noveltoon logo noveltoon
Get Naked (Hubaderos Book 1: Neo)

Chapter 22

Ch. 23 / 28 Nov 28, 2025

ANG mga sumunod na araw ay napuno ng mga maiinit na sandali sa pagitan nina Macy at Neo. Palagi silang nagkakayayaan sa suite ng lalaki at doon ay walang sawa silang nagtatalik. Each time, she felt closer and closer to him; each time, she felt she was giving him more and more of her love.

That fear inside her was still bugging Macy everyday, kaya naman hindi niya napigilang magtanong sa lalaki nang makita niya si Neo na nakatayo sa harap ng glass wall ng suite nito at parang malayo ang tingin sa labas. Kasabay ng pag-amin niya sa sarili ng tunay na nararamdaman para sa lalaki ay ang kagustuhang malaman pa ang lahat tungkol dito—ang mga pinakatatago nitong emosyon. She wanted to know what he was thinking when he was alone, what he was afraid of, what made him sad…

She walked towards him and hugged him from the back. “What’s wrong?”

“Nothing,” he nonchalantly replied.

“Maulap buong araw, pero hindi naman yata uulan dito sa `tin,” puna niya. Ayon sa balita ay may tropical depression sa ibang lugar at sinuwerteng hanggang pag-uulap lang ang nararanasan ng Sinagtala.

“I hope it rains,” sabi naman ni Neo.

“You look gloomy as the weather,” hindi na niya natiis sabihin. Yeah, mukhang gloomy nga si Neo. Masasabi niyang hindi nababagabag o problemado ang hitsura ng lalaki kaya hindi siya nag-aalala. “Is everything all right, Neo?” hindi niya pa rin natiis itanong.

Mabining kinuha ng binata ang kanyang kamay na nakalapat sa dibdib nito at hinalikan iyon. “I’m okay, baby. Don’t worry about me.” Marahan nitong hinila siya paharap, may maliit na ngiti sa mga labi nang isandal siya sa glass wall.

“You know, if you wanna be alone for a while, babalik na lang ako sa office,” nakangiting sabi niya.

Nahihirapan pa rin si Macy na hulaan ang itinatagong kahinaan ni Neo. Alam niyang hindi ito komportableng magpakita ng vulnerability at iniintindi niya iyon. Nagpapasalamat na lang siya at kahit paano ay isinali siya ng binata sa isang madilim na kabanata ng buhay-pamilya nito. And, with that, she felt important, she felt like a part of his family, too. Mas nakilala niya rin si Neo, at lalo itong napalapit sa kanya. Dahil din doon kaya nalaman niyang iba na pala ang kanyang nararamdaman para sa lalaki.

“I don’t wanna be alone, stay here with me,” sabi ni Neo saka ipinaikot ang isang kamay sa kanyang baywang.

“Dalawang oras na tayo dito, `no? Baka may maghanap sa opisina.”

“Fine,” sagot nito na sinundan ng buntong-hininga. “How about a dinner later?” ungot nito.

“Kumbinsihin mo muna ako,” humahagikgik na sabi ni Macy.

“Okay then,” parang na-challenge namang sabi nito saka siya siniil ng halik sa bibig.

She was panting when he let her mouth go. Kinurot niya sa tagiliran si Neo. “Your kisses are always fatal. Nakakaubos ng hininga.”

Tumawa ito. “After dinner, we’ll go shopping.”

“Shopping? Sagot mo?” biro niya.

“Oo,” seryosong sagot ng binata. “Sa ukay-ukay.”

Tumawa si Macy at muli itong kinurot sa tagiliran.

“Then we’ll go to my house and watch a movie of your choice. O, puwede na bang pangungumbinsi `yan?”

“Yes,” malapad ang ngiting sabi ni Macy saka ito hinalikan sa ilong.

