noveltoon logo noveltoon
Get Naked (Hubaderos Book 1: Neo)

Chapter 3

Ch. 4 / 28 Nov 28, 2025

GUSTONG paypayan ni Macy ang sarili. Matindi ang sikat ng araw sa buwan ng Abril pero ang init na nararamdaman niya ay hindi dahil doon. There was a shirtless man behind her, who touched her back and nape and was now touching her hair. Wala sa hinagap niyang magiging erotic ang epekto niyon sa kanya.

Napapikit siya at napaawang ang bibig, pilit nag-ipon ng lakas para alisin ang kamay ni Neo mula sa kanyang buhok.

“M-maliligo na ako,” sabi niya sa lalaki.

Halos pabulong ang sagot ni Neo. “Okay.” Was it just her? Or his voice became really low and raspy?

Nagmamadali siyang nagtanggal ng sunglasses at tumayo. Binitbit niya ang salbabida na nasa tabi ng lounge chair at naglakad papunta sa dagat. Pinigil niya ang sariling i-check ang likod ng kanyang bikini bottom kung hindi ba iyon tabingi. Sa tambok at lapad kasi ng puwet niya ay napakaliit na parte lang ang natabingan ng munting damit.

Tama nga siguro ang sinasabi nilang mararamdaman mo kung may taong nakatingin sa iyo dahil ramdam na ramdam niyang inihatid siya ng tingin ni Neo. At nang nilingon niya sandali ang lalaki ay prenteng nakaupo na ito sa iniwanan niyang puwesto. Ngumiti ito sa kanya, pasimpleng inirapan naman niya ang lalaki.

Napatigil si Macy sa paglalakad nang may maramdaman sa katawan. Goodness gracious, she felt wetness in her bikini bottom!

Gusto sana niyang manghilakbot, pero mas nakakalamang naman ang natutuwang parte ng kanyang kalooban. Akalain mo, tao na siya. Sa wakas! Hindi na lang siya nababasa sa parteng iyon dahil sa mga erotic story. Ang mahirap lang sa kalagayan niya ngayon ay parang nakaramdam siya ng pagkabitin. Masakit ang kanyang puson. Kung hindi lang siya nakapagpaalam kay Neo na maliligo na sa dagat ay babalik siya sa cottage na tinutuluyan at doon ay—

Damn it! Ano kaya ang pakiramdam kung hindi ang kanyang mga kamay ang nagpapaligaya sa sarili? Iyong… iyong lalaki talaga? Iyong lalaking hahainan siya ng pagnanasa at kasama niyang maglulublob sa kamunduhan? Hindi siya ipokrita para sabihing hindi rin niya iniisip iyon. As shameful and dirty as it may sound, she had been wondering about—and okay, secretly craving for — it sometimes. At ngayong may lalaking nagpainit sa kanya sa hindi sinasadyang pagkakataon ay lalong nagatungan ang nakatago niyang kahalayan.

But, of all men, si Apolonio pa talaga?!

Pumikit si Macy nang sumakay siya nang pahiga sa salbabida. The warm water soaking her waist and bottom felt so nice she let out a sigh of relief.

Tirik na tirik ang araw kaya kakaunti ang mga taong lumalangoy sa beach. Oras din ng pananghalian kaya kumakain ang karamihan na nasa mga pergola.

Ilang minuto siyang nagpapalutang-lutang sa tubig hanggang sa hindi niya namalayan ang pagdating ng isang malaking alon. Gumiwang ang salbabidang kinasasakyan ni Macy at muntik na siyang mahulog. Hindi pa niya naibabalik ang balanse ng katawan nang may isa uling malaking alon na sumunod. Nagtulak iyon sa kanya sa dalampasigan at hindi niya yata namalayan kung ilang beses siyang bumaliktad kasama ng salbabida. Nang dumilat si Macy ay nakadapa na siya sa basang buhanginan at nakitang may tumatakbong lalaki palapit sa kanya.

Medyo hilong iniangat niya ang ulo nang lumuhod ang lalaki sa kanyang tabi. Agad na bumalik ang kanyang wisyo nang hawakan siya ng lalaki sa puwet.

