noveltoon logo noveltoon
One Wish (Kristine Series 18)

Chapter 6

Ch. 7 / 22 Apr 09, 2022

Chapter Six

K ARL was amused watching her eat with gusto. Walang hindi tinikman sa inihain ng kusinero. Though he couldn’t find fault with her table manners. Ngayon lang ito nakatagpo ng babaeng hindi nagpapa-impress sa kanya. Ni hindi to conscious kung puno man ng mantika ang bibig. She was so natural and unaffected. She was as refreshing as the sea air.

“You will please the cook...” komento nito.

Nahinto sa pagsubo si Lora. “Late na akong nananghalian, `tapos hiningi pa ni Rufus ang pagkain—nasaan ang aso ko?” Akmang tatayo ang dalaga nang maalala ang aso.

Subalit pinigilan ni Karl ang braso niya at marahan siyang hinila paupong muli. “Huwag mong alalahanin ang aso mo. Dinala na ni George sa kusina at pinakakain na iyon.”

“Okay.” Nagkibit siya ng mga balikat at ipinagpatuloy ang pagkain.

“How old are you, Belle?”

Muling nabitin sa ere ang pagkain ng dalaga. All of a sudden, bakit biglang masarap pakinggan ang “Belle” sa pandinig niya. And to think she didn’t even like the last five letters of her name.

“Twenty-two... At alam mo ang pangalan ko. Pero hindi mo sinasabi sa akin ang pangalan mo.”

“Karl,” sagot nito matapos ang ilang segundong pag-aatubili.

“Hmm... Karl what?”

“Does it matter?” he said smoothly. “Hindi ko itinanong ang huling pangalan mo...”

“I like that.” She wrinkled her nose. “As if there’s an air of mystery between us. Hindi natin kilala ang isa’t isa maliban sa unang mga pangalan...”

An air of mystery. Gustong ma-amuse ni Karl doon. In a way, she was right again. Dahil ni hindi nito ipinakilala ang totoong pagkatao.

“And I’m pleased to meet you, Karl,” Lora said cheekily at ipinahid sa pedal pusher ang mamantikang kamay at iniabot kay Karl.

Karl laughed softly at tinanggap ang kamay niya and shook it firmly.

“See?” ani Lora nang bitiwan ni Karl ang kamay niya. “Hindi naman mahirap gawin ang tumawa, `di ba? Mas maaliwalas tingnan ang mukha mo kapag nakatawa ka.” Not to mention you’re melting all the bones in my body, she thought.

Nangingiting umiiling si Karl. And to think all he intended to do was feed her, then send her off to sea... kung saan man patungo si Lora. Kanina pa nito inaasahang maiinip, subalit mula kaninang yakapin ito ni Lora mula sa likod at ipasok ang mga kamay sa bulsa ng shorts nito’y napukaw na ng dalaga ang interes nito. Not to mention... desire. Desire that was so strong he could hardly believe himself. Ipinagpasalamat nitong makapal ang tuwalyang nakatapis sa ibaba ng baywang nito kanina.

“You’re not eating,” ani Lora sa kaharap nang mapunang hindi nito nagagalaw ang pagkain at nakatingin lang sa kanya. Ang ipinagtataka niya’y hindi siya naiilang sa lalaki. Na para bang kay tagal na nilang magkakilala at magkaibigan. She wasn’t even wary of this stranger.

Tila hindi narinig ni Karl ang sinabi niya. Sa halip ay, “Are you poor?”

Hindi nito matiyak kung bakit nito naitanong iyon. Ang pedal pusher ng dalaga’y medyo kupas na ang kulay. Ang T-shirt niya sa maliwanag na ilaw ay hindi rin bago. She wasn’t wearing any fancy trinkets. Though he was sure of one thing, edukada ang babaeng kaharap, with a cultured and sultry voice.

Ibinaba ni Lora ang hawak na hiwa ng fried chicken sa pinggan. “Depends on who’s asking...”

Kumunot ang noo ni Karl. “Ano’ng ibig mong sabihin?”

“Kung ang may-ari ng yateng ito ang magtatanong...” Nilinga niyang muli ang buong paligid bago ibinalik ang tingin sa kaharap. “Sa standard n’ya, yes, I’m poor.”

“Eh, kung ako mismo ang nagtatanong?”

