Chapter Four
“A NONG oras na?” tanong ni Lora.
Sumulyap si Karl sa diver’s watch nito sa braso at sa padabog na tono’y, “It’s ten past seven. Wala ka nang ginawa kundi magtanong ng oras kada limang minuto!”
“Napakaeksaherado mo,” wika niya kasabay ng pag-ikot ng mga mata. “At ano naman ang masama kung nagtatanong ako ng oras? Bakit ka nagsusungit?” Humugot siya ng mahabang paghinga. Muling nilinga ang lalaki. “I’m starving, aren’t you?”
“Hungry but not starving.”
Tinalikuran nito ang dalaga at hinayon ng mga mata ang madilim na laot na walang makikita kundi ang mumunting liwanag na nanggagaling sa Batangas pier at iilang liwanag mula sa mga sasakyang dagat na nasa malayong bahagi ng karagatan. At mabuti na lang at may emergency lamp ang basnig, kung hindi’y baka mga bituin at buwan ang tanglaw nila sa isa’t isa.
Nakasiksik sa sulok ng basnig si Lora, yakap ang mga binti. Gabi na, and it was getting colder. At tumatagos ang lamig mula sa malakas na hangin sa suot niyang pedal pusher at manipis na T-shirt.
Muli niyang tiningala ang lalaki. “Tagarito ka ba? Ibig kong sabihin, sa Batangas o sa kalapit-isla?” tanong niya.
“Hindi ako tagarito. May bahay ang... ang kaibigan ko sa Anilao at nagbabakasyon ako nang ilang araw,” sapilitang sagot ni Karl.
May bahay-bakasyunan sa Anilao ang pamilya ni Krista. At mula sa Manila Bay ay naglayag sila patungong Batangas habang isine-celebrate ang birthday ng dalaga. At plano pa sanang maglalayag patungong Paso de Blas kung hindi lang nagalit si Krista at nagpasyang magpaiwan na at sa bahay-bakasyunan na lang ng pamilya nito itutuloy ang party... minus Karl na hindi man lang nag-abalang suyuin ang dalaga.
At hindi ito nagbalak na bumalik sa Paso de Blas o sa Maynila. Nag-e-enjoy itong maglayag mag-isa.
“Taga-Maynila ka kung ganoon,” patuloy ni Lora na pumukaw sa pag-iisip ni Karl. “Ano ang trabaho mo sa Maynila? Sa iyo ba ang speedboat na iyon?” Inginuso niya sa dilim ang alam niyang kinaroroonan ng nakataob na speed boat.
“Ano ka ba, imbestigador!” he snapped. Hindi nito gustong makipag-usap habang nag-iisip. He was starting to worry, gabi na at nasa laot pa rin sila.
“Gumagawa ako ng mapag-uusapan para huwag tayong mainip,” kalmanteng wika ni Lora. “Tingnan mo ikaw, kanina ka pa nakasimangot. Palakad-lakad ka riyan na tila nag-aabang ng asawang manganganak. Lalo lang magiging kainip-inip ang oras sa ginagawa mo. Ako itong babae, at dapat na higit akong mag-alala kaysa sa iyo dahil narito ako sa laot kasama ang isang estranghero...”
“Why, your calm really surprised me,” he said drily. He didn’t want to admit that he admired her calm.
Kung si Krista ang kasama nito at naroon sila sa laot at na-stranded, nag-hysteria na ang socialite niyang girlfriend—o ex-girlfriend na nga ba? He wasn’t sure. Ang natitiyak nito’y wala itong balak na suyuin si Krista. Nagsisimula na itong ma-suffocate sa relasyon nila.
“At normal lamang na mag-alala ka dahil `sabi mo nga’y estranghero ako...” dugtong nito.
“Well...” Sandali niyang sinipat ang lalaki. She wrinkled her nose. “Hindi ka naman mukhang manyakis...” Hinaplos niya ang ulo ni Rufus na nakahiga sa tabi niya na para bang ipinararating sa lalaki na hindi siya pababayaan ni Rufus kung sakaling nagbabalak ito ng masama.
Gustong matawa ni Karl sa ginawa ni Lora. Nahuhulaan ang nasa isip niya. “Looks can be very deceiving...” wika nito.
He didn’t want to frighten her pero hindi nito maintindihan kung bakit pinayagan ng mga magulang ang batang ito—well, in a way, she just looked like a kid out of school—na maglayag mag-isa. Paano kung ibang tao ang naroroong kasama niya?
“Are you?”
“I am what?”
“A maniac?”