“Uy, Ano ka ba—” Napadura siya. Nakakain din pala siya ng buhangin! “Huwag mo akong hawakan—”

“Your bikini is… off.” Si Neo! At inaayos nito ang natabingi niyang bikini bottom!

Itinukod ni Macy ang mga kamay sa buhangin at sinubukang bumangon. Noon niya napansing nakalabas na pala ang isa niyang suso.

“Holy craaaap!” tili ni Macy sabay dura ng mga buhangin mula sa bibig at mabilis na inayos ang nadiskaril na bikini top.

“Are you okay?” nag-aalalang tanong ni Neo.

Tumango lang siya bilang sagot, mabilis at maingat siyang ibinangon nito. Pinahid ng lalaki ang mga buhangin mula sa kanyang mukha.

Siguradong nakita nito ang kanyang kumawalang— Eeeekkk! Nag-“Hello, world” lang naman ang isang boob niya!

“Kasalanan mo ito!” asik niya sa lalaki.

“H-ha?” kunot-noong usal ni Neo.

Tumayo si Macy. “Ikaw ang dahilan kaya nakasuot ako ng buwisit na maliliit na damit na ito!”

“Ako?” Itinuro nito ang sarili. Tumayo na rin si Neo, naguguluhan. “P-paanong naging ako?!” Nagtaka pa?!

“Inutusan ko ba ang mga alon na hampasin ka’t itulak sa buhanginan?”

“Sinabi mo raw kay Zara na pangit ang katawan ko kaya ayaw kong sumama dito sa Escape!”

Literal na napanganga si Neo. Parang ilang segundong nag-loading ang utak nito bago nakapagsalita. “Wala akong sinasabing ganyan!” mayamaya ay matigas nitong pagtanggi.

Lalo lang nag-level up ang inis ni Macy nang maisip ang malaking gastos niya sa mga biniling swimsuits at pagpapa-wax. Dinuro niya sa mukha ang lalaki. “Sinungaling!” puno ng gigil at galit na sigaw niya.

Tinalikuran na niya si Neo. Eksakto namang natanaw niya si Zara na naglalakad papunta sa cottage nila. Tinawag niya ang kaibigan at mabilis na naglakad palapit dito kabuntot si Neo.

Nagtatakang nagpapalipat-lipat ang tingin ni Zara sa kanilang dalawa ng lalaki.

“Zara, sabihin mo nga ngayon din sa hinayupak na ito `yong sinabi niya tungkol sa katawan ko!” nakapamaywang na sabi ni Macy sa kaibigan.

“What the hell is this shit? I don’t know what she’s talking about!” bulalas naman ni Neo.

“Ah, `yon ba?” Sa gulat ng dalawa ay humalakhak si Zara. “Naku, Macy, echos ko lang `yon para sumama ka sa lakad natin.”

“A-ano?!” tili niyang nanlalaki ang mga mata. “Y-you mean, hindi totoong—”

“Walang sinasabing ganoon si Neo. Basta sabi lang niya ay pilitin daw kitang sumama. Eh, wala na akong maisip na paraan para mapasama ka kaya gumawa na ako ng kuwento,” paliwanag ni Zara.

Doon naman natawa si Neo. “C’mon, Macy. Itong guwapong-guwapong pagmumukhang `to, magsasabi ng ganoon tungkol sa isang babae?” sabi nitong inilapit pa ang mukha sa kanya. “You gotta know me better than that, baby.”

“Heh!” angil niya sa lalaki.

“Sorry, hindi ko nasabi agad sa `yo na nagsinungaling ako,” sabad ni Zara. “Nawala sa isip ko. Ang init kasi ng panahon, nakakatusta ng utak.” Itinaas nito ang hawak na grocery bag na may lamang half-gallon na Magnolia rocky road ice cream at waffle cones. “Tara, ice cream tayo!”

