noveltoon logo noveltoon
Get Naked (Hubaderos Book 1: Neo)

Chapter 18

Ch. 19 / 28 Nov 28, 2025

HINDI naiwasan ni Macy na paningkitan ng mga mata ang kanyang natanaw mula sa glass wall ng opisina sa Alonte Mushroom Farm. May kausap na babaeng maganda at sexy si Neo. At namumukhaan niya kung sino iyon.

Pabagsak siyang bumalik ng upo sa swivel chair, pero daig pa niya ang batang naglalaway sa kendi na muling tumingin sa labas ng salamin. Nakita niyang hinawakan ni Neo sa braso ang babae at inakay palapit sa nakaparadang kotse nito. Noong umandar iyon para lumabas ng farm ay noon na niya iniikot ang upuan at muling humarap sa mesa.

Bakit bigla siyang nag-aalburoto? Ano ngayon kung nagkita uli si Neo at Reina? Wala na siyang pakialam pa roon, pero sana lang ay sabihin agad ni Neo sa kanya kung ano ang balak nito sa ex-girlfriend para maputol niya agad ang pakikipag-ugnayan dito.

But, argh! Parang ang hirap-hirap isipin na hindi na sila magtatalik ng lalaki. Nasanay na siya roon, naging komportable na sa lahat ng nararamdaman niyang sarap at init mula sa lalaki.

O, iyon lang ba ang ipinag-aalburoto niya?

Mayroong isang katotohanan na pilit pa ring isinasantabi ni Macy. Yes, sex with Neo had always been amazing and she would be really sad when it would be over. Pero mayroong mas higit pa sa sex na ikalulungkot niya kung hindi na iyon mararanasan. Sanay na siya sa presensiya ng lalaki sa kanyang buhay. Sanay na siya sa mga pang-aasar nito, sa mga pagpapa-cute. Lalo na sa mga pag-aalala nito sa kanya, paglalambing at pagpapahalaga sa kanya bilang isang babae. Hindi pa niya boyfriend si Neo sa lagay na iyan pero daig pa niya ang may isang romantiko, tapat at mapagmahal na boyfriend kung tratuhin siya ng lalaki.

Mapagmahal talaga? Jusko, Macaria! Sabi na kasing huwag na huwag niyang haluan ng kung ano-anong kabaduyan ang kamunduhang ginagawa nila ng lalaking iyon. Ano siya ngayon, dahil sa nagbabalik na ex-girlfriend ay maiiwan siyang nakanganga sa kawalan. Dalawang bibig pa ang nganganga sa kaso niya.

Alas-onse y media nang bumalik sa opisina si Neo. May dala itong mga pagkain, galing Chowking. Masaya itong lumapit sa kanyang mesa na lalong nagpasikip sa kanyang dibdib.

Aw, sumisikip na pala ang dibdib niya nang hindi namalayan? Baka masikip lang pala ang bra niya, asa naman siya. Jusko, nagiging melodramatic na yata siya?!

“Hey, I brought you food, your favorite. Kain na tayo?” nakangiting alok sa kanya ni Neo habang inilalapag ang mga pagkain sa kanyang mesa.

“Hindi ka pa ba kumain?” patay-malisyang usisa niya.

“Light snack lang. Hindi talaga ako kumain nang marami para makasama kitang mag-lunch.” Umupo ito sa silya sa harap ng kanyang mesa.

“Kumusta na si Reina?” Pilit na pilit niyang pinakaswal ang boses.

Parang blangko ang mukhang napatingin sa kanya si Neo bago ito sumagot. “Nakita mo pala siya.”

“Nakita ko kayo ,” pagdidiin ni Macy, nag-umpisa nang mainis dahil nawawalan siya ng gana sa pagkain kahit nagugutom na siya.

“`Ayun, nag-usap kami. Nagkumustahan. May dinalaw siyang kaibigan sa kabilang barangay kaya dumaan dito.”