“Shut up!” he glared at her, both in irritation and amusement. Sa buong buhay nito’y wala pa kahit na isang babae ang nag-isip nang ganoon dito. “Kung manyak ako’y kanina pa kita ni-rape at kahit pa nasa laot tayo. In fact, it would be to my advantage dahil pagkatapos ay tatalian kita ng pabigat at basta na lang kita ihahagis sa laot at walang magagawa iyang aso mo!”
“Well, I believe you,” ani Lora sa kaswal na tono.
“What?!”
“Na hindi ka maniac at hindi rin psycho killer...”
Nagbuga ng hangin sa ere si Karl. Hindi malaman kung maiinis o matatawa. Pero muli’y tama na naman ang babae. Kung hindi sila nag-uusap ay mas kabagot-bagot ang paglipas ng oras. But then, iyon ang kauna-unahang pagkakataong may kasama siyang babae, na sila lamang dalawa sa loob ng dalawang oras, na ang layo sa isa’t isa’y isang dipa.
“Hindi mo pa ako sinasagot, sa iyo ba iyong speedboat?”
“Eh, ano, kung sa akin nga?”
“Why, you must be rich!” she exclaimed mildly.
Nagsalubong ang mga kilay ni Karl. “So?”
She cocked her head and said guilelessly. “Well, I like rich men...”
“Tell me something I don’t know,” he murmured drily, irritably.
“And you don’t like women who like rich men?”
Naiiritang nilingon ni Karl ang dalaga. “I hate nosy women.”
Nagkibit ng mga balikat si Lora. May ilang sandaling tumahimik. Si Karl naman ay nakadama ng guilt. Inisip na baka sumama ang loob niya.
He sighed and gazed at the sky. It was a clear night. Nagkalat ang mga bituin sa langit.
Si Lora man ay nakatingala rin sa langit. Mayamaya’y bigla na lang nanlaki ang mga mata niya.
“There’s a falling star!” bulalas ni Lora na tumayo at sinundan ng tingin ang gumuhit na liwanag sa kalangitan na bumabagsak at unti-unting nawawala sa paningin.
Ngumiti si Karl na hindi naman umabot sa mga mata at sa nanunuyang tono ay, “Why didn’t you make a wish?”
“Dapat sana pero agad na nawala ang bituin. Isa pa’y wala pala akong mga bulsa.” May bahagyang-bahagyang panghihinayang sa tinig niya. Force of habit.
Kumunot ang noo ng binata. “Ano ang kaugnayan ng bulsa sa wish mo?”
Nagkibit siya ng mga balikat, and pouted her lips and said churlishly. “Hindi ko rin alam. Pero itinuro ng nanay ko sa akin na matutupad ang wish ko sa falling star kung ilalagay ko ang mga kamay ko sa bulsa...”
Kung hindi ito mabilis na tumalikod at humarap sa dagat, nakita marahil ni Lora ang ngiti sa mga labi nito. Karl couldn’t believe he was having this kind of conversation with a woman. A young and a pretty woman for that matter. Para silang mga paslit.
“There’s another one!” bulalas muli ni Lora habang nakatingala sa kalangitan. Instinctively, lumingon at tumingala rin si Karl.
Umuga ang bangka nang mabilis na tumayo si Lora at nilapitan ang binata. At mula sa likod ng estranghero ay ipinasok ni Lora nang walang sabi-sabi ang dalawang kamay sa bulsa ng shorts nito. Then she closed her eyes and uttered a wish.
Karl was stunned. Ni hindi magawang kumilos.
Nakadikit ang dibdib ni Lora sa likod nito. Ang dalawang kamay ng dalaga ay nasa loob ng tig-isang bulsa ng shorts nito. At iilang pulgada lamang ang layo mula sa pribadong bahagi ng katawan nito!
Ang pisngi ni Lora ay nakadikit sa ibabang bahagi ng kaliwang balikat ng binata. And Karl could feel the heat emanating from her body; smelt her scent. Something like rose water and powdery scent... mixed with the tang of sea air.
Why, the wench had an enchanting scent!
And her breathing was soft and warm in his ear... like a soft evening breeze.
And heavens! His body was starting to react!
He cleared his throat at nilingon si Lora sa likod nito. “What did you wish for?” he asked huskily. Hindi makapaniwalang nakikibahagi sa kalokohan ng estrangherang ito. Pero iyon lang ang paraan upang mawala sa isip nito ang reaksiyon ng katawan sa ginagawa ng dalaga.
“I must not tell.” s he was almost whispering, at nanatiling nakapikit. Pero hindi pa rin inaalis ang mga kamay sa dalawang bulsa ni Karl at hindi kumikilos mula sa pagkakadikit dito. “Or my wish wouldn’t come true.”
