noveltoon logo noveltoon
Marry Me

Chapter 16

Ch. 16 / 38 Apr 09, 2022

Gian

Gulat na gulat si Shane nang halikan ko siya sa kasal. First kiss niya ba 'yon? Psssh. Nahalikan na kaya siya ni Alex? Naiinis ako sa naiisip ko.

I know its her 18th birthday kaya bumili ako ng gift para sa kanya. Rubber shoes ang pinili ko, alam ko hindi naman yan mahilig sa mga high heels. Simple lang kasi si Shane, that's why I like her.

I chose pink. Alam ko din na pink is her favorite color. Madami akong alam tungkol sa kanya, dahil kapag gusto mo ang isang tao, magiging interesado ka sa mga gusto at ayaw niya.

Pagkadating namin sa bahay, andun na nga ang gift ni Lolo. A brand new car? Pssssh.

"Yan na talaga ang kwarto mo?" tanong ko sa kanya ng akmang papasok siya sa isa sa mga kwarto.

"Yeah. Why?"

"Ok. Dito na lang ako sa katapat na kwarto mo," sabi ko.

"Akala ko gusto mo dun sa Master's Bedroom?"

"Ayoko. Ayaw mo naman eh," sabi ko. Para pa ngang nagtaka siya sa sagot ko.

Ano naman kasi ang gagawin ko sa Master's Bedroom kung wala naman siya? Ang laki-laki ng kwartong yun, tapos ako lang mag-isa? Malungkot yun. Gusto ko syempre kasama siya.

Nang pumasok si Shane, hinihintay ko siyang lumabas at bumaba, pero wala. Hindi bumaba. Nakapagluto na din ako ng dinner. I cooked adobo. Tinawag ko na din siya pero di naman sumagot.

Honeymoon namin tonight diba? Pero para sa aming dalawa, honeymoon is just a word.

My phone rang. It’s Chad.

"What?"

"Sorry to disturb you bro, I just wanna say congrats. Naku, sige na bye na, baka nakakaabala na kami sa ginagawa niyo ni Shane dyan," sabi ni Chad at tumawa pa siya ng nakakalokong tawa.

"Si Gian ba yan?" narinig ko si P.J. yun.

Bakit magkakasama sila? Asan ba sila? Bakit maingay?

"GIAN, CONGRATS! THE MOVES HA!" sigaw din ng iba naming kabanda.

Pagkatapos nagtawanan pa sila.

"Hello. Asan ba kayo?" tanong ko.

"Dito sa The Lights," sagot ni Chad.

The Lights, isa sa mga bar na tinutugtugan din namin.

"Anong ginagawa niyo dyan? Tutugtog kayo?" May gig ba ngayon? Bakit hindi ko alam?

"Oo sana, kaso wala ka naman."

"Pupunta ako dyan. Tugtog tayo."

Lumabas na ako ng bahay. At sumakay sa kotse ko. Iba na ang buhay ko. Hindi na ako binata. May responsibilidad na ako. Ayokong umaasa sa Lolo ko, kahit papaano gusto kong may mapatunayan.

Safe naman dito si Shane kahit iwanan ko siya. Isa pa, wala din naman akong ginagawa, ano? Magtititigan kami? Eh alam ko naman mas gugustuhin noong magkulong sa kwarto niya kesa makipagusap saken.

Nag-iwan na lang ako ng note sa ref. Sigurado mababasa naman ito ni Shane.

**

"Bakit mo iniwan ang bride mo?" tanong ni Chad ng makarating ako.

"Anong tutugtugin natin?" tanong ko. Iniiba ko talaga ang usapan.

"Tonight is a hot night, bakit ka pa nagpunta dito?" singit ni P.J.

"Tigilan niyo nga ako."

**

Pagkatapos naming tumugtog, umuwi na din agad ako, nagyaya pa silang maginom para daw magcelebrate kami, but I refused. Sabi ko next time na lang.

Paguwi ko, nakalock ang pinto. Buti naman at ni-lock niya, may susi naman akong dala. Sigurado tulog na yon, kaya natulog na din ako.

