noveltoon logo noveltoon
Marry Me

Chapter 15

Ch. 15 / 38 Apr 09, 2022

Shane

"Tara na. Ihahatid na kita. Hindi ka pwedeng mapuyat. Hindi pwedeng mapuyat ang bride ko,” sabi ni Gian.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Ang sarap palang pakinggan. Bride niya. Im his bride.

He smiled at me. Nakita ko yung dimples niya. Yes. May dimples siya. Hindi ko lang pinapansin dati kasi hindi naman ako interesado sa kanya, pero ngayon, it turns me on. Gwapo nga siya. Now I cant blame Ara and all other girls na nagkakagusto sa kanya, basta wag niya lang akong susupladuhan kung hindi turn off na ulit ako.

Hinatid na niya ako sa bahay.

Nadatnan ko sina Papa at Mama sa sala.

"Shane, anak,” tawag ni Papa. Lumapit ako.

"Gusto kong humingi na paumanhin sa lahat..." sabi ni Papa.

Paumanhin? Para saan? Nakikinig lang ako.

"...I know this is really hard for you pero tinanggap mo..." pagpapatuloy ni Papa.

Eh wala naman kasi akong choice. Si Papa talaga.

"..I just want you to know na mahal na mahal ka namin ng Mama mo. Ngayong mag-aasawa ka na, maaaring sa ngayon ay mahihirapan pa kayong mag-adjust but we believe that everything will be alright."

"Bukas na ang kasal mo, itinapat talaga yun sa birthday mo, para maging legal na,” sabi ni Mama.

Oo nga pala. Bukas din ang debut ko. Hindi naman ako naghahangad ng bonggang party, para san pa? Eh para saken, magbabyebye na din naman ako sa pagkadalaga ko. Hindi na ako excited.

"Alam ko, nangako ako sayo noon na bibigyan kita ng magandang party, nalulungkot ako na hindi ko ata matutupad yun,” sabi ni Papa.

Minsan gusto kong mainis. Kasi mula ng magkaroon ng issue ng kasal kasal na to, lahat nagbago. Lahat.

Sa totoo lang, hanggang ngayon, hindi pa din ako makapaniwala na ikakasal na ako bukas. Magiging misis na ako. Tama naman talaga si Gian, hindi pa ako pwedeng mag-asawa. Pero noong binanggit niya ang mga salitang bride niya ako, ewan ko, may naramdaman akong kakaiba.

"Pa, hayaan nyo na yun."

"Gusto kong malaman mo na para sa ikabubuti mo tong ginawa ko. Lagi mong tatandaan yan,” sabi ni Papa.

Para daw sa ikabubuti ko. Asan? Bakit di ko makita? Alin? Ang magpaalam ng maaga sa pagkadalaga ko? Ang magmukhang tanga sa harap ni Gian ng malaman niyang hindi ako marunong magluto? Ang makisama sa isang tulad ni Gian na bipolar na sobrang suplado na minsan sweet to the point na di ko na maintindihan ang ugali? Ang hindi maranasan ang true love?

Yung ibang magulang nga sobrang higpit sa mga anak na babae kasi baka makapag-asawa ng maaga, pero sina Papa, hay, ewan.

Naiiyak na naman ako. Buti na lang andito na ako sa kwarto, para kahit mag-emote man ako, walang makakaalam.

Ayoko pang mag-asawa. Ayoko pa talaga. Ang dami ko pa kayang gustong gawin sa buhay ko.

Ano kaya kung tumakas na lang ako? Kung hindi ko kaya sila siputin bukas? Tapos lalayo na lang ako.

Pero syempre joke lang yun. Hindi ko kayang gawin sa pamilya ko yun.

**

Maaga akong nagsing kinabukasan. Di naman ako excited.

Kinapa ko sa ilalim ng unan ko ang aking cellphone.

2 new messages. 5 missed calls.

From: Faye

|Happy bday friend! Best wishes! I love you.|

From: Ara

|Ayan. Mapapasayo na talaga si Gian. Ingatan mo ang crush ko ha. Happy birthday! Muaaah|

Yung missed calls, yun din galing din sa kanilang dalawa.

"Shane, bangon na, male-late tayo sa kasal mo,” narinig kong sigaw ni Mama.

