noveltoon logo noveltoon
Everyday, Every You

Chapter 12

Ch. 12 / 21 Nov 28, 2025

MULI na namang napasimangot si Bea habang nagte-take down ng mga suggested topics ko sa kanya. Kanina pa siya napapasimangot nang dahil kay Shaun. Nagpipigil lang talaga siya ng inis.

Kasalukuyan kaming nasa cafeteria para sana mag-usap tungkol sa term paper na gagawin namin na kaming dalawa ang partner. We were talking about our topics pero for some reason, hindi kami makapag-usap nang maayos dahil kinukulit ako ni Shaun. Kung ano-ano ang ginagawa sa akin.

Tumingin ulit sa akin si Bea pagkatapos niyang magsulat.

“How about we tackle addiction to the Internet, Chin?” tanong niya.

“Pwede,” pag-agree ko. “Pero ang dami na kasing—Shaun, ano ba? Akin na nga `yan! Mainit!”

Napahinto ako sa sinasabi ko nang tanggalin ni Shaun ang tali sa buhok ko. Nainitan tuloy ako lalo kahit na ang ikli lang ng buhok ko. Wala kasing masyadong aircon dito sa cafeteria.

“Huwag na!” pagtanggi niya. “Mas bagay sa `yo kapag nakalugay lang ang buhok mo!”

“Naiinitan nga ako!” naiinis kong sagot.

“Eh, di papaypayan kita. Problema ba `yon?”

Kinuha niya ang folder na nasa table namin, saka niya ako pinaypayan.

“Anong number ba ang gusto mo? Number one?” tanong niya. “O, number two?” tanong niya ulit `tapos medyo nilakasan niya ang pagpapaypay sa akin. “O, number three?” Lalo niyang nilakasan.

Sa sobrang lakas ng pagpaypay niya, nagliparan tuloy ang mga papel na nasa table. Sumama ang tingin ni Bea kay Shaun, saka niya padabog na pinagdadampot ang mga papel.

“Pwede ba, Shaun? Manahimik ka nga muna? Hindi kami matapos-tapos sa ginagawa namin!” gigil na saad ni Bea kay Shaun.

Parang gusto na niyang itusok ang hawak na ballpen sa mga mata ni Shaun.

“Inaano ba kita? Wala naman akong ginagawa sa `yo,” sagot ni Shaun, saka niya hinawakan ang buhok ko at inamoy-amoy. “You smell so good, Chin. Parehas lang naman tayo ng ginagamit na shampoo pero bakit mas nababanguhan ako sa buhok mo kaysa sa akin?” tanong niya.

Bea rolled her eyes. Unting-unti na lang talaga at sasabog na siya sa inis.

“Hindi ko sinabing may ginagawa ka sa akin. Pero kasi si Chinnie ang kinukulit mo. Hindi tuloy kami makapag-usap nang maayos. My God, Shaun. Grow up! Para kang tanga!”

“Para akong tanga?” tanong naman ni Shaun. “Ano ba’ng ginagawa ko? Girlfriend ko naman `tong kinukulit ko. Saka, oo. My God talaga. I’m God. God ng kagwapuhan.”

Bigla akong namula nang banggitin ni Shaun na girlfriend niya ako. Kahit isang linggo na ang nakakalipas simula nang maging official kaming dalawa at nakaalis na ako sa best friend zoned, hindi pa rin ako sanay tuwing sa bibig niya mismo lumalabas na girlfriend niya ako.

It felt really surreal. Parang hindi totoo at parang nananaginip pa rin ako. Isang klase ng panaginip na hindi ko na nanaisin na magising pa. Kung panaginip lang ang lahat na ito, mas gusto kong hindi na gumising pa. Dahil sa panaginip na ito, mahal niya rin ako. At pag-aari ko na siya ng buong-buo.

Bumalik lang ako sa reyalidad nang marinig ko ang sinabi ni Bea.

“Ano? God ka ng kagwapuhan? Mukha mo! Baka God ka ng kapunyetahan! God ng nakakabwisit!”

“Shaun! Bea!” sita ko sa kanilang dalawa. “Stop saying God with nonsense talks.”

