noveltoon logo noveltoon
Get Naked (Hubaderos Book 1: Neo)

Chapter 2

Ch. 3 / 28 Nov 28, 2025

ISANG batik na cover-up ang pinangtakip ni Macy sa suot na kulay orange na two-piece bikini. Because of her plump hips, buttocks and boobs, the bathing suit looked too skimpy on her. Nagdadalawang-isip na tuloy siya kung tatanggalin na ang cover-up. Pero, `di ba, parang tanga naman kung lalangoy siya sa tubig na suot-suot pa rin ang cover-up? Bumalik na lang kaya siya sa cottage at magsuot ng shorts at rash guard gaya ni Zara?

Nanindigan naman siya nang mahuli si Neo na nakangisi sa kanya. Humanda talaga ito mamaya, ipaparada niya ang katawan sa lalaki.

Weh? Kaya nga ba niya talaga? Hanggang ngayon ay ang inis lang kay Neo ang tanging armas ni Macy kaya hindi pa siya pinapanginigan ng mga tuhod.

“Nakasimangot ka na naman, Macaria,” tatawa-tawang sabi sa kanya ni Neo nang lumapit ito sa pinag-iihawan niya ng pork barbeque.

Dumating sila ng mga kaibigan sa Escape Hotel and Beach Resort at maaga silang nagising para samantalahin ang lamig ng tubig-dagat. Doon na sila nag-almusal sa kinaroroonang pergola at doon na rin magtatanghalian.

“Ano naman sa `yo?” asik ni Macy kay Neo.

“Bakit ba palagi kang masungit sa `kin?” balik-tanong nito.

“Hindi ko kasi feel ang ugali mo,” prangkang sagot niya.

“Ah, `yan ba ang dahilan kaya ayaw mong makipagsosyo sa `kin sa negosyo?”

Napaikot ni Macy ang eyeballs. Ang magaling niyang ama at naitsismis agad kay Neo ang pagtanggi niya sa business proposal nito?

“Not everything is about you, Apolonio.”

“My business is growing. Next month nga ay may imi-meet up akong potential buyers na galing sa Hong Kong. Kung gusto mo, puwede kitang i-hire para maging in charge sa office. `Yong papa mo kasi, gusto niyang maging consultant ko lang.”

“Utos ba `yan sa `yo ng papa ko? Ang kumbinsihin akong magtrabaho sa kabutehan mo?”

Tumawa si Neo. “Kabutehan?”

“Hindi ako interesado, just to let you know. Saka mas bagay sa `yo ang business mo.”

“What do you mean na mas bagay sa `kin?” Ngumiti ito nang pilyo. “Dahil kabute ang pinu-produce ko?”

Nagkibit-balikat si Macy. Hindi niya yata naiwasang maging berde ang banat sa kausap. Pikon talaga siya pagdating kay Neo kaya kung ano-ano na lang ang napupulot niya at naibabato sa lalaki.

“Yeah, because you’re such a dick. Suits you well, ain’t it?”

Hindi naman ito napikon. Hinding-hindi niya yata maaasar si Neo kahit kailan. “Just to set things straight, my dick is bigger than my mushrooms,” he told her with a boyish chuckle. “Way bigger. And, harder. Mas masarap din—”

“Bastos!” angil ni Macy sa lalaki, iniumang ang isang stick ng pork barbecue sa mukha nito.

“Hey, you started it!” ganti ni Neo na hindi natakot sa armas niya.

“Nag-aaway na naman ba kayo?” sita sa kanila ni Zara habang nagpapahid ng sunblock sa mukha. “Hindi na kayo nagbago, mula high school para na kayong aso’t pusa.”

“Aso’t pusa. I like that,” nakangising sabi ni Neo at bago pa makapagsalita si Macy ay pinisil siya ng lalaki sa pisngi. “You’re like a cat, a very feisty one. Maybe I should call you kitten.”

Sa inis ay dinagukan niya si Neo. “Kung aso ka naman, siguradong askal. `Yong gusgusin at may rabies!”

“Sa lahat naman ng askal, ako itong guwapo,” pagmamayabang ni Neo na nagliyad pa ng dibdib.