HINDI mapakali si Neo habang kumakain sila ng ice cream sa balkonahe ng cottage na tinutuluyan nina Macy at Zara. Hindi maalis-alis sa isip niya ang nangyari kanina sa dagat. First, he didn’t think that the hot woman he was salivating for was actually no other than Macaria San Pedro. Akalain ba niyang ganoon pala ka-hot ang babaeng paborito niyang asarin? Hindi lang iyon, nabosohan pa niya ang dalaga nang hindi sinasadya. Man, that boob and butt cheek were to die for. Mukhang masarap hawakan, pisilin… or rub his cock against—Shit! Shit! Kanina pa naglulumikot ang imagination niya. Dapat humindi na siya sa ice cream offer ni Zara at bumalik na sa kanyang cottage para magsarili .

Nang nahuli siya ni Macy na nakatingin ay pasimple siyang inirapan ng babae. Napangisi na lang siya. Too bad nag-shorts at t -shirt na ito. That skimpy swimming outfit was just so dangerously hot. Nakikiliti pa rin siya sa isiping kaya nagsuot ng ganoon ang dalaga ay para pala ipamukha sa kanyang maganda ang katawan nito at nag-ugat ang lahat ng iyon dahil sa maling akala. That confidence alone was already sexy.

Her mouth is sexy, too, he thought. Especially when she licked the ice cream that melted down the side of the cone. Holy shit, look at that long tongue!

Napakagat tuloy sa hawak na apa si Neo at maingay na ngumuya. But, damn it. Of course, the ice cream was not really the answer to his growing thirst.

Tubig. Kailangan niya ng tubig!

Tumayo siya. “Painom ng tubig,” sabi niya kay Zara.

“`Yong ref sa kusina, may bottled water doon,” sagot nito sa kanya.

Dali-dali siyang pumasok sa loob ng cottage at deretsong ininom ang kalahating boteng tubig, saka idinikit iyon sa kanyang noo. He was feeling very, very hot. Insanely hot. At alam niyang hindi iyon dahil lang sa init ng panahon. He was being turned on by Macy, and now… he was ready to fuck. Fuck her.

Shit. Macy?

You’re totally screwed, Apolonio!

PANGATLONG araw nina Macy sa Escape at parang gusto na niyang umuwi. Kanina ay umayaw si Macy nang yayain siya ng mga kaibigan na maligo sa dagat. Nagdahilan na lang siyang hindi niya kaya ang init ng panahon. Ang totoo ay iniiwasan niya si Neo. Gusto niyang mahiya sa lalaki pero naiinis pa rin siya. At ang bruhang si Zara, hanggang ngayon ay hindi pa rin niya mapatawad sa ginawang pagsisinungaling sa kanya. Pahamak!

“Ayaw mo talagang sumama sa club?” tanong sa kanya ng kaibigan nang silipin siya sa kuwarto ng cottage.

Dumapa si Macy sa kama. “Ayoko.”

“Huwag mong sabihing hindi ka nagka-club sa Manila?”

“Sabi ko naman sa `yo, once in a blue moon lang ako lumabas. Saka tinatamad lang ako ngayon, wala pa akong dalang tamang outfit na para diyan.”

“Paano, puro swimsuit ang dala mo,” kantiyaw pa ni Zara.

“Gaga ka talaga,” inis niyang sabi sa kaibigan sabay irap. “Kasalanan mo ito talaga!”

“Sorry na nga, `to naman. Hindi mo pa ba ako mapapatawad? Saka at least, may nagawa namang maganda ang pagsisinungaling ko, `no? Kita mo, lumabas ka sa comfort zone mo. Naglugay ka na ng buhok at nag-bikini. Super sexy mo pala, bruha ka! Nanliit tuloy ako at gusto kong magtago. Hiyang-hiya kaya ang mga santol ko sa mga melon mo, uy!”

Natawa tuloy si Macy sa kaibigan. “Grabe `to! Hindi naman ganoon kalaki ang boobs ko.”

“Malaki pa rin! Marami kang tataluning sexy models, girl!”

“Sige, utuin mo pa ako.”

“`Di nga! `Lika na kasi sa club, ililibre kita ng drinks bilang apology ko sa `yo.”

