noveltoon logo noveltoon
Get Naked (Hubaderos Book 1: Neo)

Chapter 11

Ch. 12 / 28 Nov 28, 2025

“BABAE pala ang assistant ng farm manager mo?” sabi ni Macy kay Neo nang makaalis sa opisina nila si Lynne.

Assistant general manager daw siya ni Neo, pero ang trabaho niya naman ay mag-asikaso ng mga papeles sa opisina ng mushroom farm. May ipinatayo roon si Neo na dalawang palapag na building. Nasa ibaba ang lab, storage at break room ng mga trabahador. Sa second storey naman ang opisina at suite na tinutuluyan ni Neo. Doon daw ito naglalagi at halos once a week na lang kung umuwi sa bahay nito.

Nagulat si Macy nang una siyang makarating sa mushroom farm. Hindi niya inakalang bongga pala ang business ni Neo, maraming malalaking greenhouses ang naroroon. Malaki ang production at lumalaki na rin ang tinutubo ng farm dahil sa mga dumaraming regular buyer niyon. No wonder, hayahay na lang ang buhay ng kanyang papa. Puwedeng hayahay rin naman siya sana dahil malaki ang return of investment niya sa farm, kaso, nabo-boring siyang hindi nagtatrabaho.

Maganda rin ang opisina nila ng lalaki. Napakaluwang ng air-conditioned room, may sala set sa gitna. May maliit na fridge, water dispenser at coffeemaker din doon; may sarili din silang restroom.

“Ano na pala’ng nangyari kay Darius?” Si Darius ay isang Agriculturist na nakakatandang kapatid ni Lynne. Classmate at kaibigan ito ni Neo sa college.

“Nakiusap ang seed company na pinagtatrabahuhan niyang huwag muna siyang umalis hangga’t wala silang nahahanap na kapalit niya. By next week siguro ay nandito na siya. `Di bale, maaasahan naman si Lynne. She can also help you here in the office.”

“How old is she again? Kaga-graduate lang niya ng Agricultural Technology sa College, `di ba?”

“She’s twenty-four, I think. Hindi siya nag-aral agad ng college dahil mas pinili niyang magtrabaho muna noon.”

Tumango-tango si Macy. “Ah. Maganda siya, ha? Sexy din. Single pa siya?”

“Yes, she is.” Nag-drum ang mga daliri ni Neo sa kanyang mesa. “May problema ba, Macy?” mayamaya ay tanong nito nang natahimik siya.

“Problema?” Kumunot ang noo niya. “Ano nama’ng magiging problema ko?”

“Parang may undertone kasi ang pananalita mo,” panghuhuli pa ng lalaki.

Tumawa siya. “Undertone talaga? Nah, I was just thinking if maybe she’s your type.”

Ito naman ang kumunot ang noo. “And?”

“Wala sa nabasa kong rules ng farm na bawal mag-date ng employee ang boss.”

“But I don’t wanna date her, Macy.”

Humalukipkip siya. “Ay, oo nga pala. Meron ka nga palang idi-date na taga-ATI. Kumusta na `yon? Kelan ka babalik sa Manila?”

Naging diskumpiyado ang tingin sa kanya ni Neo.

Nagpakakaswal naman si Macy, pasimpleng nagkibit ng mga balikat. “Kasi okay na itong farm. Matututukan mo na ang personal life mo.”

He rested both of his arms on the table and leaned towards her. “I’m doing just fine. Don’t worry about my personal life, okay?” seryosong sabi nito sa kanya.

“O-okay.” Tumikhim siya nang hindi pa umaalis ang lalaki sa kanyang mesa. “S-sige na, Neo. Itse-check ko pa pala `yong sales record from last week.”

“Bakit parang natataranta ka kapag lumalapit ako sa `yo?”

Dumeretso siya ng upo. “H-hindi, ah!”

Kasi naman. Hindi niya aakalain na magiging awkward na ang lahat sa pagitan nila ni Neo pagkatapos ng isang gabing maulan na iyon. Ilang beses niya kayang pini-play sa kanyang utak ang maiinit na eksenang pinagsaluhan nila. Hirap na siyang mag-relax, hirap na siyang mawalan ng malisya. Medyo iba pa noong pagkatapos ng unang karanasan niya sa lalaki. Dumaan naman kasi ang mahigit isang buwan bago sila nagkita uli.