Dumila si Shaun kay Bea kaya nag-dirty finger tuloy si Bea sa kanya. Napailing-iling na lang ako.

“Let’s continue,” muli kong pagsasalita. “And please, Shaun. Huwag kang makulit!”

“Yes, boss!” sabi niya saka sumaludo pa sa akin. Nilabas niya na lang ang cell phone niya at naglaro.

“So, any suggestion pa ba, Bea?” tanong ko kay Bea. “Kung about Internet ang ita-topic natin. Kaya ba natin i-justify ang content ng term paper natin na iba sa mga naunang lumabas? Have you read any term paper na ang topic din ay about sa Internet?”

Umiling siya. “Hindi pa. Pero I’m sure, marami n’on sa library. We can borrow.”

“I see.” Tumingin ako sa papel ko saka nag-isip. “How about we discuss the merging of different companies? Or restaurants? Ang daming fast-food chains sa Pilipinas na nag-merge. We can discuss the disadvantages and advantages of it. Kung nakaapekto ba ito sa mga tauhan nila. Or—”

Muli na naman akong napatigil sa pagsasalita nang maramdaman kong tumayo si Shaun sa likuran ko at hinawakan ang buhok ko. Marahan niya akong sinuklayan.

“What are you doing?” nagtataka kong tanong.

“Ayusin ko ang buhok mo. Tatalian kita,” sabi niya. “Pinagpapawisan ka na, eh.”

“Bakla ka ba, Shaun?” komento na naman ni Bea. “Pati buhok ni Chinnie, pinagdidiskitahan mo na. Magpatayo ka na nga ng beauty parlor!”

“Oo bakla ako. Baklang malaki ang muscles at may abs. Kaloka ka, girl!” pang-aasar na sagot ni Shaun kay Bea. “And thanks for the idea. Hayaan mo, magpapatayo nga ako ng beauty parlor pag-graduate ko. Ang pangalan ay ShauNie Beauty Salon. Bawal ka doon, ha? Bawal bitter doon! Por que crush mo ako noon at hindi mo ako nakuha? Bawat galaw at ginagawa ko kay Chin papansinin mo?”

Napatayo si Bea. “Hoy! Ang kapal mo. Ako, bitter? Magkape ka nga, Shaun! Crush kita noon. Oo. Pero hindi ako bitter dahil lang boyfriend ka na ni Chinnie. Hindi ko gugustuhing maging boyfriend ang tulad mo, `no. Baka day one pa lang break na tayo. Kaya magpasalamat ka kay Chinnie dahil hindi siya nabubwisit sa mga ginagawa mo! Kung ako `yan, iniwan na agad kita!”

Napataas na ang boses ni Bea kaya nilingon na kami ng ibang mga students dito sa canteen. Natampal ko ang noo ko dahil sa eksena nina Shaun at Bea tuwing magkakasama kaming tatlo. Ganito na lang palagi ang nangyayari. Nagbabangayan silang dalawa na akala mo, aso’t pusa.

“Bea, please, tone down your voice,” sabi ko kay Bea.

Napa-roll eyes na naman siya. “Magbanyo lang ako,” sabi niya, saka umalis na.

Nang umalis si Bea, napatingin ako kay Shaun. Matipid niya lang akong nginitian pero hindi naman umabot sa mga mata niya `yong ngiti niya. `Tapos bumalik siya sa tabi ko at umupo.

Tiningnan ko lang siya. Nanahimik na lang si Shaun. Nakatingin sa mga kamay niya na parang bata at may malalim na iniisip. Bigla tuloy akong na-bother dahil sa inasta niya.

“Shaun.” Hinawakan ko siya sa balikat. “It’s okay.”

“Totoo ba ang sinabi ni Bea?” tanong niya na hindi tumitingin sa akin. “Totoo bang nakakabuwisit na ang mga pinagagawa ko? Nakakainis ba mga inaasta ko sa `yo, Chin?”

When he looked at me, I saw different emotions in his eyes. He was sad and scared.

Sad because he thought he was acting strange. And scared because he thought I was going to leave him anytime soon. He was really afraid of the idea that I was gonna leave him.

