noveltoon logo noveltoon
Marry Me

Chapter 4

Ch. 4 / 38 Apr 09, 2022

Gian

Napaupo ako sa narinig ko.

Marami pa akong plano sa buhay ko, bakit kaylangan ko ng tapusin ang pagkabinata ko?

Hindi naman sa ayaw kong mag-asawa. I'll settle down, pero hindi ngayon. Hindi pa ngayon. At isa pa, wala naman akong girlfriend, sino namang pakakasalan ko?

Yes, I had girlfriends before, pero hindi nag-wowork. We always realized that we had a lot of differences, but I still believe that one day I will find my one great love. I'm a hopeless romantic, yan ang inaasar palagi sa akin ng mga kabarkada ko, but they can't blame me.

At ngayon, may gusto akong babae, pero komplikado ang sitwasyon. Hindi ko masabi sa kanya na gusto ko siya.

Eh paano pa lalo ngayon na ikakasal daw ako?

Hindi pwede!

Umupo na din si Lolo.

"Gian, nakikinig ka ba?" narinig kong sabi ni Daddy.

"Ano po ulit yun?" tanong ko.

"Sabi ko sa Saturday, we will meet her family,” sabi ni Lolo. "Napagkasunduan namin ng bestfriend ko na ipakasal ang aming mga apo."

"Fixed Marriage? Lo, uso pa ba yun?" tanong ko.

"Gian, ito lang naman ang hinihiling ko sayo,” pakiusap ni Lolo.

Lang? Naman? Kung makahiling naman si Lolo, akala niya ganun lang kasimple.

Nagisip ako ng sasabihin pero tumayo na si Lolo at nagpaalam.

"I have to go. Gian, apo, sana mapagbigyan mo ako sa hiling ko,” paalam niya.

Naiwan kami ni Daddy.

"Umaasa din ako Gian na mapagbigyan mo ang lolo mo,” sabi ni Dad.

Pati ba naman siya? Wala na pala talaga akong kakampi. If only Mom was here.

"Dad, but he's asking for too much,” sabi ko.

"Ayokong biguin mo ang lolo mo,” sabi ni Daddy.

Tumayo na si Daddy at umakyat sa kanyang kwarto.

**

Kinabukasan.

Napansin ni Chad na tahimik ako. Kunsabagay, palagi naman akong tahimik. Pero this time, alam niyang may bumabagabag sa loob ko. Hindi siya nakatiis at lumapit sa'ken.

"What is it this time?" tanong ni Chad.

"Diba sabi ko sayo kahapon may mahalagang sasabihin sa akin si Daddy,” sabi ko.

"Oo nga. Ano ba yun?"

Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko sa kanya.

"Baka tawanan mo lang ako,” sabi ko.

"Bakit? Tungkol saan ba kasi?"

"Naniniwala ka ba sa fixed marriage?" tanong ko.

"Yung mga pinapalabas sa TV? Ganun? Sa mga matatanda nam--"

Nanlaki ang mata niya.

"Wag mong sabihing??!" dugtong niya.

Nakita kong tinakpan niya ang kanyang bibig, hindi ko tuloy alam kung tinatawanan na ba ako nito.

Nakakainis. Dapat di ko na lang sinabi.

Pero teka, wala pa naman akong sinasabi ah.

"Ikaw? Ipapakasal? Kanino?"

Hindi naman pala siya tumatawa. Nagulat lang talaga siya.

"Ssshhh,” saway ko. Medyo napalakas kasi ang boses niya.

"Wag ka ngang maingay. Ewan ko. Hindi ko alam kung kanino ako magpapakasal. Basta sabi ni lolo, apo daw ng bestfriend niya, at imimeet namin siya this Saturday."

"Saturday? May gig tayo,” paalala ni Chad.

Oo nga pala.

"Pumayag ka na ba?" tanong niya.

"Hindi naman ganung kadali yun. Honestly, ayoko syempre, pero wala akong kakampi. Pati si Daddy kinukumbinsi akong pumayag."

Ngumisi si Chad.

"Eh malay mo, hot yung babae, patulan mo na. Ganito gawin mo, pumayag ka munang makipagkita, tapos tingnan mo lang kung sino, diba?" Chad suggested na may halong tawa.

"Para mo na rin sinabing paasahin ko sila?" sabi ko.

"Eh anong gagawin mo?"

"Hindi ko pa alam."

Para makapag-isip, nagpunta na lang ako sa gym ng school.