noveltoon logo noveltoon
Marry Me

Chapter 24

Ch. 24 / 38 Apr 09, 2022

Gian

Si Allyna. Ano kaya ang kailangan nito? Pinapasok ko siya sa loob. Hindi naman daw siya magtatagal at yayayain lang daw niya si Shane lumabas. Kaya naman tinawag ko si Shane mula sa kwarto niya.

Nang masabi sa kanya ni Allyna kung bakit ito napadalaw ay tumingin sa akin si Shane. Isang makahulugang tingin.

Nagpapaalam ba siya?

"Gian, don't tell me di mo siya papayagan, naku, kukulitin kita. If you want pwede kang sumama sa amin", niyaya pa talaga ako.

"Wag na. Kayo na lang. Three is a crowd. Makakaabala lang ako tsaka may practice pa kami nina P.J. sa Jam House," sagot ko.

"Ganon ba? Sayang naman. Tsaka apat na tayo if ever sasama ka, kaso may lakad ka pala. Sayang talaga. Let's go Shane."

"Apat?" tanong ko.

"Oo. Apat. Kasama namin si Alex, nasa kotse siya, hindi na nga lang bumaba. Kung alam mo lang kung paano ko yun pinilit. Naku!"

Kasama si Alex??

Bakit kasama yun? Akala ko sila lang dalawa ni Shane ang magba-bonding? Ano siya chaperone?

Teka, hindi pwede to! Magkakasama na naman sina Shane at Alex? No way!

Nang magpaalam si Shane na aakyat sandali kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa, at nagpanggap na may binabasang text message.

"What's wrong?" sa wakas napansin din ni Allyna.

"Si P.J. nagtext, di daw tuloy ang jam namin. Asar naman o! ," sabi ko. Kailangan kong maging artista ngayon.

"So pano? Eh di makakasama ka na?"

"Ok," yun lang ang sinagot ko para hindi masyadong obvious na gusto kong sumama.

Nang makalabas na kami, nakita ko si Alex ang driver. Magkatabi kami ni Shane sa backseat. Syempre. Hindi ko naman hahayaang makatabi ni Alex sa unahan ang asawa ko.

**

Sa mall..

"So what shall we do first? Kakain muna ba tayo or manonood muna tayo ng movie?" tanong ni Allyna.

Ako. Kahit ano, basta kasama ko si Shane.

"I suggest na uuwi na lang ako," sabi ni Alex.

Mabuti pa nga umuwi na lang siya. Hahaha.

"No. Hindi ka aalis. Walang aalis," sabi ni Allyna.

Walang aalis? Eh hindi talaga ako aalis, andito asawa ko eh.

Teka.

Pumasok sa isang botique si Allyna. Napansin kong nagkakatabi sina Alex at Shane kaya naman unti unti akong pumagitna sa dalawa.

Magkatabi kami ni Shane sa sinehan, akala ko si Allyna ang tatabi sa kabilang side niya, pero hindi! Si Alex ang tumabi.

Kaya naman habang nanonood, ibinaling ko ang ulo ni Shane sa balikat ko, akala ko tututol siya pero hindi.

Ganyan ang ngiti ko habang nanonood. Naaamoy ko ang mabango niyang buhok. Hindi ko alam kung bakit hindi tumututol si Shane, does she like me too??

Sana nga.

Pagkatapos manood at kumain pauwi na kami. Hinayaan kong maglakad pauna ang magkapatid at sa likod kami ni Shane. Tinitingnan ni Alex si Shane and I hate it, kaya naman hinawakan ko ang kamay ni Shane habang naglalakad kami. I just hope Alex got the message.

Maging sa loob ng kotse, hindi ko binibitawan ang kamay ni Shane, hindi din naman niya tinatanggal, so I guess gusto niya rin itong ginagawa ko.

Nagpaalam na si Allyna nang makababa na kami ng kotse. Iniabot pa niya ang isang paper bag kay Shane.

Pagkapasok namin sa loob ng bahay, bumitaw na siya sa akin pero hinawakan ko ulit ang kamay niya at hinila siya paupo sa sofa.

"Gian, huy! Ano ba?" tutol niya.

Nakaupo na kaming dalawa. Nagulat ata siya. Niyakap ko siya mula sa likod, yung yakap na ayaw ko siyang pakawalan, at ngayon naka-ub-ob ang ulo ko sa likod niya.

"Gian, a-ano bang ginagawa mo? May problema ka ba?"

Gusto ko lang naman siyang yakapin, bawal ba? Eh kung sabihin ko na kaya sa kanya ngayon na mahal ko na siya? Kaso baka magalit siya at baka lumayo siya sa akin.

"Masakit ang ulo ko," sabi ko.

"Eh di uminom ka ng gamot."

Ganun lang? Wala bang ksweetan sa katawan itong babaeng to? Papakainin ko to ng madaming asukal eh!

Mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya. Medyo matagal din kami sa ganoong posisyon.

