noveltoon logo noveltoon
Get Naked (Hubaderos Book 1: Neo)

Chapter 26

Ch. 27 / 28 Nov 28, 2025

“TALIPANDAS!” bulyaw agad ni Gabriel kay Neo. Daig pa nito ang Katipunerong susugod sa mga kalaban, kulang na lang ay kabayo.

“Papa!” tili ni Macy na napabitaw mula sa yakapan nila ni Neo.

“Magaling na lalaki. Pumayag akong maging kasosyo ang anak ko sa pataniman mo ng kabute pero wala sa usapan natin na pati siya ay tataniman mo ng kabute mo!”

“Maghunos-dili nga kayo!” umiikot ang mga matang awat ni Macy sa ama.

“Pakakasalan ko po ang anak n’yo,” walang-gatol namang sabi ni Neo.

Sininghalan ito ni Macy. “Ano ka ba! Huwag ka ngang matakot. Wala sa lahi namin ang mamamatay-tao, `no? Wala pang tinataga ang tatay ko.”

“Ikaw ang unang matataga ko `pag nagkataon!” sabi ni Gabriel kay Neo at parang kasali sa Moro-moro na iwinasiwas nito sa ere ang itak. “Pakakasalan mo talaga siya dahil hindi ako papayag na—”

Nagpapadyak si Macy. “Papa, ano ba kayo?! Ibaba n’yo nga `yang itak!”

Lalo siyang nataranta nang makitang nasa bintana na rin sina Arabella at Clay.

“Huwag na huwag mong masasaktan ang anak ko!” pagtatalak ni Arabella kay Gabriel. Hawak-hawak ito ni Clay sa mga balikat dahil gusto na nitong akyatin ang bintana. “You try to touch him and I will smash your balls!” matapang pa nitong pagbabanta.

Dalawang kamay ang ipinangtapik ni Macy sa sariling noo. “Ano ba naman ito? Jusko, nakakahiya sa mga kapitbahay!”

“Ang magaling mong anak ang pumasok sa kuwarto ng dalaga ko!” angil ni Gabriel kay Arabella.

“Pinapasok siya ni Macy! For your information, mahal ng anak ko ang dalaga mo. Malinis ang hangarin niya!” talak ng babae.

“Huwag mo nga akong sigawan! Pamamahay ko ito!” singhal dito ni Gabriel.

Ayaw namang patalo ni Arabella. “Sisigawan kita hanggang gusto ko, animal ka!”

“Neo, mabuti pa ay umuwi na muna kayo,” nahihiyang pagtataboy ni Macy sa binata at sa pamilya nito.

Marahan niyang itinulak si Neo sa may bintana dahil nakaharang ang ama sa pinto ng kanyang kuwarto at nakaumang pa rin ang antigong itak.

“I love you, Macy,” sabi ni Neo pagkalundag nito sa labas ng bintana, hinawakan ang kanyang kamay. “I love you so much!”

“I know, baby. I know,” sagot niya at nang akmang aabutin niya ang mukha nito para halikan ay dumaluhong naman sa kanila si Gabriel.

“Uuwi na sila!” mapangmandong sabi nito sa kanya bagaman nakababa na ang itak.

“Goodnight, sweetheart. Babalik ako bukas,” paalam sa kanya ni Neo bago bumaling sa kanyang ama. “Goodnight po, Papa.”

Muling itinaas ni Gabriel ang itak. “Isa pang Papa, at papatayin na talaga kita!” asik nito sa binata.

Muling nagtatalak si Arabella pero inawat naman ito agad ni Neo. “Mom, it’s okay. Let’s go home,” nakangiting sabi nito sa ina.

Halos lumubog sa kahihiyan na nagpaalam si Macy sa tatlo.

“I’m so sorry about this,” hiyang-hiyang sabi ni Clay kina Macy at Gabriel nang nahila na nito si Neo palayo sa bintana. “Sabi ko na kasing ipagpabukas na lang ito,” gigil na sabi nitong tumingin sa ina at kapatid saka hinila ang mga ito palayo sa bahay ng mga San Pedro.

Noon na isinara ni Macy ang bintana at hinarap ang ama. “`Pa, `yong totoo?!” inis niyang sabi kay Gabriel. “Dinadalaw lang ako ni Neo, OA kayo masyado.”

