noveltoon logo noveltoon
One Wish (Kristine Series 18)

Chapter 7

Ch. 8 / 22 Apr 09, 2022

Chapter Seven

N AKATALIKOD sa kanya si Karl. Nakaharap sa madilim na karagatan at nakatukod ang mga braso sa railings. Maliban sa lagaslas ng tubig na sanhi ng pag-usad ng yate’y napakatahimik ng buong paligid.

Sinulyapan ni Lora ang mesa sa gilid ng deck kung saan nakahanda ang pagkain para sa dalawa. Sa gilid ng mesa ay isang electronic candelabra na kung hindi tititigang mabuti ay mukhang totoo. It generated enough light for two. At sa gitna, a tall crystal vase with a stem of yellow rose. It was a romantic setting that somehow, her heart missed a bit for a moment.

Naramdaman ni Karl ang presensiya niya. Pumihit ito at humarap sa kanya.

“Hi,” she almost whispered.

“Hi yourself.” He smiled faintly. Ang mga siko’y nakatukod sa rehas ng yate.

Si Lora ay hinagod ng tingin ang kaharap. Ang damit nito, a light blue turtle necked and long sleeved sweaters and soft blue jeans, clung to every line of tendon and sinew, outlining muscular shoulders and thighs. And his eyes were dark and deep they were like a sea without shore. Ang buhok nitong maingat na nakasuklay mula sa noo patungo sa likod ay bahagyang nagugulo sa haplos ng hanging-dagat.

He really was strikingly handsome.

“Paano mo nalamang hindi natin makakasama si Tiya Lagring sa hapunan?” Sinulyapan niya ang mesa sa dalawang pinggang nakahanda roon.

“Hindi ko alam. Nang lumabas ako sa deck ay nakahanda na ang mesa.”

“George?” aniya.

Tumango si Karl at hindi niya maiwasang makadama ng disappointment. Deep inside her ay umaasa siyang may kinalaman si Karl sa romantikong pagkakaayos ng mesa.

“Where did that single rose came from?” Mula sa mesa’y nilinga niya ang karagatan. “Surely, walang tumutubong bulaklak sa gitna ng dagat?”

Karl laughed softly. “Get closer, it isn’t real...”

“Oh.” Another disappointment ran through her.

Humakbang palapit si Karl, and smoothly, his arm went around her and pulled her against him and planted a soft kiss on her mouth. Ikinabigla ni Lora ang halik na iyon at napatanga sandali.

“Don’t be so disappointed,” he said huskily, his breath was as caressing as sunlight on naked skin. “When we get to shore, I’ll buy you dozens of real flowers. Roses, lily of the valleys, tulips—”

“Am—I... hmp... that transparent?” she stammered, ang init ng mga labi nito’y nararamdaman pa niya sa kanya. At ang braso nito’y nakapaikot pa rin sa katawan niya.

“Kasinlinaw ng tubig sa bahaging ito ng karagatan, Lorabelle,” wika nito, his eyes turned a shade darker as he gazed at her lips.

Kumawala ang dalaga. Humakbang patungo sa mesa at kunwa’y sinuri ang hindi totoong bulaklak. Gawa iyon sa isang mamahalin at manipis na telang satin, in baby yellow.

It was almost real... almost. Tulad din ng gabing ito. Tonight was fantasy... tulad din ng bulalakaw na biglang lumilitaw sa kalangitan at iglap ding naglalaho.

Ano ang mangyayari pagkatapos ng isang linggong paglalayag sa karagatan kasama ang pinakamisteryosong lalaking nasilayan niya sa buong buhay niya? Not to say the most handsome, too.

Saka na lang niya iisipin iyon. Let the devil take tomorrow.

“Matindi ang hilo ni Tiya Lagring...” She couldn’t meet his eyes, alam niyang sinusundan nito ng tingin ang bawat galaw niya.

“I could guess,” sagot ni Karl, a worried frown on his forehead. Lumapit at inalis ang cork sa bote ng champagne at sinalinan ang dalawang malalaking goblet. Ang laman ay halos hindi umabot sa ikaapat na bahagi ng kristal. “Hindi mo ba maipainom sa kanya ang tabletas na ibinigay ko sa iyo kanina?”

