Chapter Three
S A LOOB ng nakalipas pa uling mga linggo ay hindi nagbalik sa Paso de Blas si Bernard. Ginugol niya ang lahat ng panahon sa pamamahala nang personal sa kompanya.
Si Andre ay tumatawag sa kanya sa telepono at nagre-report. Parati itong magkasama at si Nathaniel. Ipinaalam din nito sa kanyang naroon na ang pamilya ni Zandro.
At tulad ng mga nakaraang araw ay negative ang resulta ng lihim nitong imbestigasyon. Walang motibo ang kahit na sino na patayin si Jewel. Si Zandro, ayon sa sariling imbestigasyon ni Andre ay nagtuloy sa silid nito sa hotel noong gabing iyon at pinatotohanan ng front desk personnel na hindi ito lumabas ng hotel matapos ang tawag.
Pero hindi pa rin naniniwala si Bernard dahil may backdoor ang hotel. Hawak niya ang matibay na katibayan. At gusto ni Andre na maghanap pa ng higit na matibay na mga ebidensiya.
Si Zandro sa kabila ng pagnanais na bumalik sa Maynila ay minabuting manatili sa Paso de Blas. Alam nitong pinagsususpetsahan siya sa pagkamatay ni Jewel. At gusto nitong manatili roon upang harapin ang anumang maaaring akusasyon. Bagaman hindi nito sinabi sa ina at kapatid ang bagay na iyon.
“Hindi ka pa ba uuwi, Bernard?” Si Mrs. de Lara na sumilip sa silid ng batang boss. “Mag-aalas-siyete na ng gabi...”
“Mauna ka na, Andrea. Tatapusin ko lang ito at uuwi na rin ako.” t inanguan ito ng binata. Muling isinara ni Andrea ang pinto. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Bernard. Ano ang gagawin niya sa mansiyon na nag-iisa? Oh, well, naroroon si Marco at Emerald. Pero sa laki ng mansiyon ay hindi rin sila halos nagkakakitaan malibang may kailangan silang pag-usapan ni Marco. Kumuha siya ng bachelor’s pad lately upang wala siyang makita kahit na anong alaala ni Jewel doon. Subalit sa pag-iisa niya’y okupado ng kasintahan ang isip niya.
Anim na buwan nang mahigit mula nang mamatay si Jewel. Pero wala pa ring nabago sa damdamin niya. Nasasaktan pa rin siya. At dapat sa mga panahong ito ay pinag-uusapan na nila ang kasal. Isang malalim na paghinga ang pinakawalan niya at sumandal. Ipinikit niya sandali ang mga mata upang ikalma ang sarili sa sakit ng damdaming hanggang ngayon ay sariwa pa rin. Ni hindi niya narinig ang marahang pagbukas ng pinto ng silid niya.
“Wrong timing ba ako?” bungad ng tinig. Nagmulat ng mga mata si Bernard.
“Sandra?”
“Hello, friend,” nakangiting bati nito. Lumakad patungo sa mesa niya at naupo sa gilid. “Huwag kang magmukmok dito. h ow about taking me to a ball room dancing?”
Ngumiti si Bernard. He and Sandra had became friends a long time ago. At alam niyang kaya nandito ngayon ang dalaga ay dahil na rin sa udyok ni Marco at Emerald. Ito ang ikalawang pagkakataong dumating dito sa opisina ang dalaga.
“Wala bang boyfriend na magagalit?” biro ni Bernard.
“Kung sinasagot mo na ba ako, eh,” tukso ng dalaga.
Natawa ang binata. Tumayo. “C’mon. I’ll buy you dinner. Pero hindi ballroom dancing. Wala ako sa dancing mood...” dinampot ang susi ng kotse.
Umirap si Sandra. “More than six months ka nang wala sa mood, my friend. And I’m worried...”
“Me, too,” seryosong sagot ng binata. “But let’s not talk about it. Where to?” Binuksan ang pinto ng opisina at pinaunang lumabas ang dalaga.
“May palagay akong gusto ko ng Italian dinner today.”
“Sa isang Italian restaurant kung ganoon.”
Sa isang de-klaseng Italian restaurant dinala ni Bernard ang dalaga. Si Sandra ay sinikap na ituon ang usapan sa mga bagay na hindi magpapaalala rito sa kasintahan.
“C’mon, Sandra, hindi mo kailangang pahirapan ang sarili mo para lang ipako sa kung saan-saan ang usapan. I’m okay, friend. I just cannot help from hurting. Probably time will heal me.”
