noveltoon logo noveltoon
Everyday, Every You

Chapter 9

Ch. 9 / 21 Nov 28, 2025

I HAD nowhere to go.

Nasa loob pa rin ako ng elevator at kahit papa’no, napakalma ko na ang sarili ko sa pagluha. Pinag-iisipan ko na lang ngayon kung saan ako tutuloy ngayong gabi. Wala akong pera para mag-hotel. At kahit meron, hindi ko kayang gumastos nang malaki para mag-stay sa gano’ng lugar.

Masyado akong maraming gastusin para magwaldas ng pera. Hindi talaga magandang umalis sa condo ni Shaun. But I was not regretting leaving that painful place. It was for the better. This was for myself. Hindi ko na kayang ma-stuck sa iisang lugar na kasama siya dahil alam kong lalo lang akong masasaktan.

Bumukas ang elevator kaya lumabas na ako. Napadaan ako sa isang malaking salamin sa loob ng building. Kitang-kita ang pamumula ng mga mata ko. Medyo magulo rin ang buhok ko kaya tumigil ako sandali para ayusin ang tali sa buhok ko. Saka ako ulit nagpatuloy sa paglalakad palabas.

Nasa labas na ako ng building nang mapatigil ako sa paglalakad dahil nakita ko si Bea. Nakaupo siya sa gilid at halatang kanina pa naghihintay sa akin. Napatayo siya agad at lumapit nang makita ako.

“Oh, my God, Chin. I’m so sorry. I’m so sorry,” sabi niya na halatang naiiyak na. Mas mukha siyang miserable kaysa sa akin. “Hindi ko sinasadyang sabihin kay Shaun kanina. Trust me. Hindi ko talaga sinasadya. Nadala lang ako ng pagkalasing ko. Naalala ko `yong walang kwenta kong ex-boyfriend `tapos nakita ko pa si Shaun kanina na nakikipaglandian na naman. Nag-init lang talaga ang ulo ko dahil alam kong masasaktan ka naman kapag nakita mo `yon.”

Tumulo nang tumulo ang mga luha ni Bea habang patuloy siyang humihingi ng sorry. Alam kong hindi niya `yon sinasadya dahil for years, itinago ito ni Bea para sa akin. Kahit kating-kati na siyang sampalin si Shaun noon, pinipigilan niya ang sarili niya para sa akin. Para sa kapakanan ko.

Binitawan ko ang hawak kong maleta, saka hinawakan ko ang kamay niya.

“Hindi ako galit,” I said. “Siguro, nainis lang ako sa `yo kanina. Pero hindi ako galit, okay? Sa totoo lang, mabuti na nga `yong ginawa mo. Nasabi mo para sa akin `yong mga salitang hindi ko masabi-sabi kay Shaun. At least ngayon, natapos na ang paghihirap ko.”

I gave her a reassuring smile. Panandalian akong tinitigan ni Bea.

“Kahit na, Chin. Kasalanan ko `to. Kasalanan ko na nasira ko kung ano mang meron kayo ng hinayupak na `yon,” sagot niya. “Okay lang na sampalin mo ako, Chin. Magalit ka sa akin. Masyado kasi akong nadala sa espiritu ng alak. Sampalin mo ako, Chin. Para makabawi ka sa akin.”

Natawa ako. “Sira. Hindi ko magagawa `yon. Hindi nga ako galit, Bea. Masyado ka maraming nagawang kabutihan para sa akin kaya hindi ko magagawang magalit sa `yo dahil lang doon.”

Nagpunas siya ng mga luha niya.

“So, kung wala akong nagawang kabutihan sa `yo magagalit ka talaga?” She pouted.

“Of course,” I kidded then we both laughed.

Ang sarap sa feeling na tumawa pagkatapos kong umiyak kanina.

“Besides, wala naman na magbabago kahit magalit ako sa `yo. Nangyari na ang nangyari. We just need to face the outcome of what have happened.”

“Ano nang nangyari? Nakapag-usap kayo ni Shaun?” curious niyang tanong.

