Shane
Bigla na lang may dalawang babae na nag-abang sa akin sa pinto ng classroom ko pagkatapos ng klase.
"Matapos kay Alex, si Gian naman, sino namang isusunod mo pagkatapos mong gamitin si Gian?" sabi sa akin ng isang babae. Ano bang sinasabi niya??
"Akala pa naman namin ang bait-bait mo. Matalino ka diba? Pero sa ibang paraan mo ginagamit ang utak mo, napaka-wais mo Shane. Umamin ka nga, girlfriend ka ba ni Gian? Ginagamit mo lang naman siya eh!" sabi naman ng isa.
Hindi ko talaga sila maintindihan. Girlfriend? Hindi naman ako girlfriend ni Gian. How I wish!
Oo, gusto ko na si Gian. Erase. Erase. Mahal ko na siya. Kaya naman noong nanood kami ng sine, nung inihilig niya yung ulo ko sa balikat niya, kinikilig ako nun. Tapos hinawakan pa niya ang kamay ko habang naglalakad kami.
Sabi ko nga sana wag ng matapos ang araw na yon. Ang sweet sweet niya talaga, to the point na nakakatakot, baka hindi totoo. Tapos ngayon eto, tatanungin ako ng dalawang babae na to, na hindi ko naman kilala kung girlfriend ba daw ako ni Gian?
"No. She's not my girlfriend."
Pagtingin ko kung saan nanggaling ang boses, tama ako. Si Gian nga!
Nakakahiya. Hindi naman niya talaga ako girlfriend. Iisipin tuloy ng mga to ambisyosa ako. Eh saan ba kasi nagmula yung issue na yon.
"See? So dont act like a pathetic girlfriend," ayan, sabi ko na eh, ako na naman ang masama dito.
"She doesn't have to act like my girlfriend because she's my wife,"biglang sagot ni Gian.
Ano bang sinasabi ni Gian? Bakit niya sinabi yun? Hala! Gulo to.
Pati si Bree, nakita ko, nagulat din siya. Eh sino ba namang hindi?
"Let's go, Mrs. Santillan," tapos hinila na ni Gian ang kamay ko.
Mrs. Santillan daw??
Ngayon ko lang narinig yun mula sa kanya.
Ang sarap pala marinig.
Nagdiretso na kami sa kotse niya.
"Ok ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?" tanong niya sa akin.
"Ok lang ako," sagot ko. Hindi pa din ako makaget over sa pangyayari kanina.
Paano na yan? Alam na nila na mag-asawa kami.
"Bakit mo ginawa yun? Akala ko ayaw mong sabihin sa kanila na may asawa ka na?" tanong ko sa kanya pagkadating namin sa bahay, hindi na kasi ako makatiis na magisip kung bakit niya ginawa yun.
"Says who?"
"Eh kung ganon? Bakit hindi mo sinasabi sa kanila noon pa?"
Eh akala ko naman talaga ayaw niya talaga sabihin.
"Dahil gusto kitang protektahan but it seems like mas lumala yung sitwasyon kaya sinabi ko na ang totoo. Dyan ka lang, wait for me," utos niya at bigla siyang umakyat sa kwarto.
Pagbalik niya, hinawakan niya ang kamay ko.
"From now on I want you to wear this ring all the time. I want everyone to know that you are mine, and I'm all yours," at isinuot ni Gian sa akin ang singsing.
Iniabot niya sa akin ang isa at isinuot ko din sa kanya.
He's all mine daw??
Totoo kaya yun??
Bigla na lang akong niyakap ni Gian.
"Katulad ng sinabi ko kay Lolo, hindi kita sasaktan at hindi ako papayag na may makapanakit sayo,dahil kapag nangyari yun baka kung anong magawa ko."
"Bakit mo sinasabi yan Gian?" nalilito kong tanong.
"Shane, I love you."