He swore he wouldn’t smile, kahit na naninigas na ang mukha nito. And god of the seas! Hindi lang mukha ang naninigas dito...
“All right, so you’ve made your wish,” wika nito sa pinapormal na tono. “Ang falling star mo ay nalaglag na nang tuluyan. Baka nasa tubig na.” His voice was laced with mild sarcasm. “You can take your hands off my pockets now at huwag mo akong pagsamantalahan.”
“Don’t be stupid,” she murmured, bahagyang nagmulat ng mga mata. “Nakikiamot lang ako ng init mula sa likod mo. I’m so cold. At ikaw, sa palagay ko’y yari ka sa bato. Ni hindi ka man lang nakakaramdam ng ginaw gayong bukas iyang polo mo.”
Karl sighed. She had a point. At marahil nga’y giniginaw siya dahil kanina pa humahaplos sa kanila ang malamig na hanging-dagat.
Or maybe she was lying. She could either be a tease or just simply innocent at totoong giniginaw na hindi naman kataka-taka. Alin man doon, ang suma-tutal, she was still very young. At hindi ito pumapatol sa babaeng may gatas pa sa labi.
And damn! Hindi dapat na nagre-react ang katawan nito sa kanya.
And he had to do something or he would be in trouble and embarrassed them both.
“Siya, giniginaw ka. Nandiyan naman ang aso mo...” Nilingon nito si Rufus na tahimik na nakamasid sa kanila. “He’s warmer. Alisin mo iyang mga kamay mo sa mga bulsa ko. Malapit na iyan sa danger zone... in fact, too close, lady.”
Bahagyang napasinghap si Lora sa gustong ipahiwatig ng lalaki. At sa nanlalaking mga mata’y inangat ang mukha sa balikat nito.
Why, he was right! At ni hindi man lang niya binigyang pansin ang unti-unting paninikip ng shorts nito. And how could she have noticed it unless....
Mabilis niyang hinugot ang mga kamay mula sa mga bulsa ng shorts nito na tila ba nag-aapoy iyon at lumakad pabalik kay Rufus. Glad that it was dark, kung hindi’y kitang-kita ng lalaki ang pamumula niya.
Alin ba talaga sa tatlo ang nangyari? Nagpadala siya sa nakagawiang magpasok ng kamay sa bulsa at gumawa ng wish? Could be. But why on earth in a stranger’s pockets?
Or she was too cold and his body was just so tempting? Maaari din, but how could she be so bold to have run to this stranger at umamot ng init sa katawan nito gayong—sabi nga nito’y—nandiyan naman si Rufus?
O kanina pa niya pinagpapantasyahan ang katawan ng estranghero at subconsciously, binigyang dahilan na lang niya ang unang rason na sinegundahan ng ikalawa?
Oh, dear Neptune! Ano bang kapangahasan ang ginawa niya? She’d never done it in her whole life... not even with Nelson, sa anim na buwang magkasintahan sila.
“Naniniwala ka bang talaga na magkakatotoo iyang paghiling-hiling mo na iyan sa bituin?” tanong ni Karl na gustong alisin ang discomfort na nakikita sa mukha ng dalaga mula sa malamlam na ilaw sa emergency lamp.
Maybe she really was cold. At hindi nito gustong hiyain ang dalaga. Pero malamang na ito ang mapapahiya sa sandaling maramdaman niya ang nangyayari sa katawan nito. Sa ibang pagkakataon, at marahil sa ibang babae, hindi nito pinalalampas ang ganoong pangyayari. Immediately, he would consider such act as an invitation.
Pero natitiyak nitong hindi iyon ang motibo ng estrangherong babaeng ito.
Tumingala sa kalangitan si Karl, namamangha sa kagandahan ng madilim na kalangitan na napapalamutian ng nagniningning na mga bituin. A moonlit night bathes the earth with a beauty all its own. He always loved gazing up at the starry heavens. Marvelled at its beauty. On a starry night, tulad ngayon, the beautiful stars hang like shining jewels against the darkness of space. And he wondered just what is out there in space... beyond the expanse of heavens.
Si Lora ay nanatiling walang kibo. Alam niyang hindi naghihintay ng sagot niya ang estranghero. Pareho nilang alam na kuwentong pambata lamang iyon. At ikinatuwa niyang unti-unting napalis ang kahihiyang naramdaman sa kaswal nitong tono.
She was about to say something friendly nang makarinig sila ng ingay ng papalapit na motor at ilaw na umiikot sa kadiliman ng dagat.