Ang pag-iba ng topic ay nagpawala sa tensiyon ni Lora. She smiled. “Hindi mo maipaiinom kay Tiya iyon, even if her life depended on that tablet. She was so worried that—”

“That I would ravish you.” He was amused. Iniabot sa kanya ang kopita at umikot sa bahagi niya at hinila ang silya.

Lora murmured her thanks at naupo.

Naupo rin si Karl sa kabilang bahagi. Itinaas nito ang kopita sa kanya, she did the same thing, bahagyang naiilang. Hindi siya sanay roon.

“I could easily do that, Lora...”

Nahinto siya sa pagsimsim sa masarap na alak. Bahagyang nalito. “Do what?”

“Ravish you.” Ang mga mata nito’y natuon sa mga labi niya. The feel of it was still on his mouth; her sweet breath still on his senses. He sighed and his eyes moved down to her breast.

Ang suot na sweatshirt ni Lora ay hindi gaanong kakapalan at body hugger iyon. At ang dulo ng sweatshirt niya’y huminto isang pulgada mula sa pusod ng dalaga. At may pakiramdam siya na tumatagos ang mga mata nito sa ilalim ng suot niya.

“Even with your aunt around...” dugtong ni Karl.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Lora. Then she saw the teasing glint in his dark eyes. She smiled demurely. Muling dinala sa bibig ang kopita at sa sinasadyang paraan, sa ilalim ng rim ng kristal, she fluttered her eyelashes flirtatiously, tulad ng napapanood niya sa mga old movie.

“You’ve been subtly doing exactly that, Karl...”

He gave a bark of laughter. “You did it better than Marilyn Monroe...”

Nakatitig siya sa red wine sa kopita. Bahagyang inikot-ikot ang laman niyon. “Masarap...”

“At ni hindi pa man lang kita hinahagkan nang husto niyan...”

A soft gasp came out of her lips. He purposely misunderstood her. And she couldn’t be coy. That wasn’t her. Pero paano ba sinasagot ang ganitong takbo ng usapan?

“Oh, well...” She pouted. Hiniwa ng steak knife ang steak na inilagay ni Karl sa pinggan niya. Isinubo iyon, chewed with gusto... swallowed, then in a casual voice, “I couldn’t wait for the real kiss, Karl,” she said boldly, subalit hindi niya magawang salubungin ang tingin nito. Flirting wasn’t her style. Pero may palagay siyang likas iyon sa lahat ng babae.

Karl smiled drily. Hindi ba’t lahat naman talaga’y iyon ang hinihintay na gawin niya? Bagaman hindi kailangan ng pahiwatig para gawin niya iyon kay Lora. Hindi nito intensiyong hagkan ang dalaga kanina, but he couldn’t control his urge. When he touched his lips to hers, he summoned all self-control not to kiss her thoroughly. Hindi nito gustong biglain ang dalaga.

And he was intrigued by her. She was daring and straightforward one moment and then shy and cold the next. Such fascinating combination. Fire and ice.

“Paano mong napapayag ang boss mong gamitin ang yate niya sa matagal na panahon? Paano ang trabaho mo?” untag ni Lora sa pananahimik nito. Inabot ang baso ng tubig at uminom.

He cleared his throat. Hindi inaasahan ang tanong. Dinala nito sa bibig ang wine at inubos ang laman. “I... I just closed him a business deal... yes, that’s it. Isang malaking transaction. Using his boat is one of my compensations.”

“That’s nice.” She sipped from her wine.

Makalipas ang ilang sandali’y tumayo si Lora mula sa pagkakaupo. She walked towards the railings. Pagkatapos ay nag-angat ng paningin... sa mga ilaw sa malayong bahagi ng karagatan.

“I love the ocean,” aniya at itinukod ang mga braso sa barandilya. Her eyes focused into the night, then into the dark body of the sea, silver glinting in the crests of black satin waves.

