noveltoon logo noveltoon
Lesbi In Love

Special Chapter

Ch. 32 / 32 Apr 09, 2022
Prev Next

Special Chapter

SPECIAL CHAPTER

S

I ROSS ang tipo ng lalaki na mahal na mahal ang mommy niya. Mama’s boy ang tawag nga sa kanya noong nasa elementarya pa siya. Hindi naman siya naiinis kapag tinatawag ng ganoon ng mga kaklase niya. Totoo naman kasi iyon. Saka kahit kailan, hinding-hindi niya ikakahiya sa kahit kanino na mahal na mahal niya ang kanyang mommy.

Habang lumalaki si Ross, labas-masok naman sa ospital ang mommy niya. Mahina kasi ang katawan nito dahil may sakit sa puso. Ross thought that his mommy was going to be fine. Masyado pa kasi siyang bata noon para maintindihan ang totoong kalagayan ng ina. Kaya nang biglaang pumanaw ang mommy niya, he was shocked. Siya ang pinakanasaktan sa lahat. Hindi niya matanggap.

One week after madala ang mommy niya sa huling hantungan, nagbago si Ross. Iyong dating Ross na palaging masayahin at palatawa, naging tahimik at malungkutin. Hindi na siya nagsasalita. Palagi na lang siyang nakatitig sa kawalan. Hindi niya talaga matanggap na iniwan na siya ng mommy niya.

Hindi alam ng daddy ni Ross kung ano ang gagawin sa kanya. Dinala na siya sa psychiatrist pero wala pa rin. He even underwent sa ilang counseling pero wala pa ring nangyari. Hindi pa rin bumabalik si Ross sa dati niyang ugali. Nanatili siyang tahimik at walang pinapansin na kahit sino. Palaging tulala dahil siguro hindi pa niya nailalabas ang mga luhang dapat inilabas noong mamatay ang mommy niya.

Eksaktong pitong araw na noon nang mawala ang mommy ni Ross. Nakatambay siya sa isang park na malapit sa subdivision na kanilang tinitirahan. Doon sila palaging pumupunta ng mommy niya noon. Ayaw niya sanang pumunta roon dahil nasasaktan siya, pero iyon lang ang tanging lugar para maaalala niya ang ina. Iyon lang din ang nag-iisang lugar na nagpapakita na hindi pa siya talaga tuluyang iniiwan ng mommy niya.

Inilibot ni Ross ang paningin sa buong park habang nakaupo sa lilim ng isang puno. Nakikita niya ang ibang tao na masaya. Punong-puno ng kaligayahan. Naisip niya na ang unfair ng buhay. Bakit ang ibang tao ang saya-saya ngayon habang siya, nahihirapan dahil wala na ang mommy niya? Gusto niyang magalit. Gusto niyang magwala. Gusto niyang umiyak pero hindi niya magawa.

Natigil lang ang mga iniisip ni Ross nang may bolang mapunta sa paanan niya. Pagtingin niya, may nakita siyang isang batang babae na nakaayos panlalaki. Nakasuot ito ng T-shirt na panlalaki at maong na shorts. Nakasombrero rin ito na kulay-puti. Hindi nakatakas sa pansin ni Ross ang mahabang buhok ng batang babae. Ang mahabang buhok na yata ng batang babae ang pinakamagandang buhok na nakita niya.

“Hoy, bata!” Sumigaw ang babae.

“Ha?” naguguluhan niyang tanong.

“Bingi ka ba? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?”

Umiling si Ross. “Hindi, eh. Ano ba ang sinabi mo?”

Napaikot ng mga mata ang batang babae. “Bingi ka nga. Akin na `kako ang bola.”

Kinuha niya ang bola, saka inihagis dito.

“Naks. `Galing magpasa ng bola, ah. Naglalaro ka ba ng basketball?”

Umiling si Ross.

“Eh, ano’ng nilalaro mo?”

“Baseball.”

“Baseball? Pangit `yon. Dapat mag-basketball player ka. Iyong kuya ko, adik sa basketball, eh,” sabi ng batang babae. “Sandali lang, ha. Ibabalik ko lang `tong bola.”

Tiningnan lang ni Ross ang batang babae habang tumatakbo ito pabalik sa mga kalaro nito. Ibinalik lang nito ang bola, saka tumakbo uli pabalik kung nasaan siya.

