Chapter Thirteen
“T HIS is yours, Lora.”
Lora expelled a long breath nang makita ang sorpresa ni Karl sa kanya. A very expensive Nikon camera with equipment that was worth thousands and thousands of pesos.
Lora was speechless. Humakbang siya patungo sa dining table kung saan nakapatong ang equipment. Buong paghangang sinuri ang camera. Touching the equipment reverently. Muling napasinghap nang hawakan ang autofocus zoom lens. Iyon lang mismo ay napakamahal na.
“Do you like it?” tanong ni Karl. Hindi nito kayang ipaliwanag ang kasiyahang nadarama nang makita ang katuwaan at kislap sa mga mata ni Lora. And the gift wasn’t even a diamond ring or an expensive emerald pendant or a diamond-studded bracelet, things women loved.
Napatingala si Lora kay Karl, hindi pa rin makuhang magsalita. Muling ibinaba ang mga mata sa set ng camera. Humugot ng marahang paghinga. It was a dream come true. Hindi sila naghihikahos pero hindi nila kayang bumili ng ganoong uri ng camera malibang magsasanla o magbebenta ng lupa ang itay niya.
And Karl was giving it to her... for free!
She gazed back at him. “I–I can’t accept it.”
“What!” s i Karl. Kumunot ang noo.
“Thank you,” she said softly, sincerely. “Pero hindi ko matatanggap, Karl.”
There was a surprised look on his face. “But why?”
“Because it is... so expensive. Men do not give expensive things to women unless—”
“Unless they’re true friends,” tinapos nito ang sinasabi niya. Then added meaningfully, “Or if there’s something special going on between them.” He gazed at her confused face and said softly.
“Karl...”
“Wala akong hinihinging kapalit, Lora. Bukal sa loob kong ibinibigay sa iyo iyan. A gift. For sailing with me. I honestly enjoyed your company... kayo ng tiya mo sa akin,” he grinned. “Your aunt is a novelty. The only female that wasn’t taken by my charm. Gusto ko tuloy magselos kay George...”
Binale-wala ni Lora ang huling sinabi ni Karl. Nakatuon ang buong pansin sa camera at sa intensiyon nitong pagbibigay sa kanya.
“But you can’t give this camera as a gift to me, dahil lang nag-enjoy kang makasama ako sa loob ng ilang araw!” Lora cried passionately. “You can’t be that extravagant, Karl! Hindi ka naman mayaman,” she scolded. “You’re only an employee. At hindi biro ang halaga ng camera na ito. Siguro’y matagal mo ring pinag-ipunan makabili lang nito... at ibibigay mo lang sa akin!” She shook her head in disbelief.
Hindi agad nakapagsalita si Karl. Muntik na nitong maipagkanulo ang sarili sa pagnanais na ibigay kay Lora ang alam nitong makapagpapasaya sa kanya.
He cleared his throat twice. “Actually... isinanla lang sa akin iyan ng kaibigan ko nang mura dahil... dahil secondhand na ring nabili iyan. Hindi na tinubos sa akin at... at wala naman akong hilig sa pagkuha ng mga larawan. Besides, napakakomplikado ng camera na iyan. Tama na sa akin ang isang handy camera. At mayroon na ako...”
For a long time ay hindi kumibo si Lora. There was longing in her eyes as she surveyed again the camera equipment. It didn’t look old to her. O baka naman mahusay lang gumamit ang mga naging may-ari.
“I’m sorry, pero hindi ko pa rin matatanggap, Karl,” she said softly at tumingala rito. At nang akma itong magsalita’y inunahan niya. “But I want to use this camera to capture your friend’s ship on film. Then, kapag nagkapera kami ni Itay ay bibilhin ko sa iyo ang camera na ito sa halaga ng pagkakasanla sa iyo. Fair enough?” She dimpled at him.