Bumangon na ako. Naligo at isinuot ang damit. Its a white dress. Simple lang siya. I looked myself in the mirror.

Awesome!

Ang ganda naman ng babaeng nasa salamin. I wear my best smile.

Nang makarating kami, andon na sina Gian. Ok, ang gwapo niya. Hindi pa yan nakangiti. Nakatingin siya sa akin. Kinabahan ako bigla. Ano ba yan? Ano kayang iniisip niya? Kinakabahan din kaya siya?

Pwede bang tumakbo na lang? Kaso hindi eh. I guess there is no turning back now.

Nagsimula na din ang ceremony.

Katabi ko na si Gian. Ang nandito lang sina Mama, Papa, Lolo Enrique tsaka Daddy ni Gian.

"We are gathered together here in the presence of these witnesses to join this man and this woman in matrimony. If anyone can show just cause why this man and woman may not lawfully be joined together, let them speak now or hereafter remain silent."

Ang tahimik ng paligid. We exchanged our vows as huband and wife tapos yung wedding rings.

" I pronounce you as husband and wife. You may now kiss the bride,” sabi nung Mayor at…

Nagulat naman ako, bigla bigla na lang nanghahalik tong si Gian!

He just kissed me on my lips. Teka, bakit parang may something, ang lakas ng tibok ng puso ko. Mga 5 seconds din yung kiss.

"Ladies and gentlemen, may I present, Mr. and Mrs. Santillan!"

Lahat nagpapalakpakan. Lahat nakangiti. Lahat masaya. Tiningnan ko si Gian, lagot to saken mamaya.

Pero syempre nakasmile din ako. Para kuwari masaya nga lahat. Si Gian, nakangiti din, pero feeling ko, feeling ko lang ha, peke din ang ngiti nyan, naku.

Sa reception, kami-kami lang din. Ang daming foods. Sobra! Eh ang unti lang naman namin. Paano kaya yun mauubos?

Si Lolo Enrique, hindi talaga mapawi yung ngiti niya. Parang naka-stapler na ata ang ngiting yun. Sabagay, eto naman kasi talaga ang gusto niya.

Ako? Eto, pinipilit kumain. Imagine, I am now a Santillan, dala dala ko na ang surname ni Gian. Kung sa ibang babae, naku, magtatalon sigurado sa tuwa, pero ako, hay ewan. Bahala na. Andito na eh. Wala na akong magagawa.

"Saan nyo ba gustong maghoneymoon. Sagot ko ang lahat ng expenses?" tanong ni Lolo.

Pagkarinig ko nung honeymoon, namula ata ako. Basta nag-init ang mukha ko.

Lolo naman, wala namang ganyanan. Mukhang excited na nga yata talagang siyang magka apo. Waaaaahh!!

"Saan niyo ba gusto? Sa Paris? Italy? O Hawaii?" dugtong ni Lolo.

"Pag-uusapan na lang po namin ni Shane yan Lo,” sagot ni Gian.

Ang luho naman. Grabe. Sila na nga mayaman.

"Yung mga gamit mo Shane, naipadala na namin sa lilipitan nyo. Sigurado sa mga oras na to, andun na yun,” sabi ni Papa.

"Ganun din ang sayo Gian, kaya pagkatapos ng reception na ito doon na kayo tutuloy,” sabi ng Daddy ni Gian.

May tinawag si Lolo na tao, lumapit ito at may iniabot kay Lolo.

"Shane, apo, Happy Birthday!! Tanggapin mo ito,” iniaabot niya sa akin yung rectangle na box. When I opened it…

A set of jewelries? Nagkikislapan pa. Sigurado ako mamahalin to. Si Lolo pa!

"Lo, this is too much--,”

"No. You deserve it. Apo na din kita. I will give you nothing but the best,”

Napangiti akong talaga. Sino bang babae ang aayaw sa regalong to?

"Gian, eto naman ang regalo ko sa inyo,” may iniabot si Lolo. Susi na naman??

"Pero may regalo na po kayo diba?" sabi ni Gian.

"That's just one of my gifts. Susi yan ng kotse. Nasa bahay nyo na din."

Ang dami talagang surprises. Sa isang salit nagbago ang buhay ko at alam ko simula pa lang to.

**

After ng reception, doon na nga kami nagtuloy ni Gian sa bago namingbahay. Sakay kaming dalawa sa kotse niya. Hapon na din yun.