Pero ang huling beses na may mangyari sa kanila ay noong nakaraang linggo lang. Saka, ibang-iba ang gabing iyon kaysa sa unang pagse-sex nila. They were both relaxed and super horny. They were being playful and kinky. Masisisi ba niya ang sarili kung hindi pa siya nakaka-recover? Dapat yata ay hindi muna siya nagpakita kay Neo, hindi muna siya pumasok sa trabaho sa farm.

“Will it be easier for you if you have your own office room?” suggestion ni Neo. “Bakante `yong katabing kuwarto natin, nakalaan talaga `yon na maging extra office space.”

“O-okay na ako rito.”

Gumuhit ang munting ngiti sa bibig nito. “Are you sure?”

Doon na niya tinampal sa braso ang lalaki. “Neo! May usapan na tayo, hindi ba? Trabaho lang ang mayroon tayo, hindi na lalampas pa doon.”

“Trabaho lang naman talaga. May iba pa ba akong ginagawa sa `yo?”

“W-wala nga, pero…” Argh!

“Pero ano?”

“Hayan ka naman, eh!”

“I’m not trying to flirt, Macy,” natatawang sabi ni Neo. “Maliwanag sa `kin ang usapan natin. No monkey business. I’m being good, I think. `Di ko lang alam sa `yo.”

Nag-iwas siya ng tingin kay Neo, bahagyang napahiya. Assuming naman siyang gusto uli ni Neo na maka-sex siya? Natikman na siya ng binata ng dalawang gabi, paulit-ulit pa. Hindi na ito hihirit, ano?

“Hindi mo lang maalis sa `kin ang medyo ma-awkward,” sabi ni Macy.

Muli itong sumeryoso. “I understand.”

Kahit gaano siya ka-open sa sex ay babae pa rin siya. Hindi alam ni Macy sa ibang kagaya niya, but maybe she just couldn’t take sex as something too casual. Pumayag siyang may mangyari sa kanila ni Neo dahil kahit paano ay kilala niya ang lalaki. Kinaiinisan man niya ay hindi naman ito isang total stranger para sa kanya. She trusted him in some way.

“I’m sorry I brought it up,” kambiyo niya.

He lazily pulled himself and stood up straight. “It’s okay, Macy. Pero gusto ko lang malaman mo na maliwanag sa `kin ang set-up natin.”

Pormal siyang tumingin sa lalaki. Kung may napansin man siyang trato nito sa mga trabahador ay seryoso itong nakikipag-usap at nag-uutos sa mga iyon. Hindi istrikto, seryoso lang talaga; pero nagla-lighten up naman kapag nasa break room na ang mga farm worker. Neo really meant business.

“Right.”

Nang uuwi na siya nang hapong iyon ay nagmagandang-loob naman si Neo na ihatid siya. Bago pa siya nakatanggi ay nagdahilan agad si Neo na papunta raw ito sa downtown ng Asuncion at along the way ang uuwian niya. Pumayag siya para hindi na ito mag-isip ng kung ano-ano at para patunayan na rin na kaya niyang magpakakaswal sa kabila ng nangyari sa pagitan nila.

“Macy, sa susunod ay hindi mo na kailangang hintayin ang oras ng uwian `pag gusto mo nang umuwi. Boss ka rin sa farm at investor, kahit three times a week ka lang pumasok doon ay walang problema,” pagbasag ni Neo sa katahimikan nang wala siyang imik sa passenger’s seat ng kotse nito.

“Okay. Ire-renew ko `yong driver’s license ko bukas para magamit ko `yong kotse ni Papa.”

“Para hindi na kita maihatid?”

Tumingin si Macy sa lalaki. “Alam mo, oo nga’t nag-sex tayo ng dalawang gabi; pero huwag mong i-assume na palagi kong iniisip `yon, okay?” pagtataray niya.

“What made you think I’m assuming that?”

Hayun, napahiya na naman siya. Nakakarami na ang gago, ha? “Naisip ko lang.”

“Marumi lagi ang isip mo, Macaria.”