“Uy, wala akong pakialam kung ano ang ginagawa n’yong dalawa ni Neo, pero huwag n’yong gagawin `yan sa pamamahay ko!” nakasimangot nitong sabi.

Padarag siyang nag-dive sa kanyang kama. “Matulog na nga kayo. Goodnight!”

ISANG irap ang bati ni Macy sa kanyang ama nang makita niya sa sala kinaumagahan.

“Napakaeskandaloso n’yo, Papa!” inis niyang sabi bago pa ito nakabuka ng bibig.

“Aaay, totoo! Kalat na sa mga kapitbahay ang nangyari kagabi,” sabad naman ni Tia na may dala-dalang tasa ng kape para kay Gabriel. “Usap-usapan `yon kanina sa store ni Aling Patring.”

“ Jusko! ” tili ni Macy saka isinubsob ang mukha sa dalawang palad.

“Pakialam ba nila sa `tin?” taas-noong sagot ni Gabriel. “Akala ko noong una, may magnanakaw, eh. Bakit kasi dis-oras ng gabi kung maningalang-pugad ang Apolonio na `yon?”

Hindi na lang siya umimik at mabilis na tumuloy sa kusina. Nagtimpla siya ng kanyang kape habang nagsasangag naman ng kanin si Tia. Hanggang sa may marinig siyang mga katok sa front door at pamilyar na boses.

“Uy, si Neo!” kinikilig na sabi ni Tia.

Mabilis na tumayo si Macy mula sa kitchen table pero bago pa siya nakarating sa salas ay sinenyasan siya ng kanyang ama, pinapatigil siya sa paglapit.

“Mag-uusap muna kami,” matigas na sabi ni Gabriel sa kanya at sa pagkakataong iyon ay alam ni Macy na hindi niya mapangungunahan ang ama sa gustong gawin.

Ngumiti naman sa kanya si Neo na may hawak na mga bulaklak na parang pinitas mula sa mga halaman sa bahay nito.

Inutusan na lang ni Macy na ipagtimpla ng kape ang bisita bago siya tumuloy sa likod ng bahay at doon naghintay. Kalahating oras din siguro ang lumipas bago lumabas doon si Neo. They greeted each other with a sweet embrace.

“I’ll buy you another bouquet of flowers from the store,” sabi nito sa kanya saka iniabot ang hawak na mga bulaklak ng myrtle, rosas, gumamela, kampanilyang dilaw at Doña Aurora.

“These are fine, I love them,” nakangiting sabi niya at inamoy ang mga bulaklak. “Thank you, Neo.”

Naupo sila sa papag at hinatiran naman sila roon ni Tia ng agahan. Sinangag, pritong tinapa at longganisa, at ginayat na kamatis na may halos itlog na maalat ang magana nilang pinagsaluhan.

“Parang nagka-crush yata ang papa mo sa nanay ko,” natatawang sabi ni Neo sa gitna ng pagkain. “Siya ang unang tinanong sa `kin kanina. May boyfriend na raw ba siya?”

“Sabi nga niya sa `kin kagabi bago ako iniwan sa kuwarto na ang ganda raw pala ng mommy mo. May chemistry sila sa sigawan, in fairness.”

“May sparks nga. Parang watusi lang.”

Nagkatawanan sila.

“Ano’ng pinag-usapan n’yo pala ni Papa?” mayamaya ay usisa ni Macy.

“Marami.”

“Ano, tinakot ka naman niya?”

Natawa si Neo. “Babe, your dad doesn’t scare me.”

“Ang tagal n’yong nag-usap.”

“Marami lang akong ipinangako sa kanya.”

“Pangako talaga?” Uminom siya ng orange juice bago muling nagsalita. Oh, she had missed eating breakfast with him. “Neo, mahirap mangako. Hindi ko naman kailangan `yan. Sapat na sa `kin na gawin mo lahat ng makakaya mo.”

“I know. That’s what I promised him, na gagawin ko lahat ng makakaya ko para paligayahin ka at mahalin ka habang-buhay.”

Napatingin siya kay Neo at kitang-kita niya sa mga mata nito ang kasiguruhan ng bawat salitang binitiwan nito.

“I’m still a bit scared,” pag-amin ni Macy. “I- i mean, maraming puwedeng mangyari kasi.”

