Shane
Sino ba tong babaeng to? Bigla-bigla na lang nanghihila! Hoy! Alex, baka gusto mo akong tulungan. This is kidnapping!
Paglingon ko, mabuti naman at sumunod siya.
Naiilang pa rin ako na kasama ko si Alex pero kailangan ko siya ngayon kasi siya ang may kakilala sa babaeng to.
"I'm so glad to finally meet your girlfriend. She's pretty."
Hala! Napagkamalan pa talaga akong girlfriend. Ex po. Ex!
"Hindi ko--"
"Ssshh.. Dont speak. Hindi mo what? Hindi mo balak siyang ipakilala sa akin? Oh cmon Alex, sa ganda niyang yan di mo ipapakilala. I heard maganda din daw ang napangasawa ni Gian, gusto ko na din siyang makilala."
I tried to tell her na hindi ko to boyfriend, pero ang bilis ng bibig niya, di ako makasingit.
Asawa ni Gian? Kilala niya si Gian?
Paano? Sino ba talaga siya??
Bigla na lang siyang humarap sa amin ni Alex.
"By the way, I'm Allyna. Kapatid ni Alex."
ALLYNA???!
"Hi! I'm Shane, and I'm not--"
Sinubukan ko ulit na sabihin sa kanya na hindi ako girlfriend ni Alex pero sumingit na naman.
"Oh! Sorry kung bigla na lang kita hinila kanina ha. Na-excite lang ako when I found out na girlfriend ka ng kapatid ko. Gusto ko lang kasing magpasama dyan maglunch. Its a place na wala masyadong tao. Ayoko kasi sa public, baka pagkaguluhan ako. You'll love the place."
"Eh bakit ba hindi na lang si Gian ang niyaya mo. May lakad pa ako,"sabi ni Alex.
Pinsan pala ni Gian si Allyna? Sabagay parehas nga silang magaling kumanta.
When we reached the place, I was amazed.
Wala ngang tao, baka mahal dito kaya hindi dinadayo? Hahaha. Ano ba tong naiisip ko.
Nang dumating ang pagkain napansin ko kokonti lang ang kinakain ni Allyna, kaya siguro ang sexy sexy niya. Ako kaya? Magpasexy din kaya ako? Pero di na kailangan, alam ko sexy ako. Hahaha.
Tsaka sino bang pagpapasexyhan ko? Si Gian? Psh.
Yung suplado na yun?! Naku!
"Yna, bakit ang dami mong inorder tapos ang unti lang naman ng kinakain mo?" napansin din pala ni Alex.
Yna? Nice nickname.
Hindi siya tumatawag ng Ate? Kapag ba mayaman, ganun? Walang ate, ate?
"That's what I like about you. You're not calling me Ate. Mas ok yun. I dont feel old. Hahaha. Shane are you ok? Don't you like the food?"
Napansin niya na di ko ginagalaw ang pagkain. Eh kasi naman, busy ako sa pagiisip, lumilipad ang utak ko. Si Allyna lang naman ang kaharap ko. Kapag nalaman to nina Faye at Ara, naku!
"Im fine. Masarap siya," sagot ko. Totoo naman kasi. Masarap yung pagkain. Sigurado mahal nga dito.
Inihatid na niya kami sa school after we ate.
"Bye, Shane. Its really nice meeting you. Labas ulit tayo minsan ha, and Alex, ingatan mo si Shane ha," then she left.
"Ate mo pala siya. She's nice," I told Alex. Hindi sarcastic yun ha.
"She's crazy.”
I laughed. He smiled. Why? What made him smile? Somehow, I miss that smile.
"Shane, thanks for your time. Pasensya ka na sa kakulitan ng kapatid ko."
"Its ok. Nag-enjoy naman ako."
"Napagkamalan ka pa niyang girlfriend ko."
Pinilit kong ngumiti. Kasi naman, parang kailan lang, girlfriend niya naman talaga ako.. pero..
Hay. Nagpaalam na lang ako sa kanya at nagpunta na sa mga kaibigan ko.
**
"Saan ka galing? Halika na, maglunch na tayo," yaya ni Ara, nasa gym pa din sila.
"Tapos na akong maglunch. Ala-una na, hindi pa din kayo nagla-lunch?"
"Hinihintay ka namin, sabi mo mag-c-CR ka lang, grabe naman, mahigit isang oras ka nawala. Ano bang ginawa mo sa CR? Nilinis mo? At teka, saan ka naman ng lunch aber?" Sermonan ba naman ni Ara.
"Sa canteen na tayo magkwentuhan," sabi ko.
**
"Kasama mo si Alex??" si Ara yan, nagaalboroto na naman.
"Nagdate kayo??" si Faye naman, isa pa.
