SHAUN’S POV
“SHAUN, if I stay here, can you love me the way I love you?”
“I-I’m so sorry. But I-I can’t do that. I can’t look at you that way.”
Hinding-hindi ko makakalimutan `yong expression sa mga mata ni Chinnie nang sabihin kong hindi ko siya kayang mahalin.Na hindi ko siya kayang tingnan kung papaano niya ako tingnan na hindi ko nalalaman. Hindi dahil sa hindi ko siya kayang mahalin. Hindi dahil sa mahirap `yon gawin.
God knows how easy to love her. God knows how much she meant to me. Sinabi ko `yon dahil for a moment, I became a coward. I was too afraid. I was afraid of the pain in her eyes that I inflicted. She was hurting. Shit. Too hurt that I couldn’t event stand looking at her eyes. That was the least in this world that I wanted to do. Pero… pero ako pa mismo ang nakasakit sa kanya.
I let her go. Not because I wanted to. Not because I didn’t want to love her. I let her go because she was asking for it. Gusto niyang makaalis sa akin. Ang lumayo sa akin. Gusto niyang pumunta sa lugar na hindi ako nakikita dahil nasasaktan ko siya. Dahil nasasaktan siya ng mismong presensiya ko lang.
Dahil ilang beses ko siyang nasaktan na hindi ko namamalayan. She wanted to go her separate way. And watching her as she left me broke my fucking heart to pieces.
At kahit alam kong mahirap para sa parte ko `yon, ayoko nang maging selfish. She wanted a way out. So I gave it to her. I fucking let her go. I fucking set her free even I didn’t want to. Kahit gusto kong magkasama kami ni Chinnie habang-buhay, hindi na `yon mangyayari. Ayaw niya. Ayaw na niya.
We can never be best friends again. Mas gusto ko sana na ganoon lang ang setup naming dalawa. Para pangmatagalan. Para panghabang-buhay. Pero nakalimutan kong hindi pala `yon pwedeng mangyari lalo na’t kung ang isa sa inyo ay na-in love. Na once may feelings ka na, asahan mong matatapos na ang pinagsamahan n’yo kung hindi mo masusuklian ang feelings niya.
I didn’t know that she was really in love with me. I kept wishing to God that she was not. Hindi ako deserving para mahalin ng katulad ni Chinnie. Pero sa kanya na mismo nanggaling. She had been fucking in love with me for years now. And for years now, I was hurting her without even knowing it. Ilang beses ko siyang nasaktan at umiyak na hindi ko nalalaman. Na wala akong alam.
Isipin ko lang na tuwing nakikita niya ako na may kasamang babae at nasasaktan siya, sampung beses ang sakit na bumabalik sa akin. Ang sakit. Ang sakit-sakit makita si Chinnie na nasasaktan. Lalo na kung ako pa mismo ang nakakasakit sa kanya. Putangina. Ako pa ang nakasakit sa kanya.
Kung alam ko lang talaga. Kung sinabi niya lang sana sa akin nang mas maaga na in love siya sa akin. Eh, di sana, hindi ako gumawa ng mga bagay na makakasakit sa kanya. Eh, di sana hindi ko siya nasaktan nang lubusan. Eh, di sana… Eh, di sana hindi na niya kinailangang umalis. Hindi niya na ako iniwan.
Gusto kong magalit sa mundo. Gusto kong magalit sa tadhana. Bakit kasi hinayaan niya si Chinnie na ma-in love sa gagong tulad ko? Bakit sa dinami-rami ng lalaki, bakit sa akin? Goddamn it. Hindi ako deserving. Hindi ako worth it mahalin. Dahil kapag minahal ako, iiwan lang din ako. Magsasawa sila sa akin. Ayokong mangyari `yon kay Chinnie. Ayokong mahalin niya ako at mapagod siya.
Mula noong bata pa lang ako at nakilala ko si Chinnie, pinangako ko na sa sarili ko na gusto ko siya makasama habang-buhay. Na wala na akong pakialam sa iba, basta ba si Chinnie lang ang nasa tabi ko. Si Chinnie lang ang mahalaga sa akin. Si Chinnie lang ang magiging mundo.
Alam ko kasing kahit anong gawin ko, kahit maging tarantado ako, kahit maging gago ako, at maging kahit ano pa ako, si Chinnie hindi ako iiwan. Na si Chinnie `yong palaging mananatili sa tabi sa lahat ng oras. Na si Chinnie `yong kaisa-isang taong hindi magdadalawang isip na yakapin kung ano ako bilang tao. She was always the type of girl that would accept me for what I was.