“Marumi? Excuse me! Nililinaw ko lang ang usapan.”

“Kaya ba ibinubuyo mo ako sa ibang babae?”

Pinanlakihan niya ng mga mata si Neo. “Ibinubuyo is a big word, Apolonio!” Pero nahuli nga siya ng lalaki sa hidden agenda niya. Gusto niyang magkaroon na ng babaeng ka-date si Neo para makampante na siya. That way ay baka mahiya na rin siya sa sarili na isipin pa ang mga ginawa nilang kababalaghan.

Tumawa naman si Neo. “Relax, I’m not gonna date you, Macaria.”

“Tanungin mo naman muna kung gusto kitang ka-date! I’d rather date Freddie Krueger.”

Lumakas ang tawa nito. “Parang mas bagay kayo ni Michael Myers.”

“Lubusin mo na, idagdag mo na rin si Chucky sa choices!” banat niya.

Inismiran niya si Neo at hindi na sila muling nagkibuan. Somehow, being pissed off by him was making her feel more relaxed. Kapag inis siya sa lalaki ay nakakalimutan niya kung gaano ito kagaling sa sex, kung paano siya pinasigaw sa matinding sarap…

“WOW, Macy !” bulalas ni Zara nang dumalaw ito sa Alonte Mushroom Farm. “Ang bongga-bongga pala ng farm ni Neo, grabe,” sabi pa nito na nakatanaw mula sa bintana ng opisina.

Ipinasyal ni Macy ang kaibigan sa buong farm at hindi pa rin makapaniwala na ganoon kalaki at ka-profitable ang negosyo ni Neo.

“Next month ay may bagong breed ng mushroom kaming ipo-produce, mahal iyon. Gagamitin iyon sa paggawa ng natural medicine ng isang kliyente namin sa Japan,” kuwento pa niya sa kaibigan.

“Nagulat nga ako nang ibalita mong nag-resign ka na pala sa Makati, `tapos, magkasosyo at magkatrabaho pa kayo ni Neo. My gosh, I can’t imagine the horror like magsaksakan kayo ng ball pen. `Buti hindi pa kayo nagpapatayan?”

Tumawa si Macy. “We’re getting along just fine. Iba pala si Neo `pag oras ng trabaho. Seryoso ang kumag.”

Sa loob ng mahigit isang buwan, kahit paano ay nasanay na rin siyang kasama si Neo sa iisang kuwarto. Nakatulong sa kanya ang kapormalan nito kapag oras ng trabaho. They were finally over it, thank goodness. Maybe he was already dating that girl in ATI that he mentioned to her before. Isang linggo nang nasa Manila si Neo.

“Ay, talaga? Sabagay, sabi nga ng nabasa ko ay maraming mukha ang isang tao. Iba `yong ipinapakita natin sa pamilya natin, iba rin sa trabaho at lalong iba sa jowa .” Muling inilibot ni Zara ang tingin sa maluwang na opisina at natigil ang mga mata sa malaking flat screen TV doon. “Baka kailangan n’yo ng dagdag na tauhan dito? Ang boring maging bank teller. Dito na lang ako sa opisina n’yo,” sabi nito na muling umikot.

“Sa ngayon ay hindi pa naman masyadong marami ang gawain dito, saka tinutulungan din ako dito ni Bert, `yong naka-assign sa warehouse, saka ni Lynne—”

“Aaaay, sino `yong hombreng `yon?” biglang sabi ni Zara na parang nakakita ng nakakatakam na pagkain mula sa bintana.

Tumayo siya at nilapitan ang kaibigan. “`Yan si Darius, kuya ni Lynne. Siya `yong sinabi ko sa `yong farm manager namin. Kadarating lang siguro, tumawag siya kanina na medyo male-late daw.”

“He’s hot, ha?” kinikilig na sabi ng kaibigan saka siya siniko-siko. “Kaya ba naka-dress ka ngayon, ha? Ha?”

“Ano’ng kinalaman ng outfit ko sa kanya?”

“Para mapansin ka.” Bumungisngis si Zara. “Saka hindi kita nakikitang nagsusuot ng mini dress, `tapos, dito pa sa opisina sa isang farm sa probinsiya.”