“And, you invited her out?” panghuhuli pa niya.

Bahagyang tumawa si Neo. “No, she invited me out. Pumayag naman ako para na rin makalabas at makabili ng pagkain natin.”

“Ano’ng pinag-usapan n’yo?” Really, Macy? Ano ang pakialam niya kung nag-usap man sina Neo at Reina, at kung ano ang topic na pinag-usapan ng mga ito? Wala na siya roon ke sasali pa ang mga ito sa Avengers, o mag-join forces sa pagsakop sa mundo.

“Nothing much, really.”

Hindi siya nagsalita. Pilit niyang itinuon ang atensiyon sa pagkain, ganoon din ang lalaki. Pero parang nagpapakiramdaman yata sila.

Hanggang sa hindi na nakatiis si Macy. May karapatan naman siguro siyang itanong ang bumabagabag sa kanya. “Do you want her back, Neo?”

Kumunot ang noo ng lalaki. “Do I want her back?” Natawa ito. “Sweetheart, what made you ask that stupid question?”

“Nagtatanong lang.” …ng stupid question.

Inabot nito ang kanyang kamay sa ibabaw ng mesa. “No, I don’t want her back.”

Hindi niya gustong makumbinsi kahit wala naman siyang nahimigang kasinungalingan sa boses nito.

“Pero siya, gusto niyang makipagbalikan sa `yo, ano?” naitanong niya, bahagya pang lumabi.

“Honestly, hindi niya diniretsang ganoon, pero nararamdaman kong `yon ang gusto niyang mangyari,” seryosong sagot ni Neo. “Hindi `yon dadayo dito sa farm kung wala siyang masamang balak sa `kin,” dagdag na biro nito.

Bumitaw si Macy sa kamay ng lalaki saka unti-unti na siyang ngumiti at lumaki na rin ang mga pagsubo.

“May tanong ka pa?” parang nawiwiling tanong ni Neo sa gitna ng pagkain.

“Parang mas sexy siya ngayon, hindi ka man lang naakit sa kanya at natuksong bumalik?” interesadong tanong ni Macy.

“Yeah, she looks nice in her outfit. Pero mas sexy ka pa rin sa `kin.”

She rolled her eyes on him. “Bolero ka na naman!”

“Seryoso ako.”

“Paano kung pumunta uli siya rito, kung yayain ka uling lumabas?”

“`Yon na ang time na hihindi ako sa kanya. Makakaramdam din `yon. Hindi makulit si Reina.”

“Bakit hindi mo na gustong bumalik sa kanya?”

Mabining ngumiti si Neo, hinawakan uli ang kamay niya at sa pagkakataong iyon ay hinila siya. “Come here, you silly.”

Nakangiti lang si Macy na nagpagiya sa lalaki, pinaupo siya ng lalaki sa kandungan.

“Alam mo ba kung paano ko na-realize na ayaw ko na sa kanya?”

“No idea,” lumapad ang ngiting sabi niya.

“When I was dining with her, I never really enjoyed it. It was weird. `Tapos naisip ko, kahit noong kami pa ay hindi ko talaga pala ine-enjoy ang ganoon. And then…” Neo caressed her cheek with his forefinger and them his thumb stopped at the corner of her mouth. “Na-realize ko na ikaw ang gusto ko talagang makasama palagi, Macy. I enjoy dining with you, talking with you. And just doing anything or doing nothing with you.”

It was strange, stupid even. But Macy felt she wanted to fly and float in the sky during that moment. She had never felt so wanted and needed before. At hindi pa seksuwal ang pagkakasabi niyon ni Neo, that really meant so much to her.

“T-talaga?” halos magkandabulol na nasabi niya.

Tumango ito. They held their gazes together before they liplocked in a sweet, tender kiss.