He loves me daw?? Love agad? Ano ba? Totoo na ba to? Gian naman, huwag mo naman akong pinapakilig ng ganyan.
"Ano bang sinasabi mo Gian? Ako? Mahal mo? Seryoso ka ba? May sakit ka na naman ata eh,"tanong ko. Nakakatakot kasi talagang maniwala.
Hinawakan ni Gian ang mukha ko at inilapit niya ang mukha niya.
Teka, hahalikan ba ako nito. Ang bilis ha!
"Ayan ka na naman, hindi ka na naman naniniwala sa akin. Totoo lahat ng ito. I love you. Gusto lang kita noong una, kung bakit, hindi ko alam, maybe because you're not like the other girls, your simplicity makes you who you are. Until noong naaksidente ka, I realized na hindi lang like ang nararamdaman ko, na mahal na kita. Nang malaman kong ikaw ang naaksidente, natakot ako. Natakot ako na baka mawala ka sa akin. Ayokong mangyri yun kaya naman sinabi ko sa sarili ko na sasabihin ko na sayo ang nararamdaman ko. I don't want to waste a single moment na hindi mo alam ang totoo kong nararamdaman para sayo."
Nakatitig lang ako sa kanya. Hindi pa din makapaniwala sa mga narinig ko.
"Can you please say something?" sabi niya ng nakangiti. Nakita ko ulit ang dimple niya. So cute.
"I don't know what to say," nasabi ko lang.
"Alam ko nabigla ka sa mga sinabi ko. Hindi ko hinihinging mahalin mo din ako kaagad, but I'm hoping you will, and please allow me to love you."
Mahal ako ni Gian?
Kanina pa gustong kumawala lahat ng kilig ko sa katawan. Mahal ako ni Gian.
Ulit.
Mahal ako ni Gian!
Sa sobrang kilig at saya, hindi ko napigilang umiyak. Eh kasi naman, isipin mo, yung taong mahal mo, biglang nagconfess sa harap mo na mahal ka daw niya. Ang saya saya! Sobra!
"Bakit ka umiiyak? Did i say something wrong?" nag-aalala niyang tanong tapos pinunasan niya ang luha ko.
"Masaya lang ako. Masaya akong malaman na mahal mo din ako."
"DIN?? You mean the feeling is mutual?"
Nagulat siya.
Tumango ako. Niyakap niya ako ng mas mahigpit.
"Kelan pa?" he asked.
"Noong una nabibwisit ako sayo kasi suplado ka, so sabi ko di tayo magkakasundo, tapos yung mga kaibigan ko, wala ng ibang ginawa kundi asarin ako sayo. Ganun pala yun, may epekto din pala kapag nangaasar yung mga kaibigan mo, tapos kapag dumidikit sayo si Bree, ewan ko ba naiinis ako."
"Nagseselos ka," sabi nya tapos kinurot ang ilong ko.
"Oo na. Tapos noong naaksidente ako, wala kang ibang ginawa kundi alagaan ako. Sabi ko noon, sana wag muna gumaling ang kamay ko para mas matagal mo pa akong aalagaan."
Niyakap niya ulit ako.
"Bad. Wag mo nga ipanalangin yun, dahil simula ngayon, kahit gumaling na yang kamay mo, aalagaan pa din kita. Mahal kita eh."
Niyakap ko din siya ng mahigpit. Tinitigan niya ako sa mata at unti-unti niya akong hinalikan.
Napapikit ako. His kisses were so sweet. And then he kiss my forehead.
"I love you Wifey,"bulong niya.
"I love you too Hubby", sagot ko.
**
Inaasahan ko na pagpasok ko kinabukasan ay pag-uusapan ang tungkol sa amin ni Gian.
"Wag mong intindihin ang sasabihin nilang against sayo. Basta ang isipin mo mahal kita, ha Wifey?" paalala sa akin ni Gian bago kami bumaba ng kotse niya para pumasok.
Tumango ako.
