For Everyday, For Every You, I Love you.
CHINNIE is still peacefully sleeping beside me.
Halatang napagod siya dahil anong oras na rin kaming dalawa nakatulog kaninang madaling-araw. Dito kasi sa condo ginanap `yong birthday ni Arjon. Ang ending, kaming dalawa ang naglinis ng mga kalat hanggang sa sumilip ang araw. May araw na nang nakatulog kaming dalawa.
Hinawi ko ang buhok ni Chinnie na tumatakip sa mukha niya. Bigla akong napangiti nang makita ko nang buo ang maamo niyang mukha. She’s so damn beautiful. Not beautiful like those famous models in magazines or stunning actresses these days. But beautiful in a way that you just want to lie down beside her and stare at her face like it is the sunset. So mesmerizing and lovely.
Gumalaw si Chinnie habang nakatitig ako sa mukha niya. Yumakap siya sa akin `tapos ginawa niyang unan ang dibdib ko. Saka ako biglang napangiti. Ewan ko ba kung bakit. O, baka sobrang saya ko lang talaga. Sobrang saya ko lang dahil kahit ang daming nangyaring iyakan sa pagitan naming dalawa ni Chinnie, muli pa rin kaming nagkabalikan. Oh, shit. Bakit ako naluluha.
Maraming ibig sabihin ang totoong kaligayahan sa mundong `to. May iba’t ibang version ang bawat tao kapag tinanong mo sila kung ano ba ang ibig sabihin ng tunay na kaligayahan para sa kanila.
Pero kung ako ang tatanungin n’yo? Kung itatanong n’yo sa akin kung ano ba talaga ang totoong kaligayahan? I will proudly say this. Itong yakap-yakap ako ni Chinnie. Simple lang pero makahulugan. Ito `yong isa sa mga moments na hinding-hindi matutumbasan ng kahit ano.
“Hey, Chinnie Marie,” pagkausap ko sa kanya kahit tulog siya. “I love you so much to the point I can’t say it anymore because I just want to cry.”
“I heard you,” bigla siyang nagsalita at tumingin sa akin. “Kanina ka pa gising?”
I smiled. “Yeah,” sabi ko. “Hindi na kita ginising kasi ang sarap-sarap ng tulog mo.”
“Ah, ganoon ba?” sabi niya pagkatapos napatitig sa akin. “Hala, Shaun. Anong oras na?”
Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding.
“Ten AM pa lang. Why?” nagtataka kong tanong. “Two PM pa natin susunduin sila Mommy sa airport.”
Ngayong araw uuwi sila Mommy at Daddy galing USA. Nakakuha raw kasi si Daddy ng one month vacation kaya bigla-bigla, napagdesisyunan na umuwi. Kaya nga kinakabahan ako. Binantaan kasi nila akong dalawa na kapag may ginawa raw ako kay Chinnie, umpisahan ko na raw maghanap ng bagong mga magulang. Mas anak pa ang turing nila kay Chinnie kaysa sa akin. Amp.
“Alam ko!” sagot ni Chinnie saka napabangon. “Pero eleven AM ang start ng awarding sa Art Competition!”
“Holy shit!” Napabangon din ako. “Oo nga pala!”
“Ugh! Bakit nawala sa isip ko!” Tumayo na si Chinnie. “Mag-ayos ka na. Baka mahuli tayo doon.”
Hindi na hinintay ni Chinnie `yong sagot ko dahil tumakbo na siya papuntang kuwarto niya. Dito kasi kami sa sala ng condo natulog na dalawa. Halatang natataranta na.
Natawa na lang ako sa inasal ni Chinnie, saka napailing-iling. Hindi talaga siya makakapayag na hindi siya makapunta sa awarding ng Art Competition dahil kahit naman sino ay ganoon din ang mararamdaman. Lalo na kung si Chinnie ulit ang nanalo bilang grand prize winner.
Biruin n’iyo `yon? Si Chinnie ulit ang nanalo this year. Two consecutive years na siyang nanalo.
Hindi ko alam kung ano ang subject ng painting niya ngayon dahil hindi niya ito pinapakita sa amin nila Bea habang ginagawa niya. Iniiwan niya `to sa Art Club ng school at tanging siya lang at `yong professor sa Art Club ang nakakaalam. Kahit anong pagpilit ko sa kanya na sabihin sa akin kung ano ba ang pininta niya this time, ayaw talaga. Hintayin ko na lang daw ang awarding.
Sumuko na lang ako na kulitin siya dahil kapag sinabi ni Chinnie na ayaw niyang sabihin, hinding-hindi talaga niya sasabihin. Alam niyang kahinaan ko siya kaya nag-e-enjoy siya na asarin ako.
