noveltoon logo noveltoon
Marry Me

Chapter 28

Ch. 28 / 38 Apr 09, 2022

Shane

"Shane!"

Si Alex.

Ano naman ang kailangan nito? Sabi ni Gian ayaw daw niya sumasama ako kay Alex. Alam ko naman nagseselos lang siya.

"Ano naman ang pag-uusapan natin. Don't tell me.." sabi ko, wag niyang sabihing tungkol sa aming dalawa? Matagal na kaming tapos.

"Yes", sagot niya.

Nasisiraan na siya!

Tungkol daw sa aming tatlo nina Gian. Ano kaya yun? Gusto ko ding malaman kaya sumama ako pero hindi talaga kami pwedeng makita ni Gian.

"Alam mo ba kung bakit kayo nagpakasal ni Gian?" tanong niya. Nagtatanga tangahan ba si Alex? Napaka nonsense ng tanong.

"Ano bang klaseng tanong yan Alex? It's a fixed marriage. Alam mo yan. Dinala mo ako dito para lang itanong yan?" nauubos ang oras ko.

"I know. What I wanna ask is, ano ang nakapagpapayag kay Gian para pumasok sa fixed marriage na to?"

"Ayaw niyang mawala ang Lolo ninyo at gusto niya ding tuparin ang hiling ng mga Lolo natin," sagot ko. Saan ba talga pupunta ang usapang ito?

"WRONG!"

Bakit kailangang sumigaw? Tsaka tatanong tanong siya tapos sasabihin niya mali sagot ko? Hindi ko siya maintindihan.

"Mana ang dahilan ni Gian kaya siya pumayag na magpakasal sayo."

Gusto kong matawa at the same time mainis.

"Alex, ano bang sinasabi mo? Puro na lang ba kasinungalingan ang sasabihin mo sa akin?"

"Shane, if you could only open your eyes, makikita mong hindi ako ang sinungaling dito. Its Gian."

Nambintang pa!

"I can't believe sinisiraan mo na naman ang pinsan mo."

"Totoo ang sinasabi ko. Narinig kong nag-uusap sina Lolo at si Tito Jaime. Narinig ko na kapag napakasal na siya sayo ipapamana na sa kanya ang kumpanya. Siguro yun ang kondisyon ni Lolo kay Gian basta ba pakasalan ka niya.” Now he's creating his own story.

"Hindi ka lang sinungaling Alex, nakikinig ka pa sa usapan ng may usapan."

"Maaaring niloko kita dati, but this time, totoo ang sinasabi ko. He's just after the company. At ito pa ang hindi ko mainitindihan."

Sige Alex, ano pa ang kasinungalingang baon mo?

"Hindi ba ang unang apong lalaki ang nakatakdang ipakasal sayo? Limang buwan ang tanda ko kay Gian. Ako ang unang apo, Shane ako!"

Sa puntong yun, napaisip ako. Tanda ko pa naman ang birthday ni Alex at alam ko ang birthday ni Gian, at sa lahat ng sinabi ni Alex, doon ako naniniwala sa sinabi niyang mas matanda siya kay Gian.

"Shane! Andito ka lang pala! Kanina ka pa namin hinahanap."

Sina Faye at Ara. Iniwan ko na si Alex.

"Ano bang ginagawa nyo ni Alex dun?" tanong ni Ara.

"Wala. May sinabi lang siya sa akin."

"Ano naman yun?"

"Wala. Hindi naman importante."

**

Nakaupo kami sa couch at nanonood kami ng t.v. nang tanungin ko si Gian. Gusto ko lang kasing makasigurado.

"Gian, may itatanong ako," panimula ko.

"Ano yun?" tanong niya at humiga siya sa lap ko.

"Sinong mas matanda sa inyo ni Alex?"

"Tinatanong pa ba yan? Hindi pa ba halata? Mas baby face ako kay Alex noh."

Kung ganon tama ako, mas matanda nga si Alex kay Gian.

Bumangon si Gian mula sa pagkakahiga sa lap ko at tumingin sa akin.

"Wifey, teka nga bakit ka nagtatanong ng tungkol kay Alex? Nag-uusap ba kayo?"