On our way, may iniabot siya sa aking kahon.

"Gift ko sayo. Happy birthday!" thoughtful naman pala siya.

"Thanks,” I opened it. It was a pink rubber shoes.

Paano niya nalamang pink ang paborito kong kulay?

Ah, baka nagkataon lang. Syempre, babae ako, kaya pink. Sana lang kasya saken to.

Pagkadating namin. Nakita ko yung new car na gift ni Lolo. Nakaparada sa garahe. A red one.

Sayang, sana color pink din. Hahaha!

Yung mga gamit namin ni Gian, nasa baba pa. Kami na ang maglalagay sa kwarto. Pinili ko yung kwartong pinakamalapit sa hagdan. May katapat din yung isa pang kwarto, tapos kapag diniretso mo yung hagdan, yung yung Master's Bedroom.

May dala na akong mga gamit ko pag-akyat. I was about to open the door ng magsalita si Gian.

"Yan na talaga ang kwarto mo?" nasa likod ko lang pala siya.

"Yeah. Why?"

"Ok. Dito na lang ako sa katapat na kwarto mo."

"Akala ko gusto mo dun sa Master's Bedroom?" pagtataka ko.

"Ayoko. Ayaw mo naman eh,” sabay pasok na niya sa katapat na kwarto ko.

Ano daw? Ayaw daw niya dahil ayoko? Anong connect?

Pumasok na ako sa kwarto at inayos ang mga gamit ko.

Humiga ako sa kama. Hay! Ang sarap matulog.

Paggising ko, tiningnan ko ang oras.

9:05pm

Bumangon ako para bumaba. Nagutom kasi ako bigla.

Pagbaba ko, nagdiretso agad ako sa kitchen. Mabuti may pagkain.

Ang sarap naman ng adobo na to. Saan kaya to binili ni Gian?

Si Gian???!

Napatayo ako.

"Gian?" tawag ko sa kanya.

Umakyat ako sa kwarto niya.

Pagbukas ko ng pinto, wala namang Gian.

"Gian.."

Nagpunta ako sa likod ng bahay, wala din. Sabagay, ano naman kayang gagawin niya sa likod-bahay ng ganitong oras, diba?

Nagpunta ako sa may labas, pero napansin ko wala ang kotse niya. San siya nagpunta?

Pagbalik ko sa loob, iinom ako ng tubig tapos nakita ko may note na nakalagay sa ref. From Gian, may gig daw siya ngayon.

Grabe naman. Talagang iniwan niya ako dito sa bahay ng mag-isa? Wala ba siyang concern saken?

Pwes bahala siya. Ila-lock ko ang pinto. Matulog siya sa labas!

Bumalik na ako sa kwarto ko.

**

Umaga na ng nagising ako. May pasok pa nga pala. Naligo na ako at pagbaba ko, nakita ko si Gian, nakahanda na ang breakfast.

Pano to nakapasok??

Ah, may susi siguro siya.

Pagkatapos naming kumain, syempre ako naghugas ng pinggan.

Siya nagluto eh. Siguro siya rin nagluto ng adobo kagabi.

"O,” may inabot siya sa aking susi.

"Ano to?"

"Baka susi.” Aba pilosospo to ah!

"Alam ko, bakit mo binibigay sa akin to. Ako magddrive??"

"Oo."

"Aba sineswerte ka, ano ako? Driver mo?"

"Wala akong balak na kunin kang personal driver, yung bigay na kotse ni Lolo, yun ang gamitin mo sa pagapasok sa school. Hindi ka pwedeng sumabay sa akin"

Yabang ha! Oo na. Ikaw na nga ang hearthrob at ako ay isang hamak na mortal lamang! Pwes ayoko din namang sumabay sa kanya. Sungit! Suplado!

"Marunong ka namang magdrive diba?"

"OO naman!" pagyayabang ko din. Ba! Kala mo ha! Pero ang totoo, di naman talaga ako masyado marunong, pero kaya ko, at sapat na yun para hindi ko makasabay sa pagapasok ang supladong to!

"Ok. Good. Aalis na ako. Ligpitin mo yan ha."

Bwisit! Galing mag-utos! Che!

**

Pumasok na din ako, gamit ang aking, AKIN talaga. Hahaha brand new car!

