noveltoon logo noveltoon
Everyday, Every You

Chapter 19

Ch. 19 / 21 Nov 28, 2025

Shaun’s POV

I TRIED to call her for so many fucking times but she didn’t look back.

Para bang buong-buo na talaga ang desisyon ni Chinnie. Buo na ang desisyon niya na iwanan ako. Na makipaghiwalay sa akin. Na umalis siya sa buhay ko. Why was she asking too much? This was too much. She wanted to be gone. She wanted to be out of my life.

Paano ko gagawin `yon kung na-realize ko na ngayon na siya ang buhay ko? Na siya ang lahat-lahat sa akin? Na sa kanya na umiikot ang buong mundo? Paano ako aalis sa buhay niya kung siya na mismo ang buhay ko? How the hell can I even get out from my own life? She was my fucking life!

Hindi naman sana ako papayag sa gusto niya. Hell. Kahit kailan hindi ako papayag na magkahiwalay kaming dalawa. I would do anything and everything just to take her back, her decisions. Handa akong gawin ang lahat-lahat ng sabihin niya para lang bawiin niya `yong mga sinabi niya.

Handa akong lumuhod at magmakaawa sa harap niya. Wala akong pakialam kahit` andito kami kung saan maraming tao. Handa akong pagtawanan buong buhay ko. Wala akong pakialam. Handa akong halikan ang lupang inaapakan niya. Kahit magmukha akong tanga gagawin ko. Para lang... para lang hindi niya ako iwan. Kasi, tangina, hindi ko kaya, eh. Hindi ko talaga kaya `tong gusto niya.

Pero alam kong kahit gawin ko `yon wala na ring saysay. Si Chinnie `yong tipo ng tao na kapag nakapagdesisyon na, pangangatawanan niya na `yon. Desidido na siyang makipaghiwalay sa akin. Desidido na siyang mawala sa buhay ko. Desidido na siya sa mga sinabi niya.

Kitang-kita ko `yon sa mga mata niya. Her eyes were too serious yet heartbroken. Alam kong nasasaktan din siya sa mga sinabi niya pero gusto niya pa rin `tong gawin. O, baka nasasaktan siya dahil sa akin. Palagi ko na lang ba siyang nasasaktan? Puro sakit na lang ba ang naibibigay ko sa kanya? Hindi ko na alam. Wala na akong alam.

Pero sana tinanong niya muna ako, `di ba? Tinanong niya muna ako kung gusto ko ba `tong desisyon niya? Sana inalam niya muna kung kaya ko bang wala siya. Kung kaya ko bang ipagpatuloy `tong buhay ko na wala na siya sa tabi ko. Kasi hindi ko talaga alam kung saan magsisimula.

Hindi ko alam kung paano sisimulan ang buhay ko nang wala siya sa tabi ko. All of my life she was here beside me. `Tapos bigla… bigla na lang siyang mawawala dahil gusto niya. Para akong mababaliw. Parang sasabog ang puso’t utak ko sa sobrang sakit. Sa sobrang sakit ng ginawa niya.

I thought I was heartbroken when Mandy left me years ago. But I was wrong.

Ito pala ang totoong ibig sabihin ng heartbroken. Kapag `yong taong nagsisilbing buhay mo ay nagdesisyon nang umalis na sa `yo. Hindi mo alam kung ano ang gagawin mo. You just feel empty.

Parang wala nang natira sa buong pagkatao mo. Kasi nang minahal mo siya, binigay mo ang lahat-lahat. Binigay mo ang buong sarili mo. Kaya nang umalis siya sa buhay mo, para kang lantang gulay. Wala nang natira sa `yo. Naubos ka na.

You give everything that you have so when she leaves you, you are fucking lost and empty.

Now, I have realized that when you love someone, you forget anything—no, you forget everything. You only think nothing but happiness. You feel pure bliss.

You also forget the fact that every happiness has a sadness in the end. So when you are hurt, it hurts like hell. Your whole existence hurts like a motherfucker.

NARAMDAMAN kong hinawakan ni Mandy ang braso ko kaya napatingin ako sa kanya.

“Shaun,” marahan niyang pagsasalita. “You... you are crying.”

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko, saka binaling na lang ang mga mata kong lumuluha sa Taal Lake. Kung kanina, gandang-ganda ako sa view na `to pero ngayon hindi na. Paano ko pa maa-appreciate ang tanawin kung sumasakit ngayon ang buo kong pagkatao?