Hala! Lagot. Ang daldal ko kasi. May pagtatanong pang nalalaman eh.

"Ah, eh, hindi. Natanong ko lang. Bakit masama ba?"

Bumalik na siya ulit sa paghiga sa lap ko.

"Basta Shantelle ha, ayoko na sumasama ka kay Alex."

"Opo."

**

Summer na.

Wala si Gian, nakina Lolo, dumating na siya at pinaguusapan nila ang pagpunta namin sa Paris. Excited ako!!

Si Allyna. Hindi din ako tumatawag ng Ate sa kanya, sabi niya gayahin ko daw sina Gian. Nakikipagkita siya sa akin ngayon, kaya eto kaming dalawa, magkasama sa mall.

"I'm so happy na magkasundong magkasundo na kayo ni Gian. Ang galing talaga ni Lolo, alam niya na mamahalin nyo din ang isa't isa," sabi ni Allyna sa akin habang kumakain kami.

Napangiti ako. Biglang nag-ring ang cellphone ni Allyna.

"Hello.. ," sagot niya. "..Syd?! How are you? Kelan ka pa dumating?.." patuloy niya sa pakikipag-usap sa kabilang linya.

Syd?

"..I miss you. Really?? Hahaha.. Okay. See you around."

Then she end the call.

"It's Sydney," sabi niya sa akin.

"Sydney?" ulit ko.

"Yeah. Ex girlfriend siya ni Gian, naging malapit kasi siya sa akin kasi naman ang tagal din nila ni Gian noon--,"then she paused.

She looked at me.

"I'm sorry Shane, I know hindi ko na pala dapat kinukwento sayo to," paumanhin niya.

"No. That's okay. I want to know," sabi ko. Gusto ko kasi talagang malaman kung sino nga ba yung si Sydney sa buhay ni Gian.

"Are you sure?"

I smiled. "Oo naman."

"Okay. So ayun nga, matagal din sila ni Gian, akala nga namin sila na ni Gian till the end, but Sydney has to go to Spain to study. Akala ko nga magpapakasal na sila noon pero sabi ni Sydney pagbalik na lang daw niya, pero syempre that would be impossible kasi may asawa na si Gian at ikaw yun."

Sa kwento ni Allyna, medyo naliwanagan ako. Kung ganon totoo pala ang sinabi sa akin ni Sydney noon sa mall. Nagkakamali si Allyna, posibleng magpakasal sina Gian at Sydney dahil katulad ng sinabi ng huli, may annulment.

Bigla ko na lang naramdaman ang takot.

"Shane, are you okay?" napatulala na pala ako.

"Ah yah."

"Oh, by the way, nabanggit na ba sayo ni Gian ang tungkol sa kumpanya?"

"Kumpanya?" nalilito kong tanong.

"Yes, yung kumpanyang ipapamana sa kanya ni Lolo. Si Gian na pala ang magmamanage noon kapag nakagraduate na siya."

Totoo ba lahat ng nangyayari? Totoo ba lahat ng sinasabi ni Alex? Kung ganoon niloko lang ako ni Gian?

Isipin ko pa lang na niloko ako ni Gian, nasasaktan na ako.

Habang naglalakad sa mall pauwi, may napansin akong isang pamilyar na bulto ng katawan.

Hindi ako pwedeng magkamali. Si Gian ang nakikita ko.

May kasama siya.

Si Sydney!

Bakit sila magkasama dito sa mall? Matagal na ba silang nagkikita? Biglang sumikip ang dibdib ko.

**

"Gian, anong sabi ni Lolo tungkol sa pagpunta natin sa Paris?" nasa bahay kami ni Gian at nag-aayos siya dahil may Gig sila ngayon. Lumipat na nga pala kaming dalawa sa Master's bedroom. Eh kasi naman, gabi gabi ko din naman siyang katabi sa kwarto ko, ang sikip sikip kaya, kaya pumayag na akong lumipat kami dito.

Hindi ko pa din nakakalimutan ang nakita ko noong isang araw sa mall.