Alangan akong napatango.

“We talked.”

“And?”

“And it’s over.” Kumirot na naman ang puso ko. “Kahit alam na niya talaga ang feelings ko. Kahit umamin na ako. Wala pa ring pag-asa. Gusto niya akong mag-stay, Bea. Gusto niyang huwag akong umalis dahil daw hindi niya kayang wala ako. Ang unfair niya, `di ba? Gusto niya akong mag-stay kasama niya kahit na alam niyang nasasaktan niya ako.”

Nakatingin lang si Bea sa akin. Pinapakinggan niya ang mga bawat salitang sinasabi ko.

“Nang tinanong ko kung kaya niya ba akong mahalin more than best friends, he let me go. He said he can’t do it. He can’t look at me that way. He can’t… love me.”

Nabasag ang boses ko. Muli ko na naman kasing naalala `yong mga sinabi ni Shaun kanina. Muli kong naalala kung paano niya i-let go ang braso ko dahil hindi niya ako kayang tingnan kung papaano ko siya nakikita. Hindi niya ako kayang mahalin. It sucked and it hurt.

“Okay, kalma. Baka umiyak ka na naman,” sabi ni Bea. “For now, kailangan na natin umalis.”

“I need to find a hotel,” sagot ko saka huminga nang malalim. “`Yong mura lang sana.”

Kumunot ang noo niya. “Duh? Anong gagawin mo doon? May dorm ako. Doon ka muna. Let’s go!”

Si Bea na ang bumuhat ng maleta ko. Nauna na rin siyang naglakad habang nakatingin lang ako sa kanya. Nang mapansin niyang hindi ako nakasunod, napahinto at saka lumingon sa akin.

“Chin, let’s go! We need to go home!” sigaw niya. “Gumagabi na. Baka maabutan pa tayo ng ulan.”

“Chin, you’re my home.”

Hahakbang na sana ako nang bigla akong mapatingin sa building kung saan mismo located ang unit ni Shaun. Narinig ko `yong sinabi niya dati. `Yong time na pilit niya akong pinapauwi dahil hindi raw siya sanay na hindi ako nakikita at kasama. Pero this time, alam kong iba. Hindi na katulad ng dati.

“I’m not your home anymore, Shaun,” bulong ko sa sarili ko. “Good-bye.”

Sumunod na ako kay Bea sa paglalakad hanggang sa makasakay kaming dalawa ng taxi.

Todo-sorry ulit si Bea sa akin habang nasa loob kami ng taxi at bumabyahe pauwi sa dorm niya. Nakailang ulit pa ako ng sabi sa kanya na wala iyon at kalimutan na lang niya.

Hindi naman kasi talaga ako galit. Dahil nga sa ginawa niya, nabunutan ako ng tinik. Na parang nawala ang kalahati ng problema ko. Nawala ang mabigat na pakiramdam sa pagkatao ko.

Oo mahirap tanggapin ang nangyari. Pero alam kong para sa nakakabuti `yon. Para sa akin at kay Shaun din ang nangyari. We need to grow in separate ways. Hindi ko kayang magpatuloy bilang best friend niya kung patuloy kong itatago ang feelings ko sa kanya. Mas mabuti na rin `tong nalaman niya dahil hindi ko na kailangan maglihim pa. Wala na akong tinatago pa.

I lost my best friend but at least I found myself again. Bumalik `yong dating ako na walang nililihim. Walang tinatago na feelings para sa isang tao. Walang nagpapabigat sa kalooban.

Losing him might be hard. Kasi mula pagkabata ko, kasama ko na si Shaun. Karamay sa lahat ng bagay. Kasalo sa lahat ng problema. Ngayon, kailangan ko nang masanay na hindi panghabambuhay na kasama mo ang isang tao. Na darating ang time na mawawala siya sa tabi mo.