Inabot nito ang kanyang kamay. “I know, I know. Nothing is constant in this world, sweetheart. But I’m not scared anymore. I’m willing to fight for you, for our love. And I will never stop until my last breath. Kung darating ang panahon na mapapagod ka na sa pagtaguyod ng pagmamahalan natin ay ako nang bahalang sumalo ng lahat. Hinding-hindi ako mapapagod para sa `yo, Macy. I will fall in love with you over and over again.”

“You’re making me choke on my food,” natatawa at naiiyak niyang sabi na hindi na itinuloy ang pagsubo ng pagkain.

“Hindi yata magandang ideya na pag-usapan natin ito sa gitna ng pagkain,” sabi naman ni Neo.

“Let’s finish eating first,” sagot niya at binilisan ang mga pagsubo.

Naligpit na ni Tia ang mga pinagkainan nila. Nanatili sila ng lalaki sa papag; magkatabing nakaupo sa gilid niyon. It was a fair, beautiful morning; and Macy was looking forward to more mornings like this. With Neo. Only him. Gusto niyang matakot sa mga iniisip pero hindi niya mapigilan ang sariling mangarap ng kinabukasan kasama ang lalaking kapiling niya ngayon.

“You know,” pagbabalik-tanaw niya. “Dahil doon sa nangyari sa papag na ito kaya ako tinubuan sa `yo ng pagsinta,” natatawa niyang sabi.

“Nangyari? Wala namang nangyari sa `tin dito, ah.”

Hinampas niya sa balikat ang binata. “Well, yeah, we didn’t have sex. But that night, I think that was the first time that I really felt true romance between us.”

Ngumiti si Neo. “You’re right. Akala ko, ako lang ang nawi-weird-an noon.”

“You think romance is weird?” natatawa niyang tanong.

“Well, sort of. Mahirap kasing i-explain, kaya weird.” Umusod ito sa tabi niya at inakbayan siya. “One more thing, may kailangan pala akong tuparin sa papa mo.”

“Ugh.” Umikot ang eyeballs ni Macy. “Ano na naman `yon?”

“I promised him not to have sex with you anymore.”

“What?!” napakalakas na sabi niya at nakangangang lumingon sa binata.

Neo chuckled boyishly. “Gusto kong patunayan sa kanya na malinis talaga ang hangarin ko sa `yo. Kaya kahit hindi niya naman hiningi, ako na ang kusang nagsabi.”

“Puwede mo namang patunayan `yan sa ibang paraan!”

“Well, babe, nakapagsalita na ako ng tapos. At bilang lalaki ay tutuparin ko `yon. Isa pa, I want us to explore each other beyond just having sex. Marami akong gustong gawin kasama ka.”

Bumuntong-hininga siya. “Oo na, tama ka. Sabagay, masaya naman akong hindi lang `yon ang ginagawa natin. Ini-enjoy ko ang mga paglalambing mo.” Pabirong inirapan niya si Neo. “Dahil kaya sa sweetness mo kaya ako na-fall sa `yo, `no?”

“Pareho lang tayong na-fall sa ganoon, Macaria,” pagtatama nito.

“Saka isa pa…” Inihilig niya ang ulo sa balikat nito. “Marami akong gustong malaman sa iyo. I want to know what makes you sad, Neo. I want to know your hidden thoughts, your fears, what makes you cry…”

Humigpit ang pagkakaakbay ni Neo sa kanya bago sumagot. “Thoughts? I think about a lot of things, actually. Mostly about you, about the world, the universe, the mystery of life… Kaya siguro ako nahilig sa mga halaman, they don’t make noises and I can think freely if I’m with them,” paunang sagot nito sa mga gusto niyang malaman. “Cloudy days makes me melancholy for some reason, pero nawawala rin `yon `pag umulan na. Aside from fear of losing the people I love…” Parang nahihiya itong nagpatuloy. “I have an irrational fear of spiders.”

“Gagamba talaga?! `Yan ba ang dahilan kaya ayaw mong panoorin natin `yong bagong Spider-Man movie?”

Nahihiyang tumawa ito. “Oo.”

“Sana sinabi mo. Hindi naman kita pagtatawanan, eh. Tatay ko nga, ang tapang-tapang daw pero takot naman sa ipis.”

“Well, it’s embarrassing.”

“And what makes you cry?” interesadong tanong ni Macy.

“You made me cry last night.”

“Aaaw…” Hinaplos niya ang isang pisngi nito. “Akala ko lasing ka lang kaya mapula ang mga mata mo.”