Karl seemed to have lost for words. Kauna-unahang pagkakataong nagbigay ito sa isang babae na tinanggihan. Ang isang bahagi niya’y gustong makadama ng disappointment sa pagtanggi ni Lora because he honestly wanted to give her the camera. At ang kabilang bahagi naman ay nagagalak sa pagtanggi niya.
“Hey,” untag ni Lora dito.
“Okay.” At gumagana na agad ang isip nito kung paanong mabibili ni Lora sa kanya ang camera sa murang halaga.
ALAS- dos na ng hapon nang makarating sa Calapan ang yate ni Karl. At dahil hindi naman para sa malaking yate ang pribadong daungan nina Lora, nanatiling nakaangkla sa laot ang yate.
Tinulungan siya ni Karl na ibaba sa speedboat ang camera. “I don’t want anyone on sight, George!” bilin niya rito na nakangiting sumaludo. “I only want to take the ship’s picture! Please ask the captain to sail slowly to the northwest!”
“I left instructions, siren,” ani Karl na tinapik siya sa braso. His hand would have lingered kung hindi nito narinig na tumikhim si Tiya Lagring. “He knows what to do.” He started the engine at ilang sandali pa’y mabilis nang tumakbo ang speedboat patungo sa daungan nila. Kasabay rin ng unti-unting pagtataas ng anchor.
Pagdating sa daungan ay iniwan na sila ni Tiya Lagring at nauna na itong umuwi. Halos hindi narinig ni Lora ang sinasabi ng tiyahin na huwag magtagal at umuwi na kaagad.
She was so excited, both with the camera and the chance to take the ship’s picture.
“Hey, relax,” amused na sabi ni Karl at tinulungan siyang ayusin ang tripod sa malalaking tabla ng pantalan.
“The ship might move farther, Karl, at baka hindi ko makuhanan nang tama...” aniya. Then loaded the camera with a high speed color film, which Karl provided.
Bago siya sumilip sa camera ay muli niyang tinanaw ang karagatan. Gusto niyang matiyak na walang makaaabala sa pagkuha niya ng litrato sa yate. And she had the view of the sun balanced on the edge of a shimmering magenta sea. The whole world had turned burning gold and shade of purple.
Pagkatapos ay ibinaling niya ang paningin sa yateng dahan-dahang naglalayag. She caught her breath. The sailing ship was sweeping before the wind tulad sa isang higanteng uwak.
She rushed to the camera, intent on the image that was forming her mind. Soon the ship would fly across the incandescent eye of the sun.
She zeroed in the autofocus lens on the sailing ship. Napakasensitibo ng long lens, kailangang ibalanseng mabuti sa rifle holder. But using the camera was a piece of cake.
She took one picture... two... three. The ship was breathtaking, endlessly poised on the edge of creation as it cut the burning wake of the sun. Tuluyan na niyang nakalimutan na nasa likuran niya si Karl, tahimik na nakaupo sa kahoy sa pantalan, and was watching her intently. Admiration and wonder in his eyes.
Paulit-ulit, walang sawa sa pagkuha ng litrato si Lora. Sa bawat paggalaw ng yate sa kanyang mabagal na paglalayag... sa mahinang pag-ikot na marahil ay ang bilin ni Karl sa kapitan na gawin.
There was only one roll of film at hindi niya akalaing malapit nang maubos iyon. Nang makita niyang lima na lang ang natitira sa film ay huminto siya. Slowly, she turned to Karl. Tinitigan niya ito nang matiim na tila noon lamang nakita.
“Hey, bakit ganyan kang makatingin? Nalimutan mo ba talagang narito lang ako and was surprised to see me here?” he asked, a slight sarcasm in his voice.
Lora’s heart hesitated for a moment. Pagkuwa’y humugot ng malalim na paghinga at inipon ang lahat ng lakas ng loob at lumapit dito. Then she started unbutonning his T-shirt.
“What are you doing?” manghang tanong nito.