Tumango ang dalaga. “Kung may magagawa lang ako para maibsan ang sakit, Bernard,” tapos umiling. “But no. Magkaibigan tayo sa totoong kahulugan ng salita. Gusto kong manatiling ganoon ang relasyon natin.”
“Me, too, Sandra...” sang-ayon ng binata. “May boyfriend ka na ba?”
Nagkibit ng mga balikat ang dalaga. “Kung papasok man ako uli sa isang relasyon, Bernard, titiyakin kong for keeps iyon.”
Tumango si Bernard. Dinampot ang mug ng beer at dinala sa bibig. Bahagyang nahinto siya sa pag-inom sa pagpasok ng isang babae sa restaurant na iyon. Sandali niyang sinundan ng tingin ito na ang piniling mesa ay ang pinakasulok. Mailap ang mga mata na parang may hinahanap. Inalis niya ang mga mata mula rito at muling ibinaling kay Sandra ang pansin.
“Kumusta nga pala si Jake at Alexa?”
“Oh, they’re okay. Nasa Mexico ngayon ang dalawa. At saka two months nang nagdadalang-tao ang twin sister ko...” n agpunas ito ng napkin sa bibig.
“I’m glad. All’s well that ends well sa inyong tatlo...”
“And I have to thank you for that. For making me realize sa mga pagkakamali ko,” nangingiting sagot ng dalaga.
“Well, as the line goes, just what friends are for?”
Makalipas pa ang ilang sandali ay tinawag na ni Bernard ang waiter at binayaran ang nakain nila. Palabas na sila ng restaurant nang tapunan niya ng huling sulyap ang nasa dulong mesang customer.
“Saan kita ihahatid?”
“Sa office mo dahil naroon ang kotse ko,” ani Sandra na pumasok sa kotse. Umikot sa kabila si Bernard. Ilang sandali pa ay palabas na sila ng parking ng restaurant.
SAMANTALA ay mailap ang mga matang tumitingin sa paligid si Diana. Napuna niya ang isang lalaking may kung ilang beses din siyang sinulyapan. Gusto na niyang lumabas ng restaurant kahit hindi pa man dumarating ang order niya.
Kung wala lang kasamang date ang lalaki’y iisipin niyang isa ito sa mga naghahanap sa kanya. But he’s too handsome para maging isa sa mga tauhan ni Charlie. Just the same, hindi na niya matiyak kung sino-sino ang mga binayaran ng tiyuhin para hanapin siya. Kahit ang batas ay hinahanap na rin siya.
Nabasa niya sa peryodiko ang pagkapaslang kay Don Luis at isa siya sa pinaghihinalaang pumatay rito. Hindi siya matagpuan at sinabi ni Charlie sa mga alagad ng batas na siya lamang ang may motibo na paslangin ang matanda dahil mahigpit ito sa pera pagdating sa kanya.
Mahigit nang anim na buwan siyang patago-tago. Kung saang hotel tumutuloy. Iniiwasan niyang pumasok s a mamahaling hotel dahil tiyak na may mga tao si Charlie na nakabantay sa kanya. Kinabukasan noong araw na tumakas siya’y binalak niyang umalis ng Maynila. Magtungo kahit saang lugar pero minsang nagpunta siya ng domestic airport ay nakita niya roon si K enneth kasama ang dalawa pang mga tauhan ni Charlie.
Kung saan-saang mumurahing hotel siya tumutuloy. Registering herself sa ibang pangalan. Laging nakasuot ng dark glasses. Noong nakaraang buwan ay biglang may humawak sa kanya sa department store. Tinutukan siya ng patalim na nasa ilalim ng jacket. Isa sa mga tauhan ni Charlie. Pagtapat nila sa security guard ay biglang binalya ng dalaga ang lalaki at mabilis na tumakbo sa karamihan ng tao hanggang sa maiwala niya ito.
Maraming pera si Charlie at kayang magbayad ng mga galamay mahanap lamang siya. Ilang beses niyang inisip na magtungo sa himpilan ng pulisya upang doon sumuko at magsabi kung ano ang talagang nangyari pero natitiyak niyang may tao roon ang pinsan. At pagod na pagod na siya sa katatakbo at katatago. Saan siya pupunta?
And she’s running out of money. Ang ginagasta niya’y ang cash na nai-withdraw niya sa tatlong ATM cards niya noong gabing iyon more than six months ago. Kinabukasan ay ipina-hold ni Charlie ang mga accounts niya tulad ng inaasahan. Isang ATM card niya ang hindi alam ni Charlie dahil iyon ang kauna-unahang card niya na binuksan ng dalagita pa lamang siya sa isang bangko na kaugnay sa isang malaking department store. At kung wala ang account niya sa bangko na iyon ay matagal na siyang nagutom. Subalit iyon man ay malapit na ring maubos sa anim na buwang palipat-lipat at paninirahan sa isang hotel.
