noveltoon logo noveltoon
One Wish (Kristine Series 18)

Chapter 17

Ch. 18 / 22 Apr 09, 2022

Chapter Seventeen

N AGULAT pa si Lora nang paglabas niya sa darkroom ay nasa sala si Nelson at naghihintay.

“Hi,” nakangiting bati nito at agad na tumayo. “Pinapasok ako ng Tiya Lagring mo.”

“Maupo ka uli,” wika niya. Lumakad patungo sa pang-isahang sofa na nasa kanan ng inuupuan ni Nelson.

At hindi pa siya nakakaupo nang husto’y inabot na ni Nelson ang kamay niya.

“How are you, Lora?” wika nito. “Tatlong linggo ka rin halos na naglagi ka sa Maynila. Kumusta ang seminar mo?”

“It went fine, Nelson,” walang kabuhay-buhay niyang sagot.

She wondered how she had lasted three weeks in Manila. Siguro sa likod ng isip niya’y umaasa siyang tatawag sa hotel si Karl. O kung hindi man sa hotel ay sa teleponong iniwan nito sa kanya na hindi niya nagawang isauli. Pagkatapos ng seminar ay inanyayahan siya nina Glen at Lynette na sa bahay na ng kamag-anak ng una tumuloy at magpalipas pa nang dalawang linggo sa Maynila.

Gusto man niyang tumanggi ay minabuti niyang sumang-ayon na. Isa pa’y hindi papayag si Lynette na uuwi siya kaagad. Pangalawa, gusto niyang maubos ang mga luha niya bago siya umuwi sa kanila. Hindi niya gustong mag-alala ang ama at tiyahin.

Ang tiyahin ni Glen na isang matandang biyuda ay tuwang-tuwa pa nang dumating sila. At least daw ay may tatao sa bahay nito habang nasa Baguio ito.

Gabi-gabi ay umaasa siyang tatawag sa kanya si Karl. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit hindi niya isinasauli ang cell phone nito. She could have returned it to him. Iwan iyon sa security guard upang ibigay rito. Subalit hindi niya ginawa. Iyon na lang ang link niya rito. Ang nagsisilbing alaala niya rito. She was sure she saw love and concern in his eyes when he left the phone to her.

At sa tatlong pagkakataon na tumawag sa kanya si Karl, bago siya lumuwas sa Maynila, bagaman hindi nito iniusal ang mga kataga, natitiyak niyang may damdamin ito sa kanya. It was in his voice... sa mga pahapyaw na salitang ginamit. At kahit noong araw na kunan niya ng larawan ang yate nito.

Or maybe it was only her imaginations working, iyon ang gusto niyang paniwalaan dahil mahal niya ito. Sabi ni Lynette, baka lalong isipin ni Karl na pinag-interesan niya ang cell phone nito kung hindi niya isasauli.

But surely Karl wouldn’t think that of her. Pinunit na niya ang tsekeng pagalit nitong isiniksik sa bag niya.

One day... she would return the phone. When she was over him. And she was certain she’d forget him. But Karl had to wait in a million years or so.

“Hey!” Pinitik ni Nelson ang dalawang daliri sa harap ni Lora. “Ang layo ng nilalakbay ng isip mo, ah...”

Napakurap ang dalaga. Hinila ang kamay na hawak ng binata. “I’m sorry... ano na nga iyong sinasabi mo?”

“Ilang araw bago ka lumuwas sa Maynila’y may nakakita sa iyo sa pantalan n’yo, Lora,” Nelson said impatiently. “Kinukunan mo ng litrato ang isang malaki at mataas na lalaki...” Sandaling tumiim ang mga bagang nito bago nagpatuloy. “Ang sabi ng nakakita’y magandang lalaki ito at walang suot na pang-itaas. And the boy even saw you in his arms...”

“Nelson...”

“At ang lalaking iyon ay muling nakita ng nagsumbong sa akin kinabukasan. I almost didn’t make it here to see if it was true. Nasa loob na siya ng rented car nang dumating ako. Naroon lang ako sa kabila ng daan pero hindi mo ako nakita... Nakatuon ang buong pansin mo sa kanya.”

Hindi makapagsalita si Lora sa akusasyon na nasa tinig ni Nelson.

“Sino at tagasaan ang lalaking iyon, Lora? Siya ba ang dahilan kung bakit bigla ka na lang nakipagkalas sa akin?”

