Chapter Twenty
M ULA sa ingay ng engine motor ng speedboat at lagaslas ng tubig ay naririnig ni Lora ang ingay ng palapit na helicopter. Mula sa pagkakayupyop sa gilid ng speedboat ay nag-angat siya ng paningin.
Yes. It was a chopper.
She gave a hopeless sigh. Magliparan man ang mga eroplanong pandigma sa ibabaw ng dagat ay hindi sila papansinin ng mga iyon. Katunayan ay napakaraming mga bangkang de-motor silang nakakasalubong. But of course, no one would take notice. Lumalayo ang speedboat kapag may nakakasalubong.
Muli siyang yumupyop sa gilid ng yate. Alas-tres pasado na at kanina pa sila nakabilad sa araw. And that made her feel weak. Nanunuyo ang lalamunan niya. Uhaw na uhaw siya.
Si Nelson ay napatingala nang makitang mahina lang ang lipad ng helicopter. And it was hovering to and fro the waters. May ilang sandali itong paikot-ikot sa paligid, tila bawat bangka’y—Biglang bumundol ang kaba sa dibdib nito. Itinodo ang bilis ng speedboat. It rocked.
Napaangat mula sa pagkakayupyop sa braso ni ya si Lora. Humawak nang mahigpit sa gilid ng yate. Luminga siya sa paligid... at sa itaas. Sa helicopter na hindi lumalayo. Nasa ibabaw iyon ng isan g bangkang de-motor na kanina’y nakita niya sa malayo. Pagkuwa’y tumaas uli ang helicopter at umikot.
Nang matanaw niyang patungo naman sa kanila ang chopper ay umahon ang matinding kaba at pag-asa sa dibdib ni Lora. Halos tumatalon na sa tubig ang speedboat sa bilis nila. Subalit ang chopper ay higit na mabilis at hindi na nalalayo sa mababang lipad nito.
Binalanse niya ang sarili at tumayo. Itinaas ang mga kamay at sumigaw. “Help! Tulungan ninyo ako!”
“Lora, papatayin kita! Papatayin ko ang tatay mo!” s i Nelson na poot siyang nilingon.
Patuloy sa mabilis na pagtakbo ang speedboat.
“THAT’S it!” hiyaw ni Karl nang makitang umangat mula sa speedboat ang isang pasaherong sakay nito. “Ibaba mo pa nang kaunti!” utos niya sa piloto. Inalis niya ang headphone at sumungaw. “Oh, god, it’s Lora!
Sa pag-ikot ng chopper ay natanaw ni Lora si Karl na nakasungaw sa gilid ng chopper. Happiness flooded through her. Narinig siya ni Karl! Hindi siya pinabayaan nito. She was weeping as she waved to him.
“Karl!”
Mula sa megaphone ay umalingawngaw ang tinig ng isang lalaking katabi ng piloto. Pinahihinto nito ang speedboat.
Nag-aapoy ang mga matang nilingon ni Nelson si Lora na patuloy sa pagkaway at pagsigaw. Sa halip na takot na masusukol siya’y higit ang pagdaloy ng panibugho sa damdamin nito sa nakitang kasiyahan sa mukha ni Lora sa pagkakatingala sa lalaking iyon. Unti-unting humina ang takbo ng speedboat. Kasabay rin niyon ay ang paghugot nito ng baril mula sa baywang.
Mula sa itaas ay tila huminto sa pagtibok ang puso ni Karl sa nakitang ginawa ni Nelson. He shouted in panic. “Oh, no! Lora, look out!”
“Lora!” hiyaw ni Nelson, sabay taas ng baril.
Napalingon si Lora. Ni hindi niya nakuhang matakot. Nilamon ng ingay ng chopper ang putok ng baril ni Nelson. Lora swayed... napahawak sa gilid ng yate at pagkatapos ay bumagsak siya sa tubig.
Karl shouted her name. Kasabay niyon ay ang pagtalon nito sa tubig mula sa chopper.
Si Nelson ay manghang tinitigan ang baril sa kamay. Pagkatapos ay binitiwan ito. Wala sa sariling sumungaw sa tubig. Fear in his eyes nang makitang pumula ang tubig sa bahaging binagsakan ni Lora.
“L-Lora... H-hindi ko gustong gawin iyon. T-tinatakot lang kita... hindi kita sasaktan...”
Ni hindi na niya napuna ang dalawang palapit na speedboat sakay ang mga coast guards.
“HINDI pa siya kumakain o natutulog man lang...” umiiyak na wika ni Jasmin kay Nathaniel. Parehong nakatuon ang mga mata sa salamin sa loob ng ICU ng Makati Medical Center.
Walang makapagpaalis kay Karl doon mula nang idating sa ospital si Lora mahigit nang beinte-tres oras ang nakaraan. Ang tanging sandaling hindi nito nakita si Lora ay nang nasa operating room ang dalaga.
Hindi sumagot si Nathaniel. Nakatiim ang mga bagang. Sa isang pribadong silid ng ospital ay naroon si Tiya Lagring na nagkaroon ng mild attack nang malaman ang nangyari kay Lora. Naroon din si Gaudencio, who was too worried and too angry to talk to the Fortalejos and the Cervanteses.
