noveltoon logo noveltoon
One Wish (Kristine Series 18)

Chapter 11

Ch. 12 / 22 Apr 09, 2022

Chapter Eleven

S UBALIT hindi roon natapos ang pagnanais ni Lydia na guluhin ang buhay ng mga Cervantes. Naging eskandalo ang sirkumstansiya ng pagkatao ni Anton Karl. Naging laman iyon ng maraming magazine at society page ng mga pahayagan. Bagaman hindi nagbago ang pagtingin ng maraming kababaihan. Women of all ages, adored the young and dashing Anton Karl Cervantes.

And true to his word, Karl showed the world that he didn’t care a whit about scandal. Sa harap ng nakararami, tila hindi siya naapektuhan. Subalit tanging ang pamilya nito ang nakakaalam kung paano ininda ni Karl ang totoong pagkatao. His family had been his pillar of salt. Deep inside, he was hurting and bitter. His consolation, nasa likod niya ang buong pamilya Cervantes at Fortalejo.

Hanggang sa unti-unting mamatay ang balita. At wala na rin siyang balita kay Lydia. Kung tinotoo man ng ama ang banta nito kay Lydia ay hindi na siya interesadong malaman pa.

And just when his life slowly went back to normal, he met Millie del Prado...

She was four years older at isang dating commercial model whose contract was prematurely terminated more than a year ago dahil nagdalang-tao ito nang walang asawa. At bago pa iyon, naging modelo rin ng isa sa mga canned products ng mga Cervantes si Millie. Isa ito sa mga modelo ng advertising agency na may hawak ng produkto ng mga Cervantes.

Sa una’y inakala ni Nathaniel na ang relasyon ni Karl kay Millie ay isa lamang sa marami. Hanggang sa malaman nitong walang araw na hindi magkasama ang dalawa. At laman na ng ilang peryodiko ang larawan ni Karl at Millie kasama ang anak ng huli, looking like a happy family.

Mahigpit na tinutulan ni Nathaniel ang relasyon niya kay Millie. Subalit habang tumututol ang ama ay may pakiramdam si Karl na lalo lang napapalapit sa kanya ang babae. It was a classic example of “you and me against the world.”

And to top it all, Karl wanted to marry Millie.

“You are out of your mind, Karl!” Nathaniel roared angrily. “Tama na ang maraming iskandalo sa pamilyang ito! Huwag mo nang dagdagan pa!”

“Limot na ng mga tao ang nangyari kay Millie, Papa,” pangangatwiran niya.

“At paano ang anak niya sa ibang lalaki?”

“Ako ang kikilalanin niyang ama,” determinadong sagot niya. “I’ll adopt him legally at ibibigay ko ang pangalan ko sa kanya.”

“Over my dead body!” Isang linya na lang ang mga mata ni Nathaniel sa galit. “My god, you’re playing hero!”

“I love him, Papa!” He was equally angry.

“What do you know about love?” Nathaniel sneered. “Ilang babae ang pinaghayagan mo ng pag-ibig? Alin doon ang totoo? Por dios, she’s even older than you are. And with a love child and the devil knows kung sino ang ama ng bata!”

“Ikaw, Papa, hindi ba’t pakakasalan mo pa rin ang m ama sa kabila ng pinaniwala ka niyang anak niya si Iris? Because you loved her and I felt the same too with Millie!”

“Huwag mong ipagkamaling pag-ibig ang empathy, damn you! Dahil pareho kayong naging object ng media at ng mapanuring mata ng mga tao ay inisip mo nang iniibig mo ang babaeng iyon! At huwag mong itulad ang mama mo sa kanya!” Nathaniel gritted his teeth. “Bago ang huli niyang kinasama, na halos ama na lang niya ay dalawang senador pa ang nauna. Iyan ba ang gusto mong ipanhik sa pamilyang ito?”

“Nakaraan na iyon! Ang importante’y ang ngayon... ang bukas. Mahirap bang maintindihan iyon?”