Naging manhid ako. Naging selfish. Naging tanga. Nakalimutan ko na may hangganan nga pala ang lahat. Na marunong din pa lang mapagod ang isang tao. Na kahit gaano ka pa niya minamahal, mapapagod din siya sa `yo kung paulit-ulit siyang nasasaktan.
Napagod si Chinnie kaya mas ginusto na niyang iwan ako dahil hindi na niya kaya na maging best friend ang isang tulad ko. Hindi na niya kaya manatili sa tabi ko.
At noong nawala siya, hindi ko na alam kung sino ako. O kung ano ba ako. Parang buong buhay ko, kay Chinnie na umikot ang mundo ko na hindi ko namamalayan. Kaya ngayon na umalis siya, hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Kung paano ko sisimulang mabuhay.
Dalawang araw na ang nakalipas simula nang umalis si Chinnie rito sa condo. Ibig sabihin, dalawang gabi na rin akong walang maayos na tulog. Siya lang ang laman ng isip ko. Hindi matanggal-tanggal sa utak ko `yong mukha niya habang umiiyak sa harap ko. Fuck. Hindi ko talaga iyon makalimutan.
Simula nang umalis siya, nagkulong lang ako sa kuwarto ko.
Hindi ako gumagalaw. Nakahiga lang sa kama. Nag-iisip-isip ng mga bagay.
Lumalabas lang ako ng kuwarto kapag nagutom ako. Pero most of the times, nakakulong lang ako. Natatakot akong tingnan ang kabuuan ng condo na wala si Chinnie. Na wala siya doon sa kusina at nagluluto. O nasa sala nanonood ng K-drama. O doon sa kuwarto niya at nag-aaral.
Takot na takot ako sa isang mundo na wala siya. Pero ngayon na hinayaan ko siyang umalis, alam ko sa sarili ko na kailangan ko na simulan mabuhay na walang Chinnie sa pagkatao ko. Ginusto ko `to. Kailangang panindigan ko `tong katangahan ko.
Habang nakahiga sa kama, hawak-hawak ko ang picture naming dalawa ni Chinnie. Todo-ngiti siya rito sa picture. Alam kong mahirap na bumalik `yong dati niyang ngiti dahil sa nangyari. Pero umaasa pa rin ako na sana… sana muli siyang sumaya.
Nasa gano’ng posisyon lang ako nang bigla akong makarinig ng doorbell. Nanlaki ang mga mata ko at dali-daling lumabas ng sarili kong kuwarto para magpunta sa pinto.
“Chin—” Naputol ang sinasabi ko nang sumalubong sa akin ang pagmumukha ni Arjon. Hindi siya ang taong inaasahan kong makikita. Ang tanga ko. Bakit umaasa pa ako na babalik siya?
“Sorry to disappoint you, dude, but I’m not Chinnie,” sabi niya. “Pero what the fuck, Shaun? You look so miserable. Para kang namatayan. Dalawang araw lang hindi pumasok sa school ganyan na agad hitsura mo. Pinapatay mo ba sarili mo?”
“Ano ba’ng kailangan mo? Busy ako, p’re. Bumalik ka na lang next time!”
Isasarado ko na sana ang pinto nang iharang niya ang kamay niya.
“Gago! `Andito ako para damayan ka. May dala akong alak!” Ipinakita niya `yong plastic. “Tara!”
Wala na akong nagawa kundi ang papasukin si Arjon sa loob ng condo. Dumeretso siya sa sala.
“Parang haunted condo na `tong condo mo, p’re,” sabi niya. “Hindi matutuwa si Chin kapag nakita niya `to. Panigurado, bubungangaan ka na naman n’on.”
“Who cares? She won’t come back anymore,” sabi ko saka kumuha ng bote ng alak.
Binuksan ko ito gamit ang ngipin ko saka inubos ng isang lagukan lang.
“Woah! Easy there, brad. Nagmamadali?” Umupo sa tapat ko si Arjon. “Game! Kwento!”
Sinamaan ko siya nang tingin. “Wala akong ikukwento sa `yo.”
“Sus! Dali na. Masamang sinasarili ang problema mo.” Uminom din siya ng alak. “So, ngayon alam mo na ang feelings ni Chinnie. Ano’ng plano?”