"Hindi kami nagdate. May asawa na ako, date-date pa? Ano ba?"
"Aba malay namin kung may feelings ka pa dyan sa ex-turned-pinsan mo na yan? Diba Faye?" tanong ni Ara.
"Oo nga."
Ayan, pinagtutulungan na naman ako ng dalawang to.
"Tumigil nga kayong dalawa dyan, tsaka may kasama kami. Yung kapatid niya."
"May kapatid pala yun?" sabi ni Ara.
Oo nga naman. Bakit di ko yun nalaman nung kami pa ni Alex. Haist. Eh kasi naman di naman siya nag-oopen saken dati tungkol sa pamilya niya.
"Oo. Kapatid niya lang naman si Allyna, yung sikat na singer," sabi ko.
"Si A--lly--na?????"
Tumango ako.
"Ibig mong sabihin kasama mong mag-lunch si Allyna??" di na mapakali si Ara. Fan siya nun eh.
"Oo. Ang bait niya."
"So magpinsan pala sila ni Gian?" tanong ni Ara.
"Stop asking the obvious," sagot ni Faye.
"Kaso napagkamalan niyang girlfriend ako ni Alex."
"Hala! Hindi ka pala niya kilalang asawa ni Gian?"
"Malamang hindi. Ngayon niya lang naman ako nakita eh."
"Speaking of the hearthrob," bulong ni Faye.
He's with his bandmates again.
"Hoy Shane, bakit ganun ang aura ng asawa mo? Parang badtrip? Nag-away ba kayo?"
"Ano ka ba? Not everything is about me. Malay ko ba dyan."
Bakit nga kaya??
**
Maaga ako nakauwi. Wala naman kasing ginagawa sa school. Katulad ng deal namin ni Gian, ako ang maglalaba ng damit naming dalawa. So laba laba muna. Wala naman kasi kaming maid. Nakakatuwa nga si Gian, siya nagba-budget ng pera, hindi ako, pero sabagay pera naman niya yun. Hahaha Malaki kaya kinikita nun sa pagbabanda, mahal bayad sa mga yun eh, sabi yun saken ni Ara. Ewan ko ba dyan kay Gian, napakapraktikal. Yung Lolo niya nag-suggest na kumuha daw kami ng maid, pero ayaw talaga. Gusto niya nga yata eh yung nahihirapan ako.
Pagkatapos kong maglaba, nanood na lang ako ng tv, nang may marinig akong sasakyan.
He cooked for our dinner. Fried chicken nga lang niluto niya. Wala nga yata sa mood. Hindi din ako kinakausap. Napaka moody talaga ng taong to.
Sabagay, ano nga naman ba ang pag-uusapan namin? Noong una, nabibwisit talaga ako sa kanya kasi nga ang suplado niya, pero narealize ko kung hindi kami mag-uusap na dalawa, aba, eh mapapanis ang laway namin.
Infairness, masarap talagang magluto tong si Gian. Kelan niya kaya ako tuturuan? Sabi niya tuturuan niya ako.
Ang tahimik.
Naiinis na ako ha. Hindi ba talaga ako kakausapin ng taong to?
Magkatapat kami habang kumakain. Napansin ko lang, bakit ganun? Mahaba naman ang pilik-mata ko, pero bakit parang mas mahaba yung sa kanya? Tapos color black yung mata niya, na bumagay naman sa kanya. Yung tipong kapag ngumiti ang mga mata niya, mas gumagwapo siya. Tapos ang tangos pa ng ilong niya, then my eyes went to his lips.
Ano ba tong ginagawa ko? Bakit ko ba tinitigan? Pati ba naman labi nya? Yang labi niyang wala ng ibang ginawa kundi nakawan ako ng halik.
Its just a kiss pero kakaiba. Iba sa halik sa akin ni Alex. Alex was not my first kiss.
I can still remember when I was 9, a kid stole my first kiss.
Tama! Naaalala ko na!
"O? Bakit parang mukha kang nagulat dyan?" sabi niya saken. "Kung titigan mo naman ako, daig ko pa ang isang insektong tinitingnan sa microscope."
Naaalala ko na! Si Batman. Si Batman ang first kiss ko!
"Shane, natulala ka na dyan? Kumain ka na nga," sabi ni Gian.
"Huh?! Ano yun?" tanong ko. May sinasabi ba siya?
"Nakita ko kayo ni Alex kanina. Kasama ninyo si Allyna."
Nakita niya kami??? Hala!
"Ah. Oo. Pinsan mo pala siya. Hindi ko alam," sagot ko. Hindi naman kasi gumagamit ng surname si Allyna. Ang screen name naman niya eh 'Allyna' lang.
"Hindi ka naman nagtatanong eh."
"Eh malay ko ba,"sabi ko. "Hindi ka naman nagkekwento," bulong ko.