Kinabukasan, maaga akong gumising para maghanda ng breakfast. May misis nga ako, hindi naman marunong magluto. Hay.

Pagkatapos naming kumain, may iniabot ako sa kanyang susi.

"Ano to?"

"Baka susi," sagot ko. Ano ba naman kasing klaseng tanong yun?

"Alam ko, bakit mo binibigay sa akin to. Ako magddrive??"

"Oo."

"Aba sineswerte ka, ano ako? Driver mo?"

"Wala akong balak na kunin kang personal driver, yung bigay na kotse ni Lolo, yun ang gamitin mo sa pagapasok sa school. Hindi ka pwedeng sumabay sa akin."

Ayokong sumabay siya saken, tiyak paguusapan na naman kami. Ayoko lang na kung ano ano ang sasabihin sa kanya sa school. Magtataka sila sigurado kapag nakita kaming magkasabay.

"Marunong ka namang magdrive diba?" tanong ko. Alam ko na marunong siyang magdrive, nakita ko na dati na dala niya ang kotse ng Papa niya.

"OO naman!"

"Ok. Good. Aalis na ako. Ligpitin mo yan ha."

Umuna na ako sa pagpasok sa kanya.

**

Nakasalubong ko pa si Shane sa school, pero di ko siya pinansin. Ano naman ba kasing sasabihin ko? Magkakaroon lang ng issue.

Pagdating ng lunch, nagpunta na lang kami nina Chad sa cafeteria.

"Tutugtog daw tayo sa Foundation Day," sabi ni P.J.

"Excited ako!" sabi ni Matt, kabanda din namin.

"Ecxited ka pa din? Eh taon taon naman nating ginagawa yun ah, hindi lang sa Foundation Day, sa kahit na ano pang program," sabi ni Chad.

Pinapakinggan ko lang sila. Nakakatamad magsalita. Wala naman akong sasabihin eh.

"Ang sabihin mo, gusto mo lang magpasikat kay Ara!" sabi ni P.J.

"Sinong Ara?" tanong ni Chad.

"Ayun o!" nagtinginan sila sa direksyong tinuro ni P.J.

Napatingin na din ako. Sina Shane yun ah.

"Ah, yung kaibigan pala ni Shane. Hahaha. Crush mo pala yun!! Hahaha. Nililigawan mo na ba?" tanong ni Chad.

"Nahihiya ako eh," sagot ni Matt.

"Nahihiya? Bakit ka mahihiya?? Ayan o, magpatulong ka kay Gian."

Teka, bakit naman ako napasama sa usapan ng mga to?

"Oy Gian," inalog pa ni Chad ang balikat ko. "Ilakad mo naman si Matt sa kaibigan ng asawa mo."

Psssh. Bakit kailangang banggitin ang salitang asawa?

"Hinaan mo nga ang boses mo, tsaka wag ninyo ngang banggitin ang salitang asawa, alam ninyo naman na..", utos ko.

"Si Bree yun ah! Gian, inaaway na naman ang asawa mo!" sabi ni P.J.

Ano ba??! Ang kukulet! Sinabi nang!

Napatingin ako sa table nila. Si Bree nga. Ano na naman kaya ang problema niya kay Shane?

That is one of the reasons kung bakit ayokong ipaalam dito na asawa ko na si Shane. Hindi naman sa hindi ko kayang protektahan si Shane, pero ayoko lang ng gulo.

Ang totoo niyan, hindi ko suot ang wedding ring namin. Siya rin, ganun. Inutusan ko kasi siya. Magkaka issue pa kasi pag suot namin yun. Pumayag naman si Shane.

"Tapang ni Ara oh! Siya ang kumakausap kay Bree. Palaban pala mga type mo, Matt," sabi ni Chad.

Napatingin ulit ako sa table nila.

"Gian! Saan ka pupunta?"

"Uy! Gian. Bumalik ka dito!"