Masaya silang umuwi sa bahay ni Neo nang gabing iyon galing sa mall. Nahiya naman siyang maghakot ng mga gusto niyang bilhin kasi sineryoso talaga ng binata ang pagbabayad sa lahat ng mga pinamili nila.

Nasa kalagitnaan na sila ng pinapanood nilang Titanic nang makaramdam ng antok si Macy. Hindi niya namalayan na nakaidlip pala siya habang nakahilig ang ulo sa balikat ni Neo. Magkatabi silang nakaupo sa love seat sa living room. Naalimpungatan na lang siya nang kinakalabit ng lalaki ang kanyang leeg at pisngi.

“I hate waking you up, babe. Pero uuwi ka pa, remember?” masuyong sabi nito.

She grunted and frowned. “Gusto ko pa dito,” groggy niyang sabi. Nagkusot siya ng mga mata hanggang sa may mahalata siya sa mukha ni Neo. His eyes looked red and swollen. “What the hell? Are you crying?” natatawang sita niya sa binata. Tumingin siya sa TV at nakitang patapos na pala ang Titanic .

“N-no. Of course not!” matigas na tanggi nito. “Mahapdi lang ang mga mata ko dahil nababad sa haba ng pelikula.”

“Whatever,” ngingiti-ngiting sabi ni Macy habang dumideretso ng upo.

“Bakit ba ito ang naisip mong panoorin? It’s too long.”

“Gusto ko lang i-try kung maiiyak ako. Kasi noong first time ko itong panoorin ay hindi ako umiyak. Naalala ko si Mama at Kuya Bart, nagyayakapan pa silang ngumangawa, pero ako nauwi sa pagtawa sa kanilang dalawa.”

“It’s a sad movie,” sabi ni Neo sabay kibit-balikat.

Napaiyak nga kaya ito ng Titanic? Imposible. Parang hindi ang tipo ni Neo ang iiyak dahil lang sa isang pelikula.

“Hey, you wanna sleep here? Tutal ay Biyernes naman ngayon, tawagan ko na lang ang papa mo, ipagpapaalam kita,” sabi nito noong nasa end-credit na ang pelikula.

“Hmn, ako na lang ang tatawag. Baka kung ano na naman ang sabihin sa `yo no’n.”

PAGBALIK nina Neo at Macy sa opisina mula sa pag-iikot ng farm ay may missed call siyang nakita sa kanyang cell phone. Galing iyon kay Zara. Mayroon din itong text message.

“May text si Zara sa `kin, baka meron din sa `yo,” sabi niya kay Neo.

Agad namang tiningnan ni Neo ang cell phone nito na may mga missed calls din. “Nakauwi na pala si Kael?” Iyon ang unang nasabi nito.

“`Kala ko nga rin December pa ang uwi niya.” Nagtatanong sa kanila si Zara kung puwede raw dumalaw ang samahan nila sa farm. “What do you think? Kelan sila puwedeng pumunta dito?” tanong ni Macy kay Neo.

“Anytime, I guess. Pasabi lang sila kung kailan para makapagpahanda ako ng pagkain.”

Tinawagan niya si Zara gamit ang landline phone ng opisina at ini-on niya ang speaker; excited namang sumagot ang kanyang kaibigan. “Tsinismis ko kasi sa barkada ang farm at na-curious sila,” sabi pa nito pagkatapos ibalita sa kanila ang plano.

“Ikaw na ang bahalang makipag-coordinate sa kanila kung kelan kayo pupunta rito,” bilin ni Neo.

“Okay. Uy, Macy, `andito na si Kael mo,” balita pa ni Zara.

“Gagang ito.” Natawa si Macy. “Bakit pala umuwi na siya?”

“Ikakasal daw `yong kapatid niya next month. Bale hanggang Pasko na siya rito.”

“Three months vacation din `yon, ah.”

“Oo nga. Magplano tayo ng madalas na outing natin, since kompleto tayo. Para lagi mong makikita si Kael.”

“Zara!” bulalas ni Macy at napasulyap kay Neo na nakatikom ang bibig at nakatingin lang sa telepono.

