noveltoon logo noveltoon
Get Naked (Hubaderos Book 1: Neo)

Chapter 14

Ch. 15 / 28 Nov 28, 2025

“KANINA pa tayo dito, baka may maghanap sa atin sa opisina!” natatarantang sabi ni Macy habang ibinabalik niya ang mga damit.

Tatlong araw nang panay-panay ang pakikipagtalik niya kay Neo. They couldn’t help it, halos magtinginan lang sila ng binata ay nagsesenyasan na silang pumasok sa suite nito.

“Iisipin lang nila lumabas tayo o naglilibot sa farm. Alam naman nilang hindi tayo nagkukulong lang doon, lalo na ako,” sagot ni Neo na tipong nasisiyahang pinapanood siya.

Nakahubad pa ang mokong sa ibabaw ng kama. His semi-hard shaft was still glistening from their mixed cream. Dalawang ulit silang nagsiping ngayong umaga, mabilis ang una dahil sabik na sabik sila sa isa’t isa. He positioned her at the edge of the bed and he took her from there. Mabilis silang nag-orgasm.

Ang ikalawang beses ay maayos na siyang naihiga nito sa ibabaw ng kama. Hindi na niya matandaan kung ilang posisyon ang ginawa nila bago siya hinayaang mag-climax ni Neo. The bastard would stop pumping when he felt she was nearing the edge. Halos kapusin siya ng hininga tuwing mauudlot ang pag-akyat niya sa sukdulan. Pinagmumura pa niya si Neo at eksaheradong binantaan ang buhay bago siya kinaawaan. It was all worth it in the end though. She had a massive, stupendous orgasm that sent her lying limp in bed for almost an hour.

“Sinira ko na naman pala `yong underwear mo. May baon ka ba, or you wanna borrow one of my boxer shorts?” tatawa-tawang sabi nito.

“May extra panty ako lagi sa bag, thank you,” sabi niya naman sabay irap.

“Girl Scout, ah!”

“Siyempre! Bilin `yan lagi ng nanay ko noon, `no?”

Nahiya na siyang ikuwento ang rason sa likod ng extra panty. Ang totoo ay noong grade two siya ay nadumihan niya ang sarili dahil pumasok siyang sira ang tiyan. Mula noon ay pinaglalagay na siya ng kanyang ina ng underwear sa kanyang bag na nang kinalaunan ay kusa na niyang ginagawa.

Nang yumuko si Macy para isuot ang mga sapatos ay libreng-libreng binosohan naman siya ni Neo. Mahihiya pa ba siya? Kaluluwa na lang niya ang hindi nakikita ng lalaking ito!

“Mauna na akong lalabas,” paalam niya.

Maliksing tumayo mula sa kama ang lalaki at lumapit sa kanya. “Mamaya uli?” sabi nito sabay hapit sa kanyang baywang.

“ Jusko, Apolonio. Daig mo pa ang kuneho!”

Humalakhak ito. “I just missed having you, Macy. Ang tagal-tagal kong nagtiis dahil ikaw lang ang gusto kong maka-sex.”

Ewan ni Macy pero kinilig siya sa kanyang narinig. Napangiti tuloy siya. “Oo na. Mamaya, `pag nakauwi na ang mga tauhan ng farm.”

“Baka hanapin ka ng papa mo `pag hindi ka nakauwi agad ng bahay?”

“Matanda na ako para paghigpitan pa ni Papa. Sasabihin ko lang na nag-mall ako bago umuwi.”

Dinampian siya ng halik ni Neo sa tungki ng kanyang ilong. Kailangan bang ganito ka-sweet kapag fuck buddies lang sila? Hindi ba dapat walang lambingan? Kapag ganitong nagdidikit sila, dapat humahantong sila sa sex, hindi ba?

Teka, lambing ba talaga? Assuming naman siya. Niyakap lang siya at hinalikan sa ilong, lambing na agad? Besides, Neo was just trying to convince her to stay longer in his suite para mag-sex uli sila.