Pero kahit mawala siya, hindi nangangahulugan na titigil na ang mundo mo sa pag-ikot. Patuloy pa ring umiikot ang mundo kahit lumuluha at nasasaktan ka. The world waited for no one. Ang patuloy na pag-ikot ng mundo ay nangangahulugan na kahit anong mangyari sa `yo, tuloy pa rin ang buhay mo. Na kailangan mo pa ring mag-move forward. Mabuhay at makalimot.

“I DIDN’T see him again earlier,” sabi ni Bea pagkalabas ng banyo.

Hindi ko siya nilingon. Nakaharap lang ako sa laptop ko at ginagawa ang term paper ko. Next month pa ang deadline nito pero malapit na akong matapos. For the past three days na nandito ako kay Bea, itong term paper lang ang ginagawa ko buong maghapon.

Hindi rin ako pumapasok o pumupunta sa school. Hindi dahil iniiwasan ko na makita si Shaun o dahil hindi pa ako handang magkaharap kaming dalawa pagkatapos nang nangyari. Wala rin kasi ang mga professor ko kaya there was no point para magpunta pa sa school.

Mabuti na lang may ginagawa ako at kinabi-busy-han. Hindi ko tuloy masyadong naiisip `yong nangyari dahil alam kong iiyak lang ako. Masyado na akong maraming luhang nailabas nitong mga nakaraang araw. Baka maubusan na ako ng tubig sa katawan.

“Who?” sagot ko kahit alam ko naman kung sino ang tinutukoy niya.

Humiga si Bea sa kama, saka niya hinagis sa labahan `yong tuwalya na ginamit niya.

“Oh, my God, Chin. Ang bilis mong makapag-move on! Ilang araw pa lang pero nakalimutan mo na kung sino ang tinutukoy ko!” sarkastiko niyang sagot saka tumawa. “Well, duh? `Yong best friend number one mong hinayupak. `Yong fuck boy por que gwapo. `Yong best friend mong ang sarap sampal-sampalin dahil sa sobrang manhid. Ay, hindi na pala siya manhid ngayon. Alam na niya ang lahat-lahat. Alam na niya ang pinakatago-tago mo.”

Nilingon ko si Bea.

“Hindi niya pa alam lahat-lahat,” sagot ko. “Hindi pa niya alam na minsan mo akong inutusan na kunan siya ng picture habang naka-boxer at palakad-lakad sa condo. Hindi niya pa alam na after ko ipakita sa `yo `yong picture, tumili-tili ka at pinalabas tayong dalawa ng klase. Hindi—”

“Ugh! Shut up, Chin!” iritado niyang sagot. “Kalimutan na natin `yan. Jusko , first year college pa tayo niyan. Third year na tayo ngayon. It’s been… what? Two or three years already? Admitted naman ako na crush na crush ko talaga si Shaun no’ng una ko siyang makilala, `no. Kung hindi lang talaga fuck boy at well... kung hindi ka lang talaga in love sa kanya.”

“Pwede ba, Bea, stop reminding me every day na in love ako sa kanya? I’m trying to forget!” hinaing ko. “Kung siya ang topic natin ngayon, I have no time. May ginagawa ako.”

“Sungit naman nito. Meron ka ba, Chin?” tanong niya. “So, `ayun nga. Hindi ko siya nakita kanina. Mukhang hindi rin pumapasok. `Yong tatlong tropa niya lang ang nakikita kong magkakasama, eh.”

Napatigil ako dahil sa sinabi ni Bea. Hindi ko maiwasan na biglang mag-aalala kay Shaun. Hindi ko maiwasan na hindi tanungin ang sarili ko kung ano’ng ginagawa niya ngayon. Kung bakit hindi na naman siya pumapasok. Kung nasaan ba siya ngayon. Kung kumain na ba siya. Kung okay lang ba siya. Pinipigilan ko ang sarili ko na huwag isipin pero siya na naman ang laman ng isip ko.

Kahit nasaktan niya ako, iniisip ko pa rin kung okay lang ba siya ngayon. Ganito ko ba talaga siya kamahal? Na kahit lumayo ako at sinusubukan makalimot, naiisip ko pa rin siya sa bawat sandali?