She pouted. Sinipat ang kaharap. “Siguro’y nakalamang ka lang nang tatlong paligo.” She grinned. “Ang isa roon ay ang pagkakaroon mo ng kaibigang mayaman. Ano’ng trabaho mo?” Muling dinampot ang hita ng pritong manok at kumagat.

“Empleyado ng kaibigan ko. His man Friday...”

“Is your friend really very rich?” Nakayuko si Lora sa pinggan niya kaya hindi niya napuna ang iglap na pagkapalis ng ngiti sa mga labi ni Karl at nahalinhan ng pagdilim ng mga mata.

“Does it matter if one is rich and one is not?”

“A lot. Tingnan mo ikaw. Empleyado ka lang pero nakakapag-jet at water skiing ka. Kung wala kang kaibigan at boss na mayaman, you couldn’t be possibly enjoying the luxury of sailing his ship.”

Nag-angat ng paningin si Lora sa huling sinabi niya. Kumunot ang noo nang makita ang tila pagdaan ng galit sa mga mata ni Karl. O baka imahinasyon lang niya. Anyway, mula kanina’y napuna na niyang hindi ang uri ng lalaking ito ang madaling ngumiti.

“Bakit hindi ka maghanap ng ibang trabaho kaysa sa bangkero?” walang ano-ano’y tanong ni Karl. “Sa tingin ko’y nag-aral ka naman. Mahusay kang magsalita. Bakit mo pinili ang taga-transport ng mga local tourist sa bangka mo?” What the hell did he care? Hindi pa ba sapat ang isinagot nito upang tapusin na niya ang pakikipag-usap dito?

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Lora sa tanong na iyon. Then she burst out laughing.

“Ano ang nakakatawa?”

Her eyes were dancing merrily habang tinititigan niya ang binata na nakabalatay ang iritasyon sa mukha. Iniisip ng kaharap na bangkero siya ng mga turista. Sasabihin na lang niyang kanila ang basnig at hindi ipinanghahanapbuhay tulad ng nasa isip nito nang biglang maalala ang dahilan kung bakit nasa dagat siya. Nanlaki ang mga matang napatayo si Lora.

“Nakup—aalis na ako! Salamat sa pagkain at gasolina!”

“Hey!” ani Karl na nagulat sa bigla niyang pagtakbo palabas. Tila si Cinderella na inabutan ng pagpitada ng alas-dose. Lamang, hindi naiwan ni Lora ang tsinelas niya na habang pumapanhik sa deck ay pinipituhan ang aso.

SA DECK ay nakasalubong ni Lora si Rufus.

“Tara na, Rufus, nag-aalala na nang labis ang tatay!”

Mabilis na sumampa sa gilid ng yate si Lora, at gamit ang hagdanang lubid na nakabitin sa gilid ng yate ay bumaba siya sa basnig. Si Rufus ay sumampa sa deck at tumalon sa tubig at lumangoy patungo sa basnig.

Mula roon ay inabot ni Lora ang alaga.

“Nalibang ako, Rufus,” kausap niya sa aso, sabay lakad patungo sa motor. “Tiyak na nakauwi na iyon sakay ng ferry. At nag-aalala na iyon.”

Mula sa barandilya ng lower deck ay nagsalita si Karl. “Sa susunod, tiyakin mong may gasolina ang bangka mo bago ka maglayag.”

Lumingon si Lora at tumingala. “Kung may gasolina ako’y di hindi mo natumbok ang bangka ko. Kung nagkataon, mag-isa ka lang sa gitna ng laot...” she said lightly.

She was right again. “Salamat. At maghanap ka ng ibang trabaho...”

“Gusto mong palitan ko ang kapitan ng boss mo?” she joked.

“I’m offering you more than just a job. An adventure of a lifetime!” Kung paano iyon lumabas sa bibig ni Karl ay hindi rin nito alam. At bagaman nabigla sa sinabi, hindi na nito iyon mababawi. Bukod sa hindi naman nito gustong bawiin.

Nanatiling nakatingala si Lora, naghihintay ng kasunod na sasabihin nito.

“Come sail with me, Lorabelle.” It was an impulse he knew he would regret later on. But he would surely regret now if he didn’t see her again. Kanina, nang biglang tumayo at nagtatakbo paakyat sa deck si Lora upang umalis ay tila may biglang nagkulang sa paligid.

