Chapter Five
“H INDI ko naiintindihan ang sinasabi mo, Lora,” ani Gaudencio at ibinaba sa mesa ang mug ng kape at kunot ang noong tinitigan ang anak. “Isang linggo ka `kamong mawawala. Luluwas ka na ba sa Maynila? Ang akala ko ba’y sa katapusan pa ang luwas mo?”
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng dalaga. A dreamer could be forgiven but not a fool. And she was both a dreamer and a fool. Halos wala siyang itinulog kagabi sa kakaisip sa sinabi ng estranghero. Inanyayahan siya nitong maglayag nang isang linggo sa karagatan.
At hanggang ngayo’y hindi niya maintindihan kung bakit pumayag siya. And now she was having a hard time asking her father’s permission.
“Hindi ko ho gustong magsinungaling... so please don’t ask...”
“Gusto kong malaman kung saan ka pupunta!” ani Gaudencio na tumaas ang tinig.
She winced. Bibihira ang pangyayaring pinagtataasan siya ng tinig ni Gaudencio. Alam niyang kagabi pa nag-aalala ang ama nang alas-diyes na halos siyang nakauwi. Sinabi naman niya ang totoo kung ano ang nangyari, pati ang pagtungo nila ni Rufus sa barko.
“Saan ka pupunta, Lora?” ulit ni Gaudencio sa mariing tono.
“Eh, `Tay...” Lora sighed. She felt so stupid, habang pahapyaw na sinasabi sa ama ang totoo.
Nanlaki ang mga matang tinitigan ni Gaudencio ang anak. Hindi makapaniwalang napaangat ang likod mula sa sandalan ng silya.
“Nasisiraan ka na ba ng bait, Lorabelle?! Hindi mo ba naiisip na kapahamakan ang gagawin mong iyan?”
“Itay, kung gusto niya akong gawan ng masama’y ginawa na sana niya kagabi...” she said defensively.
“Marami na ang nagsabi ng linyang iyan!” Pagkamangha at galit ang nasa mukha ni Gaudencio. “Paano kung miyembro ng white slavery ang taong iyan?” Nagbuntong-hininga at galit itong umiling. “Hindi ako makapaniwalang inalagaan mo sa isip ang alok ng estrangherong iyon sa buong magdamag. Though a dreamer, you are a very sensible person, Lorabelle. Saan napunta ang matitino mong kaisipan at dahil lang sa—”
“Just this once, please,” she begged.
“Lorabelle—”
“Itay, please. Hindi ko kayang ipaliwanag sa inyo. Pero natitiyak kong hindi masamang tao si Karl. Pulos lalaki ang crew sa barkong iyon at kung ginusto niyang huwag na akong pauwiin kagabi at tangayin ay hindi ninyo malalaman. Kung masama siyang tao, that would be his chance. Hindi kailangang pauwiin pa niya ako para magpaalam sa inyo.”
May kung ilang sandaling tinitigan ni Gaudencio ang anak. Pilit pinapasok sa isip ang katwiran ni Lora. Ilang sandaling pilit pinayapa ang damdamin. Ang paglalim ng kunot sa noo’y tila mananatili na roon hanggang sa natitirang buhay nito. Iyon ang isa sa mga pagkakataong umasam itong sana’y naroon si Marcia. Tiyak na alam nitong pakitunguhan ang sitwasyon.
Isang malalim na buntong-hininga ang muling pinakawalan ni Gaudencio. Pinagkatiwalaan nito ang anak sa buong panahon ng pagkokolehiyo nito sa Maynila at minsan ma’y walang ginawa si Lora na dapat nitong ipag-alala. She went in and out of crushes at hindi mga seryosong relasyon. Though young, she wasn’t gullible pagdating sa matatamis na salita ng isang lalaki. And Lora had more sense than any young women he knew.
Then from out of the blue, napahinuhod ng isang estrangherong lalaki ang kanyang anak nang paganoon lang. And that what scared him most.
He sighed heavily, and in a resigned voice said, “Isama mo ang Tiya Lagring mo...” Nang akmang magsasalita si Lora ay mabilis na idinagdag, “O hindi ka aalis!”