“Karl, ang Millie del Prado na iyan ay isang gold digger, and a woman without any moral fiber!”

“Enough, Papa! Hindi ko gustong marinig ang anumang sasabihin ninyo tungkol kay Millie!”

“Baka nakakalimutan mo ang tradisyon ng pamilyang ito, Karl,” patuloy ni Nathaniel, sumisingasing sa galit. “Kahit mahirap basta malinis... marangal—”

“Tradisyon? Kung magsalita kayo’y tila ba ang pamilyang ito’y hindi nabahiran ng kahit na anong eskandalo. Well, I’m sorry, Papa, this time, wala akong pakialam sa tradisyon ng pamilya! With or without your consent, I’ll marry Millie...” Pagkasabi niyo’y tumalikod si Karl.

“Anton Karl, I will disinherit you!”

He stopped halfway to the door, turned his head and looked his father in the eyes and smiled bitterly. “Don’t reduce yourself to cliches, Nathaniel Fortalejo-Cervantes.”

SUBALIT tama si Nathaniel na tutulan ang relasyon nila ni Millie. Two weeks before their scheduled private wedding, inasikaso niya ang mga pasaporte nila ni Millie para sa paglabas ng bansa upang doon ganapin ang honeymoon tulad ng gustong mangyari ng huli. Nang mapadaan siya sa bangko’y ipinasya ni Karl na maglabas na ng pera mula sa pribadong savings niya para sa gagastusin sa kasal.

“Congratulations, Karl,” nakangiting bati ng manager ng bangko na tumayo at iniabot ang kamay sa kanya. “Balita ko’y malapit ka nang ikasal.”

Nagsalubong ang mga kilay ni Karl. Hindi niya ipinapaalam kahit na kanino ang bagay na iyon. He wanted it to be a private affair between him and Millie and her close friends. Sa bahagi niya’y si Iris lang ang inimbita niya. And if his mother would come, then he’d welcome her. Pero natitiyak niyang hindi papayagan ni Nathaniel si Jasmine na daluhan ang kasal niya.

Atubiling inabot niya ang kamay ng manager. “Saan mo nalaman?”

“From your fiancée, Millie del Prado,” may pagmamalaking sabi ng manager. Nakadama ng pribilehiyo na isa ito sa mga nakaalam tungkol sa lihim niyang paglagay sa tahimik. “She was here two hours ago. She encashed some of the money your father gave her as a wedding present. The rest will be transferred to her account in another bank...”

“Wedding present?” Hindi siya makapaniwalang magreregalo si Nathaniel. He was opposed to this marriage. If Nathaniel could have murdered Millie para lang hindi matuloy ang pagpapakasal niya’y ginawa na ng ama.

Isa pa’y ipapaalam sa kanya ng ama iyon kung nagbago na ito ng damdamin sa pagpapakasal niya. May kabang bumangon sa dibdib ni Karl.

“How much?” tanong niya sa manager.

“Three million...” Nagsalubong nang bahagya ang mga kilay ng manager. “Oh, well... Hindi sinabi ng papa mo na sekreto ang bagay na ito. Tinawagan ko siya nang dalhin ni Miss del Prado ang tseke rito para sa kumpirmasyon... bank rules, you know.”

May mga hinalang naglalaro sa kaisipan ni Karl bagaman hindi niya gustong bigyang-daan ang mga iyon. He took a deep breath to calm himself. Pilit na nginitian ang manager.

“It’s okay, Felix. Walang sekreto roon. How much did she encash?”

“Two hundred thousand.”

“And the rest?”

“In transit,” sagot ng manager na bahagyang kumunot ang noo. “Pero wala namang problema, Karl, in a few minutes ay nasa bangko na ni Miss del—”

“Hold the transfer, Felix. I’ll check with my father at tatawagan kita ngayong hapon for further instructions...” he said authoritatively.

“O-of course... ah, Ann...” Tinawag nito ang teller na agad namang lumapit.