“Ugh. Tinatamad nga ako, `no ba? Mag-aayos pa ako and everything.”

Nag-give up na ito. “Fine. Pero `pag nagbago ang isip mo, alam mo kung nasaan ang club, ha? Hanapin mo na lang kami doon.”

“Oo na.”

Isasara na sana ni Zara ng pinto ng kuwarto niya nang may maalala. “May maganda akong chiffon top na naka-hanger sa closet ko, baka type mong hiramin if ever. Mas babagay `yon sa `yo kesa sa `kin.”

“Titingnan ko,” sagot na lang ni Macy para tigilan na siya ng kaibigan.

Nang makaalis si Zara ay hinarap ni Macy ang dalang iPad. Nang magsawa siya sa pagbabasa ng The Girl Who Lived ay naghanap siya ng mapapanood na erotica. Mayroon siyang paboritong site na pinupuntahan na may erotic na palabas—mga short soft porn movie. Mahahaba ang maiinit na eksena, medyo detalyado, pero walang totoong penetration sa lalaki’t babaeng bida. Hindi rin ipinapakita ang mga genital maliban sa mga puwet at dibdib.

Maybe she was just getting bored but the video that she was watching right now was not exciting her at all. Naisipan niya tuloy manood ng porn. Pero nang nagba-browse na siya ng mga video na lumabas mula sa search ay nagbago na naman ang kanyang isip. She wanted to watch real sex.

Binura niya ang nasa search bar na porn for women , pinalitan niya iyon ng real sex . Binura niya uli, baka bastos na sex ang mga lumabas. Choosy na kung choosy. Babae siya, kaya naman hindi niya kayang panoorin ang parang binababoy at ginagamit lang na parausan ang mga kabaro niya sa sex. Kailangan niyang maging specific. Real sex with woman orgasming .

Napangiti si Macy nang magkaroon ng result ang paghahanap niya. Girlfriend daw ng lalaki ang kasama nitong babae sa video na napili niyang panoorin. Whatever. Basta nakikita niyang totoong nag-e-enjoy ang babae sa video, okay na sa kanya.

Against the wall ang posisyon ng mga bida. Hindi totally nakahubo’t hubad ang mga ito. Ang babae ay nakaipon ang maliit na bestida sa baywang at ang lalaki ay suot-suot pa ang long-sleeved white polo. Macy thought that was sexy.

“Oooh, yes! Do it to me, please!” malakas na daing ng babae habang subo-subo ng lalaki ang ituktok ng isang dibdib nito.

Napatingin si Macy sa kanyang dibdib na natatabingan ng suot na puting shirt. Hers were a little bigger than this woman’s in the video.

Lumapit ang camera sa magkapareha at nag-focus sa mga ari ng mga bida. Ikiniskis ng lalaki ang kahabaan sa pagkababae ng niroromansa nito bago iyon ipinasok.

“Aaaaah!” eksaheradong sigaw ng babae.

Ilang sandali pa ay parang piston na bumabayo na ang lalaki. Maririin ang mga pagsulong nito sa kapareha na mahigpit ang hawak sa balikat ng lalaki habang nakasampay ang isang hita sa braso nito.

“Ooooh, shit, baby! Babyyy!” halinghing pa ng babae. Bumaba ang mukha ng babae sa lalaki at ipinasok ang dila sa bibig nito. She let out a muffled groan as the man sucked her tongue. Pagkatapos ay parang gutom na gutom na naglaplapan ng mga bibig ang mga bida sa video.

Napalunok si Macy, nanunuyo na ang lalamunan at pigil-pigil ang paghinga. Ramdam din niyang may sensasyong gumuguhit sa kanyang puson pababa sa pagitan ng kanyang mga hita. A raw passion, and primal need…

Nasa carpet na ang magkapareha sa video. Ang babae ay nakasakay sa lalaki at para itong nagro-rodeo sa paggiling. Hanggang sa ilang ulit itong nagtaas-baba bago ito pinigil ng lalaki at ito naman ang gumalaw sa ilalim.

“Aah, fuck. I can feel you contracting, squeezing my cock,” sabi ng lalaki sa palabas.