"Ano yon??"
"Wala. Sabi ko ang sarap mong magluto."
"O? Bakit ka ngumingiti dyan?" tanong ko.
"Masama bang ngumiti?"
"Hindi,"sagot ko. Mas gusto ko nga yun eh, yung palagi siyang nakangiti. Mas lalo siyang gumagwapo, tapos tumayo na siya, tapos na kasing kumain. Iniligpit ko na.
**
FRIDAY is FOUNDATION DAY!
Everyone is looking forward to this event. Ako? Sakto lang. Ngayong gabi tutugtog ang banda nina Gian.
Madaming events kaninang umaga. Iba't-iba ang palabas ng bawat department. Pero lahat talaga ay naghihintay na mag-gabi, at ngayong hapon na, inaayos na nila ang stage.
"Shane, nagpunta pala dito si Allyna nung isang araw?" tanong saken ni Ara.
"Oo. Yun ngang kasama namin si Alex tapos kumain kami sa labas,"sagot ko.
"Sayang talaga! Eh bakit di namin siya nakita? Or bakit walang nakakita sa kanya?"
Ang sakit talaga ng ulo ko.
"Shane.. ," inaaalog pa ang balikat ko.
"Huh? Ano ulit? Pasensya ka na ha. Masama kasi ang pakiramdam ko,"
Nakaupo kami sa isa sa mga benches sa school. Sa totoo lang, gusto ko ng umuwi kasi masama talaga ang pakiramdam ko.
"Sabi ko bakit walang nakakita kay Allyna dito sa school?" ulit ni Ara.
"Aacchhhooo!"
Grabe. Sinisipon na ako.
"Shane, ok ka lang ba? Dapat uminom ka ng gamot. Bakit ba naman ngayon ka pa nagkasakit kung kelan tutugtog ang asawa mo," pag-aalala ni Faye.
"Oo nga Shane."
"Uminom na ako ng gamot kaninang umaga. Dun naman sa tinatanong mo Ara, sabi mo walang nakakita, eh paano mo nalaman na nagpunta siya dito sa school? Di ko din naman sinabi na nagpunta siya dito diba? At tsaka, naka-disguise kasi siya, so wala nga makakakilala sa kanya," sagot ko.
"Ang gulo mo nga Ara," sabi ni Faye.
"Eh kasi, sabi nung mga estudyante doon, surprise guest pala mamaya si Allyna! Aaaaayyyy!! Ang saya!! Kaya daw nagpunta dito nung isang araw, nakipag-usap sa Dean."
Kaya pala nakapasok siya kaagad sa loob. Hindi naman kasi basta-basta nagpapasok dito sa school eh. May appointment pala siya kay Dean noon.
Teka. Si Allyna? Pupunta dito? Naku, paano na yan? Ang alam nun, girlfriend ako ni Alex. Dapat malaman na niya ang totoo.
**
"For our last song, Breakeven by The Script," sabi ni Gian.
Nakakanta na sila kanina ng tatlong kanta.
Kanina habang papalabas pa lang mula sa backstage sina Gian ay tumitili na ang mga estudyante. Hanggang ngayon na last song na nila, di nagbabago yung energy nila.
"Waaaahhhh!!! Gian!!!"
Nagsisigawan na ang mga tao.
"I'm still alive but I'm barely breathing. Just prayin to God that I don't believe in. Cause I got time while she got freedom."
Yung mga estudyante sumasabay sa kanta, even Ara and Faye.
"Shane, tingnan mo si Bree, kilig na kilig ang bruha, feeling niya siya kinakantahan ni Gian,"sabi ni Ara.
"Oh my God Shane, he's looking at you!" tili ni Faye.
"Faye, wag ka ngang OA. Hindi naman eh--"
Pagtingin ko kay Gian..
Bakit siya tumitingin sakin habang kumakanta??
"What am I supposed to do when the best part of me was always you and what am I supposed to say when I'm all choked up that you're ok."
"Im falling to pieces, yeah, im falling to pieces."
"Ano ka ba? Kanina pa kaya siya tingin ng tingin sayo, pasulya-sulyap nga lang,"sabi ni Faye.
Hindi ko alam kung saan ako babaling ng tingin. Kasi naman, bakit pa kaylangang tingnan ako.
"Look who's here?" sabi nung lalaki. May mga lalaki kasing biglang tumabi samen.
"Alex. Diba ex mo to?" sabi pa nung isa. Tinuro pa ako.
Kung makaturo naman tong isang to, feeling close. Lumapit si Alex. Nang tingnan ko ulit si Gian habang kumakanta, hindi na siya nakatingin sa akin.
"Shane, todo suporta ka sa kanya huh?" tapos tumawa pa.