“HINDI ka na naman puwede?” diskumpiyadong sita ni Darius kay Neo nang tumanggi siyang sumamang mag-clubbing sa Biyernes ng gabi. Inakyat siya ng kaibigan sa opisina bago mag-uwian at may dalang dalawang bote ng Red Horse beer. Sinadya yata nitong magpunta roon nang makaalis na si Macy.

“May pupuntahan akong maaga kinabukasan,” simpleng dahilan niya.

“Saan?” usisa nito bago lumagok ng beer.

“Wala ka na doon.”

“Tagal na nating hindi nakakalabas, pre,” sabi ni Darius saka nagpahid ng bibig. “Last weekend, tumanggi ka na naman.”

“Sa susunod na Sabado, titingnan ko,” sagot ni Neo para matahimik na ang kaibigan.

“May date ka?” pangungulit pa ni Darius.

“Bakit ba ang kulit mo?”

“Dati-rati naman tayong lumalabas sa weekend, `tapos, nitong nagdaang mga buwan, hindi na.”

“Tinatamad na akong lumabas.”

Ngumisi si Darius. “Hindi ako kumbinsido. May naaamoy akong kakaiba.”

“Hininga mo `yang naaamoy mo,” banat ni Neo.

Tumawa ito. “Kayo na ni Macy, ano?” hirit nito.

Uminom muna siya sa hawak na bote bago sumagot ng patanong din. “Bakit mo naman nasabi `yan?” Ewan niya kung ano iyong biglang dumapo sa kanya pagkarinig sa tanong. Sila na raw ba ni Macy? Ang lakas ng dating. Shit. Kinilig yata siya.

Tumawa ng mababa at nakakalokong “he-he-he” si Darius . “Hindi ka naman palaging nagkukulong dati sa opisina.”

“Eh, siyempre, nasa field ka na, trabaho mo na `yan—kayo ng kapatid mo. Ano pa’ng gagawin ko sa labas?”

Inikot ni Darius ang tingin sa opisina. “Ewan ko ba, iba ang pakiramdam ko. Parang may ginagawa kayong—”

“Tarantado!”

Humalakhak si Darius. “Ano na ba ang score sa inyo? Nagdi-date na ba kayo, nililigawan mo na ba siya—”

“Wala.” What should he tell his friend? That Macy and him were exclusively… fucking?

Natigil sa ere ang boteng lalaklakin sana ng kaibigan. “Wala?”

Umiling si Neo. “Wala.” Kung puwede lang niyang ikuwento sa kaibigan ang mga ginagawa nila ni Macy. Iyong lahat-lahat at detalyado. Baka mangisay sa inggit ang gago.

“Di puwede ko palang ligawan si Macy?”

Pinanlakihan niya ng mga mata ang kaibigan. “Hindi puwede!” agad niyang bulalas na hindi na nag-isip.

Muling tumawa si Darius. “Ang labo mo!”

“Napag-usapan na natin, `to.”

“Hindi ka pa rin naniniwalang nagbagong-buhay na ako? Kahit tanungin mo ang kapatid ko, isasagot n’on na matagal na akong walang chicks. Kahit pa-background check mo pa ako.”

“Hindi ka type ni Macy.”

“MH ka lang kasi sa amin, eh,” tukso pa ni Darius, inubos na ang laman ng bote.

“Anong MH?”

“Malaking hadlang.”

Seryoso ba talaga ang gagong ito kay Macy? Siya lang ba ang dahilan kaya hindi ito pumoporma sa dalaga?

“MG ka naman,” ganti ni Neo, inubos na rin ang iniinom.

“Anong MG?”

“Malaking gago.”

BIYERNES ng gabi ay natulog si Macy sa bahay nina Neo. Maaga silang pupunta sa camp site kinabukasan dahil marami silang gustong gawin sa dalawang araw doon. Tuturuan daw siya ni Neo na mag-kayak at excited na rin siyang mag-tubing.

Galing siya sa banyo kung saan niya nilinis ang sarili para maghanda na sa pagtulog nang inabutan niyang may kausap si Neo sa cell phone. Tutop nito ang noo habang nakaupo sa kama.