Lalong nainis si Macy. Kailan kaya niya magagantihan ang pang-aasar nito? Gawa yata sa adobe ang pagmumukha ng lalaki at hindi tinatablan ng kahit na anong insulto.

Iiling-iling na dumampot ng dalawang stick ng barbecue si Zara at bumalik na sa kumpulan ng mga kaibigan. Labing-isa sila lahat na naroroon, pito ang staff ng Echo at ang apat sa kanila ay nagsama ng kani-kanilang mga asawa at kasintahan. Magkasama sina Macy at Zara na mag-i-stay sa isang beach cottage at tig-isang cottage naman ang magkakapareha. Mag-isa si Neo sa isang cottage, hindi yata kasama sa lakad nila ngayon ang girlfriend nitong si Reina. O, baka may iba nang girlfriend? Noong nakaraang taon pa nakilala ni Macy ang babaeng iyon, baka break na sila ni Neo. Ugh, bakit ba siya nagwa-wonder tungkol sa love life ng lalaking ito? He could date Valak or a baboon-shark hybrid for all she cared!

Sumimangot na lang si Macy at hindi na umimik. Tumabi naman sa kanya ni Neo at ito ang nagbaliktad ng mga iniihaw niyang barbecue. Sa inis ay imbes na layuan niya ang lalaki ay pinaypayan ni Macy nang mabilis ang baga at sinigurong sa mukha ni Neo ang direksyon ng nagliparang abo. Muntik siyang natawa nang mapaubo ito at nagkusot ng mga mata.

“HOW’S Mom?” tanong ni Neo sa kanyang nakakatandang kapatid na nakabase sa Makati. “Magdadalawang buwan na rin siyang hindi umuuwi sa Sinagtala. I guess she’s enjoying the city life that she left a long time ago?”

“Hopefully, she’s doing good. Halos hindi kami nagkikita. Panay ang labas kasama ang mga kaibigan niya,” sagot ni Clay.

Matanda nang tatlong taon sa kanya si Clay, ang general manager ng Alonte Talents, Incorporated o ATI na pagmamay-ari nilang magpipinsan.

“Nag-uusap na ba sila ni Daddy?” ungkat pa ni Neo sa kapatid.

Natawa si Clay. “Kelan ba sila huling nag-usap? Sa korte pa yata noong on-going ang annulment nila.”

Grade five si Neo noon nang tuluyang maghiwalay ang kanyang mga magulang. Sa Quezon City sila noon nakatira at nagdesisyong umuwi ng probinsiya ang kanyang ina nang ma-finalize ang annulment. Sumama silang magkapatid dito noon at bumalik lang sa siyudad si Clay nang mag-college ito at kumuha ng BS in Entrepreneurship. Si Neo naman ay nanatili sa Sinagtala at doon nagtapos ng BS in Agriculture.

“Galit pa rin siya kay Daddy,” sabi niyang sinundan ng buntong-hininga. Lumabas siya sa balkon ng kinaroroonang beach cottage at tumanaw sa asul na dagat.

“Hindi na natin mababago `yon, Neo. She was badly hurt.”

“I know. I just wish they’d make amends. Matatanda na sila at malalaki na rin tayo.”

“Huwag mo na silang alalahanin, okay? Just focus on yourself, on your business. Saka dumalaw ka naman dito sa ATI, dalhin mo si Reina.”

Muling bumuntong-hininga si Neo. “Wala na kami, Kuya. Four—five months na rin yata.”

“O, ano’ng nangyari? Akala ko, pakakasalan mo na `yon, eh.”

That was what everybody was thinking when he got on with Reina. Marami kasi siyang naka-date dati pero si Reina lang ang naging seryosong girlfriend niya. Tumagal din sila nang halos isang taon ng babae.

“Nakipag-break siya sa `kin nang malaman niya ang dahilan kung bakit naghiwalay sina Mommy at Daddy.”

“Hindi mo ba sinabi agad sa kanya?”

“We didn’t really talk, you know?” Paano naman sila makakapag-usap nang masinsinan ni Reina kung kada pagkikita nila ay nauuwi sila sa kama? “Isa pa, alam niya namang hiwalay ang parents natin bago naging kami. Huli na nga lang nang malaman niya ang dahilan.”