Na-guilty din tuloy ako bigla. Binilin siya nina Tita MJ at Tito Ross sa akin dahil alam nilang sa akin lang makikinig si Shaun. Pero ngayon, ako pa mismo ang nang-iwan kay Shaun. Ako pa mismo ang hindi nakakaalam ng mga ginagawa niya nitong mga nakalipas na araw.

“Huy, natahimik ka na diyan!” pagsasalita ulit ni Bea.

“May iniisip lang,” sagot ko. “Tingin mo, okay lang ba siya?”

Bea rolled her eyes. “Oo naman, `no! Hindi naman `yon magpapakamatay dahil lang sa nangyari. Siguro kaya hindi pumapasok dahil nag-iisip-isip. O baka ayaw na umalis ng condo niya dahil palagi na naman siyang may babae. Alam mo naman `yang si Shaun. Hindi kayang patahimikin ang ibabang parte niya.”

Hindi ako nakakibo sa sinabi ni Bea. Hindi dahil nagseselos ako na baka nga may inuwi na namang babae si Shaun sa condo. Mas okay na iyon at least alam kong okay siya at hindi niya dinidibdib ang nangyari. Pero kung hindi man niya isipin `yong nangyari sa pagitan naming dalawa, ibig sabihin lang n’on na hindi ako importante sa kanya. Na okay lang talaga sa kanya na magkawatak kami.

I asked for this, right? Ginusto ko `to kaya panindigan ko. Kailangan ko na talagang tanggapin na magmula ngayon, iiwas na si Shaun sa akin. Na darating ang araw na magkakasalubong kami at hindi magpapansinan. Iyong tipong parang hindi namin kilala ang isa’t isa.

Nakakatakot isipin na darating ang pangyayari na `yon. `Yong pangyayaring itatrato namin ang isa’t isa na parang hindi na nag-e-exist sa mundo ng bawat isa. Na kakalimutan na namin ang bawat pagtawa, pagngiti, at bawat lungkot na pinagsamahan naming dalawa ni Shaun. Na dahil sa akin, nasira ang samahan naming dalawa. Kung kaya ko lang talaga pigilan ang nararamdaman ko.

“Chin, ikaw na magpatay ng ilaw, ah? Inaantok na ako, eh. Good night!” sabi ni Bea.

Tumayo na ako at pinatay `yong ilaw. Pag-upo ko ulit, biglang tumunog ang cell phone ko. May text message akong natanggap. Kinakabahan na tiningnan ko kung sino ang nag-text. A part of me was hoping na sana siya `yong nag-text. But to my disappointment, hindi siya.

Napahugot ako ng malalim na buntong-hininga. Bakit ko ba kasi hinihiling na siya ang mag-text? Eh, malinaw na nga na iiwas na nga raw siya sa akin. Bakit ba ang kulit ko?

Professor ko sa Art Club ang nag-text sa akin. Wala raw siya bukas kaya ako na raw muna tumingin sa mga co-members ng club as their President. Hassle. Wala pa naman akong planong pumasok bukas `tapos mapapapasok pa tuloy ako. Sana lang talaga… Sana lang wala pa rin siya sa school.

Pero kahit hinihiling ko na sana wala siya bukas para hindi ko siya makita, may kung ano pa rin sa sarili ko na hinihiling na sana nandoon siya at pumasok siya. May parte sa pagkatao ko na gusto siyang makita. Gustong malaman kung okay lang ba siya. Kung nahihirapan din ba siyang katulad ko.

Oh, dear heart. You should know when to stop thinking about him. Sana marunong kang tumigil sa pagmamahal sa kanya. Wala kang aasahan sa kanya, okay? Masasaktan ka lang kapag pinagpatuloy mo pa `yan. Kung hindi ka napapagod nang paulit-ulit na nawawasak, pwes, ako pagod na.

Natulog ako no’ng gabing `yon na siya pa rin ang iniisip ko.

Si Shaun pa rin ang laman ng puso’t utak ko.