“Shaun! Ano ba?” Sumigaw si Chinnie mula sa kuwarto niya. “Mag-ayos ka na nga!”
Nataranta akong tumayo. “Ito na, boss. Ito na nga, o. Nag-aayos na.”
Napailing-iling na lang ako at dumeretso na rin sa sarili kong kuwarto para mag-ayos.
Natataranta talaga ako kapag sumisigaw `tong si Chinnie, eh. Pakiramdam ko kasi kapag nakagawa na naman ako nang ikakagalit niya, bigla niya na naman akong iiwan. `Yon ang ayaw na ayaw kong mangyari. Iwan na ako ng lahat huwag lang siya. Hell no. Never in my freaking life.
NASA sasakyan na kaming dalawa ni Chinnie at bumabyahe patungong venue kung saan magaganap ang awarding ceremony. Katatapos niya lang i-text sina Bea at sinabing papunta na kami. Malapit na rin daw sila ni Arjon. Aba’t sabay pang pupunta ang dalawa. Magkasama pa rin ba sila?
Kita mo `yong dalawa na `yon? Pansin ko lang lately na super close sila. Ayoko na lang magtanong kung anong mayroon dahil hindi ako tsismoso. Pero nakakapagtaka lang kasi kung minsan. Parang sila na hindi. Ewan. Mas complicated pa sa Calculus ang dalawang `yon.
Anyway, sina Lucas at Raphael ay `andoon na rin daw. Malapit lang kasi ang bahay ni Lucas sa venue. Doon nag-overnight si Raphael sa bahay nina Lucas after ng party kanina sa condo. Hindi ko rin alam kung anong meron sa dalawang kaibigan ko na `yon. Ayokong isipin dahil nakakataas ng balahibo. Pero kung saan sila masaya, susuportahan ko naman sila. Huwag lang sanang mangyari ang iniisip ko.
“Ano ba ang subject mo sa painting?” curious kong tanong kay Chinnie nang huminto ang sasakyan dahil sa traffic light. “Sabihin mo na kasi.”
“Ayaw,” matigas niyang sagot. “O.” Saka niya sinubo sa akin `yong sandwich.
Hindi na namin nagawang kumain ng lunch dahil mahuhuli na nga kami. Gumawa na lang tuloy si Chinnie ng sandwich na kinakain namin ngayon habang bumabyahe. Sinusubuan niya lang ako dahil nagmamaneho ako. Mas pabor `to sa akin dahil nai-spoil ako ni Chinnie.
“Ayaw pa kasing sabihin,” sagot ko habang ngumunguya.
“Malalaman mo rin naman `yon. Huwag ka na ngang makulit,” sagot niya habang kumakain din.
“Aba, Chinnie Marie, pinagtataasan mo ako ng boses?” Pinandilatan niya lang ako ng mga mata. “Hehehe. Joke lang, sweetheart. Sige lang. Pagtaasan mo lang ako ng boses hanggang magsawa ka.”
`Langya. Isang masamang tingin lang talaga sa akin ni Chinnie tumitiklop na agad ako.
Habang patuloy sa pagbabyahe, nakikinig kami sa isang radio station. May isang segment doon `yong radio announcer kung saan nakikipag-usap siya sa mga caller na nagko-confess.
Ang caller ngayon ay umamin na nag-two timing. Parehas niya raw mahal `yong dalawa at hindi alam kung sino ang pipiliin niya. Naguguluhan daw ang puso niya.
“It’s not love,” pagkomento ni Chinnie. “Hindi mo masasabing parehas mong mahal ang dalawa tao at the same time. Palaging mas may angat sa dalawa.”
“I think it’s possible,” tugon ko naman.
Tumingin sa akin si Chinnie na kunot ang noo. “You can’t be in love with the two persons at the same time, Shaun. Ano bang klaseng utak mayroon kayong mga lalaki? Hindi ka pwedeng ma-in love sa dalawang tao `tapos sasabihin mo hindi mo alam kung sino ang mas angat!”
“I can,” proud kong sagot. “In fact, I can love three persons at the same time.”
“What the—”
“Wait, hindi pa ako tapos. Pakinggan mo muna ang sasabihin ko.” Tumawa ako. “I can love three persons at the same time. Like I love your past version. I love your present version. And for sure, I’d also love your future version. Those are three versions of you so I can love those three persons at the same time.”
“Alam mo? Ang korni mo!” kunwaring naiinis na sagot niya pero namula naman siya.
“Sus, pero nag-blush ka?” pangangasar ko sa kanya. “One point for Shaun. Hey, can I stop the car?”
“Why?” nagtataka niyang tanong.
“So I can kiss you?”