Sinubukan niyang tawagan ang isang matalik na kaibigan subalit sinabi nitong may taong lagi nang nakabantay sa may malapit sa bahay nila. Sinabi rin nitong nagpunta na roon si Charlie at hinahanap siya.
At natatakot na siya. Alam niyang hindi lang dahil sa krimen kaya hinahanap siya nito. May isa pang mahalagang bagay. Isang tao lamang ang alam niyang pagkakatiwalaan niya at makakatulong. Si Ramon dela Paz, ang doktor ni Don Luis. Subalit sa kasalukuyan ay nasa ibang bansa ang matanda at hindi niya alam kung kailan ang balik sa Pilipinas. Ilang beses na siyang tumawag sa klinika at bahay nito. Iisa ang sagot ng empleyado at katulong: nasa ibang bansa pa.
Pagkatapos magbayad ay lumabas ng restaurant ang dalaga. Gabi na. Alas-diyes na halos. Babalik siya sa Pasig. Isang motel ang tinutuluyan niya roon dahil mas mura iyon. Isang taxi ang pinara ni Diana.
Matapos sabihin ang pupuntahan ay tumakbo na ang sasakyan. Tahimik na siyang napasandal nang huminto ang taxi sa isang hindi-mataong bahagi ng daan.
“B-bakit tayo huminto?” Bago pa nakasagot ang driver ay dalawang lalaki na ang sumakay sa taxi. Isa sa unahan katabi ng driver at isa sa likuran katabi niya.
“Ano ang ibig sabihin nito?” sindak niyang tanong.
Muling pinatakbo ng driver ang taxi. Sino ang mga taong ito? Kilala ba siya ng taxi driver at mga tauhan ni Charlie ang mga ito.
“Relaks ka lang, Miss. Hindi ka namin sasaktan. Pera mo lang ang kailangan namin. Holdup ito.” Ang lalaki sa unahan na nilingon siya. May hawak na patalim.
Napapikit si Diana. Kasabwat ng mga ito ang taxi driver. Hindi na ba matapos-tapos ang bangungot niya?
“Akina ang mga alahas mo at salapi mo!”
“H-hindi!” tanggi ng dalaga. Ano ang mangyayari sa kanya sa sandaling ibigay niya sa mga ito ang natitira na lang niyang pera?
“Huwag ka nang magmatigas, Miss Maganda dahil wala ring mangyayari at masasaktan ka lang. Hindi namin gustong manakit. Pera lang kailangan namin,” patuloy ng lalaki sa tabi niya.
Litong-lito na siya. Hapong-hapo sa nangyayari sa buhay niya. At natatakot. Sa puntong iyon ay bumagal ang takbo ng taxi dahil malapit na sa intersection at pula ang ilaw. Sinamantala ng dalaga iyon at hustong huminto ang taxi ay mabilis niyang hinampas ng bag ang lalaki sa tagiliran sa pagkabigla ng lahat at mabilis ding nabuksan ang pintuan ng taxi at nakatakbo patawid. Ang maliwanag na dako ang tinakbo niya. Isang gas station. Subalit nakasunod ang taxi na tumawid na rin dahil ‘go’ na ang signal light.
Pumara sa tabi niya ang taxi at bumaba ang dalawang lalaki. Sinunggaban siya ng isa. Nagpupumiglas siya. Ang mga taong nasa gasolinahan ay manghang nakatingin. Walang nagnanais na makialam.
Si Bernard ay kasalukuyang binabayaran ang gasoline boy at kitang-kita ang mga pangyayari. Mabilis nitong pinaandar ang kotse palapit sa dalawang lalaki na nagpipilit isakay uli si Diana sa taxi.
“Bitiwan ninyo ang babaeng iyan!” sigaw nito na lumabas ng sasakyan. Sandaling nahinto sa pagkilos ang dalawang lalaki.
“Huwag kang makialam dito, lalaki! Syota ko ang babaeng ito at ilang araw ko nang hinahanap...”
“Ang kapal ng mukha mong sabihin iyan!” sigaw ni Diana na nagpilit makawala sa pagkakahawak sa kanya. “Hino-holdup nila ako at kasabwat ang taxing iyan!”
Nilingon ni Bernard ang mga boy sa gasolinahan. “Tumawag kayo ng pulis at ilista ang plate number ng taxi!” utos nito sa agad na pagtalima ng mga gasoline boy.
