noveltoon logo noveltoon
Get Naked (Hubaderos Book 1: Neo)

Chapter 4

Ch. 5 / 28 Nov 28, 2025

NAPANGIWI si Macy sa harap ng salamin. Paano ay medyo masikip sa kanya ang damit na pinahiram ni Zara. It was a beige sleeveless chiffon top with a killer low neckline. Hapit na hapit iyon sa kanyang katawan at halos lumuwa ang kanyang mga dibdib. Pero wala na siyang pagpipilian. May kuwelyo ang mga blouse na dala niya at hindi bagay sa clubbing. In fact, she was even wearing black baggy slacks and a pair of red ballet flats right now! Kailangan na yata niyang mag-shopping ng mga bagong maisusuot. Tutal, naiparada na niya ang katawang naka-bikini. Kailangan ay maging confident na rin siyang magsuot ng sexy outfits.

And, her hair… she was told it looked great if it was down. Kaya sige, lugay pa more!

Tumayo si Neo mula sa sofa sa sala ng cottage nang lumabas siya mula sa kanyang kuwarto. He smiled, looking very pleased with her.

“I told you, your hair is sexy,” puri pa nito.

Nauna na siyang lumabas ng cottage at hindi na inimik ang lalaki.

Naglakad silang dalawa papunta sa isa sa mga club ng resort na nakahiwalay sa mismong hotel. Nasa gilid iyon ng dagat at mas pinupuntahan ng mga kaedad nila.

Sinulyapan ni Macy ang katabing naglalakad. Hindi siya sanay na tahimik si Neo kapag kasama siya. Naubusan yata ng pang-aasar ang gago at parang nalunok ang dila?

“Sinabi ko na kasi sa `yong huwag mo na akong hintayin. Marami ka na sanang babaeng nakilala sa club ngayon,” hirit niya.

“Maaga pa naman,” kibit-balikat na sabi ni Neo.

Sa loob ng club ay sama-sama ang mga kaibigan sa dalawang magkatabing round table. Medyo madilim sa loob at puro upbeat songs ang pinapatugtog.

“Sabi na sa `yo, mas babagay sa `yo `yan!” puri sa kanya ni Zara na tiningnan-tingnan ang pang-itaas niyang damit. “Gosh, `yong boobs talaga, `teh! Nagmamalaki, o!”

Tinapik niya sa braso ang kaibigan at saka tumawa.

Kalahating oras silang nagkukuwentuhan sa mesa habang umiinom ng light beer hanggang sa magpalit ng slow ang tugtog. Naiwan sina Macy, Neo at Zara sa mesa hanggang sa may isang estrangherong lalaking nagyayang makipagsayaw kay Zara.

“You wanna dance?” mayamaya ay tanong sa kanya ni Neo nang nasa dance floor na si Zara na mukhang masaya sa kasama nitong lalaki. Hindi iyon gaanong matangkad pero mestiso at guwapo.

Umiling siya. “I don’t dance.”

“Ayaw mo lang yata akong makasayaw.”

Halos malaglag ang eyeballs niya. “You’re asking me to dance with you?” Akala pa naman niya ay nagtatanong lang ang binata kung gusto niyang magsayaw kagaya ng mga kaibigan nilang lahat ng tugtog ay pinapatulan sa dance floor.

He grinned—No, he smirked. “Yes.”

“Hindi nga ako nagsasayaw. Maghanap ka na lang ng ibang babae, ang dami rito, o. Baka naman…” Tinaasan niya ng kilay ang lalaki. “Dinala mo ako rito kasi wala kang maaasar, ano?”

Humalakhak si Neo. “Ang sama talaga ng pagkakakilala mo sa `kin.”

“Puro `yon ang nakikita ko sa `yo. Masisisi mo ba ako?”

“Mabait ako, Macaria.”

“`Pag comatose ka siguro.”

Pagbalik sa mesa ng ilan sa mga kaibigan nila ay inulan naman sila ng kantiyaw.

“Paano naman makikipagsayaw si Macy kung ginuguwardiyahan mo pala siya?” biro ni Damian kay Neo.