“Tangina ka rin, Arjon, eh. Alam mo pala na in love sa `kin si Chin, hindi mo man lang ako sinabihan? Pinagmukha mo akong tanga! Tropa ba talaga kita?”
“Hindi sa pinagmukha kitang tanga, dude. Wala lang ako sa posisyon para sabihin `yon sa `yo. Hindi ako si Chinnie. Ayokong pangunahan siya,” sagot niya. “Actually, ang dali-dali naman makita kay Chinnie `yon. Ewan ko ba kung bakit ang manhid mong gago ka.”
“Hindi naman sa ang manhid ko lang. Hindi ko lang talaga inaasahan,” humina ang boses ko.
Muli akong tumungga ng alak saka nagpatuloy sa pagsasalita.
“Ayoko kasing ma-in love sa akin si Chinnie, p’re. Wala akong kwentang lalaki. Hindi ako karapat-dapat mahalin. Kaya nga ako iniwan ni Mandy, `di ba? Kasi hindi ako pangmatagalan. Kaya hindi ko rin maintindihan si Chinnie kung bakit na-in love siya sa akin.”
“But Chinnie fell in love with you anyway,” aniya. “Dude, we can’t choose the person we want to fall in love with. We can’t stop our feelings. If we fall, we fucking fall. No what ifs. No buts. We just fucking fall until we realize we have already fallen too deep with a certain person. Ganoon ang nangyari kay Chinnie. She just fell in love with you. Hindi niya napigilan.”
Nakikinig lang ako sa sinasabi ni Arjon.
“I’m sure hindi rin ginusto ni Chinnie `yon. Sino ba kasing tao ang gusto masira kung anong meron na kayo. For goodness’ sake, you guys have been best friends since high school—”
“Seven years old. We had been best friends since we were seven years old,” I corrected him.
“Whatever, p’re,” nagpatuloy siya. “Since seven years old then. Tingin mo hindi `yon inisip ni Chinnie? Kaya nga siguro tinago niya sa `yo, eh. Kasi ayaw niyang magulo kung anong meron kayo. Pero mas okay na rin na nalaman mo na. At least, aware ka na sa feelings niya. Aware ka na nasasaktan mo siya. Aware ka na hindi lang as best friend ang tingin niya sa `yo.”
“I’m not worth it to be loved, dude.”
“But in her eyes, you’re worth it.” Ngumiti si Arjon. “Dude, aaminin ko, tarantado ka pagdating sa ibang babae. Ginagamit mo lang sila. Pero kung paano mo tratuhin si Chinnie? Ibang-iba, eh. Nagbabago ka nang dahil sa kanya. You are at your best whenever you’re with her.”
“But I let her go,” sagot ko. “Maybe letting her go is for the better.”
“Pero `yan ba ang gusto mo?” tanong niya. “Gusto mo talagang mawala siya sa `yo?”
Tiningnan ko si Arjon. “Dude, I can’t love her. Kapag minahal ko siya, masasaktan ko lang siya. Kapag nasaktan ko siya, iiwan niya lang din ako. Ayokong iwan ako ni Chinnie!”
“Tanga! Sa ginagawa mo ngayon, tingin mo hindi mo siya nasasaktan? You let her go kaya sa tingin niya ayaw mo siyang mahalin. Sa mga oras na `to, nasaan siya? Wala na siya rito. Iniwan ka na niya. You let her go because you’re a fucking coward, Shaun!”
Hindi ako sumagot sa sinabi ni Arjon. Patuloy lang akong uminom ng alak.
“Why can’t you just admit it, dude? Bakit ba hindi mo matanggap sa sarili mo na mahal mo rin si Chinnie? Bakit ba pinapahirapan mo pa ang sarili mo? Bakit ba in-denial ka pa rin? Dude, you’re in love with her. Hindi ka magkakaganyan kung hindi mo siya mahal. Mahal na mahal mo siya more than you are best friends, Shaun. Accept it already!” sabi niya.
“Tinulak mo siya palayo ngayon, so hahayaan mo na lang siya mapunta sa iba? Dude, hindi lang ikaw ang lalaki sa buong mundo. Marami diyan na mas kaysa sa iyo. Someday, dahil sa pagtulak mo sa kanya, makakakilala siya ng isang lalaki na mamahalin siya. Na iingatan siya. Na susuklian ang pagmamahal niya. `Yong gagawin ang mga bagay na ikaw sana ang gumagawa. Isang araw, mare-realize mo na hindi lang best friend mo ang nawala sa `yo. Kundi babaeng matagal mo nang mahal!”
