo roon?” angil niya. “Gusto kong kumilos sa paraang gusto ko, Bernard. Gastahin ang sarili kong pera.”

“Nakita ko sa bag mo that you don’t have much money unless isang buwan ka lang dito at maninirahan at mamumuhay tulad ng mga empleyado ng hotel.”

“Pinakialaman mo ang bag ko!” Namula ang mukha niya sa galit. “Wala kang karapatang gawin iyon!” naiiyak niyang dagdag.

“Tell me about yourself, Diana...” mahinahon pa ring hikayat ni Bernard sa outburst niya.

“Damn you, Bernardl Hindi ka tumutupad sa usapan.”

“Tinupad ko ang usapang dadalhin kita rito. But I forgot to tell you na lahat ng mga naririto sa Paso de Blas ay nasa ilalim ng kapangyarihan ko,” he told her softly but dangerously. “At gusto ko ring sabihin sa iyong malalaman ko kung sino ka kung gugustuhin ko. Piece of cake, Diana. You have your name and your ATMs. Maliban na lang kung hindi ikaw iyan at ninakaw mo lang...”

“Oh, you...you...” h indi niya makuhang madugtungan ang sinasabi sa galit.

“At naisip ko na kung ano ang gusto kong kabayaran sa pagdadala ko sa iyo rito, mi amor.” n anunuya na ang tinig nito. Napatitig si Diana sa itim na mga matang iyon. “I only wish for you to obey me.”

“What?” nanggigilalas niyang tanong.

“Simple, hindi ba? You’re lucky. Awtomatikong sumusunod sa akin ang mga nasasakupan ko. Pero sa iyo, hinihiling ko bilang siyang kabayaran ng paglalabas ko sa iyo ng Maynila...”

Her eyes wide. The man is shrewd. Mas mapanganib pa kay Charlie. He hated Charlie trying to manipulate her life. Pero heto ang isa pang male chauvinist pig at gustong manipulahin ang buhay niya.

“Not in this life, Bernard!”

Nagkibit ng mga balikat si Bernard. “Kung hindi mo gustong tumupad sa usapan ay magagawa ko ring hindi tuparin ang sa akin. At sa puntong iyon, you will be the loser, my lady...”

“You’re being unfair!” sigaw niya.

“I don’t think so. Considering na isang simpleng obedience lang ang hinihiling ko...”

“Paano kung... kung hilingin mong...”

“Kung hilingin kong makapiling ka sa bawat sandali?” Ikiniling bahagya ng binata ang ulo.

“Yes!” She gritted her teeth.

“Kung hindi mo ginustong ibigay ang sarili mo kagabi ay hindi kita pipilitin, Diana. I had never forced a woman. And if and when na gusto kong makapiling ka sa buong magdamag iyon ay dahil gusto mo rin.”

Damn him! Kahit kailan ay wala pang taong nakapagpasuko sa kanya nang ganito kadali. Pero ano ang pagpipilian niya?

“Bibigyan kita ng sampung minuto para mag-ayos. Hihintayin kita sa lobby...” t umalikod na palabas uli ang binata. Naiwang nagpupuyos ang loob ni Diana. Hinubad ang kumot na nakatapis at walang pakialam na naglakad nang hubad nang biglang bumukas muli ang pinto.

“Nalimutan kong sabihing...” h indi naituloy ng binata ang sasabihin pagkakita sa kanya. Hinagod siya ng tingin. Sa nagpupuyos pa rin niyang dibdib ay wala siyang pakialam. Itinaas ang mukha at tila diyosa na lumakad papasok sa banyo.

Damn you, Diana! bulong ng binata sa pagtatagis ng mga bagang. Muling lumabas at pabagsak na isinara ang pinto. Tuloy-tuloy itong bumaba patungo sa reception. Humingi ng isang shot na brandy sa waiter at naupo sa lounge. That wretched woman is making his blood boil!

Kalalapag lang ng waiter ng kopita sa center table nang lumapit si Clarita.

“Narito ka pala, Bernard,” bungad nito na naupo sa harapang sofa. “Kailan ka dumating?”

“Kagabi, Clarita,” pormal niyang sagot. Inabot ang alak at dinala sa bibig. “Ang mga anak mo?”

“Si Zandro ay nasa Maynila. Hindi ko alam kung ano ang inaasikaso. Si King ay nasa itaas pa kasama ng girlfriend. Siyanga pala, Bernard, kailan mo ba ibibigay ang karapatang angkinin na ni Zandro ang Villa Kristine?”

Tumiim ang mukha ng binata sa narinig. “Hindi ako ang dapat na kinakausap sa mga bagay na iyan Clarita. Nariyan ang mga abogado at sila ang nakakaalam,” bagot nitong sagot. Sinulyapan ang relo at tumingin sa may hagdan.

“Natitiyak kong susunod ang mga abogado mo sa mga ipag-uutos mo, Bernard. Isa pa, magkapatid kayo ni Zandro, dapat pa bang daanin sa korte ang bagay na ito? Tulad ng alam nating lahat, higit na may karapatan sa Villa si Zandro dahil mas matanda siya sa iyo nang dalawang taon,” mariing wika nito.

Hindi sumagot ang binata at tumayo nang makitang pababa na si Diana sa hagdan. Subalit hindi agad nakalapit ang dalaga dahil kasabay nitong bumaba si King at kinausap pa siya.

Nilingon ni Clarita ang hinihayon ng tingin ng binata. “May kasama ka ba?”

“Isang kaibigan,” sagot nito na hindi inaalis ang mga mata kay Diana na lumingon at tila itinuturo ito kay King. Ngumisi si King nang malingunan si Bernard at ang ina. Sinabayan si Diana.