“Akala niya kagaya mo rin si Daddy?”

“Maybe.”

Their father left their mother for another woman. Iyon ang dahilan ng paghihiwalay ng mga magulang. Tatlong taon noon si Neo nang makipagrelasyon si Felix kay Ynez at nagkaroon ang mga ito ng isang anak na lalaki. Ayaw pa noong makipag-annul ni Arabella sa mister pero desidido naman si Felix sa pakikipaghiwalay.

Masama man ang loob ay hindi naman makuhang magalit nang todo ni Neo sa kanilang ama. Hindi ito naging mabuting asawa pero hindi naman ito nagkulang sa pagiging ama sa kanila ni Clay. Ibinigay nito ang lahat ng pangangailangan nilang mag-iina habang nakatira sila malayo kay Felix. Mayroon pa rin silang share sa negosyo ng pamilya nitong isang malaking trucking company.

“Sorry to hear that, bro,” puno ng simpatyang sabi ni Clay.

“Yeah. Well, what can I do, right? Alam mo namang ayaw na ayaw kong ipinagpipilitan ang sarili ko kaya hindi na rin ako naghabol pa.”

“You could’ve at least tried. Baka na-shock lang `yon at matatauhan din.”

“Nah. I’d rather not. Ayoko ng masyadong praning na babae. Saka okay naman ako sa ngayon.”

“Well, you sound fine. Siguro hindi mo siya masyadong minahal kaya hindi ka malungkot.”

“Yeah, maybe.” Siguro nga kung todo-todo lang ang pagmamahal niya kay Reina ay hahabulin niya ang babae.

“May bago ka nang ka-date?”

Tumawa si Neo. “Mga kabute.”

Isa pa iyon sa mga dahilan kaya nakipaghiwalay sa kanya si Reina. Masyado siyang naging abala sa pag-aasikaso ng kanyang mushroom plantation at maya’t maya ay nagdududa ang dating girlfriend na baka may iba na siyang babae kaya nababawasan ang pagkikita nila. Mula nang malaman ni Reina ang kataksilan ng kanyang ama, nawalan na ito ng tiwala sa kanya. Palagi itong tumatawag, nagte-text; nagtatanong kung nasaan siya at ano ang kanyang ginagawa. Gusto pa nitong palaging tsini-check ang cell phone niya, pati na rin laptop. Kaya kahit nasaktan din siya sa hiwalayan nila ni Reina ay mas malaking parte pa rin sa kanya ang naramdamang relief.

Bakit ba kasi naisipan niyang magkaroon ng girlfriend? Ang sarap ng buhay niya noong nakikipag-date lang siya. He got to fuck different women without solid commitment.

Speaking of fucking… Matagal na rin pa lang nabuburo ang alaga niya sa kawalan ng aksiyon. Shit, baka kalawangin na’t hindi na gumana!

“I gotta go, Kuya,” paalam ni Neo sa kapatid nang may matanaw siyang naglalakad sa dalampasigan papunta sa isang lounge chair.

The woman was wearing a two-piece orange bikini and her wavy hair was dancing sensually with the breeze. Kahit malayo ang kinaroroonan niya mula sa babae ay kitang-kita ni Neo na malalaki ang dibdib at balakang ng babae. She was tall, and damn… curvy as fuck. Iyong tipong parang mapapagamit pa siya ng GPS para i-explore ang mga kurbada nito sa katawan.

Hot damn, his hormones were already raging. Sa isip niya ay iisang salita lang ang nagpa-flash in bold red letters: SEX. He could already imagine grabbing those full hips as he rammed his cock inside her, tugging her wild hair while fucking her doggy-style.

Gustong tadyakan ni Neo ang sariling mukha sa pag-iisip agad ng kahalayan. He was not really the fuck-and-go kind. Dalawang beses lang siyang nakaranas ng one-night stand at lahat na ng babaeng nakasiping ay puro naka-date niya. Pero kakaiba ang babaeng ito na hindi pa man niya nalalapitan at nasisilayang maigi ay matindi na agad ang epekto sa kanya, mainit. Or maybe, he was just being too horny? Pinakamatagal na yata ang dalawang buwan na naging celibate mula nang nag-disiotso anyos siya.