Pinunasan ko ang mga luha ko pero wala pa ring saysay. Patuloy pa rin silang bumabagsak. Para bang may sarili silang desisyon na lumabas para ilarawan kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon. Pinapakita ng mga luhang ito ang sampung porsyento ng sakit sa puso ko ngayon.

“She thought,” pagsasalita ko. “She thought I was still in love with you.”

Sinulyapan ko si Mandy. Halatang nagulat siya. Hindi ko alam kung nagulat ba siya sa sinabi ko o nagulat siya dahil patuloy pa rin akong umiiyak at hindi ako nahihiyang ipakita sa kanya.

“Mula nang bumalik ka, nagkaroon na ng doubt si Chinnie sa pagmamahal ko sa kanya. Akala niya kasi… akala niya babalik ako sa `yo. Na iiwan ko siya para lang sa `yo. Na ikaw pa rin ang pipiliin ko kung sakaling malaman ko na mahal mo pa ako. Nawalan na siya ng tiwala.”

“But you didn’t leave her when I said I still love you,” sabi niya na titig na titig sa akin. “You still chose her over me. Siya pa rin ang pinili mo dahil sinabi mo sa akin kung gaano mo siya kamahal.”

I slowly nodded. “Y-yeah.” Nanginig ang mga labi ko.

“Pero… pero hindi siya naniwala.” Pinunasan ko ang luha ko. “O siguro, natural lang na hindi siya maniwala dahil ilang beses ko na siyang nasaktan noon na hindi ko nalalaman. Nakita niya kasi kung gaano ako kabilis magpalit ng mga babae. Hindi niya alam na hindi ganoon ang gagawin ko sa kanya. Iba ang trato ko sa kanya. Iniingatan ko kasi siya, eh. Ingat na ingat na para bang kaunting pagkakamali ko lang, mababasag siya. That’s how precious she is to me.”

Patuloy lang na nakikinig si Mandy sa akin. Hindi ko alam kung bakit sinasabi ko ang mga ito sa kanya. Basta ang tanging alam ko lang ay kailangan kong ilabas `tong mga salita sa puso ko na hindi ko nasabi kay Chinnie kanina. Mga salitang isinisigaw ng puso ko para kay Chinnie.

“No’ng sinabi mo sa akin na mahal mo pa ako, sa totoo lang, for a seconds, naguluhan ako,” I admitted. “Sinabi ko kay Arjon na I still have feelings for you. Hindi naman kasi `yon nawawala. Hindi nawawala ang pagmamahal mo sa unang taong minahal mo. Kahit matagal na taon na ang lumipas, `andito pa rin `yon sa puso mo. Pero `yong natitirang pagmamahal ko sa `yo ay hindi magiging dahilan para iwanan ko si Chinnie. Masyadong malaki at malakas ang pagmamahal ko sa kanya. At kung hihilingin mo sa akin na iwanan ko si Chinnie para lang sa `yo? The answer is no, never, Mandy. Never in my entire fucking life.”

Malungkot siyang ngumiti. “I know, Shaun. I know. Hindi ba sinabi mo na nga sa akin `yan?”

“Sinabi mo rin sa akin na baka naguguluhan lang ako sa feelings ko para kay Chinnie. Na baka hindi pagmamahal `tong nararamdaman ko sa kanya. Na baka natatakot lang akong mawala siya kaya nang malaman kong mahal niya rin ako, sinabi kong mahal ko rin siya para hindi siya mawala sa tabi ko,” pagpapatuloy ko. “Is it just a mere obligation? Sa totoo lang parehas kayo nang tanong ni Chinnie. Ay hindi nga pala tanong `yong kay Chinnie. Statement `yon. Pakiramdam niya, ganoon lang mismo ang feelings ko sa kanya. Fucking obligations.”

Nangatal ang mga labi ko at muli ko na naman naramdaman ang mga luha ko. Ngayon lang ako napaiyak nang ganito. `Yong sunod-sunod na pag-iyak. Nang dahil lang sa isang tao. Nang dahil lang sa isang babae. Nang dahil lang kay Chinnie. Siya lang ang nagpaiyak sa akin nang ganito.