"Natutuwa siya, kasi finally makakapag honeymoon na tayo. Alam mo naman kung gaano kagusto ni Lolo na magkaroon ng apo."

"Tapos? San ka pa nagpunta? I mean anong nangyari?" pagkatapos noon alam ko nagkita sila nung babaeng yun.

"Wala na. Ah! Nagkita nga pala kami," sagot niya.

"Nino?" mabuti naman sasabihin niya.

"Ni Chad," sagot niya.

Sinungaling ka Gian! Gustong gusto kong sabihin sa kanya yan pinipigilan ko lang.

"Bakit?" tanong niya, napansin niya yata na bigla akong tumahimik.

"Tutal, may gig ka naman ngayong gabi, sasama ako kina Faye ha, lalabas kami," paalam ko sa kanya. Wala naman talaga kaming lakad ngayon nina Faye per kailangan ko ng kaibigan na makakausap. Sasabog na ang dibdib ko. Niloloko nga ba ako ni Gian? Bakit hindi niya sinabi sa akin na may kasama siyang babae sa mall?

Pero sabagay, sino nga ba namang lalaki ang aamin na nambababae siya?

"Wifey, wag na. Dito ka na lang sa bahay.” Aba, ayaw pa akong payagan.

"Nakakainip naman dito. Sige na, payagan mo na ako. All girls naman kami eh. Uuwi din naman ako ng maaga, please?" lumapit pa ako sa kanya at nagpakasweet kahit na naiinis ako sa kanya ngayon.

"Okay. Basta uuwi ka ng maaga ha?"

"Promise!" then I kissed him.

**

"Wag na sa Cuddles," sabi ko kina Faye. "Hindi ba kayo nagsasawang panoodin si Gian na tumugtog?"

Pumunta ako kaagad kina Faye nang pinayagan ako ni Gian. At ngayon nagyayaya sila na sa Cuddles daw kami pupunta.

"Hindi. Masaya yun! Sige na. Tara na!"

Wala akong nagawa. Sa Cuddles din ang bagsak namin, sakto, kumakanta si Gian. Doon kami sa parteng tago. Sinabi ko kasi sa kanila na ayokong makikita ako ni Gian.

"Alam mo Shane, ok din na nandito tayo, malay mo may babae pala si Gian tapos dito sila nagkikita," sabi ni Faye tapos tumawa.

Hindi ako sumagot. Sapol kasi.

"Shane, ano ka ba? Natameme ka dyan. Nagbibiro lang ako. Hindi mangyayari yun, alam naman namin na loyal yang lalaking yan sayo. Wala yang babae," bawi din ni Faye.

"Meron," mahina kong sabi.

"HA???"

Tiningnan ko silang dalawa.

"Nakita ko sila sa mall, at inilihim sa akin ni Gian yun."

"Imposible. Shane, mahal na mahal ka ni Gian, hindi niya kayang gawin sayo yun," sabi ni Ara.

"Shane, Shane," kinalabit pa ako ni Faye. "Tingnan mo dali! Hindi ba yun yung babae sa mall? Yung maganda?"

Tiningnan ko.

Anong ginagawa niya dito?

"Magkakilala pala sila ni Gian?" tanong ni Ara.

Magkausap sila ni Gian. Nakaupo pa si Gian sa table nung babae. Tawa ng tawa yung babae, mukhang nag-eenjoy sa pakikipagusap kay Gian at ang asawa ko naman ay ganoon din.

I cant believe this! Ang sakit sakit kapag kitang kita mo na niloloko ka! Hindi ko na kaya. Babagsak na ang luha ko.

"Umalis na tayo ditov yaya ko sa kanila.

"Shane, hindi mo ba sila lalapitan? Ikaw ang asawa, bakit ikaw ang aalis?" sabi ni Ara.

Mabuti pa si Ara, matapang. Kaya niyang harapin. Kung pwede ko nga lang sanang hiramin ang lakas ng loob niya ngayon, pero hindi eh, mas nagingibabaw talaga ang nararamdaman kong sakit.

Naglakad na ako, sumunod na sina Ara at Faye.

"Aaayyy! Sorry," paumanhin ni Faye sa waiter, nasagi niya kasi yung tray kaya naman nabaling sa amin ang atensyon ng mga tao.

