TUTOK na tutok ang lahat ng mga mata ng mga tao rito sa cafeteria. Para bang may napaka-interesting na eksena ang nagaganap sa harap nilang lahat. Pati nga si Bea, hindi nakapag-react. Titig na titig lang siya sa aming tatlo nina Shaun at Mandy. Hinihintay kung ano ang mangyayari.
Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman ngayon. Kung kailangan ko bang matakot o kabahan sa sagot kung bakit sabay silang pumunta rito sa canteen at dumeretso kung nasaan ako.
Nakapag-usap na ba sila? Kung oo, ano ang kanilang napag-usapan? Nagkalinawan na ba silang dalawa? Napag-alaman na parehas pa rin ang tinitibok ng mga puso nila kaya sabay nilang sasabihin sa akin na makikipaghiwalay na sa akin si Shaun para bumalik na kay Mandy? Sa taong nagmamay-ari naman talaga ng puso at ng buong pagkatao niya simula pa lang?
Pero hindi ba, sinabi na sa akin ni Shaun na wala na talaga siyang nararamdaman kay Mandy? Na matagal na siyang tapos? Na ako na ang mahal niya ngayon at kahit bumalik si Mandy, hindi siya makikipagbalikan dito at hindi niya ako iiwan? Nangako siya sa akin, `di ba?
Kasinungalingan lang ba ang lahat ng sinabi ni Shaun sa akin? Lahat ba ng ipinangako niya ay hindi totoo? Hindi niya tutuparin? Lahat ba ng iyon, sinabi niya lang para hindi ako mag-aalala?
Pero ngayon na mas tumimbang ang pagmamahal niya kay Mandy, handa na niyang aminin ang totoo? Sasabihin na ba nila sa akin na magsasama sila? Handa ba si Shaun na saktan ako kaysa si Mandy ang masaktan? Handa ba akong iwanan ni Shaun kaysa si Mandy naman ulit ang mawala?
Ang dami agad tanong na bumalot sa isipan ko. Mga tanong na hindi ko alam kung ganoon ba talaga ang mangyayari. Ang daming what if na nagkalat at umiikot sa ulo ko. Hindi ko alam kung tama ba ang mga hinala ko. Pero isa lang ang sigurado. Nasasaktan ako. Nasasaktan ako ngayon.
Tumayo si Shaun sa gilid ko habang si Mandy naman ay nasa harap namin. Si Bea naman ay nananatiling nakaupo habang nakatingala. Todo-pigil ako sa paghinga ko. Naririnig ko na rin ang malakas na pagtibok ng puso ko. Mga tibok na dulot ng matinding kaba.
“Anong… Anong meron?” kinakabahan kong tanong kay Shaun.
Seryoso lang ang mga mata ni Shaun na nakatingin kay Mandy. Saka niya ibinaling ang atensyon niya sa akin. Hinawakan ni Shaun nang mahigpit ang kamay ko. Nakita ni Mandy `yon. Halatang nagulat siya dahil bahagyang nawala ang maliit na ngiti sa mga labi niya.
“Gusto ko lang sanang makausap si Shaun,” Mandy started. “You know, for us to catch up. Makapag-usap ng mga bagay-bagay tungkol sa mga taon na lumipas. Pero ayaw niya.” Natawa si Mandy. Pero damang-dama ko ang kaba sa pagtawa niya. “Sabi niya, hindi raw pwede dahil magagalit ka raw. Unless, ipaalam ko raw siya sa `yo at pumayag ka. Doon lang daw siya makikipag-usap sa akin.
“It’s funny to think that until now, he needs your approval first,” she continued. “Na kahit ilang taon na ang lumipas, kailangan niya muna ng approval mo for everything he does. Nagmumukha ka tuloy nanay niya. Best friends don’t cross that way, right?” She smiled.
