noveltoon logo noveltoon
Everyday, Every You

Chapter 3

Ch. 3 / 21 Nov 28, 2025

I COULD still remember how and when I first fell in love with him.

Magmula noong elementary at high school, parehas kami ng school na pinasukan. It was during our fourth year in high school and exactly our junior and serior promenade. Parehas kaming masaya dahil partner namin sa prom ang mga crush namin.

Ako, iyong pinakamatalinong lalaki sa batch namin. Habang si Shaun naman, iyong crush na crush niyang captain ng cheering squad na halatang patay na patay din sa kanya. Hindi tuloy siya nahirapang yayain ito para maging date. Samantalang ako, no choice na lang yata si Tristan noon.

The night before our JS prom, magkausap kaming dalawa sa telepono. Tawa kami nang tawa dahil parehas kaming excited kinabukasan. Biniro ko pa si Shaun na baka si Tristan na ang maging first boyfriend ko. Mahilig kasi ako sa lalaking matatalino. Ang sabi ni Shaun, okay daw sa kanya si Tristan. As long as hindi ako papaiyakin or else, bubugbugin niya ito.

The night of our JS Prom, nauna na sa school si Shaun. Magka-text kaming dalawa at sinabi niyang dumating na sila ni Rachelle sa school. Marami na raw tao. Tinanong niya ako kung nasaan na daw ako. Sabi ko nasa bahay pa dahil hindi pa dumadating si Tristan.

I waited and waited for Tristan to come. Susunduin niya kasi dapat ako sa bahay. Pero magdadalawang oras na akong naghihintay, hindi pa rin siya dumadating. Nagmukha akong tanga sa sala ng bahay namin habang palipat-lipat ang mga mata sa orasan at pintuan.

Hanggang sa napagod akong maghintay at tinanggap ko na lang sa sarili ko na hindi na darating si Tristan. Na pinaasa lang ako ng tarantadong `yon. Akala ko matino siya pero hindi pala. Hindi pala por que matalino ang isang lalaki, matino na ito. Siya ang living proof n’on.

Magpapalit na sana ako ng pajama nang makatanggap ako ng tawag galing kay Shaun.

He asked kung nasaan na ako. So, I lied. Sabi ko nagkaroon ng emergency si Tristan. Family problem `kako kaya hindi na makakarating. Pinipigilan ko na huwag maiyak kay Shaun dahil paniguradong mag-aalala lang siya at baka pati ang gabi niya ay masira.

Kahit na gustong-gusto ko na talagang humagulhol dahil nasayang ang pag-aayos ko. Isa pa, nasayang lang ang pagbibigay ng pera ni Tita MJ para sa gown ko `tapos hindi ko naman pala magagamit ngayong gabi. Eh, di sana hindi ko na lang iyon tinanggap.

“Stop lying,” seryosong sabi niya. “`Andito si Tristan. May ibang ka-date.”

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat isagot kay Shaun noon. Sa totoo lang, nasaktan ako. But I just chose to pretend that I was not. Wala kasing point para magalit. Hindi naman ako kagandahan. Kaya malamang, mas uunahin ni Tristan ang babaeng maganda na kung sino man ang kasama niya.

“Ah, ganoon ba? Hayaan mo siya. Matutulog na ako. Enjoy the night. Isayaw mo na lang ako.”

“Wait!” pagpigil niya. “Papunta na ako diyan.”

“Ha?” naguguluhan kong sagot. “Saan ka papunta?”

“Your place, of course. Susunduin kita. Huwag kang matutulog. Hintayin mo ako,” sabi niya. “Wait for me. I’ll be there in a few minutes. Pupuntahan kita kahit anong mangyari.”

Hindi na hinintay ni Shaun ang sagot ko at pinatay na ang tawag. Mayamaya pa, may narinig na akong katok. Si Mama ang nagbukas ng pinto. Nagulat pa siya dahil bigla niyang nakita sa may pintuan si Shaun na nakasuot ng puting tuxedo at gwapong-gwapo sa porma.

“O, Shaun. Bakit `andito ka? `Di ba, dapat nasa prom ka na?” gulat na tanong ni Mama.

“Susunduin ko po si Chinnie, Tita,” sagot niya saka tumingin sa akin. “Siyempre, hindi ko pwedeng pabayaan ang isa sa pinakaimportanteng babae sa buhay ko sa espesyal na gabi na `to.”