“Halos ibenta ko na nga siya sa mga lalaki rito pero walang pumapatol, eh,” biro naman ni Neo.

“Heh!” singhal ni Macy sa lalaki. Nag-uumpisa na naman ang gago!

Dumaan ang mga sandaling palaging naiiwan sa mesa sina Macy at Neo. Kung may nakakasama man sila roon ay sina Zara at ang bagong kakilala nitong lalaki na Phil yata ang pangalan. Hindi na masyadong inintindi ni Macy ang dalawa na busy sa pag-uusap. She was getting bored and she wanted to go back to the beach cottage.

Hanggang sa nang lumabas siya ng restroom ay may nakasalubong siyang lalaki. Matangkad ito at may malaking bulto; may bigote at balbas.

Nang mag-excuse siya sa lalaki para umalis sa kanyang daraanan ay nagsalita naman ito. Nakikipagkilala. Hindi naman niya sinupladahan ang lalaki, sinabi niya ang kanyang pangalan.

“Macy. That’s a nice name,” nakangiting sabi ng lalaking nagpakilalang George. “Can I buy you a drink, Macy?”

Uh-oh. Pick-up line! “Sorry, I’m with someone,” sagot niyang itinuro ang pinanggalingang mesa.

“Boyfriend mo?”

Si Apolonio, boyfriend niya? Eeew! “Not really. But, well…”

Tumango-tango si George. “Ah, I see.”

Uh, ayaw niyang mag-explain. Basta kailangan lang isipin ng lalaking ito na kasama niya si Neo ngayong gabi dahil wala siyang balak makipag-socialize.

Mabilis siyang bumalik sa mesa na eksakto namang kakaalis lang nina Zara at Phil.

“Tumingin ka sa `kin!” utos ni Macy kay Neo na naglalaro sa smartphone nito.

“O, bakit?” gulat na sita nito.

“May lalaki akong iniiwasan. Kunwari, ano… Kunwari ka-date mo ako ngayong gabi.”

Luminga-linga si Neo at nakita naman agad nito si George. “`Yong mukhang bouncer na kontrabida sa pelikula na naka- t -shirt ng puti? Ang sama nga ng tingin sa `yo,” mayamaya ay sabi nito.

“Huwag ka ngang tumingin sa kanya!”

Tumawa ito. “Was he hitting on you?”

“Parang.”

“Baka naman malisyosa ka lang? Malay mo, gusto ka lang palang i-recruit sa gang niya o mag-offer ng networking.”

“He offered to buy me a drink, okay?”

“O, bakit, ayaw mo ba sa kanya?” tukso pa nito.

Pigil-pigil ni Macy ang pag-irap kay Neo. Ayaw niyang magduda si George na nakita niyang nakatingin pa rin sa kanya.

“Ayokong makipagkilala sa mga lalaki sa club, period.”

“Ano namang masama roon? Siguro `pag guwapo `yan, magugustuhan mo. Choosy ka lang talaga, Macaria!”

“Huwag mo nga akong asarin! Mahahalata niyang nagsisinungaling ako niyan, eh.”

Ibinalik naman ni Neo ang tingin sa cell phone nito. “May talent fee ako kung magpapanggap akong ka-date mo.”

“Hoy, Apolonio!” asik niya sa lalaki pero may pilit siyang ngiti sa mukha. “As if aarte ka naman nang bongga. Umakto ka lang na normal na tao diyan, mahirap bang gawin `yon?”

Sumulyap ito sandali sa kanya. “I wanna dance with you, `yon ang bayad.”

“Sinabi nang hindi ako nagsasayaw.”

“I’ll teach you how.”

“Ayokong magkalat sa dance floor, utang-na-loob.”

“`Di huwag tayo rito magsayaw.”

Kumunot ang noo ni Macy. Seryoso ba ito?

“Yes, I’m serious,” sabi ni Neo na parang nabasa ang kanyang iniisip.

“Okay, fine. Pero sa ibang araw na lang.”

Ibinulsa na nito ang cell phone. “Okay, you got a date, baby.”

“KAILANGAN may akbay talaga?”