“Hello, Bernard,” bati ni King may ilang hakbang pa ang layo. “Hindi ko alam na narito ka sa Paso de Blas. Ang pagkakaalam ko’y anim na buwan ka nang hindi umuuwi rito.”

Isang tikhim at tango lang ang isinagot ni Bernard. Na kay Diana ang tuon ng paningin.

“At may guest ka pala dito sa hotel,” patuloy ni King na nakangiting nilingon ang dalaga. “Nagkakilala kami ni Diana ngayon lang.”

“Yes, I can see it,” matabang na sagot ng binata. “Are you ready, Diana?”

Tumango ang dalaga na kinabahan sa nakikitang anyo ng binata.

“`Ayan na rin pala si Zeny, King,” ani Clarita na tumayo na rin. “Hindi pa kayo nagsabay bumaba. Mangangabayo ang mga bata, Bernard...”

“Hi, everybody,” nakangiting bati ng bagong dating na ang mga mata’y kay Bernard itinuon at hinagod ito ng tingin. “Kaibigan mo, King?”

“Siya si Bernard, Zeny. Ang sinasabi ko sa iyong kapatid ni Zandro,” kaswal na wika ni King. “Bernard, ang girlfriend ko, si Zeny...”

“I’m very pleased to meet you, Bernard...” malambing na wika ni Zeny na iniabot ang kamay sa binata. Nagbigay si Bernard.

“And this is Diana,” ani Bernard at binitiwan ang kamay ng babae. “Ikinalulungkot kong hindi kami makapagtagal. Hinihintay kami ni Nathaniel at Jasmin sa kanila...”

Nagkibit ng mga balikat si King. Si Zeny ay nanatiling nakatitig kay Bernard sa provocative na paraan. Si Clarita ay nagsalita.

“Kung sabagay ay iba na talaga kapag may sinasabi ka. Ilang linggo na kami rito’y hindi pa kami naiimbitahan ni Nathaniel sa bagong bahay nila...”

Tumikhim si Bernard. “Hayaan mo, Clarita, at makakarating sa mag-asawa ang sinabi mo. At natitiyak kong maglalaan sila ng okasyon para maimbitahan kayong mag-anak...” h inawakan sa braso si Diana at inakay na palayo.

“See you around, Diana.” s i King.

Nasa labas na sila ng hotel nang biglang huminto sa paglakad si Bernard at lumingon pabalik sa loob.

“Are they your relations?”

“Mahabang kuwento at wala akong interes na pag-usapan ang mga bagay na iyon,” sagot nito na ang mga mata’y nasa loob. Pagkatapos ay nilingon si Diana. “Wait here...”

Nagtataka ma’y hindi kumibo ang dalaga. Bumalik sa loob ng reception area ang binata. Naroon pa rin ang tatlo.

“May nakalimutan ka, Bernard?” Si Zeny na malambing na bumati.

Umiling ang binata. “No. Akala ko’y nalimutan ko rito ang susi ng pick up...” wika nito na muling bumalik sa labas.

“Hindi mo sinabing guwapo ang kapatid ni Zandro, King...” s i Zeny na sinundan ng tanaw ang binata.

“At hindi lang guwapo, Zeny. Umaapaw ang bulsa niyan. Dati nang may pera, balita ko. Pagkatapos ay ipinamana pa dito ang kalahati ng kayamanan ni Leon Fortalejo bilang anak...”

“Hmp... si Zandro ang dapat na magmamana ng mga iyon, King, huwag mong kalilimutan,” ingos ni Clarita.

“At ewan ko ba diyan sa anak mo, Mama. Hanggang ngayon ay wala pa ring ginagawang paraan para mauwi sa kanya ang mana,” napipikang wika ni King. Pagalit na pinatay ang sigarilyo sa naroong ashtray.

Sa pick up ay hindi malaman ni Diana ang gagawin. Nararamdaman niyang nagagalit si Bernard pero hindi niya maintindihan kung kanino at kung bakit.

“Sa—akin ka ba nagagalit?” she asked softly.

Napalingon ang binata rito na tila noon lang napunang kasama siya. Huminga nang malalim.

“I’m sorry. May iba akong iniisip,” wika nito na bahagyang lumambot ang mukha.

“Sino si Zandro?”

“Now, you’re asking questions...”

“All right, forget it. Just curious...”

“And I am curious about you. Who are you, Diana?”

“And now we’re even. Kalimutan na natin ang mga tanong.”

Banayad na umiling si Bernard. “Alam mo bang kung gugustuhin ko’y mamaya lang ay malalaman ko kung sino ka?”

Sukat doon ay namutla ang dalaga. Iniwas ang tingin mula sa binata at ipinako sa mga punong dinadaanan.

“Are you running from a fiancé? O di kaya sa isang istriktong ama? O sa mga alagad ng batas? Why, my love, you intrigued me...”

“At matatapos ang curiosity mo sa akin kung aalamin mo agad kung sino ako, Bernard. Then I will be less mysterious and will no longer appeal to you...” nakangiti niyang sagot.

“Don’t psycho-reverse me, amore,” nakatawang sagot nito. “Pero iisa ang tiyak, Diana, hindi kahit kailan mawawala ang appeal mo sa akin. And don’t worry, hindi pa panahon para malaman ko kung sino ka. Maybe tomorrow or the next day. Pero may mahalagang bagay pa akong nais tapusin,” makahulugang wika nito na muling bumalik ang pagtigas ng mukha.

Sumandal si Diana and gasped softly. Kung sino man ang kagalit ng binata’y kinakabahan siya para dito.