Hindi ko alam kung anong ire-react ko kay Shaun nang mga oras na iyon.

Hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.

Kung maaawa ba sa sarili ko dahil palagi na lang akong nililigtas ni Shaun tuwing napupunta ako sa alanganin na posisyon. O matutuwa dahil handa si Shaun na iwan iyong babaeng crush na crush niya para sa akin na isa sa pinakaimportanteng babae raw sa buhay niya.

Sa sobrang tuwa ni Mama noon, kinuhaan pa niya kaming dalawa ng picture ni Shaun bago umalis ng bahay. Hindi ko nga magawang ngumiti sa picture na `yon dahil hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko na sinundo ako ni Shaun sa bahay para lang magkaroon ako ng partner.

He always chose me over someone else.

Nakasakay na kami ni Shaun sa tricycle habang salita siya nang salita. Samantalang ako, patuloy pa rin sa pananahimik. Ayokong magsalita dahil alam kong malapit nang lumabas ang mga luha ko.

“Sorry,” sabi niya. “Sorry kung tricycle lang ang nasakyan mo ngayong naka-gown ka pa. Hindi kasi sumasagot si Daddy. Saka hindi ko na rin siya hinintay. Baka tumagal pa ang paghihintay mo, eh.”

Masyadong sincere ang paghingi ng sorry ni Shaun sa akin. `Yong tipong para bang siya pa ang may atraso sa akin dahil sa tricycle niya lang ako naisakay at hindi sa isang kotse. Imbes na ako pa ang humingi ng sorry sa kanya dahil iniwan niya `yong date niya para sa akin.

Alam ko kung gaano kagusto ni Shaun na maka-date sa prom si Rachelle. Ilang beses niya iyong sinabi sa akin na hindi siya makakapayag na hindi si Rachelle ang partner niya. Pero nang dahil sa akin, iniwan niya ang babae. Nang dahil sa akin, kinalimutan niya ang gusto niya.

Napatitig ako sa kanya hanggang sa maramdaman ko na lang na tumutulo na ang mga luha ko. Mga luhang hindi ko alam kung dala ba ng pagkainis kay Tristan dahil tinokis niya ako o dahil kay Shaun na palaging sumasalba sa akin tuwing kailangan ko siya.

“Hala, Chin. Bakit? Bakit ka umiiyak? Sorry kung tricycle lang talaga. Shit. Sana pala hinintay ko na lang si Daddy. Sorry talaga. Alam kong ang awkward dahil nakasakay ka sa tricycle habang naka-gown ka. Chin, huwag ka nang umiyak. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko tuwing umiiyak ka, eh.”

Naaalarma na si Shaun na parang hindi alam ang gagawin niya. Palagi siyang natataranta tuwing nakikita niya akong umiiyak. Handa siyang gawin ang lahat para lang tumigil ako sa pag-iyak.

“Sira!” sabi ko habang nagpipigil ng paghikbi. “Hindi ako umiiyak dahil sa tricycle mo ako pinasakay. Umiiyak ako dahil touch na touch ako sa ginawa mo. Willing ka talagang iwanan si Rachelle para lang sunduin ako. Nakakainis ka, Shaun. Bakit ka ganyan ka-sweet?”

Napangisi siya. “Natural. Best friend comes first. Ikaw palagi ang uunahin ko,” sagot niya saka pinunasan ang mga luha ko. “Stop crying, will you? Don’t ruin your makeup.” Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko na palagi niyang ginagawa. “Ssshh. Huwag ka nang umiyak.”

“Pinapaiyak mo kasi ako!” sabi ko.

Mabuti na lang waterproof ang makeup ko kundi kumalat na ito sa buong mukha ko.

Natawa siya. “But never mind. You are still the most beautiful girl I’ve ever known.” Ngumiti siya. “Handa akong gawin ang lahat para sa `yo, Chin, huwag ka lang maging malungkot. Kaya humanda sa akin `yang si Tristan. I’m gonna beat him to pulp. Mali siya ng taong binangga!”

Nagpatunog pa si Shaun ng mga kamao kaya iyak tawa ang ginawa ko habang nakasakay kaming dalawa sa tricycle papunta sa venue ng JS Prom namin.