All rational reasons were secondary, he wanted to see her again! And he didn’t even know why. Just that this intriguing, if young siren, liked rich men... something he hated most.

Lora couldn’t speak for a moment. Nakatayo lang doon at nakatingala sa estrangherong basta na lang lumitaw sa laot, silhoutted against the light from inside the yacht. He could be a devil or an angel.

“Come and wander through the world with me, Lorabelle.” His voice went low and husky.

And Lora was tempted. Just like the devil when he tempted Eve in the garden of Eden.

“I don’t think I—”

“You’re not married, are you?”

“Me? Married?!” Naaaliw na umiling si Lora. “Ikaw?”

“That’s one thing I avoided like a plague.”

Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan niyang makadama ng relief sa sagot nito. At the same time, she was wary. Sa tono nito ay tila ba ang pag-aasawa’y isang nakakahawang sakit na dapat iwasan.

Makalipas ang ilang sandaling pagdidili-dili’y tumingala siyang muli kay Karl. “How long?” Her voice was tentative and just above whisper, subalit nangibabaw iyon sa haplos ng mga alon sa bangka niya.

“A week. And I’ll take you to the ends of the earth.”

Her eyes widened. A week! At buong akala niya’y maghapon lamang. Bigla’y nakadama siya ng panghihinayang. Niyuko niya si Rufus, hinaplos ang ulo nito. She wanted to say “yes!” Subalit alam niyang hindi siya papayagan ng itay niya malibang umalis siya nang walang paalam. At iyon ang hindi niya magagawa.

Nang bigla’y naglaro sa isip ang huling sinabi ni Karl. I’ll take you to the ends of the earth...

Saan ba niya narinig iyon?

“Take a chaperone with you,” ani Karl sa nakikitang pag-aalanganin sa mukha niya.

Napatingala si Lora. Inaaninag sa bahagyang liwanag ang mukha ni Karl.

“I don’t mean the dog...” he teased. “Any one or two of your friends...”

“Oh.”

An adventure of a lifetime!

Suddenly wanderlust consumed her.

Suddenly she wanted to be free.

Malaya, tulad ng mga ibon sa dagat. For once in her life, she wanted to be daring... to do the things she didn’t dare do. Lora could hear seductive whispers, telling her to abandon all caution and ride with him on the winds of forever.

And just as Eve was tempted, Lora raised her face to the gorgeous devil above her. “No hanky-panky?” she said, excitement ran through her veins.

“No hanky-panky.”

She could be wise or foolish and he could be the devil or an angel... slowly, she smiled.

Karl inhaled softly. Moonlight became her.

“I’ll be here tomorrow...” Pinaandar na niya ang motor. Kinawayan niya si Karl habang lumalayo ang bangka niya. Sa kabila ng ingay ng motor ay narinig pa niya ang sigaw nito.

“I’ll wait until midnight tomorrow, siren!”

THE SKY was clear, at unti-unti nang lumulubog ang araw, and the surface of the sea was a liquid silver shimmering with light.

Hindi kailanman pagsasawaang pagmasdan ni Karl ang paglubog ng araw. And the setting of the sun was so perfect today. Tila nag-aapoy ang dulo ng mundo at kumakalat iyon sa buong karagatan.

Tunog ng motor ng bangka ang nagpaalis sa paningin ni Karl sa papalubog na raw. He turned his head slowly. And there she was, the exotic siren from the horizon.

She waved to him. He waved back. He thought she would never come at ang pagpayag ni Lora kagabi’y isa lamang walang kabuluhang salita. He couldn’t contain the little excitement that ran through him. Sa buong maghapo’y nakatuon kay Lora ang buong pag-iisip niya. Hindi niya gustong isipin ang estrangherang ipinasok ang mga kamay sa mga bulsa ng shorts niya and made a silly wish.

But the more he tried not to think of Lora, the more he thought of her. He couldn’t remember the last time he was affected by a woman so strongly.

Umikot si Karl sa bahagi ng yate kung saan dadaong ang bangka ni Lora.

“Hi.” Tumingala si Lora sa kanya and gave a smile that shamed the sun.

Karl smiled back. Inabot nito si Tiya Lagring na pinaunang pinapanhik ni Lora. Nalalanghap ni Karl mula sa matanda ang camphor.