Marahan lang ang pagsasalita ni Mandy. Sobrang hinhin to be exact. Pero nasaktan ako sa sinabi niyang para raw akong nanay ni Shaun dahil doon. Bakit hindi niya naisip na girlfriend na ako ni Shaun ngayon kaya kailangan ko munang pumayag kung gusto ni Shaun makipag-usap sa kanya?
Bubuksan ko na sana ang bibig ko para magsalita pero si Shaun mismo ang sumagot.
“We’re not best friends anymore,” sumagot si Shaun. Saka niya itinaas sa harap ni Mandy ang mga kamay namin na magkahawak. “See this? We are holding hands. Meaning, tapos na kami sa pagiging mag-best friends lang. We are already in a relationship now. Girlfriend ko na si Chinnie. She’s not my mother, Dy. She’s my girlfriend so I need her approval first for everything I do.”
Hindi nawala ang ngiti sa mga labi ni Mandy niya kahit alam kong nasaktan siya sa narinig niya. She tried to hide the painful expression on her eyes by smiling. Pero doon siya nagkakamali. Hindi palaging napagtatakpan ng pagngiti ang masasakit na nakikita ng mga mata.
“Ohhh,” ang tanging nasagot ni Mandy. “I didn’t... I didn’t expect that.”
“Expect the unexpected, Dy,” sagot ni Shaun. “Kaya gusto ko munang pumayag si Chinnie bago ako makipag-usap sa `yo. Ayokong gumawa ng kahit anong desisyon na hindi alam ni Chinnie. I vowed that I won’t hurt her anymore. At kung nakipag-usap ako sa `yo na hindi niya nalalaman, alam kong masasaktan siya.” Umiling-iling si Shaun. “I don’t want that to happen.”
Tumingin si Shaun sa akin, saka siya ngumiti. Saka ko naman binaling ang tingin ko kay Mandy.
“I’m so sorry pero hindi pwede,” selfish kong sagot. “I don’t want you two to talk. Ayokong mag-usap kayo. Wala na naman kayong dapat pag-usapan. Matagal… matagal nang tapos ang namamagitan sa inyong dalawa.” Napaiwas ako ng tingin. “Sorry, Mandy.”
Hindi ko alam kung tama ba ang pagtanggi ko sa pakiusap ni Mandy. This was the first time that I became selfish, that was why I felt guilty. Pero ayoko talagang magkausap silang dalawa.
Ayokong masabi ni Mandy ang mga gusto niyang sabihin kay Shaun dahil paniguradong makakaapekto ito sa kanya. Makakagulo lang sa isipan ni Shaun.
Baka sabihin ni Mandy na mahal niya pa si Shaun at gumulo lang ang utak ni Shaun. Kahit sinabi ni Shaun na ako na ang mahal niya ngayon, hindi ko pa rin masisigurado ang lahat. Wala pa ring kasiguraduhan ang lahat dahil sigurado akong may puwang pa rin si Mandy sa puso ni Shaun.
Ayokong malaman ni Shaun na mahal pa rin siya ni Mandy dahil baka magdalawang-isip na siya tungkol sa nararamdaman niya para sa akin. Tungkol sa akin. Tungkol sa aming dalawa.
“If my girlfriend says no, it’s a no,” sagot ni Shaun. “Sorry, Dy.”
Napatitig si Mandy kay Shaun. The pain was still in her eyes. She smiled even if I knew her own heart was breaking at the moment. Nakangiti siya kahit kitang-kita na ang mga luha sa gilid ng mga mata niya. Alam ko ang ganyang reaction. Ganyan din ako kung tumingin kay Shaun noon.
Ganyan ang mga tingin ko kay Shaun noong mga panahon na gustong-gusto ko nang sabihin sa kanya na mahal ko siya pero hindi pwede. Ganyan ang reaction ng mga mata ko noong itinatago ko kay Shaun ang mga nararamdaman ko na gustong-gusto ko nang sabihin.
Masakit na tumingin ka sa taong mahal mo na hindi mo masabi-sabi ang nararamdaman mo.