Ang akmang pagngiti ng teller kay Karl ay na-freeze sa mga labi nito nang tumalikod ang binata at nagmamadaling lumabas ng bangko.

His Jaguar beat every yellow and red lights. Nagmadali niyang tinalunton ang daan patungo sa condo ni Millie. Ipinaparada niya ang sasakyan sa basement nang makita ang four-wheel drive ng ama. Natitiyak niyang bisita ni Millie si Nathaniel!

Mabilis niyang tinungo ang elevator, diniinan ang buton patungo sa tenth floor kung saan naroon ang unit ni Millie. Pagbukas ng elevator sa ikasampung palapag ay natanaw niya sa pasilyo ang yaya at itinutulak sa stroller ang anak ni Millie.

“Nasaan si Millie?”

“N-nasa loob po. M-may kausap. Pinalabas kami...”

Tuloy-tuloy siya sa unit na hindi naman naka-lock, inaasahan niyang makikita sa sala ang ama at si Millie. Subalit wala ang dalawa roon. Narinig niya ang tinig ng dalawa sa malapit sa terasa.

“Umalis ka na, Mr. Cervantes.” s i Millie. “Anumang oras ay maaaring dumating si Karl. Hindi ko gustong abutan ka niya rito.”

“Naririto ako upang tiyaking tutupad ka sa usapan.” s i Nathaniel, naniningkit ang mga mata sa tinitimping galit. “It would be my pleasure to escort you out of this place and to the airport.”

Isang ngiti ang pinakawalan ni Millie. “I’ve changed my mind, Mr. Cervantes—”

“Changed your mind!” sigaw ni Nathaniel.

Millie smiled. “A woman’s prerogative. Hindi ko gustong iwan si Karl. Afterall, I realized that I love him...”

“F—k you!”

Millie pretended to be scandalized. “Hindi bagay para sa isang tulad mo ang ganoong salita, Mr. Cervantes.”

“Nangako kang aalis kapalit ng tatlong milyon!”

“I’m sorry, pero hindi ako nagbabasa ng romance pocketbooks, Mr. Cervantes. Generally, iyon ang ginagawa ng character na babae. But not this woman.”

“You took the money, damn you!”

“Kaunting pera lang iyon. Hindi makababawas sa kayamanan mo.” Humakbang ito palapit kay Nathaniel. Her eyes moved up and down his body seductively. “You’re gorgeous... sa kabila ng edad... I wanted you when I first saw you sa launching ng produkto ng kompanya mong ilalabas ko sa TV.

“Ilang beses kong tinangkang ilapit ang sarili ko sa iyo subalit mailap ka. Hindi ako naniniwalang may lalaking tapat sa asawa. Lalo at alam ng lahat na anak mo sa ibang babae si Karl. But you rejected me, Mr. Cervantes...” Unti-unting gumuhit ang galit sa mga mata nito. “And I hated you for that! I’m prettier and younger than your wife, hindi ako makapaniwalang tatanggihan mo ako gayong halos lahat ng mga naroroon ay gusto akong maangkin!”

“At gusto mong gumanti sa akin sa pamamagitan ni Karl, ganoon ba?” Isang linya na lang ang mga mata ni Nathaniel sa galit.

Muling ngumiti si Millie. Moved even closer. Halos isang dangkal na lamang ang layo ng katawan nila sa isa’t isa.

“Nakuha ko ang atensiyon mo, hindi ba?” Isang mapanuksong tawa ang ginawa nito. Tumaas ang kamay patungo sa ibabaw ng tainga ni Nathaniel kung saan may ilang hibla na ng puting buhok. “Oh, but I couldn’t find fault with Karl. He’s good... very good. But oftentimes I wondered about you... how you fare in bed.”

Marahas na tinabig ni Nathaniel ang kamay ng babae na muntik na nitong ikawala ng panimbang kung hindi nakahawak sa barandilya ng terasa.