“Paupo, ha?” tanong ng batang babae at umupo agad sa tabi niya. “Nakakapagod maglaro. Ikaw, ayaw mo bang maglaro? Sali ka sa `min.”

Umiling lang si Ross.

“Bakit ang tahimik mo? Mahiyain ka ba?”

“Hindi.”

“Eh, bakit ang tahimik mo?” nagtatakang tanong ng batang babae. “Tuwing nakikita kita dito, palagi kang nakangiti, eh. Palagi mo pa ngang kasama ang mommy mo. Teka, nasaan na pala ang mommy mo? Bakit mag-isa ka lang pumunta dito ngayon? `Di ba, palagi mo siyang kasama dito sa park?” Nagpalinga-linga pa sa paligid ang batang babae at parang may hinahanap.

Nalungkot ang mukha ni Ross. Hindi alam kung paano sasagutin ang tanong nito.

“Wala na si Mommy ko,” sagot niya at ngumiti. Ngumiti siya kahit ayaw naman niyang ngumiti. Ang weird nga lang dahil kahit nawala ang mommy niya, hindi niya kayang umiyak. Parang may pumipigil sa kanya. Kaya ngayon nagtataka siya dahil bakit parang gusto niyang umiyak sa harap ng batang babae. Hindi niya alam ang isasagot sa sarili.

“Hindi mo kailangang ngumiti,” sagot ng batang babae.

Nawala ang matipid na ngiti ni Ross nang marinig ang sinabi ng batang babae. Seryoso itong nakatingin sa kanya, nakatingin sa paraang parang alam na alam nito ang tunay na nararamdaman niya.

Napaiwas ng tingin si Ross dahil pakiramdam niya, lalabas na ang mga luhang hindi niya mailabas-labas. Pero ayaw naman niyang umiyak. Pakiramdam niya kasi, tatawanan siya ng batang babae. Pakiramdam niya, kapag umiyak siya, aasarin siyang napakaiyakin niya.

“Sige lang, umiyak ka lang. `Di kita tatawanan,” sabi ng batang babae. “Dali, habang wala pang tao sa paligid natin. Baka nahihiya kang umiyak dahil naiisip mo na baka may makakita sa `yo, eh. Tatakpan kita habang umiiyak ka. Para walang makakita sa `yo.”

Takang-taka siya habang nakatingin sa batang babae na nagpapalinga-linga uli sa paligid. Hindi ba nito alam na kaya ayaw niyang umiyak ay dahil dito? Pero mukha ngang wala itong ideya dahil abala sa pagtingin sa paligid. Hindi tuloy niya mapigilan na matawa.

“Ano’ng tinatawa-tawa mo diyan? Tinutulungan ka na nga, eh.”

“Wala naman. Nakakatuwa ka lang kasi, eh.”

“Natutuwa ka sa `kin?” tanong ng batang babae kaya napatango siya. “Hoy, bata. `Wag kang mai-in love sa `kin, ha. Hindi puwede.”

Nagulat si Ross sa sinabi nito. Huwag daw siyang ma-in love? Ha? Hindi niya iyon naisip pero hindi niya maiwasang magtaka.

“Bakit naman hindi puwede?” tanong niya.

Inayos ng batang babae ang suot na sombrero. “Kasi tomboy ako.”

“Tomboy?”

“Oo. Hindi mo alam iyon? Tomboy. Ibig sabihin, babae rin ang gusto ko. Kaya `wag kang magkagusto sa `kin kasi hindi tayo talo. Masasaktan ka lang.”

Hindi napigilan ni Ross na matawa. Tumawa siya nang tumawa hanggang sa sumakit ang tiyan niya. Iyon ang unang beses niyang tumawa nang ganoon mula nang mawala ang mommy niya.

“Ano’ng nakakatawa? Loko ka, bata, ah!” yamot na sabi ng batang babae.

“Bakit mo kasi nasabing tomboy ka?”

“Gusto ko lang. Ayoko na maging babae, eh. Kapag babae kasi, iyakin. Kapag tomboy ako, malakas na ako. `Di na ako masasaktan.”

“Ang lalim mo namang magsalita. Teka, ilang taon ka na ba?”

