Gian
Hindi na naman kami nag-abot ni Daddy. Maaga siyang pumasok sa office ngayong umaga. Kagabi naman nasa gig ako. Sabi niya may sasabihin daw siyang importante. Ano kaya yun?
Maaga na lang din akong pumasok sa school.
"Hi Gian!"
"Gian!"
"Si Gian!"
Ewan ko ba sa mga babaeng to. Dadaan lang naman ako, pero sobra kung magtilian. Kaya ayun ngini-ngitian ko na lang. Pero habang nginingitian ko, mas lalo silang sumisigaw.
Pero iba ang babaeng ito. Itong kasalubong ko. Ano kayang problema nito. Mukhang pugto ang mata.
Parang kilala ko yun.
Tama.
Siya nga.
Yun yung girlfriend ng pinsan kong si Alex.
Hay. Sigurado ako, si Alex ang dahilan ng pag-iyak niya.
Ilang babae na ba ang napaiyak nun? Ewan. Tsk. Tsk.
Ayoko lang talaga ng ganun. Ayokong makakita ng babaeng umiiyak. Wala naman kasi akong nakikitang dahilan para magpaiyak ng babae.
Yan ang turo saken ng Mommy ko before she died. Huwag na huwag daw akong mananakit ng babae. Ang mga babae daw dapat iniingatan, pinapahalagahan, minamahal at hindi sinasaktan.
I love my mom so much. But unfortunately, she left us. Bata pa lang ako ng mawala siya. But I still believe that everything happens for a reason.
**
"Anong tutugtugin natin next Saturday?" tanong sa akin ni Chad, gitarista ng banda, kaklase ko.
Nakita ko siya na naggigitara pagkapasok ko sa classroom.
"Kayo bahala,” sagot ko.
"Try kaya natin yung sa The Script,” suggest ni P.J. ang drummer sa banda, kaklase din namin ni Chad.
"Alin?" tanong ni Chad.
"Yung The Man Who Can't Be Moved. Ano sa tingin mo Gian?"
"Ayos saken yun."
"Cause if one day you wake up and find that you're missing me.." kinakanta ni Chad habang tinitipa ang gitara.
"Hmmmm HHMmmmmm.. Hmmm.. Anong sunod?" dugtong nito.
"Ulitin mo,” utos ni P.J.
Tinipa naman ni Chad ang chorus.
"Cause if one day you wake up and find that you're missing me.
And your heart starts to wonder where on this earth I can be.
Thinking maybe you'll come back into the place that we'd meet..."
Kinanta ito ni P.J. kahit wala sa tono.
"Mag-drums ka na nga lang P.J. Hahahaha,” asar ni Chad. "Gian, ikaw nga ang kumanta."
Halos lahat ng kaklase namin nakatingin sa aming tatlo. Lahat sila tumahimik nung sinabi ni Chad na ako naman daw ang kumanta. Hindi naman ito ang unang beses na maririnig nila akong kumanta, pero ewan ko ba, parang excited sila.
rrrriiiinnnggggGGGGG
Saved by the bell.
Hindi naman sa ayokong kumanta. Para ano pa't vocalist ako. Wala lang talaga ako sa mood dahil hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung ano ang sasabihin ni Daddy.
**
After ng klase, sumakay na ako ng kotse. Parang may tumatakbo palapit sa kotse ko.
"Gian!" sigaw ni Chad.
Ibinaba ko ang bintana ng kotse.
"Bakit?" tanong ko.
"Anong bakit? Saan ka pupunta? Jam House tayo ngayon diba?"
"Pwede bang sa ibang araw na lang. May importante kasi kaming pag-uusapan ni Daddy eh."
"O sige, sabihin ko na lang kina P.J."
"Sige. Salamat."
Umalis na ako.
**
Pagkadating ko sa bahay. Nakita ko na nakaparada na ang kotse ni Daddy. Ang aga naman niya. Ganun ba kaimportante ang sasabihin niya?
Pero kanino yung isang kotse??
"Gian, mabuti naman dumating ka na,” sabi ni Daddy.
Naupo kami sa sala.
Nagulat ako ng biglang may lumabas mula sa kitchen.
"Lolo??!" bulalas ko.
Anong ginagawa ni Lolo dito? Diba dapat nasa States siya?
On the other hand, masaya ako, kasi matagal ko nang hindi nakikita ang lolo ko.
Tumayo ako at niyakap ang lolo ko.
"Kamusta na po kayo?" tanong ko.
"Eto mabuti,” sagot ni Lolo.
"Mabuti naman po at nadalaw niyo kami dito, Lo"
"Aba, syempre. Dahil kailangan na nating pag-usapan ang tungkol sa kasal mo."
"Kasal?? Kasal ko??!"