Pero higit na mas masakit na makita ang taong mahal mo na may iba nang mahal.
Dahan-dahang napatango si Mandy. “I understand.” She smiled again. “I understand.”
Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko na kayang tumingin kay Mandy. Nakikita ko kasi ang sarili ko sa kanya ngayon. Nakikita ko `yong dati akong nasasaktan nang palihim tuwing may ibang kasama na babae si Shaun. It was too painful to look at but one needs to endure and hide the pain.
“Ano bang kailangan n’yong pag-usapan?” Sumabat si Bea. “Mayroon ba? Eh, `di ba, matagal nang tapos ang namamagitan sa inyong dalawa? So, wala nang sense kahit mag-usap kayo. Past is past.” Napairap si Bea. “Iniwan mo si Shaun noon. `Tapos ngayong masaya na siya, saka ka babalik at makikipag-usap. Para ano? Para guluhin siya? Wasak na wasak siya noong iniwan mo siya at ngayon na buo na ulit siya, babalik ka? Ang galing mo naman pala. How to be like you po?”
“Bea, don’t poke your nose here,” seryosong pagsaway ni Shaun kay Bea.
Napataas ang kilay ni Bea. “Poke? Poke? Poekie mo may bagang! Sasabihin ko kung ano ang gusto kong sabihin. Walang makakapigil sa akin.”
“Hindi lang naman si Shaun ang nawasak no’ng iniwan ko siya,” sumagot si Mandy. “Hindi lang ang naiiwanan ang palaging nasasaktan. Minsan, mas nasasaktan `yong mga taong nang-iiwan. Hindi lang palagi ang naiiwanan ang umiiyak. Dahil kung minsan, mas lumuluha ang mga nang-iiwan. Oo, iniwan ko si Shaun noon. But I just made a choice.”
“But you chose to break his heart, ganoon ba? Lakas maka- One More Chance , my God!” sagot ni Bea. “Mandy, my dear, listen. You can’t expect that once you leave a person, you can still return to him anytime you want. Hindi tourist spot ang isang tao para lang babalikan mo kung kailan mo gusto. Kung kailan mo maisip. Kung kailan mo trip sa buhay. You left him, so he needed to move on. That’s it. So, ba-bye na. Wala ka nang babalikan.”
Napabitaw ang kamay ni Shaun sa akin. Sobrang inis na siya kay Bea.
“Bea, tumigil ka nga! Isa pa, papatulan na kita. Hindi ka kasali sa usapan na `to!” gigil niyang sabi.
Tumayo si Bea. “Eh, di patulan mo. Gago ka ba? Oo, hindi ako kasali sa usapan na `to pero kasali ang best friend ko sa usapan na `to so isasali ko rin ang sarili ko!” Napataas ang boses niya. “Hindi ko ugaling makisali sa usapan ng may usapan pero once tungkol sa kaibigan ko ang usapan, sumasali ako. Nakikipag-trashtalk-an ako. Mumurahin ko ang kailangang murahin. Aawayin ko ang dapat awayin. Wala akong sinasanto kapag kaibigan ko ang nasasaktan. At kapag nasaktan `yang si Chinnie at muli ko na namang makitang umiyak `yan?” Tumingin si Bea kina Shaun at Mandy nang seryoso. “Tangina. Magtago na kayong dalawa dahil ibabalik ko nang sampung beses ang sakit na pinaramdam n’yo sa kanya,” pagpapatuloy niya. “Ay, kahit pala magtago kayo, hahanapin ko kayo. Hahanapin ko kayo kahit saang sulok ng mundo para lang gumanti. Hindi ko na hihintayin na ang karma pa ang gumanti sa inyo. Karma-karma kayo diyan. Ulol. Ako ang karma n’yo.”
“Bea,” nagsalita ako. “Tama na.”