“Taking off your shirt. Help me, malapit nang mawala ang araw.”
Karl blinked. Then relaxed beneath Lora’s hand. Puno ng anticipation ang ngiting sumungaw sa mga labi. Gumanti ng ngiti si Lora, a serene smile of a sorceress. Pagkatapos ay inihagis ang shirt ni Karl sa damuhan. Tumalikod at kinuha ang camera sa tripod.
“Hindi ka pa tapos,” ani Karl, grinning like a pirate. “I still have my pants on.”
“It would make you look like a buccaneer at magandang contrast sa pantalan. Doon ka sa may haligi ng pantalan, Karl.” Itinuro niya ang haliging kahoy na nakaharang ay natanggal na sa pagkapako. “Work on the wood.”
Nagbuga ng hangin si Karl sa pagkadismaya. “Lora, I am not a very good subject—” He stopped when he saw her eyes begging. He sighed and followed her instructions.
Nagmadaling kumuha ng larawan si Lora. Kailangang naroon pa ang bahagyang araw. Nakatalungko si Karl sa pantalan, like a god in the center of a golden cataract of light. Karl held his breath and watched her with intense, dark eyes, habang nagsisikap siyang humanap ng magandang anggulo.
Subalit bago maubos ni Lora ang huling shot ay kumilos sa kinauupuan si Karl at hinapit ang mga binti niya at hinila siya. Tumawa si Lora at nagpaubaya. She was laughing as she let herself slide down his body and ended up sitting on his lap.
She smiled and lean on her shoulder. Unti-unti nang nawawala ang araw at nakadarama na siya ng pagod at pangangawit ng mga kamay at leeg.
“`Akala ko’y hindi ka na matatapos. Are you okay?” Karl asked gently. Inalis ang camera sa kamay niya at ibinaba iyon sa kahoy.
“Tired but ecstatic. I couldn’t wait to run to my darkroom.” Her tired eyes gazed at him and she said softly. “Thank you, Karl. I’ll give you a copy of all the pictures I took, hope you’ll—” s he lowered down her eyes “—appreciate it.” May insekyuridad sa tinig niya sa huling sinabi.
Karl placed a finger under her chin and raised it to him. “I’m pretty sure you’ve made a very good shot, siren.” Then he planted her mouth the gentlest kiss he had ever given to a woman.
“YOU HAVE one last chance para magbago ng isip, Lora.” s i Nelson, a threat in his voice. “Ilang araw kayong nawala ng tiyahin mo na hindi man lang nagpasabi sa akin. Pinagmukha mo akong tanga.”
“Nelson, please. Ayokong makipagtalo sa iyo. Naghihintay ang Itay sa ibaba.” Isinukbit na niya sa likod ang knapsack niya at binuhat ang maliit na bag. Nagsimulang lumakad patungo sa pantalan.
“Kapag itinuloy mo ang pagtungo sa Maynila ngayon ay kalimutan mo na ako, Lora!” sigaw ni Nelson.
Huminto sa paghakbang si Lora at nilingon ito. “Ikaw ang bahala sa gusto mong mangyari. It doesn’t matter anymore...” aniya sa bale-walang tono.
Tumiim ang mga bagang ni Nelson. “Kung hindi ko ba ipagpapatuloy ang balak ko’y hindi ka aalis?”
Isang deretsong tingin ang ibinigay niya sa kasintahan. “Hindi mo ba itutuloy?” Naghahamon ang tinig niya. Bagaman nakatitiyak na siya sa sasabihin dito. She wasn’t in love with him. She would tell him that point-blank. Walang dahilan para magpaligoy-ligoy. Much as she didn’t want to hurt him, ang pagiging tapat ang pinakamagandang gawin.
Isang iritadong buntong-hininga ang pinakawalan nito. “Alam mong hindi ko matatanggihan ang p apa.”
“That’s what I thought,” matabang niyang sabi. “Kaya hindi kita pipigilan.”
