Chapter One
“A LAM ko kung ano ang binabalak mong gawin, Nelson,” Lora hissed. “Get away, please...”
Nakita niya sa sulok ng mga mata niya kanina ang pagdating ng kasintahan. Pero hindi niya ito makuhang batiin dahil nakatuon ang pansin niya sa nanginginaing mga itik na hindi niya gustong mabulabog. At ilang pulgada na lang ang layo ng nguso ng kasintahan mula sa pisngi niya. May ilang minuto na siyang naghihintay ng magandang shot tulad ng paglipad ng isang itik mula sa grupong nanginginain upang makasingit.
At hindi niya makuhang kumilos sa pagkakatalungko sa lupa kahit nangangawit na siya. She was closer to the picture she had spent three days trying to capture. At kung sisikuhin niya ang pagsasamantala ni Nelson sa sitwasyon niya’y baka mawala siya sa tamang focus.
She zoomed on her lens. At hustong nangyari ang inaasahan niyang paglipad ng itik ilang dangkal mula sa lupa’y siyang paglapat ng mga labi ni Nelson sa pisngi niya. Nagalaw ang camera niya at hindi niya nakunan ang gustong makunan.
“Oh, I could kill you for that!” naiinis niyang sabi rito. “Kay tagal kong hinintay ang pagkakataong iyon!”
Subalit ngumisi lamang si Nelson. “Pati ba naman kasi itik ay kinukunan mo ng litrato. Ano ka ba naman, Lora!”
She opened her mouth to say something scathing but changed her mind. Ano mang paliwanag sa kasintahan na mahalaga para sa kanya ang ginagawa’y hindi nito maiintindihan.
Nanunulis ang ngusong isinabit niya sa leeg ang camera at naupo sa isang patay na kahoy. Naupo sa tabi niya si Nelson at inakbayan siya.
“Huwag ka nang magtampo. Puwede mo namang kunan ng litrato anumang oras ang mga itik, `di ba?”
Mabigat na nagbuntong-hininga ang dalaga. Sinisikap alisin ang inis para sa kasintahan. “Bakit ka nga pala nandito? Akala ko ba’y kasama ka ng daddy mo sa munisipyo?” Si Nelson ay isang aktibong leader ng mga kabataan sa kanilang lugar at ang ama naman nito’y ang mayor sa bayang iyon ng Patubig.
“Ayaw mo ba n’on, nagkikita tayo?” wika ni Nelson, hinapit ang mga balikat niya palapit dito.
Alam ni Lora na hahagkan siya ng kasintahan. She could hear his breathing in her ear. But she remained passive at naghihintay ng paglapat ng mga labi ni Nelson sa kanya.
“Lora!”
Umalingawngaw ang tinig na iyon sa buong kagubatan kaya hindi nakarating ang mga labi ni Nelson sa kanya.
“Ang tatay!” Mabilis na itinulak ni Lora si Nelson palayo na kung hindi nakakapit ay malamang na nahulog mula sa kinauupuang patay na kahoy.
“Anak ng—” Napakamot ng ulo si Nelson sa iritasyon. “Ang galing talagang tumiyempo `yang tatay mo...”
Si Lora’y mabilis na tumayo. Lumakad patungo sa pinag-iwanan niya ng plastic na timbang pinaglagyan ng mga pagkain ng itik. At hustong humarap siya sa dakong pinanggalingan ng tinig ay naroon na si Gaudencio. Mabilis ang mga hakbang palapit sa kanya.
“Nariyan ka pala, Nelson.” Binalingan nito ang binatang tumayo mula sa pagkakaupo.
“Magandang hapon, sir,” bati ng binata.
Bahagya itong tinanguan ni Gaudencio. Ang mga mata’y nagdududang nagpalipat-lipat sa anak at kay Nelson. At nang masiyahan sa nakitang malayong distansiya ng dalawa’y saka pa lamang pinag-ukulan ng pansin ang sangkaterbang nagkakaingay na mga itik na nasa tubigan at ang plastic na wala nang laman.
“Pabalik na nga kami sa bahay, Itay,” ani Lora. Yumuko at dinampot ang isang itik mula sa grupo at pagkuwa’y muli ring pinakawalan.
“May nabanggit ba ang daddy mo tungkol sa proposal ng PTA na pagpapatayo ng karagdagang high school building, Nelson?” tanong ni Gaudencio sa binata. Principal ito sa Patubig High School.
“Wala hong nababanggit si Daddy, Mr. Floresca. Pero ipinasasabing dadaan daw siya rito mamayang alas-otso pagkagaling sa meeting sa munisipyo.”