Napatitig si Bea sa akin. “Fine,” sagot niya. Padabog niyang kinuha ang wallet niya sa bag niya. “Makabili na nga lang ng kape!” sabi niya. “Ikaw, Mandy? Gusto mo rin ba ng kape? Para naman magising ka na sa katotohanang wala ka nang babalikan pa.”
“Bea, please,” sabi ko ulit.
“Ito na nga, o. Titigil na, o,” sagot niya sa `kin saka siya naglakad. “O, anong tinitingnan n’yo diyan? May show? Mga tsismosang `to! Bubuhusan ko kayo ng kape, tingnan n’yo lang!” bulyaw ni Bea sa mga student na nakatingin sa gawi namin. Doon naman siya ngayon nagdadadakdak.
“I… I’m so sorry, Shaun,” muling nagsalita si Mandy. “Hindi ko alam na makakagulo pala ako. Gusto ko lang naman makipag-usap. Gusto ko lang sabihin ang dahilan ng biglaang pag-alis ko noon.”
“It’s okay, Dy,” sagot ni Shaun. “Don’t blame yourself. Hindi ka nakakagulo.”
Hindi ka nakakagulo .
Umulit ang sinabi ni Shaun kay Mandy sa isipan ko.
Anong hindi nakakagulo? Hindi niya ba nakikita? Gumugulo lang ang lahat mula nang bumalik si Mandy.
Shaun, bakit? Bakit hindi mo nakikita na nagugulo tayong dalawa dahil sa kanya?
“I guess I need to go.” Ngumiti si Mandy, saka siya tumingin sa akin. “I’m so sorry, Chinnie.”
Napatango na lang ako at hindi na sumagot pa.
“Aalis na ako, Shaun. I’m so sorry too,” baling ni Mandy kay Shaun. “Siguro nga hindi na `yon mahalaga. Past is past nga naman. I’m glad you had finally moved on.”
“Dy,” pagbanggit ni Shaun ng tawag niya kay Mandy na parang gusto niya itong pigilan.
“Nice seeing you again, Shaun,” huling sinabi ni Mandy saka na siya naglakad palabas ng cafeteria.
Muli akong bumalik sa pag-upo habang si Shaun naman ay nananatiling nakatingin sa pintuan ng cafeteria na pinaglabasan ni Mandy. Para bang gusto niya itong habulin.
Nakita kong bumalik na si Bea. Nilapag niya sa table ang kape, saka siya umupo.
“O, nasaan na `yong bitch? Umalis na? Mabuti naman!” iritado niyang pagsasalita.
Galit na tiningnan ni Shaun si Bea. Halos magdikit na ang makakapal niyang kilay sa sobrang pagkunot ng noo niya. Obvious na galit na galit siya sa sinabi ni Bea.
“Anong sabi mo? You called her a bitch?” tanong ni Shaun. “Mandy’s not like that. She’s far from being that, Bea. Hindi mo siya kilala kaya huwag mo siyang tatawaging bitch.”
Hindi mo siya kilala kaya huwag mo siyang tatawaging bitch. Pinagtatanggol niya si Mandy.
Nanatili lang akong tahimik.
“She’s far from being a bitch?” tugon ni Bea. “That’s true. `Cause she’s a super duper ultra mega bitch.”
Napayukom na ng kamay si Shaun. Ganyan ang ginagawa niya kapag nagpipigil ng inis. Dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili niya’t magdilim na ang paningin niya.
“Isa pa talaga, Bea. Don’t fucking insult her. Wala siyang ginagawang masama sa `yo!”
“Oo nga, wala. Pero sa inyo meron. Can’t you see it, Shaun? Gusto niya kayong guluhin. She wants you back. Gusto niyang makipag-usap sa `yo at makipagbalikan!”
“Wala siyang sinabing ganyan. Gusto niya lang makipag-usap. Hindi naman ako nakipag-usap, `di ba? Hindi pumayag si Chin. So, ano bang pinuputok ng butse mo, Bea?”