Naku, Macaria, nakuuu! she warned herself. Pure sex lang ang relasyon n’yo ni Neo, huwag mong samahan ng kung ano-ano.

NAGHAHANDA na sa pagtulog si Macy nang makatanggap siya ng text message mula kay Neo.

Hey. You still awake?

Sumagot siya ng Yup.

Doon na ito tumawag sa kanya.

“O, ano’ng atin? May tsismis ka?” natatawang tanong niya.

“Maaga ka palang umuwi kanina,” sabi ni Neo, nahimigan ang panghihinayang sa boses nito.

“Dumaan kasi ako sa grocery. Hindi na ako nagpaalam sa `yo kasi nasa farm ka at sabi mo naman, umuwi lang ako kahit anong oras ko gusto.”

“I was just wanting to spend some time with you.”

Napangiti si Macy. “Sa suite mo?”

She heard him chuckle in an awkward way. Ang cute lang, parang nahihiya pa yata ang loko. “Yeah.”

“Sana sinabi mo nang mas maaga.”

“May gagawin ka ba bukas?”

Nag-isip siya sandali bago sumagot. “Wala naman.”

“Can I see you?”

“Gusto mong makipagkita? We can’t meet in a public place and go to a motel. Baka may makakita sa ating kakilala natin.”

“Wala naman sigurong mag-iisip nang masama kung makikita nila tayong magkasamang kumakain sa labas?”

“Kakain lang tayo sa labas?”

“Well, after that… alam mo na. We can go to my house, mag-isa lang ako doon; saka wala kaming malalapit na kapitbahay. Walang makakakita sa `tin, saka hindi ka naman kilala ng mga tao roon.”

Tumawa siya. “Booty call pala ito.”

“Can you blame me? You know how madly I’ve been wanting you, Macy.” Goodness, the neediness in his voice was giving her a heavy chest.

“Hmm, oo na.”

She involuntarily sighed in frustration. Sa mga sandaling iyon ay unti-unti nang bumabangon ang pangangailangan ng katawan niya na tanging si Neo lang ang makakapagbigay. Hindi naman nakaligtas sa pandinig ng lalaki ang kanyang pagbuntong-hininga.

“Kundi lang ako tatagain ng tatay mo, malamang inakyat na kita diyan sa kuwarto mo. We can fuck quietly, you know?”

Muli siyang napatawa. “Gago! Huwag tayong pahuhuli kay Papa at baka ipakasal tayo. Eew! Ayoko ngang maging mister kita!”

“Kung mandiri ka naman. Ayaw rin kitang maging misis, Macaria!” Tumawa rin ito.

“Sige na nga, magkita na lang tayo bukas sa Estrella. Mga lunchtime.”

“Okay.”

“Good night—”

“Macy?”

“Yes?”

“Can you send me a nude photo?”

“Tarantado!” mura ni Macy na napatutop sa bibig dahil napalakas ang kanyang boses.

“I was just kidding.” Humalakhak ito. “Pero puwede mo namang seryosuhin kung gusto mo,” biglang kambiyo nito.

“Itulog mo na lang `yan, manyak!”

“Paano ako makakatulog nito? I just heard your sexy voice, dammit.”

Nakaramdam naman ng awa si Macy, lalo pa’t dinig na dinig niya ang paghihirap sa boses nito.

“Kung wala ako sa bahay, I would have agreed to a phone sex, you know?” may simpatya at pilya niyang nasabi.

“Phone sex? Shit, Macy. Lalo mo lang akong pinahirapan. I gotta hang up now, baby. I have to take care of my business before my poor balls explode.”

Nang magpaalaman sila ni Neo ay may i-f-in-orward siyang picture message dito. A photo of her naked breasts.

I hope this helps, sabi niya sa caption. Imagine me giving you a boob job right now. You’re very welcome! And, hey, delete this when you’re done.

“`TANG-INA, Colberto. Hanggang ngayon pa ba, `yan pa rin ang ikinukulit mo sa `kin?”