Tinapik ni Bernard sa balikat si Nathaniel. “I’ll talk to the doctors...”
“Nakausap ko na sila,” ani Nathaniel. “Stable ang heartbeat niya. But she was weak from blood loss. If she didn’t wake up within twenty-four hours....” He sighed deeply. Umiling.
Parehong nagyuko ng mga ulo ang tatlo. Hindi gustong magsalubong ang mga paningin. Alam nilang kung may masamang mangyari kay Lora, it would devastate Karl most. Sa loob ng tatlong buwan ay halos sa opisina na natutulog si Karl. Pinapatay ang sarili sa trabaho. No one could comfort him. Not Jasmine... not Margarita.
“You can both go home and rest,” ani Jasmine sa dalawa. Dumating kagabi roon ang mag-asawa kasabay ng ilang miyembro ng pamilya na pinauwi na rin nila. “Tatawagan namin kayo sa sandaling may balita.”
“Gusto mo bang dalhan ko kayo ng kape mula sa ibaba?” Jewel asked. Sabay na umiling si Nathaniel at Jasmin at nagpasalamat. Inakbayan na ni Bernard ang asawa at humakbang palabas ng pasilyo.
“PLEASE fight, Lora,” Karl whispered hoarsely. “Don’t do this to me, please...” He held her hand and took it to his lips. “Give me a chance to tell you how much I love you...” Pagkuwa’y nag-angat ng mukha. Tinitigan ang walang kulay na mukha ni Lora. “Damn it, Lora! I’ll never forgive you if you die on me! Wake up, please... wake up...” Muli siyang napasubsob sa kamay ng dalaga. His shoulders shook as he wept in agony.
Isang nurse ang lumapit at halos pabulong na nagsalita. “Oras na po ng gamot niya, sir...”
Tumuwid ang katawan ni Karl. Wala sa loob na tumayo. Nakatuon ang paningin sa pagtusok ng nurse sa heringgilya sa tubo ng dextrose subalit blangko ang mga mata niya.
Then a faint sound made him turn his head to Lora. He blinked twice. Muling banayad na umungol si Lora.
Ngumiti ang nurse. Gazed at the handsome man beside her. “She’s going to be fine, sir... Tatawagin ko ang doktor.”
YAKAP ang mga binti’y nakatitig sa dagat si Lora. Gayunma’y wala roon ang buong pag-iisip niya. Dalawang linggo na mula nang lumabas siya sa ospital. At minsan lang niyang nakita si Karl. Nang araw na magkamalay siya. She barely recognized him. Puno ng whiskers ang mukha nito. Namumula ang mga mata. And she was certain there were tears lurking behind his eyes.
Welcome back, siren. Iyon ang narinig niyang sinabi ni Karl. He smiled and held both her hands and took it to his lips. Then she remembered feeling so sleepy and went back to sleep again. Umaasa siyang paggising niyang muli’y naroroon ito.
Subalit ang itay niya ang namulatan niya ng mga mata. At sa sumunod na mga araw ay walang Karl na dumating sa kabila ng pag-asam niya. Subalit araw-araw ay nagpapadala ito ng bulaklak. Nang lumabas siya ng ospital, maaari na siyang magtayo ng flower shop.
Sinabi ni Gaudencio sa kanya na sumuko nang mahusay si Nelson. Na hindi totoong pati ito’y pinakidnap ni Nelson. Natiyak nilang tinakot lamang nito si Lora. Gustong patawarin ni Lora si Nelson subalit ang sabi ng ama’y ipaubaya niya iyon sa batas.
Sa loob ng mga sandaling magkasama sila sa speedboat ay paulit-ulit nitong sinabing iniibig siya. At naniniwala siya roon. Maliban sa pagiging spoiled dahil anak ng may sinasabing tao ay wala siyang alam na record ni Nelson sa p atubig. O inabuso kayang tao. Marahil kung humupa na ang galit ni Gaudencio’y mapapahinuhod niyang patawarin ng ama si Nelson.
Naputol ang pagmuni-muni niya nang marinig na umungot si Rufus. “Hey, ano ang gusto mo?” wika niya sa aso.
Muling umungot si Rufus at tumanaw sa tubig. Pagkuwa’y umikot ito pabalik sa pampang at tumalon sa dagat. Nagtatakang sinundan ng tanaw ni Lora ang paglangoy ng aso sa may gitna ng tubig. Bahagya lang niyang dinaanan ng tingin ang nakahintong speedboat sa di-kalayuan.
Nang tingnan niya si Rufus ay itinutulak ng nguso nito ang isang botelya patungo sa may paanan ng pantalan.
“Not again, Rufus!” A sad smile came out of her lips. Hindi gustong pansinin ang aso. “Umahon ka na rito...”
Subalit hindi umaalis sa tubig ang aso at nanatiling nasa bibig nito ang dulo ng botelya.
“Okay... okay!” Dumapa siya upang abutin ang botelya.
Si Rufus ay muling lumangoy pabalik sa pampang at pabalik sa kanya. Ipinagpag ng aso ang basang katawan at tumalsik sa kanya ang tubig.