My goodness. The struggle was real talaga sa pagpigil ni Macy sa kaliwang kilay sa pag-angat. Kinarir ni Neo ang pagpapanggap na ka-date niya. Tumabi ito ng upo sa kanya at inakbayan talaga siya!

“Dapat lang. Saka huwag mo akong bigyan ng ngiting-aso para mas convincing tayo,” sabi pa nito na humalik pa sa kanyang buhok.

Muntik na niyang sikuhin ang lalaki! Bakit ba ganito ang naisip niyang palusot sa George na iyon?

“Baka mauwi sa totohanan `yan, ha?” tukso pa sa kanila ni Zara.

“Bagay pala kayo,” segunda naman ng isa pa nilang kaibigan na si Stephanie. “Come to think of it, sa height mong `yan, Macy, ay medyo mahirap maghanap ng jowa na mas matangkad sa `yo. Pero tingnan mo nga naman. `Ayan lang pala si Neo na six-footer, o!”

Sa dalawang kaibigang babae ibinuhos ni Macy ang pag-irap na kanina pa niya pigil-pigil. “Ech. Puwede ba?! Never, ever kong papatulan ang lalaking ito. Itaga n’yo `yan sa lahat ng mga batong makikita n’yo.”

“Sakit nitong magsalita. Tanungin mo naman ako kung type kita, Macaria,” ganting sabad ni Neo.

Nagtawanan silang natitira sa mesa. Nang sila na lang uli ni Neo ang natira doon dahil nagpuntahan sa dance floor ang mga kasama nila ay pasimpleng siniko ni Macy ang lalaki.

“Hindi ka ba nangangawit? Kanina mo pa ako akbay-akbay.”

Umiling ito. “I like holding you,” bale-walang sagot ng binata, ang mga mata ay nakatingin sa kanyang mga labi. Ang lapit pala ng mga mukha nila sa isa’t isa.

Wala sa sariling napatingin rin siya sa bibig ng lalaki; and out of nowhere, bigla na lang naisip ni Macy kung paano kaya ito humalik.

Naku, ha? Hindi pa niya iyon naiisip sa isang lalaki. Ni wala siyang lakas ng loob na titigan sa mukha, particularly sa lips, ang mga lalaking naging crush niya. Ano ito at halik pa ang iniisip niya kay Neo? Que horror!

Nang itaas niya ang paningin ay nahuli ni Macy na nakatitig sa kanya si Neo. Their eyes locked, both of them were barely breathing. Macy involuntarily parted her lips when his face seemed to move towards her. Tatlong pulgada siguro ang layo ng mga bibig nila sa isa’t isa nang magsalita si Neo.

“Am I making you uncomfortable?” he whispered.

Doon na siya nag-iwas ng mga mata.

Uncomfortable wasn’t the right word to describe what she was feeling right at that moment. Paano ba naman kasi… wala pang lalaking nakaakbay sa kanya nang matagal at nakipagtitigan sa kanya nang malapitan. Isa pa, ang sarap sa ilong ng amoy ng gamit nitong cologne. It smelled very cool, refreshing—like an aquatic kind of scent, and very masculine. Ngayon lang niya gagamitin na pang-describe sa pabango ang word na ito, pero ang SEXY ng amoy ni Apolonio!

“M-masyado ka na kasing OA. Hindi na nakatingin sa `tin si George,” sagot niya sa lalaki, hindi nagpahalatang kakaiba ang kanyang pagkaasiwa.

Parang hindi yata nakikinig sa kanya si Neo dahil ang mga mata nito ay unti-unting bumaba sa kanyang leeg. At bumaba pa…

My God. His eyes were feasting on her exposed upper chest. At heto naman siya, walang balak takpan ang parteng iyon ng kanyang katawan. Parang natutuwa pa siyang i-display iyon nang todo.

Hanggang sa nagtaas na ito ng tingin. “Y-you’re right. Hindi na nga siya nakatingin sa `tin,” parang natataranta at nahihiyang sabi nito at biglang kumalas mula sa kanya. Mabilis nitong tinawag ang isang server na malapit sa kanila at nag-order ng Bloody Bull. Tumahimik na rin ito pagkatapos.

