noveltoon logo noveltoon
Marry Me

Chapter 17

Ch. 17 / 38 Apr 09, 2022

Shane

Umaga na.

Wash Day today.

Skinny jeans and white and pink stripes na tshirt na lang ang isusuot ko. Sa shoes naman..

Napasama kaya sa mga gamit ko ang rubber shoes ko? Hindi naman kasi ako ang nagimpake nito.

Hinanap ko na lang sa mga gamit ko.

Wala. Wala. Wala.

Asan na ba yun?

Tiningnan ko na din sa mga kasamahan ng sapatos ko.

Haist. Wala talaga. Napaupo na lang ako sa kama. Tsk. Malelate na ako nito.

I wont give up. Hanap ulit Shane, hanap.

And I found a white one. Shemay! Ang dumi naman. Hindi ko naman masusuot to.

Napaupo ako sa sahig. And I found a box.

Yung gift ni Gian. This one is really beautiful. Kasya kaya sa akin? Isukat ko kaya.

Pero NO!

Galit ako sa kanya remember? Kaya bakit ko susuotin ang bigay niya.

*blag*

Ibinato ko yung sapatos, tumama sa pader. And what the heck??

Ano yun??

May nagpatak mula sa loob ng sapatos. Napatagilid kasi ang sapatos sa pagkakabagsak.

Ano yun? Daga?

Teka. May daga bang pink?? Tsaka hindi naman gumagalaw so I guess hindi siya daga.

Malapitan nga.

A butterfly??

Kinuha ko. Yeah. Its a butterfly. Yung ponytail. Napasandal ako sa pader while looking at the ponytail.

Ang cute. Hahaha. Ok. Napapangiti na ako ngayon. Pink din talaga. Ano naman ang pumasok sa isip ni Gian at nilagyan niya ng butterfly na ponytail ang loob ng sapatos na to?

BUTTERFLY???

Paano niya nalaman na paborito ko ang butterflies? Ay naku. Wala akong panahong magisip. Male-late ako. I have no choice. Isusuot ko na nga lang to.

Pagkababa ko. Ready na ulit ang breakfast.

Ang swerte naman ng magiging misis ni Gian.

Ay teka. Ako pala yun. Ako nga pala ang misis nya, so ibig sabihin, ang swerte ko? Tama ba?

"Shane, Im really sorry bout what happened yesterday."

"You're forgiven," sagot ko na lang. Ang cute nya humingi ng sorry. Yung tipong wala kang choice kundi patawarin siya.

"Bati na tayo ha," sabi pa niya.

Tumango na lang ako.

Pagkatapos kumain, tinulungan pa niya akong magligpit ng kinainan namin.

Bait bait ni Gian ngayon. Ganun nga siguro ang mga lalaki pag may ginawang kasalanan noh? Bumabait.

Iniabot niya saken phone niya. Nagtaka ako.

"Number mo?"

Ah. Hindi nga pala niya alam ang number ko. Itinype ko.

"Thanks. Papasok na ako ha. Mag-iingat ka sa pagddrive."

Oha?! Bait talaga. Mag-ingat pa daw ako. Nakatalikod ako nung sinabi niya yun.

"I'm glad you liked my gift. Buti nagkasya sayo. Bye Wifey," sabi niya. Tapos narinig ko na lang ang mga yabag niya palabas.

Napansin pala niya na suot ko.

At anong itinawag niya saken??

WIFEY???!!

Heartbeat, umayos ka. Wag kang ganyan. Kinikilig ka ba?? Wag! Di ka dapat kiligin sa kanya!

Ano ba tong nararamdaman ko??

After ko maayos ang mga gamit ko. Pumasok na din ako sa school.

Ayun, as usual, nakatingin na naman saken yung mga estudyante nung nagpark ako ng kotse ko. Dapat na yata talaga akong masanay.

Ang boring ng klase. Nakakatamad. Nagchichikahan lang sa tabi ko sina Ara at Faye, wala naman ako sa mood makipagkwentuhan pero may isang bagay na talagang kinulit ako ng dalawa.

"Saan mo nga binili yan?"

"Di ko nga yan binili," sagot ko.

"Eh saan galing yan?"

"Basta."

"Saan nga? Sige na Shane, sabihin mo na. Mukhang mamahalin. Ang ganda kasi ng style."

"Oo nga. Saan nga galing?"

"Bigay yan."

Mas lumapit pa yung dalawa.

"Nino? Ni Gian???" tanong ni Ara

Psssh. Ingay!

Napatingin sina Bree sa aming tatlo. Oo. Ang next class kasi namin ay classmate ko siya. Narinig siguro ang pangalan ni Gian kaya napatingin. I gave Ara a ayan-kasi-look.

"Sorry. Pero siya nga ba?" mahina na ang boses niya.

Tumango na lang ako. Tapos tumili silang dalawa, pero mahina lang.

Kinikilig ba tong dalawang to?

"Ang sweet naman niya--" sabi ni Ara.

"So pano Bree, eh di kikiligin ka na naman sa Friday, tutugtog kasi sa Foundation Day sina

Gian!" sabi nung isa sa Mean Girls.

"Yeah. Excited na nga ako eh. Pag kasi kumakanta si Gian, feeling ko para sakin yung kinakanta niya."

.

"Eh feelingera naman pala talaga yang si Bree eh," bulong ni Faye.

"Sssh. Hayaan nyo na siya."