“You know.” Napalunok siya. “I’m just doing this because of you. I’ve never been like this crazy before, Chin. Until you became mine. We’ve been best friends for so long and now that you’re finally my girlfriend, I thought I could show you the side of me that I was holding back before. Pero kung nakakainis na mga ginagawa ko, just say it. Sabihin mo lang at ititigil ko. Ayoko lang kasi maisip mo na parehas pa rin ang trato ko sa `yo noon hanggang ngayon. Kasi hindi na naman tayo ganoon. Kung noon, parte ka lang ng puso ko. Ngayon kasi ikaw na may hawak nito nang buong-buo. Just… just don’t leave me, okay? I’m willing to change just don’t leave me.”

Napakagat ako ng sarili kong labi dahil sa mga sinabi ni Shaun. Nakikiusap siya na huwag ko siyang iwan kahit wala naman akong planong gawin iyon.

Hindi ko nanaisin na magkahiwalay kaming dalawa dahil hindi lang ako ang masasaktan. Alam kong pati rin siya. Iyon ang ayokong mangyari. I didn’t want him to hurt so bad. We were now sharing the same emotion. His happiness was my happiness. And his pain was my pain also.

Sa isang linggo na nakalipas mula nang maging kami ni Shaun, napansin ko ngang naging extra clingy siya sa akin. Sabay kami palaging pumapasok. Kahit na mas maaga ang klase ko kaysa sa kanya, wala siyang pakialam. Basta magkasabay kaming dalawa umalis ng condo.

Kapag naglalakad naman kami sa buong campus, hindi niya binibitawan ang mga kamay ko. Kahit na pinagtitinginan na kaming dalawa, hindi niya `yon pinapansin. Para bang proud na proud pa siyang ipakita na hindi na lang kami mag-best friend dalawa. Na pag-aari na namin ang isa’t isa.

Ang daming natuwa sa kwento naming dalawa. Pero may mangilan-ngilan din na nainis sa akin. `Yong mga nagkakagusto kay Shaun. May false rumor pa na kumakalat ngayon sa school na nilandi ko raw si Shaun and dahil best friend daw ako ni Shaun, no choice siya kundi patulan ako. Hindi niya raw kasi ako matanggihan dahil sa pagkakaibigan naming dalawa.

Galit na galit si Shaun nang malaman niya `yon kahapon. Gusto niyang magwala. Mabuti na lang napakalma ko siya at sinabing hayaan na lang dahil alam naman namin ang totoo. Alam niyang hindi ko siya nilandi. At alam kong hindi lang dahil no choice lang siya sa sa akin. Sabi ko pa, ganoon talaga ang tingin ng mga tao sa amin. We couldn’t please anybody.

“Who is pleasing who? Fuck them. We are not here to please those shit. Okay lang sana kung ako lang ang husgahan nila. Pero pati ikaw? Bullshit. They’re judging you!”

Iyon ang mga katagang sinagot niya sa akin. I was happy because of it. Kaya sabi ko sa kanya, okay na ako. Hindi ako nasasaktan nang dahil lang doon. Mabuti na lang hinayaan na niya.

Hinawakan ko ang kamay ni Shaun.

“Shaun, hindi ako naiinis o nabubwisit sa mga ginagawa mo,” sagot ko. Hinigpitan ni Shaun ang pagkakawak ko sa kamay niya. “Masaya nga ako, eh. Sobrang saya.”

“Really?” His face brightened up. “Hindi ka naiinis?”

Umiling ako saka ngumiti. “No.”

“Shit.” Napamura na naman siya. “Thank, God. Akala ko, totoo ang sinabi ni Bea. It scared the shit out of me, Chin. Pakiramdam ko kasi, aalis ka bigla-bigla kapag nainis ka na sa akin.”

“Hindi nga ako aalis. Paulit-ulit ka naman.” Natawa ako. “I’m not going anywhere.”

“Promise?” tanong niya, saka ako tumango. “Just make sure you won’t leave me, Chin. And if ever you’d leave me, prepare yourself because I’m gonna chase you. Hahabulin kita hanggang sa mapagod ka nang umalis sa buhay ko. Hahabulin kita hanggang sa ikaw na mismo ang bumalik.”