Ilang minuto nang nakakaalis ng club ang apat sa kanila kaya pinag-iisipan na rin ni Macy na sumunod sa mga kaibigan. May kinse minutos pa siyang pinalipas bago siya nagpaalam sa mga kaibigan. Nagpilit naman si Neo na ihatid siya sa cottage, ginawa pang panakot si George na baka sundan daw siya sa labas.

Tahimik silang naglalakad sa sementadong pathway papunta sa mga beach cottages ng resort. Pinili na lang ni Macy na huwag magsalita dahil baka mauwi na naman sila sa pag-aasaran ng lalaki. Isa pa, kahit paano ay na-appreciate naman niya ang paghahatid nito sa kanya.

Hinawakan siya ni Neo sa braso at hinila sa gilid ng daan nang may isang paparating na golf cart sa likuran nila. Nakalampas na ang sasakyan pero nanatili naman silang nakatayo roon, hindi rin bumibitaw sa kanya ang binata.

“N-Neo,” sabi ni Macy pero parang wala naman siyang lakas na bawiin ang braso. Tumingin siya sa lalaki at nalamang nakatingin din ito sa kanya, may kakaiba sa mukha.

“You feel it, too, don’t you?” tanong sa kanya ni Neo na parang may kumislap sa mga mata.

“H-hindi ko alam ang sinasabi mo,” tanggi niya pero ang totoo ay nahuhuluan ni Macy ang ibig nitong tumbukin. Natataranta lang siya at nahihiya kaya ayaw niyang umamin kahit sa kanyang sarili. Hanggang sa gumalaw ang kamay nitong nakahawak sa kanyang braso, humaplos iyon pataas sa kanyang siko. She felt her knees buckle.

Neo was trying to make a point.

“Still not convinced?”

Ibinuka ni Macy ang bibig pero hindi niya alam ang sasabihin. Sumilay ang maliit na ngiti mula sa bibig ni Neo bago nito inilapit ang mukha sa kanya.

He was going to kiss her!

HINDI umiwas si Macy sa paparating na halik ni Neo. In fact, parang hinihintay pa niyang mangyari iyon. She wanted to be kissed, was that it? Siguro. Siguro ay curious nga lang talaga siya kung ano ang pakiramdam ng hinahalikan dahil hinayaan niyang dumapo ang bibig ni Neo sa kanyang mga labi. Automatic pa siyang napapikit at kusa ring gumalaw ang mga labi niya at tinugon ang paghalik ng binata.

Mixed emotions. Iyon ang pinakatamang description sa nararamdaman niya ngayon. Parang hinahalukay ang kanyang sikmura, parang nagtatayuan lahat ng balahibo niya sa katawan. Parang may mainit siyang nararamdaman, may masarap…

“What… what’s happening? What is this?” natatarantang nasabi ni Macy nang ilayo ni Neo ang bibig.

“It’s called chemistry,” sagot nito saka siya hinila sa katapat nilang espasyo mula sa magkatabing beach cottages. Natatamnam iyon ng matataas na klase ng halaman; may mga puno ng ashoka at palmera.

“Sabi mo, hindi mo ako type,” may himig katarayang sabi ni Macy sa lalaki nang isandal siya sa isang puno roon.

“It doesn’t matter. We don’t have to like each other, Macy,” sagot ni Neo saka muling sinakop ang kanyang mga labi.

Naging mas mainit, mas mapangahas na ngayon ang uri ng paghalik ng lalaki sa kanya. Tinitikman nito ang lahat ng parte ng kanyang bibig gamit hindi lang ang mga labi kundi pati na mga ngipin at dila. He was nibbling, sucking her lips. And that wild kiss was already setting her on fire. Oo na, umaamin na siya, may pagnanasa nga sila ni Neo sa isa’t isa.

Macy’s whole world was spinning out of control. Gusto niya ang pagkakalapat ng kamay ni Neo sa isang umbok ng kanyang dibdib. She liked it so much that she even pushed her chest closer to him. He let out a throaty growl, and somehow, that guttural sound made her more aroused.

“Mmmm…” she moaned deliciously as he continued kissing her.