Ngumiti si Lora. “Kanina ko pa gustong sabihing isasama ko namang talaga si Tiya Lagring.”
“`KU, HINDI ko maintindihan diyan sa ama mo kung bakit pinayagan ka sa kalokohang ito?” ani Tiya Lagring habang sumasampa sa basnig.
“Kasama ko naman kayo. At saka ano ang malay natin baka hindi naman seryoso si Karl sa pag-aanyaya sa akin at baka pag-alis ko kagabi’y umalis na rin ang yate sa pagkakaangkla nito sa laot.”
“Mabuti naman, kung ganoon. Aba’y ire lang bangka’y hindi ako sumasakay at nahihilo ako, sa barko pa?” Dinukot nito ang dalang White Flower, binuksan at sininghot-singhot.
Niyuko ni Lora ang motor at sinimulang paandarin. Nang hindi sinasadya’y mapadako ang pansin niya sa may ilalim ng manibela. May nahagip ng tingin ang mga mata niya... isang pamilyar na bagay.
Ang calling card!
Mabilis niyang dinampot iyon at ipinasok sa bulsa ng backpack niya. Nalimutan na niya iyon. Akala pa man din niya’y nahulog na iyon sa tubig. Nagsimula nang pumalaot ang bangka. Sandali niyang sinilip ang katig na napalitan na ng taong inutusan ng itay niya kaninang umaga.
Pagkatapos ay itinuon na ang paningin sa karagatan. Sa malinaw na tubig ay tila nakikita niya ang anyo ng estranghero kagabi.
Si Karl.
NAPAHAKBANG si Karl palapit sa gilid ng bangka at inaninag ang parating na speedboat. Pagkuwa’y dinampot ang emergency lamp at iwinasiwas sa mga dumarating.
“Over here!” sigaw nito.
Tatlong lalaki ang sakay ng speedboat na higit na malaki kaysa sa ginamit ni Karl. Ang driver ng bagong dating na speedboat ay inutusan nitong bumalik sa pinanggalingan at kumuha ng gasolina. Ang dala wa’y inutusan nitong iayos ang tumaob na speedboat.
Hindi naging kainip-inip ang paghihintay sa inutusang kumuha ng gasolina. At matapos malagyan ng gasolina ang basnig niya ay pumuwesto si Karl sa manibela ng basnig habang ang malaking speedboat ay hinatak ang nasira.
“Bakit kailangang sumama ako sa iyo?” tanong ni Lora kay Karl. “Maaari naman akong dumeretso sa Batangas?”
Nilingon siya nito. “You said back there that you were starving. I’ll feed you first. Iyon man lang ay maibayad ko sa pagkasira ng katig mo.”
She should have refused. Iyon ang tamang gawin. Hindi niya kilala ang lalaki. At lalo na at may iba pang mga lalaki itong kasama.
Nakita ni Karl ang pag-aatubili niya. And he was glad that she wasn’t so trusting after all.
“Mas malapit ang pupuntahan natin kaysa kung sa Batangas kita yayayaing kumain. Bukod pa sa duda ako kung may disenteng makakainan sa pier... At hindi ako masamang tao, though I’ll understand if you refuse my invitation.” Idinagdag ni Karl ang huling sinabi.
Nilinga ni Lora ang madilim na karagatan. Hindi niya alam kung bakit naniniwala siyang hindi masamang tao ang estrangherong ito. “Wala naman akong alam na restaurant sa Batangas na nasa gitna ng dagat, ah. Bakit tila sa laot tayo patungo?”
“Nakikita mo ba iyang umiilaw na iyan?” Itinuro ni Karl ang cruising yacht na may tatlongdaang metro na lang ang layo mula sa kanila.
“Iyong malaking barkong iyon?!”
“It’s a sailboat... yes, a ship, if you wish. Pero hindi naman ganoon kalaki,” pagtatama ni Karl.
“A ship is a ship, small or otherwise!” she said. “May restaurant ba roon?”
“Wala. Pero may pagkain...”
“And that ship is yours?”