“Ang dami mong alam, Shaun! Saan mo natutunan mga ganyang salita?” Natawa na naman ako.

“Sinabi ko na, `di ba?” tanong ko. “I became like this because of you.” Ngumisi siya.

“So, kasalanan ko pa?”

He shook his head. “Of course. So face the consequences of what you’ve done to me. Be crazy in love me with too,” sagot niya saka hinalikan ang kamay ko. “Be crazy for me, too, Chin.”

Ramdam na ramdam ko na naman ang pamumula ng mukha ko dahil sa ginawa ni Shaun. Hindi ko alam ang isasagot sa kanya. Naistorbo lang ang pag-uusap namin nang biglang sumulpot sina Lucas at Raphael. Hindi nila kasama si Arjon. Mukhang iniiwasan niya ako. O kaming dalawa ni Shaun na magkasama. Parang ayaw niyang makita na magkasama kami.

“Hello there, love birds,” bati ni Raphael sa amin ni Shaun. Naka-varsity uniform silang dalawa.

“Pota. Ang pangit naman ng love birds, p’re. Parang dalawang ibon na magsyota, eh. Parang bird ko `tapos bird mo then may love na namamagitan sa ating mga birds. Kadiri, p’re!” Si Lucas.

“Potangina, Lucas. Nakakadiri ka, p’re! Saan mo ba nahugot `yan!” diring-diri na sagot ni Raphael.

“Sa `yo, gago! Ikaw nagsimula, eh. May pa-love birds-love birds ka pang nalalaman diyan, eh. Pwede namang hello there, best friends-turned-lovers na lang,” sagot uli ni Lucas.

“Hoy! Mga gago. Dito pa talaga kayo nagtalo?” sagot ni Shaun sa kanilang dalawa na hindi binibitawan ang kamay ko. “Nakakaistorbo kayo!”

“Ay, sorry na agad, boss.” Si Lucas ang sumagot. “Nakakahiya naman sa `yo, `no? Kasi may practice tayo ngayon `tapos ikaw, `andito lang at nakikipaglampungan. Hustisya, p’re. Hustisya sa aming mga single. Nakaka-bitter, oy! `Di ba, Raphael, nakakainggit? Um-agree ka sa akin!”

“Oo na!” bwisit na sagot ni Raphael. “Pero, Shaun, may practice nga tayo. Next week na laban natin, o. Kailangan puspusan ang practice.”

“Ayoko! Kayo na lang ang mag-practice. Dito lang ako kay Chin.” Sinandal ni Shaun ang ulo niya sa balikat ko. “Kayo na lang. Kaya n’yo na `yan.”

“Napaka-good influence talaga ni Captain Shaun sa atin. Por que gifted ka sa pagba-basketball hindi ka na magpa-practice? Tsk!” Tumingin sa akin si Lucas. “Chin, ano ba `to? I-break mo na nga `yan!”

Marahan kong itinulak ang ulo ni Shaun. “Shaun, mag-practice ka na.”

“Ayoko. Dito lang ako.”

Nagtawanan sina Lucas sa inasta ni Shaun.

“Parang tanga ampota,” komento ni Lucas. “Akala mo bata, eh.”

“Ganyan talaga kapag in love, Lucas. `Di mo pa kasi nararanasan mabaliw sa isang babae,” tugon naman ni Raphael. “Ikaw kasi si No Girlfriend Since Birth.”

“Baka tanga ka, Rap. Nagka-girlfriend na ako, `no!” tugon ni Lucas. “Hindi niya lang alam na naging kami kasi hindi niya ako kilala. Pero para sa akin, naging akin siya.”

Hindi ko na pinansin `yong dalawa dahil nag-focus ako kay Shaun.

“Shaun, please, mag-practice ka na. Nakakahiya naman sa kanila, o. Laban n’yo na next week,” pamimilit ko sa kanya. “Please? Para rin makapag-usap kami nang maayos ni Bea.”

Napatitig sa akin si Shaun, saka siya napa-sigh.