“Sige na, Kuya. Ikaw na muna ang bahala diyan,” mahinang paalam nito sa kausap saka iniitsa ang cell phone sa ibabaw ng kama.

“`Everything okay?” usisa ni Macy sa lalaki habang nilalapitan ito.

Marahang tumango si Neo. Tumabi naman siya sa lalaki at idinantay ang palad sa hita nito. He smiled at her but she could feel his uneasiness.

“Neo,” tawag niya. “Ano’ng nangyari? Kuya mo ang kausap mo, `di ba?”

Ayaw niyang magtunog makulit pero nababagabag siya sa hindi magandang aura ng mukha ng lalaki.

“Wala namang masamang nangyari sa pamilya mo?” panghuhula pa niya.

Wala pa rin itong imik. At nang magsalita ay iniligaw nito ang usapan. “You sure you wanna sleep this early? Puwede tayong manood sa Netflix.”

Seriously, ano ang problema ng taong ito? Bakit parang ayaw mag-open up sa kanya? Come to think of it, napag-usapan na nila yata lahat ng tungkol sa kani-kanilang buhay, pero mas marami siyang nai-share dito. Pati na ang nakakahiyang experience niya kaya lagi siyang may baong panty sa kanyang bag ay nasabi na rin niya sa lalaki. Ngayon lang niya tuluyang na-realize, puro masasayang bagay lang pala ang ikinukwento sa kanya ni Neo. Seemed like she had already bared everything to him. Hindi lang ang katawan niya ang nakita at naramdaman nitong hubad, kundi pati na ang kanyang pagkatao.

“Neo, ano’ng nangyari?” she asked him again. “Honey, tell me,” masuyo niyang pagpilit sa lalaki.

“N-nag-away lang ang parents ko,” parang napipilitang sagot nito.

“O-oh.” She gently patted his thigh, urging him to go on. Gusto niyang maramdaman nito na handa siyang makinig.

Bumuntong-hininga si Neo. “Nagpunta raw si Mommy sa opisina ng Alonte Truckings, nagpang-abot sila doon ni Ynez, `yong asawa ng daddy ko ngayon.” Nakatingin lang ito sa dingding, parang hirap na hirap sa pagsasalita. “Nag-eskandalo raw si Mommy, inaway ang dalawa.”

“W-wala namang nasaktan?” nag-aalalang tanong ni Macy nang hindi na nagpatuloy sa pagkukuwento si Neo.

“Naawat sila ni Dean, `yong pinsan ko doon, pilit na iniuwi niya si Mommy sa bahay ng kuya ko.”

“Kumusta naman ang mom mo ngayon?”

“Hayun, galit na galit daw at nagkukulong sa kuwarto niya. Nag-away din kasi ang kuya ko at ang batang boyfriend niya. Ayaw rin niya akong kausapin.”

“I’m sorry to hear that,” puno ng simpatyang sabi ni Macy.

“Yeah, family,” mapait na usal ni Neo. “What can I do, right?”

“Hey…” Hinaplos niya sa mukha ang lalaki at pinaharap sa kanya. “Look, there’s nothing you can do but to accept it, Neo. Ganyan talaga ang pamilya minsan. Well, at least you still have your mother. Ako sandali ko lang nakasama ang mama ko.”

“Yeah, you’re right,” sagot nito, pinilit ngumiti uli.

“You know, if you want, huwag na tayong lumabas bukas—”

“No, no,” matigas ang mga iling na pigil ni Neo sa suggestion niya. “We will go, okay? Naplano na natin `to. Saka gaya ng sabi mo, kailangan ko na lang tanggapin. Besides, not going to our camping will not change anything.”

“Okay. Just take it easy, all right?”

Hinalikan siya ni Neo sa tungki ng kanyang ilong. “I will.”