“My grandfather was a fisherman, pero hindi ako nagkaroon ng pagkakataong makatawid sa ibang pulo maliban sa Batangas at Calapan. He promised me one day that he would take me to the loveliest place on earth...” Gumaralgal ang tinig niya sa huling sinabi. Tuwing nababanggit ang lolo o ang ina’y hindi niya maiwasan ang makadama ng lungkot. Hindi pa rin siya tuluyang nakaka-recover sa pagkawala ng mga ito.

Humarap siya kay Karl na nanatiling tahimik at nakamasid sa kanya. She smiled. Though she probably didn’t know that the sadness in her eyes almost tug at Karl’s heart.

“He died before he got to fulfill his promise...” Pagkuwa’y nagkibit siya ng mga balikat. Pinasiglang muli ang tinig. “I’m sorry if I bore you with my story. It is just that—”

“It’s okay. I am not bored in anyway,” putol ng binata sa sasabihin niya. “Ilang taon ka nang mamatay ang lolo mo?”

“Twelve... thirteen...”

“I’m intrigued. Saan naroroon ang sinasabi ng lolo mo na pinakamagandang lugar sa ibabaw ng lupa? Was it real or just a fantasy para libangin ang isang batang makulit?” He cocked his head and grinned. Muling nagsalin ng champagne sa kopita.

Muling bumaling sa karagatan si Lora. “It’s real. Ni hindi nga iyon napakalayo mula sa amin... o mula sa kinalalagyan natin ngayon. My grandfather said it’s an island, halos buntot na raw ng Palawan. Ang sabi ng lolo, ang pangalan ng isla’y Paso de Blas...”

Muntik nang masamid si Karl doon. Ipinagpasalamat niyang nakatalikod si Lora sa kanya. Naibaba niya ang kopita nang wala sa oras. Inabot ang table napkin at nagpahid ng bibig.

Muling humarap si Lora dito. “Have you been there?”

“To Palawan? Yes...” It was a safe answer. He cleared his throat. At madaliang itinanong ang unang tanong na pumasok sa isip huwag lamang matuon dito ang usapan. “Anyway, paanong nalaman ng lolo mo ang islang iyon?”

She pouted, ipinaikot ang daliri sa buhok. “Ang sabi ni Lolo ay kaibigan niya ang may-ari ng isla... he failed to mention the name of his friend. At noong binata siya’y hindi miminsang iniimbitahan siya ng may-ari ng isla na magtungo roon. But when my grandfather got married, naputol ang ugnayan nila dahil taga-Maynila ang l ola. When things got rough, iniuwi ni Lolo ang l ola sa Calapan and he got so busy raising his family.

“And the owner of that island got even richer and richer, at nakahiyaan na ng lolo kong dalawin ito. Ganoon ma’y sinabi ni Lolo na ang may-ari ng isla ay hindi nakakalimot ng kaibigan dahil sa maraming okasyon sa buhay ni Lolo ay pinadadalhan siya ng mga regalo mula sa mayamang kaibigan niya. Mostly expensive wines and cigars...”

Ni hindi makuhang magsalita ni Karl. He felt so uncomfortable. Bagaman wala itong intensiyong sabihin kay Lora kung sino itong talaga ay naroon naman ang pagnanais na dalhin ang dalaga sa Paso de Blas sa mga oras ding iyon—upang tuparin ang pangako ng lolo nito sa kanya.

“Tapos sinabi ni Lolo na sana’y mayaman siya upang makarating sa isla... I wish he were rich, too...”

She was talking with wistfullness in her face, ni hindi niya napansin ang biglang pagbabago ng mukha ni Karl. Ang pagguhit ng galit sa mga mata.

“Bakit kailangang maging mayaman ang lolo mo para madalaw ang isang kaibigan?” he asked, an edge in his voice.

“Insecurities... pride perhaps. I don’t know.”

“You said you too wished he were rich... why?”

The roughness in his voice confused her. She stared at him, hindi niya maunawaan ang tanong. Ang nakikita niya sa mukha ni Karl ay kasinlamig ng hanging umaahon mula sa karagatan at yumayakap sa kanya. His eyes were a combination of mystery and darkness—and something else, something she couldn’t give a name. The lazy, sexy smile, and masculine warmth moments ago were gone as though they had never existed.