And I did not really know when to stop—or if I can really stop at all.

Ganoon pala kapag minahal mo ang isang tao. Hindi titigil ang puso’t utak mo sa pag-iisip sa kanya. Na kahit nasaktan ka niya, kapakanan pa rin niya ang iisipin mo. Hihilingin mo na sana okay lang siya. Na sana masaya siya. Kahit na mismong kasiyahan mo ay hindi mo alam kung may natitira pa.

Tama nga si Taylor Swift sa kanta niyang Red.

Remembering him comes in flashbacks and echoes. Tell myself it’s time now, gotta let go. But moving on from him is impossible. When I still see it all in my head. In burning red. Burning, it was red.

Kahit sinasabi mo na sa sarili mo na oras nang mag-let go, hindi mo pa rin magawa. Lalo na kung siya palagi ang laman ng isipan mo. It was impossible to move on, really. Because every time you closed your eyes, you would only just remember how much you loved him. How much you wanted him. And how… how your heart got torn apart for every realization that it won’t come true.

PUMASOK na ako kinabukasan and luckily, hindi ko pa nakikita si Shaun buong umaga. Hindi ko rin alam kung pumasok na ba siya o hindi pa. Hindi kasi ako lumalabas ng classroom.

Ayoko kasing makita ako ng ibang tao dahil pakiramdam ko, pinag-uusapan nila ako kanina. Pinag-uusapan nila `yong nangyari no’ng nakaraan. Ang awkward nga lang din dahil `yong ilang classmate ko kanina ay pinagtitinginan ako. Wala naman silang sinabi pero sigurado akong about sa amin ni Shaun ang ibig sabihin ng mga tingin nila. Hindi ko na lang pinansin.

Nang matapos ang morning class ko, kinailangan ko nang lumabas ng classroom dahil pupunta na ako sa garden ng school kung saan gaganapin ang activity namin sa Art Club. Nakayuko ako habang naglalakad dahil pinagtitinginan talaga ako ng mga tao. Nakakahiya talaga. Hindi ako sanay na ganito. Wala kasi si Bea dahil hindi pumasok. Masakit daw ang puson.

Habang naglalakad, biglang may tumawag sa pangalan ko. Paglingon ko, nakita ko si RJ na tumatakbo palapit sa akin. Nakangiti niya akong sinalubong.

“Papunta ka na sa garden?” nakangiti niyang tanong.

“Yeah,” sagot ko. “Ikaw din ba?”

“Yap!” sagot niya. “Sabay na tayo.”

Tumango na lang ako at sabay kaming naglakad ni RJ. Walang nagsasalita sa amin. Pakiramdam ko, gustong magtanong ni RJ tungkol sa nangyari sa amin ni Shaun. Hindi niya lang alam kung papaano sisimulan ang tanong niya. Hay. Pati siya alam na rin pala `yon. Sino-sino pa kaya ang nakakaalam?

“So, kumusta ka, Chin?” paninimula niya.

“I’m fine,” sagot ko. “Bakit mo natanong?”

“You know, curious lang ako about sa nangyari.” Matipid siyang ngumiti. “Ngayong alam na ni Shaun ang feelings mo sa kanya. I’m kinda expecting na down na down ka ngayon. But good thing, you look so fine. You can still smile.”

A smile can hide a thousand different sadness, RJ.

“Life goes on,” sagot ko. “And—”

Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko nang mapahinto ako sa paglalakad. Bigla ko kasing nakita sina Lucas, Raphael, Arjon, and… Shaun na naglalakad pasalubong sa aming dalawa ni RJ.

Nauunang naglalakad si Lucas at Arjon habang magkausap naman sa likuran nila si Raphael at Shaun. Ngumiti sila Lucas sa akin nang daanan nila ako.

“Hi, Chin!” bati naman sa akin ni Raphael. Tanging ngiti lang ang isinagot ko sa kanya.