“Viper! Hindi ko maintindihan kung ano ang nakita sa iyo ng anak ko. You’re nothing but a cheap whore!”

Nanlisik ang mga mata ni Millie. “This whore will soon be your daughter-in-law, Mr. Cervantes! And that, along with your millions!”

Hindi makuhang magsalita ni Nathaniel sa matinding poot.

Isang nang-uuyam na tawa ang pinakawalan ni Millie sa nakikitang pamumula ni Nathaniel. “Your son loves me so much he’d jump from this floor if I say so, Papa ...” she taunted, at tumawa lalo na nang makita ang pag-iigting ng mga bagang ni Nathaniel.

Marahas na tumalikod si Nathaniel upang umalis nang mahinto sa paghakbang. Nasa entrada ng terasa si Karl. Si Millie na sinundan ito ng tingin ay nagulat nang makita ang binata roon. Agad na nawalan ng kulay ang mukha nito.

Sandali lang ang pagkapatda ni Nathaniel. t iim-bagang na nilampasan nito ang anak at tuloy-tuloy na lumabas ng unit.

“Karl... your father tried to—” Ang anumang sasabihin nito’y napigil sa lalamunan sa galit na nasa mga mata ni Karl.

“I’m glad I went to the bank bago makipagkita sa judge na magkakasal sa atin, Millie,” wika nito s a kalmanteng tinig, though his eyes betrayed his calm. “Anyway, iyong dalawang daang libong na-encash mo, you can consider it as payment for a few nice tumble in bed. Why, you’re expensive gayong sabi nga ng p apa you’re a cheap whore. And he was right...”

Naningkit ang mga mata ni Millie sa insulto. “Tatlong milyon, Karl, hindi dalawang daang libo! And you can get out of my house now!”

He smiled sarcastically. “My pleasure.” Tumalikod ito. At nang nasa pinto na’y huminto at nilingon si Millie. “The transit wasn’t completed, my dear. I got to the bank in time.”

Millie gaped at him. Dumampot ng anumang bagay upang ibato sa kanya subalit nakalabas na si Karl.

Sa ibaba’y dinatnan niyang naghihintay sa labas ng sasakyan nito si Nathaniel. Naisip niyang maglakad palabas ng basement upang iwasan ang ama. He decided against it. Humakbang siya patungo sa sasakyan niya.

Karl’s face was grim as he looked at his father. He filled his lungs with air. “Tama ka na naman. And this time, I really made an ass of myself.”

“We all make mistakes. I, too, had my shares. We learned from it,” wika ni Nathaniel sa mahinahong tinig kasabay ng paghinga nang malalim. Nasasaktan sa nakikitang sakit na gumuhit sa mga mata ng anak.

“I know you don’t really love her, Karl,” patuloy nito. “You’re young. At pagkatapos mong matuklasan ang tungkol sa pagkatao mo at ng ginawang iskandalo ni Lydia, you were vulnerable. Iyon ang sinamantala ni Millie.”

Hindi sumagot si Karl, muling humugot ng malalim na paghinga. Nanatiling nakatiim ang mukha.

Nathaniel patted his son’s shoulder. “Umuwi ka nang maaga. Kausap ko lang ang mama mo. Nagluto siya ng kilawing tanigue at sisig. Paborito mong lahat.”

Nanatiling walang imik si Karl. Tila puno ng sapal ang lalamunan niya. Sinundan ng tingin ang pagpasok ng ama sa sasakyan at ang pagmaniobra nito.

Ibinaba ni Nathaniel ang tinted glass ng bintana ng sasakyan nang mapatapat sa kanya.

“Soon, the right woman will come along, son,” Nathaniel spoke softly. “And she would be very special, someone worth loving.” Then he smiled. “On a starry night, make one wish... just one wish from your lucky star for the right girl to come along.”

Karl gave a faint smile habang automatic na bumababa ang salamin ng sasakyan. He knew his father didn’t believe in those stuff. Gusto lang nitong pagaanin ang sitwasyon.