Nang makarating kaming dalawa sa venue, mahigpit niyang hinawakan ang kanang kamay ko habang naglalakad kami papasok sa loob na para bang proud na proud si Shaun na kasama niya ako. Kitang-kita ko pa noon na nanggagalaiti si Rachelle sa gilid pero sinabi ni Shaun na huwag ko na lang daw pansinin. Nasampal na naman daw siya ni Rachelle kaya sapat na daw na kabayaran iyon.

Nang gabing iyon, Shaun and Rachelle were crowned as the King and Queen of our JS Prom. Masayang-masaya ako para kay Shaun pero siya naman, asar na asar. Hindi niya tinanggap iyong korona and sash dahil ayaw niya raw manalo kung hindi raw ako ang Queen.

Nagkagulo pa noon dahil binugbog ni Shaun si Tristan. Dumugo ang mukha ni Tristan dahil sa panggugulpi ni Shaun sa kanya. Na-suspend tuloy si Shaun ng one week dahil doon. Pinagalitan din siya ni Tito Ross habang hinahatid ako pauwi ng bahay.

Before I fell asleep that night, nakatanggap ako ng text message galing kay Shaun.

I hope you enjoy our night ;)

Nag-reply ako.

Of course. Thank you, Shaun! Most unforgettable night of my life <3

Dahil nang gabing `yon ko napagtanto sa sarili ko na in love na pala ako sa `yo.

At ang sunod na reply ni Shaun ang lubusang nakapagpaiyak sa akin.

No problem. Ganyan kita kamahal. I’ll always love you no matter what because you’re my best friend. Hindi `yon magbabago. We will gonna be best friend forever :)

Hindi na ako nakapag-reply kay Shaun dahil napatitig na lang ako sa huling pangungusap ng text niya. Paulit-ulit iyon sa isipan ko kaya paulit-ulit ding kumirot ang puso ko.

We will gonna be best friend forever :)

Iyon ang unang beses akong hindi natuwa dahil sa pagiging mag-best friends namin. Na-realize ko na kasi kung ano ba talaga si Shaun sa akin. Kung ano ba talaga ang totoong nararamdaman ko sa kanya. I realized that I loved him not because we were best friends but because I loved him more than that. Na mahal ko siya in a romantic way. Na siya ang nagmamay-ari ng puso ko.

But I cried real hard that night. I also realized that he would never see me the way I saw him. Katulad nga ng sabi niya, hindi magbabago ang pagsasama naming dalawa. We will always be best friends no matter what. And it sucked. And it hurt like hell. A lot.

After ko ma-realize na mahal ko talaga siya, sinimulan ko nang aralin kung paano ko maitatago ang totoo kong nararamdaman. Ayoko kasing masira kung anong meron kami.

Sabi ko sa sarili ko, kuntento na ako kung ano ako kay Shaun. Alam kong mahal niya rin ako. Mahal na mahal. Hindi nga lang katulad ng pagmamahal na gusto ko’t inaasahan.

Sinuportahan ko na lang siya sa lahat nang ginagawa niya sa buhay. Naging masaya na lang ako for him nang magkaroon siya ng first serious girlfriend noong first year college na kaming dalawa.

Tuwing masaya siya, nagiging mas masaya ako. Tuwing nasasaktan siya, mas nasasaktan ako. Lahat ng emosyon ni Shaun, hinahatian ko siya. Iyon kasi ang role ko bilang best friend niya. Ang hatian siya sa mga emosyon na nararamdaman niya at hindi siya iiwan kahit kailan.

Hindi ko na namalayan na tatlong taon na ang lumilipas simula nang pasekreto ko siyang minamahal. Tatlong taon na rin ang lumilipas na pasekreto akong umiiyak tuwing nasasaktan niya ako na hindi niya nalalaman. Hindi naman niya kasi dapat malaman. Hindi ko rin siya maaaring sumbatan dahil never niyang sinabi nang mahalin ko siya more than best friends.

“That’s for today, class. Good-bye,” narinig kong sabi ng professor ko saka siya lumabas ng classroom.

Sa sobrang lalim ng mga iniisip ko hindi ko na namalayan na natapos na ang klase ko. Sinimulan ko na lang ayusin ang mga gamit ko at ipinasok ito sa loob ng bag ko. Pagkatapos, lumabas na rin ako ng classroom at naglakad palabas ng school.

Hindi sumagot si Bea sa mga text ko sa kanya. Hindi ko tuloy alam kung nasa school pa siya or what. Mukhang bad trip pa rin siya. Magkaiba kasi kami ng afternoon class kaya hindi kami nagkita.