Inaasahan ko naman na hindi ako papansin ni Shaun pero masakit pa rin pala. Masakit pa rin nang bigla niya lang akong lampasan na parang hindi niya ako nakita. Na parang hindi na talaga ako nag-e-exist sa mundo niya. Rinig na rinig ko pa ang pagtawa niya habang nakikipag-usap pa rin kay Raphael nang lampasan niya ako. Nagagawa niya pa ring tumawa pagkatapos ng nangyari.

Ang unfair. Ang unfair-unfair talaga. Nagagawa niya pa ring tumawa samantalang ako, pinipilit ang sarili na huwag maging miserable nitong mga nakaraang araw. Pinipilit na tanggalin siya sa isipan ko kahit alam kong hindi ko kaya. Bakit sa aming dalawa, parang ako lang ang nahihirapan at nasasaktan? Bakit parang ako lang ang pinatay sa loob ko?

Ah, oo nga pala. Nakalimutan ko. Ako nga lang pala ang nagmamahal sa aming dalawa. Ako lang ang nagmamahal sa kanya. Hindi niya ako kayang mahalin kaya ako lang ang apektado. Ako lang talaga ang masasaktan at mahihirapan. Ako lang ang miserable.

Nawala lang ang iniisip ko nang biglang hawakan ni RJ ang kamay ko.

“Hey, natulala ka.” Marahan ang boses niya.

Ngumiti na lang ako. “Let’s go.”

Nauna na akong naglakad nang hindi hinihintay si RJ. Pakiramdam ko kasi, babagsak na naman ang mga luha ko. Ayoko nang umiyak. Pagod na pagod na akong iyakan si Shaun.

Dumeretso agad kami ni RJ sa garden. Nandoon na rin ang ibang members kaya nagpa-start na agad ako ng activity namin. Nagbigay ako ng isang specific subject na ido-drawing nila.

Magkatabi kami ni RJ sa upuan at iniinggit niya ako sa mga paint brush niyang branded. Ilang beses ko tuloy siyang inirapan at puro pagtawa lang ang sinasagot niya sa akin.

Magda-dalawang oras din ang activity namin nang matapos ang lahat at sinabi kong maglinis na ng kalat sa garden. Habang nagpupulot ako ng lalagyan ng paint, tinawag ako ni RJ.

“Chin!” aniya saka may nginuso. Napatingin ako sa may entrance ng garden.

Napatigil ako nang makita ko si Shaun doon. Nakatayo lang siya at biglang naglakad nang magtama ang mga mata naming dalawa. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin habang naglalakad. Wala akong emosyon na makita sa mga mata niya. Masyado iyong seryoso.

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko dahil hindi ko alam ang gagawin niya. Habang papalapit siya nang papalapit, palakas nang palakas ang tibok ng puso ko.

Tumigil si Shaun sa harap ko. Hindi ko inaalis ang pagkakatitig sa mga mata niya.

Ibubukas ko na sana ang bibig ko para magsalita nang bigla siyang lumuhod sa harap ko. Napasinghap ang mga tao sa paligid dahil sa gulat. Kahit ako ay nagulat sa biglaan niyang pagluhod.

“Shaun…” Nanginginig ang boses ko. “Anong… anong ginagawa mo?”

“Chin, please, makinig ka muna sa mga sasabihin ko,” sagot ni Shaun habang nakatitig pa rin sa mga mata ko. “Bago ka magsalita. Pakinggan mo ang lahat ng sasabihin ko. Lahat-lahat.”

“Tumayo ka nga diyan! Nakakahiya sa mga tao sa paligid!”

Pinipilit ko siyang tumayo pero tinabig lang niya ang kamay ko. Nanatili pa rin siyang nakaluhod.

“Wala akong pakialam sa mga sasabihin nila. Tumawa sila kung gusto nila. Basta luluhod lang ako sa `yo hanggang sa masabi ko lahat-lahat ng gusto kong sabihin.”

Napatitig ako sa mukha ni Shaun. Ngayon ko lang napagmasdan ang mukha niya. Ang itim-itim ng ilalim ng mga mata niya. Halatang ilang araw nang walang tulog.