"Paano si Bree?" tanong ko.
"What's with Bree?" nakakunot ang noo niyang tanong.
"Diba may gusto siya sayo?" tanong ko. Sabagay lahat naman ata may gusto sa kanya.
"Wag mo siyang intindihin. Sa'yo lang ako. Nakatali na ako sayo diba?" at itinaas pa niya ang kamay niyang may wedding ring naming dalawa.
Inihatid na niya ako sa classroom ko.
"Shane, totoo ba yung nangyari kahapon? Totoo bang asawa ka ni Gian?" lumapit sa akin yung iba kong kaklase.
"Shane, kelan pa? Bakit ngayon lang namin nalaman?" tanong pa nung isa.
"Saan kayo ikinasal?"
"Kung ganon matagal na pala kayong may relasyon? Pero diba ang boyfriend mo naman talaga dati ay yung pinsan niyang si Alex?"
"Ehem! Ehem!" si Ara. Hay salamat naman at dumating siya. Ang dami dami nilang tanong.
"Excuse me, mga classmates. Sana naman, bigyan natin ng privacy si Shane, personal life na niya yun eh,"mababa ang boses na sabi ni Ara.
"Ara naman, gusto lang naming malaman kung totoo ba na nag-asawa na nga si Gian?" sabi nung isa.
"Ano ba ang sabi ni Gian kahapon?" tanong ni Ara.
"Asawa niya daw si Shane," sagot nila.
"O yun naman pala eh. Eh di malinaw na."
Lumayo na sila sa amin.
"Imposible talaga.." bulong nung isa.
"Hoy, babae, ang haba ng hair mo kahapon ha!" sabi ni Ara sa akin. Bigla namang dumating si Faye.
"Ay! Ang ganda naman. Yan pala ang wedding ring nyo. Finally nakita ko din! O, bakit nga pala suot mo na?" tanong ni Faye.
"Sabi ni Gian isuot ko na daw to simula ngayon," sagot ko.
"Ang sweet ha. Alam mo ang tahimik mo. May problema ka ba?"
"Eh hindi ko kasi alam kung kami na ni Gian," sabi ko. Nalilito kasi ako. Mahal namin ang isa't isa so ano? Kami na?
"Bakit? Ano bang nangyari?"
"Umamin siya sa akin na mahal daw niya ako---"
"Aaaaaahhhhh!!--" tinakpan ko bibig ni Faye.
"Faye naman, huwag kang tumili," pakiusap ko.
"Talaga?? Mahal ka daw niya? Sabi na nga ba eh, may pagtingin yun sayo eh, o tapos?"
"Sinabi ko din na mahal ko na siya."
"Mahal mo siya??"
"Eh oo. Anong magagawa ko eh nahulog ako. So ayun."
"Eh anong pinoproblema mo eh mahal nyo pala ang isa't isa. Tsaka anong "kayo" eh mag-asawa na nga kayo eh."
"Ganun ba yon?" tanong ko.
"Oo. Ano ka ba?"
"Ewan ko ba. Para kasing ngayon lang ulit ako na-inlove eh. Eh kasi hindi ko naman nararamdaman kay Alex yung mga nararamdaman ko ngayon kay Gian."
"Oh my God! True love na yan!" tili ni Ara.
**
"Gian, pwede bang dumaan muna tayo sa kina Mama. Matagal ko na kasi silang hindi nakikitav sabi ko habang pauwi na kami.
"Ok. Walang problema."
"Shane! Kamusta ka na? Mabuti naman at napadalaw ka dito," salubong sa akin ni Papa. Niyakap ko siya.
"Kamusta po kayo?" bati ni Gian.
"Mabuti naman ako. Sandali at tatawagin ko lang ang Mama mo," at umakyat si Papa sa kwarto.
Dali-daling bumaba si Mama at may dala-dala siya.
"Naku ang anak ko! Kamusta na ang kamay mo?" niyakap ko din si Mama.