“Sus, if I know, excited ka diyan,” banat pa ni Zara.

“Hindi, `no!”

“Weeeh? `Di nga? Kahit sabihin ko sa `yong palagi kang tinatanong sa `kin ni Kael?” tukso ni Zara.

“H-ha?” Kumunot ang noo ni Macy. “Bakit naman?”

“Bah, ewan ko doon. Nagkita kami noong isang araw sa downtown, eh. Biglang nag-interview sa `kin tungkol sa `yo. Saan ka na raw nagtatrabaho, may boyfriend ka na raw ba, ganern-ganern .”

Lalong nangunot ang noo niya sa narinig. Humalukipkip naman si Neo, dumilim ang mukha.

Humagikgik naman si Zara. “Mukhang interesado sa `yo, Macy!”

“`Di `yan. Nangungumusta lang siguro,” kontra niya.

“Loka. Sa dami nating staff sa Echo, ikaw lang ang bukod-tanging tinanong sa `kin?” Muling humagikgik ang kaibigan, kinikilig ang loka. “I can smell something,” patuloy na tukso nito.

“Sige na, bru,” asiwang pamamaalam ni Macy kay Zara nang hindi na nagsasalita si Neo.

“Sige.” Nilakasan nito ang boses. “Hey, Neo, `andiyan ka pa ba?”

“Yeah. Tawagan mo na lang kami kung ano ang desisyon n’yo ng grupo,” sagot ni Neo rito. “Bye, Zara.”

Bumalik si Macy sa kanyang mesa pagkatapos niyang pindutin ang End call ng telepono.

“Bababa ako sandali. May gusto kang ipakuha? Snacks, or anything?” tanong sa kanya ni Neo.

“I’m good, Neo. Thank you,” nakangiting sagot niya.

Ngumiti nang pilit ang lalaki. “You look happy.”

Niluwagan ni Macy ang ngiti. “Of course I’m happy!”

TAKANG-TAKA si Macy nang sumapit ang araw na dalawin ng kanilang mga kaibigan ang farm. Halos ayaw siyang hiwalayan ni Kael. Sumasabay ito sa kanya sa paglalakad habang naglilibot sila at parang hindi nakikinig sa mga sinasabi ni Neo habang tinu-tour sila ng binata.

Nang kakain na sila sa mahabang mesa ay ipinaghila siya ng silya ni Kael pero naunahan ito ni Neo sa pag-upo sa bakanteng silyang katabi niya. Sa harap na lang niya tuloy ito pumuwesto.

Habang kumakain ng masaganang tanghalian ay nag-uusap-usap silang magkakaibigan. Panay naman ang hawak ni Neo sa kanyang hita na mabuti na lang at pantalon ang isinuot niya. Baka namilipit na siya sa sensasyon kapag sa mismong balat niya nakapatong ang palad ng lalaki.

“Hindi talaga ako naniwala kay Zara noong ibalita niyang dito ka na nagtatrabaho, Macy,” sabi ni Stephanie na sinang-ayunan ng dalawa pang kabarkada nila. “`Di ko talaga ma-imagine, kayong dalawa ni Neo sa iisang kuwarto,” sabi pa nito saka humagikgik.

“Parang war zone araw-araw,” segunda naman ni Damian.

Nakitawa si Macy, pinilit hindi magtunog-awkward iyon. Kung alam n’yo lang ang lahat ng mga ginagawa namin ni Neo.

“Nah. We’re getting along,” sabi naman ni Neo na pumisil sa hita niya saka kumindat sa kanya. “Bumait na siya sa `kin.”

Si Zara naman ang humagikgik. “Now ko lang naisip, ha? `Buti pala hindi kayo nagkaka-develop-an?”

Sandaling nagtinginan sina Macy at Neo. Siya ang unang nagsalita. “H-hindi, `no?” sabi niyang sinundan ng paglagok ng bottled water.