Actually, parang hindi na lang halik ang ginagawa ng lalaki sa kanyang bibig. No, it was definitely more than just a mere kiss, Neo was fucking her mouth with his. And she was loving it.

Dumiin ang pagkakahawak ni Macy sa likod ng ulo ni Neo nang isagad pa nito ang naglalabas-masok na dila sa loob ng kanyang bibig. She welcomed the intruder in her mouth by sucking it. Nagustuhan naman yata ng binata ang ginawa niya dahil nag-umpisang lumamas ang kamay nito sa kanyang suso. Wala naman sa sariling itinulak niya ang ibabang parte ng katawan padikit dito. Her breasts and vagina were aching like hell and she had to do something to soothe them—anything.

Nang ihiwalay ni Neo ang bibig mula sa kanya ay lumipat naman iyon sa kanyang leeg. He licked and kissed her in there, leaving wet traces on her skin. Doon na maingay na umungol si Macy at umindayog ang balakang. His thigh that was in between hers started moving, nudging her sensitive area, coaxing her to do something. And she did. She ground herself on his thigh, rubbing her clothed sex against it. And, oh, my. It felt sooo darn good!

“You’re delicous, Macy,” narinig niyang usal ni Neo sa kanyang tainga bago kinagat ang puno niyon. Ang kamay nito ay nangahas na ilabas ang isa niyang dibdib mula sa mababang neckline ng kanyang damit.

“N-Neo…” nangangatal niyang ungol nang maramdaman ang mainit na palad nito sa kanyang suso. Her voice sounded so needy. And she wanted this man to fill those wanton needs.

“I wanna taste this beauty,” sabi ng binata na titig na titig sa hawak nitong malusog na umbok.

“Do it,” she boldly said and pressed her body closer to his and humped his thigh harder.

Macy was almost in delirium when Neo began kissing her tit in his hand. Dinilaan at kinagat-kagat nito ang paligid ng korona bago isinubo ang tuktok at sinipsip. Bumilis ang pagkiskis niya sa hita nito dahil sa sumisidhing sensasyon.

“Ooooh, God!” She just now realized that she was wailing like those porn actresses.

Totoo palang mag-iingay siya ng ganoon kapag totohanan na. O, siguro ay dahil magaling lang magpaligaya si Neo?

Ni hindi na niya namalayang nabuksan na pala nito ang pantalon niya at nakapasok na ang isang kamay sa loob ng kanyang panty.

He let go of her nipple that was now hard as a pebble. “Basa ka na,” sabi nito nang hagurin ang kanyang hiwa.

Nanlaki ang mga mata ni Macy at maingay na napasinghap. Lalong sumidhi ang kanyang pagkasabik.

“You like that?” He then teased her as his long fingers started fondling her drenched cunt.

“Y-yes,” sagot niya. Mas masarap pala iyon kaysa sa thigh humping na ginawa niya kanina.

His digits danced in her lily, paying much attention to the swollen nub. Jusko, alam na alam ng lalaking ito ang mga ginagawa! He knew exactly what button to push to make her burn in sweet agony, and make her beg for more heat. Kaunti na lang… magka-come na talaga siya!

“N-Neo…” she called him desperately when she was nearing the edge. “B-baka mapasigaw ako.”

“Clamp your mouth on my neck, kitten.”

Desperado na si Macy kaya sinunod niya ang sinabi ng binata. She heard her muffled moans against his skin as she violently rotated her hips. Hindi pa rin siya makapaniwala. Hindi na kamay ang gamit niya para makaraos, may tumatrabaho na sa kanyang isang lalaki!

Binilisan ni Neo ang galaw ng mga daliri, nakatulong ang dulas ng katas ng kanyang ari para mapadali nito ang misyong bigyan siya ng mainit na klaseng sarap.

“Uuuungh! I’m… I’m coming,” she whimpered as he mainly stroked her clit so vigorously.

“Good. Reach for it, Macy.”

“O-oh, Goood!”

She let out a long high-pitched shriek as she buried her face in his neck. Parang may libo-libong bituing nagkislapan sa kanyang paligid. Ang taas ng narating niyang climax, walang-wala sa kung siya lang ang nagpapaligaya sa sarili.