“My love for her is not an obligations. Hindi ako ganoon kasamang tao na mamahalin ko siya por que mahal niya rin ako. I won’t love her out of pity. She deserves more than that. Deserve niyang maranasan ang totoo kong pagmamahal. Kaya iyon ang pinaparamdam ko sa kanya,” sabi ko. “Tapat at totoo `tong pagmamahal ko sa kanya, Mandy. Totoo `tong pagmamahal ko sa kanya.”

Napailing-iling ako habang pinupunasan ang mga luha ko. Lumalabo na kasi ang paningin ko. Ang lame lang para sa mga nakakakita sa akin na umiiyak ako ngayon pero wala akong pakialam.

Wala akong pakialam kahit husgahan nila ako dahil hindi naman nila alam kung gaano kasakit ang pinagdadaanan ko ngayon. Hindi nila alam na iniwan na ako ng babaeng mahal ko.

“Ngayon lang kita nakitang umiyak nang ganyan.” Malungkot na ngumiti si Mandy. “Mahal na mahal mo talaga si Chinnie, `no, Shaun? You love her so much it hurts.”

“I do,” pag-amin ko. “Mahal na mahal ko siya, Mandy. Mahal na mahal ko siya sa puntong hindi ko alam kung may tamang salita pa bang naglalarawan kung ano `tong nararamdaman ko para sa kanya. Lagpas na sa pagmamahal, eh. Siya na… siya na ang buhay ko.”

“She’s so lucky, Shaun. Masyado siyang maswerte para mahalin mo siya nang ganyan.”

Mabilis akong umiling. “No, Mandy. Hindi siya maswerte dahil ganito ko siya kamahal. Sa totoo lang, ako ang maswerte dahil kahit alam kong mahal na mahal niya ako, handa siyang pakawalan at palayain ako para lang daw bumalik sa `yo. She’s selfless and I hate that. `Yan ang ayaw na ayaw ko na ugali niya,” sabi ko. “Okay lang na siya ang masaktan huwag lang ako. Damn. How can I hurt a girl like her? Paano ko siya nasasaktan ng grabe na hindi ko nalalaman?”

Bahagya akong natahimik at hinahanap sa isip ko ang mga gusto ko pang sabihin. Hanggang sa may maalala akong memory namin ni Chinnie nakaraan.

“I said to her before that I love her more than how the sun makes the world bright. I love her more than how the moon shines in the darkest night. And I love her more than how the stars twinkle in the sky,” sabi ko. “She only smiled when she heard that… but the tears in her eyes said otherwise.”

Huminga ako nang malalim. Pakiramdam ko mauubos na ang tubig sa katawan ko.

“And because of her tears, I knew that I already lost to her. Natalo na ako sa pagmamahal niya sa akin. Dahil kung pagmamahalan lang ang usapan, mine was too small compared to the love she could offer. I saw in her eyes how much she loved me. Her love for me was nothing compared to the vastness of the galaxy. You know that there’s a beginning yet you don’t know where the ending is. Her love is endless. And I don’t want to ruin it. I don’t want to break her heart. I don’t want to break a heart that I had broken over and over.”

Muli akong tumitig kay Mandy. I looked straight in her eyes.

“I’m so sorry, Mandy. I’m so sorry kung sa tingin mo ay hindi kita totoong minahal noong tayo pang dalawa. Kaya nagdesisyon ka na agad na iwan ako without saying it to me. Akala mo kasi wala akong pakialam sa `yo. Dahil si Chinnie ang priority ko. Kahit ikaw ang girlfriend ko noon, siya ang inuuna ako. I always put her above. I always make her my top priority. I’m so sorry if you felt that.”

Napakagat ng labi si Mandy. Pinipigilan niya ang mga luha niya.

“Hindi ko rin alam na may family problem pala kayo kaya mas pinili mong tumakbo paalis. I’m so sorry kung hindi ko nagawa ang responsibility ko bilang boyfriend mo noon. Pakiramdam mo kasi hindi kita tutulungan dahil puro Chinnie lang ang lumalabas sa bibig ko kahit magkasama tayong dalawa,” pagpapatuloy ko. “I’m so sorry if I took you for granted. Siguro nga mali ako. Doon ako nagkamali. Pero, Mandy, may mali ka rin. Mali na inisip mo na hindi kita mahal. Na ginawa lang kitang girlfriend para hindi ako tuluyang ma-in love kay Chinnie. Because when I said that I loved you before, that was true. I did. I did love you, Mandy.”