“Hindi naman ako type niyan,” segunda naman ni Neo.

“True. Magbibigti na lang ako,” biro ni Macy.

“May lubid ako,” pagsakay ni Neo.

“Ang boylets kasing type ni Macy, eh, mga matalino, mabait, maginoo, tahimik, magalang, responsable; `yong mga hindi nagmumura, ganern, ” sabi ni Zara na nakatutok ang mga mata kay Kael. Inirapan ito ni Macy pero ayaw tumigil ni Zara. “`Tapos, plus factor pa kung guwapo… gaya ni Kael!”

Umugong ang kantiyawan sa mesa at hiyang-hiya si Macy. Si Neo ay tahimik lang na ipinagpatuloy ang pagkain nang sulyapan niya ang lalaki.

Nang nabigyan sila ni Kael ng pagkakataong makapagsolo ay humingi siya ng paumanhin sa lalaki. Kumakain sila noon ng dessert at pagkatapos kumuha sa buffet table ng ube halaya ay hindi siya bumalik sa mesa sa halip ay nagpunta siya sa labas.

“Pasensiya ka na kay Zara,” nakangiwing sabi niya sa lalaking tumabi sa kanya ng tayo.

“Okay lang `yon.” Ngumiti si Kael nang sinulyapan niya. “Kumusta ka na, Macy?” pagkatapos ay tanong nito.

“I’m doing good. You?” nakangiting tanong niya at sumubo ng ube.

Nahiya siyang lakihan ang subo kahit paborito niya talaga ang kinakain. Natawa siya sa loob-loob nang maisip na kay Neo lang pala siya hindi nahihiya. Kaya niyang kumain na parang pulubi and he wouldn’t mind that at all.

“Ayos lang. Marami akong na-miss dito.” Tumikhim ito. “Ahm… May gagawin ka ba mamaya?”

“You mean, after work?”

Tumango ito.

“Wala naman, deretso uwi na.”

“Can I invite you out to a dinner?”

Muntik nang mabitiwan ni Macy ang hawak na tinidor at platito. Nakabuka ang bibig na nagpaling siya ng tingin sa kausap. Was he asking her out on a date?!

“Gusto ko lang sanang makapag-usap tayo nang solo,” sabi pa ni Kael nang hindi siya nakasagot agad.

Hindi naman siguro date? Jusko, gusto niyang kilabutan sa naisip. Date talaga?!

Magsasalita sana si Macy nang lumabas sa kinaroroonan nila si Neo. May hawak itong platito ng ube halaya.

“Hey, I saved you some,” sabi nito sa kanya, bahagyang iniangat sa kanyang harap ang hawak nitong dessert.

“Thanks, Neo. Pero okay na ako sa isang platito,” sabi niya sa lalaki.

“Am I interrupting something?” seryosong tanong ni Neo nang kapwa natahimik sina Kael at Macy, palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.

Ngumiti lang si Kael saka nagpaalam nang babalik sa loob.

“Ano’ng sinasabi niya sa `yo?” kunot-noong tanong ni Neo sa kanya.

Nagkibit-balikat siya. “He was asking me out for dinner.”

“Pumayag ka?” Parang wala sa sariling napasubo ito sa hawak na pagkain.

“Hindi ako nakasagot kasi lumabas ka.”

“Pero gusto mo?”

“I’m not sure. Hindi ko kasi alam kung anong klaseng dinner ang ibig niyang sabihin. Sabi niya naman, gusto niyang makapag-usap sana kami nang solo.”

“He was asking you out for a date.”

“You think so?”

“Kanina pa `yan dikit nang dikit sa `yo,” may himig inis na sabi ni Neo na sunod-sunod ang pagsubo ng ube halaya.

Muntik nang matawa si Macy. Neo was not being jealous, was he?

“Ano naman sa `yo kung dikitan niya man ako at yayain akong mag-date?” pang-aasar niya.