Sarkastikong napatawa si Bea. Para bang may narinig siyang hindi kapani-paniwala. Para bang gusto niyang itapon sa mukha ni Shaun `yong kape na iniinom niya.
“Anong pinuputok ng butse ko? Ikaw! Kung ipagtanggol mo kasi si Mandy parang siya ang girlfriend mo!” tugon niya. “Nakakalimutan mo na `atang `andiyan sa tabi mo si Chinnie. `Yong girlfriend mo talaga. `Yong babaeng hindi ka iniwan no’ng panahon na iniwan ka ni Mandy. `Yong babaeng nasasaktan mo nang paulit-ulit noon pero nagagawa pa ring ngumiti sa `yo. `Yong girlfriend mo ngayon na para bang nakalimutan mo na dahil lang diyan kay Mandy!” inis niyang sagot. “Ibuhos ko kaya sa `yo `tong kape, Shaun? Ikaw kasi `ata ang may kailangan. Ikaw `ata ang kailangan magising diyan sa kahibangan mo. Akala ko hindi ka na manhid pero `til now pala manhid ka pa ring bwisit ka!”
“Hindi ko nakakalimutan na girlfriend ko si Chinnie!” tugon ni Shaun.
“But your actions say otherwise,” sagot ni Bea, rolling her eyes.
“Don’t brainwash her, Bea. Kung ano-anong pinapasok mo sa isipan ni Chinnie!”
“Shaun, tama na.” Nagsalita ako dahil hindi ko na kaya ang pagsasagutan nila. “Tama naman si Bea, eh. Tama `yong dahilan kung bakit gusto ni Mandy—”
Napatingin sa akin si Shaun kaya natigil ako sa pagsasalita.
“Anong tama? Kinakampihan mo `tong si Bea, Chinnie?” galit niyang sabi sa akin. “Hindi gustong makipagbalikan sa akin ni Mandy, Chin. Hindi ko rin nakakalimutan na girlfriend kita. Kung nakalimutan ko, eh, di sana nakipag-usap na agad ako sa kanya na hindi na humingi ng approval sa `yo. The fuck, Chin. I’m doing my boyfriend’s duty. Do yours. Why can’t you just have a little faith in me, Chin? Kahit kaunti lang sana kasi, tangina, wala kang tiwala sa `kin, eh!”
Padabog na kinuha ni Shaun `yong backpack niya, saka dali-daling naglakad paalis.
“Shaun! Ano ba? Hindi `yan ang gusto kong sabihin!” sigaw ko sa kanya.
Pero tuloy-tuloy lang si Shaun sa paglalakad at hindi na ako nilingon pa.
“Kita mo `yang gagong `yan? Masyadong pikon! Palibhasa totoo ang mga sinabi ko!” Saka siya sumigaw. “Hoy, Shaun! Saan ka pupunta? Pupuntahan mo si Mandy, `no!”
“Bea, ano ba? Tama na nga!” Nasigawan ko si Bea. “Just stop it!”
Napatahimik na lang si Bea habang ako napahilamos ng mukha gamit ang mga kamay ko dahil sa nangyari. Gumulo na mula nang bumalik si Mandy. Gumugulo na kami ni Shaun.
Nagalit si Shaun sa akin dahil wala raw akong tiwala sa kanya. Hindi sa wala akong tiwala sa kanya. Wala lang akong tiwala sa pagmamahal na nararamdaman niya sa akin. Sa pagmamahal na meron siya sa akin kumpara sa pagmamahal niya kay Mandy noon.
Hindi niya alam na mahal pa rin siya ni Mandy. Oo, hindi nga ito sinabi sa kanya ni Mandy pero alam kong sasabihin niya ito kay Shaun kapag nakapag-usap silang dalawa. Sigurado ako. Siguradong-sigurado ako dahil `yong mga mata ni Mandy ay `yong mga mata ng isang taong nasa harap niya ang kanyang minamahal. Alam kong hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ni Mandy kay Shaun.