“Mamamatay na yata ako, Lora!” reklamo ni Tiya Lagring na hilong-hilo. “Ano ba ang gagawin natin dine sa barkong ire?”

“Kumusta ho kayo?” ani Karl at inabot ang kamay kay Tiya Lagring nang maisampa na nito ang matanda. “Ako ho si Karl...”

“Ikaw na diablo ka ang may pakana nito!” wika ng matanda na panay ang singhot ng w hite f lower at ni hindi pinansin ang nakalahad na kamay ng binata.

Kunot ang noong nilingon ni Karl si Lora na nanatiling nasa basnig. Ang buong pansin ay nakatuon sa sasakyang-dagat.

Karl frowned at the wonderment on her face as she gazed at the ship.

“Sea sick?” tanong nito kay Lora sa bahagyang malakas na tinig upang makuha ang atensiyon niya.

Saka pa lang inalis ni Lora ang paningin sa yate. Tumango. “Nag-aalala nga ako sa Tiya Lagring pero siya lang ang papayagan ng itay kong maisasama ko,” wika niya at nagsimulang pumanhik sa hagdanang lubid.

Inabot siya ni Karl at inalalayan sa pagsampa. Pagkatapos ay inakay nito si Tiya Lagring na maupo sa lounging chair.

“Dito ho muna kayo, magpapakuha ako kay George ng gamot sa hilo. Mas mabisa kaysa diyan sa hawak ninyo...”

“Hindi!” mariing tanggi ng matanda. “Eh, kung pampatulog ang ipainom mo sa akin, di napahamak ang apo ko!”

Lora bit her lip. Umaasang makakita ng iritasyon sa mukha ni Karl. But she was surprised to see him tried to hide a smile. “So you brought a one-man army, eh,” bulong nito sa kanya. At mabilis na idinugtong, “You’re late, siren...”

“Wala pang hatinggabi.”

“Ano iyang pinagbubulungan ninyo, Lorabelle?!”

Umikot ang mga mata ni Lora. “Tiyang, nag-uusap lang ho kami...”

“Puwes, kung mag-uusap kayo’y iyong naririnig ko!” muling singhal ni Tiya Lagring.

Humihingi ng paumanhin ang mga mata ni Lora nang tumingin kay Karl, but a glint of amusement flickered his eyes.

“Narito na pala ang mga bisita mo, Karl,” ani George na sumungaw mula sa loob ng yate. Isang ngiti ang ibinigay nito kay Lora na ginantihan naman ng ngiti ng dalaga.

“George, ang Tiya Lagring ko... Tiya, si George, ang katiwala ng yate...”

Isang galit na tikhim lamang ang isinagot ni Tiya Lagring. Sige pa rin ng singhot sa White Flower.

Si George ay matamis na ngumiti at inabot ang kamay ng matandang babae sa pagkabigla nito. At bago pa nabawi ni Tiya Lagring ang kamay ay nahagkan na ni George ang dulo ng mga daliri nito.

“Ngayo’y alam ko na kung saan kumuha ng angking ganda ang inyong pamangkin...”

Muling tumikhim si Tiya Lagring, sa pagkakataong iyon ay isang alanganing ngiti ang bahagyang sumilay sa mga labi. Unti-unting hinila ang kamay mula sa pagkakahawak ni George.

“Damuhong ire at kay husay bilugin ang ulo ko...”

Karl and Lora exchanged amused glances.

“We’d like to dine at eight, George,” ani Karl sa man Friday nito. “At sabihin mo kay Juancho na asikasuhin ang bangka. At pakisamahan mo na rin si Tiya Lagring sa cabin nila...”

“Ay hindi!” matigas na sabi ni Tiya Lagring na sinabayan ng tayo kahit mahilo-hilo pa. “Kung inaakala mong maiiwan kong mag-isa sa iyo ang pamangkin ko’y nagkakamali ka! Kasunod ninyo ako kahit saan kayo umikot sa barkong ito!”

“Tiyang...” s i Lora sa tonong nakikiusap.

Tinitigan nang matalim ni Tiya Lagring ang pamangkin at saka pagalit na nagbuntong-hininga. Nilingon si George. “Sige at ihatid mo ako sa kung saan ako magpapahinga...” Tumayo ito at saka muling hinarap si Lora. “Sumunod ka kaagad, Lora.”