“Pero iyan ang dahilan kaya ka luluwas, `di ba?”
“Partly, yes. Pero alam mong plano kong dumalo sa seminar na ito, Nelson. But you tricked me. Ni hindi sumagi sa isip kong tatlong buwan matapos nating pakasal ay eleksiyon na naman pala.” Her voice filled with accusation.
“Kung gayo’y ikaw ang tumapos sa relasyong ito, Lora!”
“The relationship had ended when you lied to me! Nang papaniwalain mo akong hindi ka papasok sa politika... nang i-pressure mo akong pakasal tayo kaagad para lang magamit ninyong mag-ama ang katayuan ng pamilya ko sa bayang ito!”
Isang matalim na tingin ang isinagot nito at pagkuwa’y mabilis na tumalikod patungo sa harapang-bahay kung saan nakaparada ang kotse nito.
Hindi tuminag sa kinatatayuan si Lora. At hanggang sa magpaandar ng sasakyan si Nelson at lumabas sa bakuran nila ang kotse nito’y nanatili siyang nakatayo roon at sinundan ng tanaw ang sasakyan.
Nang mawala iyon sa paningin niya ay humakbang siya patungo sa pantalan. Kinakapa ang damdamin kung may dapat siyang pagsisihan sa nangyari. Subalit sa halip ay tila isang malaking bato ang naalis sa pagkakadagan sa dibdib niya.
“Ano ang napagkasunduan ninyo ni Nelson?” ang tatay niya na nasa bangka na at siyang maghahatid sa kanya sa Batangas.
“Tinapos niya ang ugnayan namin, `Tay...” tahimik niyang sagot, bagaman sa sulok na bahagi ng dibdib ay alam niyang bago pa man siya sumamang maglayag kay Karl ay tinapos na niya ang relasyon nila.
Bumaba siya sa hagdanang yari sa bato at sumampa sa basnig. Tahimik siyang naupo sa isang tabi. Pinaandar ni Gaudencio ang makina ng basnig at pumalaot na.
“Ang estranghero ba ang dahilan kung kaya naging madali para sa iyo ang pakikipagkalas kay Nelson, Lora?” tanong ni Gaudencio nang malayo-layo na sila.
“His name’s Karl, Itay. You’ve met him and introduced himself to you,” aniya na sinamahan ng malalim na buntong-hininga. “At alam ninyong hindi totoo iyon. Bago ko pa makilala si Karl ay hindi ko na gustong makipag-usap kay Nelson. At isa marahil iyon sa dahilan kung bakit sumang-ayon akong sumamang maglayag kay Karl. Iniwasan kong magkausap kami at marinig ang panghihikayat na gagawin niya.”
Ilang sandali muna ang lumipas bago muling nagsalita si Gaudencio. “Una pa lang ay hindi ko na gusto para sa iyo si Nelson. Tuwina’y nasa kilos ang pagyayabang sa posisyon ng ama, disimulado nga lang. Subalit paminsan-minsa’y lumalabas ang kahambugan. At dahil ginusto mo’y wala kang narinig sa akin. Subalit kung papipiliin mo rin lang ako sa pagitan ni Nelson at ng estrangherong lalaking sinasabi ni Ate Lagring na kinahulugan ng loob mo’y pipiliin ko marahil si Nelson sa kadahilanang higit ko siyang kilala at pakakasalan ka, kahit na nga ba mali ang motibo.”
“Itay, hindi ko alam kung ano ang relasyon namin ni Karl. Pero hindi ako magsisinungaling sa inyo, I think I’m falling in love with him...”
Nang bumalik sa yate si Karl nang hapong iyon matapos ang pagkuha niya ng mga larawan ay inaasahan niyang naglayag na itong pabalik sa Maynila. But he surprised her by appearing at her doorstep the next day. On his hands bunch of roses in varieties of color.