“No need to stop the car,” sabi niya. “Ako na ang lalapit sa `yo para lang i-kiss ka.”
`Tapos biglang lumapit si Chinnie sa akin at hinawakan ang ulo ko saka ako mabilis hinalikan sa mga labi.
Hindi agad ako nakapag-react sa ginawa niya. Napansin kong nakangisi siya.
“You’re blushing, Shaun,” natatawang sabi niya. “One point for Chinnie.”
“It’s ten points, sweetheart,” sabi ko. “Ten points for you.”
Saka kami nagtawanan dalawa ni Chinnie.
Shit. I was really in love with her.
Dumating na kami sa venue pagkatapos lumipas ng ilang minuto. Nakita ko na agad `yong kotse ni Arjon, saka kotse ni Lucas na nakaparada. Nasa loob na raw sila at nakaupo. Magkahawak kami ng kamay ni Chinnie nang pumasok kami sa loob ng venue. Pinagtitinginan kami ng mga tao.
“Chin, bakit sila nakatingin sa akin?” nagtataka kong tanong. “Masyado bang maganda `tong girlfriend ko kaya tumitingin sila? They’re jealous.”
Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya.
“Baliw,” nahihiya niyang sagot. “Sa `yo sila nakatingin. Masyado ka kasing gwapo.”
And because of what she said, I blushed again.
Nang pumasok na kami sa isang malaking kuwarto kung saan mismo gaganapin ang awarding, humiwalay na sa akin si Chinnie. Doon kasi siya mauupo sa harap habang ako naman na audience ay nakahiwalay. Sa kabilang side ako umupo kung saan nakita kong nakaupo sila Bea.
“Pare, wazzap!” bati sa akin ni Lucas. Katabi niya si Raphael.
Sina Rap at Arjon naman ay tinanguan lang ako. `Tapos si Bea naman inirapan ako. Problema ba nito sa akin? Palaging bad trip kapag nakikita ako. Inis yata siya sa mga gwapo. `Sabagay, mas gwapo kasi ako nang hindi hamak kay Arjon, eh. Ganoon talaga kapag gwapo kinaiinisan.
“Gusto mo ng inumin?” tanong ni Arjon kay Bea. “Bibili lang ako.”
Tumayo si Arjon, saka naglakad palabas. Kaming apat na lang ang naiwan dito.
“Ikaw, Rap, gusto mo rin ng drinks?” tanong ni Lucas kay Raphael.
“Pakibili na lang ako,” sagot naman ni Rap. “Hindi ako makalakad, eh. Masakit ang likod ko.”
Tumawa si Lucas. “Nasobrahan `ata tayo kagabi, `no?”
Lumaki ang mga mata ni Bea. “ Jusko. Pwede ba `yang ganyang usapan? Inyo na lang? Huwag n’yo nang iparinig sa amin? Kasi nakakataas lang ng balahibo.”
“Ano bang masama sa sinabi ko? Sabi ko lang naman nasobrahan kami ni Rap kagabi,” sagot naman ni Lucas. “`Di ba, Rap, sumakit naman talaga ang katawan mo?”
“Alam mo, p’re? Manahimik ka na lang nga. Ako na lang ang bibili.” Tumayo na si Rap at naglakad.
Napansin naming tatlo na parang iika-ika maglakad si Rap at nahihirapan.
“Tangina,” napamura si Bea habang takip-takip ang bibig niya. “Bakit ganyan siya maglakad. Anong ginawa mo sa kanya, Lucas? Magsabi ka! Anong ginawa mo kay Raphael!”
Tumawa nang tumawa si Lucas. Sobrang lakas. Kaya napatingin `yong ibang tao sa kanya.
“Wala akong ginawa diyan,” sagot niya. “Huwag kang mapanghusga, Bea. `Di ba, p’re?”
“Huwag mo kong idamay diyan, Lucas,” sagot ko naman na nakatakip din sa bibig. “Nasusuka lang ako sa mga naiisip ko sa `yo. Manahimik ka na lang, okay?”
“Grabe naman `tong mga `to sa akin. Wala kaming ginagawang masama ni Rap,” sagot ni Lucas. “Kahit kailan, hindi naging masama ang pagmamahalan, `di ba?”
“Ugh! Too much information. Erase. Erase,” Bea groaned kaya tumawa na naman si Lucas.
Nagpatuloy na ang awarding ceremony. Unang binigyan ng award `yong mga nanalo sa Elementary and High School Division. Then next ang College Division kung saan nanalo si Chinnie.
Ipinapakita sa screen ng malaking flat screen TV `yong mga picture ng mga painting. `Yong original daw kasi ay nakasabit na sa labas. Para makita ng ibang tao na.