Shaun didn’t get my point. Kahit naman kasi humingi siya ng approval sa akin bago sila mag-usap, ang tanong, iyon din ba ang gusto ni Shaun? Para kasing gusto niya ring makipag-usap kay Mandy.
Pero siguro nga, wala akong tiwala sa kanya. Ilang beses na sinabi sa akin ni Shaun na hindi niya ako iiwan dahil ako na ang mahal niya. Pero nawawalan pa rin ako ng tiwala.
Kinakain kasi ako ng insecurities ko. Insecurities ko kay Mandy.
Mahirap kasing kalaban ang taong unang minahal ng taong mahal mo. Kahit ayaw mo, ikukumpara mo kasi ang sarili mo sa kanya. Sa kung anong meron kayo ngayon sa kung anong meron sila noon.
At kapag nalaman mo sa sarili mo na walang-wala ka kumpara sa taong una niyang minahal, unti-unti kang mawawalan ng tiwala sa sarili mo. Dahil pakiramdam mo, kapag pinapili siya, `yong unang taong minahal niya pa rin ang pipiliin niya.
Naghiwalay na kami ni Bea paglabas namin ng cafeteria. Magkaibang klase na kasi ang papasukan naming dalawa. Nag-sorry siya sa akin dahil daw mukhang napasobra nga raw ang sinabi niya. Inis na inis lang daw talaga siya kina Mandy at Shaun kanina kaya hindi niya napigilan.
Sabi ko, okay lang pero sana sa susunod pigilan niya ang sarili niya. Minsan kasi wala talagang preno ang bibig ni Bea. Lumalabas at lumalabas talaga sa bibig niya `yong mga bagay na gusto niyang sabihin. Wala siyang pakialam kahit makasakit siya basta masabi niya ang gusto niya.
Si Shaun ang laman ng isipan ko habang nagkaklase. Masyado akong kinakain ng guilt feelings ko nang mga oras na lumilipas. Ito ang unang beses na nagalit si Shaun sa akin. Palagi niya akong iniintindi noon. Palagi siya ang unang humihingi ng sorry kahit na ako ang may kasalanan.
This was the first time he got mad because of something. Kaya sigurado akong kasalanan ko talaga ang nangyari. Hihingi ako ng sorry sa kanya. Ayokong mag-away lang kami dahil kay Mandy.
Hindi ako makakapayag na maging ganito kaming dalawa nang dahil lang kay Mandy.
Nang matapos ang klase ko, agad akong dumeretso sa classroom nina Shaun. Pero wala siya doon. Pati sina Lucas wala rin. Nakausap ko `yong isa nilang kaklase at sinabing nasa gym daw dahil may practice. Nagpasalamat ako at agad na ring umalis.
Dumeretso agad ako sa gym para puntahan si Shaun. Hindi ko na dapat patagalin ang paghingi ko ng sorry sa kanya dahil hindi ako sanay na ganito siya sa akin. Kailangan naming mag-usap.
Nakita ko sina Lucas at Raphael na lumabas ng gym. Nakaakbay si Lucas kay Raphael.
“Hey, Chin!” bati sa akin ni Lucas. Si Raphael ngumiti lang.
“Saan kayo pupunta? Nasaan si Shaun?” tanong ko.
“Gagawa kami ng baby nitong si pareng, Rap,” sagot niya. “Si Shaun, `andoon sa locker room—Ouch!”
Sinuntok ni Raphael ang tiyan ni Lucas kaya napaaray siya.
“Puro ka kagaguhan, Lucas!” sagot ni Rap. “Nasa locker si Shaun, Chin. Kausap si Arjon. Mukhang may matinding problema si Shaun. Nag-away ba kayo?”
Napakagat ako sa labi ko saka dahan-dahang napatango.