“Fine,” sabi niya. “Basta sabay tayong uuwi, ah. Wait for me.”

“Oo na.” Ngumiti ako.

“See? Sabi ko sa `yo, Rap, si Chinnie lang makakapagpapayag diyan, eh. Si Chinnie ang batas,” sagot ni Lucas saka muling tumawa. “Chinnie for baranggay kagawad.”

“Bakit baranggay kagawad lang?” tanong naman ni Raphael.

“Sa mababang position muna. Mas masarap sa ibaba. If you know what I mean.” Ngumisi si Lucas.

“Gago! Huwag mo ngang pinag-iisip nang ganyan si Chinnie! Baka bugbugin kita!” tugon ni Shaun kay Lucas. Saka siya tumayo. “Gusto mo wasakin ko bibig mo, Lucas?”

Umiling si Lucas. “Hindi, boss. Sorry na.”

Biglang na-bad trip si Shaun. Pero nawala ang inis niya nang tumingin sa akin. Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko nang limang beses.

“Una na ako, Chin. Wait for me, ha,” sabi niya saka ngumiti ulit.

Tumango ako. “Eh, paano kung mas nauna ang practice n’yo kaysa sa meeting namin ni Bea?”

“Don’t worry. I’ll wait for you no matter how long it takes,” tugon ni Shaun.

“Sweet. Pota,” komento ni Lucas. “Nakakainggit na po.”

Binatukan siya ni Shaun. “`Dami mong alam. Tara na.”

Nakakailang hakbang pa lang sila nang biglang huminto si Shaun at muling humarap sa akin. Akala ko kung anong gagawin niya pero mabilisan niya lang akong hinalikan sa mga labi.

“Wait for me, okay?” sabi niya uli. “Sabay tayong uuwi.”

Napatango-tango na lang ako at hindi na nakapagsalita dahil sa pamumula ng mukha.

Bumalik na rin agad si Shaun kina Lucas at muling naglakad. Inasar-asar na naman siya nina Lucas.

Nang nakaalis na sina Shaun, napahawak ako sa mga labi ko at napangiti nang matipid sa sarili. Pagtingala ko, nakita ko ang ilang tingin ng mga student sa akin. Ang iba sa kanila, nakangiti pero hindi nakawala sa akin `yong mga irap ng ibang babae. Sila `yong naiinis sa akin. Lalong-lalo na si Ayana. Parang sinusunog niya ako nang buhay sa mga titig niya sa akin.

Hinayaan ko na lang at bumalik na lang ako sa pagsusulat. Mayamaya pa, dumating na rin si Bea.

“Ang daming tao sa banyo, letse,” reklamo niya. “O, nasaan na `yong bwisit?”

“Nag-practice,” sagot ko. “`Di ba, may laban sila next week?”

“Hay, buti naman. Wala nang epal.” Napairap si Bea. “Nakakainis lang kasi `yang si Shaun, Chin. Ang clingy-clingy sa `yo. Parang hindi mabubuhay kapag hindi ka nakita nang ilang minuto. Dikit nang dikit. Eh, sa isang condo lang naman kayong dalawa nakatira.”

“Bea, pwede ba humingi ng pabor?” tanong ko.

“Sure, ano `yon?”

“Pwede bang tuwing kasama natin si Shaun, huwag mong sabihin sa kanya na iiwan ko siya anytime soon dahil sa mga ginagawa niya sa akin. He was really scared.”

Napatitig sa akin si Bea, saka tumawa nang tumawa.

“Oh, My God. Really? May kinakatakutan pala `yang si Shaun?” tanong niya. “Okay. Sorry. Alam ko namang mali rin `yong sinabi ko kanina. Magso-sorry din sana ako sa kanya kaso umalis na, eh.” Ngumiti si Bea. “Besides, Chin, hindi naman ako naiinis dahil sa mga pinapakita niya sa `yo. In fact, I’m so happy for you. For the both of you. Kasi finally, nagkaaminan na kayo at kayong dalawa na. Ang nakakainis lang kasi `yong ang sweet-sweet niya sa `yo. Nakaka-bitter lang talaga. Parang sinasampal niya sa mukha ko na single ako. `Kairita.”