Pero seryosong-seryoso ang kumag na nasimot na ang ube halaya na nasa hawak na platito. “Whatever. Just tell me the score right away, Macy. You know, so that we can change our arrangement ?” may pagkasarkastiko pang sabi nito bago siya iniwan doon.

Ay, bitter lang?

HINDI maintindihan ni Macy kung bakit mukhang iritable si Neo mula pa kahapon. Ayos naman ang kalagayan ng ina nito, ayon sa binata. Arabella was still seeing a therapist, she apparently stopped drinking and smoking, too. Ayon kay Neo ay nagbabalak na itong bumalik sa probinsiya pero hindi para tumira sa dati nitong bahay. Gusto raw ni Arabella na magkaroon ng sariling bahay. May bibilhin itong bahay sa Tagaytay at doon nito gustong tumira, malapit sa pamilya nito. Ayaw na raw nitong mag-alala pa ang dalawang anak at maging sagabal sa private life ng mga ito.

Ipinangako naman ni Arabella na magiging okay lang ito at ibubuhos ang panahon sa pagyo-yoga, pag-aalaga ng mga halaman at pagko-cross stitch. Makikipaglapit na rin uli si Arabella sa pamilya nitong nilayuan noong tumira ang ginang sa Sinagtala.

Hindi gustong isipin ni Macy na may kinalaman ang mood ni Neo ngayon sa sinabi niyang pagyayaya sa kanya ni Kael ng dinner. He was not seriously pissed off about it, right?

Tumawag kanina si Kael sa kanya at inuungot na naman ang dinner na iyon pero sinabi ni Macy na titingnan na muna niya. Ayaw talaga niyang mag-assume na date iyon, nahiya siyang magtanong. Jusko, baka ibinuyo o pinilit lang pala ni Zara si Kael gaya nang nangyari sa kanila ng crush niya sa dating trabaho. Kung friendly dinner lang ang habol ng lalaki ay walang masama, at kung date naman… Well, mabuti nang magkalinawan sila habang maaga pa.

“Are you okay?” hindi na napigil itanong ni Macy kay Neo nang nakita niyang naghilot ng magkabilang-sentido ang binata. Nag-aalalang lumapit siya sa mesa nito.

Flat itong sumagot. “Masakit lang ang ulo ko.”

“Dalawang araw nang masakit ang ulo mo?” tanong niya, lalong nginatngat ng pag-aalala.

Tiningnan siya ng lalaki na parang nagsasabing “napansin mo pala”. “I think it’s a head congestion and sinus pressure,” sagot ni Neo, sunod na hinilot ang noo.

“Naku, baka matuluyan kang magkasakit. Si Bert, tinrangkaso kaya dalawang araw nang absent, `di ba? Wait, nagpa-flu shot ka na ba?”

Nang tinangka niyang abutin ang mukha ni Neo ay itinaas nito ang kamay bilang pagpipigil sa kanya. Napanganga si Macy sa malamig at ilag nitong reaksiyon. Daig pa niya ang itinulak palayo.

“Macy, hindi ito trangkaso. I’ve had this before, don’t worry. Kailangan ko lang ng antibiotic.” He didn’t sound reassuring at all. Parang sinabi lang iyon ng binata para umalis na siya sa harap nito.

“Eh, bakit hindi ka magpunta sa doktor para malaman mo kung ano talaga `yan?” Nahaluan ng inis ang kanyang pag-aalala.

Mabilis siyang tumalikod sa lalaki at walang imik na bumalik sa kanyang mesa. Naiinis siya. Heto na naman ang mokong na ito at ayaw na ipakita ang kahinaan sa kanya.

“I will go tomorrow, all right?” parang nawawalan ng pasensiyang sagot nito.

“Fine. Whatever,” bulong na lang ni Macy na ewan niya kung narinig ni Neo na nakaharap na sa ginagawa nito sa computer.