“Karl?”

Karl didn’t trust himself to speak.

Nagbuntong-hininga si Lora. At may panghihinayang na sinabi, “I–ikinalulungkot ko... nadala na naman ako ng kuwento ko. Nasira ko ang gabing ito.”

“It’s my fault,” ani Karl sa wakas. Pinuno ng hangin ang dibdib. “May bigla lang akong naisip... anyway, alas-onse na halos. It’s time to turn ourselves on. We are both tired.”

Wala sa loob siyang tumango. Hindi maunawaan kung ano ang dahilan at biglang nasira ang magandang atmospera sa pagitan nilang dalawa.

“KAIN nang kain, Tiya Lagring,” ani George na nilagyan pa ng sinangag at tapa ang pinggan ng matandang babae. “Mangangayayat kayo niyan pagbabalik ninyo sa inyo.”

“Dyaskeng bata. Mauubos ko bang lahat ang pagkaing ire?”

“Kayang-kaya ninyong ubusin iyan. Aba’y ni hindi n’yo ginalaw ang pagkaing inihatid ko sa cabin ninyo kagabi, ah.”

“Ku, hilong-hilo ako sa lintik na biyaheng ito na ewan ko kung saan patungo!” Inabot nito ang tasa ng kape at humigop.

Napasulyap kay George si Lora at nahihiyang ngumiti. Si George ay bigay-todo ang ngiting ibinigay sa kanya.

“Hmm... masarap ang kapeng ito...” Sinipat ni Tiya Lagring ang tasa at inamoy-amoy. “Barako...”

“Na sadya kong ipinalaga para sa inyo, Tiya,” ani George. “Alam kong hindi ninyo magugustuhan ang instant coffee...”

Tumango si Tiya Lagring at muling hinigop ang brewed coffee. Mayamaya’y tinitigan si George. “Iyang bisita ng boss mo, George, matagal mo na ba siyang kilala?”

Lora rolled her eyes. Kinagiliwan si George ng tiyahin niya dahil nakuha nito ang kiliti ng matandang babae. Pero kung tutuusin ay parehong estranghero sa kanila ang dalawa.

Tumikhim si George bago sumagot. “Ah... eh, si Mr— Karl ho ang isa sa mga mahuhusay gumawa ng transaksiyones sa kompanya, Tiya...” That was the general truth. Hindi nito gustong magsinungaling sa matandang babae kung saan giliw na giliw rito.

“Binata ba ang Karl na iyan, ha?”

“Tiya naman...” nahihiyang awat ni Lora sa tiyahin.

“Aba, oho,” ani George, hindi malaman kung paano mananatiling kalmante sa interogasyon ng matandang babae. Sa pagkain nito ibinuhos ang pansin at pinag-iisipang mabuti kung paano maililihis ang usapan mula kay Karl.

“Ano at hindi nagtatrabaho ang taong iyon ay nagpapasarap lamang ng buhay sa paglalayag dine sa barkong hindi naman kanya?” patuloy ng matanda.

“Tiya.” s i Lora. “Benepisyo po ni Karl ang paglalayag na ito. Nakapag-akyat siya ng malaking transaksiyon sa kompanya nila.”

George winced inwardly. Iyon ba ang sinabi ni Karl sa dalaga? Bakit kailangang magsinungaling ng boss nito? Wala itong natatandaang itinago ni Karl ang tunay na pagkatao sa mga kakilalang babae. Bago man o datihan na.

“At ano ang alam mo sa pagkatao ng lalaking iyon na nakilala mo lang noong isang araw?”

Kung ano man ang isasagot ni Lora ay nahinto sa lalamunan niya nang sa sulok ng mga mata niya’y lumitaw sa pinto ng dining room ang subject ng kanilang usapan.

Nag-angat siya ng mukha at tumingin dito. She wondered at the sudden leaping of her heart at the sight of him. Naka-T-shirt ito ng puting body hugger. His jeans was tight that it looked like a second skin. May hawak na mug ng kape sa kamay.