Nakita kong tumulo na ang luha ni Mandy. Hindi niya ito pinunasan. Tumingin siya sa akin.

“I’m so sorry, too, Shaun. I’m so sorry kung iniwan na lang kita bigla noon. Pakiramdam ko rin kasi, walang silbi na nasa tabi mo ako dahil hindi rin ako ang kailangan mo. Si Chinnie pa rin ang nasa utak mo. Kahit magkasama tayo, si Chinnie ang nasa isip mo. Kung nasaan ba siya. Kung kumain na ba siya. Kung anong ginagawa niya. Ako ang girlfriend mo pero hindi mo ako nakikita.”

Nakinig lang ako sa mga sinasabi ni Mandy.

“I always thought that you didn’t love me at all. Na ever since the beginning, you were always in love with your best friend. You were just afraid to admit it. Alam ko sa sarili ko na isang araw na darating din `yong oras na tatanggapin mo ang pagmamahal mo sa kanya. And I was right.” Ngumiti si Mandy. “You finally recognized that you didn’t just see her as your best friend. That a long time ago, even before you met me, you were already in love with her and you still are.

“I have one question, Shaun,” pagpapatuloy ni Mandy.

“Ano `yon?” Tumingin ako sa kanya.

“You love her so much, right?” tanong niya, pertaining to Chinnie.

“Of course,” walang pagdududang sagot ko. “I love her so much, more than my life.”

Saka ngumiti si Mandy. Umiiyak siya habang lumuluha. Pero wala akong makitang kalungkutan sa mga mata niya. Masaya siya. Masaya siya sa mga narinig niya at kuntento na siya doon.

“Good. I will now let go of my feelings for you,” sabi niya habang pinupunasan mga luha niya. “Take her back, Shaun. It’s obvious that you are her happiness, too. Make her happy.”

“But… but she didn’t believe that I really love her,” marahan kong sagot. “Nang tinanong niya ako kanina kung bakit ko siya mahal, wala akong naisagot. Kaya sa tingin niya, hindi ko talaga siya mahal. Nablangko kasi ang utak ko nang maghagilap ako ng sagot kung bakit ko siya mahal.”

“It’s only natural, Shaun,” sagot ni Mandy. “It’s only natural that you didn’t come up with any reason. Ang totoong pagmamahal ay hindi nangangailangan ng rason.”

Inayos ni Mandy ang buhok niya dahil sa lakas ng hangin.

“There are too many kinds of love in this world. Like you love her because you care for her. You love her because you idolize her. You love her because you need her. You love her because you want her. Or you just love her because you simply don’t know. No reason at all,” pagpapatuloy niya. “And when your love trumps all questions asked, that’s when you will know that it is real. Because real love has no reason. No explanation. No because. No buts. No anything. You just… love.”

Holy shit. What she said was too deep.

“Real love doesn’t have any reason why you feel it, Shaun. And if you feel that kind of love, treasure it. Because it’s the kind of love that’s hardest to find.” Marahang pinalo ni Mandy ang braso ko “Kaya natural lang na wala kang maisagot sa kanya, Shaun. Hindi mo kailangan ng rason kapag mahal mo ang isang tao. And I’m sure, ganyan din ang isasagot ni Chinnie sa `yo.”

“Shit,” napamura ako. “Bakit hindi ko `to naisip kanina.”

Natawa si Mandy. “Kaya bilisan mo na. Habulin mo na si Chinnie. Mag-usap kayong dalawa. Linawin ninyo na lahat ng dapat linawin. Don’t let each other go. You both deserve to be happy.”

Lumapit ako kay Mandy, saka siya yinakap nang mahigpit.

“Thank you, Mandy,” sabi ko. “Thank you for telling this to me.”

“No problem, Shaun,” sabi niya. “I want you to be happy, of course.”

Nang bumitaw na ako sa pagkakayakap sa kanya, naglakad na ako nang mabilis. Napahinto lang ako nang may maalala akong sabihin kay Mandy. Muli ko siyang nilingon.

Paglingon ko kay Mandy, bigla akong nagulat dahil para siyang may wings. Tumama kasi sa likuran niya `yong sinag ng araw na papalubog na at nag-reflect ito sa likuran niya. Para tuloy siyang nagkaroon ng mga pakpak. She looked really an angel because of that.

“Mandy!” pagtawag ko sa kanya. “I always thought that one day, you would spread your wings and you would fly in different places. I hope this is really the day. For you to find your own happiness.”