“He modelled for me, Nelson.” That, in a way was true. “Maliban doon ay hindi ko siya gustong ipakipag-usap sa iyo. Isa pa, kung ano mang malisya ang nakarating sa iyo, alam mong tapos na sa atin ang lahat. Tinapos mo...”

Nelson held his temper. Nagyuko ng ulo nang ilang sandali bago muling hinawakan ang kamay ni Lora at tumitig dito.

“I love you, Lora. Hindi nagbago ang pagtingin ko sa iyo. Kung may nagawa man akong kasalanan ay humihingi ako ng tawad. Normal lamang iyon sa magkasintahan, `di ba?”

“Hindi ko na matandaan kung ano ang ikinagalit ko sa iyo, Nelson.” That at least was true. Ni hindi na niya matandaan kung ano ang ikinagalit niya rito. Ang buong kaisipan niya’y okupado ni Karl. At kung hindi niya nakita ngayon si Nelson ay ni hindi niya maiisip ito.

“Then we could start all over again, Lora. Parang walang nangyari. Kinukumusta ka nina Daddy at Mommy. Umaasa silang matutuloy pa rin ang kasal natin...”

Umiling siya. “I’m sorry, Nelson. Pero matagal ko nang natiyak sa sarili kong pagtinging kapatid lamang ang iniuukol ko sa iyo...”

Muling umigting ang mga bagang ni Nelson. “Hindi ako naniniwala sa sinasabi mong iyan. You love me, Lora. Okay, nagkamali ako. But surely, I’m entitled to your forgiveness. Sinabi ko na sa d addy na hindi ako tatakbo sa darating na halalan...”

Isang payak na ngiti ang pinakawalan ni Lora. “Hindi mo kailangang gawin iyon, Nelson. Ikinalulungkot ko, pero hindi ko na maibabalik sa dati ang lahat. May iniibig na akong iba...”

Kung hindi nagpigil si Nelson ay baka naipakita na nito ang matinding galit at panibughong nararamdaman. Ilang beses itong humugot ng malalim na paghinga bago muling nagsalita.

“Hindi ko na aalamin kung sino ang bago mong pag-ibig, Lora. At hindi ako nawawalan ng pag-asang maibabalik ko ang dati mong pagtingin.”

“Nelson, please. I don’t want to give you false hope—”

“Huwag mo akong pigilin sa pagpunta ko rito, Lora. Dati tayong magkaibigan. Maaari namang magsimula tayong muli sa pagiging magkaibigan. Natitiyak kong hindi mo ipagkakait sa akin iyan.” Tumayo na ito at humakbang patungo sa pinto. “Ipagpaalam mo na lang ako sa tiya mo.”

SA LOOB ng dalawang buwan na matuling lumipas ay hindi miminsang dumalaw si Nelson upang suyuin siyang muli sa kabila ng paulit-ulit niyang pagtanggi rito.

At sa loob din ng dalawang buwan ay unti-unting nalilibang si Lora sa pagbabalik niya sa trabaho sa travel agency. Not as a tour guide, but as an official photographer.

At wala siyang natatandaang araw na hindi sumagi sa isip niya si Karl. She had never stopped loving him. Pero kailangang patuloy ang buhay. At malaking bagay ang trabaho niya upang mawaglit ang isip niya kahit sandali rito. Bagaman sa bawat pagtanaw niya sa dagat ay mukha ni Karl ang nakikita niya.

Alam niyang hindi lang kumikibo ang itay at tiyahin niya tuwing nakikita siyang nakatanaw sa malayo. O di kaya’y ang mahahabang oras na ginugugol niya sa pantalan nang nag-iisa. Kahit si Rufus ay hindi na niya gaanong napagtutuunan ng pansin. Naghihintay lang marahil ang mga ito na maghayag siya ng damdamin niya.

One day... soon. Kung hindi na ganoon kasakit ang nararamdaman niya.

NAGULAT si Lora nang pag-uwi niya galing ng bayan nang hapong iyon ay madatnang nasa sala nila si Lynette at kausap ng t iya Lagring niya.

“Lyn!” bulalas ni Lora. Inilapag ang bag sa sofa at naupo sa tabi ng kaibigan.

“Siya, maiwan ko na kayong dalawa. Magpapakain pa ako ng mga itik.” Lumakad na patungo sa kusina si Tiya Lagring.