“Oho.”

“Kamag-anak ba ni Gabriella Silang ang tiya mo?” nakangising tanong ni Karl. Hindi makapaniwalang sa kauna-unahang pagkakataon ay may makakasama itong babae sa yate nito... na may chaperone.

Isang ngiti ang isinagot ni Lora. Nagpalakad-lakad sa deck at tumingala sa kabuuan ng yate. Admiration all over her face.

“Your friend’s ship is a beauty, Karl! It must be wonderful to sail this ship over the curve of the world! Kung puti ang interior ng yate’y kabaliktaran naman ng kulay ng labas. Itim na itim! Raven black!”

Karl stared at her. Nagniningning ang mga mata ni Lora habang nakatitig sa kabuuan ng barko. Tumiim ang mga bagang nito sa pagpipigil na huwag bumakas sa mukha ang galit na nararamdaman. Walang ipinagkaiba si Lora sa mga babaeng kilala nito. Walang mahalaga kundi ang karangyaang naidudulot ng salapi.

“Hey, hindi mo na ako sinagot,” ani Lora pero nanatiling nakatitig sa buong yate.

Karl didn’t trust himself to speak. Lora liked rich men. Kagabi pa niya ipinahihiwatig iyon. Kaya ano ang dapat nitong ikagalit kung ganoon na lang ang paghanga ni Lora sa yate niya? Why was his disappointment and anger so intense that it was almost pain?

Kung ang mga kakilala nitong babaeng mayayaman ay naghahangad ng higit pa, di lalo na ang isang katulad ni Lora?

Why should I be angry when I barely know her? Why the hell do I care if she’s another gold-digging female?

“She is the most beautiful ship I haver ever seen, Karl,” patuloy ni Lora. “Kaninang padating kami’y hindi ko maiwasan ang mamangha. She was poised breathtakingly on the edge of the world. More work of art than simple transportation of a rich man. I wish someday I can afford to put her on film... I’d sure do my very best to capture her beauty and she would be my masterpiece!”

Kumunot ang noo ni Karl sa huling sinabi ni Lora. His thoughts suddenly changed course. “Ano ang ibig mong sabihin?”

Napatingala si Lora sa katabi. Then smiled shyly. “I got carried away. Sorry...”

“Ipaliwanag mo ang huli mong sinabi,” he commanded.

Kaswal na nagkibit ng mga balikat si Lora. “I am an enthusiast. I love to take pictures, kahit na ano. I dream of having an exhibit of my own one day. Kaya lang...” Muli siyang nagkibit ng mga balikat.

“Kaya lang ay ano?”

“I still have a lot to learn pagdating sa pagkuha ng mga larawan. Sabi ni... ng kaibigan ko’y napakaordinaryo naman daw ng mga larawang kinukuha ko... nag-aaksaya lang daw ako ng oras...” Hindi niya napansin ang bahagyang pagdaramdam sa sariling tinig.

At lumalim ang kunot sa noo ni Karl. Bagaman wala pa itong nakikita sa mga gawa ni Lora ay gusto nitong kasuklaman ang taong nagsabing ordinaryo ang mga larawang kuha niya.

“Hindi ko naman masisisi si Nelson na sabihing ordinaryo lang ang mga picture ko. I am using an ordinary camera,” patuloy niya, wala sa loob.

Nelson. Sudden surge of jealousy flooded through him. Why, he didn’t know.

“Iyon ba ang dahilan kung bakit ganoon na lang ang paghanga mo sa yate mula kanina? Because you want to capture her on film?”

She dimpled at him. “Of course.”

Humakbang siya patungo sa pintong pinasukan ni George at Tiya Lagring upang sundan ang tiyahin. Nakakailang hakbang na siya nang lumingon at pabirong sinabi, “Don’t feel insulted na natuon ang paghanga ko sa walang buhay na bagay kaysa sa iyo.”

Karl couldn’t find a word to say back to her as he watched her go. The sudden flood of relief was overwhelming. Mali ang hinala niya. At kasabay niyon ay ang pagmamalaki. He loved his ship. Kung wala rin lang pasok at mahalagang trabaho sa opisina’y naglalayag siya.

No other woman had given such artistic comment on his ship but Lora. And elation ran through him knowing that there was this woman... a total stranger for that matter, who shared his joy and pride.