Natawa lang si Mandy sa akin, saka kumaway. Kumaway din ako, saka na naglakad patungo sa kotse ko. Agad-agad akong sumakay at umalis ng Magallanes, Tagaytay.

Habang nasa kotse ako, iniisip ko ang mga salitang sasabihin ko kay Chinnie. Mga salitang kailangan at gusto kong iparinig sa kanya. Ipapaintindi ko sa kanya na totoo `tong pagmamahal ko. Na hindi ako papayag na magkahiwalay kaming dalawa dahil hindi ko kayang mawala siya sa akin.

Hindi ko kayang mawala siya sa akin hindi dahil magkasama na kaming dalawa mula noong mga bata pa lang kami. Hindi rin dahil best friend ko siya at obligation kong ingatan siya’t alagaan. Hindi ko siya gustong mawala sa tabi ko dahil mahal ko siya. Mahal na mahal. At siya lang ang tanging babae na gusto kong makasama habang-buhay.

Sa kanya ko lang naisip ang future na kasama siya. Ang tanging babae na una kong makikita tuwing umaga o sa huling oras bago matapos ang gabi. Mahal na mahal ko siya. Hindi dahil best friend ko siya. Kundi dahil mahal na mahal ko siya at siya ang nagmamay-ari ng buong ako.

I tried to text her pero hindi siya nagre-reply. Nang sinubukan ko naman siyang tawagan, hindi ko ma-contact ang number niya. Halatang tinurn off niya para hindi ko siya ma-contact.

Naibato ko tuloy sa kabilang upuan `yong cell phone ko. Mahigpit akong napahawak sa manibela ng sasakyan ko at pinaharurot ito nang sobrang bilis para agad akong makarating sa Manila.

Isa’t kalahating oras pa rin ang naging byahe ko dahil sobrang traffic. Halos magmura na ako sa loob ng sasakyan ko dahil doon. Nang makarating ako sa tapat ng building kung nasaan ang condo ko, hindi na ako nag-abala na i-park nang maayos ang kotse ko. Basta-basta na lang akong bumaba.

Wala akong pakialam kahit magbayad pa ako dahil doon. Saka ko na `yon iintindihin. Ang importante ay makita at makausap ko na agad si Chinnie.

Tinakbo ko na ang hallway hanggang sa makapasok ako ng elevator at makalabas. Nang makarating ako sa tapat ng unit namin ni Chinnie, todo-kabog ang dibdib ko. Bigla akong kinabahan.

Nanginginig ang kamay ko habang pinapasok ko ang card sa pinto. At nang bumukas ang pinto, sumalubong sa akin ang napakatahimik na paligid. Walang Chinnie akong nakita.

“Chin?” pagtawag ko sa kanya saka pumasok sa loob.

Naisip ko na baka nasa kuwarto niya siya pero nang buksan ko ang pinto ng kuwarto niya ay wala rin siya. Wala rin siya doon. Hindi ko siya nakita.

Hanggang sa mapatingin ako sa cabinet niya. Nakita kong wala niisa ang mga damit niya doon. Kinuha na ni Chinnie lahat ng damit niya. Umalis na siya. Tuluyan na niya akong iniwan.

Parang gumuho ang mundo ko dahil sa ginawa niya. Desidido na talaga siyang umalis. Agad-agad akong lumabas ng kuwarto niya at palabas na sana muli ako ng condo nang mahagip ng mga mata ko `yong puting papel na nasa ibabaw ng lamesa.

Dali-dali kong dinampot `yong papel nang makita kong may nakasulat sa harapan. Nakasulat ang pangalan Shaun na gamit ang penmanship ni Chinnie.

Mabilisan kong binasa ang laman ng sulat ni Chinnie kaya bigla akong napamura.

“This is bullshit!” sigaw ko. “Sinabi ko na sa `yo dati na hahabulin kita kapag umalis ka sa buhay ko. Hahabulin kita kahit saan. Hanggang sa mapagod ka na sa pag-alis. I’ll hunt you, Chinnie Marie. You’ll pay big time for leaving me! For not listening to me!”

Pinasok ko sa bulsa ko `yong sulat ni Chinnie at agad umalis ng condo.

Kailangan kong habulin ang babaeng mahal ko ngayon. Ang babaeng nagsisilbing buhay ko.