Maaga silang natulog nang gabing iyon at nang minsang maalimpungatan si Macy ay wala sa kanyang tabi si Neo. Bumangon siya para umihi sa banyo at pagbalik niya sa kama ay wala pa rin ito roon. Hindi siya makatulog, nag-aalala siya sa lalaki. Hustong babangon sana siya at hahanapin ito sa loob ng bahay nang bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok si Neo.

“Why are you awake?” he murmured as he lay down beside her.

“Naihi lang ako.” Yumakap siya sa lalaki. “Where have you been?”

“Phone call.”

Bigla siyang nag-alala. “Tinawagan ka uli ng kuya mo?”

“Nah. It was Reina.”

“Hmp!” Hindi napigil ni Macy ang mapasimangot.

He chuckled as he moved closer to her. “Nagseselos ka na naman.”

“Hoooy! Excuse me, `no? Bakit naman ako magseselos? `Kainis lang kasi istorbo siya. Paano kung lagi siyang tatawag habang nasa camping tayo? At naku, huwag siyang makatawag-tawag habang nagsi-sex tayo at baka ako ang sumagot sa cell phone mo at mamura ko nang isang taon ang babaitang `yan!” pagtatalak niya. Jusko , kailan pa siya naging palengkera?

Noon na napatawa nang malakas si Neo. “Relax. Hindi na `yon tatawag uli, okay?”

“Talaga? Bakit?”

“Sinabi ko na lang sa kanya na may girlfriend na ako, naniwala naman.”

Humagikgik si Macy. “Sino?” kunwaring tanong niya.

“Secret.” Hinalikan siya sa may tainga ni Neo. “C’mon, baby. Let’s sleep.”

NEO softly chuckled as he kissed Macy’s ears.

“Mmmm, what’s funny?” she mumbled in between heavy pantings. Kao-orgasm lang niya nang mga sandaling iyon.

She was straddling his lap as he sat on an inflatable mattress, taking him deep inside her. Kahit siya ang nasa kandungan ni Neo ay ito ang naghatid sa kanya sa sukdulan. He pounded into her so fast and hard like a piston she had to hold on tight on his shoulders.

“Nothing,” he whispered, planting soft kisses on her neck. He hadn’t come yet, wala yata itong planong makipagsabayan sa kanya o gusto sigurong bigyan siya ng multiple orgasms.

She played with his hair, massaging his scalp with her fingers. He groaned and embraced her tighter in return. Gustong-gusto ni Neo ang paglalambing niyang iyon.

“God, I love having you inside me like this, `yong kaka-orgasm ko lang,” she told him. “It’s very satisfying to feel your cock coated with my cream, inside me.”

“And I love watching you come, kitten. Every time.”

“You know what? Ano kaya kung kunan natin ng video ang pagse-sex natin?” nakakalokang suggestion ni Macy.

Tumawa ang lalaki. “You’re crazy.”

“Kunwari ka pa. Gusto mo rin naman `yon, eh.”

“Yeah, that would be hot.”

“I just wanna watch myself in action, you know? Gusto kong mapanood kung paano ako nasasarapan sa lahat ng ginagawa mo sa `kin, kung paano ako mag-orgasm. Kaso, sa `tin lang dapat ang video, ha?”

“Ayaw mong mag-viral tayo? Uso na ngayon ang home-made porn videos ng mga totoong magkapareha.”

“Di isinumpa naman ako ng tatay ko!”

He showered tiny kisses on her chest. “Of course, sa `tin lang `yon. I don’t want other men to see your body, Macy.”

“Ugh. Me, too.”

“Your body is mine,” parang possessive pang sabi ni Neo.

“Yes. It’s only yours, baby,” segunda naman niya sa lalaki.

Inilapit ni Macy ang mga labi sa bibig nito. She licked his lower lip before taking it in between her teeth. Napaungol ito nang kagatin niya iyon. She fucked his mouth this time, ginaya niya lahat ng ginagawa nito sa kanyang bibig kapag foreplay nila.

