noveltoon logo noveltoon
One Wish (Kristine Series 18)

Chapter 14

Ch. 15 / 22 Apr 09, 2022

Chapter Fourteen

“A NG SABI ko’y kung makikipagkita ka sa Karl na iyon sa pagluwas mong ito, Lora,” malakas na sabi ni Gaudencio na nagpaangat ng paningin ni Lora mula sa malinaw na tubig.

“Ho? Ah... eh, hindi ko pa ho nakakausap si Karl, Itay. Kahapon pa walang signal ang cell phone. At hindi naman ho tumatawag pa si Karl. Tatawagan ko na lang siya pagdating ko sa hotel.”

She had been trying to reach him since two days ago. Sa panahong magkasama sila’y hindi niya nabanggit ang tungkol sa pagluwas niya sa Maynila para sa seminar niya sa photography. Sa una’y hindi iyon mahalaga. An air of mystery. It was the name of the game they were both playing with from the start.

Pero hindi sila maaaring manatiling estranghero sa isa’t isa sa itinatakbo ng pangyayari bago sila naghiwalay. She loved him. At bagaman hindi deretsahang sinasabi ni Karl ang mga salitang iyon ay nanghahawakan naman siya sa pangako nitong babalik. She believed and trusted him.

Pero hindi siya nagkaroon ng pagkakataong masabi kay Karl ang tungkol sa pagluwas niya. Sa loob ng apat na araw mula nang huli silang magkita ni Karl ay tatlong beses silang nagkausap. Parehong kay Karl nagmumula ang tawag at parehong sa gabi iyon kung saan natutulog na siya at nagigising sa tawag nito, which made her glorious. Matutulog siyang tinig ni Karl ang huling naririnig.

And though she could detect the interest and excitement in his voice, she could also hint fatigue. Siya na mismo ang tumatapos sa usapan, alam niyang pagod si Karl sa trabaho nito. Bukod pa sa pahapyaw nitong pagbanggit ng mga meeting.

At tiyak niyang magugulat si Karl kapag nalaman nitong nasa Maynila siya.

“Ang sabi ng tiya mo’y magalang at well-behaved ang Karl na ito,” muling pukaw ni Gaudencio sa pag-iisip ng anak. “At hindi raw kinakitaan ni Ate Lagring ng pakunwaring pakikiharap kahit na pinagsungitan niya. Ni hindi niya nahuling sumama ang mukha o na-bore man lang kaya tulad daw ng laging nakikita niya sa mukha ni Nelson kapag naroon siya at nakikisali sa usapan ninyo.”

Napangiti si Lora, very much pleased. Her aunt gave a fair observation and comment. Well, of course, her aunt didn’t know those stolen moments Karl and she had shared.

“Ganoon ma’y hindi natin lubusang kilala ang buong pagkatao ng lalaking ito, Lora,” nag-aalalang muling sabi ni Gaudencio. “At kung magkikita kayo sa pagluwas mong ito, nangangamba akong baka ka mapahamak kung hindi man masaktan, anak.”

“Ang tatay talaga, bakit naman ako mapapahamak at masasaktan? Isa pa, sabi n’yo nga ay mapangarapin ako... impulsive most of the times... pero wala pa akong ginagawang magdudulot ng kahihiyan sa inyo, Itay. And I wouldn’t start now,” paniniyak niya sa ama.

Hindi na umimik si Gaudencio at itinuon na ang paningin sa karagatan. Sa kaibuturan ng puso nito’y umaasang ganoon nga sana.

“NASA Dusit Hotel ka!” gulat na wika ni Karl nang makausap si Lora. “Why? When?”

She laughed. “Hindi ko nasabi sa iyong luluwas akong talaga ngayon. Sa nakalipas na mga araw ay okupado mong lahat ang buong pag-iisip ko... not to mention my heart as well.”

“Well, I’m glad about that, siren.” There was teasing and yearning in his voice. “I’ll perish with curiosity if you don’t explain fast why you’re within my kissing distance.”

“Pinadalhan ako ng imbitasyon ng kaibigan ko para sa isang three days seminar sa photography, Karl...”

Habang nagpapaliwanag si Lora kung bakit siya naroon ay nag-iisip na si Karl kung paano sila magkikita. He wanted to see her. At kung narito lang sa malapit si Lora ay hindi mahirap gawin iyon. In fact, kung makakaalis ito ng opisina’y pupuntahan nito si Lora sa hotel sa oras ding iyon.

“Wait, let me have a rain check on my schedule...” Subalit bago nito mabuklat ang appointment book ay sumenyas si Iris. Tinakpan ni Karl ang mouthpiece ng telepono.

“No, siree...” umiiling at pabulong nitong sabi. “Alas-tres ang meeting mo sa mga officer ng union sa Laguna. In fact—” tumingin ito sa relo “—it’s about time that you left. Naghihintay na tiyak ang piloto.”

“What about tomorrow morning?” umaasa pa ring tanong ni Karl.

“Check signing. Bukas ang payroll... But you are free in the afternoon until four thirty. You will be meeting the lawyers about CBA at five thirty in Club Filipino, kasama si Kuya Nathaniel.”

Karl groaned in frustration. Tiyak na aabutin ng gabi ang meeting sa Laguna, huwag nang idagdag pa ang pakikipag-usap sa mga supervisor at managers ng planta pagkatapos ng meeting.

Inalis niya ang kamay sa mouthpiece. “Hey, siren, kailan magsisimula ang seminar mo?”

“Tomorrow night, Karl. There would be an induction party.”

“Let’s have coffee tomorrow then. Susunduin kita diyan sa hotel mo. Be at the lobby around two o’clock.”

“Okay...” Ini-off na ni Lora ang cell phone.