Habang nasa jeep pauwi ng condo, naisip ko kung nandoon na ba si Shaun. Imposibleng nandoon na siya dahil alas-kwatro pa lang ng hapon. Usually, umuuwi iyon before dinner. O kaya magte-text na tirahan siya ng ulam dahil male-late siya ng uwi galing somewhere.

Mas okay nang wala si Shaun sa condo ngayon dahil ayoko pa siyang harapin. Nagkatampuhan na kami kagabi `tapos nagkasagutan na naman kaming dalawa kanina. Hay. Hindi naman kami ganito dati. Nagsimula lang kami maging ganito nang mahalin ko siya.

Kung kaya ko lang talaga alisin `tong nararamdaman ko para sa kanya, matagal ko nang ginawa. Sana... sana lang, dumating ang isang araw na magising ako na wala na akong kung anong special na nararamdaman sa kanya. Sana makatingin uli ako sa mga mata ni Shaun na tanging best friend lang ang tingin ko sa kanya at hindi dahil in love ako sa kanya.

Napahugot muna ako nang malalim na buntong-hininga bago tuluyang pumasok sa loob ng condo.

Pagpasok ko, nagulat ako ng madatnan ko si Shaun na nakatayo sa gilid ng lamesa. Nakaayos ang lamesa na para bang may kakain doon na isang hari at reyna. With candlelights pa nga. May masasarap na putahe sa mesa na sigurado akong si Shaun ang nagluto.

Marunong magluto si Shaun. Namana niya iyon kay Tito Ross. Sana, ang pagiging seryoso ni Tito Ross sa buhay at pagiging loyal sa isang babae ay namana niya rin.

Napatingin ako kay Shaun at nakaporma siya. Mukhang may inaasahan siyang bisita. Todo ngiti siya sa akin na para bang nakalimutan na agad niya ang tampuhan naming dalawa kanina.

“May inaasahan ka bang bisita ngayon? Aalis muna ako kung gusto mo,” sabi ko.

Kumunot ang noo ni Shaun, saka dali-daling lumapit sa gawi ko. Hinawakan niya ako sa kanang braso at marahan na hinila papunta sa mesa. Pinaupo niya ako. Naguguluhan ako sa nangyayari. Hindi ko alam kung anong meron.

“Ginawa ko `to para sa `yo,” sabi niya. Kinuha niya ang bag ko, saka nilapag sa sahig. “You deserve this kind of treatment. Hindi palaging ikaw na lang palagi ang magluluto para sa akin. I have realized that you need to be treated like a queen sometimes. So here, I’m going to serve you.”

Tiningnan ko iyong mga putahe na nasa mesa. Puro paborito kong pagkain ang hinanda niya. Saka ko siya tiningnan nang seryoso. Napataas pa ang kilay ko.

“Ano na namang kasalanan ang ginawa mo, Shaun Eliseo? May babae ka na naman ba diyan sa kuwarto mo?” naghihinala kong tanong.

“Wala, `no! Hindi na mauulit ang nangyari kagabi,” sagot niya saka siya napa-sigh. “Na-realize ko lang kanina na ang gago ko. Iyong time na nasa cafeteria tayo at pinagbawalan kitang sumama kay Bea sa blind date shit. Look, ayoko lang talaga na sumama ka doon, Chin. Ayokong mapahamak ka. Hindi mapapanatag ang kalooban ko habang nasa labas ka kasama ang kung sino mang hinayupak na lalaki ang makakasama mo, `tapos ako, `andito lang sa condo.”

Tumitig siya nang seryoso sa akin. “Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyari sa `yong masama. Alam mo naman na kahit saan ka mapunta, `andoon dapat ako. Kaya kung gusto mo talagang pumunta doon sa blind date, in one condition, kasama ako.”

“Are you for real?” Natampal ko ang sarili kong noo. “Shaun, matatanda na tayo. Hindi na tayo katulad noong maliliit pa tayo na kailangan pati sa pagtulog, magkatabi. Ngayon kasi malalaki na tayo. May kanya-kanya na tayong mga mundo. May kanya-kanyang nais gawin sa buhay. Hindi ako makakapag-boyfriend kung palagi kang ganyan sa akin.”