Tumawa ang pinsan ni Neo na kausap niya sa telepono. “Ayaw na kasing pumayag uli ng kuya mo, eh. Na-trauma yata ang pobre.”

“Ayoko nang ma-experience uli `yon. Tama na `yong minsan. Manood ka kasing mag-isa, bakit kailangan mo pa ng kasama?”

“Para may kasama akong mahuhuli sakaling ma-raid ang club.”

Ang club na tinutukoy ni Cole ay ang isang sekretong lugar na nagpapalabas ng live show sa mga parokyanong nagbabayad ng malaking halaga. In other words, panonood ng live na porn.

“Maghanap ka ng ibang kasama, hindi ako puwede.”

“Baka naman may nagbabawal na sa `yo?” kantiyaw pa ng pinsan. “May girlfriend ka na uli?”

Napangiti si Neo nang pumasok sa opisina si Macy. She mouthed “good morning” at him with a sweet smile. Ah, that lovely smile that never failed to send him a blissful kind of warmth. Sanay na sanay na siyang nakikita iyon mula sa babae.

“Uy, pinsang Apolonio. Sagot!” sabi ni Cole na parang nagpagising sa kanya mula sa isang magandang panaginip.

“Wala.”

“Ows? Wala talaga? Tagal mo nang hindi napupunta rito, ah.”

“Wala sabi. Ang kulit mo. Sige na, may trabaho pa akong haharapin.”

Hindi na niya binigyan ng chance si Cole na magsalita. Pinindot na niya agad ang e nd call button. Nag-iinat siyang tumayo saka lumapit kay Macy.

“Good morning,” bati niya sa babae at hinalikan ito sa pisngi.

“Aga-aga, ha?” sabi naman nito sa kanya sabay irap.

“Aga-agang ano?”

“Aga-agang landi!”

“Bakit ang dumi mo laging mag-isip? Ibinalik ko lang ang pagbati mo sa `kin kanina.”

Kinurot siya ni Macy sa braso. “With kiss pa?”

“Why not?”

“Neo…” Mabini itong ngumiti. “We’re not dating, remember?”

Hindi inasahan ni Neo ang pagkadismayang bigla na lang niyang naramdaman. “I know. Bawal bang maglambing sa set-up natin?”

“Pero kailangan pa talaga `yon?” Bumuntong-hininga si Macy nang hindi siya sumagot. “I’m sorry, I didn’t mean anything wrong. Ang totoo kasi, pati ako ay naninibago pa rin. I mean, wala naman kasi sa plano ko sa buhay na papasok sa ganitong klaseng relasyon. I don’t even personally know other people who are involved in something like this. Hindi ko lang alam kung paano aakto nang tama, Neo.”

Nagkibit-balikat naman siya. “I say just do what you want, Macy. We have no other rules aside from being discreet to everybody, remember?”

“That, at `yong hindi tayo dapat magkaroon ng ibang partners bukod sa isa’t isa, huwag mo ring kalimutan `yon,” paalala nito. “Neo, ayokong maging hadlang para magka-girlfriend ka—”

“Sasabihin ko sa `yo kung meron akong gustong maging girlfriend. Kahit hindi ko naman sabihin ay mahahalata mo. Intrigera ka kasi palagi.”

Tumawa si Macy. “So, wala pa pala?” tanong nito saka may hinagilap mula sa loob ng bag.

“Bakit parang tuwang-tuwa ka?” tukso niya.

She jokingly scoffed at him and he found it awfully cute. Ang corny. Wala pa siyang babaeng dini-describe ng “cute.”

Tinukso pa niya si Macy. “Aminin mo na, mami-miss mo ako `pag bumitaw na tayo sa set-up natin.”

“Nagsalita!” May inilapag ito sa ibabaw ng mesa na Ziploc bag, may lamang chocolate chips cookies. “O, `ayan, dinalhan kita ng cookies.”