“Ganoon ba?” Binalingan ni Gaudencio si Lora. “Kung ganoo’y umuwi ka na Lora at tulungan mo ang Tiya Lagring mong magluto.” Ang tinutukoy nito’y ang matandang dalagang pinsang malayo na nakatira na sa kanila mula pa nang ipanganak si Lora. “Sabihin mo sa daddy mong sa amin na kayo maghapunan, Nelson.” Pagkasabi niyon ay tumalikod na si Gaudencio at muling bumalik sa pinanggalingan.
“Muntik na tayong mahuli ng tatay!” baling ni Lora sa kasintahan nang lumiko sa may punong-kawayan ang ama. “Ikaw naman kasi... ang hilig mong...” Sadya nitong ibinitin ang sinasabi.
“Di mainam kung nahuli tayo,” wika ni Nelson. “Tutal ay inaalok kitang magpakasal na tayo. Ikaw lang ang nagpapatawing-tawing pa.”
“Bakit ka ba nag-aapura? Wala pa namang isang taon tayong magkasintahan, ah. At saka mga bata pa naman tayo.”
“Eh, kailan mo gustong magpakasal tayo? Kapag pareho na tayong gumagamit ng tungkod?” s arkastiko ang tono nito.
Umikot ang mga mata ni Lora. “Napaka-eksaherado mo talaga. Hindi ko nga pala nabanggit sa iyo, luluwas ako sa Maynila sa katapusan ng buwan. Gusto kong dumalo sa isang one week live-in seminar sa photography.” Hilig niya ang pagkuha ng mga larawan. Kaya naman nang magtapos siya ng kolehiyo noong isang taon ay agad siyang nag-enrol sa dalawang buwang crash course in photography.
Napatayo ang binata at hinarap siya. “One week seminar!”
“Pinadalhan ako ng imbitasyon ng dati kong propesora, Nelson. Katunayan ay nakatanggap din ang best friend kong si Lynette. Kilala mo siya, `di ba? Nabanggit ko na siya sa iyo. Nasa Marinduque na ang pamilya niya ngayon.”
Suyang tumango si Nelson. Dating taga-Patubig ang kaibigan ni Lora na si Lynette subalit hindi nito nakilala dahil nitong nagtapos lamang ito ng kolehiyo naglagi sa bayan ng Patubig.
“More or less two weeks akong mawawala. At pumayag na si Tatay...” patuloy ni Lora.
“Ang tatay mo pumayag, eh, ako? Binale-wala mo na ako?” naghihimagsik ang loob nitong sabi.
“Kaya nga sinasabi ko na sa iyo ngayon.”
Tinitigan muna siya nang matagal ni Nelson, tinantiya kung gaano siya kadeterminado sa binabalak. Pagkuwa’y, “Paano ang trabaho mo sa bayan?”
“Magpa-file ako ng dalawang buwang vacation leave. At kung hindi sila pumayag, baka mag-resign na lang ako. Makakakita rin naman siguro ako ng ibang trabaho pagbalik ko.” Tatlong buwan pagkatapos ng graduation niya ay agad siyang napasok sa isang local travel agency sa Calapan bilang tour guide.
And she enjoyed her job. Dahil nagagawa niyang magamit sa mga local and foreign tourist ang hilig niyang pagkuha ng mga larawan. Bukod doon, ay nakatatanggap pa siya ng bayad sa mga gawa niya. At hindi siya miminsang nangarap na sanay maging isa siyang mahusay na photographer. She wanted to take pictures on almost any subject. Tao man iyon, lugar, o kalikasan.
Pagalit na nagbuntong-hininga si Nelson. Natitiyak nitong hindi paaawat si Lora sa gustong gawin.
“Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mo pang dumalo sa mga ganyang uri ng seminar,” padabog nitong sabi. “Nag-aaksaya ka lamang ng oras. Bukod sa may maganda ka nang trabaho, nakita ko naman ang mga larawang nakasabit sa darkroom mo, ah. Very ordinary... nothing spectacular.”
Nasaktan si Lora sa sinabi ng kasintahan. Subalit agad niya iyong itinago. Alam niyang hindi appreciative si Nelson sa mga gawa niya. At isa iyon sa mga dahilan kung bakit hindi niya masabi rito ang pangarap niyang magkaroon ng exhibit sa Maynila.
“Wala kasi akong magandang camera, Nelson,” she said defensively, na sa isang banda ay totoo naman. Para makakuha ng isang mahusay na larawan, kailangan ay mayroon siyang angkop na camera. “Napakamahal naman kasi ng magandang klaseng camera. Kayamanan nang maituturing.”