Natawa ako. “Mag-boyfriend ka na kasi.”

She rolled her eyes. “Kung pwede lang matagal ko nang ginawa. Kaso sa panahon ngayon, sa libro ka na lang makakahanap ng lalaking seseryoso sa `yo sa isang relasyon. Ang mga lalaki kasi sa reyalidad, mga punyeta, eh. Mga panandalian lang. Ayoko ng ganoon. I’ve had enough bullshit in my life.”

“Soon. Makakahanap ka rin ng lalaking para sa `yo, Bea. `Yong lalaking hindi ka iiwan sa panahong kailangan mo siya. Lalaking yayakapin ka sa panahong akala mo’y wala kang kakampi. Isang lalaki na handang kalabanin ang buong mundo para sa `yo. One day, Bea. One day.”

“Ano ba, Chin? Ang funny ng mga sinabi mo!” sagot niya saka tumawa na naman.

Pero `yong tawa na ipinakita ni Bea ay halatang tawa ng isang babaeng malungkot. Babaeng may pinagdadaanan at babaeng may tinatakasang kahapon. Nakwento na sa akin ni Bea lahat-lahat. `Yong tungkol sa lalaking una niyang minahal at binigay niya ang lahat-lahat pero binigo siya.

Bea didn’t deserve a guy like him. Dahil sa totoo lang, sa aming dalawa, siya ang may mas karapatan na lumigaya. Palagi kong ina-admire ang pagiging strong woman ni Bea. I thought ang lakas-lakas niya dahil kaya niyang harapin ang lahat ng problema. Pero hindi pala ganoon.

She wasn’t strong because she wanted to. She was strong because she needed to. Pero nalulungkot ako para sa kanya. Dahil paano kung hindi na niya kayang maging malakas? Wala siyang makakapitan.

Kaya as much as possible, gusto kong palagi akong nasa tabi niya. Katulad ng mga oras na nasa tabi ko siya tuwing kailangan ko siya. I was always there for her and alam niya `yon.

Noong araw na pumunta kami ni Shaun kay Bea para ipaalam sa kanya na babalik na ako kay Shaun dahil nagkaliwanagan na kami ng feelings, sinapak niya si Shaun nang malakas sa balikat. Binantaan niya pa si Shaun na sa oras na saktan ako, magtago na siya. Dahil sisiguraduhin daw ni Bea na sampung beses na sakit ang ibabalik niya kay Shaun kapag nasaktan ako ni Shaun.

Nangako si Shaun na hindi niya gagawin `yon. At nang nagkaroon kaming dalawa ni Bea ng oras para mag-usap, umiyak siya sa harap ko. Masayang-masaya raw siya para sa akin. Huwag daw akong mag-dadalawang-isip na magsumbong sa kanya kapag pinaiyak ako ni Shaun.

“Chin, may tanong pala ako.”

Tumingin ako kay Bea nang muli siyang magsalita.

“Ano `yon?”

“Nag-kiss na ba kayo ni Shaun?” tanong ni Bea. Napangisi siya. “Ilang beses na?”

“Hindi ko sasagutin `yan.”

“Ugh! Come on! Ano nga?” pamimilit niya.

Naramdaman ko na naman na nag-init ang mukha ko.

“We kissed so many times already.”

Namilog ang mga mata ni Bea. “What? Already? Kailan ang first?”

“No’ng bago kami pumunta sa dorm mo,” I confessed. “Sa parking lot ng building ng condo ni Shaun.”

Napatakip ang bibig ni Bea. “So fast naman ni Shaun. Iyon ang una?”

Umiling ako. “Ang alam ko `yon ang una, eh. Pero sabi ni Shaun, second kiss daw namin `yon. `Yong first kiss daw namin nangyari no’ng seventeenth birthday niya.”

“OMG! Teka, alam mo ba `yon? Obviously, no. Pero seventeenth birthday niya. Nasaan ba kayo no’n?”

“Nasa bahay nila. Umuwi sina Tito Ross and Tita MJ noon kaya doon siya nag-celebrate. Late pa ako dumating no’n dahil may art conference akong pinuntahan. Wala akong regalo kay Shaun.”