Lahat ng nakasabay ko sa pagpapark at yung mga estudyanteng andun namangha sa kotseng pumarada. Hindi pa ako bumababa niyan. What more pag bumaba na ako.

I opened the door.

Ganyan ang mata nilang lahat. Sabi ko na eh mas magugulat ang mga to. Kasi naman, ang isang mamahaling sasakyan ay dala ng isang Shane Sandoval lamang?

Naglakad na ako, pero di maiiwasang may marinig akong bulungan.

"God! Paano siya nakabili ng ganyan?" sabi nung mga mean girls don.

"Oo nga. Baka naman, may binenta siya.. You know?! Hahaha!"

Aba't. Pero sorry. Di ako pumapatol sa ganun. Mabait ako eh. Iyakin pa nga. Kaya di ko pinapansin yang mga ganyan.

Nagdiretso na ako sa classroom ko. Nakasalubong ko pa nga si Gian. Pero wala. Deadma with a capital D.

Kulang na lang sabihin ko,” Hi! Di mo ba ako natatandaan? Magkasama lang tayo kanina. Im your wife, remember?”

Pero wala eh. Suplado talaga.

Pagkaupong pagkaupo ko, nilapitan kaagad ako nina Ara.

"Congrats!" bati nung dalawa.

"Thanks!"

"Finally! Mrs. Santillan ka na!"

Tuwang tuwa si Faye, kung maka-finally naman to akala mo eh matagal ko tong hinintay.

"Sssshh,” sabi ko with hand gesture pa. "Wag mo ngang banggitin yan. Baka may makarinig sayo. Lagot na."

"Bakit? Ayaw bang ipaalam ni Gian?"

Nalungkot ako bigla.

"Ewan ko dun. Ayaw nga akong pasabayin sa pagpasok eh."

"Ganun? Balita ko, kaw daw may dala nung brand new red car ah?" sabi ni Ara. "Sayo yun??"

"Hindi. Amin ni Hubby yun."

Tinaasan pa talaga ako ng kilay ni Faye. "Hubby? San galing yun? Ano yun? Endearment nyo ni Gian? May ganun agad? Ang sweet ha!"

Hubby? San nga ba galing? Eeehh? Basta na lang lumabas sa bibig ko eh.

"Ah. Ehh. Hindi. Hubby. Short for husband. Para di na natin mabanggit ang name niya. Mahirap na noh. Ayokong matsismis?"

"Matsismis na ano? Na girlfriend? Na asawa ni Gian? Eh totoo naman!"

"Ssssshhh. Wag sabing maingay."

"Oo na. So kelan mo naman kami papasakayin sa new car mo?" tanong ni Ara.

Bakit excited si Ara, eh madami naman silang sports car. Sumasali kasi sa karera kuya niya.

"Ay ako, hindi ako interesado sa pagsakay sayo, Shane,” sabi ni Faye.

Siya naman ngayon ang tinaasan ko ng kilay. "Bakit naman?"

"Nakalimutan mo na ba? Nung ginamit mo ang kotse ng daddy mo, muntik na tayong maaksidente. Ayoko na noh. Di ka naman marunong magdrive."

Oo. Naalala ko na yun. Buti na lang nakapagpreno ako nun, kung hindi sa ospital kami lahat pupulutin.

"Sus. Kung di ako marunong, bakit ako nakarating dito. Tiwala lang."

"Yun na nga. Pagdating sa pagmamaneho, wala akong tiwala sayo."

Aray naman. Tinawanan lang kami ni Ara.

"Mas pipiliin ko pang sumakay kay Dave kesa sayo,” sabi ni Faye with a smile.

"Eh di lumabas din. May crush ka talaga sa kuya ni Ara noh?"

"Ah. Eh. Crush lang naman eh. Ang cute kasi"

"Hahaha. Crush mo pala ang kuya ko?! Hahahaha! Dont worry, gusto kita para kay Kuya. Gusto mo ilakad pa kita don eh!"

"Talaga???!!!"

Sabi ko na nga ba eh. May crush tong si Faye dun sa kuya ni Ara eh, yung car racer. Well, cute nga yun. Bagay sila, infairness.

"Eh Shane, kamusta naman ang honeymoon ninyo?" tanong ni Ara.