“Iyon naman, pala, eh! At saka bakit kailangan mo pa ng seminar diyan sa pagkuha ng mga litrato? Tulad ng m ommy, kapag nakasal tayo’y magiging maybahay ka lang naman.”
Bahagyang kumunot ang noo ng dalaga. Inikid-ikid sa mga daliri ang mahabang tirintas ng buhok.
“Hindi ba puwedeng pagsamahin iyon? I can be a working housewife hanggang wala pa tayong anak. Maybe I can have my own stu—”
“Anak?” paungol na putol ni Nelson sa sinasabi niya at itinaas sa ere ang dalawang kamay. “Anak na agad iyang iniisip mo. Ni hindi mo nga gustong sumamang manood ng sine sa akin sa bayan!”
Naupo si Lora sa patay na punong tinayuan ng kasintahan. “Eh, kasi naman po, minsang sumama akong manood ng sine sa iyo, iyang mga kamay mo’y biglang dumami. Kung saan-saang bahagi ng katawan ko dumadapo. Wala tuloy akong naintindihan sa palabas sa kasasalag sa iyo.”
“Na hindi ko naman maintindihan hanggang ngayon kung bakit kailangan mong magsasalag,” wika nito sa nangungunsuming tono. “At kaya nasa sinehan ang magkasintahan, Lora, ay hindi para manood kundi samantalahin ang pagkakataong magkasarilinan sila.”
Umangat ang mga kilay ni Lora. “Magkasarilinan? Sa dami ng tao sa loob ng sine?”
“Lora, madilim sa loob ng sine!”
Ngumiwi ang dalaga. “Oo nga’t madilim pero naaaninag mo pa rin ang mga tao. Ay naku, for all you know, si Aling Tacing tsimosa pala ang nasa likuran natin, di ikinalat tayo nito sa buong Patubig.” Tumayo ang dalaga, niyuko ang lagayan ng pagkain ng mga itik at lumakad pabalik sa bahay nila. Kasunod niya ang mga itik sa pag-aakalang may bitbit siyang pagkain.
Mabilis na sumunod si Nelson. Hindi malaman kung patuloy na maiinis o matatawa na lang. “Iyon lang ba ang ikinatatakot mo? Iyong makita tayo ni Aling Tacing? Ba! Siguro nama’y hindi nanonood sa balcony iyon. Kuripot ang matandang iyon. Iyon nga lang sa orchestra, gusto pang ilibre sa kanya. Ilang beses iyong nanghihingi ng pases sa d addy para mailibre sa sine, ah...”
Tumawa ang dalaga. Tuluyang nakalimutan ang sama ng loob sa kasintahan.
NANG gabing iyo’y nasa balkonahe ng bahay nila si Lora. Nakatingala sa kalangitan. It was a clear night. May mga bituing nakakalat sa buong kalangitan. At kung imahinasyon o hindi, tila may natanaw siyang munting liwanag na gumuhit sa kalangitan pababa.
Nanlaki ang mga mata niya at agad na inilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng cotton pants, closed her eyes and uttered a wish.
“You’re twenty-two, Lora. Pero hanggang ngayon ay ginagawa mo pa rin iyan,” natatawang sabi ni Gaudencio mula sa may pinto ng kabahayan.
Lumingon si Lora, gave her father a shy smile. “Old habits are hard to die, `Tay.”
Nanatili ang ngiti sa mga labi ng matandang lalaki, subalit sa liwanag na nagmumula sa balkon ay nakita ni Lora ang pagdaan ng lungkot sa mga mata ng ama. At alam niyang iisa ang iniisip nilang dalawa, ang ina niya. Si Marcia. Nasa huling taon siya sa high school nang mamatay ang ina.
Si Marcia ang nagturo sa kanya noong maliit pa lamang siyang bata na kapag may nalalaglag na bituin o bulalakaw ay maaari siyang humiling. One of those bedtime stories sa tuwing pinatutulog siya ng ina.
At habang nagkakaisip siya’y natutuhan niyang hindi nahuhulog ang mga bituin. Ang araw ay isa sa mga maliliit na bituin sa buong uniberso. And the sun was many times bigger than e arth. Kaya walang bituing maaaring mahulog sa lupa.
But of course, that was the scientific truth. Iba naman ang pananaw ng mga makata at romantiko at ang pantasya ng mga bata. At kahit ng hindi na mga bata, kung tutuusin.
At tuwing may natatanaw siyang liwanag na gumuguhit sa kalangitan, she couldn’t help uttering a wish. She couldn’t even remember if any of her wishes came true. Nalilimutan na niya iyon. She didn’t believe it either.