“My girl is so sweet,” eksaherado niyang sabi sabay kurot sa pisngi ng dalaga. “Ano ito, monthsary gift mo? Akalain mo, isang buwan na rin pala tayo sa set-up natin.”

One month. Ang akala ni Neo ay pansamantala lang ang pagkahumaling niya kay Macy, na kung matitikman niya ang babae nang paulit-ulit ay magsasawa na rin siya. He was dead wrong. Dahil sa loob ng isang buwan ay lalo lang sumisidhi ang pagnanasa niya rito. Marami pa siyang gustong gawin, gustong ipalasap sa babae. At natutuwa siyang pareho lang sila ng nararamdaman ni Macy. She was enjoying their set-up as well, patunay ang init ng pagkasabik nito tuwing magtatalik sila.

Naging saksi ang kanyang suite sa kanilang kamunduhan, tuwing nakakaramdam sila ng pangangailangan sa isa’t isa kapag nasa opisina at palihim silang nagpupunta roon. Nagkikita rin sila madalas sa weekend, sa kanyang bahay sila nagkukulong maghapon.

Tumatawang inalis ni Macy ang kanyang kamay palayo sa mukha nito. “Huwag ka ngang assuming, Apolonio! Tira lang ang mga `yan mula sa b-in-ake ko kagabi. Ayokong maparami ng kain ang papa ko dahil tumataas na ang blood sugar niya.”

“Ah, kaya sa `kin mo ipapalamon ang mga ito para ako naman ang tumaas ang blood sugar? Ang sama mo pala,” kunwari ay nagtatampong sagot niya.

Tumayo si Macy at pinagkukurot siya sa sikmura at dibdib. He was laughing as he caught her hands and then he kissed the back of them. Nakangiting inirapan naman siya ng babae.

“Happy monthsary, I guess?” she told him with a stiffled laugh.

“Shit. Sandali, Macaria, huwag kang ganyan.”

Tuluyan na itong natawa. “Bakit?”

“Parang kinilig yata ako.”

“OA!” Hinampas siya ni Macy sa dibdib. “Dami mong alam,” sabi nito saka siya ginawaran ng mabilis at mababaw na halik sa bibig.

“Be careful,” sabi ni Neo pagkatapos.

Nagsalubong ang mga kilay nito. “Be careful on what?”

Kininditan niya ang dalaga. “Baka ma-in love ka sa `kin.”

Muli siyang nakatikim ng mas matalas pa sa balisong na tingin nito. Weird bang sabihin na parang naa-attract siya sa mga pagtataray ni Macaria San Pedro sa kanya? Yes, attraction. It had been that way, hadn’t it? Dahil sa atraksiyon na iyon kaya lagi niyang napagti-trip-ang asarin noon pa ang babae.

“Asa ka pa!” asik nito saka itinulak siya sa dibdib.

“Just saying,” pasimpleng kantiyaw ni Neo sabay dampot ng cookies.

“Baka ikaw kamo!”

“Kilabutan ka naman, Macaria. Maliban na lang kung may gayuma itong cookies mo,” ganti niya habang naglalakad pabalik sa kanyang mesa.

“Mas kilabutan ka, ano?! Sayang naman ang gayuma kung sa `yo ko lang gagamitin. `Andiyan naman si Chris Hemsworth.”

“`Yong Thor? Malaki lang ang katawan n’on. Hindi naman guwapo. At least ako, kahit pumayat o tumaba, guwapo pa rin.”

Tumatawang binato siya ng ball pen ni Macy. “Ang yabang mo, Apolonio!”

“Kita mo na? You’re liking me already. Sadya mo akong hindi pinatamaan ng ball pen.”

“Nagmintis lang ako! Gusto mo, ulitin ko?”

Nagtaas siya ng mga kamay. “Awat na, mahal.”

Hindi naman ito tinablan sa kanyang paglalambing. “Heh! Mahal ka diyan!”

Kung minsan ay naiisip ni Neo, makakaramdam kaya ng iba sa kanya ni Macy habang nagtatagal sila sa kanilang makamundong relasyon? And how about him?