“Good morning,” bati ni Karl at sandali siyang dinaanan ng tingin. Humakbang palapit sa may bahagi ni Tiya Lagring. “Natutuwa akong makitang kasalo nila kayo sa almusal, Tiya Lagring. Kumusta ho ang pakiramdam ninyo?”

Tiya Lagring snorted. “Mabuti na lang at may inihandang kapeng barako ireng si George, kundi’y baka ni hindi ko mainitan ang aking tiyan.”

“Want to join us?” anyaya ni Lora upang huwag nang humaba pa ang sasabihin ng tiyahin.

“Thank you, but usually I only have coffee in the morning,” wika nito. Pagkatapos ay tumingin sa porthole. “We’ll anchor momentarily. I’m inviting you to swim... May dala ka bang pampaligo?”

“Yes. But is it safe? Wala bang mga pating sa lugar na ito?”

“Tiniyak sa akin ng kapitan. Isa pa’y malapit na tayo sa Isla Verde.” Ang tinutukoy ni Karl ay ang apat na isla na nasa pagitan ng Mindoro at Batangas. “Walang daungan doon but we could swim ashore. And... you can join us, George, if you want.”

“Salamat, Karl. Pero marami akong gagawin ngayon sa computer room. May mga mensahe mula sa opisina.”

“Kayo, Tiya Lagring,” wika ni Karl sa matandang babae. “Inaanyayahan ko rin kayong maligo, may mga salbabida ho ang yateng ito.”

“Hay naku, kayo na lang! Malunod pa ako!” masungit nitong sagot.

Nagkibit ng mga balikat si Karl at binalingan si Lora. “See you in an hour, sa upper deck.” Tumango si Lora at humakbang na patalikod si Karl nang muling lingunin si George. “Siyanga pala, George, maaari ko bang magamit ang computer mo? May gusto lang akong ipadala sa opisina...”

“Sure.” Tumayo ito, nagpaalam sa dalawang babae at sinundan ang boss palabas.

Ang magtiya’y tumayo na rin at nagtuloy na sa cabin nila.

“Tiya,” ani Lora habang tinatanggal mula sa backpack ang one-piece bathing suit. “Bakit naman kailangang pagsungitan ninyo si Karl? Nakakahiya naman. Wala namang ginagawang masama sa inyo iyong tao.”

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ng matandang babae. “Sinasadya kong gawin dahil gusto kong iparating sa kanyang hindi uubra ang anumang binabalak niya sa iyo, Lora...”

“Tiya, ano ba naman ang—”

“Nahuhulog ang loob mo sa kanya, Lora. Naghuhugis puso ang mga mata mo tuwing titingin ka sa kanya,” the old woman said wearily.

“G-ganoon ako ka-obvious, Tiya?!”

“At hindi kita masisisi, makisig ang Karl na iyan. At bagaman magalang, gusto kong isiping napipilitan lamang makipag-usap sa akin. Ang ngiti’y napakamahal. Tila ba laging galit o walang tiwala. Hindi bale ba sana kung kilala nating lubusan. Aba’y sa laot mo lang nakatagpo ang diyaskeng iyan, eh!”

“Ang Tiya Lagring talaga, kung ano-ano ang napupuna.”

“Huwag mong ipakabuhos ang loob mo sa lalaking iyan, Lora, masasaktan ka lang. Hanggang ngayo’y iniisip ko kung saan nagtungo ang matino mong kaisipan gayong isang estranghero ang Karl na ito. Minsan mong nakilala sa laot at pinagbigyan mo ang imbitasyong sumamang maglayag. Kung masamang tao iyan, kahit ang presensiya ko’y walang magagawa. Hindi mo ba naisip iyon?”

Her aunt was right. Pero ang masamang tao’y hindi sinasabi at nagbababala ng gagawin. At sa kasulok-sulukang bahagi ng puso niya’y hindi siya naniniwalang masamang tao si Karl.

“Maraming napapahamak na babae dahil puso at pang-ibabaw na atraksiyon ang ginawang basehan sa pagpapasya, Lorabelle,” ani Tiya Lagring na tila nahuhulaan ang nasa isip niya.