“I HAVE never seen your eyes, gorgeous they maybe, shine like a morning star, Anton Karl,” tukso ni Iris. “I’m glad you’ve found another woman to—”

“She’s not just another woman, Iris!” he corrected.

Iris smiled, undaunted by the sudden change of mood. “Well, I couldn’t wait to meet this special woman, Karl.”

Bumalik ang ngiti sa mga labi ni Karl. Sumandal sa sandalan ng swivel chair. “I forgot to tell you that she had a killer smile. And was honest enough to tell she loved me...”

“And what about you, Karl? Do you love her?” Iris asked with interest.

The dreamy look on his face was gone instantly. “The word ‘love’ burned me, Iris. I’ve used that so many times in my life without really meaning it.”

Bahagyang nagdikit ang mga kilay ni Iris. “Ano, kung ganoon, ang nararamdaman mo para sa kanya, Karl, if it isn’t love?”

Matagal bago sumagot si Karl. Nang magsalita’y naroon ang katiyakan. “She’s someone special, Iris. And I’m gonna marry her. My family would love her. And we will be good together. I’ll propose to her tomorrow... buy her her engagement ring.”

Iris was misty-eyed. She was too happy to speak. She was certain Karl was in love with the young woman. He just didn’t realize it yet.

MAAGANG nagising kinabukasan si Lora. Tinapunan niya ng tingin si Lynette na nagmulat na ng mga mata subalit hindi pa gustong bumangon. She was her best friend at dating classmate noong high school. Lynette was a couple of years older. Nang magtapos ito ng high school sa Patubig ay lumipat ang pamilya nito sa Marinduque dahil permanenteng na-assign doon ang ama nito, na tulad ng itay niya’y isa ring guro.

At ang dahilan kung bakit nanatili silang magkaibigan sa kabila ng tinatawid ng dagat ang pagitan nilang dalawa ay dahil magkasundo sila sa maraming bagay at pareho nilang hilig ang photography.

Through letters, napagpasyahan nilang sa iisang unibersidad sa Maynila sila mag-enrol. They shared the same boarding house at sabay ring nagtapos. Siya, Mass Communication ang tinapos. Si Lynette ay Journalism. They both took the crash course in photography more than a year ago. While she landed as a tour guide, si Lynette naman ay naging photographer sa isang local newspaper sa Marinduque.

“Hey, get up,” ani Lora sa kaibigang nanatiling nakadapa pa rin sa kama. “Gabi pa ang simula ng get-together. Let’s go out and kill time. Go window shopping.”

“Gusto ko mang sumama sa iyo,” naghihikab na sagot ni Lynette, “nandito mayamaya lang si Glen. Manonood daw kami ng sine. Well, you can come with us. Okay lang kay Glen iyon...”

Ipinakilala ni Lynette kay Lora si Glen noong college graduation nila dahil dumalo ito. Isang dentista si Glen sa Marinduque at may kamag-anak sa Maynila. Sumama ito kay Lynette sa pagluwas dahil mamimili ng gamit sa clinic nito.

Lora made a face. “Thanks, but three’s a company.” Dinampot niya ang relo niya sa ibabaw ng bedside table. Alas-siyete y media pa lang ng umaga. Alas-dos pa siya susunduin ni Karl. Mayroon siyang bakanteng anim na oras humigit-kumulang.

She sighed. Binuksan ang closet at kinuha ang knapsack. Mag-aayos na lang muna siya ng mga gamit sa closet.

“Ako naman ang maliligo. Sabi ni Glen ay bumaba daw ako sa lobby ng eight thirty. Sumama ka nang bumaba para sabay-sabay na tayong mag-breakfast. I’m sure Glen would love to see you,” ani Lynette at lumakad patungo sa banyo.

“Okay. Pero pagkatapos ng breakfast, kanya-kanya na tayong lakad.” Inilabas niyang isa-isa ang laman ng knapsack niya. Nang mula sa bulsa niyon ay makapa niya ang isang pamilyar na bagay. Itinaas niya iyon.

Ang calling card.

May ilang sandaling tinitigan ni Lora ang calling card. Pagkuwa’y nilingon ang banyo at sa malakas na tinig ay, “Lyn...”

“Yap...”

“Ano ang gagawin mo kung nakapulot ka ng mensahe mula sa isang botelya along with a calling card?”

“Again?”

Inulit ni Lora ang tanong at mula sa banyo’y tumawa si Lynette. “Are you serious?”

“I am.”

Sumungaw si Lynette sa pinto ng banyo at sa pagkakasilip nito’y mahihinuhang nakahanda nang tumapat sa shower.

“May address, huh?” Tumango si Lora. Lynette cocked her head and grinned. “Itatapon ko dahil tiyak na gawa lang iyon ng walang magawa sa buhay. Ginaya marahil iyong napanood sa pelikula.” Pagkasabi niyon ay muling isinara ang pinto ng banyo.

“That’s what I first thought,” aniya sa sarili. Nagtatalo ang isip kung itatapon sa trash bin ang calling card. Pero hindi niya iyon itinapon noong una niyang makita. In fact, dahil sa calling card na iyon kaya sila nagkakilala ni Karl.

Foolishness and curiosity won. Inilagay sa wallet niya ang calling card at nagsimulang magbihis.

Bihis na siya nang lumabas ng banyo si Lynette.

“Hindi ako sasabay sa breakfast, Lyn,” aniya sa kaibigan. “Say my regards to Glen at sabihin mong pakasalan ka na at isang taong mahigit na rin naman kayong magkasintahan.”

“Saan ka pupunta?”

“May gusto lang akong bilhin...” Dinampot niya ang shoulder bag at lumakad na palabas ng silid. “See you later.”