“Kanina pa po ako rito. Inabot na ako ng paglubog ng araw,” wika ni Lynette at hinagod siya ng tingin.

“Ano ang nagpatawid sa iyo sa dagat para puntahan ako?”

Lumabi si Lynette. “Hus... para namang hindi ko siya nadadalaw noon dito. Ikaw nga diyan, ni hindi ka man lang—”

“Okay... okay!” She laughed. “Ano ang balita? `Sabi mo sa huling sulat mo’y natanggap kang official photographer sa isang big time magazine.”

“Yap. Ako ang official photographer ng mga cover model.”

“So, big time na ang kaibigan ko.”

Ngumiti lang si Lynette. Pagkuwa’y muli siyang tinitigan, then asked softly. “How are you? Malaki ang inihulog ng katawan mo.”

“Mas sexy ako ngayon?” pabirong sabi niya. Nang hindi sumagot si Lynette at nanatiling nakatingin ay napabuntong-hininga si Lora. “Getting by. At huhulaan ko kung bakit ka narito. Isang personal na imbitasyon para sa kasal ninyo ni Glen.” Inalis niyang sa kanya matuon ang usapan.

Natawa si Lynette. “Hindi iyan ang sadya ko. Pero huwag kang mag-alala, pinag-uusapan na namin ni Glen iyan. Four months from now, pero wala pang definite date. At siyempre, ikaw ang maid of honor ko...”

Lora rolled her eyes. “Salamat naman.”

“Loka.” May dinukot ito sa bag at ibinigay sa kanya.

“Ano ito?” Binasa niya ang brochure na inilagay ni Lynette sa kamay niya. “Photo exhibit!”

“Yap. Sa Megamall. At sasali tayo. We will rent a booth.”

Napatingin siya sa kaibigan. “Lyn, alam mo ba kung magkano ang isang booth?”

Nagkibit ng mga balikat si Lynette. “Mahal, alam ko. Pero hindi ganoon kamahal kung paghahatian nating dalawa. And it’s worth the expense, Lora. Iyon ang pagkakataon mo... natin. At sa sandaling may bumili sa mga kuha nating larawan, o, di bawi na iyong gagastahin natin. Plus, baka may kumuha sa ating photographer sa isang de-klaseng magazine!”

“Pero wala akong magandang camera na magagamit...”

“You don’t need to take new pictures. Nasabi mo sa aking kinuhanan mo ng picture ang yate ni Karl, `di ba?”

Tumango si Lora. Nasa darkroom pa rin ang rolyo ng film. Hindi pa niya idine-develop. She was afraid she’d burst into tears tulad sa isang nasirang dam kung makikita niya ang mga larawang iyon.

“Sapat na iyon. You used his camera. At may tiwala ako sa kakayahan mo, friend. I saw some of the photos na kinunan mo noong college tayo. It was good. At ang mga best photo ko, lalo na iyong mga ipina-develop ko sa life-size, ay kuha mong lahat.”

“Kinakabahan ako, Lyn. Baka magmukha lang tayong katawa-tawa roon among the experts...”

“Shut up. I will arrange everything. Padalhan mo ako ng express mail kung kailan ka luluwas.”

“Are you sure this is a good idea?”

“Positive. Now get to work. Huwag kang magmukmok. Aalis na ako.” Isinukbit nito ang shoulder bag kasabay ng pagtayo.

“Hapon na, ano ba?”

“Precisely. Kaya nga kailangan kong umalis na dahil baka abutan kami ng malalaking alon. Nagrenta lang ako ng bangkang de-motor para makatawid dito. Pakisabi sa Tiya Lagring na aalis na ako. And friend, I’m counting on you...”

A worried sigh came out of Lora’s lips.

NANG sabihin ni Lora sa itay niya ang tungkol sa exhibit ay agad ang pagsang-ayon ni Gaudencio. At kahit hindi niya sinabi’y nagpauna na ang ama na bibigyan siya ng sapat na halaga para sa lahat ng gastusin.

“`Tay...” Nag-iinit ang sulok ng mga mata niya. Niyakap ang ama.

“Huwag mong hayaang may pumatak na luha, Lorabelle. Natitiyak kong nitong mga huling araw ay marami ka nang luhang sinayang. Tama si Lynette, magsimula ka nang magtrabaho para sa exhibit na iyon.”

She smiled at her father through misty eyes. “Salamat, `Tay.”