"Bakit ka nagblush??"

"Anong honeymoon? Walang honeymoon noh. Iniwanan nga lang ako ng lalaking yun kagabi eh"

"Ay. Bakit?"

"Ewan ko. May gig daw siya kagabi eh."

"Ano ba yan? Mas pinili pa ni Gian ang gig niya kesa sa asawa niya. Hindi ka naman na-disappoint kagabi?" tanong ni Ara.

"Bakit naman ako madidisappoint? Dapat na akong masanay na ganun. Hindi naman talaga kami mag asawa eh. Sa papel lang yun."

"Sa papel man o hindi, basta legal, mag-asawa na rin kayo,” sabi ni Faye.

"Eh what if your hubby will ask you to do that?"

"No way! Over my drop dead gorgeous body!"

"Lalaki pa rin yun. Hala ka!" Aba at nanakot pa tong si Ara.

"Humanda ka na Shane,” isa pa tong si Faye.

"Ah. Ano. S-sisigaw ako ng ano.. Ng r-rape!! Oo. Tama sisigaw ako ng rape pag nagtangka siya."

"Ahahaha. Rape?? Nagpapatawa ka ba? Mag-asawa kayo kaya normal yun. Ahahaha!"

"Good morning class..."

Tawanan ba?! Parang di mga kaibigan tong mga to. Hmp. Ah basta. Walang mangyayari. Wala. Wala.

"WALA!"

Nakup! Patay!

"Ms. Sandoval, are you alright?" tanong ng prof ko. Ang engot ko. Bakit ba ako sumigaw?

Tiningnan ko sina Ara and they gave me a why-the-hell-did-you-scream look.

"Ah. Im ok Mam. Sorry."

"Ok. Let's proceed.."

**

At the Cafeteria..

"Anong drama yun Shantelle? Bakit may pagsigaw-sigaw ka pa kanina?"

Lumapit sa aming tatlo si Britanny. Sino si Britanny? She's a nobody.

Di, joke lang. Isa siyang cheerleader. Maganda, maputi, sexy at magaling magsayaw. Leader ng campus so-called "Mean Girls". Teka, nabanggit ko ba na mataray din yan, a bitch sometimes, no, palagi pala. She's also a flirt. She has a huge crush at Gian, well, halos lahat naman at higit sa lahat she wants to ruin my life na hindi ko naman alam ang dahilan.

Sa dalawang subject ko lang yan kaklase, pasalamat na ako dun at least dalawa lang.

"Ano bang problema mo Britanny?! Inaano ka ba ni Shane? Pwede ba kayong Mean Girls kayo, lubayan ninyo nga si Shane. Wala na ba kayong magawa sa buhay ninyo?!" singhal ni Ara, palaban yan!

Ako. Di ko sila tinitingnan. Diba nga sabi ko di naman ako pumapatol sa ganyan.

"Palibhasa gusto mo lang talagang gumawa ng eksena,” sabi pa ni Britanny.

"Eh kung naiinggit ka, eh di sana sumigaw ka din. Bukas try mo sumigaw ha? Yung mas malakas,” sabi ni Ara.

Pinipigil lang namin ni Faye ang tawa namin.

"Hmp. Let's go girls,” yaya ni Britanny sa mga alalay niya.

Yung pinipigil naming tawa ay lumabas pagkaalis nila.

"Uy, diba si Gian yun?" sabi ni Faye at napatingin naman ako sa direksyong tinitingnan niya.

Andon nga si Gian, bigla siyang nag-iwas ng tingin ng makita niyang tinitingnan namin siyang magkakaibigan. Tumayo na din siya. Narinig namin na tinatawag siya ng mga kasama niya, ng kanyang mga kabanda.

"Gian! Saan ka pupunta?"

"Uy! Gian. Bumalik ka dito!"

Pero dire-diretso lang siya sa paglalakad. Uuwi na ba siya? Wala na ba siyang klase? Ako, wala na. Sundan ko nga.

Tumayo din ako at lumabas ng Cafeteria.

"Shane, saan ka pupunta?" sigaw ni Ara.

Asan na ba yun? Ang bilis namang maglakad palibhasa matangkad siya.

Nanghahaba na ang leeg ko sa pagtanaw kung nasaan na si Gian and finally I saw him, naglalakad pa rin.