Sana lang pala ay single ang babaeng ito.

Dali-dali niyang hinubad ang puting t -shirt at itinira sa katawan ang asul na board shorts. Baon ang kapal ng mukha—err, confidence ay naglakad siya sa lounge chair na kinauupuan na ngayon ng babae na nagpapahid ng sunblock lotion sa mga braso.

Mula sa likuran ng puwesto ng babae ay naglakad si Neo palapit dito. Hindi niya napigil ang mapalunok nang makita ang makinis nitong balat sa likod. And he was instantly obsessed with her rounded ass and wide hips. Kaunti na lang at magpa-flag ceremony na ang alaga niya!

Huminto siya sa tabi nito. “Hi,” puno ng confidence na bati niya sa babae.

Muntik na siyang matumba nang nagbaba ng sunglasses sa ilong ang babae at tumingin sa kanya. “Yes?” mataray nitong sagot.

“M-Macy?!”

“ANO’NG kailangan mo?!” mataray na sita ni Macy kay Neo na hindi niya namalayang nakalapit na pala sa kanya.

Gusto niyang ipagtabuyan ang lalaki bago pa siya mabanatan ng pang-aasar pero nagbago ang kanyang isip. Kaya nga pala siya halos naglaladlad ng kaluluwa ngayon ay para ipamukha sa ugok na ito na mali si Neo sa akala na hindi maganda ang kanyang katawan. Kaya sige, ini-stretch pa niya ang mga legs na lalong kuminis dahil sa tiniis niyang waxing. Jusko, daig pa niya ang hinahagupit ng mumunting latigo sa sakit nang nasa salon siya, lalo na nang sa pinakatatago niyang parte ang tinanggalan ng buhok.

“W-wala naman,” parang nag-i-stammer na sagot ni Neo, bahagyang nagkamot ng ulo. “Napadaan lang.”

Hindi naman naiwasan ni Macy na tumingin sa upper body ng lalaki. She had never seen him shirtless before. Alam niyang okay ang katawan nito dahil hindi payat at hindi rin naman mataba; pero hindi niya inakalang may ipinagmamalaki palang muscled chest and abs si Apolonio. She didn’t usually go for tattooed men, pero ang tribal design na tattoo ni Neo na nasa dibdib na nag-expand hanggang balikat ay parang nakadagdag sa ka-macho-han nito. And, darn, look at those yummy biceps!

Wait, macho? At, anong yummy-yummy ang pumapasok sa kukote niya? Utang-na-loob! Biceps iyan ng lalaking pinakaiinisan niya sa Earth, ano? Dapat sa biceps na iyan ay tagain kahit mukhang masarap paglambitinan—ay buset!

Dali-daling isinuot uli ni Macy sa mga mata ang sunglasses bago pa siya mahuli ni Neo na parang ini-examine ang katawang-lupa nito. After all, ito dapat ang malaglag ang panga sa katawan niya and not the other way around.

“I can help you put lotion on your back,” sa gulat ni Macy ay sabi ng lalaki.

Nilingon niya uli si Neo, hindi alam ang sasabihin. Nagmamagandang-loob ang loko pero papayag ba siya? Kailangan nga niyang lagyan ng sublock ang kanyang likod dahil ayaw niyang ma-sunburn iyon. Wala pa naman si Zara ngayon, umalis sandali para bumili raw ng ice cream. Naghiwa-hiwalay na silang magkakaibigan pagkatapos nilang mag-lunch kanina at ngayon lang siya naglakas-loob na maligo sa dagat nang naka-bikini.

Ngumiti si Neo. “Relax, hindi kita tsatsansingan, Macaria.”

“Bakit ko naman iisiping tsatsansingan mo ako?!” angil niya sa lalaki. “Subukan mo lang at ipapalaklak ko sa `yo itong sunblock lotion,” pagbabanta pa niya.

Walang sabi-sabing umupo sa may likuran niya ang lalaki. “Hand me the lotion.”

“Ayoko!”