Tumayo na kasi ako at umalis. Iniwan ko na ang mga kasama ko. Ang boring ng araw no to. Uuwi na lang ako. Gusto kong mainis kay Shane, bakit ba hindi niya kayang ipagtanggol ang sarili niya.

Habang naglalakad ako, naramdaman ko na lang na parang may sumusunod sa akin.

"Gian!"

Kilala ko ang boses na yon. Bakit siya sumusunod saken?

Hindi ako lumilingon. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Asar naman kasi. Di ba niya alam na pinagtitinginan na kami ng mga tao.

"Gian!! Ano ba? Di mo ba ako narinig? GIAN!"

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ko siya.

"WHAT??!"

Napalakas ata ang boses ko? Lalo tuloy nagtinginan sa amin ang mga estudyante.

Nakita ko nag-iba yung aura niya, parang natakot siya. Eh siya naman kasi, ang kulit. Sunod pa ng sunod.

Hindi naman siya nagsasalita. Ano ba kasing kailangan niya??

"Ano? Tatayo ka na lang ba dyan?"

"Ah. Eehh itatanong ko lang sana kung uuwi ka na ba?"

Yun lang?? Itatanong lang niya yun? Sumunod pa siya. Ibang klase.

Nilapitan ko na lang siya at binulungan. Baka kasi marinig pa ng mga tao.

"Wala naman sa usapan natin na papakialaman natin ang isa't isa diba, at tsaka diba may kotse ka na. Kaya hindi kita kailangang isabay."

Sinabi ko yun para tumigil siya. Totoo naman, may kotse na siya kaya di na nita kailangang sumabay saken. Kaya ko nga siya binigyan diba? Ano na ngayon tuloy ang sasabihin nila?

Umalis na ako. I left her.

Pagkauwi ko sa bahay, nanood lang ako ng t.v.

Nakakatamad.

Naggitara na lang ako.

Nakakawala sa mood.

Kasi naman, si Shane lang ang nasa isip ko. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Masyado bang masama ang ginawa ko? Gusto ko lang naman siyang protektahan.

Ibinaba ko sa kama ang gitara ko at kinuha ko ang wedding ring sa drawer. Pinagmasdan ko ito.

Gustong gusto ko itong isuot. Pati yung sa kanya, gusto kong suotin niya. Gusto kong isigaw sa mundo that she's mine.

Akin lang siya. Akin na siya at di na ako papayag na makuha ng iba.

**

Past 6pm na, wala pa din si Shane. Di ko naman matawagan, wala akong number niya. Ano ba yan? Asawa ko siya pero wala akong number niya!

May narinig akong kotse. Tama ako. Siya na nga yun.

Pagkapasok niya, nagdire-diretso lang siya paakyat sa kwarto niya.

"Bakit ngayon ka lang? Saan ka galing?"

Hindi siya sumasagot at ng papasok na siya, hinawakan ko siya sa braso. Gusto ko lang namang mag-usap kami.

"Bitiwan mo nga ako!"

"Tinatanong kita kung saan ka galing? Alam mo ba kung anong oras na?!"

Nag-aalala ako. Gabi na kasi.

"Eh ano bang pakialam mo? Diba ikaw na ang nagsabi na wala naman tayong pakialaman so shut up!" at pinagsarahan niya ako ng pinto.

"Shane! Buksan mo to. Let's talk."

"Shane, ano ba?! Buksan mo to sabi eh!"

Paulit-ulit akong kumakatok.

"Shane, kumain ka na ba? Tara na kumain. Hinihintay kita kanina pa."

Di pa rin siya sumasagot. Galit nga siya. Paano ko ba ito aamuin??

"Shane, sorry na. Hindi ko naman sinasadya yung kanina eh. I have reasons kaya ko nasabi yun. Sorry na."

Hindi ko naman talaga gustong gawin yun, pero kailangan. I just need to protect her pero di ko akalaing masasaktan siya.

"O sige, kung ayaw mo akong kasabay sa pagkain. Ok lang. Basta bumaba ka na. Kumain ka na ha."

At pumasok na ako sa kwarto ko.