“Eleven years old. Ikaw?”

“Twelve years old na ako.”

“Ah,” napatango-tango ang batang babae. “Pero `wag mong ibahin ang usapan. Umiyak ka na kung gusto mo. Sabi sa `kin ng kuya ko, hindi masamang umiyak. Noong namatay si Mama ko noon, umiyak ako nang umiyak. Tumutulo pa `yong sipon ko.”

Nagulat si Ross. “Wala na rin si Mama mo?”

Tumango ang batang babae. “Oo. Eight years old pa lang ako nang namatay si Mama ko. Ang bata ko pa masyado noon, `di ba? Kaya umiyak talaga ako nang umiyak. Mahal na mahal ko kasi siya.”

Natahimik siya at napayuko. Hindi niya akalaing parehas pala sila na wala nang mommy. Nasa ganoon siyang posisyon nang maramdaman ang kamay ng batang babae sa ulo niya. Hinihimas nito ang ulo niya na katulad ng palaging ginagawa ng kanyang mommy.

“Umiyak ka na. Hindi kita tatawanan, promise. Ang mga tomboy, hindi tumatawa kapag may nakikitang tao na umiiyak. Sabi kasi ng kuya ko, ang pag-iyak daw, isang sign na masyado nang nahihirapan ang isang tao. Ang talino ng kuya ko, `di ba? Teacher kasi siya, eh.”

Hindi na nakasagot si Ross dahil nagsimula nang magtubig ang mga mata niya. Gusto niya sanang pigilan ang mga luhang nagbabadyang lumabas pero hindi na niya kaya. Tumulo na iyon nang tumulo habang patuloy na hinihimas ng batang babae ang ulo niya. Masyadong komportable ang nararamdaman niya kaya lalong lumabas ang mga luha niyang matagal na naipon.

Nasa ganoon silang posisyon nang magsalita ito.

“`Wag kang mag-aalala, bata. Kasama na ni God si Mommy mo. Kahit wala na siya, hindi ka niya papabayaan,” sabi nito habang nakangiti.

Iyon na ang una at huling beses na nakausap ni Ross ang batang babae na lalaki kung manamit. Hindi na niya kasi ito nakita sa park sa mga sumunod na araw. Nalulungkot siya dahil hindi man lang niya naitanong kung ano ang pangalan nito. Hindi niya rin nalaman kung saan ito nakatira. Gusto niya pa sana uli itong makita. Gusto niya uling makita ang ngiti ng batang babae.

Ang weird lang dahil kahit twelve years old pa lang si Ross noon at sinabi sa kanya ng batang babae na huwag na huwag siyang mai-in love rito, mukhang tinamaan siya. Mukhang na-in love nga talaga siya. Ang bata pa niya nang mga panahon na iyon pero alam niya sa sarili na na-in love na talaga siya.

Na-in love siya sa babaeng iyon na tinatawag na tomboy ang sarili.

The first love is the kind of love that’s the hardest to forget.

Iyan ang katagang naisip ni Ross sa mga panahon na lumipas. Kahit ilang taon na kasi ang lumipas, hindi niya pa rin makalimutan ang batang babae na nakilala niya noong twelve years old siya. Tanda-tanda niya pa rin ang hitsura at ayos nito sa isip niya. Iyon kasi ang unang beses na na-in love siya. He was too young to experience what love was… but yeah, that was how it was.

Kaya kahit sobrang daming babae ang nagpapapansin at nagpaparamdam sa kanya, hindi niya pinansin. Dinedma niya lang. Para kasi sa kanya, isang babae—este, tomboy lang ang dapat niyang magustuhan at mahalin. At iyon ang batang babae na nakilala niya noon.

Itinatak ni Ross sa isip na hinding-hindi siya mag-aasawa kung hindi lang din ang batang babae na iyon ang mamahalin niya. Kahit lumilipas ang panahon, umaasa pa rin siya na magkikita sila uli. Hindi siya nawawalan ng pag-asa.

Second year college na si Ross sa Della Rama University at isa nang ganap na varsity player ng basketball team. Naging basketball player siya dahil naalala niya noon ang sinabi ng batang babae na first love niya.

Dapat mag-basketball player ka

. So, he did.