Karl hated the excitement in her voice, habang itinuturo ang sailboat. “Sa kaibigan ko. At sa kanya din iyong speedboat.”
“Oh my! Your friend must be very very rich!” she exclaimed. At nasa yate ang paningin ni Lora kaya hindi na niya napuna ang pagtalim ng mga mata ni Karl.
“THIS is George, siya ang nagmimintina nitong yate,” agad na pakilala ni Karl nang makapanhik sila sa yate bago pa man nakapagsalita ang man Friday nito.
Nginitian ni Lora ang lalaki at iniabot ang kamay. “Hello, George...”
Sandali lang ang pagkalito ni George sa paraan ng pagpapakilala ni Karl dito. Agad na inabot ang kamay ni Lora.
“It’s a pleasure to meet you, ma’am,” George said gallantly, at sa halip na pakikipagkamay ay dinala nito sa bibig ang kamay ni Lora at hinagkan iyon.
Lora smiled. “Such Old World grace. I’m thrilled...”
Bahagyang kumunot ang noo ni Karl sa ginawa ng man Friday nito. Nang akmang magsasalita si George ay agad itong hinila ni Karl sa sulok habang si Lora’y nagpalinga-linga sa kabuuan ng barko.
“Sabihin mo sa kusinero na ipaghanda kami ng pagkain,” he said in a clipped voice.
“Yes, boss.” Akmang tatalikod si George subalit bago siya makahakbang ay muling bumulong si Karl. “She doesn’t know who I am. Play along.”
Nagtataka ma’y hindi na kumibo ang man Friday. At lumakad na patungo sa kitchen.
“So this is how a big ship looks like!” muling bulalas ni Lora.
“It’s only a sailboat and not that—”
“It is big,” giit ni Lora at nilingon si Karl. Dimpled at him. “Why make a fuss about it. There’s no difference. They both sail.”
Umiiling na nagkibit ng mga balikat si Karl. Gustong maaliw. Ang admiration sa mga mata ni Lora ay walang pakunwari. Tila batang napakitaan ng magandang laruan.
“Diyan ka muna, magbibihis lang ako.”
“Can I look around?”
“Be my guest.” Nagkibit ito at iniwan na siya.
Ipinagpatuloy ni Lora ang pagsuri sa buong yate. She went up to the upper deck. Malaki at maluwang iyon. Whoever owned the private ship must be very very rich, she thought.
Pagkatapos magsawa ay muling bumaba sa lower deck. Napipinturahan ng puti ang lahat ng dingding at ang mga pinto’y sa natural na barnis. May mga modernong kasangkapan sa paligid. Bawat cabinet ay binubuksan niya, bawat pinto ay pinapasok at inuusisa at hindi niya mapigil ang mapasinghap sa bawat makita. Nasa yate lahat ng amenities ng isang maganda at marangyang bahay. It even had a small bar at sa isang sulok ay katamtamang laking billiard table.
She opened another door at sumilip sa loob. Malaki ang cabin na iyon kaysa sa karaniwan. At mas malaki rin ang bunk bed na naroroon. May TV, VHS, component... at computer sa ibabaw ng isang mesa.
Humakbang siya upang lapitan ang computer nang bumukas ang pinto sa may kaliwa niya at lumabas si Karl mula sa banyo. Sa pag-iwas niya na huwag silang magkabungguan ay nawalan ng panimbang ang dalaga.
Bagaman nabigla dahil hindi inaasahan ni Karl na nasa loob ng cabin nito si Lora ay agad nitong nahapit sa baywang ang dalaga bago pa siya matumba.
Hindi agad nakapagsalita si Lora. At hindi niya namalayang nasa mga balikat ni Karl ang mga kamay niya. She could feel the silky flesh beneath her hands. Kung saan galing ang pagnanais niyang paglandasin ang mga kamay sa mamasa-masa nitong balat ay ewan niya.
She fought the urge and raised her eyes slowly from his chest to his neck to his face. Only to find out he was gazing at her intently. There was something in those deep and dark eyes she couldn’t put a name to it...
“Go and touch me. I wouldn’t mind...” One corner of his lips twisted in dry amusement.