Todo suporta? Kanino? Kay Gian? Pinagsasabi niya? Bawal na bang manood? Akala ko ba friends na kami, bakit nangaasar na naman siya.
"By the way, gusto ka daw makasama ulit ng kapatid ko. Sabi ko hindi pwede."
"Ha?? Bakit mo sinabi yun?!"
"Bakit? Gusto mo ba? Gusto mo yata talagang mapagkamalan na girlfriend ko."
"Hindi no! Ayoko lang isipin ng ate mo na ayoko siyang kasama. Mabait naman siya."
"Ok. Eh di sabihin mo sa kanya, tutal andito naman siya mamaya."
"Bakit ako?"
"Bakit? Ako ba ang may gusto? Ayoko ngang magpakita sa kanya mamaya eh. Kay Gian ko na siya papasabayin. Pare, tara na nga. Bakit ba tayo nag-aaksaya ng panahon manood niyan. Maginom na lang tayo," yaya niya sa mga kaibigan niya.
"Yeah Men! Let's go!" tapos umalis na sila.
I can still hear the scream of the students especially the girls. Nagpunta na ang banda nina Gian sa backstage.
"Aaaahhh!! Gian!! We love you!!!"
"Gian!!! Gian!!! Gian!!"
Si Bree, kita ko, sobrang tumitili din.
"Hoooooo!!! We want more!"
Si Ara at Faye yun. More? More talaga?
"You want more talaga?" I asked them with curiousity.
"Oo naman! Ang galing galing kaya ni Gian!" sabi ni Ara.
I know. Magaling talaga siya. Nakakainis. Bakit ba siya tumitingin sa akin kanina habang kumakanta? Nakaka-inlove tuloy.
Wait. Did I just say, nakaka-inlove? That's gross. Hindi Shane, hindi ka in-love sa kanya. Kalokohan ang ma-inlove ng dahil sa kinakantahan ka niya, at tsaka baka nagkataon lang na sa bawat tingin ko sa kanya eh nakatingin din siya saken. Psh.
"We want more talaga, dahil gusto pa namin siya makita. Don't tell me, nagseselos ka. Sorry naman friend, hayaan mo ng pagpantasyahan namin ang asawa mo kahit ngayong gabi lang. Hahaha."
Pagpantasyahan daw? Selos? Ako? Why should I? Hindi ako nagseselos noh. Kahit pa dito na yan magdamag, wala akong pakialam.
"Aaaachhhoo! Guys, hindi ko na talaga kaya, masama na pakiramdam ko."
"And now, our guest for tonight.. ALLYNA!!"
Ayun! Mas nangibabaw na ang scream ng mga boys!
"OOoooohhh! ALLYNA!!"
She's really pretty. She's tall, but unlike Gian, brown ang mata niya. I noticed it nung kumain kami nina Alex.
Then all I know is she is now singing.
"Let's go all the way tonight. No regrets, just love. We can dance..."
"Aaaaachoo! Faye, Ara, I think I have to go home. Sumasakit na talaga ang ulo ko,"sabi ko kina Ara.
"You make me feel like I'm living a teenage dream, the way you turn me on..."
"Ha?? Pero.. Bakit hindi mo na lang hintayin si Gian? Sumabay ka na lang sa kanya, baka hindi mo na kayang mag-drive," pag-aalala ni Faye.
"Kaya ko pang mag-drive, ano ba kayo. Tsaka, hindi nga ako pwedeng sumabay kay Gian. Sige na, aalis na ako," paalam ko.
"We drove to Cali, and got drunk on the beach. Got a..."
"Shane!" tawag pa nina Faye. I looked back and wave goodbye, then I keep on walking, and Allyna keep on singing until makarating ako sa kotse ko.
Kung kaya ko lang, hindi pa ako aalis kasi gusto ko din namang mapanood si Allyna pero masakit na talaga ang ulo ko.
"Sigurado ka ba madaming chicks sa bar na yon?"
Pagtingin ko sa mga kotseng nakaparada, andun sina Alex at ang mga kaibigan niya.
"Oo naman! I've been there twice!" sagot nung isa.
"Shane??" si Alex. Obviously, he saw me. Napatapat kasi ako sa ilaw. "Bakit ka nandito? Aalis ka na ba? Akala ko pa naman todo suporta ka dun. Hahaha"
Wala akong panahong makipag-asaran kay Alex. "Uuwi na ako. Masama kasi ang pakiramdam ko. Sige," at sumakay na ako sa kotse.
Pinaandar ko na ang sasakyan. Kasunod ko na pala sina Alex. Papunta na siguro sila doon sa pinag-uusapan nilang bar.
I keep on driving until..
BBBLLLLAAGGGG!! CCRRRRAAAAASSSSHHHH!!