“I knew it!” sabi niya. “Alam ko na ang kasunod. Doon ka nag-overnight, `no?” Tumango ako “Kaya hindi mo alam dahil tulog ka nang hinalikan ka ni Shaun. He got your first kiss because you didn’t have any gift for him. So he got your first kiss. As your gift.”

Napatulala ako nang maalala ko ang araw na `yon. Kaya pala… Kaya pala todo-ngisi si Shaun sa akin kinabukasan noon. Niloloko pa siya ni Tito Ross na parang timang daw na ngumingiti-ngiti mag-isa at halatang maganda raw ang regalo ko sa kanya dahil halatang ang saya-saya niya.

Sinabi kong wala akong regalo pero in-insist ni Shaun na meron. At hindi niya raw sasabihin dahil alam kong magagalit daw ako sa kanya kapag nalaman ko.

Oh, my God, Shaun Eliseo Valentin. Mayayari ka talaga sa akin!

“Chin, question ulit,” pagsasalita uli ni Bea.

“Uhm?” sagot ko na abala pa rin sa pag-iisip about sa first kiss namin ni Shaun.

“May… you know,” parang hindi kayang ituloy ni Bea ang tanong niya. “May…”

“May ano?”

“May nangyari na sa inyo?” tanong niya. “Since alam mo namang matinik `yang si Shaun.”

Namilog ang mga mata ko sa gulat dahil hindi ko inaasahan ang tanong ni Bea.

“Wala, `no!” mabilis kong sagot. “Wala akong plano! I’m too young for that.”

Napahinga nang maluwag si Bea.

“Good,” tugon niya. “Don’t give in, Chin. Don’t, okay? Kahit gaano pa ka-yummy si Shaun. Kahit gaano pa kasarap pisil-pisilin ang muscles niya sa braso at himas-himasin ang abs niya. Huwag. Don’t repeat my mistake. Ayokong pagdaanan mo ang pinagdaanan ko. Mahirap na dahil kayo na, `tapos nasa iisang condo lang kayo. Lalaki pa rin `yang si Shaun, `no.”

“Alam ko naman `yon, Bea. Besides, alam kong wala rin plano si Shaun para doon. Alam niyang hindi ako papayag. Malaki rin ang respeto ni Shaun sa akin. Ramdam ko.”

She smiled. “I know. Kitang-kita ko naman ang respeto ni Shaun sa `yo mula noon hanggang ngayon,” sabi niya. “Pero, what if, bumalik si Mandy, Chin. Handa ka ba?”

Napatitig ako kay Bea dahil sa tanong niya. Parang na-mental block ako dahil doon. Hindi gumana ang sarili kong utak. Hindi kasi ako handa sa tanong na ito. And worse, hindi ako handa sa pagbabalik ni Mandy. Hindi ko inisip na muli siyang babalik sa buhay ni Shaun.

“I’m not saying na tatalikod si Shaun sa `yo once makita niya uli si Mandy. Pero, Chin, pwedeng mangyari `yon, right? Since first love niya si Mandy. At ang unang pag-ibig ang pinakamahirap na kalimutan sa lahat. Kasi minsan, akala mo okay ka na. Na nakalimot ka na. Na wala na `yong feelings mo sa kanya. `Tapos isang araw, makikita mo na lang ulit siya at alam mo sa sarili mong hindi ka pa rin nakakausad. Na hindi ka pala nakalimot. Nasanay ka lang mamuhay na iniinda `yong sakit. The pain never goes away. You just learn how to live with it.”

Bumalik na kami ni Bea sa pag-uusap about sa term paper namin. Pero kahit pinilit kong mag-focus, hindi ko magawa. Hindi maalis-alis sa isip ko `yong sinabi ni Bea. Na-bother ako sa katanungan na paano nga kung muling makita ni Shaun si Mandy? Anong mangyayari? Anong mangyayari sa akin?

Isang oras kami ni Bea nag-usap about term paper. Habang naglalakad palabas ng cafeteria, tinanong niya ako kung may dress na ba raw ako for the party in the next two days. Magbi-birthday kasi ang may-ari ng school so he decided na magpa-party para sa mga students.