“Ayown! Kaya pala tahimik lang si Shaun pagdating, eh. `Di nga pumasok `yon sa isang subject namin, eh. Nagpalamig pala ng ulo,” tugon ni Lucas. “O s’ya, kausapin mo na si Shaun, Chin. Baka maapektuhan pa practice game namin. Ayokong mag-push up ng two hundred times. `Sakit sa abs. Tama na `tong si Raphael ang palaging nananakit sa akin—aray ko. Gago mo, Rap! Nawiwili kang kakasapak sakin, ah!”
“Eh, puro kashitan ang sinasabi mo, eh!” sermon ni Raphael. “Sige, Chin. Pasok ka na lang. Wala pa namang tao doon. Silang dalawa pa lang.”
Tumango ako at nagpasalamat. Hindi pa ako agad pumasok dahil tiningnan ko muna sina Lucas at Raphael na naglakad palayo sa akin.
Nakita kong pinisil ni Lucas ang puwitan ni Raphael. `Tapos biglang tumakbo palayo si Lucas kaya hinabol siya ni Raphael. Naghahabulan silang dalawa sa may field. Dalawang lalaki na naka-basketball uniform ang naghaharutan. Natawa na lang ako.
Pumasok na ako sa loob ng gym at dumeretso sa may locker room ng men’s basketball team. Mukha ngng wala pang tao rito dahil tahimik pa. Usually kasi maingay na rito.
Medyo nakaawang ang pinto ng locker room. Kakatok na sana ako nang mapahinto ako dahil may narinig akong dalawang boses na nag-uusap. Boses ni Arjon at Shaun.
Ayoko sanang makinig sa pinag-uusapan nila dahil hindi ko ugaling gawin `yon. Pero nang mabanggit ni Arjon ang pangalang Mandy, napatigil ako at automatic na nakinig ang mga tainga ko.
“What? Nakipagkita ka kay Mandy kanina?” hindi makapaniwalang tanong ni Arjon.
“Y-yeah,” mahina lang ang boses ni Shaun. “Kaya hindi ako pumasok sa isang subject kanina. I talked to her. Hindi ako matahimik, eh. Para kasing kailangan kong malaman ang gusto niyang sabihin.”
“Ayown! Kaya pala tahimik lang si Shaun pagdating, eh `Di nga pumasok `yon sa isang subject namin, eh. Nagpalamig pala ng ulo.” Bigla kong naisip `yong sinabi ni Lucas kanina.
Hindi pumasok si Shaun sa isa nilang subject dahil nagpapalamig siya ng ulo. Hindi siya pumasok kasi mas pinili niyang makipag-usap kay Mandy. Nakipag-usap pa rin siya kahit hindi ako pumayag.
Hindi niya pa rin matiis si Mandy. Hanggang ngayon, gumagawa pa rin siya nang sariling desisyon basta si Mandy ang pinag-uusapan at involved.
Gusto ko sanang umalis dahil ayokong marinig ang mga sasabihin ni Shaun. Pero ayaw kumilos ng mga paa ko. Gusto nilang manatili. Gusto nilang malaman kung ano ang iniisip ni Shaun.
“You’re an asshole!” sagot ni Arjon. “O, ano’ng napag-usapan n’yo?”
“Sinabi niya `yong dahilan ng pag-alis niya noon. Kung bakit niya biglang tinanggap ang offer ng school nang hindi sinasabi sa akin. Lahat-lahat, dude,” sagot ni Shaun. “And then she said… she said, she wants us to get back together. Nangako siya na this time raw... this time hindi na niya ako iiwan. Na makakasama na niya ako palagi. Mahal niya pa raw ako. Mahal na mahal. Mula noong umalis siya hanggang bumalik, hindi raw nagbago ang feelings niya. Ako pa rin daw.”
“Oh, shit. That’s too complicated.” Napamura si Arjon. “Mahal ka pa niya. Eh, ikaw? Mahal mo pa ba siya? May feelings ka pa ba sa kanya until now?”