“Karl!” bulalas niya na kung hindi niya napigilan ang sarili’y baka niyakap niya ito sa matinding katuwaan.
“Hi, siren.” He grinned at iniabot sa kanya ang bungkos ng mga bulaklak. The meeting would be the day after tomorrow. And to hell with the meeting if he didn’t get there on time.
Seeing this woman again was more important than any company board meetings. What he saw in this young woman was natural beauty. Hindi lang basta magandang mukha at magandang katawan, although she had that and more. What caught his attention was the pure expression of joy on her face as she took pictures on his ship. Pure and natural joy. So compelling and undeniably attractive.
At tuwing nagkakasalubong ang mga tingin nila’y naroroon lagi ang ngiti sa mga labi ni Lora, a killer smile that was etched in his mind. Maybe he was becoming a little corny, but he couldn’t remember the last time a woman had captivated him completely.
Isang linggo halos silang magkasama, but it was as if they already knew each other too well.
“I–I thought you sailed back yesterday.” She couldn’t contain the excitement in her voice. “Sabi mo’y may meeting sa department mo?”
“I miss you. The meeting could wait.”
Lora was speechless.
“Miss me too?”
“Am I supposed to? Kahapon lang tayo naghiwalay,” she teased.
“Don’t you?”
She wrinkled her nose and said nonchalantly. “Yeah, I guess I missed you, too. Didn’t I tell you I must be falling in love with you? Kaya natural lang na mami-miss kita, `di ba?”
Karl smiled at the cheekiness in her voice.
Isang tikhim sa likuran ang nagpalingon sa kanila. Si Gaudencio. At bago pa maipakilala ni Lora si Karl sa ama ay nauna nang magsalita si Karl. Humakbang ito papasok at inilahad ang kamay at ipinakilala ang sarili. At nang magsimulang mag-usisa si Gaudencio tungkol sa pagkatao ni Karl ay ipinagpasalamat ng huli nang magyakag si Lora na maglakad-lakad sila patungo sa pantalan.
They talked of everything and nothing. Much as Karl wanted to kiss her, pinigil nito ang sarili. Mula sa bintana sa itaas ng bahay nina Lora ay nahagip nito ng tingin si Guadencio. Nakamasid ito sa kanila.
“Pagkatapos ng meeting ay babalik ako, Lora,” ani Karl nang magpaalam na.
“W-why?”
Tumaas ang mga kilay ni Karl sa tanong niya. “Itinatanong ba iyon?”
“Of course, I want to see you again, Karl. But you must know I-I don’t go for a fling.”
“I know.”
The two words spoke volumes. Gustong magpumiglas ng puso ni Lora sa kaligayahan. She gasped when Karl’s arms went around her. Hindi na mahalaga kung nakatingin sa kanila si Gaudencio.
“That’s why I am coming back next week, siren.” He bent his head to kiss her nang mula sa kung saan ay narinig nila ang tinig ni Tiya Lagring na tinatawag si Lora.
Agad na naghiwalay ang dalawa. At sabay na tumawa. Magkahawak-kamay na bumalik sa bahay. Nagpaalam si Karl sa dalawang matanda. Bago ito bumalik sa nakaparadang rented car ay may dinukot sa bulsa at ibinigay kay Lora.
“Nakita kong wala kayong telepono,” wika nito, at nang marahas na umiling si Lora’y mabilis na idinagdag. “Iiwan ko lang sa iyo. From now to next week, I will be calling you from time to time. At naka-program diyan ang dalawang numero ng telepono ko. Call me anytime.” Ang pribadong linya sa penthouse ang ibinigay na numero ni Karl. Ganoon din ang hotline niya sa opisina na hindi nagdadaan sa operator.
Tinitigan niya ang maliit na cellular phone. He had a point. Kinuha niya iyon mula sa kamay ni Karl at ngumiti.
“Call me tonight.”
He laughed. “Yes, ma’am.”