Shane
Pagkalabas ko ng University, nakita ko si Papa, nakasakay sa kotse.
Lumapit ako sa kanya.
"Pa, bakit sinundo niyo pa ako?" tanong ko.
Sumakay na ako ng kotse.
Habang nagmamaneho si Papa, nagpatugtog ako.
Isinaksak ko yung iPhone ko.
I keep on scrolling till I found what I'm looking.
"You, with your words like knives and swords and weapons that you use against me", sinabayan ko ang kanta ni Taylor Swift.
"You, have--"
"Shane, pakihinaan,” utos ni Papa.
Sinunod ko naman siya.
The song keeps on playing nang magsalita ulit si Papa.
"Kaya kita sinundo kasi may mahalaga tayong pag-uusapan."
Napaisip ako. Ano kaya yun at kailangan pa talaga niya akong sunduin?
Tumingin ako kay Papa.
"What is it, Pa?"
Pero hindi naman niya ako sinagot. Next thing I know nasa bahay na pala kami.
"Ma, I'm home!" sabi ko.
Nagdiretso ako sa kitchen to drink some water then I found my mother cooking our dinner.
Dahil hindi naman sinagot ni Papa ang tanong ko, naisip kong itanong kay Mama kung ano kaya yun.
"Ma, ano po yung sinasabi ni Papa? Sabi niya may sasabihin daw po siya."
Kumuha ako ng baso at binuksan ang ref.
"Magpalit ka na ng damit. Ang Papa mo na lang ang magsasabi sayo. Sige na, para makapag dinner na tayo."
Ano ba yun? Hindi din naman sinagot ang tanong ko.
Umakyat na lang ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit.
Pagkababa ko, nakahain na ang dinner.
"Shane, since you're turning 18, sa tingin namin its the right time na sabihin namin ito sayo,” sabi ni Papa.
Grabe ha. Kanina pa yung tensyon ko. Ano ba kasi yun? Para akong nanonood ng telenovela, nakakabitin. Kumain na kami.
"Remember your Lolo?" tanong ni Papa.
Tumango ako. Pero sa totoo lang, sa picture ko lang siya nakita. Sabi ni Daddy, I was only 2 years old when he died. Kaya hindi ko siya ganoong kilala. But still I remember him.Thanks to those old pictures.
Pero teka, ano namang kinalaman ng yumao kong Lolo sa usapan namin?
"Mayroon kasing bestfriend ang Lolo mo,” sabi ni Papa. "And he wants to meet us on Saturday."
Aba. Akalain mo, buhay pa pala ang bestfriend ni Lolo at gusto pa kaming makabonding?
"Ok,” simpleng sagot ko.
Itinuloy ko ang pagkain.
"Iha, its not that simple,” sabi ni Mama.
Bakit?
"What do you mean Ma?"
"Next Saturday, makikipagkita tayo sa bestfriend ng Lolo mo kasi, pag-uusapan natin ang kasal mo,” sabi ni Daddy.
Nganga!
Napanganga naman ako. Hindi ko naituloy ang pagsubo ko sa pagkain.
Did I hear it right?
No. Tell me this is just a dream.
Please tell me.
Tell me its just a big joke.
"Pa naman, wala namang ganyang biro,” sabi ko.
Pero seryoso ang mukha ni Papa.
Tiningnan ko si Mama, ganun din.
"Ang Lolo mo at ang bestfriend niya ay nagkasundo noon. Ang totoo niyan, ang usapan nila, ang mga anak nila ang dapat ipagkakasundo nila na magpakasal. But unfortunately, parehas na lalaki ang naging anak nila. Sina Eric at Jaime ang naging anak ng bestfriend ng lolo mo. Eh alangan namang ipakasal ako sa isa sa kanila?..." kwento ni Papa.
Si Papa, nagpatawa pa talaga. Eh hindi naman nawala ang tensyon ko.
"...Nakilala ko na sila. Mabait ang pamilya nila. Ang unang apong lalaki ang nakatakdang ipagkasundo. Nang mag-asawa si Jaime ay nagkaroon ito ng anak, lalaki. Tuwang tuwa ang Papa ni Jaime ng ipanganak si Gian, kaya ng mag-asawa ako, ay umaasa ang dalawang magbestfriend na sana babae ang maging anak ko. At ng dumating ka, napagkasunduan na ipakasal kayo kapag 18 ka na,” dugtong ni Papa.
"Papa naman, matagal na yun. Malalaman pa ba ng lolo kung hindi na natin itutuloy yan, diba hindi naman,” sabi ko.
"Pero malaki ang utang na loob ng pamilya natin sa pamilya nila,” sabi ni Papa.
"Pero Papa, hindi ka ba naaawa sa akin? Hahayaan mo akong magpakasal sa isang lalaking hindi ko naman kilala."
"Kilala ko ang pamilya nila. Mababait sila, at mas gugustuhin ko pa na mapabilang ka sa kanila at hindi sa kung sino-sino lang."
Hay. Wala akong panahong makipagtalo. Sa ganitong pagkakataon hindi ako mananalo sa pakikipagdebate kay Papa. Kaylangan kong makapag-isip ng paraan para matigil ang kalokohang to.