“But the wish you just made wasn’t a childish wish, was it?” himig-birong untag ni Gaudencio sa pag-iisip ng anak.
Lora grinned. Nagkibit ng mga balikat. “Hiniling ko lang naman na sana’y maging matagumpay ang aming pagsasama kung kami’y maikakasal...”
Lumapad ang ngiti ng matandang lalaki. “You shouldn’t have told me what you wished for, Lora. Hindi matutupad...”
She laughed gaily. “Ang tatay talaga.” Naupo siya sa barandilya ng balkon at niyakap ang poste ng isang kamay. “We both know there’s no such thing as a falling star. Siguro’y idinaan ko lang sa nakagawian pero hindi masamang hilingin sa sarili na sana’y maging maligaya ang pagsasama namin ni Nelson tulad ng sa inyo ng n anay...”
Humugot ng pagkalalim-lalim na buntong-hininga si Gaudencio. Sumeryoso. Sumandal sa hamba ng pinto.
“Desidido ka na ba talagang mag-asawa? Sigurado ka bang papayag si Nelson na palawakin pa ang natutuhan mo sa photography kung kasal na kayo?”
Napabuntong-hininga siya. Kahit siya’y hindi niya matiyak ang sagot doon. “I-iyon ang napag-usapan kanina, `di ba?” Hindi niya masabi sa amang napilitan lamang siyang sumang-ayong magpakasal sila ni Nelson tatlong buwan mula sa araw na iyon.
Kanina, habang nasa hapag-kainan sila’y inungkat ni Nelson ang tungkol sa pagpapakasal nila sa harap ng mga magulang nito at ng tatay niya. Agad na sinang-ayunan iyon ng ama ni Nelson at sinegundahan naman ng ina nito. Nagpasya si mayor na agad itakda ang kanilang kasal. May hinala pa nga siyang sadyang alam ng mga magulang ni Nelson ang planong iyon ng kasintahan dahil ni hindi nagpakita ang mga ito ng pagkabigla.
Hindi rin nakuhang magsalita ni Lora. Tila ang opinyon niya kanina’y hindi na mahalaga. Kahit ang itay niya’y walang gaanong nasabi. At kahit na nang sabihin ni Nelson na ipagpaliban na muna niya ang pagluwas sa Maynila dahil magiging abala siya sa paghahanda sa kanilang nalalapit na pagpapakasal.
Gusto niyang magalit sa kasintahan sa ginawa nitong panggigipit sa kanya. Subalit nanaig ang pagnanais niyang unawain si Nelson at talaga marahil mahal na mahal siya nito at gusto na nitong makasal sila. Kung sa bagay ay matagal na nga namang inuungkat-ungkat ng kasintahan sa kanya ang bagay na iyon.
“At mahal mo bang talaga si Nelson, anak?” untag ni Gaudencio sa pag-iisip ng anak.
“Kaya nga po pumayag na akong makasal na kami, `di ba?” aniya sabay baling sa ama, bahagyang nagdikit ang mga kilay. “Nag-aalinlangan ba kayo sa damdamin ko, `Tay?”
Nagkibit ng mga balikat si Gaudencio. “Hindi ko alam. Hindi ko hawak ang damdamin mo, Lora. Pero malinaw pa sa aking alaala ang mukha ng nanay mo noong panahong magkasintahan kami. She was glowing always. Her eyes sparkled like a jewel. Lagi niyang sinasabing pinanabikan niya akong makita sa bawat sandali...”
Ang kunot sa noo’y nahalinhan ng ngiti, kumislap ang mga mata ni Lora. “Talaga, `Tay? Hindi ko alam na ganoon ka-showy si Inay sa damdamin niya sa iyo. How sweet of her...”
“She was.” Sadness and longing filled his eyes. “At mana ka sa nanay mo, Lora... sa maraming bagay.”
She cocked her head. “Ibig n’yong sabihin ay hindi ninyo nakikitang pinanabikan ko nang ganoon si Nelson.” It was more of a statement than a question. Then she smiled at her father. “Siguro ay hindi kami magkatulad ni Inay sa bahaging iyan, `Tay...”
Muling nagkibit ng mga balikat si Gaudencio. “Marahil. Pero napakabata mo pa, anak, para sumang-ayon sa nobyo mong magpakasal kayo kaagad. Kahit noong buhay pa ang nanay mo, we wanted you to see the world... go places... meet people. Iyon kasi ang gusto namin ng nanay mo na hindi naman namin kayang gawin dahil bukod sa nakataling propesyon ay nangangailangan pa iyon ng ekstrang salapi.
“At nang dumating ang pagkakataong madagdagan ang sahod ng mga guro and then there was enough money, you came into our life...”