"Shane?" tawag ni Gian. Nakita yata kami.

Binilisan ko ang paglalakad palabas, naramdaman ko na sumusunod si Gian kaya dali-dali kaming sumakay ng taxi.

Sa loob ng taxi, bumuhos ang luha ko. Niyayakap naman ako ng dalawa kong kaibigan.

"Shane, kung gusto mo sa amin ka muna, magisa ka sa bahay niyo, baka kung anong mangyari sayo," sabi ni Faye, umiiyak pa din ako.

"Ano ka ba? Hayaan mong umuwi sa bahay nila si Shane, kailangan nilang mag-usap mag-asawa," sabi naman ni Ara.

"Concern lang naman ako sa kanya," sabi ni Faye.

"Ako din, kaya nga kailangan nilang mag-usap para maayos yan."

Pagkadating ko sa bahay, naupo ako sa sofa. Pinahid ko ang luha ko. Ayokong ipakita kay Gian na umiiyak ako. Pero mukhang hindi ko na maitatago dahil pugto na ang mata ko.

Ilang sandali lang narinig ko na ang kotse ni Gian sa garahe.

"Shane," tawag niya. Nakita niya ako sa sofa, lumapit siya at tinabihan ako.

Hinawakan niya ang kamay ko at tinanggal ko ito. Tumayo ako.

"Lahat ba ng ito ay palabas mo lang? Para makuha ang mana mo gian?"

Hindi siya nagsasalita. Malamang nagulat siya na nalaman ko na ang sikreto niya.

"Masaya ka ba na nakuha mo na ang lahat? Ang lahat lahat?" pagdidiin ko. Lahat binigay ko sa kanya tapos ganito pa makukuha ko.

"Hindi kita maintindihan. Ano bang sinasabi mo?"

Ngayon nagmamaang maangan na siya.

"Anong mana?"

"Alam ko na Gian na nagpakasal ka sa akin para lang makuha ang mana mo, ang kumpanya!"

"Sino bang nagsabi nyan sayo?" nakakunot ang noo niya.

"Si Alex," sagot ko.

"Si Alex? Nakipagkita ka kay Alex? Hindi ba sabi ko Shane ayokong sasama ka sa kanya! Asawa mo ako, dapat sa akin ka nakikinig!" tumataas na ang boses niya. At siya pa ang galit?!

"Asawa? Ngayon oo, pero kapag nakapagfile ka na ng annulment at napawalang bisa na ang kasal natin hindi mo na ako asawa."

Sige Gian, pilitin mo pa akong sabihin sayo lahat ng nalalaman ko.

"Annulment? Shane ano bang annulment ang sinasabi mo?"

"Ngayon alam ko na, kaya pala tinanong mo na kay lolo dati ang tungkol sa annulment dahil dadating din tayo doon at pagkatapos magsasama kayo ng babaeng yon?" tumataas na din ang boses ko.

"Sinong babae?" napipikon na ako kay Gian, kanina pa siya nagpapanggap na walang ginagawang masama.

"Sige Gian, magmaang-maangan ka pa, sige dagdagagan mo pa ang sakit na nararamdaman ko. Alam mo Gian, sana.. sana hindi mo na lang ako isinali sa kalokohan mong to.. sana hindi na lang kita nakilala.. sana hindi na lang kita minahal!"

Pagkasabi ko noon, umakyat na ako sa kwarto ko, hindi sa Master's Bedroom at doon nag-iiyak.

Ayoko na. Hindi ko na kaya ang ganito. Pinaniwala ako ni Gian na mahal niya ako, pero ang totoo pinapaasa niya lang ako at ako naman si gaga, umasa nga.

Bakit kung kailan mahal na mahal ko na siya saka nangyari to? Sana hindi na lang niya ako tinuruang mahalin siya para kahit maghihiwalay din naman pala kami, hindi masakit.

Hindi ko na kayang makasama si Gian sa bahay na to, kaya aalis na lang ako. Mabuti na yung maaga pa, maghiwalay na nga kami, tutal dun din naman pala mauuwi ang lahat.