“Eh, di, huwag kang mag-boyfriend. Mas okay nga iyon para palagi tayong magkasama, eh,” sabi niya. “Walang sino mang lalaki ang deserve ka, Chin. You’re too nice. Too thoughtful. Too smart. Everything a guy could ask for. Sobra-sobra ka pa. Kaya kung pwede lang na huwag ka mag-boyfriend mas okay `yon. Which means, ako palagi ang number one mo.”

“Don’t you think you’re being really unfair, Shaun?” tanong ko sa kanya. “You want me all by yourself. But until when? Hanggang kailan mo ako kakailanganin bilang best friend? I’m always by your side, but how about you? Paano kung makita mo na ang babaeng gusto mong makasama habang-buhay. Hanggang doon ba kakailanganin mo ako? Siyempre hindi, `di ba?”

Hindi nakapagsalita si Shaun sa tanong ko. Napaiwas lang siya nang tingin.

“Shaun, I think it’s time for us to separate.”

Gulat niya akong tiningnan. Nakita ko ang takot sa mga mata niya.

“What? But why?”

“Separate as separate houses. Hindi ko sinabing iiwasan natin ang isa’t isa. `Yong bigyan lang ng breathing space ang bawat isa. Hindi kasi tayo parehas maggo-grow kung mula noon hanggang ngayon ay magkasama tayo. Kailangan natin malaman na bukod sa mundo nating dalawa, marami pang mundo diyan na kailangan nating makita.”

“Hindi mo na ba ako mahal, Chin?” seryoso niyang tanong.

Natawa ako at the same time nasaktan sa tanong niya. Alam ko kasing as a best friend iyong tanong niya na iyon na kung hindi ko na ba siya mahal.

“Siyempre, mahal kita. Mahal na mahal. Best friend kita, eh.” And God knows how much I love you more than that. More than anything and anyone else. More than you’d ever know.

“Ayoko. Hindi tayo maghihiwalay,” mariin niyang sagot. “Tama na ang usapan na `to. Kumain na lang tayo,” sabi niya saka umupo sa harap ko at nagsimulang magsandok.

Si Shaun na rin ang nagsandok at naglagay sa plato ko. Halatang malungkot siya. Kapag may hindi siya nagustuhan na isang bagay o hindi nagustuhan sa narinig niya, napapakagat siya sa labi niya. Ngayon nakakagat siya sa sarili niyang labi kaya alam kong hindi niya gusto ang sinabi ko.

“Okay,” sabi ko. “Kalimutan mo na ang sinabi ko. Hindi na tayo maghihiwalay. Palagi lang ako nasa tabi mo hanggang sa ikaw na mismo ang mapagod at magtulak sa akin palayo.”

Tumingin sa akin si Shaun kasabay ng pagliwanag ng mga mata niya.

“I won’t ever get tired of you, Chin. You know that. Best friend comes first, remember?” sabi niya saka ngumiti. “Kain na tayo. Masarap `yan. Niluto ko `yan with love. Just for you.”

“That’s why I love you. Kayang-kaya mong lutuin ang mga paborito kong pagkain.”

“I love you, too. Always remember that,” sagot niya saka ngumisi at kumindat.

Napailing-iling na lang ako kasabay ng pagkirot ng puso ko.

Kung sana lang iyong pagmamahal na iyon ay katulad ng pagmamahal ko sa kanya, eh, di sana masayang-masaya na ako. Pero hindi, eh. Hindi natin pwedeng ipilit ang pagmamahal. Katulad nang hindi natin ito pwedeng pigilan. Love sometimes was a beautiful chaos.

“Masarap?” tanong ni Shaun kaya napatango ako. “Siyempre masarap din ang nagluto, eh,” sabi niya kaya napatawa kaming dalawa nang sabay.

Pasimple kong pinagmamasdan si Shaun habang kumakain siya. Para siyang bata na sarap na sarap sa kinakain. Napangiti tuloy ako sa sarili ko.

Sa akin niya lang ipinapakita ang ganyan niyang side. So, paano ko siya iiwan? Paano ko tatalikuran kung tuwing naiisip ko na iiwan ko siya, ako lang din ang mas masasaktan.

After naming kumain ni Shaun, pumasok muna ako ng kuwarto para maligo at mag-ayos. Siya ang naiwan sa kusina dahil siya na rin daw ang maghuhugas ng mga plato.

Paglabas ko ng kuwarto ko, naabutan ko si Shaun na nasa sala habang nakaupo sa carpet at nakaharap sa macbook niya. Nilapitan ko siya.