“Sige ka, tanghaling tapat na, baka magka-skin cancer ka niyan.” Buwisit na ito at tinakot pa siya!

Padabog niyang iniabot ang lotion kay Neo, saka inipon ang buhok para i-clamp sa likod.

“Good girl,” nasisiyahang sabi ng lalaki.

Macy fought the urge to gasp when his palm touched her bare skin. Noon niya naalalang wala pa palang lalaki ang nakahawak sa kanya sa parteng iyon.

Hindi, malamig lang ang lotion. `Yon lang `yon!

Sinubukan niyang mag-relax habang maingat na humahagod ang mga kamay ng binata sa kanyang likod at balikat.

“Hindi mo yata kasama ang girlfriend mo?” napilitan niyang sabi para pigilan ang kakaibang tensiyong kumakain sa kanya ngayon.

“Wala akong girlfriend,” kaswal na sagot ni Neo na parang sadyang binabagalan ang ginagawa sa kanyang likod.

“Ah, wala na? Ano’ng nangyari?”

“Intrigera ka pala.”

“Nagtatanong lang.” Tumawa si Macy. “Sayang naman `yong kaisa-isang babaeng pumatol sa `yo, nawala pa,” kantiyaw niya.

“Lakas mo ring mang-asar.”

Nilingon niya si Neo. “Naasar kita?” Finally!

“Hindi.”

Napasinghap si Macy nang dumako sa kanyang batok ang isang kamay ng lalaki. Suwabe ang paghagod ng mga daliri nito roon at parang ginapangan ng maliliit na boltahe ng kuryente ang kanyang katawan.

“Your neck is long,” komento ni Neo.

Inaasar na naman ba siya ng lalaki? “Parang giraffe? Ostrich?”

“I’m trying to give you a compliment, Macy. Lighten up, will you?”

Macy could no longer contain what was bottling up inside her that was brought by the touches of all people— this man. She squirmed.

“What’s wrong?” usisa sa kanya ng lalaki.

“M-may kiliti ako diyan,” pagsisinungaling niya. Hindi naman talaga kiliti ang kanyang naramdaman, o kung ganoon man iyon ay isang masarap na uri ng kiliti. Mainit, nakakapanuyo ng lalamunan. Gusto na niyang mag-panic. She was getting hot and bothered! “O-okay na, Neo. You can stop now. S-salamat,” kandabulol niyang sabi.

“All right.” Ibinalik ni Neo sa kanya ang bote ng lotion at ito pa ang nagkalas ng clamp ng kanyang buhok. “Hindi ko alam na kulot pala ang buhok mo,” sabi nito.

“Palaging nakapusod kahit bagong ligo ako,” napapalunok na sagot niya. Tumuwid siya ng upo, bahagyang lumayo mula sa lalaki sa kanyang likuran.

“You should let it down often. I think it’s very beautiful.”

“Y-you think, really?” Hindi gusto ni Macy ang wavy hair niyang mas kumukulot ang mga dulo. Kahit malambot iyon ay mahirap suklayin at i-style kaya palagi na lang niyang iniipit kahit basa.

“And sexy.”

“Sexy?!” bulalas niya. “M-may sexy ba na buhok?”

Narinig niyang mahinang tumawa si Neo. “Yes,” mahinang sabi nito at naramdaman niyang dumampi ang mga daliri nito sa kanyang buhok. “Yours is.” He twisted a long finger with her curls. And did he sniff it, too?

“Huwag mo ngang paglaruan ang buhok ko.” Angil sana iyon pero nagulat si Macy dahil naging mahina at paos ang kanyang boses.

Oh. My. God.

Isa lang ang ibig sabihin ng nararamdaman niya ngayon. Virgin siya, oo, pero hindi siya ganoon kainosente sa kamunduhan. Hindi siya bato, lalong hindi siya yelo. And she was already twenty-seven years old, for crying out loud. Nakakaramdam din siya ng init kung nagbabasa o nanonood siya ng erotic stories. And yes, she had learned how to pleasure herself, too, kahit medyo late na niyang natutunan iyon. She knew how to stimulate her sex and make herself come.

Oo, iyon ang nangyayari sa kanya ngayon. She was being turned on.