"Ah basta, I will do everything para mapasakin si Gian!" sabi ni Bree. Di ko alam kung sinadya niya talagang lakasan.

"Asa naman siya na mapapasakanya pa si Gian. Ano kaya magiging reaksyon nito pag nalaman niya na may asawa na si Gian?" asar na tanong ni Faye.

"Ang sabihin mo ano kayang magiging reaksyon niyan kapag nalaman niya na si Shane ang asawa ni Gian?!" sabi ni Ara.

"Naku! Lalo yang maaasar sayo Shane."

Takutin ba naman daw ako.

"Oo nga."

Gatungan pa! Kaibigan ko ba talaga kayo??

"Pero syempre di kami papayag na saktan ka ng babaeng yan."

"Tama!"

Mga kaibigan ko nga sila. Natapos ang maghapon ko ng ganun pa rin. Boring.

Paguwi ko wala naman si Gian.

Tumunog ang phone ko at nang tingnan ko, unregistered number.

"Hello."

"Pauwi na ako. Kailangan nating ilipat yung mga gamit natin sa Master's bedroom ngayon," sabi ni Gian. Boses niya yun, sigurado ako. Hindi nga pala nakasave ang number niya saken.

Pero teka, bakit? Wag mong sabihing??

"Huh? Bakit? Anong problema? Gian, diba sabi ko naman sayo, kung gusto mong matulog dun-"

"Darating si Lolo tonight, sa bahay siya matutulog. Yung kwarto ko ang gagawin nating guest room, yung yung para sa kanya, kaya kailangan nating ayusin agad. Sige na, malapit na ako, magumpisa ka ng ilipat ang mga gamit mo."

Natameme ako.

Kami ni Gian? Magsasamang matulog sa iisang kwarto??

Pwede bang umuwi na samen? Dun na lang ako.

Aish.

Anong gagawin ko?

Kinakabahan na talaga ako.

1 new message

Si Gian.

|Bibili na lang ako ng pagkain, wala akong time magluto. Maghanda ka na.|

Maghanda na ako???

Patay!

Eto na nga ba ang sinasabi ko.

Umakyat na ako at nagsimula na akong ilipat ang gamit ko sa Master's Bedroom. Napatingin ako sa kama.

Dun kami.. ni Gian.. magkatabi??

Wala na bang ibang way??

Dumating na si Gian, nagsimula na din siyang ilipat ang gamit niya sa Master's Bedroom. Sinundan ko siya sa kwarto niya.

"Ahmm Gian, hindi ka ba kinakabahan?" tanong ko.

Teka, bakit ko ba siya tinanong ng ganun?

"Kinakabahan? Medyo. Baka kasi mabuko tayo ni Lolo, mahirap na."

Pabalik balik siya sa kwarto niya at sa Master's Bedroom. Ako, andun lang sa kwarto niya, tapos ko na kasi ilipat ang mga gamit ko, konti lang naman. Siya ang madami ang ililipat kasi sa kwarto niya matutulog si Lolo.

Hahaha. Kawawang Gian!

"Isang gabi lang naman siguro ang lolo mo dito noh?" tanong ko ng makabalik siya.

"Ewan ko. Hindi sinabi," pagkasagot niya, bumalik na ulit siya sa Master's Bedroom dala ang mga gamit na ililipat niya.

Hala! Hindi sinabi. Paano kung tatlong araw? Isang linggo? O isang buwan??

Pero malabo. May bahay naman ang lolo niya so sa tingin ko hindi naman yun makikipagsiksikan samin dito.

Nagtingin tingin na lang ako sa gamit ni Gian tutal matagal naman bago siya bumalik.

May gitara. Aba, naggigitara pala siya. Akala ko vocalist lang siya. Mga cd's. Ang dami. Puro original lahat, syempre, alangan naman bumili siya ng pirated. Haha.

Pictures. Ang gwapo.

Oo na. Naggwapuhan na ako kay Gian. May picture pa dito may kasama siyang babae. Siguro mommy niya. Ang bata pa niya.

Photo albums. Buksan ko kaya? Kaso baka makita ako ni Gian. Alam ko naman ang salitang privacy noh.

Pero, pwede ko namang kalimutan ngayon. Haha.

Sige. Matingnan nga ang photo album na to.

Ang cute! Si Gian ba to? Ang daming icing sa mukha! Sino kayang may birthday?

Next page.

May kaakbay na lalaki si Gian, bata pa din sila. Siguro 7 pa lang si Gian dito. Hmmm. Teka, he looks familiar.

Ah! Si Alex! Hahaha. Close pala sila. Ang cute tingnan.

Ililipat ko na sana ng may makita ako..

Picture ng batang nakacostume ng Batman.

"Huy!"

Nagulat ako kaya napasara ko yung photo album.

Lumapit si Gian.

"Ano yan?? Anong ginagawa mo dyan??" tanong niya.

"Wala. Tinitingnan ko lang yung mga cd's mo. Ang dami kasi."

"Talaga? Mga cd's ko ang tinitingnan mo, baka naman yang mga pictures ko na nakadisplay? Nagagwapuhan ka lang saken, aminin mo na."

May pagkamayabang siya ha.

"Ang kapal mo ha! Eh ano naman kung gwapo ka? Hindi kita type! Hmp!" At lumabas na ako ng kwarto niya.

Yung batang nakacostume ng batman, parang kilala ko yun eh. San ko nga ba siya nakita??