“Mugto pa nga, eh. Natuyuan ako ng luha.”

“I’m sorry, baby.”

“Not your fault. Closet iyakin lang talaga ako.” Tumikhim ito bago nagpatuloy. “And, well… I also cry over sad movies, that’s why I don’t like watching them.”

“Aha! Sabi ko na nga ba. Iniyakan mo `yong Titanic!”

Humalakhak ito, mukhang wala nang kawala.

“From now on, no more hiding of negative emotions, okay? I want to see you cry, or being scared and weak. And yes, okay lang din na mainis ka, na uminit ang ulo mo `pag may nararamdaman kang masakit sa `yo. Sungitan mo lang ako minsan. I will try to be more understanding. Hindi ako dapat mag-freak out agad, hindi dapat ako mangilag sa `yo. Ikaw nga, naha-handle ang mga pagsusungit at pagtataray ko, eh.”

Gumanti naman ito ng yakap sa kanya. “I will really work on them, thank you.”

“I will never take advantage of your weaknesses, Apolonio. Ever. I love you.”

Napakalapad ng ngiti ni Neo. “Shit, parinig nga uli ng huling sentence.”

Macy giggled. “I love you. I love you!” kinikilig niyang sabi.

“I love you, too,” bulong nito saka inangkin nang buong pagmamahal ang kanyang mga labi.

She could do this, she thought. She could handle a relationship with Neo with no sex. Makokontento muna siya sa matatamis na halik gaya nito, sa mga maiinit na yakap ng lalaki.

“Uhm. Alam mo, okay lang pala na no sex muna tayo kasi ayokong mabuntis na hindi ako kasal,” sabi niya nang maghiwalay ang mga labi nila.

“Eh, di pakasal tayo para makagawa na tayo ng baby,” sabi naman nito.

“Neo!” bulalas ni Macy.

“I know, it’s a little too early to say this, and I don’t want to put pressure on you,” seryosong sabi ng lalaki. “But, Macy, I really want to marry you.”

Na-excite man siya sa narinig ay pinairal niya ang praktikal na parte ng kanyang pagkatao. Yes, there was no doubt that they were really in love with each other, but Neo was right; it would be a little too early to be talking about marriage. Hindi sila dumaan sa usual courtship at ngayon lang nila naamin ang nararamdaman sa bawat isa. But she was very happy nevertheless. This was more than she was hoping for.

“Y-you really mean that?”

“Of course. I love you and I want you to be my wife. But, first, I want us to enjoy our relationship right now. I wanna date you.”

Humagikgik uli siya. “Yeah, I wanna date you, too.”

“Kaya ikaw ang mag-decide kung kelan kita puwedeng pakasalan.” Iniliyad ni Neo ang dibdib. “Alam mo naman ako, willing mag-adjust basta para sa `yo.”

Yumakap si Macy sa kanyang boyfriend. Hala, may boyfriend na pala siya! Official na talaga ito! Ayaw niyang umasa o magsalita nang patapos pero hiling niya ay on the road to forever na sila ni Neo. Why not? Lahat naman siguro ng nagmamahalan ay iyon ang hinihiling.

MAHIGIT pitong buwan na ang lumipas mula nang maging mag-boyfriend sila ni Neo at halos hindi namalayan ni Macy ang pagdaan ng mga araw. So far, she was enjoying everything about their relationship.

Lahat ng kanilang mga kaibigan ay nagulat nang ianunsiyo nila iyon, lalo na si Zara. Speechless ang drama ng kaibigan nang tawagan niya, akala ay nagbibiro lang siya noong una, at noong nahimasmasan ay tili naman nang tili. Si Kael naman ay bumalik na sa Singapore at ang huling balita niya ay may idini-date itong katrabaho doon.

Seven months. Akalain ba nilang tatagal sila ng ganoon ni Neo na walang nangyayaring seksuwal sa pagitan nila? But, they did it. Kapag nagsosolo silang dalawa at alam nilang papunta na sa pagtatalik ang mga harutan nila ay ang lalaki na mismo ang titigil. Nakakabilib ang self-control nito, talagang pinapanindigan ang binitiwang pangako sa ama ni Macy. He would just hold her hand and kiss it repeatedly, telling her how much she meant to him, assuring her that he would never stop loving her. And with that, they would be both content and happy.