“Ang dami kong gustong sabihin sa `yo pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Kung ano ba dapat ang unang lumabas sa bibig ko. Siguro kailangan ko munang humingi ng sorry. Sorry na naman. Dito lang `ata ako magaling, eh. Ang humingi ng sorry sa `yo.” Tumawa siya pero alam kong hindi iyon kasiyahan. Punong-puno ng kalungkutan ang boses ni Shaun.

“Sorry, Chin. Sorry for ignoring you earlier. Hindi ko kasi alam kung paano kita titingnan. Kung paano ako titingin sa mga mata mo. Natatakot kasi ako na baka... baka makita ko lang ulit `yong sakit at pighati sa mga mata mo no’ng last nating pag-uusap. `Yong bago ka umalis sa condo. I don’t want to see that again. Dahil kasi doon, alam kong sobra kitang nasaktan. Alam kong sobra kitang nasaktan nang sinabi kong hindi kita kayang mahalin.

“Chin, I’m so sorry. Putangina. Ang tanga-tanga ko at ang manhid-manhid ko para hindi ma-realize na in love ka sa akin. Sorry kung naging insensitive ako. Hindi ko kasi akalain na mai-in love ka sa akin, eh. Ever since kasi, gano’n ang trato natin sa isa’t isa. Sweet tayo sa isa’t isa. I almost forgot na babae ka at malaki pa rin ang tendency na ma-fall talaga sa akin. Sa gagong tulad ko. Gusto kong mainis, Chin. Bakit kasi sa dinami-rami ng pwede mong mahalin, bakit ako? Bakit ito pang tarantado mong best friend? Chin, I’m no good. So why did you fall in love with me?”

“Nang umalis ka sa condo, hindi ko alam ang gagawin ko. Para akong tangang mag-isa doon. Para akong mababaliw. Para akong walang buhay. Hindi ako nakakatulog nang maayos. Hindi ko talaga alam kung ano ang magiging buhay ko nang mawala ka. Doon nga ako sa kuwarto mo natutulog. Akala ko… akala ko kakalma ako. Pero, `tangina, Chin. Mas lalo lang akong nababaliw. Mas lalo lang kasi kitang nami-miss. Para akong pinapatay sa bawat segundong lumilipas na wala ka sa tabi ko.”

Nanginig ang boses ni Shaun kasabay nang pagngilid ng mga luha niya.

“Chin, no’ng sinabi kong iiwasan kita kapag na-in love ka sa akin. Totoo `yon. Alam ko kasing masasaktan lang kita. Hindi ko kasi kayang suklian ang feelings mo. Hindi dahil mahirap kang mahalin. God knows kung gaano ka kasarap mahalin. Hindi ko kayang suklian ang feelings mo dahil you deserve more, Chin. You deserve someone better and not like me. Pero maisip ko lang na mapo-fall ka sa iba, `tangina, ang sakit. Ang sakit-sakit sa loob ko. Mas masakit pa `to sa pag-iwan sa akin ni Mandy noon. Wala nang mas sasakit kapag napunta ka sa iba.”

Hinawakan ni Shaun ang kanang kamay ko. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng kamay niya. Kinakabahan ba siya? Hindi ko alam. Parang for a moment, kaming dalawa na lang ang tao dito sa garden. Parang lahat ng tao ay biglang naglaho sa mundo naming dalawa.

“Chinnie Marie, I’m so sorry for being late to realize my own feelings. I’m so sorry kung hindi ko agad na-realize `tong feelings ko. I’ve been in denial for so long. Ayoko kasing i-recognize `tong feelings ko dahil tama nga sina Arjon, natatakot lang ako. Takot sa katotohanan na kapag pinanindigan ko na mahal kita more than a best friend, tinatanggap ko na rin na mawawala ka sa akin. Na baka… baka iwanan mo rin ako. Ayokong iwan mo `ko, Chin. Kahit ikaw na lang ang matira sa akin, okay na ako. Okay na okay na ako.”

Tumulo ang mga luha ni Shaun. He was looking straight at my eyes while he was crying.