“Uuuungh, you’re so delicious,” she muttered as she lapped his mouth, her tongue spearing almost down his throat.

Sa ginawang iyon ni Macy ay muling bumalik ang init sa kanyang sistema. Nakatulong siguro ang ambiance ng kinaroroonan nila ngayon. Nasa gitna sila ng kakahuyan malapit sa ilog. Ang liwanag ng bilog na buwan ay sumisilip sa mga dahon na tumatabing sa kanila. And the bonfire—the low crackling sound of it, the soothing warmth… Total perfection.

Kung may video-camera lang na kukuha ng kanilang eksena ngayon ay imbes na porn ang mare-record ay magmumukha pa sigurong romantic lovemaking iyon.

Halos mapugto ang kanilang mga hininga nang tantanan ni Macy ang bibig ng lalaki. Sunod niyang inilapit sa bibig ni Neo ang ituktok ng kanyang dibdib, teasing his lips with her hard nipple. Hinalik-halikan naman iyon ni Neo, binunggo-bunggo ng dulo ng dila.

“Suck it, please. Hard,” hiling niya sa lalaki. “Uuummph, just like that. Yeah, yeah… Oh, Neo!” she wailed when he did what she asked.

Hindi lang nito sinipsip ang kanyang utong, kinagat-kagat rin iyon ng lalaki. Ang isang kamay nito ay mahigpit ang pagkakadaklot sa libre niyang dibdib.

“Ooh, baby! My nipples love being fucked by your mouth every time.” Oh, yes. She wouldn’t even mind them being sore afterwards.

Hanggang ang isang kamay ni Neo ay bumaba sa kanyang puson at hinagilap ang kanyang pagkababae. He thumbed her clit when he found it, massaging it in a circular way.

Yes, sir! She was ready to fuck again.

Sensuwal siyang gumiling na paurong-sulong, idinidiin ang ari sa mga daliri nitong naglalaro sa kanyang tinggil. Nang iliyad ni Macy ang katawan ay nakita niyang napakalapad ng ngiti ni Neo.

“Apolonio, ha?” sabi niya sa lalaki sabay irap. “May hindi ka sinasabi sa `kin.”

Mahina uli itong tumawa. “It’s just…”

“What?” tanong niya sa lalaki, tumigil sa paggalaw.

Tumigil din ang mga daliri nito sa ibaba ng kanyang puson. Hinawi naman nito ang buhok niya palayo sa kanyang noo. “Nakakahiyang sabihin.”

“Ay, may hiya ka pang nalalaman? `Di mo bagay, uy!”

“I just think…” Neo lightly brushed his fingers against her cheek. “You’re so beautiful under the moonlight, beside the fire. You’re like… a goddess of the night. So ethereal, so breathtakingly beautiful.”

Macy kissed his fingertips as they touched her lips, tasting her essence on them. “Uhmm… thanks,” kinikilig niyang sabi, daig pa ang nakarinig ng spoken poetry na inialay para sa kanya. “Oh, Neo. This is very romantic, don’t you think?” hindi niya tuloy napigil sabihin.

Parang nagningning ang mga mata ng kaniig. “`Yan sana ang gusto kong sabihin kanina,” he softly told her, carefully laying her down on the mattress.

Lumuhod itong magkalayo ang mga tuhod saka siya hinawakan sa magkabilang binti at ibinuka iyon nang todo. Holding her calves on the air he pumped rhythmically in and out of her, his eyes basking over her nude body. Parang hinahaplos ng mainit na tingin ni Neo ang kanyang kahubdan, humahalik sa kanyang bibig, saka sa leeg… at lumalamas sa kanyang dibdib. And she could feel his searing eyes looking beyond her nakedness… May kakaiba sa tingin nito ngayon sa kanya na parang si Neo lang ang nakakaalam.