She shrieked.
Deja vu filled her as she gazed at the bottle. The bottle was a little smaller at bahagyang maluwang ang bibig niyon kaysa sa unang natagpuan niya. At may laman din. Isang kulay-rosas na papel ang makapal na nakaikit sa loob niyon.
“Oh, no. This isn’t what you thought, Rufus. Basurang papel lang iyan.” Ipinagulong niya ang botelya sa kahoy. Pagkuwa’y nilingon at muling kinuha bago pa ito mahulog sa tubig.
“O baka naman kasamahan ito ng unang boteng nakuha natin. Hindi lang siguro isa ang itinapon sa dagat ng kung sino man mula sa yate ni Karl.” Maaaring si George... o ang kapitan... o di kaya’y ang mga crew. She shrugged.
Common sense dictated that she ignored the bottle. But curiosity won again. She uncorked the bottle.
“Ano naman kaya ang mensaheng nakalagay dito, huh?” she asked sadly. Emotions filled her. She should not be doing this. Sinasaktan lang niya ang sarili. Subalit patuloy niyang itinuwad ang botelya at hinugot ang papel na nakapaloob doon. The paper was twisted in both ends, parang sa candy.
“Rufus, may laman!” aniya. Maingat na inikit ang bawat dulo pabukas. Then sucked her breath nang makita ang ibinabalot ng rosas na papel.
“It’s a ring, Rufus!” bulalas niya at nilingon ang aso. “A white gold Tiffany and it looks real!” Sinipat niya ang singsing. Kumislap ang bato niyon sa liwanang ng papalubog na araw. “Sinong loko ang naglagay nito sa botelya?”
“Guilty as charged.”
The deep and husky voice made her turn harshly. “Karl!”
Mabilis na tumayo si Lora. Clasping the ring in her pounding chest na tila ba kapag inalis niya ang mga palad sa dibdib niya’y sasabog iyon.
Hindi niya malaman kung iiyak o tatawa. She was foolishly gaping at him.
“I’m not dreaming, aren’t I?” she whispered.
He smiled tenderly. “Come, siren. Let me put that ring on your finger...” Inilahad nito ang dalawang kamay.
Lora walked slowly, as if in a dream, right into his arms.
Sinisikap ni Karl na huwag higpitan ang yakap sa kanya. Natatakot itong baka sariwa pa ang sugat ni Lora sa dibdib. He rained kisses on her hair... on her temple... on the bridge of her nose.
“What took you so long?” she asked softly.
“I got so busy painting my ship,” sagot ni Karl, itinaas ang baba niya.
“Painting your ship?”
“Look.” Itinuro ni Karl ang laot.
Sumunod ang tingin doon ni Lora. And there, beyond the other boats, riding alone at anchor, was the great black bird. At tulad ng sabi ni Glen, she was flying across the face of the dying sun.
Lorabelle!
Lora almost forgot to breath when she saw her name on the ship’s upper body.
“Oh, Karl...”
“And I’ve been busy too for the wedding preparations...”
She raised her eyes to him and expelled her breath softly. Unable to utter a word. Nananakit ang dibdib niya sa malakas na tibok ng puso niya.
Kinuha ni Karl sa kamay niya ang singsing at isinuot sa ring finger niya sa kaliwa. Pagkuwa’y hinagkan iyon.
“I love you, siren... so very much...”
Subalit bago pa makasagot si Lora’y naramdaman na niya ang pagkagat ni Rufus sa laylayan ng pedal pusher niya.
“Rufus, ano ba?”
Tumakbo sa dulo ng pantalan si Rufus. Sinundan ng tingin ni Lora ang hinahayon nito. She gasped ungracefully nang makita kung ano ang gustong ipakita ni Rufus sa kanya.
Daan-daang botelya ang nasa tubig! Natanaw pa niya ang papalayong speedboat at kumaway sa kanila kung sino man ang sakay niyon.
Tinakbo ni Lora ang dulo ng pantalan at niyuko ang daan-daang botelyang nilalaro ng mga alon. Ang iba’y humahampas sa haligi ng pantalan. At bawat bote’y may lamang puting papel.
Dumapa siyang muli at inabot ang isang botelya. Binuksan iyon at kinuha ang lamang papel. Binasa ang nakasulat doon.
I love you, siren...
“Oh.” She picked another bottle from the water, uncorked it. It said the same thing. Muling dumapa at kumuha uli ng isa pa. Iisa ang mensaheng nababasa niya. She picked another bottle... read the message... and again. Hanggang sa mapagod siya.
She was sitting Indian style at nilingon si Karl. “Lahat ba ng mga botelyang ito’y iisa ang laman?”
“You bet,” sagot ni Karl, gazed at her with so much love in his eyes.
She wrinkled her nose at nilingang muli ang dagat at ang mga botelyang naroroon. “You’re a rich man, pirate,” she said, looking back at him. “Kung tig-iisang daang piso ba naman ang nilagay mo sa bawat bote’y baka nakuha mo pa nang husto ang atensiyon ko.”
Karl’s bark of laughter echoed around.