Natahimik si Shaun.
Oh, God. Please, say no. Sabihin mong wala na, Shaun. Sabihin mong wala ka nang feelings kay Mandy. Please, Shaun. Sabihin mong wala na talaga at ako na ang mahal mo ngayon.
I kept on praying. I prayed and prayed habang hinihintay ko ang magiging sagot ni Shaun kay Arjon. Pero nang sumagot siya, bigla na lang bumagsak ang mga luha sa mga mata ko. Kasabay nang pagbagsak ng mga luha ko at biglaang pagwasak ng puso ko.
Expected ko na naman na malaki ang possibility na ganito ang sagot niya pero masakit pa rin pala kapag mismong galing kay Shaun ko narinig ang pag-amin niya.
“I still have,” mahinang sagot ni Shaun. Para siyang natatakot na aminin ito sa sarili niya. “I still fucking do, Arjon. I still have feelings for her.”
Hindi sumagot si Arjon. Parang pati siya hindi inaasahan ang sagot ni Shaun.
Habang ako, patuloy lang na tahimik na lumuluha sa likuran ng pinto. Patuloy na nasasaktan sa feelings ni Shaun na dapat ako ang unang nakakaalam.
I still have. I still fucking do, Arjon. I still have feelings for her .
Hanggang ngayon, may feelings pa rin siya kay Mandy. Hindi ito nawala. Isang kasinungalingan lang pala ang lahat ng sinabi niya sa akin. Sabi niya wala na. Pero `yon pala, meron pa rin pala. Hindi pala ito nawala sa puso niya. Pinili niya lang na itago. Pinili niya na ingatan at hindi i-let go.
Lalong dumarami ang mga luhang lumalabas sa mga mata ko habang naiisip ko na nagsisinungaling lang si Shaun sa akin. Ano pa ba ang mga kasinungalingan niyang pinaniwalaan ko? Pati ba `yong sinabi niyang mahal niya ako ay kasinungalingan lang?
Was it just a lie when he said he loved me?
Ha, Shaun? Pati ba `yon ay kasinungalingan mo lang din?
“Ang dami niya pang sinabi sa akin,” nagpatuloy si Shaun. “Dahil sa mga sinabi niya, nagdadalawang-isip na ako sa amin ni Chinnie ngayon. Naisip ko na... na tama ba ang ginawa ko na maging kami ni Chinnie? Na mali ba na minahal ko rin siya more than being best friends? Na mahal ko rin ba talaga siya? O baka natatakot lang talaga ako na mawala siya sa tabi ko? Was this a mere obligation right from the start?” nahihirapan niyang pagsasalita. “Dude, ang gulo-gulo na ng utak ko.”
Hindi ko na naintindihan `yong mga sinabi ni Arjon dahil para na akong nabingi sa mga oras na lalong dumami ang mga luhang bumabagsak sa mga mata ko.
Ang sakit-sakit na malaman na pinagdududahan ni Shaun kung anong meron kami ngayon. Ang sakit na malaman na pinagduduhan niya ang pagmamahal niya sa akin. Habang ako… Habang ako ay siguradong-sigurado sa pagmamahal ko sa kanya.
Naisip niya pa na baka obligation niya lang din na mahalin niya ako dahil best friends kami. He felt guilty if he didn’t love me the way I loved him.
Ano `tong ginawa niya sa akin? Minahal niya ako out of pity? Minahal niya lang ako para hindi ako umalis sa tabi niya at hindi dahil gusto niya akong mahalin at ito ang nararamdaman niya?
His love was not love since the start. Because for him, it was just an obligation.
Pinunasan ko na ang mga luha ko, saka na nagsimulang maglakad nang tahimik. Nang makalabas ako sa gym, tumakbo na agad ako palabas ng school. Hanggang sa taxi umiiyak ako.
I was crying because of him once again.
And this time, it was ten times more painful.