“W-why would I want to do that?” Gusto niyang mapahiya. Napakadali niyang basahin.
“Kanina mo pa ginagawa iyon sa bangka. You more than embraced me when you pretended to have made that silly wish upon a falling star. We both know there’s no such thing as a falling star.”
“I–I did not pretend to have made a wish.” Sa banayad na paraan ay sinikap niyang pakawalan ang sarili mula sa pagkakahawak nito. Subalit ni hindi niya matinag ang bisig nitong nakapulupot sa baywang niya.
“Tell me your name,” Karl said softly.
The sudden huskiness of his voice was a caress. And it raised downy hairs from her body.
Banayad na napasinghap si Lora. She saw the male intensity in him. Isang hindi maunawaang damdamin ang tila nag-uunahan sa katawan niya, making her shiver. Isinisisi niya iyon sa lamig na nagmumula sa air-conditioner at sa nipis ng suot niyang T-shirt.
“Lora...” she said almost in a whisper. Pagkatapos ay mabilis niyang idinagdag, “Lorabelle.”
“Tinatawag ka ba ng mga kaibigan mo na ‘Belle’?”
“No.”
“Lora?”
Tumango siya. Aware of his strong arm on her waist.
“And your boy—friends,” banayad na sabi ni Karl, “tinatawag ka ba nila na ‘Belle’?”
Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. He said it so smoothly. At bagaman pinaghiwalay nito ang “boy” sa “friends,” there was no mistaking the cynical calculations in his dark eyes.
Subalit kulang siya sa karanasan upang makipagdigmaan ng mga salita. Gusto man niyang mainis ay hindi naman iyon ang nararamdaman niya. Bukod pa sa mula kanina sa bangka’y ganoon na ang paraan nito ng pagsasalita. At hindi niya masisi ang estranghero na halos yakapin siya. She had been too obvious with her admiration to him. Besides, tama ito. Kanina sa bangka’y niyakap niya ito mula sa likuran. Feeling the warmth of his body... inhaling his scent.
Sinikap niyang seryosuhin ang sitwasyon. “Bitiwan mo ako...” wika niya sa malamig na tinig, her ices were as icy. Umaasang pakakawalan siya nito.
Subalit ni hindi man lang lumuwag ang pagkakahawak nito sa baywang niya. Sa wari pa niya’y lalong humigpit. “Hindi mo sinasagot ang tanong ko.”
“Lahat ng mga kaibigan ko, babae man o lalaki, ay tinatawag akong ‘Lora.’” Alam niyang pag-aaksaya lamang ng lakas ang gagawin niya kung patuloy siyang magpumiglas na pakawalan nito. At ang masama pa roon, it would only increase her awareness of his disturbing male strength.
“Do you want me to call you ‘Belle’? Sa French, it means the most beautiful woman...”
Now she could hint a teasing in his voice, bagaman walang ipinagbago ang mga mata nito.
“Or shall I call you ‘Lorabelle’?” patuloy nito. Then he smiled. And finally, slowly, inalis ni Karl ang kamay sa pagkakahawak sa baywang niya. Lumakad ito patungo sa closet.
“Bakit ka narito sa loob ng cabin ko?” tanong nito nang hindi tumitingin sa kanya. Mula sa closet ay naglabas ito ng briefs, puting T-shirt, at blue jeans. Inihagis iyon sa kama.
“Nagpaalam ako sa iyong titingnan ko ang buong yate, `di ba? Hindi ko alam na cabin mo ito...”
“My friend’s cabin,” pagdiriin nito. “Ipinagagamit niya sa akin.”
“How generous. Anyway, I’m so impressed!” Ngumiti siya. Ang pagbabalik ng tono nito na tila laging iritado’y mas ikinapapanatag niya. And she also was back to her gregarious self.
“It’s obvious,” matabang nitong sabi. “Kung nakita mo na ang dining room, hintayin mo ako roon at magbibihis lang ako, okay?”
Nagkibit ng mga balikat si Lora at humakbang patungo sa pinto. “Hurry up, kanina pa nagrereklamo ang tiyan ko.”