Ang sabi ko wala pa. Pero sasamahan ako ni Shaun na bumili since wala naman akong mga dress. Ayoko nga sana umattend dahil hindi ko trip ang mga party. Pero kailangan daw. Gusto raw kasi ako makausap at i-goodluck ng may-ari ng school dahil sa pagkakapanalo ko last Art Competition and this year competition na isang buwan na lang ang natitirang oras.

We parted ways nang nasa labas na kami. Uuwi na raw si Bea habang ako pupunta pa ng gym para puntahan si Shaun. Habang naglalakad mag-isa, muling bumalik sa isipan ko `yong sinabi ni Bea.

“Since first love niya si Mandy. At ang unang pag-ibig ang pinakamahirap na kalimutan sa lahat. Kasi minsan, akala mo okay ka na. Na nakalimot ka na. Na wala na `yong feelings mo sa kanya. `Tapos isang araw, makikita mo na lang ulit siya at alam mo sa sarili mong hindi ka pa rin nakakausad. Na hindi ka pala nakalimot. Nasanay ka lang mamuhay na iniinda `yong sakit. The pain never goes away. You just learn how to live with it.”

Sa totoo lang, may kung ano-anong pumasok sa utak ko. Hindi sa wala akong tiwala kay Shaun. Alam ko naman kasing mahal niya rin ako. Ramdam ko kasi, eh. Pero `yong pagmamahal ba na `yon ay katumbas ng pagmamahal niya kay Mandy noon? O baka, wala pa sa katiting?

I had seen him in his worst when Mandy left him. Na tuwing lasing siya at nananaginip, si Mandy ang tinatawag niya kahit nasa tabi niya ako. I cried everytime he called her name. Paano ko malalampasan ang pagmamahal na pinaramdam ni Mandy sa kanya?

Hindi pa ako nakakalapit sa gym nakita ko na agad si Shaun na naglalakad kasama sina Arjon, Lucas, at Raphael. Naka-topless siya habang nakasampay sa balikat niya ang jersey niya.

Nagtama ang mga tingin naming dalawa kaya ngumiti siya. Nagpaalam siya sa mga kasama niya `tapos tumakbo siya palapit sa kinatatayuan ko.

“`Katapos n’yo lang ni Bea?” tanong sa akin ni Shaun habang nagpupunas ng pawis niya. “Damn. I’m so tired. I need a kiss para bumalik ulit energy ko. Baby, kiss me.”

Yumuko si Shaun at ngumuso sa akin pero nakatingin lang ako sa kanya. Napatigil siya at tumingin din nang seryoso sa akin.

“Hey.” Hinawakan niya ang kamay ko. “May problema ba?”

“Paano kung biglang bumalik si Mandy, Shaun. Ano’ng gagawin mo?” biglaan kong tanong.

Napatitig si Shaun sa akin. Nananatiling seryoso ang mukha niya.

“What’s with the question?” kunot-noo niyang tanong.

“Gusto ko lang malaman,” sagot ko. “Ano’ng gagawin mo?”

“Eh, di bumalik siya. Wala akong pakialam. We are done already. The fact na iniwan niya ako before, tinanggal ko na siya sa sistema ko. So, bumalik siya kung gusto niya,” sagot niya. “I’m done with her, Chin. So done. Ikaw na ang mahal ko ngayon. Hindi na si Mandy.”

Gusto kong maniwala sa sinabi ni Shaun. Pero nahihirapan akong kumbinsihin ang sarili ko. Lalo na nang makita ko ang mga mata niya nang banggitin niya ang pangalan ni Mandy.

It was still there. Hindi nga nawala. Hindi naglaho. Hindi natanggal sa pagkatao ni Shaun.

Tama nga ang sinabi ni Bea kanina.

The pain never goes away. You just learn how to live with it.

Hindi nawawala ang pain sa isang tao kapag naranasan niya ito. Katulad nang pagmamahal niya. Hindi ito nawawala. Mananatili rin ito sa puso niya. Sa puso ni Shaun.

And the moment he said that he was already done with her, I knew it was just a lie.