Seven months. Mga buwang nagdaan na puno ng pagmamahalan na nag-ugat sa hindi conventional na sitwasyon. But who said love couldn’t start on something that was not conventional at all? Love can sprout even from the most absurd situations. At hindi naman masyadong importante kung paano iyon nagsimula. Ang mas importante ay kung paano iyon tatagal at makikibaka sa haba ng panahon.

May mga araw na nagkakapikunan at nagkakainisan pa rin silang dalawa, pero hindi naman nagtatagal at nagbabati rin sila agad. Neo never stopped working on his personal issues, at nakikitaan naman ito ni Macy ng improvement. Noong minsang sumakit ang ngipin nito ay hinayaan lang niyang mag-tantrums ang lalaki, saka niya sinamahan sa dentista nang lumamig ang ulo. It turned out, takot pala sa dentist at doktor ang loko. Mabuti at wala naman pala itong tooth decay, nasobrahan lang daw sa pagkain ng matitigas. Tuwang-tuwa si Neo na nakaiwas sa root canal therapy at panay ang lambing sa kanya nang humupa na ang sakit.

“Dapat yata, bumili na tayo ng golf carts,” sabi ni Neo isang hapon na naglilibot sila ni Macy sa farm. “Masyado nang malawak itong farm para lakarin natin.”

“Humihina lang yata ang tuhod mo,” biro niya naman sa lalaki.

“Ayoko lang mapagod ka.”

Pinigil niya sa paglakad si Neo sa pamamagitan ng paghawak ng kamay nito. Nakangiti siyang tumingin sa makulimlim na paligid.

“Hey,” mabining tawa ni Macy, pinisil ang kamay ng boyfriend. “Don’t worry, mukhang uulan na, o,” pagpapasaya niya kay Neo sa gitna ng madilim nitong aura dahil sa maulap na panahon.

Ngumiti naman ang lalaki at hindi iyon pilit. “I know, I’ve been following the weather forecast. Plus, I’m with you. You make me happy amidst the cloudy weather.”

Hindi pa rin siya bumibitiw sa kamay nito. “Neo…” mapagmahal niyang tawag sa lalaki.

“Yes?”

“I love you.”

Lumapad ang ngiti nito at humigpit ang hawak sa kanyang kamay. Sa isang iglap ay parang naging maaliwalas na ang panahon sa paligid dahil nabalutan ng saya ang mukha nito. “I love you, too.”

They just stared lovingly at each other. Hindi pa rin nawawala ang parang mahikang dulot ng pagtitig sa mga mata ng lalaking minamahal niya. She still got lost in those warm, passionate eyes.

“Will you marry me?” madamdaming tanong ni Macy.

Natigilan sandali si Neo. “A-are you… s-sure?!” kandabulol nitong tanong.

“Hindi, naku, joke lang,” sarkastikong biro ni Macy saka humalakhak. “Ano ba, siyempre sure ako! Ilang beses ko na itong pinag-isipan, `no? Pasensiya na at hindi romantic ang setting. Gusto ko kasi na spontaneous lang siya. But, yes, I’m ready to get married now, Neo.”

Wow. How many women could say that, huh? Ilang babae kaya ang nag-propose ng kasal sa mga boyfriend nila?

“Baka naman nami-miss mo lang makipag-sex sa `kin?”

Dinagukan niya si Neo. “Ngayon ka pa ba magdududa? Ready na akong maging misis mo, `no?”

“Biro lang. Ito naman, bayolante agad!”

“Ano na?” naiinip at excited niyang tanong.

“Tinatanong pa ba `yan? Alam mo na ang sagot ko!”

Napatili si Macy nang bigla siyang iangat ng boyfriend mula sa lupa at inikot-ikot.

“Ikakasal na kami!” ubod ng lakas na sigaw nito. “Ikakasal na kami!”

Naglabasan tuloy mula sa mga greenhouse ang ilang mga farm worker at nakiusyoso.

“I love you, Macaria!” tuwang-tuwang sabi ni Neo. “I love you!”

“Uy, Apolonio, ibaba mo na nga ako!” tumatawang sagot niya.

Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid nila nang ibaba siya ni Neo at mainit na hinalikan sa mga labi. Noon na rin bumuhos ang ulan na parang nakikipagdiwang sa kanilang kasiyahan nang mga sandaling iyon.

The raindrops merged with their ardent kiss… A kiss that brought them a promise of lasting love that would stand the test of time.

W akas