Bigla akong napatayo at binato ang bote sa dingding. Agad itong nabasag kaya napatahimik si Arjon sa pagsasalita. Gulat niya akong tiningnan. Malamang nagulat siya hindi dahil sa pagbasag ko ng bote. Nagulat siya nang dahil sa mga luhang dahan-dahang bumabagsak sa mga mata ko.
“Tangina!” napamura ako habang nakatingin sa kanya. “Tingin mo ba hanggang ngayon in-denial pa rin ako? Alam ko na, Arjon. Alam ko na ang feelings ko. Alam ko na sa sarili ko na in love rin ako kay Chinnie. Na matagal na nga akong in love sa kanya kaya sobra-sobra ko siya kung protektahan.”
Patuloy lang akong umiiyak sa harap ni Arjon habang nakikinig siya sa mga sinasabi ko.
“Dude, I am in love with my best friend. Too in love to the point that my heart wants to explode. Hindi ko alam kung kailan `to nagsimula. Natatakot lang talaga akong aminin. Ayoko kasing mawala siya, dude. Ayokong mawala si Chinnie sa akin kapag minahal ko siya. Kasi natakot na ako, eh. Na-trauma na ako sa nangyari sa akin kay Mandy. Kaya nagbulag-bulagan ako pagdating sa feelings ko.”
Napaupo ako saka ko tinakpan ang mukha ko gamit ang mga palad ko.
“Pero dahil sa katangahan ko, lalo lang nawala si Chinnie sa akin. Hindi lang best friend ang nawala sa akin, Arjon. Nawala pati ang babaeng mahal ko. Akala ko kapag naging mag-best friend kami, mas tatagal kami at hindi niya ako iiwan. Pero hindi… mas pinili niya akong iwan dahil mas gusto kong mag-best friend lang kami. Hindi ko na alam ang gagawin ko.”
“People tend to become greedy when they’re in love,” sagot niya. “Kapag nagmahal kasi tayo, hindi tayo makukuntento sa kung anong meron. We want something more. We become selfish. Gusto natin, mapupunta sa atin nang buong-buo ang mahal natin. At kapag hindi nangyari `yon, we will distance ourselves. Lalayo tayo para hindi na masaktan pa.”
Tinapik ni Arjon ang balikat ko. “It’s not too late, bro. Sabihin mo kay Chinnie `yang feelings mo.”
“I’m… I’m scared,” I confessed. “Paano kung ayaw na niya? Paano kung ma-realize niya na ayaw na niya akong mahalin? Anong mangyayari sa akin? Hindi ko rin alam kung saan ako magsisimula. Kung ano ang unang kailangan kong sabihin sa kanya.”
“Sabihin mo kung anong gusto ng puso mo.” Natawa si Arjon. “Ang bading ng advice ko taena. Pero `yon nga. Kausapin mo siya. Sabihin mo lahat-lahat. Hindi pa huli. Saka, pumasok ka na gago!”
Pinunasan ko ang mga mata ko.
“Umabsent lang naman ako dahil natatakot akong makita si Chinnie. Baka kasi kapag nakita ko siya, magmakaawa na naman ako na umuwi siya sa akin.”
“Kapag mas pinatagal mo na hindi kayo mag-usap, mas iisipin ni Chinnie na okay lang sa `yo na magkalayo kayo, dude. Sige ka. Baka maunahan ka ng iba diyan.”
“I’d kill whoever touches Chinnie,” galit kong sagot. Natawa lang si Arjon.
“Hay, buti naman natapos na rin. Finally, Shaun Eliseo Valentin has already admitted he’s in love with his best friend. Hindi ka na manhid at in-denial, tol. Congrats!”
Kahit nakainom ako ng alak, hindi pa rin ako makatulog pagkatapos namin mag-usap ni Arjon. Nasa sala lang ako at kinakausap ang sarili ko. Nagpa-practice kung ano-ano ang mga sasabihin ko kay Chinnie kinabukasan. Kung ano-anong mga salita ang kailangan kong sabihin sa kanya na mas maiintindihan niya ang feelings ko.