“Ouch, woman,” narinig niyang sabi ni Neo.

Nakabaon na pala ang mga ngipin niya sa leeg nito! “I’m sorry!” natataranta at nahihiyang sabi niya na agad inilayo ang mukha mula sa lalaki.

“May lahi ka palang bampira,” biro pa nito habang ibinabalik sa ayos ang kanyang damit.

Kinurot niya sa tagiliran si Neo. “Huwag mo itong ipagsasabi sa iba,” banta niya. “Subukan mo lang. Babalatan kita nang buhay!”

Natawa ito. “Hindi ako tsismoso.”

“Hindi raw!”

“Trust me.” Nagulat siya nang itaas nito ang kanyang pantalon at ito pa ang nagsara ng zipper niyon. “This is just between you and me, Macy.”

Lumunok siya. “A-ako lang ang nag-enjoy. Paano ka na?” lakas-loob niyang tanong.

“Ako na’ng bahala.” Pinaglaro nito sa kanyang mga labi ang hintuturong basa pa mula sa pagpapaligaya sa kanya. “We’re not done, and you know it.”

Muli siyang napalunok. Magsisinungaling siya kung itatanggi niya ang sinabi nito. May gusto pa siyang maranasan maliban sa natikman niya ngayong gabi. She wanted more of him. She wanted SEX.

“I want to taste you more,” nanunuksong sabi pa ni Neo bago isinubo ang hintuturo. “I’m going to eat your pussy,” he declared after a loud smack from pulling his finger from his mouth.

She gasped at his dirty words and how she was being okay with it. She had never thought that hearing something so vulgar will ever excite her this much. Mahalay talaga siya deep inside?

“Say it, kitten,” he then cajoled her, holding her neck. “Say you wanna be fucked.”

Macy looked straight to his eyes. They were deep and hazy, patunay lang na nagnanasa rin ito sa kanya. Matinding nagnanasa.

She didn’t directly answer his question. “You want to fuck me, huh?” she purred instead, flirting… wanting.

Napangiti siya. Kaya rin pala niyang magsalita nang marumi. Kaya rin pala niyang maglublob sa kamunduhan.

Ngumiti rin si Neo, nasisiyahan. “You have no idea.”

“Let’s do it.”

Lumapad ang ngiti nito. “That’s my girl.”

Parang may nagising sa pagkatao ni Macy na ngayon lang niya nalamang mayroon siya. She was not new when it came to sensuality, but now… she was about to transcend a whole new level. Climaxing from Neo’s fingers had pushed her to explore more about her womanhood. God, she had never thought she could be this bold and daring. May bago siyang diskubreng kumpiyansa at gustong malaman ni Macy kung hanggang saan ang kaya niyang abutin.

“Bukas ng gabi. Magre-reserve ako ng kuwarto sa hotel. We will meet there.”

“Okay.”

Mabilis siyang hinalikan ni Neo sa bibig. “We have to go now. Nakita kong dumaan si Zara kanina.”

Hinampas niya sa dibdib ang lalaki. “Bakit hindi mo sinabi? B-baka nakita tayo!”

“Relax, hindi niya tayo nakita. Saka paano ko sasabihin sa `yo? Busy ka sa paghalinghing—”

“Shut up, Apolonio!” Itinulak na niya ang lalaki saka tinalikuran.

“`Yong usapan natin, huwag kang umurong,” paalala ni Neo habang humahabol sa kanya.

Bahagya niyang nilingon ang lalaki. “Just to make things clear, pumapayag akong makipag-sex sa `yo, pero hindi nangangahulugang may something na sa `tin, ha?”

Tinabihan siya ni Neo sa paglakad. “Anong something?”

“Something beyond just fucking.”

“You know, I like it when you talk dirty,” nakangising sabi nito.

“And that dirty look, too,” dagdag pa ng lalaki nang tingnan niya ito nang masama. “Damn. You’re very, very hot, Macy.”

Shit. Kinilig pa yata siya! Para siyang tanga. He was complimenting her in a sexual way, at heto naman siya, kinilig. Hindi iyon ang dapat niyang maramdaman kundi… well, libog.