Isinubsob na lang niya ang atensiyon sa ginagawang pagtsi-check ng payroll sa laptop. Masama ang kanyang loob. Bakit kailangang palagi silang nauuwi ni Neo sa pagtatalo tuwing nag-aalala siya rito? She thought he had finally opened up to her. Magmula noong nasa Manila sila ay masasabi ni Macy na nararamdaman na niya ang kawalan nito ng reserbasyon sa sarili at ipinakita sa kanyang nalulungkot ito, na problemado. She thought he had been letting her get inside him—the deepest part of him, and letting her stay there.

Ngayon ay natatakot si Macy na baka mali pala siya ng akala.

NAGPUNTA nga siguro sa doktor kinabukasan si Neo dahil hindi ito pumasok. Naisip ni Macy na baka natuluyan nang nagkasakit ang pobre dahil hindi ito tumawag sa kanya, isang text message lang ang pinadala nito. May sinusitis daw at hindi papasok sa trabaho. Nang nag-reply siya para kumustahin ang pakiramdam nito ay hindi sumagot ang lalaki.

Napasimangot siya. Seriously, anong ganap sa gagong iyon? Gaano ba kahirap para kay Neo na ipakita sa kanyang tinatablan din ito ng sakit at kailangan ng pag-aalaga o paglalambing niya? Or maybe, he didn’t really need her at all.

Gusto man niyang tawagan si Neo ay nagpigil siya sa sarili. Ayaw nitong nag-aalala siya? Eh, di, sige. Manigas itong mag-isa!

Mainit tuloy ang ulo ni Macy maghapon at si Darius ang napagbuntunan niya.

“Sinabi ko na sa `yo kahapon, `di ba? We need to mandate overtime for next week, kahit tig-four hours lang per worker,” inis niyang sabi sa lalaki nang umakyat ito sa kanyang opisina at naisip na usisain ang tungkol sa overtime.

“Ia-announce ko mamaya, relax. Malayo pa naman ang uwian, saka sabi ni Neo, sanay na ang mga trabahador dito sa biglaang announcement ng overtime. Besides, marami sa kanila ang gustong magtrabaho para sa extra na pera,” sagot ni Darius sa kanya. “Is everything okay, Macy?” tanong nito nang bumuntong-hininga lang siya.

“I’m fine. Thank you, Darius.”

Pero makulit pala ang lalaki. “Hindi naman ito tungkol kay Neo?” pang-iintriga pa nito.

Kinunutan niya ng noo ang lalaki. “Paanong napasok si Neo sa usapan?” pagmamaang-maangan niya.

Nagkibit-balikat naman ito. “Baka kako nag-away kayo. Dalawang araw na ring may topak `yon. Nagpipigil lang talagang magalit `pag inaasar ko.”

“Wala kaming relasyon ni Neo kung `yan ang iniisip mo,” sagot ni Macy sabay irap sa lalaki.

Tumawa si Darius. “Wala pa ba? Ang bagal naman ng kaibigan ko. Gusto mo, ako na lang ang manligaw sa `yo para sa kanya?”

“Pareho talaga kayong magkaibigan, palaasar. Umalis ka na nga!” inis na pagtataboy niya kay Darius.

Tumayo na ito mula sa isang silya sa harap ng kanyang mesa. “Baka kako nami-miss mo lang ang mga pang-aasar ni Pareng Apolonio kaya proxy muna ako sa kanya.”

“Darius!” Pinandilatan niya ito. “Get out of my office. Now!”

Nagtaas ito ng mga kamay saka paatras na naglakad papunta sa pintuan. “Binibiro lang kita. Ayoko kasing nakakakita ng babaeng malungkot.”

“Hindi ako malungkot, okay?” Oops, ang defensive yata ng pagkakasabi niya.

Kasama ba talaga sa pag-ibig ang pagiging emotionally invested?

Pakiramdam ni Macy ay ang dami-dami na niyang naibigay at hindi niya alam kung hanggang kailan siya magiging ganito.