Paulit-ulit ako sa mga sinasabi ko pero hindi ako ma-satisfy. Parang walang sense. Hindi maganda. Until I realized na umaga na. Wala akong tulog. Agad na lang ako naligo at nag-ayos. Habang nakatingin sa salamin, napansin ko ang picture ni Chinnie sa kuwarto ko.
“I’m so sorry.” Pagkausap ko sa kanya sa picture. “I hope it’s not too late already.”
Tinatawanan ako nina Lucas at Raphael dahil natapos na raw ang pagiging manhid ko nang dumating ako sa school. Si Arjon naman, nag-thumbs up lang sa akin. Habang nagle-lesson, kabadong-kabado ako. Hindi ko kasi alam kung pumasok ba si Chinnie o hindi. Kung hindi siya pumasok ngayon, pupuntahan ko siya kina Bea. Doon kami mag-uusap na dalawa.
Natapos ang morning class at naglalakad kami papunta sa cafeteria nang makita ko si Chinnie na kasama si RJ. Nakangiti si Chinnie habang nakikipag-usap kay RJ. For a moment, gusto kong suntukin hanggang sa mawasak ang mukha ni RJ. Pinigilan ko lang ang sarili ko.
Naghahanda na ako para sa sasabihin ko kay Chinnie nang magsalita si Raphael.
“Tol, mukhang naunahan ka na ni RJ.”
I gritted my teeth. “Don’t start, dude,” sagot ko. “Baka dumanak ng dugo rito.”
Hindi ko na-realize na nakalayo na ako kay Chinnie dahil sa sinabi ni Raphael. Masyado akong nag-focus sa sinabi niyang baka maunahan na ako ni RJ. Gusto kong bumalik para bugbugin si RJ. Hindi ako makakapayag na makuha niya si Chinnie. Chinnie was mine so back the fuck off.
“Torpe mo gago!” sabi uli ni Raphael.
Bigla akong napatawa nang malakas dahil sa sinabi ni Raphael.
Totoo kasi ang sinabi niya. For the first time, naging torpe ako para sa isang babae. Samantalang sa iba, walang habas akong makipag-usap. Hindi nahihiya makipag-usap sa ibang babae.
Na-realize ko sa sarili ko na mahal ko talaga si Chinnie. Mahal na mahal. At hindi madaling sabihin ang tunay mong nararamdaman kapag mahal mo ang isang tao. Hindi madaling mag-confess. Matotorpe ka talaga pagdating sa taong mahal mo. Pero hindi bale. Mamaya, sasabihin ko lahat.
Kaya nang magkaroon ako ng chance, sinabi ko agad kay Chinnie lahat. Lumuhod ako sa kanya sa garden kahit maraming taong nakakakita. Wala akong pakialam sa sasabihin nila. Si Chinnie lang ang importante. Sinabi ko lahat-lahat ang gusto kong sabihin.
“I’ve never been so sure in my whole life until now, Chin. But trust me, when I said I’m in love with you, I really am. Too in love to the point that I don’t know how to describe how deep I fell.” Ngumiti siya habang namumula pa rin ang mga mata. “So, please, come back, Chinnie. I want you back.”
Iyon na ang huli kong natatandaan bago ako mawalan ng malay dahil sa labis na antok. Parang nabunutan ako ng tinik at naubusan ng lakas nang mailabas ko na lahat-lahat ang gustong sabihin ng puso ko kay Chinnie.
Hindi ko man narinig ang sagot ni Chinnie, pero alam ko sa sarili ko na masaya siya. Nakangiti kasi siya habang lumuluha. At alam kong `yong mga luha na `yon ay dala ng sobrang kasiyahan at hindi dahil nasasaktan. She was too happy. Pero hindi niya alam na mas masaya ako kaysa sa kanya.
When I wake up, I’m gonna say over and over again that I’m in love with you. I’m gonna say it until your ears get tired hearing it. Until you want to believe me. Until you want me again.
Sasabihin ko ulit sa `yo kung gaano kita kamahal. Kung gaano ka kaimportante sa akin. Kung gaano mo binubuo ang mundo ko at kung gaano `to nawasak ng iwan mo ako. Sasabihin ko sa `yo lahat-lahat nang gusto mong malaman. I’ll answer everything.
Hey, Chinnie Marie Mulach, I am Shaun Eliseo Valentin, your best friend since we were seven years old, and I am fucking insanely in love with you. For everday, for every you.