Oh, my God. Shaun Eliseo Valentin, my best friend, the guy I fell in love with, was crying in front of me. Ang best friend kong pasekreto kong minamahal ng ilang taon ay nakaluhod sa harap ko habang umiiyak. I wasn’t ready for this. Hindi ko `to inaasahan.

“Pero sa karuwagan ko, mas lalo kang nawala sa akin. Natakot lang talaga ako aminin `tong feelings ko sa `yo. Natakot ako sa maraming bagay. Natakot na… na paano kung maging tayo at maghiwalay din eventually? Saan ako pupulutin kung mawala ka sa akin? I will not be the same anymore if you are gone, Chin. Pero dahil tanga-tanga ako, hindi ko na-realize na paunti-unti ka na ring nawawala. Na dahil sa kamanhidan at kaduwagan ko, you were slowly drifting apart.”

Bumagsak na rin ang mga luha ko. Hindi ko alam ang ire-react ko sa mga sinasabi ni Shaun. Napatingin ako sa paligid at nakita kong naging emosyonal na rin ang ibang nakakasaksi sa mga sinasabi ni Shaun. Ramdam na ramdam din nila ang mga sinasabi niya.

“Chin, I need you. Not because you’re in love with me. I need you because I’m the best when I’m with you. And when you left me, nothing felt right. Lahat na lang ay mali. Nakalimutan kong tanggapin na ikaw lang ang nananatiling tama sa buhay ko. Totoo nga ang sabi nila. Malalaman mo lang ang worth ng isang tao kapag nawala na sa `yo. Ngayon ko lang na-realize ang worth mo sa akin, Chin.”

He held my two hands tightly. Muling tumulo ang mga luha ni Shaun.

“Chin, I’m… I’m in love with you, too,” sabi niya. “I’m in love with the idea of you and me. Sorry kung ngayon ko lang na-realize `tong feelings ko sa `yo. Sorry kung naging duwag ako. Pero ngayon, magiging matapang na ako. Aaminin ko na sa `yo. I’m fucking in love with you, Chinnie Marie. I’m fucking insanely in love with my best friend.”

“Shaun, si… sigurado ka ba?” nauutal kong sagot. “S-sigurado ka ba sa mga sinasabi mo? Paano kung naguguluhan ka lang dahil takot ka lang mawala ako bilang best friend mo? Paano kung hindi talaga `yan ang feelings mo? Paano kung—”

“Chin, bobo ako sa academics. Naging manhid din ako. Pero ngayon sigurado na ako sa feelings ko sa `yo. I. AM. IN LOVE. WITH. YOU. Too in love with you, Chin. I am in love when you laugh. When you smile. I am in love with you kahit hindi ka naliligo nang ilang araw. I am in love with the smell of your hair. I am in love with you whenever you call me names. I am in love with every you everyday. Chin, for everyday, I am in love with every you.”

Dahan-dahang tumayo si Shaun habang nakahawak pa rin sa mga kamay ko. Hindi niya inaalis ang pagkakatingin sa mga mata ko. Kitang-kita ko ang sinseridad sa mga mata niya.

“I’ve never been so sure in my whole life until now, Chin. But trust me, when I said I’m in love with you. I really am. Too in love to the point that I don’t know how to describe how deep I fell.” Ngumiti siya habang namumula pa rin ang mga mata. “So, please, come back, Chinnie. I want you back.”

Napangiti kasabay nang mas maraming luhang bumagsak galing sa mga mata ko.

Pero bago pa ako makasagot sa mga sinabi ni Shaun, bigla na siyang bumagsak at nawalan ng malay. Napasigaw ang ilang tao sa taranta.

Nawalan siya ng malay dala siguro ng ilang araw nga niyang walang tulog simula nang umalis ako.

“Ay, nahulog!” aniya ni RJ. “Log, log, log, log, log!”

Imbes na maawa ako kay Shaun bigla tuloy akong napatawa. Bwisit na RJ `to. Panira ng moment.