Nang akmang magsasalita si Lora’y iwinasiwas ni Gaudencio ang kamay at nagpatuloy. “Hindi namin ipagpapalit ng nanay mo ang anumang pagkakataong makapagbiyahe sa pagdating mo sa buhay namin, Lora.”
Emotion flooded her. More than ever she missed her mother now.
“At alam kong bukod sa pagnanais na makarating sa iba’t ibang lugar ay nangangarap kang maging isang mahusay na photographer, ang magkaroon ng sariling exhibit, ang malagay sa magazine ang mga larawang kinunan mo. Paano mo magagawa iyon kung may asawa ka na?”
Pinilit niyang ngumiti. Sinikap alisin sa isip ang panghihinayang na maaaring hindi na nga niya magawa iyon. Ang pamilya ni Nelson ay mga konserbatibo. Ang asawang babae’y dapat lamang na nasa bahay at nagsisilbi sa asawang lalaki. Wala namang masama, lalo kung magiging maligaya naman siya sa piling ni Nelson. i t is worth the sacrifice.
“Maybe Nelson would allow me to put up my own studio after we were married. At ano ang malay n’yo kung gusto ni Nelson na bumiyahe kami pagkakasal namin? I’ll even suggest that to him. Kahit man lang sa Palawan o sa Boracay.” Hinaluan niya ng excitement ang tinig. “Maybe we’ll travel far! Sa Hong Kong... o Thailand!”
Natawa si Gaudencio. Nahawa sa excitement sa tinig niya. “Sana’y gawin ninyo iyan. Dahil sa sandaling magkaanak kayo at matali sa politika si Nelson ay mahihirapan na kayong magbiyahe-biyahe.”
Her eyes flew to her father. Hindi niya nagustuhan ang huling sinabi nito. “Politika? Hindi papasok sa politika si Nelson, Itay. Napag-usapan na—” Huminto siya sa pagsasalita nang makita ang kunot ng noo at pagtataka sa mukha ng ama. “Ano ang ibig ninyong sabihin?” naghihinalang tanong niya.
Nagsalubong ang mga kilay ni Gaudencio. “Ang kasintahan mo? Hindi ba niya nabanggit sa iyo na tatakbo siya sa susunod na halalan? Binanggit sa akin ni mayor kaninang magkausap kami.”
Lumingon sa hardin si Lora upang hindi makita ng ama ang biglang pagdilim ng mukha niya. Alam ni Nelson na kinasusuklaman niya ang politika. At nangako ito sa kanya na hindi susunod sa yapak ng ama. Napag-usapan na nila iyon noon pa man.
Ang maging leader ng mga civic organization sa bayan nila’y sapat na. Pero ang pasukin ni Nelson ang politika ay hindi gustong mangyari ni Lora. Iyon ang dahilan kaya maagang nawala sa buhay nila ang kanyang ina. Marcia’s father was a politician. Nang tumakbo itong gobernador sa probinsiyang iyon ay nanguna si Marcia sa pagkampanya para sa ama. And politics were dirty... just as some people were bad.
Isang bomba ang sumabog sa rally ng partidos ng ama ni Marcia sa Calapan. It took both father and daughter’s lives.
“Hindi dahil ang nangyari sa lolo’t inay mo’y mangyayari rin kay Nelson, anak,” ani Gaudencio na sinabayan ng buntong-hininga.
“Ayoko ng politika, Itay!” Bahagyang tumaas ang tinig niya. Hindi niya gustong isiping pinagsinungalingan siya ng kasintahan. “Hindi lang dahil iyon ang naging dahilan ng kamatayan ni Lolo at Inay. Kahit noong buhay pa sila’y hindi ko gusto ang katotohanang nasa politika sila.
“Hindi ko gusto ang kawalan ng privacy sa buhay namin ni Nelson kung sakali. Nakita naman ninyo na labas-masok ang mga tao sa bahay ng lolo. At kahit sa atin dahil campaign manager ng lolo ang inay. At iyon ang ayoko—ang lagi na lang puno ng tao ang bahay natin. I valued my freedom so much and I cannot imagine myself being a politician’s wife.”
“Isang politiko ang kanyang ama. Hindi maiiwasang—”
“Ang papa niya, hindi siya! And he promised me that he won’t go into politics!” Gusto niyang maiyak. She felt cheated.
“Then you don’t really love him, Lora,” Gaudencio said gently.
“Because I hate politics?” she asked sarcastically.
Huminga nang malalim si Gaudencio. Matiim na tinitigan ang anak. Pagkuwa’y, “No. But falling in love with someone is falling in love with their dreams.”