Habang binibigay ang award doon sa first runner up, nagsalita si Arjon.
“Anong subject ng painting ni Chinnie ngayon?”
“Hindi ko rin alam.” Si Bea ang sumagot. “Hindi niya rin pinakita sa akin.”
“Ikaw ba, p’re?” tanong sa akin ni Rap. “Alam mo?”
“Hindi rin, eh.” Umiling ako. “Secret daw.”
“Next for this year grand prize winner—o, siya rin pala ang nanalo last year?” pagsasalita ng host kaya napatingin na kami sa harapan.
“Ang galing, ah. Two consecutive wins na siya. Anyway, for this year grand prize winner for Art Competition College Division, please do welcome, Miss Chinnie Marie Mulach.”
Nagpalakpakan ang mga tao pero mas nangibabaw `yong palakpak nina Bea at Lucas.
“Woooh! Best friend ko `yan!” proud na sagot ni Bea.
“Woooh! Ex-girlfriend ko `yan. Patay na patay pa rin sa akin `yan—aray pota!” napamura si Lucas dahil sabay-sabay kami nina Raphael at Bea na bumatok sa kanya.
Tinuon ko ang pansin ko sa platform nang umakyat na si Chinnie. Parang nahihiya pa siya kaya lalong lumaki ang ngiti ko. I was so damn proud. Gusto kong sumigaw na girlfriend ko `yan. Pero huwag na lang. Dahil tiyak lalo lang mahihiya si Chinnie kapag ginawa ko `yon.
Pumalakpak na lang ako habang nakikipag-shake hands siya doon sa mga naging judge.
“Alam ko na curious kayo kung ano ang painting ni Miss Mulach. Kaya hindi na natin papatagalin pa. For this year Art Competition Grand Prize Winner entitled ‘Everyday, Every You.’”
Tutok na tutok lahat ng mga mata ng mga audience sa flat screen TV.
Nang lumabas na ang painting ni Chinnie, biglang tumaas ang balahibo ko. Napa-wow lahat ng tao sa nakita nilang painting. Si Lucas nga na nasa tabi ko, napamura pa. Ang galing daw ni Chinnie.
`Yong painting ni Chinnie ay dalawang bata. Isang batang lalaki at isang batang babae. Parehas nakaupo `yong batang lalaki at batang babae sa damuhan. May sugat `yong batang lalaki sa tuhod niya `tapos hinihipan ng batang babae `yong sugat.
Those memories.
Lalong lumaki ang ngiti ko nang makita ko `yong painting. Napailing-iling ako nang maramdaman kong naluluha ako nang dahil doon.
“Sino `yang dalawang bata?” tanong sa akin ni Lucas. “Kilala mo Shaun?”
Hindi ko siya sinagot dahil nakatuon lang ang pansin ko kay Chinnie sa stage.
“Who are these kids?” tanong ng host kay Chinnie.
“Me and my…” nahihiyang sagot ni Chinnie. “And my best friend.”
“Best friend lang?”
“Boyfriend na ngayon.” Ngumiti si Chinnie pagkatapos biglang tumingin sa akin.
“So, siya rin `yong subject mo sa painting last year?” tanong ulit ng host kaya tumango si Chinnie. “May I know the reason why you painted him last year?”
“Because he is the kind of guy you would want to be your best friend as well your boyfriend,” tugon ni Chinnie. “The kind of guy you would want to be with you everyday and to love the every piece of you.”
“So deep,” narinig kong pagsasalita ni Arjon.
“Yeah,” si Lucas naman. “Nakita ko nga si Adele doon. Nagro-rolling.”
Nag-flash din sa flat screen TV `yong caption ng painting ni Chinnie. Binasa ko ito.
I fell deep in love with your heart.
But I fell deeper in love with your soul.
And for everyday, I know for sure that, I will fall even deepest in every you.
--CMM/ 05-19-XX/ Grand Prize Winner (Art Competition).
Damn those words. They made me cry.
Nagkatinginan ulit kaming dalawa ni Chinnie at parang for a moment, siya na lang ang nakikita ko. Nawala bigla ang mga tao sa paligid. Parang kaming dalawa na lang ang natira.
“I love you,” I mouthed to her. “For everyday, for every you.”
Ngumiti lang siya habang may luhang nagningning sa gilid ng mga mata niya.
No words were needed because those tears meant that she loved me so much too.
For everyday, I am in love in every you. In every piece of you.
I love you, my best friend, my girlfriend, my everything, my life, my soul mate, and my eternity.
I love you.
For everyday, for every you.
I would not end our story with these cliché words The End.
Because for us, this is only...
THE BEGINNING OF OUR LIFETIME STORY.
- Wakas -