Ngumiwi si Macy. “Isinuot ko lang ito bago amagin sa aparador, `no? May mga bago kasi akong outfit na binili na pang-opisina sana sa Makati, pero since nag-resign na ako doon— Jusko, Zara! Bakit ba ako nag-e-explain sa `yo? Hindi ako nagpapapansin, `no?!”

“Ito naman. Ano naman ngayon kung nagpapaganda at nagpapa-sexy ka para sa isang guy? Eh, tingin ko karapat-dapat naman si Darius na—”

Pabiro niyang inirapan ang kaibigan. “No monkey business ako dito.”

But in fairness, guwapo at macho nga si Darius. Hindi lang niya masyadong napagtutuunan ng pansin dahil nasa loob siya lagi ng opisina.

“Naku, kung wala lang akong boyfriend ngayon ay makikipagkilala ako sa kanya,” sabi pa ni Zara. “Kahit once a week lang kaming magkita ng jowa ko ay kontento na ako doon. Kaya hanggang tingin na lang ako sa mga guwapo ngayon.”

“Seryoso na talaga kayo ni Phil, ah?”

Masayang bumuntong-hininga si Zara. “Oo. Actually, medyo pinaplano na rin namin ang kinabukasan namin. You know, marriage.”

“Wow!” masayang palatak ni Macy. “Marriage na talaga? Ang bilis naman.”

“Sigurado na kami sa isa’t isa, Macy, handa na rin kami’t nasa tamang edad na. Bakit pa namin patatagalin, `di ba?”

“Nagulat lang ako. Kasi ang tagal n’yo ng ex mo, umabot kayo ng five years.”

“Six,” pagtatama ni Zara. “Siguro tama nga sila. Minsan `yong mga hindi mo inaasahan ang makakatuluyan mo talaga. Kaya mahirap ding magsalita nang patapos. Tingnan mo ako dati. Gaya ng karamihan sa mga babae, ang sabi ko, gusto ko ng lalaking puspusan sa panliligaw at nakakatagal sa relasyon. Eh, gago pala ang Daniel na `yon at ilan kaming niligawan `tapos, habang mag-on kami ay suma-sideline pa pala sa ibang babae.”

“You have a point. Hindi lahat ay dumaraan sa kung anong usual na idinidikta ng society natin.”

“Right! Kaya ipinapaubaya ko na sa `yo `yang hottie agriculturist na `yan, Macaria.”

“Heh!” Kinurot niya sa baywang si Zara.

“I’M sorry , I didn’t mean to ignore you. Ano na uli `yong sinasabi mo?” apologetic na sabi ni Neo kay Krista habang kumakain sila ng babae sa isang restaurant.

Dalawang linggo na silang nagde-date ng babae at masasabi niyang nagkakasundo agad sila. In fact, sa lahat ng mga babaeng na-involve sa kanya ay si Krista ang mabilis niyang nakapalagayan ng loob.

“Oh, I was saying kung gusto mong manood ng movie after ng dinner? Maaga pa naman at wala akong trabaho bukas.”

“Sure,” nakangiting sabi niya sa babae at napasimangot bigla nang nag-vibrate ang kanyang smartphone mula sa bulsa ng pantalon.

Gagong Cole. Ayaw siyang tantanan sa kakukulit na manood ng live show mamayang gabi. Kanina pa ito text nang text at nagsawa na siya sa kakasagot.

Sumipsip ang babae sa iniinom nitong raspberry lemonade. “Mukhang importante yata ang kausap mo?” nakangiti nitong usisa.

“It’s my…” Napakunot ang noo ni Neo sa nabasang text na hindi pala galing kay Cole. “…my brother. I’m sorry about that. Tawagan ko lang siya if you’ll excuse me.”

“Go ahead.”

Lumabas si Neo sa patio ng restaurant at tinawagan si Clay. “I’m on a date. Kumakain kami ngayon ni Krista.”

“Makulit si Mommy. She wants us there at my house by seven. Mag-o-overtime nga sana ako pero tinawagan niya ako kanina at sinabihang siguruhin ko raw na makakauwi ka rin.”