"Gian," tawag niya.

"Huy, Gian!"

Hindi ako sumasagot. Nakapikit lang ang mata ko habang niyayakap ko siya.

"Gian Zayden Santillan!"

Kailangan talaga buo yung pangalan??

"Hmmm??" sagot ko.

"Akala ko ba masakit ang ulo mo?"

"Oo nga."

"Eh bakit nandyan ka pa din, uminom ka na kasi ng gamot," utos niya.

"Hindi naman kailangan."

"Sabi mo masakit ang ulo mo, niloloko mo ata ako eh," hinampas pa niya ang braso kong nakayakap sa kanya gamit ang kanang kamay niya.

"Hindi na kailangan, yakap ko na ang gamot ko eh."

Ilang saglit tumayo na siya. "Gian, may sakit ka na nga ata. Uminom ka na ng gamot. Nagdidiliryo ka na ata," sabi niya at umakyat na siya sa kanyang kwarto.

Sabi ko na nga ba eh, hindi siya maniniwala eh.

**

Simula nang maaksidente si Shane, kasabay ko na siya sa pagpasok. Yung kotse niya, ayun nakatambak lang sa garahe matapos kong maipagawa. Ayoko ng magdrive siya, baka mapahamak siya ulit.

"Gian, sigurado ako nagtataka na sa school kung bakit palagi tayong magkasabay," sabi niya sa akin habang nagmamaneho ako papauntang school.

"Isipin na nila ang gusto nilang isipin basta hindi kita hahayaan hindi kasabay sa pagpasok at pag-uwi," sagot ko.

Pagbaba namin ng kotse nakatingin na naman ang sila sa amin ni Shane. Sabagay, nakakapagtaka naman talaga kung bakit kami palaging magkasabay.

Nang maihatid ko na si Shane sa classroom niya ay nagdiretso na ako sa classroom ko.

"Dude, kelan mo ba balak sabihin dito sa ang tungkol sa inyo ni Shane?" bungad kaagad sa akin ni Chad pagkapasok ko.

"Oo nga, ang dami ng bulong-bulungan," singit naman ni P.J.

Anong bulungan? Ang alam ko nagtataka lang sila pero may issue ba?

"Anong ibig nyong sabihin?"

"Pare, iniisip nila na manggagamit si Shane."

"Iniisip nila na ginagamit ka daw ni Shane laban sa pinsan mong si Alex."

"Paano nangyari yun?" tanong ko. Nalilito pa din ako.

"Akala nila girlfriend mo si Shane, at ginagamit ka lang daw ni Shane para pagselosin ang ex niyang si Alex."

"Imposible sila! Sino ang nagkakalat ng tsismis na yan?!"

"Kung sino-sino. Nagpasalin-salin na."

"Hahayaan mo bang lumala ang sitwasyon? Kung iniisip mo Gian na napoprotektahan mo si Shane sa paraan mong iyan, mag-isip ka ulit, pare," sabi ni Chad.

"Pandagdag na naman pala yan sa problema ko," sabi ko.

"Bakit? Ano ba ang isa mong problema?"

"Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin kay Shane na mahal ko na siya."

"Sasabihin lang pala. Eh di sabihin mo. Ibuka mo ang bibig mo, magsalita ka, tapos!" sabi ni P.J.

"Hindi iyon eh. Paano ko sasabihin sa kanya na paniniwalaan niya. Para kasing kahit anong gawin ko, hindi siya maniwala, kapag magsisimula na ako, palagi akong binabara."

"Baka kasi natatakot na siya," sabi ni Chad.

"Natatakot saan?" tanong ko.

"Natatakot maniwala. Minsan na siyang nasaktan at niloko ng pinsan mo diba? Kaya baka natatakot na siyang magtiwala," paliwanag ni Chad.

"Pero magkaiba kami ni Alex, ako hindi ko siya sasaktan at lolokohin."

"Eh di ipakita at iparamdam mo sa kanya. Actions speak louder than words, at ipakita mo sa kanya na pwede ka niyang pagkatiwalaan."

**

Nang matapos ang klase, I decided na sunduin na si Shane, pero habang palapit na ako nakita ko na kinakausap or should I say, sinisigawan siya ng mga babae.

"Matapos kay Alex, si Gian naman, sino namang isusunod mo pagkatapos mong gamitin si Gian?" singhal sa kanya ng isang babae.

"Akala pa naman namin ang bait-bait mo. Matalino ka diba? Pero sa ibang paraan mo ginagamit ang utak mo, napaka-wais mo Shane. Umamin ka nga, girlfriend ka ba ni Gian? Ginagamit mo lang naman siya eh!"

Sa puntong yun ako na ang sumagot.

"No. She's not my girlfriend."

"See? So dont act like a pathetic girlfriend," sabi ng pangalawang babae.

"She doesn't have to act like my girlfriend because she's my wife", madiin kong sabi.