“Anong ginagawa mo?” tanong ko saka umupo.

“Nag-download ako ng mga movie. Gusto mo panoorin natin?” nakangiti niyang tanong.

“Anong mga movies?” Hinarap niya sa akin ang laptop. “How To Lose A Guy In 10 Days, Mean Girls, Pretty In Pink, Breakfast At Tiffany’s, Clueless, The Princess Diaries. OMG. Are you for real? Kaya mong manood ng chick flick movies kasama ako?”

Action and horror kasi ang favorite genres ni Shaun sa mga movie.

Ngumisi siya. Ang gwapo-gwapo niya tuwing ngumingisi siya. Kaya hindi na nakakapagtaka na habulin siya ng mga kababaihan. Namana niya kasi ang kagwapuhan ni Tito Ross.

“Don’t underestimate me, Ms. Mulach!” sabi niya.

“I’m not, Mr. Valentin.” Natawa ako. “Hindi ka ba mababaklaan diyan kung papanoorin natin?”

“Kahit pambakla o pantomboy pa `yan. As long as I’m with you. I don’t give a flying fuck.”

Sinet up na ni Shaun ang laptop, `tapos tumabi siya sa inuupuan ko. Nagsimula na kaming mag-movie marathon. Si Shaun pa mismo ang unang tatawa kapag nakakatawa ang scene. Ang lakas ng mga tawa niya. Ang sarap pakinggan ng mga tawa niya.

Nasa pangatlong movie na kami ng pinapanood nang humiga si Shaun sa tabi ko. Nakahiga na kaming dalawa sa mahabang couch. Malaya ko tuloy naaamoy ang mabangong katawan ni Shaun. Nawala na ang focus ko sa panonood dahil naging abala na ako sa pag-amoy sa likuran niya.

“Baka maubos ang amoy ko, uy!” sabi niya saka tumawa.

“Ang bango mo, eh,” sagot ko. “Nagpalit ka ba ng pabango?”

“Hindi naman. `Yon pa rin,” sagot niya saka humarap sa akin.

Biglang nagtama ang mga mata naming dalawa. Kitang-kita ko na ang sarili kong imahe sa mga mata ni Shaun na tanging sa akin lang naka-focus ngayon.

Parang for a moment, nawala ang ibang tunog sa paligid. Para akong nabingi. Tanging malakas lang na pagtibok ng puso ko ang tangi kong naririnig.

Naririnig din kaya ni Shaun ang malakas na tibok ng puso ko? Mga tibok na siya ang dahilan?

Todo-pigil ako sa paghinga habang magkatitigan kaming dalawa. Napatingin ako sa mapupulang labi ni Shaun `tapos sa mga mata niya ulit. Titig na titig pa rin siya sa akin.

Saka niya ako biglang niyakap nang mahigpit. Naramdaman kong inamoy niya na naman ang buhok ko kasabay ng paghalik niya sa ulo ko.

“Nakakaadik talaga ang amoy ng ulo mo, Chin,” sabi niya “Kaya ko `tong amuyin forever.”

Bumaon ang ulo ko sa dibdib ni Shaun. Ramdam na ramdam ko tuloy ang malakas na pagtibok ng puso niya. Parehas malakas ang tibok ng mga puso namin.

“I wish we could stay like this forever,” sabi niya. Humina ang boses ni Shaun. Halatang inaantok.

“Like what?” sagot ko.

“Like this. Hugging each other. Being best friends.”

Napakagat ako sa sarili kong labi para pigilan ang mga luha ko.

“Yeah—yeah.” Naging garalgal ang boses ko. “Yeah, we could, too.”

Hindi na sumagot si Shaun. Naramdaman ko na lang na bumigat ang paghinga niya. Pagtingin ko sa mukha niya, natutulog na siya. Napatitig ako sa maamo niyang mukha na mahimbing na natutulog.

I’m so sorry, Shaun. I’m so sorry pero alam kong hindi tayo magiging ganito forever. Sorry dahil hindi na kita nakikita bilang best friend ko. Sorry kung tinatago ko sa `yo ang nararamdaman ko. Sorry for secretly loving you, Shaun. Sorry. I’m really sorry.

Saka ako pumikit para pigilan ang mga luhang gusto na namang kumawala sa mga mata ko.

Shaun was too close to me yet so far. So effin far.