"Ok na naman po ako. Huwag na po kayong mag-alala."
Napatingin ako sa bitbit ni Mama.
"Ma, bakit dala-dala nyo ang costume kong yan?"
"Ah ito. Alam mo ba Gian, itong costume na ito ni Shane na tinkerbell ay iniyakan pa niya noong bata pa siya para bilhin ko. Gustong gusto kasing umatend ng batang yan sa birthday party noon kaya binili ko," kwento ni Mama.
"Matagal na yon,"bulong ko kay Gian. Napansin ko na parang may kakaiba kay Gian ng makita niya yung costume ko pero hindi ko na lang pinansin.
"Eh bakit nyo nga po dala?" ulit kong tanong kay Mama, di naman kasi niya ako sinagot.
"Naglinis kasi ako ng kwarto mo, eh nakita ko."
"Ma, pwede bang dalhin ko na yan sa bahay namin?"
"Oo naman. Sa'yo naman to eh."
**
"Daan muna din tayo saglit sa bahay ha," sabi ni Gian.
"Asan ang Daddy mo?" tanong ko kay Gian pagkadating namin sa kanila.
"Baka nasa office pa siya." Lumapit siya sa akin at hinalikan niya ako. Smack lang.
"Para saan yun?" tanong ko.
"Sorry,"sabi niya.
Bakit siya nagso-sorry? May kasalanan ba siya?
"Saan?"
"Binabalik ko lang yung ninakaw ko sayo," sagot niya. Pero hindi ko pa din siya naiintindihan.
Bigla na lang siyang umakyat sa kwarto at pagbalik niya..
May dala-dala siyang costume na BATMAN.
"Ikaw??!" tanong ko.
"Nagulat din ako ng malaman kong ikaw si Tinkerbell."
**
Nakahiga na ako sa kama ng biglang pumasok si Gian sa kwarto ko.
"Matutulog ka na ba?" tanong niya.
"Hindi pa. Bakit?"
Humiga siya sa tabi ko. Hinila niya ang kamay ko nakaunan na ang ulo ko sa braso niya.
"Alam mo bang si Batman ang first kiss ko?" sabi ko sa kanya. Nilalaro niya ang buhok ko. Tumingin ako sa kanya at ngumiti siya.
"Natutuwa ako na ako pala ang first kiss mo. Pero binalik ko na naman sayo ang ninakaw ko diba? O gusto mo ba ibalik ko ulit?"
"Tumigil ka nga!" sabi ko. Para namang tanga si Gian oh! Nakakilig! "Dyan ka magaling eh, sa nakawan!" sabi ko.
"Bakit? Ano pa bang ninakaw ko sayo?"
"Pati puso ko, ninakaw mo," bulong ko.
"Yan naman ang hindi ko ibabalik sayo. Fair lang naman tayo, kasi nasayo din naman ang puso ko," sabi niya.
So akin na talaga siya??
Pwede bang tumalon sa kama?
"Alam mo bago pa tayo dagain dito, matulog ka na," sabi ko sa kanya.
Sa halip na lumabas, humiga pa siya na ayos sa tabi ko at niyakap ako.
"Huy! Anong ginagawa mo? Sabi ko matulog ka na."
"Oo nga. Ikaw lang naman ang maingay eh. Matulog na tayo."
"Hindi ka matutulog dito. Dun ka sa kwarto mo," tumayo ako at hinila siya patayo.
"Dito na lang ako matutulog," sabi niya.
"Hindi. Lumabas ka na,"hinihila ko pa din siya at hinila niya din ako kaya napabalik ako sa kama. Niyakap niya ako ng mahigpit.
Naaamoy ko ang pabango niya. Nakakaadik. Hahaha. Para tuloy ayoko ng kumawala sa yakap niya.
"Go to sleep, Wifey," yun na lang narinig ko tapos nagising ako, umaga na.