Napasabunot sa sariling buhok si Macy nang hindi na niya mapigilan ang sarili. “I- i ’m gonna come!” she shrieked as the built-up wanton pressure inside her was already red-hot and ready to explode.

“I know, my sweet. I can feel you contracting.”

“Maiiwan ka… na… naman!”

“Let go, Macy,” he coaxed her, speeding up his thrusts. Ang mga kamay ni Neo sa kanyang mga binti ay bumaba sa underside ng kanyang mga hita at idiniin ang mga iyon.

She couldn’t move her lower body. Wala siyang nagawa kundi tanggapin ang mga malalalim na pagbayo ni Neo hanggang sa abutin niya ang sukdulan.

“Come to me, come to me…” Neo chanted, never blinking as he watched her climb to the pinnacle of glory.

“NEO!” she remembered shouting before she succumbed to orgasm.

White stars exploding behind her eyes, she soared to that beautiful plane. Nakaliyad nang todo ang kanyang katawan, mariin ang pikit ng kanyang mga mata habang nakalutang siya.

Neo keep pounding to her overflowing core. The sounds of their flesh clashing together was adding more intensity to her massive peaking.

“Keep coming, baby. Keep coming,” she heard her lover telling her as she got lost in that lovely world.

Nakadapa na sa kanyang ibabaw si Neo nang mahimasmasan si Macy.

“Oh, my God! Nahihilo yata ako,” daing niya, hindi pa rin normal ang tibok ng kanyang puso at parang kakapusin yata siya ng hininga.

Humalik si Neo sa kanyang pisngi. “Rest for a while, hindi pa ako tapos.”

“Yeah, hindi ka pa nagka-come.”

Idiniin nito ang sarili sa kanya. “I mean, hindi pa ako tapos sa `yo, Macy.”

“Argh! May balak kang patayin ako?”

Tumawa ito. “May nabalitaan ka na bang namatay sa matinding sarap?”

“Ako ang mauuna kung sakali. Death by orgasm,” humahagikgik na sagot niya.

“I won’t let you die, I promise,” nakangiti pero seryosong sabi ni Neo saka siya siniil ng halik sa bibig.

Yumakap lang siya sa lalaki, hinayaan na paliguan ng mga halik ang kanyang buhok, mukha at leeg.

“Hanggang kailan kaya tayo ganito, Neo?” naisipan niyang itanong, nilalaro ng isang kamay ang tainga nito.

“Hanggang gusto natin,” he simply answered, laying his head on her bosom.

“Paano kung may isa sa `tin na ayaw na, `tapos, ang isa ay gusto pa?”

Natahimik ito sandali bago nagsalita. “Well, I guess, kailangan nating maging honest agad sa isa’t isa. Bakit, may balak ka nang umayaw?”

“Hindi `no?” Tumawa si Macy. “Mahirap ayawan ang sex mo.”

“Oh, yeah,” he boasted and then he began rolling his pelvis. “Tulad ng ganito.”

Sumabay naman sa paggiling si Macy. “Uh-huh.”

“At ito pa.” Nag-umpisa itong bumayo nang maririin.

“S-shit!” She raked her fingernails on his back as heat started to engulf her once again. “Neo… Oh, baby!”

At tuluyan nang nalublob uli sa init ang kamalayan ni Macy nang bilisan ng kaniig ang mga pagsulong. Neo was fisting her hair as he briskly pummeled her depths.

“I’m coming with you, babe,” sabi ni Neo sa kanya nang nagbago na ang ritmo ng mga pagbayo nito.

Their mouths mated as their bodies clashed into a fiery union. Naghiwalay ang mga bibig nila nang sabay nilang akyatin ang sukdulan at pinakawalan ang malalakas na sigaw at daing na bumulabog sa katahimikan ng gabi.

She always enjoyed having sex with him, but what she enjoyed the most—her most favorite part — was whenever they came together like this. The moment was just simply magical and beggaring for accurate description.