“Shit. Nasabi ko na kay Krista na manonood kami ng sine.”

“Sabihin mo, bukas na lang.”

Maasim na natawa si Neo. “Ang dali mong magsabi ng ganyan dahil sanay na sanay kang magtaboy ng mga babae.”

“Just get your ass home, Neo,” bossy na parting words ni Clay at binabaan na siya ng telepono.

Hiyang-hiya si Neo na nagpaliwanag kay Krista at lalo pa siyang nahiya nang walang anuman iyon para sa babae.

“I’ll make it up tomorrow, I promise. We’ll go wherever you want. Walang iistorbo sa `tin, kahit may mag-landing pang UFO sa EDSA.”

Tumawa ang babae. “I really like your sense of humor, Neo.”

See? How could he disappoint her? Wala na siyang mahahanap na babaeng katulad nito na nakakasundo niya sa lahat ng bagay. But then again, siya na rin mismo ang nagsabi na hindi basehan ng magandang relasyon ang pagkakasundo nila ng isang babae. Kanino na ba niya sinabi iyon?

Kay Macaria San Pedro.

Ano na kaya ang ginagawa ni Macy sa opisina? Mula nang umalis siya ng Sinagtala ay hindi niya tinawagan ang babae, binilin niya namang tumawag lang ito sa kanya sakaling may tanong ito o kung may problema sa farm. She hadn’t called. Maybe she was doing just fine. Or maybe she was getting a lot of help from Darius, ang playboy niyang kaibigan. Huwag lang magkakamaling kantihin ng gagong iyon si Macy at makakatikim talaga ito sa kanya.

Wait, so what was his problem if Darius and Macy would eventually become an item? Wala siyang pakialam. Wala sa regulasyon ng farm na bawal magkarelasyon sa isa’t isa ang mga trabahador doon.

“Neo?”

“Huh?” Napatingin siya kay Krista. Kanina pa ba ito nagsasalita?

“Ang lalim na naman ng iniisip mo,” puna nito.

Umiling siya. “Naisip ko lang `yong iniwan kong farm.”

“It’ll be fine. Sabi mo, may assistant manager ka na doon na mapagkakatiwalaan, `di ba?”

Tumango lang siya.

“Shall we go? Baka ma-traffic ka on your way,” yaya ni Krista.

Nagpilit pa siyang ihatid ang babae kahit sinabi nitong magta-taxi na lang ito pauwi. She gave him a light kiss on the lips when he stopped the car in front of the condominium building where she lived. Nang hawakan na nito ang handle ng car door ay pinigil niya si Krista sa braso at siniil ito ng malalim na halik sa bibig.

She moaned from his kiss. They had been kissing deeply every time they met, but now he wanted to give her more. Alam niyang iyon ang hinihintay ng babae.

Napakapit sa dibdib niya si Krista nang ipasok niya ang dila sa loob ng bibig nito. Their tongues mated for a while before he let her go.

Humihingal at namumula ang babae na nakahawak sa bibig nito. “Oh, my gosh. Y-you shouldn’t kiss me like that, Neo.”

“Why?” nakangiting tanong niya kahit alam na ang dahilan nito. Her face and neck were as red as sun-ripe tomatoes.

Lumunok ito bago sumagot. “You’re making me want you more.”

Ngumisi siya. Akalain mo, mahigit dalawang linggo na silang lumalabas ni Krista ay hindi pa pala sila nagse-sex? Record na iyon para sa kanya. Matagal na ang isang linggong pakikipag-date niyang walang nangyayaring seksuwal. Kayang-kaya niyang magkumbinsi ng babae kahit hindi siya nagsasalita. But for some reason, he hadn’t been persuading Krista until now kahit alam niyang gusto siya ng babae sa aspetong iyon.

Hinawakan niya sa leeg si Krista. “Tomorrow,” sabi niya saka muli itong hinalikan.

Si Krista na mismo ang tumulak sa kanyang dibdib para tantanan niya ito. “Pinagkakalat mo ako,” natatawa nitong sabi.

“You’re getting wet from my kiss?” tukso niya sa babae.

“Dripping wet and aching like hell.” Maharot siyang inirapan ng babae. “I gotta get going. Basta bukas, ha?”