Kakatapos lang ng basketball practice nila noon nang naglalakad si Ross papunta sa kotse niya na naka-park sa parking lot ng school. Napatigil siya nang may narinig na boses na tumatawag mula sa kanyang likuran. Hindi niya alam kung siya ang tinatawag o hindi.

“Pare!” sigaw ng boses babae. “Pare! May tanong ako!”

Lumingon si Ross sa pinanggagalingan ng boses. Halos tumigil ang mundo niya nang makita ang hitsura ng babae. Nakadamit-panlalaki ito. Naka-T-shirt at maong pants. Nakasuot din ito ng sombrero. May maganda at mahabang buhok din.

Ang ayos ng babaeng ito ay katulad ng ayos ng batang babae na nakilala—minahal at minamahal ni Ross hanggang ngayon. Hindi niya alam kung paano siya magre-react. Napatulala tuloy siya.

“Pare, bakit ka ganyan makatingin?” tanong ng babae sa kanya. “May itatanong ako.”

Napalunok nang ilang beses si Ross. Halos lumabas na ang puso niya mula sa dibdib. “Ano `yon?” Titig na titig pa rin siya sa babaeng nasa harap.

“Saan dito ang Business Management building?

`Lang’ya, kanina pa ako paikot-ikot. Ang laki-laki kasi ng school na `to,” naiinis na tanong ng babae. “Si Kuya ko kasi hindi man lang sinabi kung saan, eh. Hindi ko rin makita `yong dalawa kong kaibigan na tomboy.”

“`Lakad ka papunta doon, `tapos lumiko ka. Iyon na `yong Business Management building,” sagot ni Ross na sobra kung pagpawisan. Sigurado talaga siya. Siguradong-sigurado siya na ang babaeng ito ay ang batang babae na nakilala niya sa park noon.

“`Ayun. Salamat, pare. Savior ka!” Ngumiti ang babae, tulad ng ngiti ng batang babae noon.

Tumalikod na ito at nagsisimula nang maglakad nang tawagin niya.

“Miss!”

Napahinto ang babae at galit siyang tinignan. “Miss? Hindi ako miss!”

“Eh, ano ka?”

“Mister. Tomboy ako, pare.”

Natawa si Ross. “May tanong ako.”

“Ano `yon?”

“May boyfriend ka ba?”

Napakunot-noo ang babae. “Tomboy ako. Hindi ko kailangan `yon. Bakit? Trip mo ako, `no? Naku, pare. Tomboy ako. Ibig sabihin, babae rin ang gusto ko. Kaya `wag kang magkagusto sa `kin kasi hindi tayo talo. Masasaktan ka lang.”

Hindi na talaga napigilan ni Ross ang mapangiti. Naalala niya kasi ang sinabi sa kanya ng batang babae noon sa park.

“Hoy, bata. `Wag kang mai-in love sa `kin, ha. Hindi puwede.”

“Bakit naman hindi puwede?”

“Kasi tomboy ako.”

“Tomboy?”

“Oo. Hindi mo alam `yon? Tomboy. Ibig sabihin, babae rin ang gusto ko. Kaya `wag kang magkagusto sa `kin kasi hindi tayo talo. Masasaktan ka lang.”

“Ano na lang ang pangalan mo?” tanong uli ni Ross.

“Mary Jovelyn. MJ for short. Bakit?”

“Wala naman.” Napailing siya. “Pangalan ko ba, hindi mo tatanungin?”

“Hindi,” mabilis na sagot ng babae—este, tomboy na si MJ. “Hindi naman ako interesado sa `yo, eh.”

“Ako, interesado sa `yo, eh.”

“Ha? May sinasabi ka?”

Umiling si Ross. “Wala.”

“Teka nga, p’re. Bakit ba ganyan ka makatitig sa `kin? Nababakla ka ba sa `kin?” diring-diring sabi ni MJ. “Makaalis na nga. Nakakadiri kang tumingin, eh.”

Naglakad na uli si MJ paalis sa kanyang harap habang nakatitig pa rin siya dito.

“Bakit ako ganito makatingin sa `yo? Wala naman,” sabi ni Ross sa sarili. “Ikaw lang kasi ang babae—este, tomboy na pinapangarap ng puso ko mula noon hanggang ngayon.”