The woman’s ass was bobbing up and down as she was riding her lover. “I’m getting close… Uuuungh, Goood!”

Nagpalit ng posisyon ang magkapareha at nasa ibabaw na ang lalaki. The woman’s legs were up the air, opened like a letter V while the man kept pounding her.

“Yes, just like that, baby. Harder, deeper! Oooooh! Fuck me, fuck me, fuck me. Yeah-yeah-yeaaah!”

Nanginig ang babae at tumirik ang mga mata. Iniyakap nito ang mga binti sa baywang ng lalaking patuloy pa ring bumabayo. Ang haba ng tili nito bago hinugot ng lalaki ang ari at inilabas ang katas sa puson ng babae.

Hihingal-hingal si Macy sa napanood. Ibinaba niya ang iPad sa kanyang tabi saka ipinasok ang kamay sa loob ng kanyang shorts at panty. Basang-basa na siya roon. She could feel her cunt throbbing, begging for release. She was about to pull her lower garments down when she heard loud knocks on the door.

Geez. Ngayon pa talaga?!

Nagmamadali siyang bumangon at pinuntahan ang front door ng cottage at nagulat sa napagbuksan ng pinto.

“Good evening!” nakangiting bati ni Neo.

“What do you want?” kaswal niyang tanong sa lalaki.

Salubong ang mga kilay na mataman siyang tiningnan nito, tiningnan ang kanyang mukha at leeg. “I hope I’m not interrupting something,” mayamaya ay makahulugang sabi nito.

“W-what—”

“You’re not with someone, are you?” panghuhuli pa ni Neo.

“A-ano?!” Tumaas ang boses ni Macy. “Bakit mo naman nasabi `yan?”

“Your face… and neck. I happen to know that kind of flush,” pilyong sagot ng lalaki. “Believe me, I have seen that on women before.”

“M-mag-isa lang ako dito.” Napahawak siya sa pisngi at leeg. “A-at namumula ako k-kasi mainit.”

“May aircon naman dito—”

“Bakit ba kung ano-ano ang napapansin mo?” pagtataray ni Macy. “Paano kung namula lang ako dahil allergic pala ako sa `yo, ha? `Buti nga hindi pantal-pantal!”

Tumawa si Neo. “That’s a good one.”

“Ano ba kako’ng kailangan mo?” paasik na tanong uli niya.

“Susunduin sana kita papunta sa club.”

“Hindi ba sinabi sa `yo ni Zara na hindi ako sasama?”

“Sinabi niya, pero nagbabaka-sakali lang ako na mapilit kita.”

Tinaasan niya ng kilay ang binata. “Wow. Lakas ng loob mo, ha?”

“Look, alam kong iniiwasan mo ako, okay? At, ayokong ako ang maging dahilan para hindi ka mag-enjoy dito,” seryosong sagot ni Neo.

Ngumiwi si Macy. “Alam mo, hindi ako sanay na nagseseryoso ka. Parang feeling ko senyales `yan sa nalalapit nang paggunaw ng mundo.”

Napahagalpak ng tawa ang lalaki. “Kung ganoon ay lalo pala kitang dapat piliting lumabas ngayong gabi. Halika na, Macaria, magugunaw na ang mundo. Dapat kang magsaya sa mga natitirang oras natin.”

Bumuntong-hininga siya. “Tinatamad akong magbihis at mag-ayos.”

“Huwag ka nang mag-ayos. Maganda ka naman.”

Inirapan niya si Neo. “Huwag mo nga akong binobola, Apolonio!”

“Hindi ako marunong mambola.” Humalukipkip ito. “Hindi ako aalis dito hangga’t hindi ka sumasama sa `kin,” desididong-desididong sabi nito. “Kapag ako pinapak ng mga lamok dito at nadale ng dengue, ikaw ang masisisi. Kargo-de-konsiyensiya mo ako.”

Halos sabunutan ni Macy ang sarili sa sobrang frustration. “Saksakan ka talaga ng kulit!”

He chuckled. “Matagal na.”