Gian
May mali nga ba sa sinabi ko? Concern lang naman ako kasi baka magalit si Lolo if he found out na magkahiwalay kami ng kwarto. Baka kung ano na namang mangyari sa kanya.
"Hindi niya malalaman, kung hindi mo sasabihin,” sabi niya.
Mabuti pa kapag inaaway ko siya, nakakapagusap kami ng matagal.
"Ok. Bahala ka,” sabi ko. "Marunong ka bang magluto?"
Natigilan siya. Nasa may kitchen siya at nilapitan ko siya. "Ano bang alam mong lutuin?"
Hindi pa din siya nagsasalita. "Dont tell me hindi ka marunong magluto? Kahit prito?"
"Prito,” matapang niyang sagot. "Prito lang,” humina yung boses niya.
Gusto kong matawa pero pinigilan ko. Baka maasar na to. Pambihira. Hindi siya marunong magluto? Eh anong alam niyang gawin?
"Hindi ka marunong magluto??" sabi ko.
Umiling siya.
"Eh hindi ka pa pala pwedeng mag-asawa,” sabi ko.
Tinitingnan niya ang laman ng mga cabinets at ng marinig niya ang sinabi ko ay humarap siya sa akin.
"Bakit? Sino bang may sabi sayo na gusto ko ng mag-asawa?" sabi niya.
Hinila ko ang isang silya sa may dining table at umupo ako. "Kung ganon, ano nga ba ang nakapagpapayag sayo sa fixed marriage na ito?" tanong ko.
Humila din siya ng silya at umupo. Ang totoo, alam ko na naman ang reason kung paano siya pumayag. Gusto ko lang humaba ang conversation namin.
"May utang si Papa. Malaki, at ang sabi niya Lolo mo lang daw ang makakatulong sa amin, at tsaka katulad ng reason ng Lolo mo, gustong gusto din daw ng Lolo ko na matupad ang pangarap nila. Ikaw? Bakit ka pumayag?"
I knew it, ibabalik niya sa akin ang tanong.
"Katulad mo, hindi pa din naman ako handang mag-asawa. Wala pa akong stable job. Nag-aaral pa ako. Pero si Daddy at si Lolo, mapilit. Hanggang sa sinabi ni Alex kay Lolo ayaw ko daw, naospital si Lolo. Sinisisi nila ako, to the point na pati ako nagi-guilty na din. Hindi ko kakayaning may mangyaring masama kay Lolo kaya pumayag na ako."
Nakakatuwa. Nakikinig talaga siya saken.
"Why dont we make a deal?" tanong ko sa kanya.
"Deal? Tungkol saan?"
"Sa household chores. Since di ka marunong magluto, ako ang magluluto."
"Marunong kang magluto?" she was amazed.
"Oo naman. Dont worry, matitikman mo din yon, soon,” pagmamalaki ko sa kanya. Ngumiti ako at nag smile din siya.
"Since wala tayong maid, magtutulong tayo sa pagaayos dito, sa paglilinis at dahil ikaw ang babae, you will wash our clothes,” sabi ko sa kanya.
Natameme na naman siya. May mali na naman ba sa sinabi ko?
"Lalabhan ko damit mo?!"
"What's wrong with that? Don't tell me hindi ka marunong maglaba?"
"Marunong akong maglaba. Magluto lang talaga ang hindi."
"Ayaw mo? Gusto mo magkanya kanya tayo? Anong kakainin mo?" tanong ko.
Tsina-chalenge ko talaga siya.
"Ako, marunong akong maglaba, magluto--"
"Ok. Payag na ako,” sabi niya.
"Tuturuan naman kitang magluto, at kapag marunong ka na, ako na ang maglalaba ng damit ko."
Tumango lang siya at tumayo na ako.
"Tara na. Ihahatid na kita. Hindi ka pwedeng mapuyat. Hindi pwedeng mapuyat ang bride ko." Tumingin siya sa akin at ngumiti. Isinara ko na ulit ang bahay at sumakay na kami ng kotse. Inihatid ko na siya pauwi.