"Gian!"

Hindi siya lumingon. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Ganun din ako.

"Gian!! Ano ba? Di mo ba ako narinig? GIAN!"

Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin. Pinagtitinginan na naman kami ng tao. Andito na kami sa parking lot.

"WHAT??!"

O? Bakit siya sumisigaw? Para tinatawag ko lang naman siya ah.

Lalo tuloy nagtinginan sa amin ang mga estudyante kasi sumigaw siya.

Natameme naman ako, parang napapahiya na ako. Bakit ba kasi ako kailangang sigawan??

"Ano? Tatayo ka na lang ba dyan?"

"Ah. Eehh itatanong ko lang sana kung uuwi ka na ba?"

Ang totoo niyan itatanong ko sana kung bakit niya ako iniwan kagabi at kung pwede sana wag na niyang uulitin yon pero natameme ako. Nakakatakot pala siya kapag sumisigaw.

Lumapit siya at may ibinulong sa akin.

"Wala naman sa usapan natin na papakialaman natin ang isa't isa diba, at tsaka diba may kotse ka na. Kaya hindi kita kailangang isabay."

Pagkasabi niya noon, umalis na siya. Naiwan akong nakatayo at parang tanga.

"Hahaha. Trying hard kasi magpapansin kay Gian! Ayan, iniwan tuloy! Hahaha,” sabi nung isang babae sa tabi.

"Eh kasi naman, sobra kung mangarap. Nagkaroon lang ng bagong sasakyan akala yata niya eh papansinin na siya ni Gian. Eh hello! Mayaman kaya sina Gian! Hahaha!"

Hindi ko na kayang marinig ang sasabihin nila kaya umalis na lang ako at nagdiretso sa C.R. Napansin ko na lang na tumutulo na ang luha ko.

Ito ba ang sinasabi ni Papa na para sa ikabubuti ko? Binigyan niyo ako ng isang asawang napakasama ng ugali.

I hate him! I hate Gian! Pinunasan ko na ang mga luha sa pisngi ko.

Kahit na wala na akong klase, umuwi ako ng bahay ng 7:00 pm. Syempre dun sa bahay namin ng suplado kong asawa.

Kumain muna kami nina Ara sa labas, pagkatapos ay umuwi na nga ako.

Nakita ko si Gian na nasa salas. Dire-diretso lang ako sa pag-akyat ng hagdan.

"Bakit ngayon ka lang? Saan ka galing?"

Hindi ako sumasagot. Bubuksan ko na ang pinto na hawakan niya ang braso ko.

"Bitiwan mo nga ako!"

"Tinatanong kita kung saan ka galing? Alam mo ba kung anong oras na?!"

"Eh ano bang pakialam mo? Diba ikaw na ang nagsabi na wala naman tayong pakialaman so shut up!" at isinara ko ng malakas ang pinto.

"Shane! Buksan mo to. Let's talk,” sigaw niya habang kumakatok.

Magusap ka dyan mag-isa mo! Matapos mo akong itrato kanina na parang di tayo magkakilala. Manigas ka dyan!

"Shane, ano ba?! Buksan mo to sabi eh!"

Patuloy pa din siya sa pagkatok sa pinto.

"Shane, kumain ka na ba? Tara na kumain. Hinihintay kita kanina pa."

Tapos ngayon yayayain niya akong kumain na parang walang nangyari. Ayos din siya ah. Gggrrr.. Mas nakakainis. Eh di kumain siya! Kaya naman niyang kumain mag-isa ah. Anong gusto niya? Susubuan ko pa siya?! Aba, sineswerte!

Humiga na lang ako sa kama at nagtaklob ng unan.

"Shane, sorry na. Hindi ko naman sinasadya yung kanina eh. I have reasons kaya ko nasabi yun. Sorry na."

This time, hindi na siya sumisigaw.

Ano daw? Sorry? Tama ba ang narinig ko? Si Gian nagsosorry?

Hmp. Kahit na. Hindi mo ako madadaan sa isang sorry lang. Ang sakit kaya nung kanina. Napahiya ako dun.

"O sige, kung ayaw mo akong kasabay sa pagkain. Ok lang. Basta bumaba ka na. Kumain ka na ha," tapos narinig ko na lang na nagsara na yung pinto sa kwarto niya.