Nag-panic ang dalawang lalaki. Ganoon din ang driver na hiniyawan ang mga kasama na iwan na ang babae.
“Papatayin namin ang babaeng ito, pakialamero!” Hinugot nito ang patalim mula sa tagiliran ng pantalon.
Napahugot ng hininga si Diana nang maramdaman ang talim sa tagiliran niya. Wala na siyang kawala pa kahit na saan at kahit na kanino. Ang lalaking nasa harap niya’y ang lalaki sa restaurant. Sinusundan siya nito. Tauhang tiyak ito ni Charlie.
“Subukan ninyo kung gusto ninyong mabulok sa bilangguan. Titiyakin ko iyon,” banta ng binata na unti-unting humakbang palapit. “Kung pera lang ay ibibigay ko sa inyo. Pakawalan ninyo ang babae.” d inukot nito sa pantalon ang pitaka. Ilang libo at lilimang-daaning papel ang inilabas nito. “Narito ang pera at pakawalan ninyo siya!” wika nito sa nagtatagis na mga bagang kasabay ng paghagis ng pera sa dalawang lalaki.
Nataranta ang mga ito at binitiwan si Diana. Nagkagulong pinagdadampot isa-isa ang nagkalat na pera sa kabila ng pagsigaw ng taxi driver na umalis na sila.
Sinamantala ni Diana ang pagkakagulo at akmang tatakbo sa ibang direksyon upang tumakas subalit nahawakan ni Bernard ang braso niya.
“Bitiwan mo ako!” piglas ng dalaga na nanlaban. Higit siyang nanganganib sa tauhan ni Charlie kaysa sa mga holdaper. Subalit humigpit ang hawak ng binata sa braso niya at inakay siya nito patungo sa kotse.
“Hey, hold it, hold it!” Si Bernard na nasaktan nang bahagya ang panga sa pagsuntok niya, pinagsalikop sa likod ang mga braso niya.
“Bit—tiwan mo sabi, ako!”
“Aren’t you being ungrateful?” bulong ni Bernard na ang paghinga ay humaplos sa mukha ni Diana at bahagya siyang pinanayuan ng balahibo. Ang maitim na mga mata ng binata’y tila nanunuot sa pagkatao niya. “That money was almost ten thousand...”
“Maraming salamat pero hindi ko sinabing bigyan mo sila ng pera! At bitiwan mo...” h indi naituloy ng dalaga ang sasabihin dahil sirena ng police car ang sunod niyang narinig. Napatingala siya kay Bernard. Muli ang panic sa dibdib niya.
Sumigaw ka. Tumakbo ka.
Pero paano at saan? Sa mga pulis man o sa tao ni Charlie ay pareho rin iyon. Saan siya pupunta? Pero nag-iisa lang ang lalaking ito. Sa mga pulis ay hindi siya makakatakas. Sa lalaking ito ay may posibilidad, lalo kung nag-iisa lang ito.
“Please, get me out of here,” desperadong pakiusap niya. At bahala na!
Nakita ni Bernard ang takot sa mukha ng babae. “What are you running from?”
“Please, nakikiusap ako. Umalis na tayo rito kung ayaw mo akong bitiwan...”
Hinila siya ng lalaking may maitim na mga mata at kamay na bakal na nakabaon sa mga braso niya patungo sa kotse. Binuksan ng binata ang pintuan sa driver seat at doon pinapasok si Diana.
“Move over,” utos nito. Mabilis na umusog si Diana kasabay ng pag-abot sa lock ng pintuan sa kabila subalit hindi niya mabuksan.
Automatic lock. Stupid of her. The man is driving the latest Mercedenz Benz model.
Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Bernard sa patuyang pagngiti sa kanya bago nagmaniobra palabas sa kalye. Nakasalubong nila ang mga mobile ng pulis na papasok naman sa gas station. Nakita ng binatang nilingon ni Diana ang mga mobile car.
“May atraso ka ba sa batas?” tanong ni Bernard makalipas ang ilang sandali.
“Wala akong atraso kahit na kanino,” pagalit niyang sagot. “At ibaba mo na ako kahit saan diyan... at salamat uli,” patuya niyang dinugtong ang huling sinabi. Hinaplos ang buhok patalikod.
“But you are mine for the night. Binili ko ang kalayaan mo sa mga lalaking iyon. At kung hindi ako nagkakamali ay... mula rin sa mga pulis.” i sang matabang na ngiti ang pinakawalan ng binata na nilingon siya.